"K-Klare..Umuwi na tayo.Uuwi na tayo.Hmm" Humiwalay ako sa lalaki.Muling napuno ng luha ang mata ko ng makita ang itsura niya.Kanina ay hindi ko masyadong nakikita iyon dahil malayo ako,pero ngayon ay kitang-kita ko na.. Halos masakop na ng dugo ang buong mukha niya.maging ang ngipin at bibig ay nababalot na rin ng dugo. May tama ng bala sa braso, balikat at bintiNaikuyom ko ang kamao ko bago tumayo.. Galit na hinarap ko si Carl..Lumapit at pinaghahampas ko ang dibdib niya"Bakit mo ginawa yon?Bakit mo siya sinaktan Carl!?! Bakit mo sinaktan si Hendrix!!" "He deserves it Klare.. Kailangan niyang pagbayaran ang ginawa niya sayo-" umiling iling ako.."You don't have to shoot him!" umiiyak na nagsisisigaw at pinagsusuntok ko siya.."KLARE KESLEY!" Binaliwala ko ang sigaw ni Daddy. Muli akong humarap kay Carl at hinawakan ang coat na suot niya.."Hindi mo dapat siya sinaktan! Wala kang karapatang saktan si Hendrix,Carl!" "He gave me rights Klare, He broke his promise of not hurting
GALIT na sigaw ni Daddy ang unang bumungad saakin ng marating ko ang sala. Yumuko lang ako at pinagpatuloy ang paglalakad."KLARE!" hinawakan niya ako sa braso para pigilang umakyat ng hagdan."Where's Hendrix?! He needs to go in jail!" Tamad na tumingin ako sakanya. Nagulat pa siya ng makita ang itsura ko..Alam kong luhaan parin ako ngayon.pagod na pagod na akong umiyak pero hindi ko alam kung bakit hindi ko kayang tumigil."Hindi ka babalik sa lalaking yon Klare!" Gumuhit ang mapait na ngiti sa labi ko."I..I know D-Dad..""iiwan ko siya.tatalikuran..pupunta ako sa lugar kung saan hindi niya na ako makikita..Kahit imposible,hahanap ako ng lugar kung saan kayang pawiin ang sakit..Lugar kung saan puwede akong maging masaya ulit" "Iiwanan ko si Hendrix..susukuan. iiwanan ko ang lalaking mahal na mahal ko" mahinang natawa ako hanggang sa tuluyan na akong umiyak at mapasalampak sa sahig.."Daddy..iiwan ko na siya..Kasi masakit na" tahimik sina Daddy. Tanging pag-iyak ko lang ang naririn
THE unexpected time will come that you'll decided to give up something you were afraid to lose because its hurting you,because you're not happy anymore..It is when the thing you've once consider fantasy turned into a worst nightmare. It is when you can't find any reason to stay.It is when you got a courage to let go of something you've ever dreamt of. "Goodmorning,Klare" kinukusot ko pa ang mata habang naglalakad. Naabutan ko si Andrew sa kusina. Eksaktong kalalapag niya pa lang ng mangkok sa mesa ng makita ako."Breakfast?" Nakangiting usal niya.Inurong niya pa ang upuan para saakin.Lumapit at naupo ako doon.Nilagyan niya ng pagkain ang plato ko..Pinagtimpla niya rin ako ng kape..Mahinang nagpasalamat ako bago kumain.. Naramdaman ko ang pag-upo niya sa isang upuang nasa tabi ko pero hindi naman siya sumabay..Tahimik akong natapos. Si Andrew ang nagligpit at nagayos ng mesa. Hindi ko na siya pinigilan.hinayaan ko siya sa ginagawa niyang pagaasikaso saakin.Lumabas nalang ulit ako
NOW, I'm starting to like the sounds of mourning alone-of healing from that pain Hendrix brought to me.Kinalimutan niya ang tungkol saakin.Ang tungkol saamin."Why its so hard for me to draw!" Bumaling ako sa batang katabi ko.. Nanulis ang mapupulang nguso niya,salubong din ang makapal na kilay.Halatang naiinis na.Napangiti ako.Binaba ko muna ang sketch pad na hawak bago tiningnan ang ginuguhit niya.. Sinusubukan niyang iguhit ang tanawing natatanaw namin ngayon. Malawak na dagat,puno ng niyog at iilang cottages "Maganda naman ha" lalo lang siyang napanguso.."No..its not..I have erasures.i can't even perfect my trees po" napangiti ako at humarap sakanya.."Is this ugly po? Yung drawing ko?" Umiling ako"It's beautiful baby""You're lying" mahinang natawa ako"No.ofcourse not! Maganda" mahina kong ginulo ang buhok niya."Really? Your not saying that because you don't wanna hurt my feelings, right?" Ngumiti at tumango ako."That was awesome" ngumiti ang bata. Lumabas tuloy ang malii
NAGPAKAWALA ako ng isang malalim na buntong hininga bago humawak sa seradura ng pinto.Ilang minuto na akong nakatayo sa tapat niyon. Nagdadalawang isip kung itutuloy ko ba o hindi... Dalawang linggo na ng malaman kong gising na si Hendrix.At sa loob ng dalawang linggong iyon ay ginugulo ako ng isang hindi maipaliwanag na pakiramdam. Paulit-ulit akong tinutulak ng isang bagay.Gusto ko siyang makitaNanginginig na pinihit ko ang doorknob. Nang makitang hindi iyon naka-lock ay mahina kong tinulak pabukas.Sumalubong saakin ang lamig ng aircon.at tunog ng isang monitor. Nagpatuloy ako sa pagpasok hanggang sa makita ang lalaking natutulog sa magandang uri ng kama..Lumapit at ilang sandali kong unusisa ang kalagayan niya. Nakabenda ang ulo.may mga galos sa mukha at braso.Isang suwero nalang din ang nakakabit sa katawan niya taliwas sa larawang ipinadala ni Kate noon na halos hindi ko mabilang ang mga hose na nakakabit sa lalaki.'Hendrix' mahinang buka ng bibig ko. Sumabay pa ang pagland
"WALA kang work ngayon Daddy?" Masiglang tanong ni Ryde ng buhatin siya ng lalaki para ipasok sa loob ng sasakyan. "Wala" humagikhik ang bata. Tumingin pa siya sa'kin.pilit niyang inaabot ang kamay ko. Ngumiti ako at ako na mismo ang humawak ng kamay niya. "Sasama ka di ba po?" Umiling ako"Po?" "It's suppose to be your time with your dad baby" ngumuso siya"Pero gusto ko pong sumama kayo" Napakagat labi ako ng mapansing ang lapit ko na pala sa kanya. Hawak at bahagyang hinila ni Ryde ang kamay ko kaya bahagya akong napalapit sa harapan niya.Palihim na umatras ako bago tumingin sa bata"Hmm..Ryde kasi -""You can join us" gulat akong napatingin sa lalaki pero agad ring umiwas.. pilit kong hinahanap kung talaga bang papanindigan niya ang sinabing puwede akong sumama sa kanila sa pamamasyal.."Yehey!" Sigaw ni Ryde.._____________NAKANGITING pinapanood ko si Ryde habang naglalaro sa slide. Nasa dulo niyon ang lalaki at hinihintay siya pagkatapos ay aalalayan ulit pabalik sa taas.
HUMAHAMPAS ang alon sa batuhan na sinasabayan ng pag-ihip ng banayad na hangin. Nararamdaman ko pa kung paano nito sinasayaw ang aking buhok.Sa kabilang banda naman ay di kalayuan si Ryde kasama ng Daddy niya.Nakaupo sila sa mantel at magkatulong na inilalabas ang mga dalang pagkain mula sa basket..Bumaling saakin ang bata. Kumaway siya at sumigaw para ayain akong makisalo sakanila. Ngumiti at tumango naman ako. "Gusto mong menudo po?" Tumango ako kay Ryde. Nilabas niya ang isang tupperware kung saan nakalagay ang menudong inaalok niya. Mahinang natawa ako ng makitang pilit niyang binubuksan iyon.Kukunin ko na sana sakanya pero naunahan ako ng lalaki. Siya ang nagbukas niyon at inilagay sa sahig.sa gitna namin. Tumingin ako sakanya pero nagpatay malisya lang ang lalaki. "Kain ka na po" doon lang ako napabaling kay Ryde. Tumango ako sakanya bago nagsandok ng menudo..____________MASAYANG natapos ang tanghalian namin. Panay ang kuwento ni Ryde. Magiliw at nakangiti naman akong naki
Isn't it wonderful when you know that you're no longer hurt. That you already get over and ready to start a new life again. A life that you've longing for. A life that you've been seek for almost half of you existence."Gusto ko po! Gusto ko po!" Tumalon talon ang bata sa ibabaw ng kama ko.natatawang nilapitan ko siya at hinawakan sa kamay.."Really? Sasama ka saakin?" "Opo! Gusto ko pong makita ulit family niyo. Gusto ko ring makita yung house niyo po" kinurot ko ang pisngi niya. "Puwede po bang isama natin si Daddy?" Nabura ang ngiti ko, pero agad rin namang nabalik ng makita ang inosenteng mukha ng bata habang naghihintay ng sagot ko.."Uhm..K-Kung okay lang sa Daddy mo baby" muling napahagikhik ang bata..niyakap niya rin ako.natigilan ako bago ngumiti at gumanti ng yakap sakanya.."MsKlare...Thank you po ah!" Naglalakad na kami ngayon pabalik sa resthouse nila.."Para saan?" Hawak ko ang kamay niya habang naglalakad..Sumasabay pa iyon sa bawat galaw namin."Because you're willi
"NASAAN si Hendrix?" Tanong ni Kate..Ngumisi siya bago tumabi saakin sa sofa.."Baka pinalayas mo nanaman dahil binilhan ka ng donuts na may butas" natawa siya , napanguso nalang ako.."So, pinalayas mo ulit?" "H-Hindi" "Nasa kusina siya..Pinatulong kong magluto kay Andrew" natigilan siya"Nandito siya-si Andrew bumalik na siya?" "Oo kanina lang" Bumaling siya sa kusina bago napasandal sa sofa.."K-Kumusta si.. Chloe?" Ngumiti siya"She's fine now...Klare, thank you" hinawakan niya ang kamay ko"Don't worry,nangako siya na hindi na kayo guguluhin""Sorry sa lahat ng ginawa niya sayo" sumandal siya sa balikat ko.. ngumiti ako at hinaplos ang ulo niya"Nga pala..may dala ako" lumayo siya saakin at may kung anong kinuha sa tote bag niya.."Menudo..Naalala ko wala pa akong naibibigay mula nung makabalik kayo..Kaya naisipan kong lutuan ka nalang ng paborito mo" ngumiti ako ,Kinuha ko ang tupperware mula sa kamay niya"Salamat Kate" Ipinatong ko iyon sa center table, binuksan at inamoy
"KLARE, hows your conversation with Dad?" Agad na tanong ni Hendrix, Napatayo pa siya ng makita ang pagpasok ko..Imbes na sagutin ay sinara ko ang pinto ng kuwarto at ini-lock iyonMarahas kong binura ang distansya namin at kaagad na sinungaban ng halik..Ipinulupot ko pa ang mga braso sa leeg niya..Nagulat siya..Ramdam ko iyon pero kalaunan ay tumugon na rin..Pinipilit niya pang magsalita pero kaagad ko siyang pinipigilan sa pamamagitan ng mahanap na halik..Humanap at naglakbay na rin sa polong suot niya ang kamay ko..Aligaga kong kinalas ang mga butones niyon ng hindi nilulubayan ang labi niya..Napapangisi pa siya dahil sa mga kinikilos ko..After a while,I pulled for a kiss and look straight at him"Hendrix..I want you..Please" hingal na hingal ako ng hilingin iyon..Nakita ko ang pagkagulantang niya.."Please..Make love to me tonight..I need you!" Umigting ang panga niya..Nagpakawala siya ng iilang mura bago ako sungaban ng halik..Naramdaman ko rin ang paglutang ko sa ere dahil
"Hendrix" hinawakan ko ang braso niya para pahintuin.."W-We can do this some other time" ngumiti siya"I can't wait to marry you..So,we need to do this now,Hmm" "Pero-""It will be fine,Klare..I tell you it will" hinawakan niya ang likod ng ulo ko,mahinang kinabig iyon papalapit sakanya para mahalikan ako sa noo.."I love you" he said,"I..I love you, too" ngumiti siya at mas pinagsinop ang mga daliri namin bago muling naglakad..Magiging maayos ang paguusap na to di ba? Magiging maayos ang kalalabasan nito..Sana..Sana ngaPero.."Klare?" Naabutan namin silang tatlo sa dinner table, mukhang nangangalahati na sa hapunan..Lahat sila ay gulat ng makita ako,lalo na ang lalaking kasama ko.."Anak?" Si mom, narinig ko rin ang mahinang usal ni Trixie ng makita ang kamay namin ni Hendrix"Who the héll tell you that youre welcome in my house!?" Si Dad..Nakatingin siya kay Hendrix.. Mahigpit rin ang pagkakahawak niya sa kutsara"Good evening" panimula ni Hendrix"...Sorry to intrude..but ca
NGUMITI ako ng muling sakupin ng maliit na palad ni Vien ang mukha ko..Pinakatitigan niya ako pagkatapos ay hahalikan sa pisngi.Kanina ay nagpaalam si Yanna na aalis saglit para tawagan ang asawa. Naiwan saakin si Vien, noong una ay nagdadalawang isip pa siyang lapitan ako,pero kalaunan ay natagpuan ko siyang nasa kandungan ko na,hawak pa ang mukha ko.."You're so pretty..I want to marry you" nanlaki ang mata ko, is he really two year old? "But.. you're tito Hendrix wife na e" mahina kong kinurot ang pisngi niya..Ang cute cute niya talaga..Kahit bilang lang ang beses na nakita ko si Luther, masasabi kong kamukhang-kamukha niya ang anak..Walang inilayo..pero habang tumatagal ang pagtitig ay napansin kong may nakuha din siya kay Yanna...kunti nga lang "Do you love my Tito po?" Ngumiti ako, tumango"Yes Vien..I love your Tito Hendrix" "Yeah..well said..I'm glad he already found you..I love tito Hendrix too, and I don't want him sad anymore" muli akong ngumiti,"Me too..ayoko ring na
HALOS hindi ko na nilulubayan ng tingin ang singsing na bigay ni Hendrix..I still can't believe that he asked me to marry him..That he's still accept me despite the years I've became cruel."Why do I feel jealous to the ring I just gave to you?" Takang napabaling ako sa lalaki."Ha?" Naupo siya sa lounge,sa tabi ko..Hindi na ako umusog dahil kasya naman kami,isa pa ay mukhang ayaw niya rin akong umusog pa.. Hinawakan niya pa nga ang baywang ko para ipermi,para ilapit pa sakanya lalo "You're spoiling that ring, and you let your husband felt jealous in the corner--" Napakurap kurap ako bago napailing.."Sorry..nagagandahan lang ako-" tumingin ako sakanya"..masaya ako Hendrix..Kasi tinaggap mo parin ako, at inaya pang magpakasal" ngumiti ako bago nagpatuloy "Aaminin ko, habang papunta ako dito,sobrang natakot ako..Kasi pano kung ayaw mo na,na hindi mo na'ko tanggapin,na nagsawa ka kasi na-realize mong hindi ako worth it na hintayin ng siyam na taon-""..N-Na hindi mo na ako mahal" nak
LUMALANDAS parin ang luha ko, ang daliri niya ay paulit ulit na tinutuyo iyon..I waste nine years of my life for hating him..and I know I'm idiót who deserve his anger now..I feel sorry for being reckless to him for leaving him in that state..If I could turn back the time,if only I know the whole truth,I will surely not let go of his hand..I will surely heal with him.. But I can't change the decision I once commit, ang magagawa ko nalang ay bumawi at iparamdam na nagsisisi ako sa ginawa kong pagtalikod sa kanya..I want to promise him that I will not leave his side again..I won't be disappear again..He pulled off..Kapwa kami hinihingal ng maghiwalay siya, Hawak niya parin ang pisngi ko,pinagdikit niya pa ang mga noo naming dalawa matapos niya akong patakan ng halik sa dulo ng aking ilong..The smell of his breathe was just shivers me,it brought me into something familiar to me,that I already once feel nine years ago-home"H-Hendrix" tawag ko matapos ang ilang segundong katahimikan
HAWAK-HAWAK ko ang dibdib habang nakatingala sa mataas na gate ng mansyon.. Ramdam ko ang malakas na ulan na tumatama sa katawan ko, pagod na pagod din ako pero sa kabila ng mga iyon, nakangiti ako habang naghahabol ng hininga..Wala akong sinayang na oras, tinulak ko ang gate pabukas, nagtaka pa ako kung bakit bukas iyon.. Ngunit ano man ang dahilan mabuti ng naiwang bukas dahil hindi ako nahirapang pumasok..Tumakbo ako sa malawak na balkonahe, Napalunok pa ako habang dahan-dahang lumapit sa may malaking pinto, itinukod ko ang isang palad ko at idinikit ang kaliwang pisngi doon..Ng sandaling madama ko iyon ay muling nagsilabasan ang mga luha ko.."Hendrix" bulong ko, habang nakapikit..Iniwan ko siya, tinalikuran at sinisi sa lahat..Hindi ko tinupad ang pangako kong mananatili ako sakanya..Sinaktan ko siya sa disesyong paglayo ko..Binuhos ko lahat ng galit at sakit sakanya ng hindi ko alam ang totoong nararamdaman niya..Nasaktan ako..Kaya kinalimutan ko siya..Ang akala ko ay ako la
"I'll bring you to him" Hindi niya ako hinintay na makapagsalita. Kaagad niyang hinuli ang palapulsuhan ko at basta nalang naglakad..Habang nagpupunas ng luha ay nagpatianod ako kay Ridge,Naguguluhan man ay hindi ako tumutol,Hindi ko binawi ang kamay ko mula sa magaang pagkakahawak niya..He will bring me to Hendrix? Iyon ang sinabi niya,Hindi ako maaaring magkamali..Pero paano? Ni hindi nga niya alam kung saan nakatira ang lalaki, Hindi niya rin ganun kakilala kaya paanong siya ang magdadala saakin sakanya? But despite those thoughts,natagpuan ko ang sariling malayang sumusunod sakanya "Klare?" Tawag ni Andrew. Hindi sana siya papansinin ni Ridge pero bigla siyang humarang sa daan dahilan kung bakit napahinto kami"Saan mo siya dadalhin?" Bagamat kaswal ay ramdam ko ang pagtataka sa boses niyaHindi sumagot si Ridge,pero nakita ko ang pagigting ng panga niya,na para bang hindi siya nasiyahan sa ginawang pagharang saamin ni Andrew"Saan mo sabi siya dadalhin?" Paguulit niya pa.Nang
⚠️ WARNING: Abûse.Violence.Disturbance topic.."ANONG ginagawa niyo!" Halos mapatalon sila sa gulat ng biglang dumating ang lalaki,galit na galit"Balak niyong tumakas!?" Lumapit ito sa kanila at walang kahira-hirap na naiangat gamit ang pagkabilang kamay, "Sinabi kong wag kayong magbalak diba?!" Binalibag sila nito sa gilid..Muntik ng mawalan ng malay si Chloe dahil sa malakas na pagkakatama ng katawan niya sa pader."Drix?" Tawag nya ng makita si Hendrix na nakapikit at mukhang gaya niya ay sobrang nasaktan din sa ginawa ng lalaki..."Drix...c-come here-" kahit nahihirapan ay pagapang niyang nilapitan si Hendrix, ng maabot ay niyakap niya ito.."Anong nangyayari dito!?" Biglang pumasok ang yaya niya kasama ng dalawang lalaki.."Nagbabalak po silang tumakas" nangalaiti ang babae.. Lumapit siya sa dalawang batang takot na takot at pinaghiwalay..Tinulak niya pa ang batang babae, kinabig niya naman papalapit sakanya si Hendrix"Hendrix! Tatakas ka!? Hindi puwede okay!" Sigaw niya dito