Share

04

Author: Macho Papa
last update Last Updated: 2023-11-20 17:25:08

Hindi pa ako agad nakakilos ng iwanan niya ako sa kuwarto. Sinandal ko ang aking ulo sa headboard ng kama at sandaling nag-isip.

Wala na. Wala na ang virginity ko na iniingatan ko. Kahit naman magaslaw ako at bulgar magsalita, pinapahalagahan ko ang virginity ko. 

Bumuntong hininga ako. Ngayon ko lang lubos naunawaan si Camila sa kaniyang ginawa. 

Para sa pamilya at mahal mo sa buhay magagawa mo talaga ang mga bagay na ni sa panaginip ay hindi mo magagawa. 

Pero ano pa nga ba ang magagawa ko? Nandito na. Ang perang ito ang magpapabago sa buhay namin. Sa buhay ng pamilya ko. 

Sabi ko isang beses lang. Sabi ko hindi ako gagaya sa iba na hindi na nakaahon dahil mas pinili nilang mamuhay nang marumi. Pero ano 'to at nakigaya din ako. Katulad na ako. Pumayag ako na masadlak sa lusak para sa pera. 

Huminga ako nang malalim saka dahan-dahan nang umalis ng kama. Nagpunta ako ng banyo para maghilamos at makapagbihis na din. 

Nilagay ko ang paper bag na naglalaman ng pera sa loob ng aking mumurahing bag. 

Paglabas ko ng kuwarto, may isang malaking mama ang naghihintay sa akin. Wala syang imik na giniya ako hanggang sa elevator, hanggang sa labas ng building.

Naglakad siya hanggang sa taxi na nakaabang sa labas. 

Pinagbuksan niya ako ng pintuan. Nang makasakay ako, sya na din mismo ang nagsara. Lumapit siya sa driver ng taxi at nag-abot ng isang libo. 

"Pakihatid siya nang maayos sa pupuntahan niya," bilin niya dito. 

Bilin kaya ito sa kaniya ng lalakeng iyon? Malamang! Tauhan niya ito kaya malamang na ang ginawa nito ay utos ng kaniyang amo. 

Kinilig ako. Hindi ako naniniwala sa sinabi niyang masama siya. Mabuti siyang tao. Ang sweet pa niya. 

Hindi kaya may gusto siya sa akin? Binayaran na niya ako. Bakit kailangan pa niya akong ipahatid sa kaniyang tauhan. 

Hindi na mawala-wala ang ngiti sa aking mga labi habang nasa biyahe ako. 

Mag-uumaga na ng makarating ako sa bahay namin. Tulog pa ang mga kapatid ko, samantalang si nanay naman ay naghahanda na sa pagpasok sa palengke. 

Hindi ko alam kung tutuloy pa siya sa palengke kapag naiabot ko na sa kaniya ang pera. 

"Inumaga ka na yata," sambit niya habang ang kaniyang mga mata ay nasa tasa ng kape na hawak niya. 

"Naghanap po ako ng pera," sagot ko naman. Doon pa lang niya ako tinignan. 

"May nahanap ka bang pera?" 

"Opo, saglit lang po at magbibihis lang ako."  Ang laki ng ngiti niya sa mga labi nang marinig niya ang sagot ko. 

Pumasok ako ng banyo para magbihis at para na din kumuha ng pera. Hindi niya puwedeng makita ang malaking pera na hawak ko. 

Paglabas ko, inabot ko kay nanay ang one hundred fifty thousand.

Umiyak si nanay habang nakatingin sa pera na hawak niya. 

"Aalis na ako," paalam niya. Hindi na niya inubos pa ang kaniyang kape. 

Umalis siya ng bahay para magpunta na ng prisinto. May nasaksak si tatay nang nakaraan na makipag-inuman ito, kaya nasa kulungan siya ngayon. 

Ang iba sa pera ay para sa bail ni tatay at ang iba naman ay ibibigay doon sa nasaksak niya. 

Tinignan ko ang natirang pera. Para ito sa bibilhin kong bahay para sa kanila. Hindi na sila puwede dito. Lalo na si tatay. Baka kasi balikan siya ng ilan sa mga kamag-anak nang sinaksak niya. 

Nahiga ako pero hindi ako dalawin ng antok. Sobrang sakit ng aking katawan lalo na ang aking panggitna. Pero hindi naman ako makatulog, lalo at naiisip ko ang malaking halaga ng pera na nasa ilalim ng aking unan. 

Kaya imbes na magpahinga pinili ko na lang na makipagkita doon sa kausap kong nagbebenta ng bahay. Rights lang ang bahay kaya abot kaya ang presyo. 

Una kong pinuntahan ang barangay para i-check kung iyong kausap ko ba ang totoong may-ari ng bahay. Sinigurado ko na din kung wala bang ibang may-ari katulad na lang kung may napagsanlaan itong iba. 

Nang sabihin ng punong barangay legit ang kausap ko, nakipag-deal na ako at agad binayaran. Ang kasulatan na nilagdaan namin ay pinanotaryo din namin. 

Bukas puwede nang lumipat sina nanay dito. Hindi ako sasama sa kanila dahil maghahanap ako ng trabaho sa Manila. Malayo kasi ito doon. Sasakay pa ng tricycle saka apat na beses na sasakay ng jeep. May tindahan ang bahay kaya ito ang napili ko. Magtinda-tinda na lang sina nanay at tatay para may pagkaabalahan sila at pagkakitaan kahit paano. 

Hindi sa bahay matutulog si tatay mamayang gabi, dahil baka sumugod ang mga kamag-anak ng sinaksak niya. Gusto naming makasigurado. Kahit naman lasenggo siya, ayaw naman namin na mapahamak siya. Mabait naman si Tatay huwag lang talagang kakantiin.  

"T-Talaga?" hindi makapaniwalang tanong ni nanay nang sabihin ko sa kaniya na nakabili ako ng bahay na lilipatan nila ng mga kapatid ko. 

Gaya kanina hindi man lang siya nagtanong at nagtaka kung saan galing ang pera. 

Masaya silang nagligpit ng mga gamit namin, para bukas madali na lang maghakot pagdating ng sasakyan na maghahakot ng mga gamit papunta doon. 

Hindi amin itong bahay na tinitirhan namin. Illegal settler kami dito at ide-demolished na din ito sa susunod na buwan. Wala daw relocation site dahil hindi ito sa gobyerno. 

NAGING abala ako hanggang sa sumunod na araw. Nag-text ako kina Camila at Amanda na hindi muna ako makakadalaw sa kanila. 

Magugulat ang mga iyon kapag sasabihin ko na doon na ako makikitira sa kanila. Wala kasi silang alam sa nangyari sa akin. Ayaw ko silang bigyan ng stress lalo at nagpapagaling pa lang si Amanda. Si Camila ay buntis din. 

Nilalagnat ako at sobrang sakit ng aking katawan pero hindi pa muna ako puwedeng magpahinga. Sinigurado ko muna na maayos na at komportable ang mga magulang at kapatid ko. Bumili ako ng mga kutson para sa kanila. Bumili ako ng refrigerator at nag-grocery ako para sa tindahan ni nanay. 

"Salamat, Anak..." Niyakap ako ni tatay. Umiiyak siya. Samantalang si Nanay naman ay nakatayo lang sa sulok at hindi man lang ako niyakap katulad ni tatay. Ang mga kapatid ko ay walang humpay din na nagpapasalamat sa akin. 

"Salamat sa malambot na higaan, Ate."

"Salamat sa bahay, Ate."

"Salamat sa tinadahan."

"Salamat sa komportableng bahay."

Pero si nanay wala man lang sinasabi. Nakakasama talaga ng loob. Hindi ko alam kung anak ba niya ako. 

Mabait naman si Nanay. Hindi naman niya ako sinasaktan. Hindi lang talaga niya kami pantay-pantay kung ituring. 

Kung bakit ko binenta ang aking sarili, iyon ay dahil plano niya akong ibenta doon sa matandang lalake na may-ari ng palengke. Desperada na marahil kaya hindi na siya makapag-isip ng tama. Kaya pati anak niya kaya niyang mapahamak. 

Kaysa ang matandang iyon ang makinabang sa aking katawan, pinili kong lapitan iyong may-ari ng club noon na pinuntahan namin ni Camila. 

Galit na galit ito nang makita niya ako. Nilunok ko na lang ang pride at hiya ko at sinabi ko na kailangan ko ang tulong niya. 

Tinawanan lang niya ako. Ang sabi'y bakit di ko na lang daw pinatulan iyong may-ari ng palengke. Hindi ako makapaniwala na pati siya ay alam ang bagay na iyon. 

Pinaalis lang niya ako. Halos ipatapon pa niya ako sa labas ng kaniyang tanggapan. 

"May dala kang malas! Umalis ka dito!" sigaw niya sa akin. 

Sakto namang paglabas ko ng bahay aliwan, may lumapit sa akin na babae. Nasa kaniyang twenties ito. Maganda ang kurba ng katawan, may suot na sexy na damit at makapal ang kaniyang make up sa mukha.

"Gusto mo ba ng pagkakakitaan?" tanong niya sa akin. 

"May alam ka ba?" 

"Oo naman. Malaki sila magbigay." Naengganyo ako sa sinabi niya kaya sumama ako. Desperada na din ako. 

Nagpunta kami sa isang club. Hindi siya mukhang club o sadyang iba lang talaga ang club ng mayayamang tao. 

Pinakiusap niya ako sa magandang babae na sinasabi niyang manager. 

Sakto namang kulang daw sila ng babae ngayong gabi kaya kinuha niya ako.  Pinaayusan niya ako at pinagsuot ng sexy na damit. 

Pagkatapos ay pinahelera kami sa labas. Nakakahiya! Nakabalandra ang aking mukha sa labas kung saan dumadaan ang ilang mga sasakyan. 

Napatingin ako sa mga kasamahan ko. Kapag may humihintong sasakyan, agad silang lumalapit dito. 

May unang huminto na sasakyan sa tapat ko pero nang makita ko na matanda ito, tinanggihan ko. Iyong babae na kasunod ko ang sumama. Goodluck sa kaniya. 

Ayaw ko ng matanda! Baka mamatay pa siya sa ibabaw ko. 

"Magkano?" tanong ng sunod na huminto sa tapat ko. Lumapit ako at kinapalan ko na talaga ang aking mukha. 

"Two hundred thousand," sabi ko na kinangiwi niya. "Virgin ako." 

"Sorry, ayaw ko sa virgin at walang kuwenta sa kama." 

Ano?! Halos umusok ang aking ilong sa kaniyang sinabi. 

Nawalan na ako ng pag-asa. Mag-iisang oras na akong nakatayo pero wala pa ding kumukuha sa akin. 

May isa kanina nag-alok ng fifty thousand. Hindi ko pinatos. 

May huminto ulit na sasakyan sa tapat ko. Tamad ko itong nilapitan. Nagbukas ang passenger seat pero hindi muna ako agad pumasok. Kailangan muna naming magkasundo sa presyo. 

Yumuko ako at sinilip ang driver. Napasinghap ako nang makita ang kaniyang mukha. 

Kuwatro, singko, sais, siyete! Ang guwapo! Ang macho-macho pa! 

"Hop in," tamad niyang utos. 

Tamad siyang tumingin sa akin nang hindi pa ako agad nakakilos. 

"Hindi ka ba puwede?" tanong niya ulit sa seryoso at masungit na tono. 

"Kaya mo ba ang presyo ko?" tanong ko naman. 

Pagak siyang tumawa. "How much?" taas kilay niyang tanong. 

"Two hundred," nakangisi kong sagot. 

"One hundred, " tawad naman niya na kinanganga ko. Mukhang ito na ang hinihintay ko. 

"One hundred eighty," nakanguso kong sambit. 

"One hundred five," hirit naman niya. 

"Virgin pa ako..." Nagtaas siya ng kilay saka ako pinasadahan ng tingin. 

"One hundred fifty," aniya. Napanganga na naman ako. 

"Papasukan na ng langaw ang bunganga mo. Sasama ka ba o hindi? You're wasting my time."

Ang sungit, huh? 

"Heto na nga!" Sumakay ako at agad na din niyang pinaharurot ang kaniyang sasakyan. 

Mabuti na lang at naging choosy ako kanina. 

Sabi ng kasama ko kanina puwede ko naman daw kitain ang one hundred fifty thousand. Sa tatlong lalake daw. Dios ko! Isang beses ko lang 'tong planong gawin! 

Nawalan ako ng gana sa aking ginagawa nang maalala ko ang lahat ng nangyari, pati na din sama ng loob ko para kay nanay. Maayos na ang buhay nila ngayon, pero ni minsan hindi ko man lang narinig na nag-thank you siya Pero kahit masama ang loob ko sa kaniya, buwan-buwan pa din akong nagpapadala ng pera sa kanila. 

Ang lagi lang niyang sinasabi, huwag daw akong mag-aasawa muna. Pag-aralin ko daw muna ang mga kapatid ko.

Pagtatapusin ko naman talaga sila sa kanilang pag-aaral. Kahit mag-asawa ako hindi ko pa din sila pababayaan. 

Pinulot ko ang aking celphone nang may mag-text. Galing ito kay Kevin. Mamaya na daw ang kasal nila ni Camila. 

Agad-agad! Parang kanina lang siya nag-propose, a? 

Sana all na lang kay Camila. Nakatuluyan niya ang lalake na kumuha sa kaniya para maging baby maker. 

Napakagat labi ako nang maisip ko din ang lalake na unang karanasan ko. Nagkita kami ulit at magkikita pa ulit. 

Hindi kaya siya na din ang destiny ko? 

Napangisi ako. Paano nga kaya kung siya na ang nakatakda para sa akin? 

Thank you na agad, Lord. 

"Hindi ka ba dadalo?" tanong ko kay Amanda. Nasa harap siya ng kaniyang laptop at gumagawa ng report. 

Dumaan muna ako dito sa shop para kunin ang pera na idedeposito ko sa bangko. 

"Tignan ko," iyon ang sagot niya. Hindi ko na lang din siya pinilit pa. Naiintindihan ko kung bakit. Tiyak na mauunawaan din ito ng kaniyang kapatid kung hindi siya dadalo. 

"Hintayin kita doon," sabi ko sa kaniya bago ako umalis ng shop. Tipid lang siyang ngumiti. 

PAGKATAPOS ko sa bangko, nagpunta na ako sa mansyon ng mga Antonio. Habang nasa biyahe ako, nagsimula nang kumalabog ang aking dibdib. 

Hindi naman ako ang ikakasal pero bakit ganito na lang ang nararamdaman ko ngayon. 

At napagtanto ko kung bakit nang makita ko ang lalake na nasa unahan, katabi ito ni Don Antonio. 

Nandito din siya! Bakit siya nandito? 

Kamag-anak ba siya nina Kevin? Pinsan? Tiyuhin o ano? 

Related chapters

  • Sold for one night   05

    Pinilit kong ituon ang buong atensyon ko sa nangyayaring kasal. Iniwasan kong mapatingin sa kaniya kahit pa panay ang bulong sa akin ni Amanda. "Kaano-ano kaya nila iyong isa na katabi ni Don?" kuryosong tanong ni Amanda. "Lily, tumingin na naman siya dito..." bulong ulit ni Amanda. Hindi ko tuloy mapigilang tignan din ang lalake. Nakatingin nga siya sa akin. Ang mga mata niya'y nakangiti at ang isang gilid ng labi ay nakaangat. "Bakit siya ganoon tumingin?" tanong ulit ni Amanda. "Aba malay ko! Lapitan mo at tanungin mo.""Ito naman!" KAPATID daw ito ni Kevin sabi ni Camila. Hindi ako makapaniwala na magkakapatid ang mga unang lalake sa buhay naming tatlo. Walang alam sina Camila at Amanda tungkol sa madilim na nakaraan ko hanggang ngayon. Pinili kong ilihim ito sa kanila dahil una, ayaw kong dumagdag sa problema nila noon. Pangalawa ayaw kong magalit sila sa akin ngayon. Hindi ako gaanong naging komportable sa paninitig ni Darius sa akin. Walang hiya niya ako kung titigan. Ki

    Last Updated : 2023-11-24
  • Sold for one night   06

    Kahit nalasing ako kagabi, maaga pa din akong nagising. At hindi ko maintindihan kung bakit hanggang sa paggising ko ay siya agad ang laman ng aking isipan.Gusto kong sabunutan ang aking sarili dahil tila apektadong-apektado ako sa nangyari. May inis at panghihinayang akong nararamdaman. Hindi ko maarok kung para saan ang panghihinayang na iyon. Kung si Darius lang naman. Ang dami namang lalake diyan. Pare-parehas lang naman silang may buntot sa harapan. May mahahanap pa akong iba. Iyong mas malaki pa kaysa sa kaniya. Napangiwi ako. Malaki na masyado iyong kaniya. Dapat iyong kasing-size lang niya o puwede namang tamang size lang basta magaling ang kaniyang performance. Iyong kayang patirikin ang mga mata mo at kaya kang dalhin sa langit ng ilang beses sa isang gabi. Muli akong napangiwi nang imahe ng mga ginawa namin noon at ginawa niya sa akin kahapon, ang biglang lumitaw sa aking isipan. Kailangan ko na yata talagang magpadilig. Seseryosohin ko na talaga ang pakikipag-date.

    Last Updated : 2023-11-24
  • Sold for one night   07

    After that talk, hinatid niya ako sa bahay. Inalalayan niya ako sa paglabas ng kaniyang sasakyan hanggang sa makapasok ako sa pintuan ng bahay. All I thought, dadalhin niya ako sa aking kuwarto. Pero nang may lumapit na katulong, agad niya akong binigay dito at walang imik na umalis. Umalis siya na hindi nagsasalita. Hindi man lang nagawang magpaalam. Some ramdom thoughts bothered me while laying in bed. Did he changed his mind now? Hindi na ba niya ako sisingilin? Hindi na ba tuloy ang usapan? Did he prefer his money back? Kung ganoon, hintayin na lang niya na bumalik si Camila. Or maybe I could sell some of my jewelries. Hindi ko alam kung bakit may panghihinayang na naman akong nararamdaman? Gosh! Nababaliw na ata ako.Natapos ang isang araw sa shop na hindi siya nagparamdam. No text message, he didn't really show up. There's this feeling inside me that I can't understand and I don't wanna entertain. Kailan pa ako naging attached sa isang lalake? Siguro kulang lang ako sa i

    Last Updated : 2023-11-24
  • Sold for one night   08

    Napatingin siya sa akin ng ilang sandali. Tila pinag-aaralan niya ako ng maigi, binabasa ang aking iniisip. "Are you scared?" tanong niya, habang salubong ang kaniyang kilay at seryosong nakatingin sa akin. Tinitigan ko siya. Hindi magawang magsalita. Mula sa seryoso at mapaglarong tingin unti-unting nagbago ang kaniyang ekspresyon. Suddenly he look worried. He sighed. And then cupped my face before I can feel his lips on mine. He kiss me gently. It was like he was trying to calm me down with the gentleness of his kiss. Nakakapanibago na napakasuyo ng kaniyang halik. "Whenever you're ready," bulong niya sa akin bago niya ako binuhat. Awtomatiko namang pinaikot ko ang aking mga binti sa kaniyang bewang upang hindi ako mahulog. Ang kaniyang isang braso ay nakasuporta sa aking pang-upo, habang ang isa naman ay nakahawak sa aking batok, habang patuloy niya akong hinahalikan. And then his lips change pace. From being gentle lamb, into a wild hungry beast. I moaned. Waves of pleasur

    Last Updated : 2023-11-24
  • Sold for one night   09

    Hindi ko kita ang kaniyang mukha at hindi ko man lang siya magawang hawakan kahit gustong-gusto ko.Patuloy ang kaniyang mga labi sa pagpapaligo sa aking katawan ng masarap na halik, habang panaka-naka niya itong dinidilaan at sinisipsip. Ang kaniyang daliri ay patuloy sa pagpapadulas sa aking lagusan. Ang tunog ng aking pagkababae, ang aking malakas na paghinga, ang tunog ng kadena at ang kaniyang ungol ay tila naging musika sa aming mga pandinig. I am not that familiar about men his type, but I just do hope that he's enjoying every bit of it. I can't even touch him. Pleasure him, since he wouldn't let me. Pabilis na ng pabilis ang kaniyang mga daliri. Mula sa isa hanggang sa dinagdagan niya, base sa aking nararamdaman. I was so close... Uhm... Lumiyad ako at halos nanigas sa sarap, nang gumapang mula sa aking anit hanggang sa dulo ng aking mga daliri sa paa ang nakakakiliting sensasyon. Like the first time. He didn't stop pulling and pushing his fingers in and out of my wet c

    Last Updated : 2023-11-24
  • Sold for one night   010

    Our eyes met. And I was lost of words. Tipid siyang ngumiti at hinaplos ang aking buhok na siyang kinapikit ko. Pinikit ko ang aking mga mata para namnamin ang sandaling ito. Niyakap naman niya ako ng mas mahigpit. Nakakapanibago talaga ang inaasta niya ngayon. May kaunting pagkailang ako na nararamdaman, pero ang mainit na pakiramdam mula sa kaniyang mga yakap ay nakapagbigay sa akin nang masarap na pakiramdam. Parang gusto ko tuloy isipin na boyfriend ko ang taong 'to, na gaya ng sinabi niya sa doktor na kausap niya kanina. Kaso agad ding naputol ang pangangarap ko ng gising, nang malala ko ang tungkol sa utang na binabayaran ko sa kaniya, kaya ako nandito ngayon. Well, hindi na muna mahalaga iyon sa akin. Enjoy-in ko na lang ang mga ganitong sandali sa piling niya. Mga sandaling kailangan niya ako. Mga sandaling mag-iinit kami at magsasalo sa masarap na kamunduhan. Ilang minuto kaming tahimik. Ang tanging ingay lang na maririnig ay ang aming mga paghinga at ang tibok ng aming

    Last Updated : 2023-11-24
  • Sold for one night   011

    Iniwasan kong mag-isip ng kung ano-ano'ng bagay na kung tutuusin ay dapat wala akong pakialam, dahil wala naman akong karapatan. Pinayapa ko ang aking isip hanggang sa mahimbing akong nakatulog sa tabi ni Darius. Nang magising ako kinaumagahan, medyo maayos na ang aking pakiramdam. Though I still feel a little bit sore and a little discomfort in between my thighs. Tulog pa si Darius sa aking tabi. Ang lalim ng kaniyang pagtulog. Bumangon ako at bumaba ng kaniyang kama. I went to the bathroom to freshen up. Naghilamos ako at nag-toothbrush. Umihi ako at hinugasan ko ang aking pempem gamit ang binili ni Darius kahapon na feminine wash. "Bakit?" tanong ko nang biglang magbukas ang pintuan ng banyo. "I thought you leave..." sambit niya gamit ang inaantok na boses. "Bakit naman ako aalis nang walang paalam?" tanong ko.Sa totoo lang iyan ang nasa isip ko kagabi na gawin. But... I decided not to. Hindi ako pabebe para gawin iyon. Umiling lang siya. "Ikaw ang nagdala sa akin dito, kay

    Last Updated : 2023-11-24
  • Sold for one night   012

    "Nabusog ako..." Hinimas ko ang aking tiyan, saka tumayo na. Uuwi na ako sa bahay at doon magpapahinga. Gusto ko lang matulog nang matulog, dahil bukas papasok na ulit ako sa trabaho. Parang tinatamad na akong maligo. Sa bahay na lang. Kukunin ko lang sa kaniyang kuwarto ang purse ko. Mag-taxi na lang akong pauwi, para hindi ko siya maabala pa. Baka may iba pa siyang gagawin ngayong araw. "Diyan ka lang?" tanong ko kay Darius nang nanatili lang siya sa kaniyang kinauupuan. Taimtim at walang imik siyang nakatingin sa akin. "Saan ka pupunta?" tanong naman niya sa halip. "Sa taas, kukunin ko lang ang gamit ko, tapos uuwi na ako." "Uuwi ka na agad?" Sa tono niya parang ayaw niya akong pauwiin. Kumunot ang aking noo. "Mag-swimming tayo," aya niya sa akin, sabay baling sa gawi ng swimming pool. Nagkamot ako ng ulo. Dapat minemenos niya din sa utang ko ang mga oras ko na sinasayang lang niya, e. Ngumuso ako at hindi agad sumagot. Gusto ko ng umuwi, e. Tapos siya naman parang naghah

    Last Updated : 2023-11-24

Latest chapter

  • Sold for one night   045

    Pinukpok niya ang mesa gamit ang kaniyang kamao. Hindi ko mapigilang nakaramdam ng inis para kay Tatay. Pasaway pala siya at sakit sa ulo. "Pero sinikap kong ipagsawalang bahala ang lahat. Hindi naman niya sinabi na mamahalin niya ako nang kinuha niya ako. Ang bata lang ang concern niya. Hindi naman niya inuuwi sa bahay ang babae niya kaya ayos lang. Pero nasasaktan ako. Buntis ako, tapos sobrang sama ng aking loob." "Hanggang sa isang gabi hindi siya umuwi ng bahay. Ilang oras na akong naghihintay, nag-aalala na din ako. Bukod doon may gusto din akong kainin. Lumabas ako ng bahay kahit kabilin-bilinan niya na huwag na akong lumalabas kapag ganiyan na gabi na. Kaso gusto ko talagang kainin ang gusto ko. Sa madalas nilang iniinuman, napadaan ako. Nakita ko na may katabi siyang babae at nakaakbay siya dito. At halos umusok ang ilong ko sa galit nang halikan siya ng babae... Nakita ako ng isa sa kainuman niya. Tinuro ako. Mabilis namang tumayo ang Tatay mo sa kaniyang kinauupuan. Nag

  • Sold for one night   044

    HINDI pa tapos ang lahat pero nagpasya na si Darius na umuwi kami ng Pinas, dahil kailangan siya sa kanilang kompanya. Pagkatapos nang mahaba at nakakapagod na flight, sinundo kami ng kanilang mga tauhan sa airport kasama ang ilang mobil ng pulis, upang masiguro ang aming kaligtasan. Hindi din biro ang kalaban. They were big and also powerful. Malaya pa din sila dahil walang sapat na ebidensya na direktang nagtuturo sa kanila na may kinalaman sila sa mga nangyari. Dumaan muna kami sa aking pamilya bago kami dumiretso sa mansyon ng mga Antonio. Ilang buwan pa lang ang lumipas pero parang ang lahat ng nangyari ay tila kahapon lamang. Masakit pa din sa dibdib. Ang sakit ay tila bumalik at hindi man lang nabawasan sa ilang buwan na lumipas. I was so deppress and my anxieties are getting worst and always kicking in. It's killing me. Kaya nagpasya si Darius na kumbinsihin akong magpa-treatment. I didn't fully recovered yet. Not just yet. Hindi ko alam kung kailan pa ako makaka-recove

  • Sold for one night   043

    MARAHAN kong binuksan ang aking mga mata. Ramdam ko ang paghapdi ng mga ito kaya muli akong pumikit. Nanginginig at nanlalambot ang buo kong katawan. Masakit ang aking ulo. Pero wala ng mas sasakit pa sa nararamdaman ko ngayon. Ang sakit. Ang sakit ng aking puso. Nasaan ako? Muli kong minulat ang aking mga mata. Nasa isang silid ako. Hindi ito pamilyar. Hindi ito sa bahay ni Darius at lalong hindi sa kuwarto niya sa mansyon. Panaginip... Panaginip lang ba ang lahat? Sa nanginginig at nanghihinang boses, tinawag ko si Darius. Pero hindi niya ako sinagot Dinig ko ang lagaslas ng tubig galing sa banyo. Marahil ay naliligo siya. Naupo ako at sinandal ang aking likod sa malambot na headboard ng kama. Nagmuni-muni saglit. Iniisip ang mga nangyari. Tinignan ko din ang aking suot. Nakasuot ako ng terno na pajama. Hanggang sa nabulabog ako dahil sa malakas na kulog at sobrang laking mga kidlat. Sa sobrang takot ko, tumalon ako ng kama at nagkubli sa gilid. Naalala ko ang mga putukan n

  • Sold for one night   042

    "Ubusin mo," marahang sambit ni Darius sa isang baso ng tubig na inabot niya sa akin. Panay ang sinok ko dulot ng matinding pag-iyak. Wala pa ding tigil ang pagbuhos ng mga luha mula sa aking mga mata. Inabutan niya ako ng tissue upang maisinga ko ang aking sipon. Sinipon na din ako kakaiyak. Para din akong magkakasakit. Nanginginig ang aking katawan at nanlalamig ang aking mga kamay at talampakan. Sa tuwing nanghihina ako at tila sinasaksak ng kutsilyo ang aking puso, napapasigaw na lang ako dahil sa sakit na nararamdaman ko sa aking dibdib. Ano'ng kasalanan nina Tatay at mga kapatid ko para gawin sa kanila iyon?Ang mga kapatid ko, ang liliit pa nila. Ang Tatay... Ang tatay ko. "D-Darius... Ang sakit," iyak ko at mahigpit siyang niyakap. Hinaplos niya ang aking likod. He keeps on murmuring some words to make me feel better, but it isn't working. Namatay ang Tatay at dalawang kapatid ko. May namatay din na dalawang tao, na nadamay nang magpaulan ng putok ng baril, ang dalawan

  • Sold for one night   041

    Hanggang ngayon ay parang naririnig ko pa din ang boses ni Nanay. Anak ako ni Tatay sa ibang babae. Hindi ako anak ni Nanay. Hindi siya ang tunay kong ina. Kung ganoon, sino ang tunay kong ina? Nasaan siya? Bakit niya ako binigay kay Tatay? Bakit pumayag siya na iba ang kilalanin kong ina? Hindi ba niya ako mahal, kaya basta na lang niya akong binigay kay Tatay at sa asawa nito? Marahang hinaplos ni Darius ang aking pisngi, ang mga luhang namalisbis mula sa aking mga mata ay tinuyo niya gamit ang kaniyang panyo. Mababakas ang pagkaawa at pag-aalala sa kaniyang mukha habang nakatunghay sa akin. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman pagkatapos ng mga nangyari. Pagkatapos nang katotohanan na naisiwalat sa aking harapan. Hindi ako mahal ni Nanay. Lagi ko noon naiisip ang bagay na ito, pero pilit kong kinukumbinsi ang sarili ko na mahal niya ako. Madami lang kaming magkakapatid kaya nahahati ang atensyon niya. At heto nga, hindi niya talaga ako anak. Paano ba magagawa n

  • Sold for one night   040

    UMAASA ako na dadating si Darius. Umaasa ako at naghihintay sa kaniya. Ililigtas niya ako. Si Tatay. Sana malaman niya na may kinalaman sina Nanay sa nangyari sa akin. Tinulak ako ng mga lalake papasok ng silid kaya nadapa ako. Lumapit ang isa sa akin at pagkatapos ay tinalian muli ang kamay at paa ko. Pagkatapos ay iniwan ulit akong mag-isa. Naririnig ko ang mga boses nila mula dito. Nagtatalo-talo na sila tungkol sa pera. Gusto ng iba ang milyones na nasa bank account ko. Pero paano nila iyon makukuha? Hindi ko iyon puwedeng withdraw-hin over the counter. Kung gagawin ko iyon, tiyak na kalaboso ang aabutin nila. They're out of their mind. Hindi nila alam ang ginagawa nila. Wala silang plano at walang maayos na pag-iisip. GUSTO kong makausap si Onad. I shout and call his name. Sa huling pagkakataon, gusto kong bigyan siya ng tiyansa. Kapatid ko siya. Ate niya ako kaya umaasa ako na pakikinggan niya ako. Na pakakawalan niya ako. At ipapangako ko na hindi sila makukulong. "Ona

  • Sold for one night   039

    I don't want to die yet...Muli akong napasigaw nang tangkaing basagin ang salamin ng aking sasakyan. Sa sobrang takot halos hindi na ako huminga sa kakasigaw"Babe, can you hear me?! Lilienne!""D-Darius! Ayaw ko pang mamatay!""Ah!" Yumuko ako nang tuluyan nang mabasag ang bintana ng aking kotse. "Baby! Lilienne!""A-Ano po ang kailangan niyo sa akin? Wala akong perang dala..." Nanginginig na ako sa matinding takot. Nakasuot ng helmet ang mga lalake kaya hindi ko sila mamukhaan. Hindi sila nagsalita at basta na lang nilang tinakpan ang bibig ko ng panyo. I tried to scream and ask for help but there's no other car passing by at this moment. "D-Darius..." And then, everything went black. WHAT happened? Sobrang sakit ng ulo ko. At nang maalala ko ang nangyari, muling nabalot ng matinding takot ang aking pagkatao. Madilim. Wala akong makita. Ang kamay ko ay nakatali. Nangangalay ang aking katawan. "Mmmm!" Ang bibig ko ay mayroon ding busal. Ang lalamunan ko'y nanunuyo din. Oh

  • Sold for one night   038

    NAPATINGIN ako kay Camila nang kumatok siya sa may hamba ng pintuan dito sa opisina. "Ayos ka lang?" Tumango ako at pagkatapos ay muli kong tinutok ang aking mga mata sa laptop. "Gusto mong pag-usapan natin?" tanong ulit niya. Hindi kumbinsido sa pagtango ko. Nagkatinginan kami. Tinaas niya ang isang kilay niya. Bumuntong hininga ako at tipid na ngumiti. "Ang lalim ng iniisip mo. Nag-away ba kayo ni Darius?" Naupo siya sa chair na nasa tapat ko. "Ayos naman ako. Ang dami ko lang mga iniisip lately." "Problema?" Hindi ako nagsalita. "Kaibigan mo ako, Lily. Napansin ko na hindi ka na gaanong nagsasabi sa akin. Hindi porke, may asawa na ako. Wala na akong pakialam sa'yo."Pumasok ng opisina si Amanda. Hindi siya nagsalita nang mapansin ang kaseryosohan sa mukha namin ng kapatid niya. Kinuwento ko sa kanila ang tungkol sa nangyari, noong nakaraang gabi, kaya ako umuwi. Pati na din ang nangyari kahapon sa bahay. "I don't know what to say. But..." Umiling si Camila. I know she's g

  • Sold for one night   037

    NASA bahay na si nanay pagdating ko. Hanggang ngayon ay umiiyak pa din ang mga kapatid ko. Si Nanay naman ay inaalo ang mga ito. "Naglabada ako kaya wala ako kanina," sambit ni Nanay nang makita niya ako.Lumapit sa akin ang iba kong mga kapatid. Nanginginig pa ang mga ito dahil sa takot sa nangyari kanina. Sabay-sabay na kinukuwento ang nangyari kanina lamang. "Tahan na. Huwag na kayong umiyak, okay?" Pinaghahalikan at niyakap ko sila isa-isa. "May kapitbahay na nagpunta doon para sabihin ang nangyari dito."Hindi na muna ako nagsalita at sumagot sa sinasabi ni Nanay. Hindi na muna ako nagtanong. Inalo ko ang mga kapatid ko at pinapakalma. Nagpa-deliver na lang din ako ng pagkain sa isang fastfood, para kahit paano sumaya ang mga bata. Pinauna na muna namin ang mga kapatid ko na kumain. Pagkatapos kumain, pinaliguan ko na sila at pinatulog. "ANO na naman ang kaguluhan na kinasangkutan mo?" galit na tanong ni Tatay pagdating na pagdating pa lang niya. Naiyak si Nanay at sinabi

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status