LloydDumating na galit na galit ang daddy ni Olivia sa ospital. Pareho kaming tumiklop ni Matthew nang kausapin niya kami nang masinsinan."Alam mo, Matthew? Pinagkatiwala ko sa iyo ang anak ko, hindi ba? Nangako ka pa sa akin na poprotektahan mo siya pero anong nangyari, ha?" mainit ang ulo na sigaw ng daddy ni Olivia.Nasa labas kami ng kuwarto ni Olivia habang kinakausap kami habang si Alex naman ang bantay sa mahimbing na natutulog na si Olivia."Sorry po, Tito! Hindi ko naman po ginusto ang nangyari sa kanya, 'eh!" Katuwiran ni Matthew. Nakatungo lamang siya't hindi makatingin nang diretso kay Daddy Oliver. Nahihiya siguro.Akala ko'y si Matthew lang ang pagbabalingan ng sisi ngunit nagkamali ako dahil ilang sandali lang ay ako naman ang pinagsalitaan nang kung ano-ano habang diretso ang tingin sa akin."Isa ka pa, Lloyd! Ipinagkatiwala ko siya sa iyo, hindi ba? Pumayag akong ipakasal siya sa'yo kahit na alam kong masasaktan ang anak ko. Kahit na alam kong ikadudurog niya ang m
OliviaIsang linggo matapos akong makalabas sa ospital ay tumuloy muna ako sa bahay namin kasama si daddy. Sa isang linggo na 'yon, masasabi kong talaga namang natahimik ang buhay ko.Gumigising akong walang maingay na magkapatid na walang tigil na nag-aaway. Gumigising ako nang walang asungot na palaging nagagalit sa akin. Sa makatuwid, masaya akong kahit papaano'y pakiramdam ko ay bumalik na ako sa dating buhay ko bago ako magpakasal kay Lloyd.Kahit papaano, naka-recover na rin ako sa nangyari sa akin at tinulungan ako ni daddy na ma-survive iyon. Pinili niya rin na ilayo na muna ako sa pamilya Montero."Olivia, hiya, gising ka na ba?" saad ni daddy habang kumakatok sa pintuan ko.Nag-unat lamang ako at tsaka bumangon na para pagbuksan nang pinto si daddy. Actually, hindi naman naka-lock iyon. Ewan ko ba kung bakit gusto niyang kumakatok at pinagbubuksan pa siya."Good morning, daddy-" nakangiting bungad ko sa kaniya."Good morning sa pinaka maganda kong anak! Halika na't nakahanda
Lloyd"Buti naman at pumunta ka dito, Lloyd! I miss you so much, Baby!" sambit ni Francheska.Pagpasok ko pa lang ng pinto ay sinunggaban na niya ako. She tried to kiss me but I pushed her away."What's wrong with you, Lloyd? Dati naman ay gustong-gusto mong hinahalikan ka kahit na sa pinto pa lang." Hindi na gano'n ka taas ang energy niya habang sinasabi niya iyon.Hindi ko pa rin siya sinagot. Hindi ako nagsalita. I just close the door and hold her hand. Pagkatapos ay hinila ko siya papunta sa salas at doon siya binitawan. Napalakas pa nga ang pagkakabitaw ko, dahilan para mapaupo siya sa sofa."Ano bang problema mo, ha? Kanina pa ako naaasar sa'yo, ha?!" sigaw niya sa akin."Let's end this!" sa wakas ay nasabi ko rin.Napa-kunot noo siya matapos marinig ang sinabi ko. Nagkunwari pa siya na hindi narinig ang sinabi kaya pinaulit niya pa iyon sa akin."I said, let's end this relationship, Francheska! Ayoko na."Tumawa siyang bigla dahil sa sinabi ko. Saka siya tumayo sa harapan ko at
OliviaDaddy and I decided na pumunta sa mansiyon ng pamilya Montero. Buo na kasi ang loob ni daddy na kausapin ng personal ang kaibigan niyang si Richard tungkol sa amin ni Lloyd.Noong una'y hindi ako sumang-ayon. Naguguluhan rin kasi ako at kinakabahan na rin pero sabi ni daddy, hindi raw niya ako bibigoin. Kung ano man daw ang maging resulta ng mapag-uusapan ay malugod niya iyong tatanggapin.Nang dumating kami sa bahay ng mga Montero, sinalubong kami ni Yaya Tessy."Ma'am Olivia! Mabuti naman po at nakabalik na kayo." Bungad sa amin ni Yaya Tessy na may hawak pang floor mop."Nandiyan ba si Richard? Nandiyan ba ang amo mo?" Deretsong sambit ni daddy."Wala po dito si Don Richard. Maaga po silang umalis para puntahan 'yong bago nilang negosyo.""Bagong negosyo?" magkasalubong ang dalawang kilay na tanong ni daddy."Opo, Sir Oliver. Pinuntahan po nila 'yong resort na ibinenta kay Don Richard.""Sinong kasama niya, Yaya Tessy?" tanong ko naman."Iyong magkapatid po. Pinag-drive po s
LloydThat was a tiring day. Dapat ay hindi na ako sumama sa meeting na 'yon dahil palagi namang si Matthew ang nakikita ni daddy. Ang kapal talaga nang lalaking 'yon. Porket sa kaniya ipinangalan 'yong resort, nagmamayabang na.Makikita niya. Papatunayan kong mas magaling ako sa kaniya.Kahit hindi maganda ang simula ng araw ko, may maganda pa ring nangyari. Nang magpasya ako na umuwi na lang at magpahatid kay Zander, pagpasok ko sa kwarto ko ay tumambad sa akin si Olivia.Talagang natuwa ang puso ko nang makita ko siya. Hindi ko akalaing pupunta siya ngayon.Dahil nakita ko na naman siyang umiiyak, ginusto kong pasayahin siya kahit panahon pa ni kopong-kopong at sinaunang panahon pa ang joke ko. Basta ang importante, masaya siya. Gusto ko lang makitang muli ang matamis na ngiti niya."So, ano 'yang joke na 'yan? Siguraduhin mo lang na matutuwa ako diyan, ha? Siguraduhin mong nakakatawa 'yan." Sambit niya habang nakataas pa ang isang kilay."Ito na! Ang excited mo naman."Upang mas m
OliviaIkinulong niya ako mula sa kaniyang mga bisig habang ako naman ay walang laban na nakadikit sa pader.Anong ginagawa niya? Plano ba niyang halikan ako?May gusto siyang sabihin sa akin nang marinig ko ang boses ni daddy kaya marahan ko siyang itinulak at tsaka ako lumabas."Daddy,I heard that you're calling me?!" bungad ko sa kaniya.Naabutan ko siyang umaakyat pa lamang sa huling baitang ng hagdan."Are you okay? I just want to check on you dahil nakita kong dumating na itong si Lloyd." Turan niya."Ah, opo! Maayos naman po ako daddy,""Sigurado ka ba? Bakit parang hinihingal ka yata? Ayos ka lang ba talaga?"Si daddy naman! Napakaraming tanong. Pati ba naman hingal ko ay kukuwestiyonin pa niya. Baka mamaya kung ano pang isipin niya na ginawa namin ni Lloyd, eh! Atat pa naman siyang magkaapo na."Opo, daddy! Huwag po kayong mag-alala dahil ayos lang po talaga ako.""Oh, siya, sige! Pumanhik na rin pala ako dahil may sasabihin ako sa'yo, anak.""Sasabihin? Ano po iyon, daddy?"
LloydI received a text message from dad, saying I have to attend the meeting at the resort. Do'n na raw kasi gaganapin ang isa sa pinakamalaking pagpupulong patungkol sa kompanya namin.I am a heir of a Montero. So, hindi ako puwedeng mawala doon. Naroon din naman si Matthew dahil kagaya ko, anak rin siya ni daddy kaya kailangang naroon din siya. Alam kong si Matthew na naman ang uulanin ng papuri sa dinner na gaganapin sa resort mamaya. Kaya nakaisip ako ng idea para kunin ang atensiyon ng mga bisita dahil meron akong isang maipagmamalaki na wala si Matthew at iyon ay ang asawa ko. I am planning to introduce Olivia in front of everyone. Including our new investors, gayon na rin ang mga empleyado sa resort. I don't want them to look at me, as if I'm a biggest loser they ever met. Alam ko kasing iyon ang tingin nila sa akin noon dahil ang ilan sa malalaking investor namin ay alam na si daddy pa rin ang kumokontrol at nagdedesisyon para sa akin. Isa pa, mqy plano akong naisip na ala
OliviaNagising ako dahil sa tapik ni Lloyd sa balikat ko. Naroon na raw kami sa pupuntahan namin. Pagdilat na pagdilat ko pa lang ng mata ko, kaagad akong humanap ng salamin.Baka kasi masayang ang ayos ko dahil lang sa naka-idlip ako habang nasa biyahe."Natatakot ka bang pumangit ka sa paningin ko?" mapang-asar na sambit ni Lloyd habang ginagarahe ang sasakyan niya."Alam mo, kakagising ko lang. Kung ayaw mong mag-commute ako pabalik at iwan kita dito, mas mabuti pang tumahimik ka na lang muna." Iritableng sambit ko sa kaniya sabay irap ng aking mga mata."Ito naman! Masyado ka kasing seryoso!""Kakagising ko lang, Lloyd! Gusto mo nang mag-gagohan tayo rito?""Sabi ko nga tatahimik na lang muna ako."Hindi na ako nagsalita pa. Natapos na rin naman siya sa pag-garahe ng kotse niya kaya dali-dali siyang bumaba at umikot patungo sa pintuan ng kotse sa tabi ko, at saka pinagbuksan ako ng pinto.Kinuha ko lamang ang bag ko, at saka bumaba na rin. Nginingitian pa niya ako pero sinungitan