Share

Chapter 28

last update Huling Na-update: 2025-04-01 21:52:28

Habang abala si Siena sa paglalaba, biglang lumapit si Zachary, nakapamulsa at nakangisi. "Gusto mo bang tulungan kitang maglaba?"

Napataas ang kilay ni Siena at padaskol siyang bumunot ng damit mula sa batya, sabay pisil dito. "At kailan ka pa natutong maglaba, ha?"

Bahagyang yumuko si Zachary at bumulong sa tenga niya. "Matagal na. Actually, experienced ako sa paglalaba."

Napalunok si Siena at mabilis na lumayo ng bahagya. "Eh di wow! Sige, kung totoo 'yan, baka naman gusto mong labhan ang sarili mong damit."

Umiling si Zachary, saka hinawakan ang basang manggas ng kanyang polo na nilalabhan ni Siena. "Hindi lang sarili kong damit. Pati panty at bra mo, kaya kong labhan."

Nanlaki ang mga mata ni Siena at muntik nang mabitawan ang sabon. "Ano? Ulol! Hindi mo 'yan hahawakan!"

Tumawa si Zachary at hinawi ang isang piraso ng panty sa isang tabi ng batya. "Bakit naman? Kung alam mo lang kung ilang beses na akong nakakita ng mga ganito—"

Hindi na siya natapos dahil binagsaka
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Kaugnay na kabanata

  • Sold To Be His Wife   Chapter 29

    Nakasimangot na pinagmasdan ni Siena ang screen ng cellphone niya. Tatlong beses na siyang tumawag, pero ni isang sagot mula kay Zachary ay wala siyang natanggap. Sa halip, tuwing magri-ring pa lang ang tawag niya, agad na itong kinakansela. Napakuyom siya ng kamao. "Ano ba?! Ang kapal ng mukha mo, Zachary!" inis niyang bulong sa sarili. Muli niyang tinignan ang pangalan ni Zachary sa contact list niya. Nakakapikon! Bakit pa niya tinatawag ang lalaking iyon kung halatang wala namang pakialam sa kanya? Sa gigil, pinindot niya ang edit button at mabilis na binura ang pangalan nito. Sa halip na Zachary, ginawa niyang "Walang Kwentang Asawa" ang pangalan nito sa phone niya. Ngunit parang hindi pa rin sapat ang ginawa niya. Lalo siyang nainis sa pag-ignore ni Zachary sa kanya. "Alam mo, burahin na lang kita!" ani niya, sabay delete sa contact number ni Zachary. Pak! Isang pindot lang, wala na sa phone niya ang numero nito. "Bahala ka sa buhay mo, Zachary! Hindi na kita tatawa

    Huling Na-update : 2025-04-02
  • Sold To Be His Wife   Chapter 30

    Pumasok si Zachary sa loob ng opisina ng kanyang ama. Tahimik ang paligid, tanging ang tunog ng mga papel na binabaybay sa desk at ang malumanay na tunog ng orasan ang naririnig. Hindi pa rin ganap na nakalimutan ni Zachary ang huling usapan nila ni Clarisse, ngunit sa pagkakataong ito, ang usapan nila ng kanyang ama ang kanyang pinipili pagtuunan ng pansin. “Dad, I think it’s time to let go of Siena,” bungad ni Zachary habang umupo sa harap ng kanyang ama. Hindi niya alam kung paano sisimulan ang paksa, pero alam niyang kailangan na nilang mag-usap ng maayos. Tinutok ng ama ang kanyang mata kay Zachary, may pag-aalalang naglalaro sa kanyang mata. "What do you mean 'let go of Siena'?" tanong nito, medyo seryoso at tila may hinanakit sa boses. “Hindi ba’t iniisip mo na mas mabuting tapusin na ang kasal niyo? Huwag mong gawing komplikado ang mga bagay, Zachary. Malapit na gumaling si Clarisse.” Tahimik si Zachary sa sagot. Sa totoo lang, hindi pa siya handang talikuran si Siena, h

    Huling Na-update : 2025-04-02
  • Sold To Be His Wife   Chapter 31

    Nagmadaling tumayo si Siena mula sa kama nang marinig ang tunog ng cellphone. Pinilit niyang dilat ang mga mata at tiningnan ang screen ng phone. Akala niya ay si Zachary ang tumatawag, baka may mensahe na galing sa kanya o baka may ibang dahilan kung bakit siya tinawagan. Ngunit nang makita niya ang pangalan sa screen, napansin niyang hindi si Zachary ang tumawag kundi ang alarm clock na naka-set sa oras ng kanyang paggising. Napabuntong hininga siya at muling humiga saglit sa kama. Napaisip siya, si Zachary nga pala… Sa mga huling araw, tila mas naging tahimik na ang lahat sa kanilang dalawa. Ang dating madalas na pag-uusap at biro nila, at kahit ang mga asaran ay tila nauurong na. Bawat galaw at bawat pagpapakita ni Zachary ay nagdulot ng bagong katanungan sa kanyang isipan. Si Zachary, na may matinding presensya, ay tila hindi na rin kasing dali ng dati. Akala niya’y masasanay na siya sa lahat ng nangyayari, ngunit ang totoo, mas lalo lang itong naging komplikado. Ano ba ang g

    Huling Na-update : 2025-04-02
  • Sold To Be His Wife   Chapter 32

    "What?!" Napataas ang boses ni Siena habang nakikinig sa usapan ni Tommy at ng isang kakilala niya. Lumingon si Tommy sa kanya na parang nabigla rin sa reaksyon niya. "Uh, Siena… chill ka lang." "Ano bang pinagsasabi mo diyan?" tanong ni Siena, kunot-noo habang nakapamewang. "Narinig ko ‘yung Villamor… anong meron?" Napakamot si Tommy sa ulo. "Ah, kasi… may tumawag kanina. Magpaparent daw sila ng restaurant next week para sa isang malaking event." "Okay? At ano naman ang problema ro’n?" tanong ni Siena, nagtataka kung bakit parang may bigat sa mukha ni Tommy. Huminga nang malalim si Tommy bago bumuntong-hininga. "Siena, ang Villamor na ‘yon… kamag-anak ni Zachary." Nanlaki ang mata ni Siena. "Ha?! Anong ibig mong sabihin?" "Ibig sabihin, malaki ang posibilidad na nandito si Zachary at pati na rin ang buong pamilya niya sa araw ng event. At guess what? Kung malaman nilang ikaw ang nagpapatakbo ng restaurant na ‘to, malalaman nilang ikaw ang asawa ni Zachary!" Nanlamig a

    Huling Na-update : 2025-04-02
  • Sold To Be His Wife   Chapter 33

    SIENA'S POV Pagkatapos kong magbihis ng malambot na oversized shirt at shorts, lumabas ako ng kuwarto. Pakiramdam ko’y kailangan ko ng mainit na kape para mawala ang ginaw na dala ng ulan kanina. Tahimik ang paligid, marahang humakbang ako patungo sa kusina, iniisip kung may natirang brewed coffee. Pero pagdating ko roon, hindi kape ang bumungad sa akin—kundi si Zachary. Nakatayo siya sa harap ng counter, walang suot na pang-itaas, abala sa pagbubukas ng isang bote ng tubig. Ang mga patak ng tubig mula sa kanyang buhok ay dahan-dahang bumaba sa kanyang leeg, patungo sa kanyang matipunong dibdib. Napalunok ako. Holy crap. Hindi ko alam kung dahil ba sa ginaw ng ulan kanina o dahil sa eksenang nasa harap ko, pero biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko na inabala ang sarili kong umubo o gumawa ng ingay para ipaalam ang presensya ko. Sa totoo lang, hindi ako makagalaw. Tila slow motion ang paraan ng pagbuhat niya ng bote sa kanyang bibig bago uminom. Kitang-kita ko ang

    Huling Na-update : 2025-04-03
  • Sold To Be His Wife   Chapter 34

    Maagang nagising si Siena kinabukasan. Tahimik siyang bumangon mula sa kama, nag-inat ng kaunti, at lumabas ng kuwarto. Plano niyang maagang magluto para naman may magawa siya at hindi na niya maisip ang mga bagay na gumugulo sa isip niya kagabi. Ngunit bago siya dumiretso sa kusina, hindi niya napigilan ang sarili na sumilip sa kwarto ni Zachary. Marahang itinulak niya ang pinto, iniwan itong bahagyang nakabukas. Mula sa siwang, natanaw niya si Zachary—nakaupo ito sa kama, hawak ang cellphone, at may kausap. "Oo... Alam ko." "Basta, gagawin ko ang tama." "Huwag kang mag-alala, ayos lang ako." Napakunot ang noo ni Siena. Sino kaya ang kausap nito? Si Clarise ba? Biglang lumakas ang kaba sa kanyang dibdib. Hindi niya namalayang masyado na pala siyang nakadungaw hanggang sa... "Anong ginagawa mo diyan?" malamig na tanong ni Zachary. Nanlaki ang mata ni Siena at agad siyang umatras. "W-Wala! Dadaan lang ako papuntang kusina!" mabilis niyang sagot bago tumalikod at nagmama

    Huling Na-update : 2025-04-04
  • Sold To Be His Wife   Chapter 35

    Sa isang pribadong opisina sa kompanya, tahimik si Zachary habang nakatitig sa floor-to-ceiling glass window. Ang kamay niya'y nakasuksok sa bulsa ng slacks niya, ngunit bakas sa ekspresyon ang tensyon. Nang biglang tumunog ang phone niya—Dad ang naka-display. Saglit siyang nag-isip bago sinagot. "Hello, Dad," malamig niyang bati. "Zachary, let's not waste time," panimula agad ni Victorio, diretsong tinig. "Idivorce mo na si Siena." Hindi agad nakasagot si Zachary. Naramdaman niya ang bigat sa dibdib, pero pinilit niyang panatilihing kalmado ang boses. "Wala akong balak makipag-divorce sa ngayon." "Ano bang nakukuha mo sa babaeng ‘yon, ha?!" Singhal ni Victorio sa kabilang linya. "She’s nothing. She’s not even from our circle. Kung hindi mo ‘yan pinakasalan dahil sa init ng ulo mo, baka may awa ka lang. Pero Zachary, hindi ka pinalaki para sa awa." Napakuyom ang kamao ni Zachary. Pero nanatili siyang tahimik. "You know what, you're just like your grandfather. He chose

    Huling Na-update : 2025-04-04
  • Sold To Be His Wife   Chapter 36

    Pagkauwi mula sa trabaho, agad na bumagsak si Siena sa sofa, ramdam ang pagod ng buong araw. Kinuha niya ang cellphone at mabilis na tinawagan si Zachary. "Sagot naman..." bulong niya habang hinihintay ang kabilang linya. Ilang ulit na niyang tinangkang tawagan ito, pero paulit-ulit lang siyang nadidismaya. Napabuntong-hininga siya. Gusto lang naman niyang magpaalam. Bukas ay kaarawan ng kanyang ina, at gusto niyang umuwi sandali para makasama ito. Alam niyang mahigpit si Zachary, at hindi niya gustong mapagalitan o mapagbintangan na gumagawa ng kalokohan. Sa inis, tinapon niya sa tabi ang cellphone. "Ano ba namang lalaking ‘to? Hindi man lang sumasagot!" reklamo niya sa sarili. Bigla siyang napatigil, nag-isip ng ibang paraan. Kung hindi niya makakausap si Zachary, baka pwede niyang isama sina Tommy at Hannah. Sa ganitong paraan, wala siyang ginagawang mali at hindi siya sisisihin ni Zachary. Kinuha niya ang cellphone at mabilis na nag-chat sa dalawa. Siena: Guys, gusto n

    Huling Na-update : 2025-04-06

Pinakabagong kabanata

  • Sold To Be His Wife   Chapter 43

    SIENA'S POV Pagkababa ko ng motor ni Zachary sa tapat ng restaurant, ramdam ko pa rin ang init ng palad niyang humawak sa bewang ko kanina habang nakaangkas ako sa likod niya. Napatigil ako saglit, inayos ang buhok kong ginulo ng hangin. Hindi ko namalayang nakatitig pa rin siya sa akin habang ginagawa ko 'yon. "Pasok ka na," aniya, may bahagyang ngiti sa labi. "'Wag mo kong ipagpalit sa kape niyo d'yan, ha?" Napairap ako. "Baka ikaw nga 'yung palitan ng kape. Mas sweet pa sa’yo." Tumawa siya ng mahina at saka tumalikod na. Pero bago pa siya tuluyang makalayo, sumigaw si Hannah mula sa loob ng restaurant. "OY! Kinikilig na ako!" Namilog ang mga mata ko. Tangina, Hannah. Lumapit siya agad sa akin, may dalang tray ng bagong lutong pandesal at kape, pero hindi 'yun ang intensyon niya. Kitang-kita ko sa mata niya—may gustong alamin 'tong babaeng 'to. "Aba, aba, aba! Iba na 'yan, ah. Hinahatid ka na talaga ni mister? May label na ba kayo, ha? Sagot!" "Hannah, pwede ba? Um

  • Sold To Be His Wife   Chapter 42

    Hapon na nang lumabas si Siena mula sa opisina. Pagod na ang katawan niya, ngunit mas pagod ang isipan niya. Buong araw niyang binuhos ang sarili sa trabaho—paperworks, pagtanggap ng orders, pakikipag-usap sa mga tauhan, pag-aasikaso sa inventory. Hindi niya binigyan ng kahit isang segundo ang sarili para huminto. Ayaw niyang may oras siyang mapaisip. Dahil kapag huminto siya, babalik sa alaala niya ang tagpong tumatak sa isip niya kaninang umaga—ang babaeng humalik kay Zachary, at ang hindi mapakaling ekspresyon ng asawa niya habang kausap ito. Pigil ang bawat buntong-hininga niya habang binabaybay ang daan palabas ng restaurant. At pagkalabas niya sa main entrance, agad siyang sinalubong ng isang pamilyar na presensya. “Siena.” Mabilis ang tibok ng puso niya, pero hindi niya ito pinahalata. Tila wala siyang narinig. Nagpatuloy siya sa paglalakad, ngunit hinawakan siya ni Zachary sa braso. “Siena, please. Kailangan nating mag-usap.” Hindi siya tumingin. Hindi rin siya nag

  • Sold To Be His Wife   Chapter 41

    SIENA POV Pagkarating namin sa tapat ng restaurant, agad akong bumaba sa motor. Tumalikod ako kay Zachary at nag-ayos ng buhok habang bitbit ang bag ko. Ramdam ko ang simpleng kilig dahil sa paghatid niya sa akin—hindi man kami tunay na mag-asawa sa damdamin, pero ang simpleng pagsabay naming kumain at pagsabay papunta sa trabaho, parang may ibang pakiramdam. Pero bago pa ako makapasok, naramdaman kong biglang tumigil sa paglalakad si Zachary. Napatingin ako sa kaniya at nakita ko ang pagkakunot ng noo niya. “Zach?” tanong ko, pero tila hindi niya ako narinig. Sinundan ko ang direksyon ng tingin niya at doon ko nakita ang isang grupo ng tao na papalapit sa harapan ng restaurant—isang pamilyang may kaya, halata sa bihis at kilos nila. At sa gitna nila, ang isang babaeng mukhang model—maganda, elegante, at confident ang bawat hakbang. Napalunok ako habang pinagmamasdan siya. Parang may kung anong kilig sa mga mata niya habang nakatingin kay Zachary. At doon na nga nangyari a

  • Sold To Be His Wife   Chapter 40

    SIENA POV Tahimik kaming dalawa ni Zachary sa loob ng sasakyan habang pauwi. Walang imikan. Pareho kaming parang may iniisip. Siguro dahil sa naging tanong nina Mama at Papa kanina—tungkol sa amin. Tungkol sa kung may nabubuo na ba. Biglang nag-vibrate ang cellphone ni Zachary sa dashboard. Napatingin siya rito. Tumatawag si Clarise. Hindi ko maiwasang mapatingin din. Hindi ko pinakita, pero kinurot ng kaunti ang puso ko. Napansin ko ang pag-aalangan sa mukha ni Zachary. Hindi niya agad sinagot. Nakatitig lang siya sa screen na parang hindi sigurado kung itutuloy ang pagtanggap ng tawag o hahayaan na lang. “Baka importante,” mahinahon kong sabi. “Sagutin mo. O puntahan mo siya kung kailangan.” Napalingon siya sa akin, tila nabigla. “Sigurado ka?” Tumango ako kahit may konting sakit sa dibdib. “Oo. Kung kailangan ka niya ngayon, puntahan mo. Ayokong may masabi siya sa’yo… sa atin. Alam mo naman siguro kung ano ang tama, ‘di ba?” Hindi siya agad nagsalita. Pero kita ko s

  • Sold To Be His Wife   Chapter 39

    SIENA POV Napaupo ako sa isang malaking bato sa gilid ng ilog habang si Zachary ay abalang nagtatanggal ng sapatos at sumusuong na sa tubig. Tahimik lang ako. Wala akong balak makipagkulitan o makipagtawanan sa kanya. Hindi ako dumating dito para makipagbonding—dinala lang niya ako rito nang sapilitan, kaya wala akong intensyong makipag-cooperate. "Maligo tayo," sabi niya nang makalapit siya sa akin, sabay talsik ng tubig gamit ang paa. Hindi ko siya pinansin. Ni hindi ko siya tinapunan ng tingin. Tumalon siya sa tubig. Wala siyang pakialam kung mabasa man ang suot niyang t-shirt. Nagtampisaw siya roon, parang bata. Si Zachary... wala rin pala siyang pakialam. Kaya tumayo ako. Tinanggal ko ang tsinelas ko at marahang lumusong sa malamig na tubig. Hindi para sa kanya. Para lang malamig ang pakiramdam. Para lang hindi ko maramdaman ang init sa dibdib ko—ang inis, ang inip, ang pagkalito. Naghiwalay kami ng direksiyon. Nasa dulo siya ng mababaw na parte ng ilog. Ako naman,

  • Sold To Be His Wife   Chapter 38

    SIENA’S POV Tahimik kaming dalawa ni Zachary habang nag-aalmusal sa labas, sa ilalim ng puno ng mangga sa likod ng bahay. Maganda ang panahon—presko ang hangin, at may kaunting sinag ng araw na sumisilip sa pagitan ng mga dahon. Pero kahit gaano kaganda ang umaga, hindi ko maalis ang mabigat na pakiramdam sa dibdib ko. Mas nauna nang umalis sina Hannah at Tommy. May inihabilin pa si Hannah bago sumakay ng tricycle. “Ikaw na bahala diyan, Siena. Baka may matira pa sa puso mo.” Nakangiti pa siya habang binigkas 'yon, pero hindi ko na kinagat ang tukso. Wala ako sa mood makipagbiruan. Naputol ang katahimikan nang magsalita si Zachary. “Okay ka lang ba?” Napatingin ako sa kanya. Suot pa rin niya ‘yung simpleng t-shirt na tila lalong nagpapatingkad sa kulay ng balat niya. Wala naman akong dapat ipag-init ng ulo, pero sa loob-loob ko… Naiinis ako. Hindi ko nga alam kung bakit. “Oo, okay lang ako,” tipid kong sagot habang iniiwas ang tingin. Kinuha ko ang tinapay sa plato

  • Sold To Be His Wife   Chapter 37

    Siena’s POV Ang saya ng paligid—may konting ilaw sa mga puno, may amoy ng inihaw na isda at barbecue sa hangin, may halakhakan mula sa mga kapitbahay na inimbitahan nina Mama. Pero kahit gaano kasaya ang ambiance, ramdam ko pa rin 'yung bigat sa dibdib ko. Kaya heto kami ngayon ni Hannah, nasa isang sulok ng bakuran, sa mesang may maliit na ilaw, may dalawang baso, at isang bote ng alak sa gitna. “Cheers, bestie!” sigaw ni Hannah sabay abot ng baso. “Para sa birthday ni Tita… at para sa broken heart mo na ayaw mong aminin!” Napatawa ako kahit papaano, pero hindi ko na siya sinagot. Itinungga ko agad ang laman ng baso ko, na parang gusto kong lunurin ‘yung lungkot at inis na nararamdaman ko. Ang alat, ang init sa lalamunan—pero mas mainit ‘yung gumugulo sa dibdib ko. “Isa pa!” sabi ko sabay abot ng bote. “Hoy, dahan-dahan lang! Baka mamaya, ikaw pa ‘yung ipasan ko pauwi,” natatawang sabi ni Hannah pero binuhusan pa rin ang baso ko. Habang lumalalim ang gabi, unti-unti na ak

  • Sold To Be His Wife   Chapter 36

    Pagkauwi mula sa trabaho, agad na bumagsak si Siena sa sofa, ramdam ang pagod ng buong araw. Kinuha niya ang cellphone at mabilis na tinawagan si Zachary. "Sagot naman..." bulong niya habang hinihintay ang kabilang linya. Ilang ulit na niyang tinangkang tawagan ito, pero paulit-ulit lang siyang nadidismaya. Napabuntong-hininga siya. Gusto lang naman niyang magpaalam. Bukas ay kaarawan ng kanyang ina, at gusto niyang umuwi sandali para makasama ito. Alam niyang mahigpit si Zachary, at hindi niya gustong mapagalitan o mapagbintangan na gumagawa ng kalokohan. Sa inis, tinapon niya sa tabi ang cellphone. "Ano ba namang lalaking ‘to? Hindi man lang sumasagot!" reklamo niya sa sarili. Bigla siyang napatigil, nag-isip ng ibang paraan. Kung hindi niya makakausap si Zachary, baka pwede niyang isama sina Tommy at Hannah. Sa ganitong paraan, wala siyang ginagawang mali at hindi siya sisisihin ni Zachary. Kinuha niya ang cellphone at mabilis na nag-chat sa dalawa. Siena: Guys, gusto n

  • Sold To Be His Wife   Chapter 35

    Sa isang pribadong opisina sa kompanya, tahimik si Zachary habang nakatitig sa floor-to-ceiling glass window. Ang kamay niya'y nakasuksok sa bulsa ng slacks niya, ngunit bakas sa ekspresyon ang tensyon. Nang biglang tumunog ang phone niya—Dad ang naka-display. Saglit siyang nag-isip bago sinagot. "Hello, Dad," malamig niyang bati. "Zachary, let's not waste time," panimula agad ni Victorio, diretsong tinig. "Idivorce mo na si Siena." Hindi agad nakasagot si Zachary. Naramdaman niya ang bigat sa dibdib, pero pinilit niyang panatilihing kalmado ang boses. "Wala akong balak makipag-divorce sa ngayon." "Ano bang nakukuha mo sa babaeng ‘yon, ha?!" Singhal ni Victorio sa kabilang linya. "She’s nothing. She’s not even from our circle. Kung hindi mo ‘yan pinakasalan dahil sa init ng ulo mo, baka may awa ka lang. Pero Zachary, hindi ka pinalaki para sa awa." Napakuyom ang kamao ni Zachary. Pero nanatili siyang tahimik. "You know what, you're just like your grandfather. He chose

Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status