Kahit nalasing ako kagabi, maaga pa din akong nagising. At hindi ko maintindihan kung bakit hanggang sa paggising ko ay siya agad ang laman ng aking isipan.
Gusto kong sabunutan ang aking sarili dahil tila apektadong-apektado ako sa nangyari. May inis at panghihinayang akong nararamdaman. Hindi ko maarok kung para saan ang panghihinayang na iyon. Kung si Darius lang naman. Ang dami namang lalake diyan. Pare-parehas lang naman silang may buntot sa harapan. May mahahanap pa akong iba. Iyong mas malaki pa kaysa sa kaniya. Napangiwi ako. Malaki na masyado iyong kaniya. Dapat iyong kasing-size lang niya o puwede namang tamang size lang basta magaling ang kaniyang performance. Iyong kayang patirikin ang mga mata mo at kaya kang dalhin sa langit ng ilang beses sa isang gabi. Muli akong napangiwi nang imahe ng mga ginawa namin noon at ginawa niya sa akin kahapon, ang biglang lumitaw sa aking isipan. Kailangan ko na yata talagang magpadilig. Seseryosohin ko na talaga ang pakikipag-date. Imbes na magmukmok, inagahan kong pumasok ng shop. Nagpaka-busy ako sa mga report. Ngayong araw ang alis nina Camila papunta sa kanilang honeymoon, kaya nadagdagan ang trabaho namin ni Amanda. Nagawa kong libangin ang aking sarili. Nawala siya sa aking isipan pero pagsating ng tanghalian, nasayang ang effort ko na iwaksi siya sa isipan ko. Gusto kong magmura nang biglang sumulpot si Darius dito sa shop. Hindi ko alam kung ang pamangkin ba talaga niya ang kaniyang sadya o ako dahil panay ang sulyap niya sa akin. Hindi ko siya pinansin. Mabilis kong tinapos ang aking pagkain at aagd nang tumayo. Bumalik ako sa opisina para ituloy ko ang aking trabaho. Pero ang lintik, sinundan talaga ako! “Are you avoiding me? Why are you avoiding me, hmmm?”Umiwas ako nang tangkain niya akong lapitan. He stayed still nang ginawa ko iyon. Mabuti at hindi na siya nagpumilit pa. Nanatili siyang nakatayo sa harapan ng mesa habang mariing nakatingin sa akin. “May trabaho ako,” malamig kong sambit sa kaniya, habang sinisimulan ko nang magtipa ulit sa laptop. “Wala akong trabaho kaya dito lang ako,” sagot naman niya na kinairap ko.“Just do your job. I’ll stay here and wait ‘til you tell me your reasons why are you avoiding me..”Hindi ako sumagot. Nagbingi-bingihan ako. Ginawa ko ang trabaho at ni minsan ay hindi ko siya tinapunan ng tingin. Hindi ko alam kung bakit siya nandito.Ah… May utang nga pala sa kaniya na dapat bayaran. Hintayin niya na makabalik si Camila galing honeymoon. Babayaran ko siya kasama pa ang interes para wala na siyang masabi. “Are you... disappointed about the... video?” marahan niyang tanong. Mahina at halos hirap siyang sambitin ito.Bumuntong hininga ako pero hindi pa din makapagsalita dahil hindi ko maisip kung ano ang dapat sabihin ko sa kaniya. Si Camila ang biktima pero mukhang maayos naman na sila. Pero sa akin, hindi iyon okay. Kahit pa sabihin na okay na, nakaraan na, apektado ako. Huminga nang malalim si Darius. Akala ko magagalit siya sa pananahimik ko, dahil maiksi ang kaniyang pasensya pero wala siyang naging imik na naupo sa sofa na nasa gilid. “Bakit hindi ka pa umaalis? Hindi ito tambayan. Kung gusto mong tumambay, doon ka sa labas. Um-order ka doon ng maiinom at makakain," saad ko habang matalim na nakatingin sa kaniya. “Ang sungit,” bulong-bulong niya pero nakarating pa din sa aking pandinig. Inirapan ko siya pero ngiti lang ang sinukli niya sa akin. Lumabas tuloy ang maliit niyang dimple na nakadagdag sa kaniyang kaguwapuhan.Bwisit! Dapat hindi ko siya pinupuri, e. “Ano ang best seller niyo dito?” tanong niyang bigla. “Punta ka sa cashier, at doon ka magtanong.” Umiling-iling siya. “Mag-dinner tayo pagkatapos ng trabaho mo. I know your upset, disappointed or whatever about the video. I’ll explain it to you. Naipaliwanag ko na ito kay ni Camila at nagkaayos na din kami." “Are you disappointed? Maayos pa naman tayo noong isang gabi at kahapon sa restroom, di ba?” Namula ang aking pisngi nang banggitin niya ang tungkol sa restroom. At talagang pinaalala pa niya sa akin iyon. “Umalis ka na nga! Iniistorbo mo ako!” sigaw ko sa kaniya. Mahina siyang natawa. “Oo na nga. Ang sungit talaga. Mabuti na lang…” pabitin niyang salita. “Ano?!” inis ko namang tanong. Wala kang mapapala sa akin, naiinis talaga ako sa'yo. Umiling siya at matamis na ngumiti.“Wala. Ang ganda mo at ang sexy-sexy pa.” Napatingin ako sa aking cleavage kung saan nakatuon ang kaniyang mga mata. Sinamaan ko siya ng tingin saka kinuha ang aking blazer na nakasampay sa swivel chair. “Bakit mo pa tinakpan? Wala naman, eh..” “Bastos! Kung wala bakit panay ang tingin mo? Halos lumuwa na nga ang mga mata mo!” Inayos ko ang aking blazer habang nakasimangot. Tumawa siya. “Hmmm… did it grow? Did it got bigger?" Aba! Nilalait ba niya ako? Sa sobrang inis ko, binato ko sa kaniya ang ballpen. “Argh… aggressive. I like it,” tudyo pa niya na halos ikausok ng aking ilong. Masama ko siyang tinignan saka tinuro ang pintuan. Mabuti na lang at umalis siya. Ininis muna ako ng gago bago siya umalis. INAYA NIYA akong mag-dinner kanina pero hanggang sa magsara na ang shop hindi siya dumating. Mabuti naman, isip-isip ko pero may bahagi sa aking isipan ang hinahanap siya. "May something sa inyo ni Darius," sabi ni Amanda habang nasa biyahe kami papuntang bar. "Pinopormahan ka ba niya?" "Hindi," maiksi kong sagot. "Hindi? Bakit ka niya sinundan hanggang sa opisina kung hindi?" "Trip lang niya akong asarin," pairap ko namang sagot. Totoo naman. "Hmm... Doon iyon nagsisimula." Tumawa siya pero tamad na ngiti lang ang sinagot ko. "What? Ayaw mo ba sa kaniya kung sakali? I mean, he's hot. Oh-so-hot!" "Eh di, du'n ka na! Kung ayaw sa'yo ni Franco doon ka naman sa isa!" Napanganga si Amanda sa aking sinabi. "Ano?!" hindi makapaniwalang tanong niya sa akin. "Bakit ako? Ikaw nga ang sinasabi ko, e." "Kung ano-ano ang sinasabi mo, Amanda..." Tumingin ako sa bintana upang ipakita ang kawalan ng interes ko sa usapan. "May nililihim ka sa akin. Sa amin ni Camila. I can feel it, Lily. Bakit ka ganiyan?""Wala. Overthinker ka lang." WALA PA kaming isang oras na nagpa-party umuwi din kami agad. Nawawala si Divine! Naikot na ng mga tauhan ang buong village pero hindi nila ito makita. Kahit napipilitan d-in-ial ko ang numero ni Darius upang hingan ng tulong. Mabuti at mayron akong number niya. Binigyan niya ako ng kaniyang calling card, mabuti na lang pala hindi ko pa tinatapon. Wala si Kevin na maaring hingan ng tulong para paganahin ang kaniyang koneksyon kaya wala akong choice kundi kausapin ang kaniyang kapatid. Nakailang ring lang ito nang may sumagot. Pero agad ko din itong pinatay nang marinig ko ang boses ng isang babae. Namutla ako, habang ang puso ko ay pumipintig ng mabilis at malakas. Ayaw ko mang mag-isip ng kung ano-ano pero hindi ko mapigilan. Kaya pala hindi niya tinupad iyong dinner na sinasabi niya kanina. Mukhang nag-iba na ang gusto niyang gawing dinner. Ano kaya ang ginagawa nila ng babae na iyon ngayon? Nakailan na sila? Nakakainis! Wala akong pakialam! Ilang minuto lang ang lumipas nang makatanggap ako ng tawag mula kay Darius. Ayaw ko mang sagutin pero kailangan siya ni Amanda. "Miss me? Bakit ka napatawag?" bungad niya sa akin. Ang yabang huh. Paano niya nagagawang umaktong ganiyan habang kasama ang sino mang babae na kasama niya ngayon. Agad kong binigay kay Amanda ang celphone para sila ang mag-usap. Dumating din siya agad sa bahay. Kahit paano may kabutihan naman pala siya, lalo at kita ko ang pag-aalala niya para sa kaniyang pamangkin. Mabuti naman at kahit paano pala, mabait siya. Sabagay, lahat naman ng masama may mabuti pa ding side. Kahit paano may nagawa din naman siyang kabutihan sa akin noon kahit na may kapalit. Pero kahit na ganoon, hindi pa din puwede. Ekis pa din siya sa akin. Kamuntik mapahamak sa kaniya si Camila at isa pa. Ayaw ko ng kagaya ni Franco na may hang over pa sa kanilang past para sa aking kaibigan. Panay ang sulyap niya sa akin pero hindi ko siya pinapansin, kahit na ang totoo ay gusto kong itanong kung sino ang babaeng kasama niya kanina. Urgh! Bahala nga siya! IT WAS confirmed! Si Franco ang kumuha kay Divine. Ang gago! Napuyat tuloy kami dahil sa kaniya. NGAYON, mukhang mag-isa na lang ako sa buhay. Napag-iwanan na ako ng magkapatid. Sa mansyon na titira ang mag-ina at maiiwan na akong mag-isa sa malaking bahay ni Camila. Pero kahit na malungkot mag-isa, masaya ako para kay Amanda. Nakikita ko ang biglang pagbabago ng pakikitungo sa kaniya ni Franco, hindi tulad nitong mga nakaraang mga araw na halos isumpa siya nito. Ngayon, iba na. He's a little bit softer. Sooner or later, magiging maayos na din sila. Magiging buo na silang pamilya. Nakakainggit. I wanted to have a family of my own also. BUMALIK ulit kami ni Amanda sa club para magsaya. At kasama na din sa pakay namin doon ang mag-spot ng mga guwapong mga papabols. Pero ang dalawang magkapatid na Kevin, hinahadlangan ang aming kasiyahan. Pinapaharangan nila sa mga bouncer at bodyguard ang mga lalakeng lumalapit sa amin. Nakakagigil talaga ang bwisit na Darius na iyon! "Hangga't hindi tayo tapos sa ating kasunduan, you are not allowed to see other men... You are not allowed to flirt. I won't even allow you to look at them."Ano?! "Ano'ng kasunduan, wala tayong kasunduan. Iyong pera mo, ibabalik ko iyon kasama pa ang interes! Pati oras mo na nasayang." "Talaga? Tingin mo sapat ang pera mo sa bangko para bayaran ang lahat ng iyon?" "Pina-check mo ang laman ng bank account ko?" Ang walang hiya! Ngumisi lang siya sa akin. "Uutang ako kay Camila," mabilis kong sagot. "Hmmm... Kung ako na lang kaya magsabi kay Camila." "Gago ka! Subukan mo lang talaga, Darius! Makakatikim ka talaga sa akin!" pagbabanta ko sa kaniya. "Patitikimin mo ako? I like it!" Hinampas ko siya sa kaniyang braso sa sobrang inis. Pero ang damuho, tuwang-tuwa pa talaga siya. "Alam mo, hindi ko ugaling mamilit ng babae, dahil babae ang kusang lumalapit sa akin." Eh di, ikaw na guwapo! "Eh di, doon ka sa mga babaeng iyon!" giit ko naman. "Kaso hindi ko sila gusto. Ikaw ang gusto ko..." nakangiti niyang sagot. "Hindi mo ako gusto, Darius... Ang gusto mo lang ay masulit iyong pera na binayad mo noon sa akin." Umiling-iling siya at bumuntong hininga. "Sige lang, Lilienne. Mag-inarte ka lang hangga't napagpapasensyahan pa kita," hindi ko alam kung may banta ba ang kaniyang sinabi. At ano'ng sabi niya? Maarte ako? "Mag-inarte? Hoy, hindi ako maarte!" "Eh, ano ang dahilan bakit ka bigla na lang umiwas. Ang ayos ng usapan natin. Sabagay, hindi ka naman marunong tumupad sa usapan." "Ano'ng hindi?" "Noon, ang usapan natin bumalik ka. Bumalik ka ba?""Oo, bumalik nga ako. Kahit ipa-review mo pa ang CCTV. Bumalik ako!""Pero hindi sa araw na napag-usapan natin.""May lagnat ako, Darius! Ano, plano mo akong patayin?""Kung matino kang kausap. Nagpunta ka pa din. Ano ako walang puso na kahit may sakit ka gagalawin pa din kita.""Ganoon ang matinong kausap..."Umirap ako. Tama naman siya. Ano'ng magagawa ko. Pagod na pagod ako. Ang bigat ng katawan ko at halos hindi na ako makatayo mula sa pagkakahiga. "Tapos ngayon, hayan ka na naman. Maayos na ang deal natin..." Umiling-iling siya. "Ako ang nagdala kay Camila noon sa club na iyon dahil hiningi niya ang tulong ko. At kung hindi ako nakahingi ng tulong, baka napaano na siya noon sa inyo. At syempre sisisihin ko ang sarili ko dahil ako nga ang nagdala sa kaniya doon." "Tapos nilabas mo pa ang video na iyon. For what? Para sirain ang kasal nila? Kapatid mo si Kevin, Darius! Tapos ginawa mo ang bagay na iyon. Mabuti na lang talaga at nagkaayos silang mag-asawa. Pasalamat ka at mabait si Camila." Mariin siyang nakatitig sa akin. "Iyong nangyari noon sa club nakahingi na ako ng sorry kay Camila. And thank you sa pagliligtas mo sa kaniya that night." Bumuntong hininga ito. "I have changed now. Wala ba akong karapatang magbago?" "At saka, iniisip mo talaga na ako ang naglabas ng video na iyon? Kung may masama akong balak. Hindi ko ipapalabas ang video na iyon pagkatapos ng kasal nila. Gagawin ko iyon bago ang kasal." "And if you're thinking that I have some feelings or interest for Camila. You're wrong."After that talk, hinatid niya ako sa bahay. Inalalayan niya ako sa paglabas ng kaniyang sasakyan hanggang sa makapasok ako sa pintuan ng bahay. All I thought, dadalhin niya ako sa aking kuwarto. Pero nang may lumapit na katulong, agad niya akong binigay dito at walang imik na umalis. Umalis siya na hindi nagsasalita. Hindi man lang nagawang magpaalam. Some ramdom thoughts bothered me while laying in bed. Did he changed his mind now? Hindi na ba niya ako sisingilin? Hindi na ba tuloy ang usapan? Did he prefer his money back? Kung ganoon, hintayin na lang niya na bumalik si Camila. Or maybe I could sell some of my jewelries. Hindi ko alam kung bakit may panghihinayang na naman akong nararamdaman? Gosh! Nababaliw na ata ako.Natapos ang isang araw sa shop na hindi siya nagparamdam. No text message, he didn't really show up. There's this feeling inside me that I can't understand and I don't wanna entertain. Kailan pa ako naging attached sa isang lalake? Siguro kulang lang ako sa i
Napatingin siya sa akin ng ilang sandali. Tila pinag-aaralan niya ako ng maigi, binabasa ang aking iniisip. "Are you scared?" tanong niya, habang salubong ang kaniyang kilay at seryosong nakatingin sa akin. Tinitigan ko siya. Hindi magawang magsalita. Mula sa seryoso at mapaglarong tingin unti-unting nagbago ang kaniyang ekspresyon. Suddenly he look worried. He sighed. And then cupped my face before I can feel his lips on mine. He kiss me gently. It was like he was trying to calm me down with the gentleness of his kiss. Nakakapanibago na napakasuyo ng kaniyang halik. "Whenever you're ready," bulong niya sa akin bago niya ako binuhat. Awtomatiko namang pinaikot ko ang aking mga binti sa kaniyang bewang upang hindi ako mahulog. Ang kaniyang isang braso ay nakasuporta sa aking pang-upo, habang ang isa naman ay nakahawak sa aking batok, habang patuloy niya akong hinahalikan. And then his lips change pace. From being gentle lamb, into a wild hungry beast. I moaned. Waves of pleasur
Hindi ko kita ang kaniyang mukha at hindi ko man lang siya magawang hawakan kahit gustong-gusto ko.Patuloy ang kaniyang mga labi sa pagpapaligo sa aking katawan ng masarap na halik, habang panaka-naka niya itong dinidilaan at sinisipsip. Ang kaniyang daliri ay patuloy sa pagpapadulas sa aking lagusan. Ang tunog ng aking pagkababae, ang aking malakas na paghinga, ang tunog ng kadena at ang kaniyang ungol ay tila naging musika sa aming mga pandinig. I am not that familiar about men his type, but I just do hope that he's enjoying every bit of it. I can't even touch him. Pleasure him, since he wouldn't let me. Pabilis na ng pabilis ang kaniyang mga daliri. Mula sa isa hanggang sa dinagdagan niya, base sa aking nararamdaman. I was so close... Uhm... Lumiyad ako at halos nanigas sa sarap, nang gumapang mula sa aking anit hanggang sa dulo ng aking mga daliri sa paa ang nakakakiliting sensasyon. Like the first time. He didn't stop pulling and pushing his fingers in and out of my wet c
Our eyes met. And I was lost of words. Tipid siyang ngumiti at hinaplos ang aking buhok na siyang kinapikit ko. Pinikit ko ang aking mga mata para namnamin ang sandaling ito. Niyakap naman niya ako ng mas mahigpit. Nakakapanibago talaga ang inaasta niya ngayon. May kaunting pagkailang ako na nararamdaman, pero ang mainit na pakiramdam mula sa kaniyang mga yakap ay nakapagbigay sa akin nang masarap na pakiramdam. Parang gusto ko tuloy isipin na boyfriend ko ang taong 'to, na gaya ng sinabi niya sa doktor na kausap niya kanina. Kaso agad ding naputol ang pangangarap ko ng gising, nang malala ko ang tungkol sa utang na binabayaran ko sa kaniya, kaya ako nandito ngayon. Well, hindi na muna mahalaga iyon sa akin. Enjoy-in ko na lang ang mga ganitong sandali sa piling niya. Mga sandaling kailangan niya ako. Mga sandaling mag-iinit kami at magsasalo sa masarap na kamunduhan. Ilang minuto kaming tahimik. Ang tanging ingay lang na maririnig ay ang aming mga paghinga at ang tibok ng aming
Iniwasan kong mag-isip ng kung ano-ano'ng bagay na kung tutuusin ay dapat wala akong pakialam, dahil wala naman akong karapatan. Pinayapa ko ang aking isip hanggang sa mahimbing akong nakatulog sa tabi ni Darius. Nang magising ako kinaumagahan, medyo maayos na ang aking pakiramdam. Though I still feel a little bit sore and a little discomfort in between my thighs. Tulog pa si Darius sa aking tabi. Ang lalim ng kaniyang pagtulog. Bumangon ako at bumaba ng kaniyang kama. I went to the bathroom to freshen up. Naghilamos ako at nag-toothbrush. Umihi ako at hinugasan ko ang aking pempem gamit ang binili ni Darius kahapon na feminine wash. "Bakit?" tanong ko nang biglang magbukas ang pintuan ng banyo. "I thought you leave..." sambit niya gamit ang inaantok na boses. "Bakit naman ako aalis nang walang paalam?" tanong ko.Sa totoo lang iyan ang nasa isip ko kagabi na gawin. But... I decided not to. Hindi ako pabebe para gawin iyon. Umiling lang siya. "Ikaw ang nagdala sa akin dito, kay
"Nabusog ako..." Hinimas ko ang aking tiyan, saka tumayo na. Uuwi na ako sa bahay at doon magpapahinga. Gusto ko lang matulog nang matulog, dahil bukas papasok na ulit ako sa trabaho. Parang tinatamad na akong maligo. Sa bahay na lang. Kukunin ko lang sa kaniyang kuwarto ang purse ko. Mag-taxi na lang akong pauwi, para hindi ko siya maabala pa. Baka may iba pa siyang gagawin ngayong araw. "Diyan ka lang?" tanong ko kay Darius nang nanatili lang siya sa kaniyang kinauupuan. Taimtim at walang imik siyang nakatingin sa akin. "Saan ka pupunta?" tanong naman niya sa halip. "Sa taas, kukunin ko lang ang gamit ko, tapos uuwi na ako." "Uuwi ka na agad?" Sa tono niya parang ayaw niya akong pauwiin. Kumunot ang aking noo. "Mag-swimming tayo," aya niya sa akin, sabay baling sa gawi ng swimming pool. Nagkamot ako ng ulo. Dapat minemenos niya din sa utang ko ang mga oras ko na sinasayang lang niya, e. Ngumuso ako at hindi agad sumagot. Gusto ko ng umuwi, e. Tapos siya naman parang naghah
Nanghihingi na naman ng pera si nanay. Kakabigay ko lang ng pera four days ago pero nanghihingi na naman ulit. Madami daw gastusin sa school ang mga kapatid ko. Nakapagtapos na ang kapatid ko na sumunod sa akin. Ang usapan namin noon ay, tulungan niya ako sa pagpapaaral ng iba pa naming mga kapatid pero ayun, nag-asawa agad. Ang sumunod naman sa kaniya, magtatapos na dapat pero may incomplete grades last sem. Bumuntong hininga ako. Hindi naman sa nagrereklamo ako. Kaya ko naman silang pag-aralin. Para saan ba ang lahat ng pagsisikap ko, kundi para rin sa kanila?Ang gusto ko lang naman sana ay kumustahin man lang nila ako, hindi iyong magte-text o tatawag lang sila kapag may kailangan lang sila sa akin. Pagkatapos nilang makuha ang gusto nila, hindi man lang magpapasalamat. Wala silang magiging paramdam ng ilang araw. Parang wala akong pamilya, e. "'Nay..." "Bukas," sabi ni Nanay bago pinutol ang tawag at hindi man lang hinintay ang sagot ko. One hundred thousand lang daw. Daw...
"Hindi ka pa ba aalis?" Kanina pa siya gising pero tila wala yata siyang planong umalis. Yakap-yakap lang niya ako habang hinahaplos ang aking buhok. Inaantok ako dahil sa ginagawa niya kaya muli kong pinikit ang aking mga mata. Hanggang sa nakatulog ulit ako. Nagising ako ulit bandang alas-otso na ng umaga. Nandito pa din siya. Ngayon problema ko kung paano siya aalis o lalabas ng bahay na walang nakakakita sa kaniya. Baka mamaya makarating kina Amanda at Camila na may inuwi akong lalake, matinding interogasyon na naman ang mangyayari kapag nagkataon. "Dapat kasi umalis ka na kanina pang madaling araw, e." Sumilip ako sa balcony, pagkatapos ay sumilip ako sa may pintuan ng aking kuwarto. Umiling-iling naman si Darius. Medyo inaantok pa ang kaniyang itsura. "Kinakahiya mo ba ako?" Hindi ko inaasahang tanong niya. Kinakahiya? Para saan? At saka ang ganiyang linyahan ay para lang sa may mga relasyon. Wala naman kaming relasyon, a. "Ewan ko sa'yo," sa dami ng mga salita iyan lang
Pinukpok niya ang mesa gamit ang kaniyang kamao. Hindi ko mapigilang nakaramdam ng inis para kay Tatay. Pasaway pala siya at sakit sa ulo. "Pero sinikap kong ipagsawalang bahala ang lahat. Hindi naman niya sinabi na mamahalin niya ako nang kinuha niya ako. Ang bata lang ang concern niya. Hindi naman niya inuuwi sa bahay ang babae niya kaya ayos lang. Pero nasasaktan ako. Buntis ako, tapos sobrang sama ng aking loob." "Hanggang sa isang gabi hindi siya umuwi ng bahay. Ilang oras na akong naghihintay, nag-aalala na din ako. Bukod doon may gusto din akong kainin. Lumabas ako ng bahay kahit kabilin-bilinan niya na huwag na akong lumalabas kapag ganiyan na gabi na. Kaso gusto ko talagang kainin ang gusto ko. Sa madalas nilang iniinuman, napadaan ako. Nakita ko na may katabi siyang babae at nakaakbay siya dito. At halos umusok ang ilong ko sa galit nang halikan siya ng babae... Nakita ako ng isa sa kainuman niya. Tinuro ako. Mabilis namang tumayo ang Tatay mo sa kaniyang kinauupuan. Nag
HINDI pa tapos ang lahat pero nagpasya na si Darius na umuwi kami ng Pinas, dahil kailangan siya sa kanilang kompanya. Pagkatapos nang mahaba at nakakapagod na flight, sinundo kami ng kanilang mga tauhan sa airport kasama ang ilang mobil ng pulis, upang masiguro ang aming kaligtasan. Hindi din biro ang kalaban. They were big and also powerful. Malaya pa din sila dahil walang sapat na ebidensya na direktang nagtuturo sa kanila na may kinalaman sila sa mga nangyari. Dumaan muna kami sa aking pamilya bago kami dumiretso sa mansyon ng mga Antonio. Ilang buwan pa lang ang lumipas pero parang ang lahat ng nangyari ay tila kahapon lamang. Masakit pa din sa dibdib. Ang sakit ay tila bumalik at hindi man lang nabawasan sa ilang buwan na lumipas. I was so deppress and my anxieties are getting worst and always kicking in. It's killing me. Kaya nagpasya si Darius na kumbinsihin akong magpa-treatment. I didn't fully recovered yet. Not just yet. Hindi ko alam kung kailan pa ako makaka-recove
MARAHAN kong binuksan ang aking mga mata. Ramdam ko ang paghapdi ng mga ito kaya muli akong pumikit. Nanginginig at nanlalambot ang buo kong katawan. Masakit ang aking ulo. Pero wala ng mas sasakit pa sa nararamdaman ko ngayon. Ang sakit. Ang sakit ng aking puso. Nasaan ako? Muli kong minulat ang aking mga mata. Nasa isang silid ako. Hindi ito pamilyar. Hindi ito sa bahay ni Darius at lalong hindi sa kuwarto niya sa mansyon. Panaginip... Panaginip lang ba ang lahat? Sa nanginginig at nanghihinang boses, tinawag ko si Darius. Pero hindi niya ako sinagot Dinig ko ang lagaslas ng tubig galing sa banyo. Marahil ay naliligo siya. Naupo ako at sinandal ang aking likod sa malambot na headboard ng kama. Nagmuni-muni saglit. Iniisip ang mga nangyari. Tinignan ko din ang aking suot. Nakasuot ako ng terno na pajama. Hanggang sa nabulabog ako dahil sa malakas na kulog at sobrang laking mga kidlat. Sa sobrang takot ko, tumalon ako ng kama at nagkubli sa gilid. Naalala ko ang mga putukan n
"Ubusin mo," marahang sambit ni Darius sa isang baso ng tubig na inabot niya sa akin. Panay ang sinok ko dulot ng matinding pag-iyak. Wala pa ding tigil ang pagbuhos ng mga luha mula sa aking mga mata. Inabutan niya ako ng tissue upang maisinga ko ang aking sipon. Sinipon na din ako kakaiyak. Para din akong magkakasakit. Nanginginig ang aking katawan at nanlalamig ang aking mga kamay at talampakan. Sa tuwing nanghihina ako at tila sinasaksak ng kutsilyo ang aking puso, napapasigaw na lang ako dahil sa sakit na nararamdaman ko sa aking dibdib. Ano'ng kasalanan nina Tatay at mga kapatid ko para gawin sa kanila iyon?Ang mga kapatid ko, ang liliit pa nila. Ang Tatay... Ang tatay ko. "D-Darius... Ang sakit," iyak ko at mahigpit siyang niyakap. Hinaplos niya ang aking likod. He keeps on murmuring some words to make me feel better, but it isn't working. Namatay ang Tatay at dalawang kapatid ko. May namatay din na dalawang tao, na nadamay nang magpaulan ng putok ng baril, ang dalawan
Hanggang ngayon ay parang naririnig ko pa din ang boses ni Nanay. Anak ako ni Tatay sa ibang babae. Hindi ako anak ni Nanay. Hindi siya ang tunay kong ina. Kung ganoon, sino ang tunay kong ina? Nasaan siya? Bakit niya ako binigay kay Tatay? Bakit pumayag siya na iba ang kilalanin kong ina? Hindi ba niya ako mahal, kaya basta na lang niya akong binigay kay Tatay at sa asawa nito? Marahang hinaplos ni Darius ang aking pisngi, ang mga luhang namalisbis mula sa aking mga mata ay tinuyo niya gamit ang kaniyang panyo. Mababakas ang pagkaawa at pag-aalala sa kaniyang mukha habang nakatunghay sa akin. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman pagkatapos ng mga nangyari. Pagkatapos nang katotohanan na naisiwalat sa aking harapan. Hindi ako mahal ni Nanay. Lagi ko noon naiisip ang bagay na ito, pero pilit kong kinukumbinsi ang sarili ko na mahal niya ako. Madami lang kaming magkakapatid kaya nahahati ang atensyon niya. At heto nga, hindi niya talaga ako anak. Paano ba magagawa n
UMAASA ako na dadating si Darius. Umaasa ako at naghihintay sa kaniya. Ililigtas niya ako. Si Tatay. Sana malaman niya na may kinalaman sina Nanay sa nangyari sa akin. Tinulak ako ng mga lalake papasok ng silid kaya nadapa ako. Lumapit ang isa sa akin at pagkatapos ay tinalian muli ang kamay at paa ko. Pagkatapos ay iniwan ulit akong mag-isa. Naririnig ko ang mga boses nila mula dito. Nagtatalo-talo na sila tungkol sa pera. Gusto ng iba ang milyones na nasa bank account ko. Pero paano nila iyon makukuha? Hindi ko iyon puwedeng withdraw-hin over the counter. Kung gagawin ko iyon, tiyak na kalaboso ang aabutin nila. They're out of their mind. Hindi nila alam ang ginagawa nila. Wala silang plano at walang maayos na pag-iisip. GUSTO kong makausap si Onad. I shout and call his name. Sa huling pagkakataon, gusto kong bigyan siya ng tiyansa. Kapatid ko siya. Ate niya ako kaya umaasa ako na pakikinggan niya ako. Na pakakawalan niya ako. At ipapangako ko na hindi sila makukulong. "Ona
I don't want to die yet...Muli akong napasigaw nang tangkaing basagin ang salamin ng aking sasakyan. Sa sobrang takot halos hindi na ako huminga sa kakasigaw"Babe, can you hear me?! Lilienne!""D-Darius! Ayaw ko pang mamatay!""Ah!" Yumuko ako nang tuluyan nang mabasag ang bintana ng aking kotse. "Baby! Lilienne!""A-Ano po ang kailangan niyo sa akin? Wala akong perang dala..." Nanginginig na ako sa matinding takot. Nakasuot ng helmet ang mga lalake kaya hindi ko sila mamukhaan. Hindi sila nagsalita at basta na lang nilang tinakpan ang bibig ko ng panyo. I tried to scream and ask for help but there's no other car passing by at this moment. "D-Darius..." And then, everything went black. WHAT happened? Sobrang sakit ng ulo ko. At nang maalala ko ang nangyari, muling nabalot ng matinding takot ang aking pagkatao. Madilim. Wala akong makita. Ang kamay ko ay nakatali. Nangangalay ang aking katawan. "Mmmm!" Ang bibig ko ay mayroon ding busal. Ang lalamunan ko'y nanunuyo din. Oh
NAPATINGIN ako kay Camila nang kumatok siya sa may hamba ng pintuan dito sa opisina. "Ayos ka lang?" Tumango ako at pagkatapos ay muli kong tinutok ang aking mga mata sa laptop. "Gusto mong pag-usapan natin?" tanong ulit niya. Hindi kumbinsido sa pagtango ko. Nagkatinginan kami. Tinaas niya ang isang kilay niya. Bumuntong hininga ako at tipid na ngumiti. "Ang lalim ng iniisip mo. Nag-away ba kayo ni Darius?" Naupo siya sa chair na nasa tapat ko. "Ayos naman ako. Ang dami ko lang mga iniisip lately." "Problema?" Hindi ako nagsalita. "Kaibigan mo ako, Lily. Napansin ko na hindi ka na gaanong nagsasabi sa akin. Hindi porke, may asawa na ako. Wala na akong pakialam sa'yo."Pumasok ng opisina si Amanda. Hindi siya nagsalita nang mapansin ang kaseryosohan sa mukha namin ng kapatid niya. Kinuwento ko sa kanila ang tungkol sa nangyari, noong nakaraang gabi, kaya ako umuwi. Pati na din ang nangyari kahapon sa bahay. "I don't know what to say. But..." Umiling si Camila. I know she's g
NASA bahay na si nanay pagdating ko. Hanggang ngayon ay umiiyak pa din ang mga kapatid ko. Si Nanay naman ay inaalo ang mga ito. "Naglabada ako kaya wala ako kanina," sambit ni Nanay nang makita niya ako.Lumapit sa akin ang iba kong mga kapatid. Nanginginig pa ang mga ito dahil sa takot sa nangyari kanina. Sabay-sabay na kinukuwento ang nangyari kanina lamang. "Tahan na. Huwag na kayong umiyak, okay?" Pinaghahalikan at niyakap ko sila isa-isa. "May kapitbahay na nagpunta doon para sabihin ang nangyari dito."Hindi na muna ako nagsalita at sumagot sa sinasabi ni Nanay. Hindi na muna ako nagtanong. Inalo ko ang mga kapatid ko at pinapakalma. Nagpa-deliver na lang din ako ng pagkain sa isang fastfood, para kahit paano sumaya ang mga bata. Pinauna na muna namin ang mga kapatid ko na kumain. Pagkatapos kumain, pinaliguan ko na sila at pinatulog. "ANO na naman ang kaguluhan na kinasangkutan mo?" galit na tanong ni Tatay pagdating na pagdating pa lang niya. Naiyak si Nanay at sinabi