Share

Sold To My Disguised Best Friend
Sold To My Disguised Best Friend
Penulis: AmiorGracia

CHAPTER ONE

Penulis: AmiorGracia
last update Terakhir Diperbarui: 2021-10-29 09:20:55

ISLA’S POV

“Adam! Pumasok ka, anak! Sumabay ka na sa aming kumain. Si Isla natutulog pa, pakigising na nga rin! Hay naku talaga itong batang ito. Alam na may pasok pero ang late gumising sabagay at late na rin naman siyang umuwi kagabi. Pasok ka na lang, Adam!” Nagising ako sa ingay sa labas. Ang ingay talaga ni Mama lagi, inaraw-araw niya na ang pagiging maingay. Hays! Nagtakip ako ng unan sa mukha. Inaantok pa ako, ramdam ko ang sakit ng likod ko. 

Pagod ako kagabi, madami kasing tao sa restaurant na pinagta-trabahuan ko kaya pinag-over time kami. Pero okay lang basta may pera. 

Naramdaman kong may tumabi sa akin. 

“Hoy! Gisingin daw kita sabi ni Tita.” Tsk! Maaga pa naman. Alas-dyes pa ang unang klase ko, utang na loob patulugin niyo muna ako. Bago ako natulog kagabi ay itinuloy ko pa iyong plates ko. Hindi ko siya pinansin at nagtulog-tulugan. Nagkunwari pa akong humihilik para convincing. 

“Ah ayaw mo ha!” Hinila niya iyong unan sa mukha ko. Tinignan ko siya ng masama. Tumawa siya sa itsura ko. Binato ko siya ng isa pang unan kaya siya napatigil. 

“Lumayas ka rito! Hayop ka! Kita mong natutulog ako! Apat na nga iyang mga mata mo, hindi mo pa makita?!” Mas lumakas ang tawa niya sa sinabi ko. Nagtakip siya ng ilong niya. Napakawalang hiya ng lalaking ito!

Siya si Adam Marshall, best friend ko simula 12 years old ako. Siya na lang yata ang lalaking nakasuot ng malalaking salamin sa mata na natatakpan ang kanyang mga makakapal na kilay, magsuot ng mga baduy na damit iyong tipong mapupunit na iyong shorts niya. Iyan ang paborito niyang mga sinusuot, punit na shorts, laging nakasuot ng jacket na maluwag at may katabaan ng kaunti. 

“Huwag mo akong titigan baka ma-in love ka sa akin, sige ka,” sabi niya habang tumataas-taas pa ang kanyang makakapal na kilay. Napangiwi ako. Kadiri! 

“Ang kapal ng mukha mo, Marshall! Bakit ka na naman ba kasi nandito? Wala ba kayong bahay ha? Lumayas ka nga rito sa kwarto ko. Ang aga-aga ikaw ang una kong nakikita! Layas!” Binato niya pabalik ang unan at natamaan ako sa mukha. Sira ulo talaga! Ganito lang kami palagi, parang mga aso at pusa. Hindi ko ba alam bakit ko naging best friend ito? Sa akin lang siya ganito pero kapag kaharap na ng ibang tao ay sobrang mahiyain siya. Akala mo hindi bully. Tsk!

“Bangon ka na! Napakabaho ng hininga mo!” Pahabol niya bago siya lumabas sa kwarto ko. 

Paglabas ko ay nakita ko siyang kausap ang mga kapatid ko, sina Asher at Ashleigh. Kambal sila, obviously. Grade 8 na sila. Lumapit ako at binatukan bigla si Adam para makaganti sa mga pang-aasar niya kanina. 

“Aray ko! Tignan niyo itong ate niyo, huwag niyong gagayahin ha? Napakasama ng ugali,” bulong niya sa mga kapatid ko pero rinig na rinig ko naman. Pinandilatan ko siya ng mata. 

“Buti gising ka na, anak. Tulungan mo nga ako rito para makaalis na rin ang Papa mo. Late na siya sa trabaho niya.” Lumapit ako kay Mama. Maliit lang naman ang bahay namin. Actually, nirerentahan lang namin ito kasi wala kaming sariling lupa. Sakto lang para sa amin. Kwarto ng mga kambal, kwarto ko na masikip at sa sala naman natutulog sina Mama at Papa. 

Napansin ko ang maya’t mayang pagpikit ni Mama. 

“Ma? Ayos ka lang ba? Ako na po dyan. Nasaan po ba si Papa?” Kinuha ko ang sandok sa kamay niya at ako na ang nagpatuloy sa priniprito niyang talong at itlog.

“Nasa tindahan, Bumili ng bigas, naubos na naman eh. Hindi na kami nakabili kahapon kasi late ka na nakauwi pero ayos lang naman. Huwag kang mag-alala.” Araw-araw kasi akong nagbibigay kay Mama ng sahod ko, nagtitira naman ako para sa sarili ko at gastusin sa school. Umupo siya saglit pero tumayo na naman para ipaghanda si Papa ng baunan na plastic. 

Kakatapos kong magluto nang pumasok si Papa ng malungkot ang mukha. 

“Oh. Nasaan na ang bigas? Late ka na sa trabaho mo,” tanong ni Mama kay Papa. Napailing ako, alam ko na isasagot ni Papa. 

“Siningil iyong utang natin ng renta rito sa bahay. Hinarang ako ni Aling Maring. Hindi na ako nakapalag dahil baka palayasin na raw tayo. Ayon nga at galit na galit na naman.” Kahit alam ko na sasabihin ni Papa, nakaramdam pa rin ako ng awa at inis kay Aling Maring. 

“Ah. Tito, tita may extra po akong pera dito, pambili po niyo ng bigas. Gusto niyo ako na lang po ang bumili?” Napatingin ako sa sala ng magsalita si Adam. Tumango ako sa kanya at nag-iwas ng tingin. Naramdaman ko rin ang matinding hiya nila Mama. 

Kumakain na kami at buti bumalik na sa pagiging maingay ulit si Mama. Ganiyan naman iyan, ayaw niyang ipakita na nahihirapan na siya. Pagkatapos naming kumain ay naghugas ako ng plato habang ang kambal ay naligo na para sa pagpasok nila sa school.

Umalis na rin si Papa, isa siyang construction worker. Maaga lagi ang pasok niya tapos umuuwi na siya ng ala-una ng umaga. Parehas kaming kung kailangang mag-over time ay gagawin namin para lang may pangdagdag kita. Si Mama naman ay naglalabada, minsan tagalinis ng buong bahay ng mayayaman sa kabilang village. Kahit todo kayod kami sa pagta-trabaho ay kulang pa rin para sa pang-araw-araw naming renta ng bahay, tubig, kuryente at gamot ni Ashleigh, nahihirapan kasi siyang huminga minsan at umiiyak na lang basta dahil masakit daw ang puso niya. 

Hindi naman namin magawang ipa-check-up dahil walang sapat na pera para doon. Kaya nag-aaral ako ng mabuti para sa kanila, para mabigyan sila ng magandang buhay. Architecture ang kinuha kong kurso dahil mahilig akong gumuhit, pero kung alam ko lang na magastos at madaming kailangan sana hindi na lang ito ang kinuha ko. Pero nandito na eh, at saka isang taon na lang naman. 

Binibihisan ni Mama ang mga katapid ko nang matapos akong maghugas ng plato. Napansin ko naman na nandito pa rin itong mokong na ito. Sinamaan ko siya ng tingin pero napalitan ng ngiti nang makita kong lumapit sa akin si Ashleigh at inabot ang suklay. Ngumiti ako sa kanya at pinakandong sa mga hita ko. 

“Huwag ka masiyadong magpapagod sa school ha? Kapag may P.E kayo sabihan mo teacher niyo na hindi ka pwede, naiintindihan mo ba?” Kahit grade 8 na sila ay feeling ko baby ko pa rin sila, ganoon ko sila kamahal. Lahat ng ginagawa ko ay para sa kanila. 

“Opo ate.” Tumango siya at ngumiti sa akin. Maputi ang kutis nina Ashleigh at Asher, nagmana sila kay Mama habang ako ay kutis morena, nagmana naman ako kay Papa. 

Nakita ko naman na inaayos ni Adam ang sintas ni Asher. Close na si Adam sa buong pamilya ko, sa tagal ba naming magkaibigan. Tsk. Napasulyap siya sa akin at kumindat. Sinabihan ko naman siya ng ‘yak’ pero mahina lang. 

Aalis na sana sila Mama nang may marinig kaming sumisigaw sa labas ng bahay. Boses ni Ms. Meiji, Nagkatinginan kami ni Mama. Napasapo na naman ako sa aking noo. Utang na loob! 

“Hoy Isabelle! Lumabas ka diyan! Sabi mo kahapon ka magbabayad pero hindi ka dumating! Lumabas ka dyan!” Rinig pa naming sigaw niya. Oo, baon na baon na kami sa utang. Kasi minsan mga pinangbabayad namin sa mga tao ay galing rin sa utang kaya walang asenso. 

“Asher, punta muna kayo sa loob ng kwarto. Ihahatid ko kayo mamaya. Kakausapin lang namin ni Mama si Ms. Meiji, okay?“ Tumango naman siya at inaya ang kambal niya sa loob. Bawal kasi makarinig si Ashleigh ng mga ganito, kasi last time ay muntik na namin siyang itakbo sa hospital. 

Pagkalabas namin ni Mama ay kasama na naman siyang mga tanod. Ipapa-barangay niya na naman si Mama. Tsk. Oo, na naman.

Tinignan ako ni Mama at nagkibit balikat siya sa akin. Parang sinasabi niya na ano pa nga ba? Nag-iwas ako ng tingin kay Mama. Naawa ako. 

“Kayo na maghatid muna sa mga kapatid mo ha? Huwag ka mag-alala uuwi rin naman ako mamaya, papipirmahin lang naman ako doon.” Nagawa pa niyang ngumiti para hindi na ako mag-alala. Tumango ako at sumama na siya sa mga tanod. 

Buti na lang ay malapit lang ang school ng mga kapatid ko sa amin. Hindi rin napapagod si Ashleigh sa paglalakad o humihinto kami kapag feeling naming ay pagod na siya. Hindi kasi siya nagsasabi minsan. Pagkahatid namin sa kanila ay tumigil muna kami sa park malapit sa school nila. Maaga pa para sa unang klase ko. 

Umupo ako sa seesaw at umupo rin siya sa kabila. Dito kami unang nagkakilala ni Adam. 

“Naalala mo dito? Naalala ko pa kulay ng─” Tinignan ko siya ng masama. Ituloy mo nang dugo-dugo kang uuwing hayop ka! Tumawa siya.

“Biro lang, pinapatawa lang kita,” sabi niya. Noong araw kasi na nagkita kami rito, naglalaro ako sa seesaw ng mag-isa, dito kasi ako nagpapalipas kapag malungkot ako. Tapos nakita ko siyang umiiyak pero tahimik lang, buti at walang masiyadong tao noon. Wala pa ngang siyang salamin noon eh. Tapos tinawag ko siya, pupuntahan ko na sana siya ng bigla akong nadulas tapos pagtayo ko nakita niya iyong panty ko. Nakalimutan kong nakapalda pala ako noon kaya ayon sinabihan ko siya ng manyak. 

Napatigil siya sa pag-iyak at napalitan ng malakas na tawa. Kaya imbes na lapitan siya ay tinakbuhan ko na lang siya. Narinig ko pa huling sigaw niya. 

“Thank you, Ms. Monday! I am better na!” 

Tapos sumunod na araw nakita ko ulit siya, kinulit-kulit ako hanggang sa naging mag-best friend na kami. 

“Okay ka lang?” tanong niya. Tumingin ako sa makulimlim na kalangitan.

“Hindi… pero ayos lang. Sanay na ako,” sabi ko. Hindi naman na bago ito. In my 21 years of living, ganito na ang buhay na kinamulatan ko. Pero minsan ay naawa lang talaga ako sa mga magulang ko at mga kapatid ko. Ayaw kong lumaki sila sa kahirapan, sa kung paano ako lumaki. Ayaw ko na rin na nakikitang nahihirapan sina Mama at Papa. 

Tumayo ako at nagpaalam nang aalis. Hindi kasi siya nag-aaral, lumalabas lang siya kapag pupunta sa bahay. Wala naman na kasi akong nakikitang ibang kaibigan niya bukod sa akin. Ang sabi niya sa akin ay hindi siya sanay sa madaming taong nakikita kaya ayaw niyang mag-aral. Ewan ko ba diyan! May katandaan na rin kasi si Nanay niya, si Tita Amy. Sabi niya ay mas gusto niya raw manatili sa loob ng bahay nila para may kasama daw si Tita palagi. 

Sumakay ako ng jeep papunta sa school. Nakatanggap ako ng text mula kay Sasa, kaibigan kong babae. Nag-iisang kaibigan ko sa school. Sabi sa text nasa canteen daw siya naga-almusal. Pagbaba ko sa jeep ay dumiretso muna ako sa canteen. 

Nakita ko naman siya agad dahil litaw na litaw ang kanyang mapulang buhok. Hindi naman kasi bawal ang mga ganiyan sa school kaya ayos lang. Latang-lata akong lumapit sa kanya. 

“Kumain ka na? May 30 minutes pa naman eh.” Pinatong ko ang ulo ko sa lamesa. Umaga pa lang ay feeling ko pagod na pagod na ako. 

“Sasa?”

“Hmm?”

“Kung ibenta ko na lang kaya itong kidney ko… o itong katawan ko, ‘no? Para mabilis ang pera.” Hinintay ko ang sasabihin niya. 

“Gaga! Bakit mo ibebenta iyang kidney mo? Iyang katawan mo na lang para sasama ako. Ay, bet na bet ko iyan,” sabi niya na ikinapikit ng mata ko. Sabi ko na wala akong mapapala sa kanya eh. Alam niyo ba naging kaibigan ko siya kasi noong nagkaroon siya ng viral scandal dito sa school ako lang iyong walang pakialam at hindi nanghusga sa kanya, kaya sabi niya magkaibigan na raw kami dahil doon. Akala ko nga ay nagbibiro lang siya pero inaraw-araw niya talaga ang pagsama sa aking kumain, umuwi at pati na sa mga kalokohan ko. 

Sira ulo, hindi ba? Niloko kasi siya ng gago niyang ex at ipinagkalat ang video scandal nila. Noong nakita ko kasi siyang inaaway niya ex niya sa likod ng gymnasium at magmakaawa na burahin ang pinagkalat niyang video nila ay naintindihan ko siya. Hindi niya kasalanan na gago iyong taong minahal niya. Hindi niya kasalanan na ibinigay niya, wala eh, gano’n siguro talaga kapag nagmamahal ka. 

Noong iniwan siya habang umiiyak ay sinamahan ko siya. Hindi ako nagsalita kasi hindi ko naman siya kilala, pinaramdam ko lang na hindi siya mag-isa at may nakakaintindi pa sa kanya. 

Pagkatapos ng klase ko sa buong araw ay dumidiretso na ako sa trabaho ko. Gabi ang shift ko rito mas madaming tao. Isang gabi ay 800 pesos ang sahod na ibinibigay. Ayos na iyon kaysa wala. 

Komen (1)
goodnovel comment avatar
Tabitha Williams
Wish this was in English
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terkait

  • Sold To My Disguised Best Friend   CHAPTER TWO

    ISLA’S POV Maaga ang klase ko ngayon kaya maaga rin akong gumising para magluto ng pagkain namin at ipaghanda si Papa ng baon niya. Tulog pa si Mama dahil masakit daw ang ulo niya, hinayaan ko muna para makapagpahinga siya. “Oh, ‘Pa! Napaghanda na kita ng almusal at saka iyong baon niyo po. Gusto niyo po bang magkape? Sandali po at magtitimpla ako.” Nagpunas muna ako ng basang kamay para iabot kay Papa ang kanyang baon, kasalukuyan kasi akong naghuhugas ng mga ginamit ko sa pagluluto. Tapusin ko na lahat ng gawain para wala nang gagawin si Mama mamaya. “Nako, hindi na anak. Nagmamadali ako, kailangan kong maaga ngayon dahil napagalitan ako kahapon pero ayos lang. Salamat, anak.” Napatigil ako sa aking ginagawa. Napahigpit ang hawak sa cup na kinuha ko. Humarap ako kay Papa, ngumiti para hindi halatang na naawa at nalungkot ako. “Sige po, ‘Pa. Ingat po kayo! Dagdagan ko na la

    Terakhir Diperbarui : 2021-10-29
  • Sold To My Disguised Best Friend   CHAPTER THREE

    ISLA’S POV “Excuse me po?” Napabitaw ako sa yakap kay Adam nang tawagin ako ng nurse na tumingin kay Papa. Hindi na ako umiiyak pero ramdam ko ang bigat at pamumugto ng dalawang mata ko. “Papirma na lang po ito Miss.” Inabot niya sa akin ang papel na hawak niya. Bakit ba atat na ata ang mga tao na ito sa bayad? Oo, mahirap kami pero hindi naman kami tatakbo! Kita na nilang may nag-aagaw buhay pera pa rin iniisip nila! Tinignan ko siya ng matalim na tingin at pahablot na kinuha ang inaanot niyang papel. Muntik na akong matumba sa laki ng babayaran! Pero pera lang ito, mas importante pa rin si Papa. Kung kinakailangan kong ibenta itong katawan ko para makabayad ay gagawin ko! Pinirmahan ko ang papel. “Ano pa?” tanong ko sa nurse na halatang kabado. Malamang nakita niya iyong ginawa ko kanina sa kasama niyang nurse. Umiling siya at saka umalis. Martin Hospital ang pangalan ng h

    Terakhir Diperbarui : 2021-10-29
  • Sold To My Disguised Best Friend   CHAPTER FOUR [PART 1]

    THIRD POVHindi namalayan ni Isla ay nakatulog siya sa labas ng operation room ng hospital. Nagising lang siya noong ginising siya ng isang nurse. Tila kakatapos ang operasyon ng kanyang Papa dahil lumabas na ang ibang nurse at sumunod ang Doctor na nakausap niya noong nag-aagaw buhay ang kanyang Papa.Pinuntahan at hinarang niya agad ang Doctor, hindi na alintana kung anong itsura niya ngayon. Nanginginig man ay nagawa pa rin niyang makapagsalita.“Doc! Doc, ka-kamusta po ang Papa ko? Maayos po ba ang naging operasyon?” Napahinto ang Doctor at awang-awa niyang tinignan si Isla. Humuhugot ng lakas ng loob para sabihin sa kanya ang totoo. Kahit naman kasi sanay na siya sa propesyon ay hindi pa rin niya maiwasang maawa sa mga pasyente at pamilya ng pasyente, lalo na sa mga katulad nilang kapos sa pera. He cleared his throat bago siya tuluyang nakapagsalita.Naramdaman naman

    Terakhir Diperbarui : 2021-11-11
  • Sold To My Disguised Best Friend   CHAPTER FOUR [PART 2]

    THIRD POV“Dito sa parte na ito ng ulo niya, may namuong bukol, iyon ang nagiging dahilan kung bakit lagi siyang nakakaranas ng pananakit ng ulo at minsan ay pagkahilo.”Bukol? Bukol sa ulo? Tumingin siya sa tinuturo ng Doctor, hinahanap niya kung saan iyong bukol na sinasabi ng Doctor pero wala siyang makita bukod sa itim.“I’m sorry… may tumor ang Mama mo, kailangan niya ng agarang gamutan at operasyon bago pa mas lumaki at lumala ang bukol sa ulo niya.”Tumor. Tumor. Tumor.Nagpaulit-ulit ito sa isip niya, parang sirang plaka. Napailing siya ng ilang beses dahil sa narinig. Gusto pa nga niya sanang tumawa.“Do-doc, baka naman nagkakamali lang po kayo ka-kasi malakas naman po si Ma─”“Miss, kung gusto mo magpa-second opinion ay pwede kitang i-refer sa kaibi

    Terakhir Diperbarui : 2021-11-11
  • Sold To My Disguised Best Friend   CHAPTER FIVE [PART 1]

    THIRD PERSON’S POVHalos twelve midnight na ng matapos si Isla sa gabihang trabaho niya. Ginagalaw-galaw niya ang ulo dahil sa pangangalay nito gawa nang napakadaming trabaho kanina.“Oh, Davina! Sahod mo!” Abot sa kaniya ng manager niyang laging galit sa kaniya ng sobreng puti. Hindi niya alam kung bakit napakainit ng ulo nito sa kaniya. Wala naman siyang maisip na ginawang hindi maganda sa kaniya. Nagpasalamat siya at binuksan agad ang sobre, pero napansin niyang kulang ito.“M-miss, kula─”“Kinaltas sa mga utang mo, huwag ka nang magtanong!” sigaw niya na naman kay Isla. Hindi na siya nakapagsalita dahil pakiramdam niya ay wala rin naman siyang karapatan. Napapahiyang napangiti na lang siya nang pilit sa mga kasama niya.Dismayado si Isla na umuwi ngayon dahil sa natanggap niyang sahod. Iniisip niya pa lang kung paano niya pagkakasyahi

    Terakhir Diperbarui : 2021-11-14
  • Sold To My Disguised Best Friend   CHAPTER FIVE [PART 2]

    THIRD PERSON’S POV“Ayon! Kumpleto na tayo, so shall we start?” bungad ng principal sa kaniya. Malalaking hakbang ang ginawa niya at tumabi sa mga kapatid. Hindi siya mapakali dahil nag-aalala siya sa babaeng kapatid. Hinawakan niya ang mga kamay ng mga kapatid para iparamdam na nandito siya at hindi na nila kailangang matakot.“A-ate,” nanginginig na tawag sa kaniya ni Ashleigh. Napatingin siya sa kapatid at hinalikan ang noo.“Shh. Nandito na si ate,” pag-aalo niya sa kapatid.“Ang kapal naman talaga ng mga mukha niyo! Sa dami ng utang niyo sa amin nagawa niyo pang saktan ang anak ko! Mga wala kayong utang na loob!” Nagulat siya nang biglang sumigaw si Mrs. Meiji, parang umuusok ang ilong nito sa galit. Napadako ang tingin niya sa pasa ng anak ni Mrs. Meiji. Hindi siya makapaniwala! Si Asher ba ang may gawa niyan? Pinigilan niyang tumingin kay A

    Terakhir Diperbarui : 2021-11-15
  • Sold To My Disguised Best Friend   CHAPTER SIX

    THIRD PERSON’S POV“Bakla, gising na! Nandito na si Ma’am.” Naalimpungatan si Isla nang makaramdam siya nang mahinang pagtapik sa balikat niya. Ayaw pa sana gisingin ni Sasa ang kaibigan dahil alam niya ang pagod at puyat nito ngunit kailangan niyang kausapin ang kanilang Professor, iyon lang naman ang ipinunta ni Isla sa eskwelahan.Nakausap niya na ang iba nilang Professors. Buti na lang at nagbigay sila ng considerations para sa kaniya. Kinailangan niya munang manatili sa school para hintayin ang oras ni Mrs. Manuel, ito lang naman ang mahigpit sa lahat ng Professors nila.Nagkusot ng mata si Isla nang makita na papasok na ang kaniyang terror na Professor. Nanginginig na ang kaniyang tuhod sa kaba, magaling kasing mamahiya ang Professor na ito. Hindi nagbibigay ng konsiderasyon kaya tahimik silang magkaibigan na nagdadasal na sana ay magkaroon ng himala bigla.Rinig na rini

    Terakhir Diperbarui : 2021-11-17
  • Sold To My Disguised Best Friend   CHAPTER SEVEN [PART 1]

    ISLA’S POVKanina ko pa tinatawagan si Adam pero hindi niya sinasagot ang mga tawag ko. Sa tagal na naming magkaibigan, ilang beses na rin naman kaming nagkatampuhan at nag-away. Kahit kasalanan ko, siya pa rin ang unang kakausap sa akin o minsan, tatawag lang ako tapos sasagutin niya tapos magkakaayos na.Ngayon niya lang ako binalewala ng ganito kasi hindi niya ako kayang tiisin eh. At hindi ko alam ang mararamdaman ko. Ayoko na galit siya sa akin.Hindi ko naman sinasadya. Nakukuha ko rin naman ang punto niya.“Ate, ayos ka lang ba? Nahihilo na kami sa palakad-lakad mo.” Napatingin ako kay Asher nang sabihin niya iyon. Napakagat-labi ako nang ma-realize na nandito pala sila, kasama ko.Tumigil ako at umupo na lang sa kusina. Hawak-hawak ko pa rin ang cellphone ko. Paulit-ulit ko ibababa sa lamesa at saka kukunin pabalik.Tinawagan k

    Terakhir Diperbarui : 2021-11-19

Bab terbaru

  • Sold To My Disguised Best Friend   CHAPTER SEVENTY

    ISLA’S POV“Sh*t.”Ang sakit ng ulo ko. Dahan-dahan kong iminulat ‘yong mga mata ko at napansin kong wala ako sa kwarto ko, hindi rin pamilyar sa akin ‘yong lugar. Na saan ba ako?Nagulantang ako nang luminaw ang paningin ko. “Anak ka ng tatay mo, Isla. Nasaan ako? May kumidnap na naman ba sa akin?”Bakit wala akong maalala. Nagulo ko ‘yong buhok ko at pilit na inaalala ‘yong nangyari kagabi. Ang huling naalala ko ay ‘yong pinipilit ko si Adam na umalis na kami sa party.Oh my god! Nabaliktad ba? Nalasing ako? Ngayon na lang ulit ako nalasing! Nakakahiya na naman mga nagawa ko! Napasapo ako sa noo ko.Napatingin ako sa katawan ko at iba na rin ‘yong suot ko, hindi na ako na-long dress.“Good morning.” Halos mapatalon ako nang ma

  • Sold To My Disguised Best Friend   CHAPTER SIXTY-NINE

    ISLA’S POV“Napakaganda mo, anak. Kamukhang-kamukha mo ang Mama noon. Kaya nga niya ako nakuha eh.” Natawa ako sa pagbibiro ni Papa. Nandito siya sa loob ng kwarto ko ngayon. Nagbibihis na ako para sa party ko mamaya. Birthday party at celebration daw dahil sap ag-uwi ko.Nasa hotel na ‘yong mga bisita.Napangiti ako sa pagbibiro ni Papa. Look at their love. Kung hanggang saan inabot ng kanilang pagmamahal sa isa’t-isa. They fought for it kahit na sobrang hirap ng mga pinagdaan nilang dalawa. They stayed strong and still in love with each other.They deserved each other.May binuksan siyang isang maliit na box at pinakita niya sa akin ‘yong laman. “Sa wakas, anak. Kaya ka ng bilihan ni Papa ng mga ganitong alahas na babagay sa ‘yo. Late man pero at least, ‘di ba?”I

  • Sold To My Disguised Best Friend   CHAPTER SIXTY-EIGHT [PART 3]

    ISLA'S POV"Anong sabi mo? Ulitin mo nga 'yong sinabi mo," muling sabi mo ni Sasa sa akin kasabay ngmalakas niyang tawa. Kanina pa siya tawa nang tawa. Kwinento ko 'yong nangyari kanina saamin ni Adam pati na rin 'yong tungkol sa kanila ni Amiah.Wala naman akong sinabing nakakatawa para tawanan niya ng ganito kalakas.Sinamaan ko siya ng tingin. Iniwan niya na nga ako kanina. Tsk. Kasalanan niya talaga 'to.Kanina ko pa sinasabunutan 'tong buhok ko sa tuwing maaalala ko 'yong nagawa ko. Hindi koalam 'yong ginagawa ko kanina.Naitulak ko suya pagkatapos ng nangyari at saka ako nagmadaling umalis sa loob ng opisinaniya nang pulang-pula ang mukha ko."Oh my god, that is so funny!" Muli ko siyang binigyan nang matalim na tingin. Nilagok ko 'yong alak ko at tumayo. Iniwan ko siya sa counter.Uuwi na ako. Hindi ako pwedeng mag-inom nang madami dahil bukas na

  • Sold To My Disguised Best Friend   CHAPTER SIXTY-EIGHT [PART 2]

    ISLA’S POV“Ithiel baby, come here muna. Daddy has a meeting, baby. He needs to work, anak,” malumanay na usal ni Amiah sa bata na para bang maiintindihan naman no’ng bata.Hindi ko mapigilan ang sarili ko na pagmasdan si Amiah habang sa ibang direksiyon siya nakatingin. She cut her hair short, she looks so matured. Kung hindi mo siya kilala ay hindi mo maiisip ‘yong ginawa niya sa akin noon… sa amin rather.Kahit sa maikling panahon ko pa lang siya ulit nakikita ay ramdam ko na ang kakaibang aura niya sa noon at ngayon. Ibang-iba na siya. Kita ko rin ang labis na pagmamahal niya sa anak niya.Napanguso ‘yong bata at kumurap ng ilang beses, tila nagpapa-cute sa kaniyang ina, na hindi ko naman maitatangging cute talaga.Kita ko na may binulong si Adam sa bata na ikinalaki at ikinalawak ng mga ngiti nito.

  • Sold To My Disguised Best Friend   CHAPTER SIXTY-EIGHT [PART 1]

    ISLA’S POVFLASHBACKS.“How’s Mr. Martin, Architect Davina? He bought my company in a great deal. He tripled the price. I don’t even know why he was so very interested at my company,” kibit balikat niyang usal sa akin nang makabaw ako sa pagkakatulala sa kanilang dalawa nang mapapangasawa niya. “Excuse me?”Anong sabi niya? Mr. Martin? Sinong Mr. martin ‘yong tinutukoy niya? Iisang tao lang ‘yong kilala ko. Iisang tao lang din ba kami ng iniisip?“Yes, he is your new CEO, Sir Adam. So how is he?” tanong niya ulit na mas nagpanginig sa akin. Siya ang bumili ng kompanyang pinagtatrabahuan ko?Nagkunwari akong alam ko ‘yong sinasabi niya hanggang sa matapos kami at nagpaalam na rin ako.

  • Sold To My Disguised Best Friend   CHAPTER SIXTY-SEVEN [PART 3]

    ISLA’S POVNagulat siya na makita ako pero mas nagulat ako sa mga nasasaksihan ko. Hindi ko talaga inaasahan ‘to. Matagal pa kaming nagkatitigan bago ako napalingon sa batang lalaking hawak na ngayon ni Adam.Hindi maikakailang anak ito ni Amiah, kamukhang-kamukha niya ang batang lalaki.Sa akin nakatingin si Adam, mariin ang pagkakatitig niya. Sa mga oras na ito ay hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman, wala akong maintindihan.Malinaw kong narinig ang tinawag sa kaniya ng batang lalaki kanina. Daddy?Napakurap muna ako ng ilang beses bago ako tuluyang makabawi sa pagkakatulala sa kanila. Kusang nag-iwas ang mga mata ko at kusa ring kumilos ang mga kamay ko para kunin ‘yong mga gamit ko. Nagpaalam ako sa kanila at tuluyan na nga akong lumabas sa loob ng kaniyang opisina.Nagmadali akong lumayo sa kanila nang mari

  • Sold To My Disguised Best Friend   CHAPTER SIXTY-SEVEN [PART 2]

    ISLA’S POV“Sasa Andres! Bakit hindi mo sinabi sa akin na siya pala iyong client natin?!” Sigaw ko sa earphone kong naka-connect sa cellphone ko.“What?! For your information, Architect Isla Davina! Sinabi ko kaya sa ‘yo kahapon sa coffee shop, iba lang kasi talaga ginagawa mo at iba lang talaga iyong tinitignan mo. At saka tinanong pa nga kita kung kaya mo na, ‘di ba?!” pasigaw rin niya pabalik.Napasapo ako sa noo ko at napakagat sa ibabang labi ko. bakit wala akong narinig kahapon? Bakit wala akong maalala na nabanggit niya?!“At hindi mo ba ‘yan na-scan kagabi? Akala ko ay alam mo nang siya ‘yong client dahil ang sabi mo ay i-scan mo ‘yong email ko? Bakit ngayon ka lang nagreklamo?” panernermon pa niya.Halos maiuntog ko ‘yong sarili ko sa manibela nang sasakyan ko habang napa

  • Sold To My Disguised Best Friend   CHAPTER SIXTY-SEVEN [PART 1]

    ISLA'S POV"Tapos ang nakausap ko ay iyong secretary no'ng client. Maayos naman ang naging usapan namin kaya ─ nakikinig ka ba?"Napahinto sa ere iyong kamay kong may hawak na kape dahil sa mataray niyang pagtatanong. Napangisi ako at saka hindi ko na naman mapigilang matawa sa mga pang-aasar ni Gabreel kanina bago siya umalis dito sa table namin.Lumipat lang naman siya ng table nang dumating iyong kasama niya na balingkinitang babae na mukhang model ng mga bikinis.Kung mataray na si Sasa kanina ay mas mataray na naman siya ngayon."Kanina ka pa ngisi nang ngisi dyan tapos titingin ka sa table nila. Baka gusto mong sumama na rin doon?"Oh 'di ba? Ang taray niya!"Sorry, sorry. Ano nga ulit iyon? Oo na, ako na ang makiki-meeting sa client next meeting," hindi siguradong sagot ko.

  • Sold To My Disguised Best Friend   CHAPTER SIXTY-SIX [PART 1.2]

    ISLA'S POV"Anak, nandyan na iyong mga magsusukat ng susuotin mo." Napalingon ako sa pinto ng kwarto ko nang dumungaw si Mama mula rito.Napabuntong hininga ako at pilit na ngumiti. "Ma, ayos lang naman kasi sa akin na kahit simpleng celebration lang," wika ko.Pumasok si Mama sa loob ng kwarto ko at sinarado iyong pinto. "Sina Daddy at Mommy ang may gusto nito, anak. Sige na, pagbigyan mo na sila. At isa pa, minsan lang naman ito," pangungumbinsi sa akin ni Mama.Gusto kasi nila Lolo at Lola na iyong celebration ay sabay na rin sa kaarawan ko. Gusto rin nila na engrande ang gaganaping party para sa akin. Nagdadalawang isip kasi ako dahil ayoko nang madaming tao sa birthday ko, ayos na sa akin iyong kami-kami lang.For sure kasi na madami ang a-attend dahil kilala ang pamilya namin, locally at globally.Hindi lang ako makatanggi

DMCA.com Protection Status