"MASAKIT PA BA ang sugat mo?" tanong ni Elvin kay Shanelle habang marahan nitong nililinisan ang sugat niya.Hindi umimik si Shanelle bagkus ay tumingin lang siya sa guwapo nitong mukha. Nakayuko ito habang abala sa paglalagay ng betadine sa sugat niya. Kahit nakayuko ito, kitang-kita pa rin niya ang kaguwapuhan nito. Nakakakilig!"H-hindi na naman. Maayos na ako kaya huwag ka nang mag-alala," nangingiti niyang sagot.Hindi na umimik pa ang binata bagkus ay nang matapos itong maglagay ng betadine sa hindi naman niya kalakihang sugat, kaagad nito iyong tinapalan ng gasa. At nang matapos, may ngiti sa mga labi nitong nag-angat ng mukha sa kaniya."Are you sure, Lane? Sure ka bang maayos ka na? If not, I can bring you to the hospital to check your wound."Bahagya siyang umiling. "Ano ka ba? Maayos na ako, oo. Hindi mo na ako kailangan pang dalhin sa hospital para ipagamot, Elvin."Tumango-tango ang binata saka tumayo mula sa kinauupuan at naglakad patungo sa dulo ng balkonahe. Nang makar
KABANG-KABA SI SHANELLE habang iginagaya siya ni Elvin papasok sa isang restaurant na sa tantiya niya'y mamahalin. At nang makapasok sa loob, doon ay napagmasdan niya ang ganda ng kalooban. Tahimik lang. Ni isang tao ay wala maliban lang sa kanilang dalawa. May isang lamesa sa gitna. Puno ng pagkain. Sa gitna ng lamesa, may nakatayo roong mga kandila. Iginala niya pa ang kaniyang mga mata at isa lang ang masasabi niya, 'ang ganda'!"Did you like it?" Napatingin siya kay Elvin nang magsalita ito. Inosente siyang tumango at nakangiti itong sinagot. "Oo, sobrang nagustuhan ko. Bakit tayo lang ang tao?"Ngumisi ito saka mabilis na binitawan ang kamay niya. Hindi muna siya nito sinagot bagkus ay naglakad ito patungo sa lamesa. Nang makarating, hindi ito umupo, nakangiti itong humarap sa kaniya."Hindi mo na kailangang magtanong. This is our date! Come here, sweety. Let's enjoy this night."Hindi niya mapigilan ang mapangiti ng malapad sa tinuran nito. Kakaiba ngayon si Elvin. Napakaamo na
KINAUMAGAHAN, NAGISING SI Shanelle nang biglang kumirot ang ulo niya. Nakangiwi niyang iminulat ang mga mata at inaantok na umupo sa kaniyang kinahihigaan. Inikot niya ang kaniyang mga mata sa kapaligiran. Nasa loob siya ng isang malaking kuwarto. Pumikit siya at inalala ang nangyari kagabi.Hindi lang isa, dalawa, o tatlo ang pag-iisa nila ni Elvin. Hindi na niya iyon mabilang dahil halos madaling-araw na silang natapos. Medyo mahapdi ang pagkababae niya ngayon pero hindi iyon alintana— hindi naman nakakasagabal sa kaniya. Iyon lang ang naalala niya bago siya tuluyang lumupagi sa kama.Nasaan na kaya si Elvin? Iyon ang naging tanong niya sa sarili at binalingan ang katabi. Wala. Malawak ang espasyo. Nag-iisa lang siya at walang siyang kasama. Doon ay nakaramdam siya ng lumbay. Talagang tinupad ng binata ang gusto niya— ang makita ang mga magulang niya. Ito na iyon, ibinigay na ni Elvin ang gusto niya.Malalim siyang huminga kapagkuwa'y tumayo para magtungo sa banyo. Ang akala niya'y
"A-ANO PONG NANGYARI?" kinakabahan niyang tanong.Ngumisi ang mama niya saka ibinaba ang frame na hawak. Doon ay nakita niya ang litrato ng papa niya. Bakit? Bakit nito iniiyakan ang larawan ng papa niya— ng asawa nito? Magtatanong pa sana siya nang tumayo ang mama niya at naglakad ng ilang hakbang bago tumigil. Hindi pa rin ito natigil sa pagsinghot at pag-iyak. Bakit? Ano na talaga ang nangyayari?"Wala na ang papa mo..." mahinahon nitong sabi habang matalim siyang pinagmamasdan.Nagulat siya dahil sa sinabi nito. Napaluha siya. Patay na ang papa niya? Bakit sabi ni Elvin nitong nakaraang araw, maayos naman daw ang papa niya. Paanong mamatay ito kung maayos naman. Hindi... hindi totoo ang lahat. Walang patay lalong-lalo ng hindi patay ang papa niya."Hindi po iyon totoo, mama..." umiiyak niyang sabi saka sinundan ng sunod-sunod na iling. "Nagsisinungaling ka lang, mama. H-hindi pa patay si papa. Buhay pa siya. Nasaan po ba siya?" Pilit niyang nilalabanan ang pighati dahil alam niyan
NAGISING NA LAMANG si Shanelle nang maramdaman ang panlalamig ng likod niya. Kaagad niyang iminulat ang mga mata at kisame ang kaagad niyang nakita. Gagad siyang umupo saka pinakatitigan ang kapaligiran. Nasa kusina pa rin siya at dahil yata sa tindi nang paghagulhol niya, nakatulog na siya ng wala sa oras.Kahit na inaantok, kaagad siyang tumayo at uminom ng isang basong tubig bago lumabas ng kusina at tinungo ang kuwarto ng mga magulang niya. Nang hawiin niya ang kurtina, nakita niya ang mama niyang mahimbing na natutulog habang yakap-yakap ang litrato ng asawa nito— ng papa niya.Iyon na yata ang ibinigay na pagkakataon sa kaniya parang lapitan niya ang kaniyang mama. Kinakabahan siyang lumapit dito at umupo sa sahig saka hinawakan ang kamay nito at marahang hinimas-himas habang nakatingin sa maamo nitong mukha."Ma," aniya sa malumbay na tono. Muli, unti-unti na namang tumutulo ang luha sa kaniyang mga mata. "Ma, gusto ko lang pong sabihin na mahal na mahal ko po kayo. Hindi po ak
WHEN ELVIN ENTERED in his office, he immediately sat on his swivel chair. Saktong pag-upo niya ay biglang tumunog ang cellphone niya na nasa kaniyang bulsa. He heaved a deep sigh and took his phone from his pocket. When he saw Levin's name on the screen, he answered the call."Hello," he said, emotionless.He's tired. He is really tired!"I have a bad news, Elvin," anito sa naghihikahos na tono.He stood up and went to the mini-kitchen in his office. After that, he took a bottle of beer and went to the mini-sala and sat down on the couch. He opened the beer and drank three times. And then he focused his attentions on Levin."Anong masamang balita, huh? I'm tired, Levin. I've been working since morning then you are calling me to tell that you have a bad news? It sucks!" He rolled his eyes in annoyance.Mapaklang tumawa si Levin kapagkuwan. "Even though the bad news is about Shanelle? If it sucks, you better not know it," ani Levin saka pinatay ang tawag.Napaamang na lang siya ng mga
HABANG NAGMAMANEHO PATUNGO sa presinto, ang isipan ni Elvin ay umiikot sa babae kanina. He must be dreaming! That woman is just a ghost or something! He can't take that. He's just dreaming!"Fuck!" sigaw niya saka hinampas ang manibela.That woman— ran! At nang hinabol niya, nawala kaagad ito. No— he was just dreaming at all. All of that was just a dream, all of that was just a shit! It can't be and how could it be that a dead person would be alive? Argh!Muli na naman niyang nahampas ang manibela dahil sa tindi ng inis. Hindi na niya namalayan na nasa presinto na siya. He stepped out and went inside the police station to report what happened to Lane. After reporting, he immediately stepped in and maneuvered his car towards Levin's house. He promised, so he won't make it a bubble. At nang makarating sa bahay ng kapatid, he saw Levin sitting on the couch while clenching his fists. When Levin saw him, he stood up and walked towards him with a dark face.He was confused that time not un
FLASHBACK "ANOTHER RUM, PLEASE..." Elvin pleaded the bartender.The bartender just nod and took his order. He was in the Mendarez's Bar. He wants to drown himself in drunkeness. He just wants to forget what happened earlier. After a minute, the bartender gave his order. He just smiled at him and drank his rum.Fuck! The hotness of rum drawl on his throat even though this was his favorite alcohol at all. Baka talagang hindi pa siya sanay pero baka sa susunod... hindi na siya mapapikit dahil sa pait. He drank the rum in the glass twice.He shaked his head. Pakiramdam ni Elvin ay matutumba na siya ng mga oras na iyon. The dizzeness filled his head— striked at him again. He shaked his again, but nothing! Nothing happened!"Ayos lang po ba kayo, sir?" asked the bartender.He nodded. Nag-angat siya ng tingin dito at ngumiti. But all of that was just fake. He can't help but to pretend. Hindi niya hahayaang makita siya ng iba na mahina. He's strong! He's strong as fuck!"I-I'm f-ine..." he h