Share

Kabanata 5

 

Tanghali na nagising si sir dahil ang himbing ng tulog nito.

Hindi ko na rin ginising dahil bilin nya sa akin na wag ko raw ito gisingin.

Sinunod ko naman ang gusto nito.

"Sir, gusto nyo po, ba ng kape?" tanong ko sa amo ko.

"Yes," sagot nito. Alam nya naman na mahilig sa kape ang lalaki.

Nakatitig lang ito sa akin habang tinitimplahan ko ito naiilang tuloy ako kay sir.

"Adeline, ano bang paborito mong bulaklak?" tanong nito sa dalaga.

"Bakit po, sir?" tungon nito sa lalaki.

"Wala nais ko lang malaman?" pahayag nito.

Nagkibit balikat na lang ako dahil iba ang kilos ni sir ngayon lately.

"Sir! Ito na po, ang kape nyo, isa pa, po hindi naman ako mahilig sa mga bulaklak!" seryosong sagot ko kay sir.

"Iba ka rin pala sa kanila," saad nito sa akin.

"Huh? May sinasabi ka ba?" tanong ko dito amo kong lalaki.

"Nothing, Adeline sige magtrabaho ka na," wika nito sabay alis sa harap ko.

Kahit nagtaka ang babae isinawalang bahala na nya ang amo nito.

Nang matapos ang trabaho umupo ako sa upuan plastic dito sa harap ng pinto.

Bigla ako nakaramdam ng antok kaya pumikit mo na ako.

Kalaunan nakatulog ako nagising ako nasa kwarto na ako humihiga.

Nagtaka ako kung sino nagbuhat sa akin patungo sa kwarto ko.

Impossible naman na si sir ang nagbuhta sa akin.

Ag lalong iposible naman kung ako mismo ang naglakad papunta dito.

Napakamot na lang ako ng aking ulo.

Hindi kaya may multo dito sa bahay ni sir.

"Diyos ko wag naman sana dalawa lang kami ni sir dito," bulong ng utak ko.

Pumunta ako sa banyo upang maghilamos.

Baka mahimasmasan ako sa aking pag-iisip.

Iba't-iba kasi pumapasok aa utak ko siguro dahil sa pagod.

Nang matapos ako muli ako pumunta sa sala. Tiningnan ko mo na ang relo bago ako magkape.

Sakto 3; 30 na ng hapon.

Habang nagtitimpla ako tumunog ang doorbell.

Tiningnan ko mula sa maliit na camera.

Delivery boy ito lumabas ako upang kunin.

"Hello po, ano po ang kailangan nila?" magalang na, tanong ko dito.

"Miss, may delivery po, kayo paki pirma na lang po ako diyo?" wika nito sa akin."

"Sir bayad na po, ba' ito?" muling tanong nito.

"Opo, bayad na po iyan," sagot nito sa akin.

Ang totoo wala naman ako inoder baka kay sir ito.

"Thank you Miss?" ngiting sabi nito."

Dinala ko sa loob ang kahon sa loob.

Tatanongin ko na lang si sir kapag narito ito.

Hindi nagtagal lumabas si sir galing sa kwarto nito. Naka bihis ng maganda at bagay sa kanya.

"Sir, may delivery po kayo?" saad ko dito.

"Huh? Delivery, hindi naman ako nag-order nyan?" tangging nito.

"Eh, kung ganun sino po, ang nag-order nito sir. Lalo na ako dahil wala akong cellphone at pera?" takang sagot ko dito.

"Kunin mo, na lang kaysa ibalik mo," sabi nito sa akin.

"Hindi naman po, siguro pwede dahil hindi ko pinaghirapan ang perang pambili nito," wika ko dito.

"Bahala ka, kung itapon mo, ba iyan?" sagot nito sa akin.

"Adeline, magbihis ka sumama ka sa akin may pupuntahan tayo?" wika nito sa akin.

"Saan po, tayo pupunta sir?" tanong ko dito."

"Wag na masyado matanong sumama ka na lang sa akin," wika nito sa akin.

"Opo, sabi ko nga po, eh sasama ako sa' yo!" ngising sabi ko dito."

Pumasok ako sa kwarto ko upang magbihis.

Nagsuot ako ng t shirt at pantalon. Naglagay ako ng konting lipstick at pulbo.

Wala akong dalang bag.

"Sir! Okay na po?" pukaw ko dito."

"Let's go Adeline mamayang gabi tayo uuwi sa bahay," sabi nito sa akin.

Tumango na lang ako kay sir kahit sabihin ko hindi pwede sya naman masusunod. Marami pa, akong planzahan sa bahay kaya gusto ko maaga ako umuwi pero itong amo ko balak ata magtagal sa labas.

Habang nasa daan kami mga taong grasya akl nakikita. Bigla ako na-awa dahil sa kalagayan nila. Kung mayaman lang ako tinulungan ko na sila kaso pareho rin kami.

"Adeline are you okay, bakit ang tahimik mo naman dyan?" pukaw ni sir sa akin.

"Wag mo, ako intindihin sir nag-iisip lang ako," sagot ko dito.

"Huh? Tungkol saan naman," usisa nito sa akin.

"Sir gusto mo, ba' talaga malaman kung ano ang iniisip ko?" sagot ko dito.

"Sige sabihin mo, baka makatulong ako sa' yo?" muling sabi nito sa akin.

"Sir na-awa po, ako sa mga taong grasya dahil hindi na sila hinahanap ng pamilya nila. Hindi rin maganda ang pagkain nila umaasa lang sila sa tira," sabi ko dito.

Tumango-tango lang ito sa akin.

Dahil sa pag-uusap namin hindi ko namalayan nakarating na pala kami sa pupuntahan namin.

"Bumaba ka, na bibili tayo ng grocery dahil naubusan na tayo?" sabi nito sa akin.

Lumabas ako sa sasakyan nito.

Oo nga pala wala na grocery sa bahay.

Hindi ko tuloy na sabi kanina kay sir. Mabuti na lanh sya ang nag-aya lumabas upang bumili ng kakailanganin namin.

"Adeline kumuha ka ng gusto mo?" utos nito sa akin.

Kukuha ako pang snacks ko mamayang gabi wala naman akong dalang pera kaya si sir mo na ngayon manglibre sa akin.

Nang makuha namin ang lahat nagpila na si sir upang magbayad.

Nilagay lang namin ang grocery sa loob ng sasakyan at muli kami pumasok sa mall.

Nagtungo kami sa bilihan ng cellphone siguro bibili ng bago ang lalaki.

"Adeline, tumingin ka, dyan?" turo nito sa mga cellphone..

"Po? Ako, sure ka po, bibilhan mo ako?" hindi makapaniwalang sabi ko.

"Yes, regalo ko na, sa' yo, " sabi nito sa akin.

Pinili ko kulay pink agad naman binayaran ni sir.

Iba talaga kung mapera ka lahat ng gusto mo makukuha mo.

"Thank you sir sa cellphone," untag ko dito.

"Your welcome," sagot nito.

"Adeline gusto mo, ba kumain sa restaurant?" tanong nito sa akin.

"Sige sir," sang-ayon ko dito.

Muli kami sumakay ng sasakyan.

Huminto ang sasakyan sa harap ng restaurant.

Hindi ko na hinintay sabihan ako ni sir kusa na aki lumabas sa sasakyan.

Mahirap na baka masigawan pa nya ako.

"Hay, sir ma'am welcome po?" bati ng babae sa amin.

Tumingin ako sa paligid mga mayayaman ang narito.

Bigla ako nahiya dahil isa lang akong katulong.

"Adeline bakit ang lungkot ng mukha mo?" muling tanong ni sir sa akin."

"Sir nahiya lang ako dahil puro mayayanan dito. Dahil kasama ko ang isang tulad ko?" malungkot nitong sabi.

"Adeline ako ang nagdala dito sa' yo, kung may nag sabi ganun ako ang makakalaban nya," sabi nito sa akin.

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko.

Nahiya ako sumubo ng pagkain dahil pakiramdam ko nakatingin sila sa atin.

Pinilit ko kumain dahil nakaramdam ako ng gutom.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status