Savina's PovPagkalipas ng isang Linggo ay nanumbalik na sa normal ang aking mga paningin. Muli akong nagtrabaho bilang alipin ni Desmon at kapag free time ko ay nagkukulong ako sa aking silid at lihim na nagpa-praktis ng aking kapangyarihan. At hindi naglaon ay hindi lang isang kapanyarihan ng mga witches ang aking natutunan. Tama nga ang mom ko. Noong tinuturuan niya ako kung paano gamitin ang aming kapangyarihan ay hindi ako natututo dahil kulang ako sa determinasyon ngunit ngayon na malakas ang aking determinasyong matuto ay ang bilis kong natutuhan ang paggamit ng iba't ibang kapangyarihan ko tulad ng incantation, potion, telekenesis at iba pa. Hindi lahat ng mga witches ay may telekenesis na kapangyarihan. Ang tanging mayroon lamang nito ay aking pamilya. Dahil sa matalino kung ama ay nakagawa siya ng magic potion na kapag ininom ng isang witch ay magkakaroon ito ng telekenesis. Ngunit ipinagbabawal ito ng pinuno ng witches canary nang nalaman nila ang na-imbento ng aking ama.
Savina's PovNanlaki ang mga mata ni Agatha na nasa anyong rabbit dahil sa kanyang natuklasan. "Ibalik mo ako sa normal kong anyo, Savina!" galit na utos ni Agatha sa akin. Nasa disadvantage na nga siya ay matapang pa rin. "At bakit ko naman susundin ang utos mo, Agatha? Para ano? Para masabi mo kay Allana ang aking sekreto at ipagkalat ninyo?" mariing tanong ko sa kanya. Nang humakbang ako palapit sa kanya ng dahan-dahan ay biglang lumikot ang kanyang mga mata. At akmang tatalon na siya para tumakas ngunit mabilis ko siyang nahawakan sa kanyang leeg. Dinampot ko ang rabbit nang si Agatha at ipinasok sa kulungan ng ibon matapos kong pakawalan ang tatlong ibon na nahuli namin."Maawa ka sa akin, Savina. Ipinangangako ko na ititikom ko ang aking bibig. Wala akong pagsasabihan na kahit sino tungkol sa iyong sekreto basta pakawalan mo lang ako," pakiusap sa akin ni Agatha. Ngayon ay sobrang bait ng kanyang tono samantalang kanina lamang ay para siyang sinong malaking tao kung umasta. Ip
Savina's PovKaagad na dumilim ang mukha ni Allana nang makita niyang palapit ako sa kanya. Dahil alam ko na ang ini-expect niyang makikita at babalik mula sa gubat ay si Agatha at hindi ako. Hindi niya inaasahan na makakabalik akong intact ang katawan."Nasaan si Agatha, Savina? Ano ang ginawa mo sa kanya?" agad niyang tanong sa akin sa galit na tono."Una, wala na si Agatha. Patay na siya. Pinatay siya ng taong-lobo na sumalakay sa amin habang nanghuhuli kami ng ibon. Pangalawa, wala akong ginawa sa kanya. Siya nga itong pinagtangkaan akong patayin dahil iyon daw ang utos mo sa kanya. Ngunit sorry na lang siya dahil hindi pa ako tinatanggap sa langit kaya nagpadala sila ng tutulong sa akin para makaligtas ako sa masamang binabalak sa akin ni Agatha. At malas niya dahil sa halip na ako ang mapatay niya ay siya itong namatay," sabi ko kay Allana na biglang nanlaki ang mga mata nang marinig ang aking mga sinabi."Patay na si Agatha? Pinatay mo siya?" nanlalaki ang mga matang sambit ni
Desmon Pov"Uuwi na ba tayo, Desmon? Akala ko ba ay may pupuntahan pa tayo pagkatapos ng pagtitipon na dinaluhan natin?" tanong ng kaibigan kong si Faris nang malaman niyang babalik na kami sa mansion. Pupuntahan pa sana namin ang pinagtataguang bahay ng taong may hawak ng katotohanan tungkol sa nangyaring pagpatay sa pamilya ni Savina. Ang sabi sa akin ng mga tauhan ko na inutusan kong mag-imbestiga tungkol sa insidenteng iyon ay may tao raw na nakakita kung sino ang pumatay sa pamilya ni Savina. Ngunit dahil sa takot ay nagtago ang taong iyon kaya ipinapahanap ko siya sa mga tauhan ko. At ipinarating nga sa akin ng inutusan kong tauhan kung saan nagtatago ang taong iyon. Pupuntahan ko sana ngayon ang taong iyon para alamin ang katotohanan at tanungin kung talagang ang aking ama nga ang nakita niyang pumaslang sa mga magulang ni Savina katulad ng idinidiin ng dalaga. Ngunit hindi ko maintindihan kung bakit bigla akong kinabahan. Si Savina agad ang unang pumasok sa aking isip nang kab
Savina Pov"D-Desmon. Bakit nandito ka na? Hindi ba't mamayang gabi pa kayo uuwi ng aking ama?" nanlalaki ang mga matang tanong ni Allana kay Desmon na biglang dumating at pinigilan ang tangkang muling paghagupit ng babae sa katawan ko."Sino ang nagbigay sa'yo ng karapatan para saktan ang aking alipin, Allana?" madilim ng mukha na tanong ni Desmon kay Allana habang hawak ng mahigpit ng isang kamay ang latigo ng babae na muntik nang maging sanhi ng aking katapusan sa mundong ito. "Kung hindi pala ako bumalik ng maaga ay hindi ko makikita kung ano ang ginagawa mo sa aking alipin. Muntikan mo na siyang mapatay," sigaw ni Desmon na pulang-pula ang mukha sa matinding galit. Sa unang pagkakataon magmula nang makilala ko si Desmon ay ngayon ko pa lamang siya nakitang nagalit ng ganito katindi. Nakakatakot ang kanyang hitsura. Para siyang papatay ng kanyang kalahi anumang oras. Nakakatakot man siyang magalit ay may bahagi naman ng aking puso na tila natutuwa na nagagalit siya kay Allana dah
Savina PovNagdadabog ako habang naglilinis ng bagong bahay na pinagdalhan sa akin ni Desmon. Hindi lang pala sa mundo namin may malaki siyang mansion dahil kahit dito sa mundo ng mga tao ay mayroon din pala siyang malaking bahay. At akala ko ay hindi na niya ako gagawing alipin dahil wala na kami sa mansion niya iyon pala ay wala rin ipinagkaiba. Alipin pa rin niya ako.Tatlo ang mga kasama sa bahay namin dito. Isang tagaluto at dalawang tagalinis ng bahay at ako ang pang-apat. Mas malaki ang mansion niya kaysa sa bahay niya rito sa mundo ng mga tao pero mas gusto ko rito. Kaunti lamang ang pakikisamahan kong tao at hindi ko na kailangan pang umiwas kay Allana. Hindi rin masasama ang ugali ng mga aliping kasama ko kaya magiging maayos ang pagtira ko sa bahay na ito. Sa totoo lang ay okay lang sa akin kahit na maging alipin pa rin niya pero ewan kung bakit naakakaramdam ako ng inis. Siguro dahil alipin pa rin ang tingin niya sa akin."Napapansin ko na kanina mo pa pinupunasan ang vase
Savina PovWalang imik si Desmon habang nasa loob kami ng kotse niya ay nagbibiyahe pabalik sa bahay niya. Bagama't hindi siya nagsasalita ay dama ko ang kinikimkim niyang galit sa kanyang dibdib. Siguro ay nagalit siya dahil bigla na lamang akong umalis nang hindi nagpapaalam sa kanya. At hindi na ako magtataka kung paano niya ako natagpuan dahil alam ko naman na dahil iyon aa bracelet kong suot.Suwerte rin ang biglaang pagdating ni Desmon dahil hindi ko kailangang gamitin pa ang aking kapangyarihan para ipagtanggol ang aking sarili laban sa dalawang kidnapper.Pagdating namin sa bahay niya ay agad niya akong hinila papunta sa aking kuwarto. Nag-aalala namang sinundan kami ng tingin nina Verna at Darla. Tiyak na kinakabahan ang dalawa para sa akin lalo pa at nakikita nila ang galit na anyo ng kanilang boss.Pagkapasok namin sa loob ng aking kuwarto ay agad akong isinalya ni Desmon papunta sa ibabaw ng kama. "Ano ba ang problema mo? Hindi ba tayo maaaring mag-usap nang hindi mo ako
Allana Pov"Hanggang ngayon ay wala pa rin kayong balita kung nasaan si Savina?" galit na sigaw ko sa mga alipin na inutusan ko para hanapin si Savina. Galit na ipinagtatapon ko ang mga bagay na nakikita ko sa loob ng sala ng bahay namin. Mahigit isang Linggo ko nang ipinapahanap sa mga alipin si Savina ngunit bigo silang makita ang babaeng iyon. Hindi ko alam kung saan siya dinala ni Desmon nang araw na iniligtas niya ito sa aking mga kamay. Kaya mahigit isang Linggo na rin na palaging wala ako sa mood. At ang mga alipin na nagsisilbi sa akin ang napagbubuntunan ko ng aking galit kay Savina. Hindi ako papayag na hindi ko siya mahanap at mapatay. At lalong hindi ako papayag na agawin niya ang puwang ko sa puso ni Desmon.And speaking of Desmon, hindi ko alam kung ano ang nakita niya kay Savina na isang alipin at tila pinagkakainteresan niya ito. Kung kagandahan lang naman ang pag-uusapan ay di-hamak namang mas maganda ako sa kanya. At anak pa ako ng kanyang beta at marami akong abilit
Savina PovPinuntahan ko si Desmon sa bahay niya. Kailangan naming magkaliwanagan. Umalis ako sa bahay nng hindi nalalaman ni Uncle Lucho. Alam ko kasi na hindi niya ako papayagan na makipagkitang muli kay Desmon kaya hindi na ako nagpaalam pa sa kanya. Hindi ako matatahimik hangga't hindi ko naririnig ang paliwanag ni Desmon. Kaya pagkatapos ng ilang araw kong pag-iisip ay nakahanda na akong harapin siya.Nang lumitaw ako sa loob ng bakuran ni Desmon ay walang nakapansin sa akin maski isa sa kanyang mga alipin. Palapit pa lamang ako sa pintuan ng bahay niya ay naririnig ko na mula sa labas ang boses ni Allana at nasisiguro ko na si Desmon ang kanyang kausap. Maingat akong lumapit sa may pintuan at idinikit ang aking tainga para mas marinig ko ang kanilang pinag-uusapan."Natitiyak kong alam na ni Savina ang lahat, Desmon. Alam na niya na nagpapanggap ka lamang na nagkaroon ng amnesia at nakalimutan mo siya. Alam na niya na binilog mo lamang ang ulo niya at pinaniwalang hindi ang ama
Savina POVAgad kong inilabas sa loob ng kuweba si Uncle Lucho at dinala sa isang ligtas na lugar. Hindi kami masusundan ng kahit sino sa grupo ni Desmon maging grupo ni Allana. Ilqng araw nang gulong-gulo ang aking isipan matapos kong marinig ang mga sinabi sa akin ni Uncle Lucho. Wala akong lakas ng loob na harapin si Desmon at kausapin tungkol sa bagay na natuklasan ko. Natatakot akong marinig sa kanya ang pag-amin niya na totoo ang mga sinabi ni Uncle Lucho. Natatakot din ako na kapag sinabi niya na hindi totoo ang mga sinabi ng uncle ko ay baka maniwala ako sa kanya kahit na nagdudumilat ang katotohanan na talagang niloko lamang niya ako. Hangga't hindi ko pa kayang harapin siya ay hindi na muna ako magpapakita sa kanya. Hindi naman niya ako matatagpuan dahil kusang naalis sa aking kamay ang bracelet na inilagay niya. Naalis ito noong bumalik ang aking kapangyarihan ngunit hindi ko na lamang iyon ipinaalam sa kanya."Ano ang ginagawa mo rito sa dilim, Savina? Malalim na ang gabi
Savina PovHinahanap ko si Desmon ngunit hindi ko siya makita. I wonder kung ano ang ginagawa niya ngayon at kung nasaan siya. Noong isang araw ay nabanggit ko sa kanya ang tungkol sa pagpapalaya niya sa mga witch na bihag nila. Ang sabi niya sa akin ay palalayain niya agad ang mga bihag.Habang naglalakad ako sa gubat ay hindi sinasadyang may nakita akong kuweba. Hindi ko alam kumg kulungan ba ang kuwebang iyon o hindi. Pero baka hindi kasi wala namang bantay sa labas ng kuweba. Akmang tatalikod na ako para umalis sa lugar na iyon nang bigla akong natigilan at saka lumingon sa kuweba. Para bang may enerhiya na pumipigil sa aking mga paa para humakbang palayo. Tila rin may nag-uudyok sa akin na maglakad papunta sa kuweba at pumasom. Hindi ko alam kung ano ng meron aa kuwebang iyon at hinihila niya ako papasok sa loob. Nagkibit na lamang ako ng balita. Wala namang masama kung papasok ako sa loob ng kuweba na iyan. Kung may panganib man sa loob ay hindi ako natatakot lalo pa ngayon na n
Savina PovPaggising ko sa umaga ay wala na sa aking tabi si Desmon. Agad na sumilay sa aking mga labi ang matamis na ngiti nang maalala ko ang nangyari sa amin kagabi. Walang pag-aalinlangan na ibinigay ko sa kanya ang aking buong pagkatao. Nakaramdam man ako ng saya ngayon ay hindi ko pa rin maiwasan ang makaramdam din ng lungkot nang maisip ko si Donny. Tiyak na masasaktan siya kapag nalaman niyang nagkakaunawaan na kami ni Desmon. Ayoko mang saktan siya ngunit alam ko na hindi talaga maiiwasan ng masaktan siya. "Good morning," nakangiting bati sa akin ni Desmon nang pumasok siysa sa aking silid. Nilapitan niya ako at hinalikan sa aking noo. "Kumusta ang pakiramdam mo?""Okay lang kahit na pinagod mo ako kagabi," sagot ko sa kanya na may kasamang pilyang ngiti. Kinabig niya ako at binigyan ng isang malalim na halik."I'm sorry kung napagod kita kagabi. And I'm sorry ulit dahil muli kitang papagurin ngayon," sagot ni Desmon pagkatapos ay muli niyang inangkin ang aking mga labi. Bu
Allana Pov"Aahhh!!!" lahat ng mga bagay na makita ko sa aking paligid ay dinadampot ko at ibinabato sa dingding. Gusto kong ilabas ang galit na aking nararamdaman. Gusto kong pumatay ng tao. At ang taong iyon ay walang iba kundi si Savina. Para tuluyan na siyang mawala sa landas ko at lalong-lalo na sa landas ni Desmon.Pinuntahan ko kanina sa bahay niya si Desmon para pag-usapan namin kung ano ang balak niyang gawin sa pack ng natalo naming kalaban na si Alpha Dorco. Sumuko ang mga kawal niya nang matapos mapatay ni Desmon ang kanilang alpha. Malaki nga ang panghihinayang ko kung bakit hindi pa tuluyang napaslang ni Alpha Dorco si Savina. Pagdating ko sa bahay niya ay sinabi sa akin ni Marsha na nasa loob ng silid ni Savina si Desmon. Palagi raw itong nasa loob ng babaeng iyon at hinihintay na magkamalay ito.Para mailigtas ni Desmon ang buhay ng witch na iyon ay sinalinan niya ito ng kanyang dugo. Mahigpit kong tinutulan ang gustong mangyari ni Desmon ngunit sa huli ay wala pa rin
Savina PovNasa isang lugar ako na tanging kadiliman lamang ang aking nakikita. Hindi ko tuloy alam kong napikit ba ako o nakadilat ang aking mga mata. Sobrang dilim at tahimik ng paligid. Nakakatakot. Naalala ko ang nangyari sa akin kaya naisip ko na ito na yata ang hantungan ng mga namatay na. Pero ayoko ritong mag-isa. "Ama? Ina? Juni?" malakas na tawag ko sa aking mga magulang at nag-iisang kapatid. Patay na sila kaya dapat nandito sila ngayon at sinasalubong ako. Pero bakit wala sila? Bakit hindi ko sila makita? "Ina! Ama! Juni! Nasaan kayo?" muli kong tawag sa kanila. Ngunit gaano man kalakas ang boses ko sa pagtawag sa kanilang pangalan ay wala pa ring sumasagot sa akin. Kahit na hindi ko nakikita ang aking paligid ay nagpasya akong maglakad at baka makakita ako ng liwanag sa ibang dako."Savina..."Biglang nanlaki ang aking mga mata nang marinig ko ang boses na iyon na pinanabikan kong marinig. Kahit matagal na siyang patay ay hindi ko pa rin nakakalimutan ang kanyang tinig.
Savina PovDinala ako ng lalaking nakahawak sa akin sa harapan nina Desmon at alpha ng Silver wolf pack na si Dorco. Parehong natigilan silang dalawa nang makita ako ngunit mabilis na nakabawi si Dorco at tumawa ng malakas."Nagkita tayong muli, Savina. At masaya ako na makita kang muli," nakangising kausap sa akin ni Alpha Dorco. Kinuha niya ako mula sa lalaking may hawak sa akin at iniharap kay Desmon na sobrang dilim ang mukha dahil sa galit."Ano ang ginagawa mo sa lugar na ito, Savina?" galit na tanong naman sa akin ni Desmon. Alam kong sa akin siya nagagalit dahil sinuway ko ang kanyang ipinag-uutos. Tiyak na parurusahan niya ako. Iyan ay kung makakaligtas ako ngayon sa mga kamay ni Alpha Dorco."Savina!" tawag sa akin ni Donny na biglang dumating na humahangos pa."Ikaw ang nagdala kay Savina sa lugar na ito?" mapanganib na tanong ni Desmon sa kanyang kapatid habang nakakuyom ang mga kamao."Wala siyang kasalanan, Desmon. Ako lamang ang nagtungo rito nang malaman kong nakikipag
Savina PovMagmula nang hinalikan ako ni Desmon ay hindi ko pa siya muling nakakausap. Nakikita ko naman siya ngunit hindi niya ako kinakausap. Hindi ko alam kung iniiwasan ba niya ako o talagang ayaw lamang niya akong kausapin. Gustuhin ko siyang kausapin ngunit nahihiya akong gawin iyon. Baka kasi isipin niya na cheap akong babae. Galit-galitan ako tapos bibigay din pala ako sa kanyang mga halik."Hoy! Ano ang ginagawa mo ritong mag-isa, Savina?" panggugulat sa akin ni Edan, isa sa mga babaeng alipin na Desmon na naging kaibigan ko. Sa lahat ng mga alipin niya ay tanging si Edan lamang ang hindi nagpakita ng masamang ugali sa akin kahit na isa rin naman siyang taong lobo."Wala lang. Nagpapahangin lamang ako," sagot ko sa kanya sabay kibit ng aking mga balikat."Alam mo ba na may nangyayaring labanan ngayon ng dalawang pack ng mga taong lobo?" biglang tanong niya sa akin. Na-curious tuloy ako kung anong pack ang naglalaban. Napakatahimik at payapa ng gabi kaya hindi ko akalain na ma
Savina PovNagpatuloy akong hanapin ang silid ni Allana ngunit ilang silid na ang aking pinasok ay hindi ko pa rin natatagpuan ang silid niya. Napakaraming silid sa bahay niya at mukhang hindi ko mahahanap ito bago pa siya bumalik kaya nagdesisyon akong umalis na lamang. Ngunit babalik ako kapag magkaroon ulit ako ng pagkakataon. Akmang tatalikod na sana ako nang umagaw sa aking atensiyon ang isang silid na nasa ikaapat na hanay mula sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam kung anong mayroon sa silid na iyon ngunit tila ba biglang hinatak ng kung anong enerhiya ang aking mga mata patungo sa silid na iyon. Hindi kaya iyan ang silid ni Allana? Dahan-dahan akong naglakad palapit sa pintuan ng silid. Hinawakan ko ang door knob at maingat na pinihit. Akmang itututulak ko na ang pintuan nang biglang may babaeng nagsalita sa aking likuran."Sino ka? Ano ang ginagawa mo rito? Ang lakas ng loob mong pagtangkaang pasukin ang aking silid," mapanganib ang tono na tanong sa akin ni Allana na siya palan