"AH EXCUSE me miss, can you get us a couple of another towel? Basang basa na kasi 'yung gamit namin kanina eh.""Yeah, and make it quick! Kanina pa ako nilalamig!" Awtomatiko akong napatigil sa ginagawa kong pamimitas ng mga bulaklak na ilalagay ko sana sa harap ng altar sa kwartong tinutuluyan ko nang marinig ang boses na iyon. Agad akong luminga sa paligid. Ako ba ang inuutusan ng mga babaeng bisita ni Rocco?Nang mapansin na walang ibang kasambahay na nasa paligid ay nagkunyari nalang akong walang narinig. Ang swerte naman nila kung susundin ko sila! Hello! Ni ayaw nga ni Richard na pinakikilos ako dito sa mansyon eh. Tapos 'tong mga babaeng kinulang sa tela 'kala mo kung sinong makapag utos, nagmamadali pa!"Miss? Ano? Bingi bingihan? Wala ka bang narinig?!""Hindi yata naintindihan 'yung utos mo, friend! English kasi-""Excuse me..." itinigil ko ang ginagawang pamimitas at ngayon ay ibinigay na nang buo ang atensyon sa dalawang babaeng nasa gilid ko. "... first of all, nakakai
"NASAAN na 'yung mga bisita ni Rocco? Bakit kung kailan tanghali at kasikatan ng araw ay saka naman sila nawala sa pagbababad sa pool?" Natigil sa ginagawang pagpupunas ng mga mwebles si Sarah at saglit na tumingin sa akin. Pababa ako sa hagdan at pansin na pansin ko agad ang katahimikan ng lugar. Hindi katulad kaninang umaga na kung makapag sound trip 'yung mga kaibigan ni Rocco ay dinaig pa ang may papiyesta. "Hindi ko rin po alam Miss Aliyah, bigla nalang po sila nawala dyan eh." Hindi ko alam kung bakit tila may kung ano sa sistema ko ang biglang natuwa sa nalaman. Ah siguro kasi makakapagpahinga nang maayos ang utak ko dahil panigurado naman akong kasama si Rocco sa pag alis ng mga bisita niya kanina. Wala naman siyang ibang gagawin dito sa mansyon kung hindi bwisetin lang ako. "Ganoon ba Sarah, sige ipagpapatuloy ko nalang ang pamimitas ng mga bulaklak-" "Hindi ho ba meron na kayong mga napitas kanina? Nasaan na po 'yung mga 'yon?" Hindi ko alam kung magsisinungaling ba
"NANAY LUZ hindi pa rin po ba tumatawag sa inyo si Richard? Ilang araw na po siyang hindi umuuwi." Pakiramdam ko ay tila may kung anong kurot ang agad kong naramdaman nang makitang dahan dahan lang na umiling sa akin si Nanay Luz. Halos magtatatlong araw na simula noong huling tawag ni Richard at hanggang ngayon ay hindi pa ito muling nagpaparamdam."Kung gusto mo ay ikaw na ang tumwag, Aliyah-""Hindi na po, baka po busy lang siya at makaabala pa ako. Sige po, doon muna ako sa may garden."Isang pagtango lang ang isinagot sa akin ng mayordoma bago ako lumabas ng kusina. Nakatulala lang ako habang naglalakad. Kahit papaano rin naman ay nag aalala ako kay Richard. Baka kung ano nang masama ang nangyari dito. Huwag naman sana. "Watch your step, woman! Muntik mo na 'kong mabunggo!" Animo'y may kung anong sampal ang nagpagising sa akin nang marinig ko ang iritableng boses na iyon. Sa araw araw na ginawa ng Diyos, 'yun at 'yon na boses nalang ang palagi kong naririnig. Kung hindi re
“SO tell me, paano kayo nagkakilala ng daddy ko?” Napatigil ako sa pagsubo ng ice cream na hawak hawak ko at saglit na napatingin kay Rocco. Katabi ko siya ngayong naglalakad habang titig na titig sa akin. Katulad nga ng sinabi niya kanina noong nasa mansyon kami, nagpasama nga talaga ito dito sa mall. Dapat bang sabihin ko sa kanya kung paano at saan kami nagkakilala ni Richard? Baka kasi bigla na namang mawala ang pagiging mabait nito kung sasabihin ko sa kanya ang totoo. “Aliyah?” “Sa school.” Walang pagdadalawang isip kong sagot sa kanya. Agad ko namang napansin ang pagkagulat sa gwapong mukha nito. Hindi marahil naniniwala at sobrang nagtataka sa sinagot ko. “Really? Where? I mean where is the exact location of your school. At saka paanong magagawi doon si dad. Wait, are you already graduated?” Mabilis akong tumango habang inuubos ang huling scoop ng ice cream ko. At nang maubos iyon ay saglit akong luminga sa paligid para maghanap ng basurahan na pwedeng pagtapunan. “
"WHERE did you take Aliyah? Did you do something bad on her?""Richard-""Answer me, Rocco. Where did you take Aliyah-""If I said that I took her to a hotel, would you believe it?" "Rocco!" Mabilis kong pinigilan si Richard nang akma niyang susugurin si Rocco sa tabi ko. Hindi ko rin naman kasi maintindihan 'tong si Rocco kung bakit iyon ang isinagot niya sa ama. They are not in good terms as far as I can remember tapos nakuha pa nitong biruin nang ganoon si Richard. "I am fucking telling you, Rocco! The moment that you laid your hands on Aliyah I will not forgive you. Lumayas ka sa harapan ko!" "As if I like to be fucking seen by you. You know what, old man? Seeing you two together makes me want to vomit. Buti natitiis ni Aliyah na makita ang pagmumukha mong iyan?" "Tarantado ka talaga!""Richard!" Mabilis kong inalalayan si Richard nang makita ko itong napahawak sa kanyang dibdib. Saglit ko ring tinapunan ng tingin si Rocco at buti nalang ay naglalakad na ito palayo ngayon.
"BAKIT hindi kana nakabalik kagabi? Nakatulog kana din ba?" Dahan dahan akong nag angat ng ulo at tiningnan saglit si Richard sa tabi ko. He is now staring at me straight to my eyes and there's a visible confusion all over his face. "Ahh… oo eh. Pagkatapos ko kasi maglinis ng katawan kagabi ay bigla akong nakaramdam ng pagkaantok. Galit ka ba?" Richard shook his head and smiled shortly. "Of course not. Nagtaka lang ako kung bakit hindi ka na nakabalik. By the way Aliyah, I have to tell you something.""Ano 'yon?""Grabe naman talaga! I feel like I'm no one in this house because of the way you're treating me, people! Ni hindi niyo man lang ako inanyayahan to have breakfast with you. You're really hurting me big time!"Awtomatikong tumaas ang kilay ko at pinasadahan ng tingin ang ngayon ay naglalakad na si Rocco papunta sa hapagkainan. Parang ibang tao na naman ang kaharap ko ngayon base sa mga kinikilos niya. "You're no longer a kid, Rocco. You can just come here quietly without
HALOS isang linggo na rin ang nakakalipas magmula noong umalis si Richard. Hindi ko alam kung walang alam si Rocco na wala sa Pilipinas ang ama niya o sadyang wala lang talaga itong pakielam kung nandito o wala 'yung isa. Pababa na ako sa may hagdan nang makarinig ako nang parang may umiiyak. Isasawalang bahala ko nalang sana iyon nang mapansin ko na parang lumalakas nang lumalakas. Ngunit hindi ko na napigilan ang curiosity ko nang makarinig ako ng malakas na pagsigaw. Dalawa lang kami ni Rocco na may silid sa palapag na ito kaya hindi ako maaaring magkamali na sa kwarto ng binata nanggagaling ang ingay na iyon. Alam kong baka mawindang ang buong pagkatao ko sa posibleng makita ko pag basta ko nalang papasukin ang silid ni Rocco pero wala na akong pakielam. Baka mamaya n'yan may nangyayari na dito at bigla nalang mabulungan ng demonyo,baka ano pa magawa sa kasama. Habang palapit ako nang palapit sa kwarto ni binata ay palakas naman palakas ang iyak at sigaw na naririnig ko. At
MABILIS kong isinilid ang mga ilang importanteng gamit ko sa maliit bag na nahila ko kung saan. Kung ano-ano nalang ang nilalagay ko doon dahil pakiramdam ko ay nawawalan ako sa tamang pag-iisip. Muli, tumunog ang cellphone kong nakalagay sa gilid ng lamesa at nang makita ko ang pangalang rumehistro doon ay dali-dali ko iyong kinuha. "A-alex-""Ate… 'asan kana a-ate…" rinig na rinig ang pagngarag sa boses ni Alex. Hindi ko na rin napigilan ang sarili at isa isa na namang nagsipatakan ang masasaganang luha sa mga mata ko. "P-papunta na ako, Alex. Papunta na si ate-" "Bilisan mo ate. Baka anong mangyari kay mama. Ayokong mawala si mama, ate!" Sunod sunod akong napatango kahit na alam kong hindi naman iyon makikita ng kapatid. Mabilis ko nang hinila ang bag ko at nagmamadaling lumabas ng kwarto. Wala nang ibang bagay ang lumulukob sa utak ko. Masyado na iyong pinupuno ng pag aalala at takot. Hindi lang para kay mama, kung hindi para sa buong pamilya namin. "Aliyah-"Hindi ko na ma
HI EBRIWAAAN! THANK YOU SO MUCH SA WALANG SAWANG PAGKALAMPAG PARA MATAPOS ANG STORY NILA ALIYAH AT ROCCO! SOBRANG TAGAL NA KASI NITONG DRAFT NA TO NA HALOS PAIBA IBA NA ANG PLOT PERO YUN NGA NAITAWID PA RIN KAYA MARAMING SALAMAT SA INYO. NAGBABALAK AKONG SUMALI SA CONTEST KAYA LANG BAKA HINDI KO NA NAMAN MATAPOS AGAD KAYA DI KO PA ALAM PERO THANKFUL AKO SA INYO ALWAYS, YUNG MGA NAGAGALIT DYAN SORRY HUHU, ILALAGAY KO NALANG KAYO SA SUNOD NA STORY KAYO YUNG MGA MAGPAPAHIRAP KAY FEMALE LEAD EME HAHAHA BAKA MAY MALITO SA MGA CHARACTERS SA DULONG PART HA, NASA STORY PO YAN NI ASHTON (Just a Contract) MAGANDA DIN AY SI PROMOTE HAHAHA YOWN LANG TENKS AGAIN, MAHAL KO KAYO LAHAT! MABUHAY PA SANA KAYO NANG MATAGAL 🖤🖤🖤
ALIYAH POV“ALIYAH!” Agad akong napalingon sa pinto nang marinig ang sigaw na iyon. Halos manlaki ang mga mata ko nang makitang si Mae iyon na hingal na hingal. “M-mae?! Anong ginagawa mo dito? Delikado dito at saka paano ka napunta dito? Kinidnap ka din ba nila?” “Sa susunod ko na ipapaliwanag sayo ang lahat, for now, kailangan muna nating makalabas sa lugar na ito at makalayo—““And what do you think you’re doing Mae? Bakit mo pinapakawalan ang pain ko?” Halos sabay pa kaming napalingon ni Mae sa pintuan nang marinig ang boses na iyon. It was Mr. Perez having a smirk in his face. “What is wrong with you dad?! Hindi mo ba kilala kung sino tong babaeng kinidnap niyo?! It was Aliyah, my best friend. Hindi ko hahayaan na saktan niyo ang mahalagang tao sa buhay ko!”Halos madurog ang puso ko nang isang malakas na sampal ang agad na lumipad sa pisngi ni Mae. Shit, ama pala ni Mae si Mr. Perez. Anong kinalaman ng pamilya nila kay Richard? “Wow, I never knew you could be this ruthle
ALIYAH POV“MIGO ANO ‘TO?! Anong ibig sabihin ng lahat ng to?!” Pinilit kong palakasin ang loob ko. Gusto kong magalit kay Migo, anong ginagawa niya dito?! Bakit siya nandito?“Migo ano?! Tangina kasabwat ka nila?! They are looking for Richard, tapos… tapos makikita kita dito? Tangina Migo tinatraydor mo ako! Tinatraydor mo si Richard!” Gusto kong sampalin, gusto kong sipain, gusto kong saktan si Migo. Paano niya to nagawa? Paano niya to nagawa sa amin? Kay Riley? Tangina, hindi ko maisip. Bakit sa lahat lahat ng tao? Sya pa, sya pa talaga na halos pinagkatiwala ko na ang buong buhay ko. “Can you please leave us?” Tanong ng binata sa mga lalaking nakabantay sa amin. Umalis na yung matanda na sa pagkakarinig mo ay si Mr. Perez. Mukhang nag alinlangan pa yung mga nakabantay at nagbubulungan. Mahigpit kasing bilin ng matanda kanina na huwag akong iiwanan ng tingin. “It’s just a few minutes, bumalik kayo agad pagtapos ng limang minuto.” “Tara na nga! Sya naman mananagot pag nakata
ROCCO POVPAKIRAMDAM ko ay biglang gumuho ang mundo ko nang wala akong nadatnan sa bahay ko. Walang Aliyah at walang Riley.Shit, ito na nga ba ang sinasabi ko. Ito na nga ba ang kinakatakot ko, ang iwan ako ulit nila Aliyah. Tangina ano nang gagawin ko?! Halos mapasalampak ako sa sahig nang masiguro kong wala na nga sila Aliyah sa pamamahay ko. I’ve searched everywhere. Sa kwarto, sa kusina sa banyo kahit sa garden ay wala! Wala na silang dalawa ni Riley. Imbes na mag iiiyak ay kinuha ko ang cellphone ko at mabilis na hinanap ang number ni Aliyah. I immediately called her and I wasn’t surprised at all nang hindi ko na iyon ma-contact. Of course, sino bang umalis ang gustong mahanap siya. Tinigilan ko ang pagcontact kay Aliyah at si Paul nalang ang tinawagan. Halos dalawang ring lang ang lumipas at agad na rin niya iyong sinagot. “What now—““Aliyah was missing, iniwan niya na ako—““Kahit din naman ako ay ganoon ang gagawin pagtapos ng ginawa mo.” “Fuck you Paul, hindi ngayo
ROCCO POV“WHAT are you doing here, Rocco? Wala ka bang buhay na dapat sirain?” I immediately show Paul my middle finger while walking towards his liquor alley. Kumuha ako ng bote roon at basta na lamang tinungga. “Hey what the fuck?! That cost our lives! Alam mo bang mas matanda pa sa atin yang alak na yan tapos basta basta mo nalang tutunggain? Ano na naman bang problema mo?” Nahiga ako sa sofa na nandito lang din sa loob ng office ni Paul at tumunganga. What the fuck did I do? Imbes na mapalapit sa akin sila Aliyah ay parang mas lalo lang lumalayo ang loob nila sa mga ginagawa ko. Fuck, all I want is just a fucking chance. One chance. Please, bigay mo na sakin yun Lord. Hindi ko alam na umiiyak na pala ako kung hindi pa ako tapikin sa balikat ng pinsan ko. “I don’t know what you’re going through right now, Rocco. Pero advice ko lang sayo, balikan mo, kausapin mo.” “Nasasaktan ko lang sila, Paul. And only God knows that is the least thing I want them to experience. Tangina,
“JUST stay still there okay, Riley? Tatawagan lang ni mommy yung friend niya.” “Okay po.” Agad ko na ngang tinawagan ang numero ni Mae at ilang ring pa ang narinig ko bago niya iyon sagutin. “Hey, Aliyah, I’m really sorry, nandyan na ba kayo?” Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko. Akala ko pa naman ay nandito lang siya sa malapit kaya nagmadali agad akong nagpunta rito. But to my surprise, nauna pa rin kami ni Riley. “Yes, nasaan kana ba? Kung matatagalan ka pa I think i-reschedule nalang muna siguro natin ‘to or maybe we can catch up through phones nalang—““No no! I almost there, nasa escalator na ako. Sorry talaga!” Naiinis na binaba ko ang cellphone ko at nilingon si Riley. He was holding a toy that was given to him by Rocco, as far as I can remember, iyan yung laruan na binigay ng binata kay Riley noong unang beses naming pumunta sa bahay niya. A monster truck. “Riley, do you want something to eat? Or drinks maybe?” Alok ko sa anak ko. “No mommy, I’m not h
“HEY, how’s Riley? Okay lang ba siya?” Agad na nabaling ang mga paningin ko sa tapat ng pinto nang marinig ang tanong na iyon. It was Rocco who has a sad look in his face. Pansin na pansin rito ang bagsak na mga balikat.Kanina kasi ay sinubukan niyang kausapin si Riley tungkol sa totoong relasyon nilang dalawa. I don’t know if Riley was just so young that’s why he cannot comprehend it at first or he just doesn’t want to believe everything Rocco has said to him. Nakita ko nalang na pumanhik ang anak namin dito sa kwarto at nagkulong. I tried to talk to him but he was just silenly crying until he fall asleep.Ilang araw na rin ang dumaan simula noong makauwi sila papa galing sa probinsya. Ngayon nga ay nandito na ulit kami sa bahay ni Rocco. Ayoko namang ipagkait sa binata ang pagkakataon na makabawi siya kay Riley. Nakikita ko naman na gustong gusto niya talagang makasama at makapag palagayan ng loob ang anak namin. Pero mukhang hindi yata magiging madali iyon.“Baka nabigla lang,
MABIGAT ang mga paa na pumanhik ako paitaas sa second floor kung saan naroon ang office room ni Richard. Ni hindi ko pa mapapansin na nakalagpas na pala ako roon kung hindi ko lang naramdaman ang paghila sa braso ko ng kung sinuman. “Ano—“ Naputol sa hangin ang mga salitang sasabihin ko nang makita ko ang kunot na kunot na noo ni Rocco. Hindi ko maintindihan kung galit ba siya o naiirita o ano. “Oh Rocco—“ “Are you okay? Bakit parang ang lalim na naman ng inisiip mo?” Singit nito. Pasimple kong hinila ang braso kong hindi siguro napansin ng binata na hanggang ngayon ay hawak niya pa rin. Rocco seems too focused on me that is why I was easily get rid on his grip. “Anong sinasabi mo? Hindi ah!” Mabilis kong depensa. Rocco let out a heavy sighed. Para siyang pagod na pagod sa mga nangyayari. Eh wala namang ibang nangyayari! Ewan ko ba dyan sa kanya bakit para na naman siyang magulang kung mamroblema! “Aliyah, look,” panimula pa nito sabay lagay ng kanyang dalawang kamay pa
“WHY are you frowning? Hindi ba pumayag ka naman dito?” Mabilis akong napairap ng mga mata nang marinig ko ang tanong na iyon ni Rocco. He was now focusing on driving but still was able to take a sideye on me. Naiinis ako! Ito pala yung sinasabi ng binata kanina. Eh hindi ko naman kasi naintindihan! Masyadong pre occupied yung utak ko kanina kaya basta nalang ako tumango at pumayag. “Hindi kita pinilit, Aliyah. Kusa kang umoo, di ba?”Hindi ko alam kung nangtitrip ba itong si Rocco o totoong genuine lang naman yung tinatanong nya. Pero naman kasi! Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko nang unti unti ko nang matanaw ang malaking mansyon ng mga Saavedra. This is the request that Rocco was asking for me a while ago. He wants me to come with him to their mansion and talk to Richard, his father. Ayoko na muna nga sanang bumalik ng mansyon. Hindi pa ko ready at hindi ko din alam kung ano ba ang magiging reaksyon nila Richard at Migo sa oras na malaman nilang alam na pa