Dahil sa kaguluhan ay marami ang umawat dahil bugbog sarado na ni Piere ang adik na lalakeng halos hindi na makabangon sa dami ng pasa at bali na kanyang natamo. “Hawakan mo pa ulit ang girlfriend ko! Hindi lang ‘yan ang aabutin mo! Baka gawin kitang tanghalian ng mga pating!” humahangos si Piere at hawak na siya ng apat na lalake sa sobrang ayaw magpaawat.Habang ako ay natutulala. “Tama na! Awat na ‘yan!” Dahil doon ay inilayo na nila ang lalakeng ‘yon at pinapasok si Piere sa loob ng bahay. Halatang galit pa ito dahil nang mga sandali na ‘yon ay ayaw niyang magpaawat.Natahimik ang lahat at kahit ako ay walang imik. Kinuha ko ang braso ni Piere at hinila siya papasok sa kwarto nang maupo siya sa kama ay huminga ako ng malalim.“Ano ‘yon?” tanong ko dahil may kakaiba sa kanya.“Am I really rich?” sa biglang sinabi niya ay umawang ang labi ko.“Billionaire,” seryosong saad ko na mahina niyang ikinatawa.“Fuck. That’s a joke?” Mahina ko siyang hinampas sa braso sa kanyang sinabi.“
Pagkalabas namin ay natakpan ko ang bibig nang makita si amang na may tama ng baril at ang lalakeng adik sa dating isla ay nandirito.Mabilis nitong itinutok ang baril kay Piere dahilan para kabahan ako. “L-Lumi, head inside the room. Now!” malakas na sigaw ni Piere dahilan para mataranta ako.“Go!” Sa sobrang taranta ay sinunod ko kaagad si Piere ngunit pinili kong huwag isarado ng buo ang pintuan ng kwarto.“Tinakasan niyo ako—” “Walang magagawa ang ginawa mo, magiging kriminal at wanted ka lang sa buong isla.” Rinig kong sabi ni Piere, kalmado at nananatili sa kanyang pwesto.“At bago ako mahuli, sinisigurado kong papatayin kita—”“My family is rich. If you ever harm me, they will find you. They will kill you. H-Hindi ka lang makukulong,” mariing sabi ni Piere dahilan para matigilan ako.Sinulyapan ni Piere si amang na nag-aagaw buhay. “You can run now, at hindi ka mahahabol ng pulis.” Pakiramdam ko ay sinasabi lang ‘yon ni Piere para madala kaagad si amang sa ospital.“I’m sure,
Naging mailang kaming dalawa ni Piere pagbalik ng ospital. Ngunit dinala namin ang pera na kailangan niya. Natatakot ako dahil napapansin kong sumasakit ang ulo niya ngunit ayaw niyang ipahalata. Dahilan para lapitan ko siya at abutan ng tubig. “Maupo ka na muna. Magpapahangin lang ako sa labas,” kalmadong sabi ko sa kanya. Napatitig siya sa akin. “Mag-iingat ka. Diyan ka lang, huwag ka na lumayo.” Ngumiti ako sa sinabi niya. Bago umalis ay dinukot ko ang cellphone sa mismong bulsa ng pajamas na suot ko. Pilit ko itong binuksan. Nang gumana ay mabilis kong tinawagan ang number ni tita. Ang mommy ni Piere. Mabilis na sinagot ‘yon, “Lumi? Lumi ikaw ba ‘to?” natataranta ang tono niya dahilan para huminga ako ng malalim. “Tita, si Lumi po ito.” “Oh my god! We all thought you we’re dead! Sabi ni Juliette!” sabi ng mommy ni Piere. “Tita, I’m with Piere. Pero may pakiusap po sana ako,” mahinang sabi ko sa kanya. “Oh my god! Oh my god!” halos mahawa ako sa malakas niyang pag-
Tumaas ang kanyang halik papunta sa likod ng tainga ko na mas magbigay init at kakaibang sensasyon sa katawan ko. Nakagat ko ang ibabang labi at hinayaan siyang gawin ang nais. “Mmm? Don’t resist me, babe..” maharot niyang bulong hanggang sa inis ko kuno siyang lingunin. “Naalala mo na ba kung gaano ka kamànyak ha?” Nanlaki ang mata niya sa aking sinabi dahilan para pigilan kong matawa. “What the fúck? M-Manyàk ba ako noon? This is mànyak for you huh?” Gulat niyang saad na ikinangisi ko. “Hindi ba?” bulong ko. “No, babe. No,” umiling-iling pa siya bago hinawakan ng kanyang palad ang pisngi ko at titigan ang labi ko bago niya ito sunggaban ng mainit na halik. Napapikit ako nang saglit kong maramdaman ang pagpasok ng kanyang dila sa bibig ko, hinahanap ang ka-espadahan nito dahilan para tugunan ko siya. “Hmm..” Ang tunog ng halikan namin ay mas nagpainit ng halikan na iginagawad niya sa akin, bawat lapat ng mga labi namin ay iyong mga tunog kaagad ang maririnig. “Uhmm
Few days later..Salubong ang kilay kong nakatitig kay Piere habang ang talampakan ko ay iritableng pumapalakpak sa tiles. Seryoso naman siyang nakatitig sa aking mukha habang hindi alam ang sasabihin. “So ang paraan mo to raise the sales is magpa-cute?” Nakagat niya ang manipis at namumulang labi, napahawak aa kanyang sintido at pasimpleng kumamot. “At sino ‘yon aber? Ano’t panay ang pa-cute sa’yo? Nawala lang ako saglit!” nagsusungit na sabi ko.“B-Babe uhm, I’m not even smiling at that woman. Sa customers lang, I swear. Kahit itanong mo pa si inang,” pagkumbinsi niya dahilan para lumabi ako at talikuran siya.“Okay.”“Babe,” tawag niya at bahagyang lumapit hanggang sa lingunin ko siya at samaan ng tingin.“Nakikita mo ‘yang bintana? Ihahagis kita diyan kapag lumapit ka sa akin.”Ngumiwi siya at napahinga ng malalim. “Sorry na, ano bang gusto mo? Hmm? Kiss?”“Aba! Kiss lang ba kapalit ng pagseselos ko?!” biglang usal ko dahilan para matakpan ko ang bibig at mag-init ang buong mukh
Umiwas tingin ako. “Basta,” singhal ko at tinalikuran siya ngunit bigla niyang hinuli ang bewang ko at hinarap sa kanya.Sinalubong ko ang berde niyang mata na seryosong nakatitig sa akin. “Marry me,” kalmadong usal niya kaya naman tinitigan ko siya.“If you didn’t change your mind in a month. Fine, I’ll marry you. Okay na?” tugon ko na ikinangisi niya.“I won’t change my mind. Even if we took it for a year,” mayabang na sabi niya kaya ngumisi na lang ako.“Gege.”Dahil sa usapan namin ay araw-araw niya akong kinukulit. Mapasaan, bago matulog, at pagkagising.Masasabi kong desidido talaga siya. Habang ang buhay namin ay gumaan dahil sa pag-aari ni Piere ang isla at may perang ipinapadala ang mommy niya sa akin.Na buong akala ni Piere ay galing sa online bank ko, dahil ayaw rin ipaalam sa kanya ay minabuti kong manahimik.“Piere, kailangan mo pa ba mangisda?” seryosong sabi ko na ikinatigil niya.“Of course babe, hindi naman porket stable ang income natin sa isla ay ititigil ko na ‘di
Dahil sa pagsagot ko ng oo sa kanyang proposal ay maganda ang ngiti niya at halos lahat ng bumati sa kanya ay ngingitian niya ng maganda. Marami naman ang mga dalagitang nanlumo dahil ikakasal na sa akin si Piere. Ito ang mahirap kapag sobrang gwapo ng nobyo. Maraming kaagaw at mang-aagaw pa. “Piere—” “Yes babe?” Binat na binat kaagad ang kanyang mapupulang labi sa pagkakangiti. Pinigilan ko ngumisi. “Punit na ang labi mo kakangiti, Piere.” “Ah hahahaha! I’m sorry babe. You can’t explain how happy I am right now,” paliwanag niya at habang hawak ang kamay ko ay idinikit niya pa iyon sa kanyang dibdib dahilan para maramdaman ko ang bilis ng tibok ng puso no’n. ‘Hindi naman siya ganito noon. Paano kaya kapag naalala niya kung ano talaga ako sa buhay niya? Na sa iba pala talaga siya ikakasal?’ Iwinaglit ko sa isip ang kung ano man. Hindi ko na dapat iniisip ‘yon. Dahil kung ano ang nararamdaman niya ngayon ay siya ‘yon. Masaya kaming naglalakad at iniikot ang night market
Two weeks.. Hindi ako makapaniwalang suot-suot ko ang puting dress na maganda. Kahit simple lang ang kasal ay grabe ang kaba ko, dahil kahit maliit na simbahan lamang ang mayroon dito ay lahat ng tao ay nakasubaybay. Payapa at tila mga huni ng ibon ang naririnig, ang karaniwang tugtugan dito ay gitara lamang dahil hindi masyadong advance ang teknolohiya. Pagbukas ng malaking pinto ay natanaw ko kaagad si Piere sa hindi kalayuang dulo ng pasilyo sa altar. Maganda ang ngiti, at ang berde niyang mata ay kumikislap habang pinanonood ako sa bawat hakbang. Hawak ko ang bungkos ng bulaklak, habang ang manipis na telang nakaharang sa aking mukha ay bahagyang pinalalabo ang aking mata, ngunit hindi ko sigurado kung dahil dito o dahil sa namumuong luha sa aking mga mata. ‘Hindi ko maipaliwanag kung gaano ako kasaya..’ Nang makalapit sa kanya ay inilahad niya ang malambot na palad na aking tinanggap. “Damn, you’re beautiful. I promise to marry you in a big church someday, babe..” ma
=Avelina’s Point Of View= A week later… Dahil sa mga hints ni Eren at mas ninenerbyos ako sa tuwing nasa paligid siya. Para bang may gagawin o sasabihin na naman siyang bago at hindi ko inaasahan. Pagkauwi ko ng bahay ay madilim na sa labas, pagkapasok ko ng penthouse ay natanaw ko kaagad si Eren na nakaupo sa sala kaharap ang laptop niya. “I’m home,” bati ko. Napalingon siya at tumango, abala sa pagtipa ng kanyang laptop. “Did you eat?” tanong niya habang hindi nakatingin sa akin. “Mm, with my friends…” “That’s good. Because I already did with my parents,” kwento niya. “Shower lang ako,” paalam ko. Tango lamang ang ibinigay niyang sagot kaya naman pumasok na ako sa kwarto at nilinisan ang sarili ko. Matapos mag-shower ay lumabas akong basa pa ang buhok. Sinulyapan ko siya na abala sa pagtitipa pa rin sa kanyang laptop. Nang mapansin niya ako ay mabilis akong umiwas tingin lalo na nang lumingon ang berdeng mata niya na batid kong nakuha niya sa ama niya. “Avi,” I he
=Avelina’s Point Of View= “Naging literal na sandal ah,” natatawang sabi ko sa kanya. “Ah…” mahinang tugon niya at tumawa ngunit napalunok ako nang abutin niya ang kamay ko at hawakan iyon sa ibabaw ng kanyang hita. ‘Luhhhh?!’ “This is how I lean on someone, that’s why I’m not used to it,” he whispered lowly before chuckling. Napangiti ako at hindi ko maitanggi na ang kiliti sa puso ko ay mas lumala. Hindi ko alam kung bakit, pero parang tumigil ang mundo nang hawakan niya ang kamay ko. Para bang gusto kong magtanong, pero natatakot akong malaman ang sagot. Tinitigan ko siya, pero abala siya sa pagtitig sa aming magkahawak na mga kamay, parang wala siyang balak bitawan ito. “Eren…” mahina kong tawag, pero parang wala siyang naririnig. Tumayo siya bigla, hawak pa rin ang kamay ko, at hinila ako papunta sa balcony. Napatigil ako nang maramdaman ang malamig na hangin sa labas. Tila nagising ako mula sa tulirong pakiramdam kanina. “Ano na naman ’to?” tanong ko, pilit na ina
=Avelina’s Point Of View= I stayed by his side hanggang sa maging stable si Lysèe. “M-Maupo ka muna while your parents are on their way,” mahinahon na sabi ko kay Eren at hinawalan siya sa braso at iniupo sa tabi ko. Tulala niya akong sinunod. Hindi inaalis ang tingin kay Lysèe. Para siyang na-trauma. Namumutla rin ang mukha niya at punong puno ng dugo ang damit at katawan niya. Bumuntong hininga ako. Galing kasi sa ibang bansa ang parents niya dahil sa business trip. Nang mailipat si Lysèe sa pribadong kwarto ay nagising na si Lysèe. “J-Just w-why did you do that huh?” Mariing tanong ni Eren at tila maluha-luha ang mga mata. “K-Kuya,” mahinang tawag ni Lysèe at doon ay sunod-sunod na siyang umiyak. “I’m asking you! What’s happening huh?” gitil ni Eren at halatang pinipigilan ang galit. “I-I’m so tired, I’m so t-tired…” umiiyak na bulong ni Lysèe at nakakahawa ang iyak niya dahilan para umiwas tingin ako. Lalo na nang yakapin siya ni Eren at patahanin. It was so emotion
=Avelina’s Point Of View= I really had fun with him. Parang kumpletong kumpleto ang araw ko sa mga simpleng tawa at ngiti niya. Sa pagod kakakuha ng litrato ay parehas kaming bumagsak sa kama. Hinarap niya ang laptop at ako naman ay nag-edit ng pictures. Nakadapa ako sa kama habang siya ay nakasandal ang likod sa headboard at prenteng tumitipa sa kanyang latest na laptop. “How’s business?” kalmadong tanong ko while playing with the filters. “Good. Doing great and smooth,” tugon niya. “Pinag-isipan mo na ba yung alok ko na trabaho?” “Mm, kahit ano. Ayos lang. Basta kumikita. Dad won’t let me in on his company. Wala siyang tiwala sa isang gastador na tulad ko,” mahinang sabi ko at tumawa. Napansin ko ang pagsulyap ni Eren sa akin kaya tinignan ko rin siya. “Oh baka wala ka na ring tiwala sa akin?” natatawang biro ko pa at sinagi ang hita niyang nasa gilid ko lang. “Hindi naman. But I can train you in handling company, since we’re husband and wife. Para naman may katulong
=Avelina’s Point Of View= “Let’s go shopping,” sabi bigla ni Erem. Mapabangon ako sa kama at mabilis na pumasok sa closet at kinuha ang damit na nadala ko sa maleta tsaka mabilis na lumabas. “Tara?” anyaya ko agad. “Bilis ah?” he chuckled. “Syempre! Ikaw na nag-insist no’n eh,” ngising sagot ko at inunahan ang daan. Sa pagsunod niya ay nagawa niyang sabayan ang excited na yabag ng paa ko. Habang papunta kami sa magagandang bilihan rito ay nagkusa na siyang kumuha ng basket at sinundan ako. “Uy bagay sa’yo ‘to! Kunin natin!” angil ko at inilagay ‘yon sa hawak niyang basket. Halos ang daming bagay sa kanya na masusuot dito at hindi ko mapigilan ang sariling pormahan siya. Para kasi siyang model, halos lahat bagay at maganda tignan lalo na sa physique niya. Habang tumitingin ay natigilan ako nang hawakan niya ang kamay ko at iharap ako sa kanya. “Stop picking something for me, Avi. Choose something for yourself too,” seryosong sabi niya magkalapat ang mapupulang labi dah
=Avelina’s Point Of View= [Sa Resort] Pagdating namin sa isang mamahaling resort na may pribadong villa, napalunok ako sa laki ng lugar. Ang buong paligid ay parang postcard na binuhay. May infinity pool, mga punong nakapalibot sa villa, at ang dagat na hindi kalayuan. “E-Eren… this is too much,” mahina kong sabi habang nakatingin sa paligid. “Hmm. This is just the standard,” sagot niya, tila walang epekto sa kanya ang engrandeng lugar na ito. Pumasok kami sa loob ng villa, at lalo lang akong natulala. Ang loob ay moderno at elegante, mula sa mga chandelier hanggang sa napakalambot na sofa. Ang kama sa kwarto ay napakalaki, at tila ba ang bawat detalye ay iniisip para sa karangyaan. Habang abala si Eren sa pagseset ng mga gamit niya, ako naman ay napaupo sa gilid ng kama. Hindi ko alam kung matutuwa o maiilang. “Avelina, tara. Let’s eat dinner,” tawag niya mula sa terrace na may perfect view ng dagat. Sa Dinner Tahimik ang paligid habang kumakain kami ng masarap na st
=Avelina’s Point Of View= Makalipas ang isang linggo. Tahimik naman ang naging buhay namin ni Eren, prenteng trabaho ang inatupag niya at ako naman ay naghahanap ng maaring pasukan sa trabaho. Hanggang sa tumayo siya bigla sa harapan ko. “How about you work for me?” taas kilay na sabi niya kaya naman napalunok ako. “Ano naman magiging trabaho ko sa company mo?” kalmadong tanong ko. “Well, it depends on you. What can you do?” kwestyon niya. Napaisip ako ng malalim dahil nangangamoy seryoso siya. “Uhm…” napaisip ako. “Anything. What can you offer? Basta mataas salary?” pabulong na request ko. “Then be my secretary,” angil niya. “The salary depends on your performance. Can you hold a big amount of money?” “Uy! Bet ko ‘yan! Tutal mukha akong pera,” pag-amin ko. Tumaas ang kilay niya at mahinang natawa. “Honest mo naman masyado,” he joked which made my brows furrowed. Hindi man lang niya itanggi! “Honest mo rin e ‘no? ‘Di mo man lang itanggi,” singhal ko at hinampas siya
=Avelina’s Point Of View=Pagkatapos ng mahabang dinner, speeches, at endless photo sessions, nahanap ko ang sarili kong umiinom ng champagne sa isang sulok. Ang dami kong naiisip.“Hindi ka ba masaya, anak?” tanong ni mommy, na lumapit sa tabi ko.Tumingin ako sa kanya, kita ang saya sa mukha niya. Para sa kanya, para kay Papa, siguro ito ang pinakamagandang araw ng kanilang buhay. Pero paano ako sasaya kung pakiramdam ko, lahat ng ito ay isang deal lang?“Masaya po ako, Ma,” kasinungalingan ko, pilit na ngumingiti.Tinapik niya ang kamay ko. “Alam kong hindi naging madali ito, anak. Pero ito ang tamang desisyon. Si Eren… mabait siya. Alam kong aalagaan ka niya.”Tumingin ako sa malayo, sa direksyon ni Eren. Nakatayo siya kasama ang ilang bisita, nag-uusap, pero halatang bored na siya. Mabait ba talaga siya?=Eren’s Point of View=Habang nakikinig ako sa walang katapusang papuri ng mga bisita, nararamdaman ko ang bigat ng bagong role na ito. Para bang lahat ng tao dito ay inaasahang
=Avelina’s Point of View= “Miss Serrano,” bulong ni Eren, na ikinalingon ko sa kanya. Malamig ang kanyang boses, pero may kakaibang tapik iyon na parang nagdadala ng kahit kaunting kalma. “Don’t overthink. This is just a show.” Tumingin ako sa kanya, at doon ko naalala kung bakit ako nandito. Para sa pamilya ko. Para sa negosyo. At kahit gaano ko kinaiinisan si Eren, mas mabuti na siya kaysa mapunta ako kay Mr. Ariano. Nakarating kami sa bahagi ng seremonya kung saan kailangan nang magsabi ng “I do.” “Avelina Serrano, do you take Perenzio Laurent Monecidad to be your lawfully wedded husband?” tanong ng pari. Tumigil ang lahat. Para bang lahat ng mata sa simbahan ay nasa akin. Tumingin ako kay mom na nakaupo sa harap, at doon ko nakita ang tahimik niyang dasal. Para sa kanya, para sa negosyo, at para sa lahat ng itinaya niya, hindi ako puwedeng umatras. “I… I do,” mahinang sabi ko. Ang bahaging iyon ay tila sapat na para bumalik ang sigla sa paligid. Ang pari ay lumipa