Share

Kabanata 2

Napadpad ako dito sa gilid ng relis..

Magkakadikit dikit ang bahay

Maingay, at Magulo.

Maliit lang ang inuupahan kong kwarto, walang kusina at walang banyo.

Nagbabayad ako ng limang piso sa kapit-bahay pag makikigamit.

Ilang buwan naakong tambay, yung perang binigay sa akin ni Nanay Carol, ay papaubos na sa susunod na buwan.

Nag-apply akong trabaho service crew, janitres, katulong, pero paglalabada ang kinabagasak ko.

Hindi ako tinatanggap kasi pag hinahanapan ako NBI ay nakikita nilang may record ako, at madalas tinatawag akong Kriminal.

Masakit yung husgahan ka kaagad, kahit hinde naman nila alam ang totoong kwento sa likod ng masalimuot mong pagkatao.

ilang araw palang ako sa kulungan ng nabalitaan ko na namatay na ang Inay.

Gabi-gabi akong umiiyak, hinde ako makatulog, hinde ako makakain subrang sakit yung sinapit naming mag-ina.

Isang dahilan kung bakit ayaw ko ng umuwi ng probinsya, dahil magpahanggang ngayon hinde ko parin maibaon sa limot ang lahat.

Natanggal ako sa paglalabada ng isang araw ay bigla akong hinipuan sa pwet ng asawa ng amo ko, kaya nasampal ko siya at nagsumbong ito sa asawa at binaliktad ang kwento.

Kaya ito ako ngayon, naghahanap ng panibagong mapapasukan.. nagbabakasakali na baka may pag-asa pa ang katulad kong tinalikuran ng mundo.

~~~~

Suwerte ang matatawag ko sa isang matandang babae na tinulungan ko kaninang umaga sa may palengke nang malaglag ang mga prutas na pinamili niya at heto at binigyan niya ako ng address para daw sa gagawing party ng anak niya dahil nang magkausap kami ay sinabi kong naghahanap ako ng trabaho at bukod pa roon ay nilakad niya pa ako sa kakilala niyang may-ari ng karinderyang madalas niyang kinakainan. Nag-suot lang ako ng maong na palda at tinuck-in ko lang ang blouse ko na puti at naglagay rin ako ng kaunting make-up para presintabli akong tingnan.

Minasdan ko ang paligid nang makarating ako at mukhang hindi scam ang sinabi ng babae dahil napakaganda ng lugar. Nilapitan ako ng guwardiya at binigay ko sa kaniya ang papel na binigay no’ng matanda at pinahintay niya ako dito sa labas at maya-maya pa’y may lumabas na isang babae at kung hindi ako nagkakamali ay ito ang may-ari ng catering services na sinabi ng matanda. Pinapasok ako sa loob at nilagyan pa ako ng makapal na make-up dahilan para maasiwaan ako dahil lahat ng taong nakakasalubong ko ay napapatingin sa akin kaya yumuyuko na lang ako.

Napabuntong hininga ako habang pinagmamasdan ang paligid. Napapalibutan kami ng mgagandang ilaw at iba't-ibang disenyo ng mga bulaklak at nagtatayugang pader..

Marami ng mga tao at ang gagara ng mga kasuotan nila.

May nagsasalita sa stage at nagkakasiyahan ang mga bisita.

Maya-maya pa ay inayos na namin ang mga pagkain at nilagay na sa gilid kung saan isa-isa na ang lumalapit at kumukuha ng pagkain.

Nanatili lang akong naka tayo sa gilid at pilit na ngumingite sa harap ng mga ito.

Dinagdagan ko ang pagrerefill ng mga pagkain dahil paubos na.

"Excuse me miss, it's a fresh lumpia isn't it?!"

Nag angat ako ng tingin

"Yes Sir."

At yumuko uli at pinagpatuloy ang ginagawa..

"Miss, wh-who made this?"

Carla's Catering Services Sir. Bored kong saad.

" Look at me, when I'm talking to you!"..

Galit na boses na saad nito.

Nag angat ako ng tingin... Nakakonot noo itong sinalubong ang tingin ko.

Napalunok ako ng makilala ang lalaki..

Pasensya na po!..

Yumuko ako uli, dahil sa pangalawang pagkakataon para akong natutunaw sa paraan ng pagtitig nito.

It's alright.I'm sorry too?!"

Tiningnan ko uli ito, at ngayon ay nakangite na ito.

"Do I frighten you?"..

huh?...

Di ko po kayu maintindihan pasesnya na po.

I see.

Maikling tugon nito at umalis na.

Inabala ko uli ang sarile sa mga bisitang kumukuha ng mga pagkain at peke akong ngumingite sa mga ito, dahil ang kukulit.. Maraming tinatanong ng kung ano-ano at parang ayaw ata umalis sa harap ko.

Malapit ng mag alas dyes ng gabi at paubos na rin ang pagkain kaya isa-isa na namin itong nililigpit..

"Hi miss, may I know your name?

Tanong ng isang lalaking ubod ng puti at parang may lahi.

Isabel po. Adeline Cruz.

" Nice to meet you Adeline,

"I'm Prince Martin Stark.

Nakipag kamay ito, at inabot ko naman ito nakakabastos naman kung hinde ko ito papansinin lalo pa't bisita ito.

Ngumite ako dito at marami pa itong tinanong bago umalis.

Hinatid ko ito ng tingin hanggang sa lumapit ito sa isang lamesa at umupo.

Sunod-sunod akong napalunok ng makita ang lalaking tinabihan ni Prince Martin.

Nakatiim bagang ito habang hawak hawak ang isang kopita. Nakatitig na naman ito saakin at nanlilisik ang ube nitong mga mata.

Kinaumagahan ay nahihirapan akong bumangon dahil para akong nilalagnat. Nilalamig ako at Hinde rin ako makalakad dahil namamaga ang paa ko at nagkalat na ang alipunga sa dalire ko sa paa dahil sa maruming tubig ulan dito sa labas ng inuupahan ko.

Gutom na gutom na ako pero di ko talaga maimulat ang mga mata dahil subrang sakit ng ulo ko at ng buo kong katawan...

Nakahilata lang ako sa maghapon at paika-ika akong naglalakad upang makaihi, pero hinde ko kayang lumakad ng malayo kahit makabili lang sana ng kape. Malayo pa ang tindahan at tatawid pa ako sa relis baka masagasaan ako dahil paika ika akong maglakad.

Bumalik ako sa kwarto at ininda nalang ang gutom.

Nag pajama ako, medyas at jacket.. At kinumutan ko ang buong katawan dahil nanginginig ako sa subrang lamig.

Naalala ko pag ganitong may sakit ako nilalagyan ako ni Inay ng mga dahon sa noo, mula sa tanim nito sa bakuran sa gubat.

Pinapainom niya ako ng dahon klabo at nilalagyan ng kalamanse, at hinilot ako ng mga dahon dahon na may gas.

Hinayaan kong tumulo ang mga luha ko ng maalala ang Inay, kahit bulag siya ay naalagaan niya ako.

Tumagilid ako at pilit na winawaglit saaking isipan ang masakit na sinapit ng Inay ko, dahil nakukunsensya ako.

Gusto ko ng ibaon sa limot ang masalimoot na pangyayareng iyon!..

Narinig ko ang pagkalampag ng pintuan ko sa kwarto.

Nagbuntung hininga nalang ako kasi baka katapusan na ng aking buhay.

Baka pinasok na ako ng mga manyakis kong kapit-bahay.

Baka katapusan ko na.

"Fuck! Fuck!

Malulutong na mura ang narinig ko at ang pag angat ko sa ere,

Hey, Wake up.Please.I'll take you to the hospital dammit!...

Natatakot ako, ayaw ko pang mamatay?!"

Mahina kong bulong. At nanatiling pikit ang mga mata ko.

"It won't happen. I'm here. Don't be scared."

ang huli kong naramdaman ay ang paghaplos nito sa mukha ko at mumunting halik sa noo ko, bago ako kinain ng dilim.

~~~~

Isang linggo na ang nakalipas at ngayon ay laglag ang balikat ko habang pauwi ng inuupahan..

Dalawang araw palang ako sa Catering ay nawalan na naman ako ng trabaho. Binigay nito saakin ang bayad ko sa dalawang araw na pagtatrabaho at may Tip din itong binigay dahil sa pag o-overtime ko.

Ayun kay Ma'am Carla, ay magsasara na ang Catering nito dahil may nahanap na daw itong buyer na bibili sa lupa ng kinatitirikan ng negosyo nito.

Bakit ang malas-malas ko. Sinumpa ba ako kaya ganito ang takbo ng buhay ko?!..

Dire-diretso akong naglakad at hinde alintana ang mga lasing na sumisipol saakin sa daanan..

Shittt!.....

namilog ang mga mata ko ng may malakas na humablot sa braso ko at yakap-yakap na ako ng isang lalaki at hinde maipinta ang hitsura nito.

'What the hell are you doing woman?"..

Amoy ko ang mabango nitong hininga... at mas lalo ko pa itong natitigan ng mabuti.

Ang lapit-lapit ng mukha namin sa isa't-isa at aminado akong napakagwapo nito kahit nakakonot noo pa ito.

"what was that?"..

You're almost hit by the train but you don't seem to care?

Napalingon ako at nakita ko nga ang maingay na tren na dumaan sa harap namin.. Hinde ko talaga napansin at hinde ko rin narinig ang pag busina nito.

Binalik ko ang tingin sa lalaki, na ngayon ay seryoso na at hinde parin ako binibitawan.. Nakakapit ako sa braso nito at ito naman ay nakapolopot ang dalawang kamay sa bewang ko.

Napakagat labi ako, kasi hinde ko alam kung ang sasabihin at nahihiya din ako sa posisyon namin..

Binasa ko pa ng sariling laway ang ibabang labi, pero napasama pa ata dahil bigla ako nitong tinulak na animo'y may sakit akong nakakahawa.

"Damn muling mura nito.

Malutong na mura nito at napasuklay nito ang kamay sa sariling buhok.

"Salamat!.. .

Nakayuko kong turan

Don't mention it.. I'm here to offer you a job anyway.

Hinde ako interasado sa trabahong inaalok mo, kaya pwedi ba tantanan mo na ako.

Look, am just wanna help you,

What doe----

Pwedi ba?!....

Hinde mo ako mapapaikot sa kamay mo, ibahin mo ako sa mga babaeng naloloko mo!..

Nakita kita sa selda ilang buwan na ang nakakalipas, dati akong preso, masamang tao, kriminal!.. ako yung tumalakbong ng kumot.

Matigas na turan ko dito.

Napabuntung hininga ito at parang hinde manlang nagulat sa sinabi ko, nakapamulsa itong pinagmamasdan ang paligid at dikit dikit na bahay.

Iniwan ko ito at pumasok sa tagpi-tagpi kong kwarto.

Natutu na ako, at hindeng hinde na mauulit pa ang nangyare limang taon na ang nakakaraan.. Dahil sa lintik na lalaki ay nawala ang Inay ko, gumuho ang mundo ko, dahil sa isang pagkakamaling desisyon nagawa ko.

Tama si Nanay Carol, wag ako basta-basta magtitiwala.. Lalo na sa mga taong makapangyarihan.

Alam kong may masamang intensyon sa akin ang lalaking yun. Hinding hinde niya ako madadala sa hitsura niya.

Kinaumagahan ay hinde ako nakapasok dahil para akong nilalagnat.Nilalamig ako at Hinde rin ako makalakad dahil namamaga ang paa ko at nagkalat na ang alipunga sa dalire ko sa paa.

Gutom na gutom naako pero di ko talaga maimulat ang mga mata dahil subrang sakit ng ulo ko at ng buo kong katawan...

Nakahilata lang ako sa maghapon at paika-ika akong naglalakad upang makaihi, pero hinde ko kayang lumakad ng malayo kahit makabili lang sana ng kape. Malayo pa ang tindahan at tatawid pa ako sa relis baka masagasaan ako dahil paika ika akong maglakad.

Bumalik ako sa kwarto at ininda nalang ang gutom.

Nag pajama ako, medyas at jacket.. At kinumutan ko ang buong katawan dahil nanginginig ako sa subrang lamig.

Naalala ko pag ganitong may sakit ako nilalagyan ako ni Inay ng mga dahon sa noo, mula sa tanim nito sa bakuran sa gubat.

Pinapainom niya ako ng dahon klabo at nilalagyan ng kalamanse, at hinilot ako ng mga dahon dahon na may gas.

Hinayaan kong tumulo ang mga luha ko ng maalala ang Inay, kahit bulag siya ay naalagaan niya ako.

Tumagilid ako at pilit na winawaglit saaking isipan ang masakit na sinapit ng Inay ko, dahil nakukunsensya ako.

Gusto ko ng ibaon sa limot ang masalimoot na pangyayareng iyon!..

Narinig ko ang pagkalampag ng pintuan ko sa kwarto.

Nagbuntung hininga nalang ako kasi baka katapusan na ng aking buhay.

Baka pinasok na ako ng mga manyakis kong kapit-bahay.

Baka katapusan ko na.

Fuck! Fuck!

Malulutong na mura ang narinig ko at ang pag angat ko sa ere,

Hey, Wake up. Please, I'll take you to the hospital dammit!”

Natatakot ako, ayaw ko pang mamatay!

Mahina kong bulong. At nanatiling pikit ang mga mata ko.

"It won't happen. I'm here.Don't be scared?!"

ang huli kong naramdaman ay ang paghaplos nito sa mukha ko at mumunting halik sa noo ko, bago ako kinain ng dilim.

Balaha na kung ano ang mangyayari bukas.

At tuluyan na ako nilamon nh dilim.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status