OliviaNagising ako dahil sa tapik ni Lloyd sa balikat ko. Naroon na raw kami sa pupuntahan namin. Pagdilat na pagdilat ko pa lang ng mata ko, kaagad akong humanap ng salamin.Baka kasi masayang ang ayos ko dahil lang sa naka-idlip ako habang nasa biyahe."Natatakot ka bang pumangit ka sa paningin ko?" mapang-asar na sambit ni Lloyd habang ginagarahe ang sasakyan niya."Alam mo, kakagising ko lang. Kung ayaw mong mag-commute ako pabalik at iwan kita dito, mas mabuti pang tumahimik ka na lang muna." Iritableng sambit ko sa kaniya sabay irap ng aking mga mata."Ito naman! Masyado ka kasing seryoso!""Kakagising ko lang, Lloyd! Gusto mo nang mag-gagohan tayo rito?""Sabi ko nga tatahimik na lang muna ako."Hindi na ako nagsalita pa. Natapos na rin naman siya sa pag-garahe ng kotse niya kaya dali-dali siyang bumaba at umikot patungo sa pintuan ng kotse sa tabi ko, at saka pinagbuksan ako ng pinto.Kinuha ko lamang ang bag ko, at saka bumaba na rin. Nginingitian pa niya ako pero sinungitan
Olivia"What do you need from me? Hindi mo na ba mahintay na ma-solo mo ako after the dinner kaya hinihila mo na lang ako sa sulok?" Pabirong sambit ni Lloyd habang tumatawa."Kailangan mo ba talagang sabihin 'yon kay Mr. Bueno?" pagalit ang boses ko habang sinasabi iyon saka ikot ng mata sa kaniya.Nagsalubong siya ng magkabila niyang kilay na akala mo'y hindi alam ang sinasabi ko."Stop acting that you didn't understand what I'm saying. Stop playing na biktima ka dito. Hindi mo ba nakita? Mr. Bueno was just expressing his first impression on your brother. Sinasabi niya lang kung ano si Matthew para sa kan'ya, tapos ikaw kung ano-ano nang paninira ginawa mo?" Mataas na ang boses ko habang sinasabi ko kay Lloyd iyon.Medyo malayo naman na kami sa front desk ng resort pero napansin kong nililingon na kami ng mga staff kaya't tinalikuran ko na si Lloyd. I immediately distanced myself from him dahil baka kung ano pang masasakit na salita ang masabi ko sa kaniya.Papasok na ako sa kuwarto
OliviaIt's already seven in the evening and the meeting with the investors was about to start. Hindi ko alam kung bakit pa ako isinama ni Lloyd dito. Ni hindi niya man lang pinaliwanag sa akin kung bakit kailangan kong um-attend din sa meeting kahit na hindi naman ako parte ng pamilya nila. Ni hindi ko nga ginamit ang apelyido nila, 'eh.Binubuo ang merting ng mga board members, investors at ng kung sino-sino pa. Kasama sa meeting ang magkapatid na si Lloyd at si Matthew. Kasama rin pala si Mr. Bueno at ang iba pang staff ng resort."First of all, thank you for being here. Hindi ko talaga inasahan na papaunlakan niyo ang paanyaya ko." Malugod na sambit ni daddy Richard. Kasalukuyan siyang nakatayo habang binabati ang mga guests.Pagkatapos niyang magsalita ay naupo na rin siya. Nagsimula na ang bulungan. Animo'y para silang mga bubuyog na masakit na sa tainga. Dahil hindi ko na mapigilan ang sarili ko, pinili ko na lang na umalis sa lamesa. I excused myself from them dahil alam kong
OliviaIto ang unang pagkakataon na nakaramdam ako nang ganito. Para bang may mga paru-paro na lumilipad sa tiyan ko. Iyong kilig na para bang gusto ko nang maihi at higit sa lahat, ramdam ko 'yong nag-uumapaw na saya na halos gusto ng kumawala sa dibdib ko.Unang beses ko pa lang naranasan kung paano ang magmahal at sa unang beses na iyon, ito na iyon. Ang mahulog sa lalaking kinasusuklaman ko noon. Sa lalaking pinakasalan ko kahit na hindi ko siya kilala.Napakasaya pala sa pakiramdam na mahalin kang pabalik ng taong mahal mo. 'Yong hindi man niya maipadama na gusto ka niya, hindi siya mahihiyang aminin sa'yo ang tunay niyang nararamdaman kahit na maraming rason para tanggihan ka niya.Sino ba naman ako? Isa lamang naman akong anak ng dating bilyonaryo na ngayon ay baon na sa utang. Isa lamang naman akong bayarang babae na pinagbabayaran ang utang ng ama niya.Pero sinong mag-aakala na kahit ganito ako, kaya pala akong magustuhan ng katulad ni Lloyd. Kaya pala niya akong mahalin pab
OliviaWhat if our feelings was just an infatuation? Paano kung magising kami isang araw na hindi pala talaga namin mahal ang isa't isa?Habang iniisip ko ang what if na 'yon, nakatingin ako nang diretso sa kaniya; sa mata niya. I was wondering what if it happened tapos in a most unexpected time pa. Makayanan ko kaya?Habang hinihintay niya ang sagot ko ay muli siyang nagsalita."If you're not yet really to fall in love, I'm much willing to wait. Even if it takes a lifetime, I still will. Basta para sa'yo, Olivia! Gagawin ko ang lahat. Basta para sa'yo!" He smiled widely after he said it.Akmang tatayo na siya nang pigilan ko siya.All of a sudden, I said yes."Basta para sa'yo, susugal ako. Bahala na kahit hindi kita maipanalo. Basta ang mahalaga, sinubukan ko." Usal ko sabay abot ng kamay ko sa kaniya.Mangiyak-ngiyak siyang ngumiti sa akin at saka sinuot ang singsing sa daliri ko. Pagkatapos no'n ay tumayo na siya.He grabbed me out of the bed and hug me tightly. Sobrang higpit na
LloydI am staring blankly at the projector habang nagsasalita si daddy at binabanggit lahat ng plano niya sa kompanya. Habang si Matthew, kasama ng iba pa ay seryosong nakikinig at nakatutok sa kaniya.To be honest, wala akong interest sa ganitong usapin noon. Ni-hindi nga ako tumatagal ng isang oras sa conference room dahil ilang minuto pa lang ay naiinip na ako. Pero habang pinapakinggan ko si daddy, and the way he speak and act, parang nagbabago ang pananaw ko bigla. Parang gusto ko nang maging kagaya niya. Ni minsan sa buhay ko, hindi ko pa naranasang hangaan ang ama ko. Kahit sa ano mang aspeto, galit ko sa kaniya at ayokong maging kagaya niya. Kada umaga, ayokong siya ang bumubungad sa araw ko dahil ni minsan ay hindi niya naman pinaramdam sa akin na mahal niya ako.Mula pagkabata ay si mommy lang ang nag-alaga sa akin. Buhos siya kung magmahal at buhos rin kung mag-aruga kaya talagang gumuho ang mundo ko noong nawala siya. Nang mawala si mommy, nawala na rin ang gana ko sa l
LloydSomeone hold my hand and it was daddy. Sinabihan niya akong hintayin siya dahil gusto niya akong makausap. Tatanggi sana ako dahil kanina pa ako hinihintay ni Olivia pero naisip kong baka mahalaga ang sasabihin niya kaya pinili ko na lang na maghintay.Nang matapos umalis lahat ng dumalo sa meeting, kami na lamang ni daddy ang natira. He was staring at his laptop screen habang ako naman ay nakaupo sa harap niya, naghihintay."Puwede na ba akong umalis? Hinihintay na ako ni Olivia!" Malamig na sambit ko.Dahil sa sinabi ko ay tiningnan ako nang mapanghusgang tingin ni daddy. Pansamantala niyang isinarado ang laptop niya at tsaka tumingin sa akin habang nakataas ang magkabila niyang kilay."So, you're really into Olivia now?" he asked in a serious tone.I raised my brows at him. I don't understand what he's talking about."Bakit dinala mo siya dito? Hindi ba't wala ka namang pakealam sa kaniya? Parang last week lang, gusto mo nang putulin ang kontrata tapos ngayon, nagkakamabutiha
LloydI prepared everything for Olivia. Bumili ako ng maraming bulaklak at si-net-up iyon sa pool area. I even closed the resort para lamang maging successful ang surprise ko sa kaniya.Everything was settled and perfect. Ang mahigit isang oras na paghahanda ay sapat na."Do you think, Olivia will like this?" tanong ko sa staff na tumulong sa akin sa pag-set-up ng romantic dinner date namin ni Olivia."Napakaganda po, Sir Lloyd! Paniguradong magugustuhan ito ni Ma'am Olivia!" nakangiting sambit ng staff sa akin."Okay, just set-up the music. Susunduin ko na si Olivia."Pagkasabi ko no'n ay umalis na ako sa pool area. Pumunta na ako sa cottage at pumasok sa kuwarto namin. Pagpasok ko, natagpuan ko 'yong isang staff na nagbabantay sa kaniya.Dahan-dahan akong naglakad palapit do'n sa staff at kinalabit siya."Ay, Sir, kayo po pala!" nauutal niyang saad sabay tayo mula sa kaniyang upuan.I put my finger in front of my lips, saying na huwag siyang masyadong maingay. Tumungo lamang 'yong s
Nagpatuloy si Lloyd sa panliligaw niya kay Olivia, kasabay ang unti-unti niyang pagbuo sa kanilang pamilya. Alam ni Lloyd na hindi madaling ibalik ang tiwala ng dati niyang asawa pero handa siyang gawin ang lahat para lamang bumalik ito sa kaniya. Bawat araw, pinaparamdam ni Lloyd kung gaano niya kagustong mabuo sila. Lahat ng alam niyang paraan ay ginagawa niya. Halos araw-araw niyang binibigyan ng bulaklak si Olivia. Araw-araw niya itong niyayayang lumabas at higit sa lahat, bumabawi siya sa kanilang anak. Mas marami nang pasanin si Lloyd. Malaki na ang responsibilidad na pasan pasan niya sa kaniyang balikat. May sarili na siyang pamilya at hawak pa niya ang kanilang kompanya.Pero kaya ito ni Lloyd. Kakayanin niya dahil pinatatag si Lloyd ng mga pagsubok na pinagdaan niya kaya alam niya na kakayanin niya ang lahat. Ngayon pa na bumalik na ang taong hinihintay niya. Ngayon pa na nagkaayos na sila't nagkalapit na ng kapatid niya. Marami na ring nangyari sa pagdaan ng panahon. Noo
LloydMakalipas ang tatlong taon...Matapos kong malaman na hindi pala ako ang ama ng dinadala ni Francheska, para akong nabunutan ng tinik sa dibdib. Para akong nakahinga ng maluwag.Ginusto kong muling bumalik kay Olivia. Ginusto kong suyuin siya ulit ngunit napag-alaman ko na umalis na pala siya kina Matthew. Umalis siya ng hindi man lang nagpapaalam sa akin. Dumating ang pinakamalaking dagok sa buhay ko. Para akong nalulunod sa patong-patong na problema. Hindi ko matanggap na nagawa ni daddy na makipagsabwatan kay Francheska para sirain kami ni Olivia. Hindi ko alam na kinaya niyang lunukin lahat ng sinabi niya laban sa ex-girlfriend ko para lamang sirain kami ng babaeng ipinakasal niya sa akin.Ginusto kong sumuko. Ginusto kong bumitaw na lang at isuko na ang lahat dahil wala na rin namang saysay. Wala na si Olivia. Wala na ang babaeng pinakamamahal ko pero 'yong mga panahong sukong-suko na ako at gusto ko nang bumitaw, pinatatag ako ng pagmamahal ni Matthew para sa akin bilang
Olivia"I-I'm sorry, Francheska... p-pero hindi ko na kaya. Hindi ko na kayang lokohin ang best friend ko. Ang sarili ko. Ang lahat. Kaya magsasalita na ako." Tumikhim si Alex at nakita ko na may pumatak na luha sa mata niya ngunit kaagad niya itong pinunasan."Alex—Alex, please... tell them na si Lloyd nga ang ama ng dinadala ko. Please, Alex, I'm begging you.""No! Tama na ang pagpapanggap. Napapagod na rin ako. Hindi ko na kaya 'tong dalhin pa kaya magsasabi na ako ng totoo. Sasabihin ko na sa kanila ang dapat nilang malaman.""Ano pang hinihintay mo, Alex? Sabihin mo na ang nais naming marinig." Ani Matthew. Tiningnan siya ng masama ni Francheska."Manahimik ka, Matthew. Bakit mo ba pinagpipilitan?""Bakit hindi, Francheska? Niloloko mo ang kapatid ko. Pinagmumukha mo siyang tanga. Alam mo, ang kapal ng mukha mong ipa-ako sa kaniya ang batang hindi naman sa kaniya.""Wala kang alam kaya manahimik ka na lang. For sure naman, sinasabi mo lang 'yan para mapunta sa akin ang sisi. Pali
OliviaKanina pa ako naghihintay dito sa parking lot ng building na pag-aari ng mga Montero. Iniwan kasi ako dito ni Matthew dahil gusto niyang komprontahin ang nakatatandang kapatid niya patungkol sa ginawa nitong pamumwersa sa akin noong nasa resort pa kami. Inawat ko siya at ginusto ko rin namang sumama sa kaniya pero talagang inayawan niya kaya wala akong magawa kung hindi ang maghintay na lamang dito sa sasakyan.Makalipas ang ilan pang minuto, dahil sa labis nang pagkainip ay naisipan ko nang lumabas ng sasakyan. Akmang bababa na sana ako nng biglang dumating si Matthew kaya muli akong bumalik sa loob. "Kumusta? Nakausap mo ba si Lloyd? Anong sabi niya? Humingi man lamang ba siya ng dispensa sa 'yo?" sunod-sunod ang mga tanong ko pero wala ni isa doon ang sinagot ni Matthew. "Matthew, naririnig mo ba ako?!" Dahil nanatili pa ring walang imik si Matthew. Hinampas ko na ng mahina ang braso niya, dahilan para muli siyang makabalik sa ulirat. "Ayos ka lang ba? Kanina pa ako salit
Chapter 116LloydSa resort kami nagpalipas ng tatlong araw. Sa tatlong araw na iyon, walang oras na hindi ginugulo ni Olivia ang utak ko.Habang abala ako sa paggagawa ng report patungkol sa napag-usapan noong meeting, ramdam kong may pumasok sa pinto ng opisina ko. Paglingon ko, bumungad sa akin si daddy."Kanina ko pa hinahanap si Francheska pero hindi ko siya makita. Nasaan ba siya?""Bakit sa akin mo siya hinahanap, dad? Mukha ba akong tanungan ng nawawalang sekretarya?""Pilosopo ka, ha?! Nasaan na iyong summarize report ng napag-meeting-an sa resort? Inabot ba sa iyo ni Francheska?""Inabot? Hindi naman siya gumawa. Ni hindi nga siya dumadalo sa meetings namin dahil wala siyang ibang ginawa kung hindi bantayan ako.""Oh, eh nasaan na iyong report?""Tinatapos ko pa, dad. Ilalagay ko na lang sa table mo pagkatapos.""Bilis-bilisan mo ng kaunti ang paggawa niyan dahil kahapon ko pa iyan hinihintay."Hindi na ako sumagot pa kaya tumalikod na si daddy. Ngunit makalipas lamang ang i
Olivia"What is going on here?" tanong ko matapos makitang tila nagtatalo si Matthew at si Francheska sa hindi kalayuan.Sabay na lumingon si Matthew at si Francheska at bakas sa kanilang mukha ang labis na gulat."Gabi na, ah?! Bakit nasa labas ka pa rin, Francheska? Hindi mo ba alam na delikado sa buntis ang lumabas kapag gabi? Mag-ingat ka. Baka mapahamak ang baby mo.""H-hindi ko kailangan ng opinyon mo, Olivia. Alam ko ang ginagawa ko kaya pwede ba, manahimik ka na lang?" Inikot niya ang kaniyang mga mata matapos niyang magsalita. Saka siya naglakad paalis at binangga pa ako gamit ang kaniyang balikat. Samantala, pagkaalis na pagkaalis ni Francheska ay nilapitan kaagad ako ni Matthew."Ayos ka lang ba? Bakit ba sumunod ka pa dito sa labas? Tinarayan ka pa tuloy ng babaeng 'yon!""Wala akong pakialam sa kaniya. All I care is her baby. Iniisip ko lang naman iyong bata sa sinapupunan niya." Dahil sa sinabi ko, ngumiti ng pagkalaki-laki si Matthew. "Grabe talaga 'yong ugali mo, ano
Lloyd Nasa kalagitnaan ako ng pagmamaneho patungo sa resort nang bigla akong mapahinto."Anong problema, Babe? Bakit ka tumigil?" Tanong ni Francheska na nakalingon sa akin habang nakaupo sa tabi ko."I think I saw her—" matipid kong sagot."Sino?" mabilis na tanong ni Francheska. "Tungkol na naman ba 'to kay Olivia? Ilang buwan na kayong wala. How dare you talk to me about her, huh? Hindi ka pa ba nakaka-move on? Magkakaanak na tayo, Lloyd, pero ang babaeng iyon pa rin ang iniisip mo.""Shut up, Francheska. I'm not asking for your opinion. Tsaka pwede ba, huwag kang umasta na feeling mo ay girlfriend kita. Secretary lang kita.""P-pero magkakaanak na tayo, Lloyd. Ano ba naman 'yong bigyan mo ng pagkakataon ang magiging anak mo na magkaroon ng buong pamilya.""No! I promised myself na hinding-hindi na kita babalikan. Maaaring sa 'yo nga ako magkakaanak, pero hindi mo mababago ang nararamdaman ko. Si Olivia pa rin ang mahal ko. Siya lang at wala nang iba.""Ano bang pinakain sa 'yo ng
OliviaMaaga akong gumising para sumama kay Zander sa pamamalengke ng mga gulay at prutas na ilalagay sa fridge. Isasabay na rin ang pamimili ng mga karne at isda. Isang beses isang linggo kasi ang paglalagay nila ng stock do'n kaya maaga talaga akong gumising para lang makasama kay Zander.Isa pa, gusto ko ring ipagluto si Matthew ng paborito niyang sarsiyadong tilapia at dinuguan."Malayo pa ba ang supermarket dito?" tanong ko kay Zander habang nakatanaw sa bintana."Supermarket po? You mean palengke po, Ma'am?" Tanong niya."I guess tinagalog mo lang!" Ngumisi ako bago muling magpatuloy. "Mukhang malayo pa tayo dahil wala pa akong natatanaw na mga establishments. Puro malalaking bahay.""Wala po talaga kayong matatanaw dito. 'Yon ay dahil malayo po ang mga ganoong building dito. Ang palengkeng pupuntahan natin ay nasa dulo lang ng kalye. Pagkatapos nating baybayin ang daang ito, mararating na natin ang palengke.""Gano'n ba talaga kayaman ang mga nakatira dito sa subdivision na 'to
OliviaMatthew rushed himself to go inside by continously knocking on the door a couple of times while calling my name.I hurriedly opened it while asking him what is the problem."I have a bad news for you!" sambit niya habang hinihingal pa.Kumunot ako ng noo at saka siya tiningnan. "Sabi mo may surpresa ka para sa akin. Bad news ang surpresa mo?""No, hindi! Magkabukod iyon." Turan niya."Oh, sige! Magsimula ka sa bad news.""Magkakaanak na si Kuya Lloyd!" Wika ni Matthew.Tinawanan ko siya. "I'm not pregnant!""Hindi sa 'yo! Kay Francheska."Halos malaglag ang panga ko dahil sa sinabi niyang iyon. Napabuntong hininga ako ng wala sa oras habang diretso ang tingin sa kaniya."Saan mo naman nalaman 'yan?" seryoso ang pagkakatanong ko kay Matthew habang siya, diretso ang tingin sa akin na animo'y hinihintay ang reaksiyon ko."Kay Francheska mismo. Narinig ko 'yon sa kaniya habang sinasabi niya kay papa na magkakaanak na sila ni kuya.""So, ayos na pala sila ni Richard? I thought she w