Savina's PovKahit nasa harapan ako ng puntod ng ama ni Desmon na dating alpha ng Golden Wolf clan ay hindi pa rin ako lubusang makapaniwala na wala na nga siya. Ano ang silbi ng kanyang paghihiganti kung hindi niya makikita at mararamdaman ang sakit na naramdaman ko nang mawala ang mga mahal ko sa buhay?"Ano pa ang hinihintay mo, Savina? Hukayin mo ang puntod ng ama ko at gawin mo kung ano ang gusto mong gawin sa kanyang mga buto para makaganti ka sa ginawa niya sa pamilya mo," mariin ang boses na wika ni Desmon sa akin. Ngunit hindi ako kumilos at nanatili lamang akong nakatingid sa puntod ng ama niya. "Ano pa ang hinihintay mo, Savina? Gawin mo na kung ano ang gusto mo?" sigaw ni Desmon nang hindi pa rin ako tumitinag sa kinatatayuan ko.Masama ang tingin na sinulyapan ko si Desmon. "Hindi ako masama katulad ninyo. Hindi man ako makapaghiganti sa kanya ay natitiyak ko na nabubuhay pa ang iba pa niyang mga kasama na lumusob sa tahanan namin.""So ano? Hindi mo na ako paghihigantiha
Dorco's Pov"Ano? May pinatay si Desmon na miyembro ng ating pack?" nanlilisik sa galit ang mga mata na tanong ko kay Arkin na aking kanang kamay. Si Desmon ay ang bagong alpha ng Golden Wolf clan at mortal na kaasay ng aming Silver Wolf clan. Gusto ko siyang patayin para ako na ang mamuno sa kanyang pack. Ako na ang magiging pinakamalakas at makapangyarihang alpha ng aming lahi."Opo, Alpha Dorco. Hindi sinasadyang nakita namin sa kagubatan ang katawan ni Allou na pinag-aagawan ng mga hayop. Nang suriin namin ang katawan niya ay natuklasan namin na wala na siyang puso. Dinukot ang kanyang puso at alam naman natin kung sino lamang ang nilalang na may kakayahang gumawa ng ganoong kalupit na pagpatay. Tanging si Alpha Desmon lamang ay nakakagawa niyon," paliwanag sa akin ni Arkin.Sa tindi ng galit ko ay itinapon ko ang mesang nasa harapan ko. Wala akong pakialam sa pinatay ni Desmon na miyembro ng aking pack dahil kinaiinisan ko rin namam si Alloy na anak ng aking beta. Palagi niya ako
Savina's PovSa pamamagitan ng aking mga daliri ay itinaas ko sa ere at binaluktot ang tinidor na dinala ko sa loob ng aking silid papunta mula sa kusina. Kailangan ko nang mag-umpisang matutunan ang kahit pinaka-basic na kapangyarihan naming mga witches. Ang magpagalaw ng mga bagay sa aking paligid. Kanina ay sinubukan kong palutangin sa gamit ng aking mga kamay ang lahat ng mga nakikita kong gamit sa loob ng aking silid at natuwa ako nang kahit paano ay kaya ko nang magpagalaw o magpalutang ng bagay. Ngunit ilang segundo lamang ang itinagal sa ere ng mga pinalutang kong bagay at bumagsak agad. Para sa katulad kong nag-uumpisa pa lamang matutuhan ang aking mga kapangyarihan ay hindi na iyon masama bilang pagsisimula. Sa katagalan ay mamamaster ko rin ang mga kapangyarihan ko."Yes!" nagagalak kong sambit nang magawa kong pabaluktutin ang tinidor. Sa kakayahan kong ito kahit paano ay magagawa ko nang maipagtanggol ang aking sarili kapag may magtangka sa aking buhay. Ngunit bigla rin a
Savina's PovTahimik lamang ako habang ipinagpapatuloy namin ang aming paglalakad papunta sa ilog kung saan kami sasalok ng tubig. Hindi kasi mawala sa isipan ko ang sinabi ni Desmon sa akin kanina bago nila kami iniwan. Ang sabi niya ay wala akong kuwentang alipin at parurusahan niya ako mamaya pagbalik ko sa bahay niya. Ano naman kayang klaseng parusa ang igagawad niya sa akin? Dahil lamang sa sinagot ko si Allana ay paparusahan na niya ako agad? Totoo nga kaya ang sinasabi nila na gagawin niyang luna ang babaeng iyon pagdating ng tamang panahon? Kapag mangyari iyon ay natitiyak ko na lalo lamang tataas ang tingin ni Allana sa kanyang sarili. Baka maging langgam na lamang ang tinginn niya sa mga kalahi niya lalong-lalo na ang mga omegang alipin. "Bakit kanina ka tahimik, Savina? Inaalala mo ba ang magiging ksparusahan sa'yo ni Alpha Desmon mamaya?" biglang tanong sa akin ni Susa na isa ring alipin."Nakakatakot pa naman kung magparusa ang ating alpha. Naalala niyo ba noong nakaraa
Savina's Pov"Ano ang kailangan ninyo sa amin? Bakit niyo kami sinusundan?" matapang na tanong ko sa mga taong-lobo na aming kaharap. Kapag ginawan nila kami ng masama at makita ko na wala kaming kalaban-laban ay mapipilitan akong gamitin ang kapangyarihan na aking natutunan. Wala akong pakialam kung matuklasan man nila ang tunay kong pagkatao basta ang mahaga ay makaligtas kaming lahat sa panganib."Ang totoo ay ikaw lang naman ang kailangan namin ngunit dahil may mga kasama ka ay damay na rin sila. Mabuti nga na may mga kasama ka dahil may mapaglalaruan kami," nakangising sagot sa akin ng lalaki."Ako? Kailangan ninyo? At ano naman ang kailangan niyo sa akin? Hindi ko naman kayo kilala," nakakunot ang noo na tanong ko sa kanila. Malakas ang kutob ko na may kinalaman ang pagpatay ni Desmon sa taong-lobo na miyembro Silver Wolf pack kaya ako kailangan ng mga taong-lobo na kaharap ko."Ikaw ang alipin na kasama ni Alpha Desmon nang pinatay niya si Alloy, hindi ba? Gusto lang naman ng
Savina's Dahan-dahang iminulat ko ang aking mga mata kasabay ng bahagyang pag-alpas ng mahinang ungol mula sa aking lalamunan. Nakaramdam ako ng panic nang matukasan kong malabo ang aking paningin."Ano ang nangyari sa akin? Bakit malabo ang aking paningin?" agad kong tanong sa mga pigurang nakita ko na nakatayo malapit sa akin. Hindi ko makilala kung sino sila dahil sobrang labo ng aking mga paningin. "Dahil iyan sa epekto ng lason mula sa kagat ng lobo na mula sa Silver Wolf pack na siyang nakakagat sa'yo kaya malabo ang paningin mo," sagot sa akin ng boses ni Moira. Mabilis akong bumangon mula sa pagkakahiga sa kama. Bigla namang napalapit sa akin ang dalawa pang pigura na aking nakikita ngunit hindi ko nakikilala. "Huwag ka na munang tumayo, Savina. Mahiga ka na lang muna at magpahinga," wika ng isang pigura na nakilala kong boses ni Susa. At kung hindi ako nagkakamali ay si Freya naman ang may-ari ng isang pigura."Tama si Susa, Savina. Magpahinga ka na muna para mabilis na b
Savina's PovPangalawang araw ngayon magmula nang lumabo ang aking paningin pagkatapos akong makagat ng lobo na nakalaban ko. Kahit na hindi ako sanay na pakapa-kapa habang naglalakad ay no choice ako kundi gawin iyon para hindi ako bumangga sa mga gamit sa dinaraanan ko. Bored ako masyado dahil nasa loob lamang ako ng aking silid. Paminsan-minsan kapag free time ay pinupuntahan ako nina Susa at Freya para naman hindi ako mainip masyado. Hindi ko alam kung hanggang kailan ako mananatiling ganito na parang bulag. At ngayon ko natuklasan na hindi talaga maganda ang pakiramdam nang hindi ka nakakakita ng maaayos. Kaya nakakaawa ang mga bulag na habambuhay nang hindi makakakita pa ng liwanag.Dahil bored ako kaya ipinasya kong lumabas sa aking silid. Masyadong malabo ang aking paningin kaya ipinasya kong ipikit na lamang ang aking mga mata at paganahin ang aking pakiramdam. Pakapa-kapa at mabagal akong naglakad mula sa aking kama papunta sa pintuan. Kinapa ko ang aking harapan para malam
Savina's PovPagkalipas ng isang Linggo ay nanumbalik na sa normal ang aking mga paningin. Muli akong nagtrabaho bilang alipin ni Desmon at kapag free time ko ay nagkukulong ako sa aking silid at lihim na nagpa-praktis ng aking kapangyarihan. At hindi naglaon ay hindi lang isang kapanyarihan ng mga witches ang aking natutunan. Tama nga ang mom ko. Noong tinuturuan niya ako kung paano gamitin ang aming kapangyarihan ay hindi ako natututo dahil kulang ako sa determinasyon ngunit ngayon na malakas ang aking determinasyong matuto ay ang bilis kong natutuhan ang paggamit ng iba't ibang kapangyarihan ko tulad ng incantation, potion, telekenesis at iba pa. Hindi lahat ng mga witches ay may telekenesis na kapangyarihan. Ang tanging mayroon lamang nito ay aking pamilya. Dahil sa matalino kung ama ay nakagawa siya ng magic potion na kapag ininom ng isang witch ay magkakaroon ito ng telekenesis. Ngunit ipinagbabawal ito ng pinuno ng witches canary nang nalaman nila ang na-imbento ng aking ama.