Allana Pov"Hanggang ngayon ay wala pa rin kayong balita kung nasaan si Savina?" galit na sigaw ko sa mga alipin na inutusan ko para hanapin si Savina. Galit na ipinagtatapon ko ang mga bagay na nakikita ko sa loob ng sala ng bahay namin. Mahigit isang Linggo ko nang ipinapahanap sa mga alipin si Savina ngunit bigo silang makita ang babaeng iyon. Hindi ko alam kung saan siya dinala ni Desmon nang araw na iniligtas niya ito sa aking mga kamay. Kaya mahigit isang Linggo na rin na palaging wala ako sa mood. At ang mga alipin na nagsisilbi sa akin ang napagbubuntunan ko ng aking galit kay Savina. Hindi ako papayag na hindi ko siya mahanap at mapatay. At lalong hindi ako papayag na agawin niya ang puwang ko sa puso ni Desmon.And speaking of Desmon, hindi ko alam kung ano ang nakita niya kay Savina na isang alipin at tila pinagkakainteresan niya ito. Kung kagandahan lang naman ang pag-uusapan ay di-hamak namang mas maganda ako sa kanya. At anak pa ako ng kanyang beta at marami akong abilit
Savina Pov Medyo matagal din kaming hindi nagkita ni Julie kaya tila walang katapusan ang kuwentuhan namin. Nalaman ko mula sa kanya na protektado ni Desmon ang village nila kaya wala nang mga taong-lobo na nagtangkang umatake pa sa kanilang village. Kapag bumalik na ako sa bahay niya ay kakausapin ko siya tungkol sa mga nalaman ko kay Julie. Napasarap ang kuwentuhan namin ni Julie kaya hindi ko namalayan ang paglipas ng oras. Nagulat na lamang ako nang makita kong madilim na pala sa labas ng bahay nila. "Kailangan ko nang bumalik sa bahay ni Desmon, Julie. Tiyak na pagagalitan na naman niya ako dahil umalis ako ng walang paalam," paalam ko sa kaibigan ko. Nakangiting tumango siya sa akin. "Natutuwa akong malaman na magaling ka nang gumamit ng kapangyarihan mo, Savina. Ngayon ay hindi na ako masyadong mag-aalala sa'yo dahil alam ko na kaya mo nang ipagtanggol ang sarili mo. At saka, sa tingin ko ay hindi naman masama si Alpha Desmon. Baka hindi rin ang kanyang ama ang totoong pumat
Savina PovHindi ko mapigilan ang mapatitig sa guwapong mukha ng lalaking tumulong sa akin para para lubayan ako ng dalawang lalaking lasing na lumapit sa akin kanina. Walang duda na guwapo siya ngunit hindi ako nakaramdam ng pagbilis ng tibok ng aking puso katulad ng nararamdaman ko kay Desmon. At iisa lamang ang ibig sabihin ng nararamdaman kong ito para kay Desmon. May nararamdaman akong pagtingin sa kanya. Ang tanong, may nararamdaman naman kayang pagtingin sa akin si Desmon?"Miss, are you okay? Natakot ka ba sa dalawang lasing na iyon? Huwag kang mag-alala dahil hindi ka na nila babalikan pa," kausap sa akin ng guwapong lalaki nang lapitan niya ako. Mukha naman siyang mabait kaya bahagya ko siyang nginitian."I'm, okay. Salamat sa ginawa mo kanina," pasasalamat ko sa kanya."Wala iyon. Ako nga pala, si Donny. How about you? What's your name? Kung okay lang sa'yo na sabihin sa akin ang pangalan mo," friendly ang pagkakangiti na sabi pa niya sa akin."Savina. Savina ng pangalan ko
Savina PovMabigat ang dibdib ko habang nakatingin sa dalawang tao na masayang nag-uusap habang nagluluto sa kusina. Tinuturuan ni Desmon ang babae na magluto at panay naman ang hagikhik nito na tila ba nakakatawa ang sinasabi ni Desmon. Masyadong engrossed ang dalawa sa kanilang ginagawa kaya hindi nila napansin ang aking presence. Wala silang kaalam-alam na kanina pa ako nakatingin sa kanilang dalawa at para bang dinikdik ng bato ang aking puso. Sa kabila ng galit na ipinapakita ko kay Desmon ay nareliazed ko ngayon na mahal ko pala siya. Kaya kakaiba ang nararamdaman ko sa kanya dahil hindi lamang espesyal ang nararamdaman ko sa kanya kundi dahil talagang mahal ko siya. Hindi ko alam kung kailan at paano nag-umpisa ang nararamdaman kong ito para sa kanya. Basta na-realized ko na lamang na mahal ko siya.Hindi ko na kayang makita si Desmon na masaya sa kasama ang ibang babae kaya pinili ko na lamang na talikuran sila. Akmang tatalikod na ako nang bigla namang lumingon sa kinatatayua
Savina Pov"Huwag ka nang umiyak, Savina. Hayaan mo na lang si Desmon. Isipin mo na lamang na makakabuti ang pag-alis mo sa bahay niya. At least ngayon ay malaya ka na mula sa kanyang mga kamay," sabi sa akin ni Julie habang umiiyak ako. Marahan niyang hinahagod ng kanyang palad ang aking likuran habang nakadapa ako sa ibabaw ng kanyang kama. Pagkatapos kong umalis kanina sa bahay ni Desmon ay sa bahay nina Julie agad ako nagtungo. Saan pa nga ba ang pupuntahan ko kundi sa bahay lamang ng kaibigan ko."Hindi ko alam na ganito pala kasakit, Julie. Na masasaktan ako ng ganito," umiiyak pa rin na sagot ko sa kanya. Hindi ko alam na malalim na pala ang nararamdaman kong pagtingin sa kanya."Ganoon talaga ang pag-ibig, Savina. Hindi palaging masaya. Hindi ba't parang kalabaw na umaatungal ako dati nang mabigo ako sa aking first love? Pero tingnan mo ako ngayon. Masaya na ako kahit wala akong love life."Tama si Julie. Grabe ang iyak niya noon dahil sa pagkabigo niya sa kanyang first love n
Savina PovNagdesisyon kaming umuwi na lamang sa inuupahan kong bahay. At dahil marami kaming mga pinamili ay pinili kong gamitin ang aking magic para mabilis kaming makarating sa bahay ko."Sa susunod ay bumili ka na laman ng sarili mong.kotse para hindi mo na kailangang gumamit ng magic, Savina. Kinakabahan ako kapag ginagamit mo ang kapangyarihan mo. Baka may makakita sa atin na mga tao ay tiyak na pagpipiyestahan ka nila. Masyado pa namang prejudice ang mga tao ngayon sa mga katulad mo. At saka natatakot din ako na baka bigla na lamang tayong damputin ng mga pulis dahil sa kasong fraud. Dahil biglang naging bato ang pera na ginamit natin sa pagbili ng mga bagay na ito," ani Julie habang naglalakad kami papunta sa basement parking at tulak pa rin namin ang pushcart. Sa may basement parking ay hindi matao kaya maaari kong gamitin doon ang kapangyarihan kong maglaho."Hindi naman tricks ang magic ko kundi totoo. Kaya huwag kang mag-alala na baka may dumampot sa atin na mga pulis dah
Allana Pov Pinaglalaruan ko ang aking alagang kuneho nang may kumatok sa pintuan ng aking silid. Naiinip ako habang naghihintay ng magandang balita mula sa mga tauhan ko na inutusan kong patayin ang babaeng iyon kaya pinaglalaruan ko na lang ang aking alaga. Mabilis akong pumunta sa pinto para buksan ito. Baka dumating na ang magandang balita na hinihintay ko. "Oo, Lory?" Tanong ko sa alipin na nakita ko pagkabukas ko ng pintuan. "Nandito si Magno, Allana. Nasa labas siya ng bahay at hinihintay kang lumabas," pagbabalita niya sa akin. "Just tell him that I will come out in a minute," sagot ko bago isinara ang pinto. Nasasabik ako sa magandang balitang hatid niya para sa akin. Mabilis kong kinuha ang hawla ng aking kuneho at lumabas ng aking silid. I am expecting that I will see Savina's body once I came out of the house but I felt disappointed when I didn't see that bitch body and see Magno alone. "Allana—" Pinutol ko ang sasabihin niya. "I want to hear good news from you, Mag
Savina Pov Gabi na pero dilat pa rin ang mata ko. Hindi ako makatulog kahit anong pilit kong matulog. Naiisip ko ang taong nagligtas sa akin at kay Julie. Si Desmon kaya ang taong nagligtas sa amin? May parte sa puso ko na hindi naniniwalang si Desmon ang taong iyon dahil siguradong busy siya sa babae niya at wala siyang oras para tingnan ako. Pero isang malaking bahagi naman ng puso ko ang gustong maniwala na siya si Desmon ang taong nagprotekta sa akin ng palihim. Sinulyapan ko ang aking kaibigan na nakahiga at natutulog sa tabi ko sa aking kama. Tinawagan ni Julie ang kanyang mga magulang kanina at humingi ng permiso na magpalipas ng gabi sa aking bagong bahay kaya magkasama kami ngayon sa iisang kama. Nag-aalala siya sa akin kaya hindi niya ako iniwan. Hindi ko maiwasang mapangiti habang nakatitig sa kanya. I'm really happy na nakatagpo ako ng totoong kaibigan na katulad niya. Kaya ipinapangako ko sa sarili ko na poprotektahan ko siya kahit anong mangyari. Dahil hindi ako mak
Savina PovPinuntahan ko si Desmon sa bahay niya. Kailangan naming magkaliwanagan. Umalis ako sa bahay nng hindi nalalaman ni Uncle Lucho. Alam ko kasi na hindi niya ako papayagan na makipagkitang muli kay Desmon kaya hindi na ako nagpaalam pa sa kanya. Hindi ako matatahimik hangga't hindi ko naririnig ang paliwanag ni Desmon. Kaya pagkatapos ng ilang araw kong pag-iisip ay nakahanda na akong harapin siya.Nang lumitaw ako sa loob ng bakuran ni Desmon ay walang nakapansin sa akin maski isa sa kanyang mga alipin. Palapit pa lamang ako sa pintuan ng bahay niya ay naririnig ko na mula sa labas ang boses ni Allana at nasisiguro ko na si Desmon ang kanyang kausap. Maingat akong lumapit sa may pintuan at idinikit ang aking tainga para mas marinig ko ang kanilang pinag-uusapan."Natitiyak kong alam na ni Savina ang lahat, Desmon. Alam na niya na nagpapanggap ka lamang na nagkaroon ng amnesia at nakalimutan mo siya. Alam na niya na binilog mo lamang ang ulo niya at pinaniwalang hindi ang ama
Savina POVAgad kong inilabas sa loob ng kuweba si Uncle Lucho at dinala sa isang ligtas na lugar. Hindi kami masusundan ng kahit sino sa grupo ni Desmon maging grupo ni Allana. Ilqng araw nang gulong-gulo ang aking isipan matapos kong marinig ang mga sinabi sa akin ni Uncle Lucho. Wala akong lakas ng loob na harapin si Desmon at kausapin tungkol sa bagay na natuklasan ko. Natatakot akong marinig sa kanya ang pag-amin niya na totoo ang mga sinabi ni Uncle Lucho. Natatakot din ako na kapag sinabi niya na hindi totoo ang mga sinabi ng uncle ko ay baka maniwala ako sa kanya kahit na nagdudumilat ang katotohanan na talagang niloko lamang niya ako. Hangga't hindi ko pa kayang harapin siya ay hindi na muna ako magpapakita sa kanya. Hindi naman niya ako matatagpuan dahil kusang naalis sa aking kamay ang bracelet na inilagay niya. Naalis ito noong bumalik ang aking kapangyarihan ngunit hindi ko na lamang iyon ipinaalam sa kanya."Ano ang ginagawa mo rito sa dilim, Savina? Malalim na ang gabi
Savina PovHinahanap ko si Desmon ngunit hindi ko siya makita. I wonder kung ano ang ginagawa niya ngayon at kung nasaan siya. Noong isang araw ay nabanggit ko sa kanya ang tungkol sa pagpapalaya niya sa mga witch na bihag nila. Ang sabi niya sa akin ay palalayain niya agad ang mga bihag.Habang naglalakad ako sa gubat ay hindi sinasadyang may nakita akong kuweba. Hindi ko alam kumg kulungan ba ang kuwebang iyon o hindi. Pero baka hindi kasi wala namang bantay sa labas ng kuweba. Akmang tatalikod na ako para umalis sa lugar na iyon nang bigla akong natigilan at saka lumingon sa kuweba. Para bang may enerhiya na pumipigil sa aking mga paa para humakbang palayo. Tila rin may nag-uudyok sa akin na maglakad papunta sa kuweba at pumasom. Hindi ko alam kung ano ng meron aa kuwebang iyon at hinihila niya ako papasok sa loob. Nagkibit na lamang ako ng balita. Wala namang masama kung papasok ako sa loob ng kuweba na iyan. Kung may panganib man sa loob ay hindi ako natatakot lalo pa ngayon na n
Savina PovPaggising ko sa umaga ay wala na sa aking tabi si Desmon. Agad na sumilay sa aking mga labi ang matamis na ngiti nang maalala ko ang nangyari sa amin kagabi. Walang pag-aalinlangan na ibinigay ko sa kanya ang aking buong pagkatao. Nakaramdam man ako ng saya ngayon ay hindi ko pa rin maiwasan ang makaramdam din ng lungkot nang maisip ko si Donny. Tiyak na masasaktan siya kapag nalaman niyang nagkakaunawaan na kami ni Desmon. Ayoko mang saktan siya ngunit alam ko na hindi talaga maiiwasan ng masaktan siya. "Good morning," nakangiting bati sa akin ni Desmon nang pumasok siysa sa aking silid. Nilapitan niya ako at hinalikan sa aking noo. "Kumusta ang pakiramdam mo?""Okay lang kahit na pinagod mo ako kagabi," sagot ko sa kanya na may kasamang pilyang ngiti. Kinabig niya ako at binigyan ng isang malalim na halik."I'm sorry kung napagod kita kagabi. And I'm sorry ulit dahil muli kitang papagurin ngayon," sagot ni Desmon pagkatapos ay muli niyang inangkin ang aking mga labi. Bu
Allana Pov"Aahhh!!!" lahat ng mga bagay na makita ko sa aking paligid ay dinadampot ko at ibinabato sa dingding. Gusto kong ilabas ang galit na aking nararamdaman. Gusto kong pumatay ng tao. At ang taong iyon ay walang iba kundi si Savina. Para tuluyan na siyang mawala sa landas ko at lalong-lalo na sa landas ni Desmon.Pinuntahan ko kanina sa bahay niya si Desmon para pag-usapan namin kung ano ang balak niyang gawin sa pack ng natalo naming kalaban na si Alpha Dorco. Sumuko ang mga kawal niya nang matapos mapatay ni Desmon ang kanilang alpha. Malaki nga ang panghihinayang ko kung bakit hindi pa tuluyang napaslang ni Alpha Dorco si Savina. Pagdating ko sa bahay niya ay sinabi sa akin ni Marsha na nasa loob ng silid ni Savina si Desmon. Palagi raw itong nasa loob ng babaeng iyon at hinihintay na magkamalay ito.Para mailigtas ni Desmon ang buhay ng witch na iyon ay sinalinan niya ito ng kanyang dugo. Mahigpit kong tinutulan ang gustong mangyari ni Desmon ngunit sa huli ay wala pa rin
Savina PovNasa isang lugar ako na tanging kadiliman lamang ang aking nakikita. Hindi ko tuloy alam kong napikit ba ako o nakadilat ang aking mga mata. Sobrang dilim at tahimik ng paligid. Nakakatakot. Naalala ko ang nangyari sa akin kaya naisip ko na ito na yata ang hantungan ng mga namatay na. Pero ayoko ritong mag-isa. "Ama? Ina? Juni?" malakas na tawag ko sa aking mga magulang at nag-iisang kapatid. Patay na sila kaya dapat nandito sila ngayon at sinasalubong ako. Pero bakit wala sila? Bakit hindi ko sila makita? "Ina! Ama! Juni! Nasaan kayo?" muli kong tawag sa kanila. Ngunit gaano man kalakas ang boses ko sa pagtawag sa kanilang pangalan ay wala pa ring sumasagot sa akin. Kahit na hindi ko nakikita ang aking paligid ay nagpasya akong maglakad at baka makakita ako ng liwanag sa ibang dako."Savina..."Biglang nanlaki ang aking mga mata nang marinig ko ang boses na iyon na pinanabikan kong marinig. Kahit matagal na siyang patay ay hindi ko pa rin nakakalimutan ang kanyang tinig.
Savina PovDinala ako ng lalaking nakahawak sa akin sa harapan nina Desmon at alpha ng Silver wolf pack na si Dorco. Parehong natigilan silang dalawa nang makita ako ngunit mabilis na nakabawi si Dorco at tumawa ng malakas."Nagkita tayong muli, Savina. At masaya ako na makita kang muli," nakangising kausap sa akin ni Alpha Dorco. Kinuha niya ako mula sa lalaking may hawak sa akin at iniharap kay Desmon na sobrang dilim ang mukha dahil sa galit."Ano ang ginagawa mo sa lugar na ito, Savina?" galit na tanong naman sa akin ni Desmon. Alam kong sa akin siya nagagalit dahil sinuway ko ang kanyang ipinag-uutos. Tiyak na parurusahan niya ako. Iyan ay kung makakaligtas ako ngayon sa mga kamay ni Alpha Dorco."Savina!" tawag sa akin ni Donny na biglang dumating na humahangos pa."Ikaw ang nagdala kay Savina sa lugar na ito?" mapanganib na tanong ni Desmon sa kanyang kapatid habang nakakuyom ang mga kamao."Wala siyang kasalanan, Desmon. Ako lamang ang nagtungo rito nang malaman kong nakikipag
Savina PovMagmula nang hinalikan ako ni Desmon ay hindi ko pa siya muling nakakausap. Nakikita ko naman siya ngunit hindi niya ako kinakausap. Hindi ko alam kung iniiwasan ba niya ako o talagang ayaw lamang niya akong kausapin. Gustuhin ko siyang kausapin ngunit nahihiya akong gawin iyon. Baka kasi isipin niya na cheap akong babae. Galit-galitan ako tapos bibigay din pala ako sa kanyang mga halik."Hoy! Ano ang ginagawa mo ritong mag-isa, Savina?" panggugulat sa akin ni Edan, isa sa mga babaeng alipin na Desmon na naging kaibigan ko. Sa lahat ng mga alipin niya ay tanging si Edan lamang ang hindi nagpakita ng masamang ugali sa akin kahit na isa rin naman siyang taong lobo."Wala lang. Nagpapahangin lamang ako," sagot ko sa kanya sabay kibit ng aking mga balikat."Alam mo ba na may nangyayaring labanan ngayon ng dalawang pack ng mga taong lobo?" biglang tanong niya sa akin. Na-curious tuloy ako kung anong pack ang naglalaban. Napakatahimik at payapa ng gabi kaya hindi ko akalain na ma
Savina PovNagpatuloy akong hanapin ang silid ni Allana ngunit ilang silid na ang aking pinasok ay hindi ko pa rin natatagpuan ang silid niya. Napakaraming silid sa bahay niya at mukhang hindi ko mahahanap ito bago pa siya bumalik kaya nagdesisyon akong umalis na lamang. Ngunit babalik ako kapag magkaroon ulit ako ng pagkakataon. Akmang tatalikod na sana ako nang umagaw sa aking atensiyon ang isang silid na nasa ikaapat na hanay mula sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam kung anong mayroon sa silid na iyon ngunit tila ba biglang hinatak ng kung anong enerhiya ang aking mga mata patungo sa silid na iyon. Hindi kaya iyan ang silid ni Allana? Dahan-dahan akong naglakad palapit sa pintuan ng silid. Hinawakan ko ang door knob at maingat na pinihit. Akmang itututulak ko na ang pintuan nang biglang may babaeng nagsalita sa aking likuran."Sino ka? Ano ang ginagawa mo rito? Ang lakas ng loob mong pagtangkaang pasukin ang aking silid," mapanganib ang tono na tanong sa akin ni Allana na siya palan