LloydHabang papaakyat ako ay nakasalubong kong papababa sa hagdanan ang Daddy ni Olivia. Napansin kong hindi pa ganoon ka-tuwid ang lakad niya. Gusto ko sana siyang tulungan ngunit bigla namang dumating si Matthew.Kahit kailan talaga, umeeksena itong lalaking 'to. Hanggang kailan niya ba sisirain ang buhay ko? I was about enter my room when I heard a voice calling my name and it was Olivia' s father. Napahinto ako dahil doon. Dahan-dahan ko siyang nilingon at bumungad sa akin si Matthew at ang Daddy ni Olivia na kapuwa nakabaling ang tingin sa akin."Can you please help me go downstairs? Gusto rin kitang makausap tungkol sa mga bagay-bagay." Sambit niya.Ito ang unang pagkakataon na kakausapin ako nang Daddy ni Olivia na kaming dalawa lang. I know that this isn't usual dahil bukod sa hindi kami malapit sa isa't isa'y alam kong boto siya kay Matthew kumpara sa akin.Ilang sandali ko ring pinag-isipan ang isasagot ko nang bigla siyang tumalikod bago muling magsalita."Kung ayaw mo'y
Olivia"Those roses are beautiful, isn't it?"Nang lingonin ko ang nagsalita'y tumambad sa akin si Daddy Richard na nakatayo sa transparent two-way door sa may gawing kusina. Nginitian niya ako nang matamis na ngiti na ibinalik ko rin naman sa kaniya."Maaga po yata kayo ngayon, Daddy Richard?! Nakakapanibago lang po." Pagbati ko na siyang sinuklian niya ng malaking ngiti.Pagkalipas ng ilang sandali'y lumapit siya sa akin, saka naupo sa upuan na nakapuwesto sa harapan ko. Inilapag niya ang briefcase na hawak niya sa ibabaw ng lamesa at saka umupo nang naka-dekuwatro.Nakatingin lamang ako sa kaniya noong mga oras na 'yon. Ramdam ko sa malalim niyang pagbuntong hininga na may malalim siyang iniisip. Hindi na nakakapagtaka. He's a successful and well-known businessman. No doubt na business related ang tumatakbo sa isip niya.I was stunned by Daddy Richard's tensioned face when my daddy appears at my back. They greeted each other as if they did not see each other for a long period of ti
Olivia"Do you really think they can handle my business without any training, Oliver? Sa tingin mo ba, sapat na ang nalalaman nila para hayaan natin silang i-ran ang isang negosyong hindi pa sila pamilyar?"I was passing by at Daddy Richard's office when I heard their conversation. Alam kong si Daddy Richard ang nagsalita no'n. Mali ang makinig sa usapan ng matatanda ngunit hindi ko napigilan ang sarili ko. Huminto ako malapit sa pintuan ng opisina ni Daddy Richard at saka tahimik na nakinig."Paano natin malalaman na kaya nila kung hindi natin sila susubukan? Kahit tayo noon, nagsimula rin naman tayo sa wala, hindi ba? Nagsikap lang tayo't pinag-aralan ang dapat pag-aralan." Narinig kong wika ni Daddy."Nando'n na tayo sa puwedeng matutunan pero ang pinupunto ko, sa tingin mo ba'y kakayanin nila 'yon sa maikling panahon lang? Ang pressure, ang kompetensiya?""Matalino ang anak ko, Richard. Don't underestimate her knowledge and ability.""Gano'n din si Matthew dahil mas matured pa siy
Olivia"May dugo!" mahinang sambit ko matapos hawakan ang ulo ni Matthew at mapansin ang dugo niya sa kamay ko. Pagkatapos no'n ay nagsisigaw na ako ng tulong. Dali-dali namang lumapit sa akin si Daddy Richard habang kasunod si Daddy. Marahang binuhat ni Daddy Richard ang walang malay niyang anak palabas ng bahay. Noong una'y pinigilan pa ako ni Daddy na sumunod at sumama kay Daddy Richard papunta ng ospital ngunit nagpumilit ako. Hindi ko siya tinantanan hangga't hindi siya pumapayag. Nang hayaan niya ako sa gusto kong mangyari'y napalingon akong sandali kay Lloyd na walang emosyong nakatingin lang sa akin. Hindi ko mawari kung nakokonsensiya ba siya sa ginawa niya. Hindi ko siya mabasa. Tanging buntong hininga na lang ang nagawa ko bago ako pumasok sa kotse upang dalhin si Matthew sa ospital. I found myself holding Matthew's right hand habang nasa biyahe kami. Wala pa rin siyang malay. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na mag-alala and at the same time, magalit. Feeling ko kasi a
LloydI was slowly walking away from the mess that I've made. Hindi ko naman ginustong umabot sa ganito. Hindi ko naman alam na napalakas pala ang suntok ko sa lalaking 'yon.Kung hindi naman kasi niya ako ginalit, hindi sana aabot sa gano'n. Kung tutuusin, karma niya 'to, 'eh. Karma niya 'to for messing up with me. Lahat na lang gusto niyang agawin. Ang pamilya kong buo pa sana hanggang ngayon. Naging kaagaw ko pa siya sa yaman at ngayon, sa atensiyon naman ni Olivia.Siya na lang palagi ang bida. At ito, nagte-take advantage na naman siya kay Daddy at kay Olivia. Anong kasunod nito? Ire-request niya kay Daddy na ipawalang bisa ang kontrata't kasal namin? For what?Dahil sa labis na pag-iisip ay hindi ko na namalayang narating ko na pala ang parking lot. Napagtanto ko na lamang na nandito na ako no'ng kausapin ako ni Zander."Sir Lloyd!" Sigaw niya. May apat na kotse rin ang pagitan ng parking space namin kaya't hindi ko kaagad siya natagpuan. Buti na lamang at kinawayan niya ako ba
Lloyd"Hindi ko rin in-expect na magagawa ko 'yon kay Matthew! Hindi ko naman sinasadyang paliparin siya't gustuhing umabot sa gano'n, ano! May konsensiya naman ako kahit papaano!" Paliwanag ko kay Alex habang ang tingin ko ay nasa mga bituin pa rin. "Ano ba kasing nangyari? Bakit umabot sa gano'ng sitwasyon?" pang-uusyosong tanong niya. "I saw him and Olivia! Sobrang dikit nila sa isa't isa. Alam mo 'yong parang romantic view sa mga romance movie kapag malapit na ang ending? Gano'n sila ka-close. Konti na nga lang at magkakapalit na sila ng mukha, 'eh!" Seryoso naman ang pagkakasabi ko't hindi rin naman ako nagbibiro ngunit laking gulat ko nang biglang humagalpak ng tawa si Alex, dahilan para lingonin ko siya."Ano namang nakakatawa sa sinabi ko, ha?!" magkasalubong ang dalawang kilay na tayong ko sa kaniya."Kunwari ka pang nabigla ka sa ginawa mo kay Matthew! Bakit kasi ayaw mo pang aminin na affected ka dahil nagseselos ka!" nakabungisngis na sambit niya habang napapailing pa.
Chapter 62OliviaTahimik akong nakaupo sa sulok habang pinagmamasdan si Matthew na hindi pa rin nagigising hanggang ngayon. Sabi ng doktor, dahil na raw ito sa gamot na ininom niya kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin siya dumidilat.Habang nakatingin ako kay Matthew ay hindi ko maiwasang isipin ang nangyari kanina. Hindi ko kasi lubos akalain na maaapektuhan si Lloyd kapag nakita niya kami ni Matthew na magkasama. Hindi ko alam kung nagselos ba siya, o sadyang sira na talaga ang ulo niya kaya niya ginawa 'yon.Habang nag-iisip ako'y bigla akong sinenyasan ni Daddy Richard. Itinuro niya ang labas na sa pakiwari ko'y sinasabi niyang lumabas na muna ako para makapag-usap kami.Kagaya ng sinabi niya'y lumabas nga ako at makalipas lamang ang ilang sandali ay sumunod na rin siya sa akin. Pagkalabas niya'y naupo siya sa upuan na malapit lamang sa pintuan ng kwarto ni Matthew at tsaka naupo doon."Tapatin mo nga ako, Olivia! Ano ba talagang nangyari sa anak ko?! Bakit umabot sa gano'n?" ser
OliviaNaalimpungatan ako nang bumukas ang pintuan at pagtingin ko'y pumasok mula roon si Lloyd. I was so surprised when I saw him holding a basket of fresh fruits. Nakita kong inilapag niya iyon sa lamesa at tsaka naghila ng upuan at inilagay sa sulok.Hindi ko siya tiningnan nang matagal pero tumatakbo siya sa isip ko noong mga oras na 'yon. Bringing fruits for his brother made me realize na hindi naman pala siya ganoon ka-sama na kapatid knowing na nasa kalagitnaan na ng gabi at halos lahat ng supermarket ay sarado na rin.Tahimik ang paligid namin noong mga oras na 'yon hanggang sa basagin niya ang katahimikan nang magsalita siya."Puwede ka nang umuwi para makapagpahinga ka, Olivia! Ako nang bahala kay Matthew." Aniya.Tahimik ang paligid kaya't umalingawngaw ang boses niya sa buong kwarto kahit na hindi naman kalakasan ang pagkakasabi niya.Hindi ko siya sinagot. Nanatili ako sa kinauupuan ko hanggang sa magsalita siyang muli."Kung iniisip mong may gagawin akong masama kay Matt
Nagpatuloy si Lloyd sa panliligaw niya kay Olivia, kasabay ang unti-unti niyang pagbuo sa kanilang pamilya. Alam ni Lloyd na hindi madaling ibalik ang tiwala ng dati niyang asawa pero handa siyang gawin ang lahat para lamang bumalik ito sa kaniya. Bawat araw, pinaparamdam ni Lloyd kung gaano niya kagustong mabuo sila. Lahat ng alam niyang paraan ay ginagawa niya. Halos araw-araw niyang binibigyan ng bulaklak si Olivia. Araw-araw niya itong niyayayang lumabas at higit sa lahat, bumabawi siya sa kanilang anak. Mas marami nang pasanin si Lloyd. Malaki na ang responsibilidad na pasan pasan niya sa kaniyang balikat. May sarili na siyang pamilya at hawak pa niya ang kanilang kompanya.Pero kaya ito ni Lloyd. Kakayanin niya dahil pinatatag si Lloyd ng mga pagsubok na pinagdaan niya kaya alam niya na kakayanin niya ang lahat. Ngayon pa na bumalik na ang taong hinihintay niya. Ngayon pa na nagkaayos na sila't nagkalapit na ng kapatid niya. Marami na ring nangyari sa pagdaan ng panahon. Noo
LloydMakalipas ang tatlong taon...Matapos kong malaman na hindi pala ako ang ama ng dinadala ni Francheska, para akong nabunutan ng tinik sa dibdib. Para akong nakahinga ng maluwag.Ginusto kong muling bumalik kay Olivia. Ginusto kong suyuin siya ulit ngunit napag-alaman ko na umalis na pala siya kina Matthew. Umalis siya ng hindi man lang nagpapaalam sa akin. Dumating ang pinakamalaking dagok sa buhay ko. Para akong nalulunod sa patong-patong na problema. Hindi ko matanggap na nagawa ni daddy na makipagsabwatan kay Francheska para sirain kami ni Olivia. Hindi ko alam na kinaya niyang lunukin lahat ng sinabi niya laban sa ex-girlfriend ko para lamang sirain kami ng babaeng ipinakasal niya sa akin.Ginusto kong sumuko. Ginusto kong bumitaw na lang at isuko na ang lahat dahil wala na rin namang saysay. Wala na si Olivia. Wala na ang babaeng pinakamamahal ko pero 'yong mga panahong sukong-suko na ako at gusto ko nang bumitaw, pinatatag ako ng pagmamahal ni Matthew para sa akin bilang
Olivia"I-I'm sorry, Francheska... p-pero hindi ko na kaya. Hindi ko na kayang lokohin ang best friend ko. Ang sarili ko. Ang lahat. Kaya magsasalita na ako." Tumikhim si Alex at nakita ko na may pumatak na luha sa mata niya ngunit kaagad niya itong pinunasan."Alex—Alex, please... tell them na si Lloyd nga ang ama ng dinadala ko. Please, Alex, I'm begging you.""No! Tama na ang pagpapanggap. Napapagod na rin ako. Hindi ko na kaya 'tong dalhin pa kaya magsasabi na ako ng totoo. Sasabihin ko na sa kanila ang dapat nilang malaman.""Ano pang hinihintay mo, Alex? Sabihin mo na ang nais naming marinig." Ani Matthew. Tiningnan siya ng masama ni Francheska."Manahimik ka, Matthew. Bakit mo ba pinagpipilitan?""Bakit hindi, Francheska? Niloloko mo ang kapatid ko. Pinagmumukha mo siyang tanga. Alam mo, ang kapal ng mukha mong ipa-ako sa kaniya ang batang hindi naman sa kaniya.""Wala kang alam kaya manahimik ka na lang. For sure naman, sinasabi mo lang 'yan para mapunta sa akin ang sisi. Pali
OliviaKanina pa ako naghihintay dito sa parking lot ng building na pag-aari ng mga Montero. Iniwan kasi ako dito ni Matthew dahil gusto niyang komprontahin ang nakatatandang kapatid niya patungkol sa ginawa nitong pamumwersa sa akin noong nasa resort pa kami. Inawat ko siya at ginusto ko rin namang sumama sa kaniya pero talagang inayawan niya kaya wala akong magawa kung hindi ang maghintay na lamang dito sa sasakyan.Makalipas ang ilan pang minuto, dahil sa labis nang pagkainip ay naisipan ko nang lumabas ng sasakyan. Akmang bababa na sana ako nng biglang dumating si Matthew kaya muli akong bumalik sa loob. "Kumusta? Nakausap mo ba si Lloyd? Anong sabi niya? Humingi man lamang ba siya ng dispensa sa 'yo?" sunod-sunod ang mga tanong ko pero wala ni isa doon ang sinagot ni Matthew. "Matthew, naririnig mo ba ako?!" Dahil nanatili pa ring walang imik si Matthew. Hinampas ko na ng mahina ang braso niya, dahilan para muli siyang makabalik sa ulirat. "Ayos ka lang ba? Kanina pa ako salit
Chapter 116LloydSa resort kami nagpalipas ng tatlong araw. Sa tatlong araw na iyon, walang oras na hindi ginugulo ni Olivia ang utak ko.Habang abala ako sa paggagawa ng report patungkol sa napag-usapan noong meeting, ramdam kong may pumasok sa pinto ng opisina ko. Paglingon ko, bumungad sa akin si daddy."Kanina ko pa hinahanap si Francheska pero hindi ko siya makita. Nasaan ba siya?""Bakit sa akin mo siya hinahanap, dad? Mukha ba akong tanungan ng nawawalang sekretarya?""Pilosopo ka, ha?! Nasaan na iyong summarize report ng napag-meeting-an sa resort? Inabot ba sa iyo ni Francheska?""Inabot? Hindi naman siya gumawa. Ni hindi nga siya dumadalo sa meetings namin dahil wala siyang ibang ginawa kung hindi bantayan ako.""Oh, eh nasaan na iyong report?""Tinatapos ko pa, dad. Ilalagay ko na lang sa table mo pagkatapos.""Bilis-bilisan mo ng kaunti ang paggawa niyan dahil kahapon ko pa iyan hinihintay."Hindi na ako sumagot pa kaya tumalikod na si daddy. Ngunit makalipas lamang ang i
Olivia"What is going on here?" tanong ko matapos makitang tila nagtatalo si Matthew at si Francheska sa hindi kalayuan.Sabay na lumingon si Matthew at si Francheska at bakas sa kanilang mukha ang labis na gulat."Gabi na, ah?! Bakit nasa labas ka pa rin, Francheska? Hindi mo ba alam na delikado sa buntis ang lumabas kapag gabi? Mag-ingat ka. Baka mapahamak ang baby mo.""H-hindi ko kailangan ng opinyon mo, Olivia. Alam ko ang ginagawa ko kaya pwede ba, manahimik ka na lang?" Inikot niya ang kaniyang mga mata matapos niyang magsalita. Saka siya naglakad paalis at binangga pa ako gamit ang kaniyang balikat. Samantala, pagkaalis na pagkaalis ni Francheska ay nilapitan kaagad ako ni Matthew."Ayos ka lang ba? Bakit ba sumunod ka pa dito sa labas? Tinarayan ka pa tuloy ng babaeng 'yon!""Wala akong pakialam sa kaniya. All I care is her baby. Iniisip ko lang naman iyong bata sa sinapupunan niya." Dahil sa sinabi ko, ngumiti ng pagkalaki-laki si Matthew. "Grabe talaga 'yong ugali mo, ano
Lloyd Nasa kalagitnaan ako ng pagmamaneho patungo sa resort nang bigla akong mapahinto."Anong problema, Babe? Bakit ka tumigil?" Tanong ni Francheska na nakalingon sa akin habang nakaupo sa tabi ko."I think I saw her—" matipid kong sagot."Sino?" mabilis na tanong ni Francheska. "Tungkol na naman ba 'to kay Olivia? Ilang buwan na kayong wala. How dare you talk to me about her, huh? Hindi ka pa ba nakaka-move on? Magkakaanak na tayo, Lloyd, pero ang babaeng iyon pa rin ang iniisip mo.""Shut up, Francheska. I'm not asking for your opinion. Tsaka pwede ba, huwag kang umasta na feeling mo ay girlfriend kita. Secretary lang kita.""P-pero magkakaanak na tayo, Lloyd. Ano ba naman 'yong bigyan mo ng pagkakataon ang magiging anak mo na magkaroon ng buong pamilya.""No! I promised myself na hinding-hindi na kita babalikan. Maaaring sa 'yo nga ako magkakaanak, pero hindi mo mababago ang nararamdaman ko. Si Olivia pa rin ang mahal ko. Siya lang at wala nang iba.""Ano bang pinakain sa 'yo ng
OliviaMaaga akong gumising para sumama kay Zander sa pamamalengke ng mga gulay at prutas na ilalagay sa fridge. Isasabay na rin ang pamimili ng mga karne at isda. Isang beses isang linggo kasi ang paglalagay nila ng stock do'n kaya maaga talaga akong gumising para lang makasama kay Zander.Isa pa, gusto ko ring ipagluto si Matthew ng paborito niyang sarsiyadong tilapia at dinuguan."Malayo pa ba ang supermarket dito?" tanong ko kay Zander habang nakatanaw sa bintana."Supermarket po? You mean palengke po, Ma'am?" Tanong niya."I guess tinagalog mo lang!" Ngumisi ako bago muling magpatuloy. "Mukhang malayo pa tayo dahil wala pa akong natatanaw na mga establishments. Puro malalaking bahay.""Wala po talaga kayong matatanaw dito. 'Yon ay dahil malayo po ang mga ganoong building dito. Ang palengkeng pupuntahan natin ay nasa dulo lang ng kalye. Pagkatapos nating baybayin ang daang ito, mararating na natin ang palengke.""Gano'n ba talaga kayaman ang mga nakatira dito sa subdivision na 'to
OliviaMatthew rushed himself to go inside by continously knocking on the door a couple of times while calling my name.I hurriedly opened it while asking him what is the problem."I have a bad news for you!" sambit niya habang hinihingal pa.Kumunot ako ng noo at saka siya tiningnan. "Sabi mo may surpresa ka para sa akin. Bad news ang surpresa mo?""No, hindi! Magkabukod iyon." Turan niya."Oh, sige! Magsimula ka sa bad news.""Magkakaanak na si Kuya Lloyd!" Wika ni Matthew.Tinawanan ko siya. "I'm not pregnant!""Hindi sa 'yo! Kay Francheska."Halos malaglag ang panga ko dahil sa sinabi niyang iyon. Napabuntong hininga ako ng wala sa oras habang diretso ang tingin sa kaniya."Saan mo naman nalaman 'yan?" seryoso ang pagkakatanong ko kay Matthew habang siya, diretso ang tingin sa akin na animo'y hinihintay ang reaksiyon ko."Kay Francheska mismo. Narinig ko 'yon sa kaniya habang sinasabi niya kay papa na magkakaanak na sila ni kuya.""So, ayos na pala sila ni Richard? I thought she w