Dawn POV
Nanghihina man ngunit ngumiti pa rin ako habang tinitingnan ang kawalan.
Nakakatawa nga dahil nagmumukhang tila ba may iniisip ako ngunit sa totoo lang ay blangko ang utak ko. And yeah, here I am again in this very familiar corner where everything is dark. Ngunit ngayon mas ramdam kong may kasama na namang iyon na takot. Takot na baka ako'y muling pilitin na ikulong sa parehong lugar na tinatawag nilang impyerno. Though, I don't want to be hurt ay andon pa rin ang mga anino na nagsasabing mangyayari at mangyayari pa rin iyon. But my mind scream and cried out a warning dahil sadyang ayaw na nitong muling mabuwal ang aking katauhan at pagkatao.But how? Ngayon pa na nararamdaman ko na naman ang ganitong emosyon ay mas nahihirapan lang ako. I can feel every monster are chasing me like I still have to pay them some of my debts ngunit paano? May ibabayad pa ba ako? Walang-wala na ngang natira sa akin ano pa ba ang pwede kong ibigay?
Ano pa ba ang kaya kong kalimutan at subukang huwag balikan? I am now a nobody. Isang taong ubos na at tanging kapirasong pagkatao na lamang ang natira.
I don't need to talk because I know my words are not heard. At hanggang ngayon ay naaalala ko pa rin ang mga sinabi nito.
"Kung sinong nagkasala sa akin at bumangga sa akin ay hindi ko mabilis makalimutan kaya ihanda mo sarili mo you might find yourself in my bed tied and begging for more,"
Kusang bumagsak na naman ang aking mga luha na sadyang nagpalabo sa aking mga mata. This is what I am afraid of, kung sana lang lumayo na lamang ako nang makita ko siya nang gabing 'yun ay hindi na sana magkakaganito, dahil ngayon sira na naman ang mga pader na ginawa ko upang aking pagtaguan.
Now I am back again from being scared, scared to be seen and scared to be caught. But still I am trying to fight this anxiety because I can't let him know or let them know that I still exist, I really can't.His eyes, 'yun ang mga matang minsan kong tinititigan at ang minsang nagbigay ng pag-asa sa isang mundo na malapit ng magunaw.
Pero ano ba magagawa ko when that eyes are the same eyes of my feared monster na matagal ko nang pilit tinatakasan?
"D! Shit!"
Umangat ang mukha ko nang marinig ko ang ingay sa may pintuan nang bumukas iyon at may isang taong humahangos na lumapit sa akin kaya walang ganang napatingin ako sa taong nasa harap ko ngayon na walang iba kundi ang aking nag-iisang kaibigan.
"What the hell are you still doing here?" she asked while I can see frustration written all over her face ngunit napabuntong-hininga na lamang ako.
"Alam mo bang hinahanap ka ng suki mong si Leon? He's been asking around about you. Magtatatlong araw ka nang wala! So ano na? Magtatago ka rito sa apartment mo hanggang sa mamatay ka sa gutom? Shit! Pati ang gurang na isa ay hinahanap ka sa akin at ako ang kinukulit. Kung bakit kasi pinipilit mo magtrabaho sa ganitong kalakaran?" Napasuklay ako sa aking mahabang buhok at saka humarap rito na may nakapaskil na ngiti. I know I am good at this at alam ko ring wala akong magawa kundi ang magpanggap, umasa at matutong sanayin ang sarili ko dahil ito ang dapat.
I learned in a hard way, na kailangan alamin ko ang lugar ko at hindi na dapat umasa na makakaalis ako sa ganitong sitwasyon.
"Putek! Huwag kang ngumiti ng ganiyan sa akin bruha! Parang sinasabi mong naiinlove kana sa beauty ko! Shit ka! Sarap mong sabunutan." Napameywang ito at may pakumpas-kumpas pa sa hangin na mas kinalapad ng ngiti ko.
"Oh yeah nakakatomboy ka nga," mahina at medyo pinalalim ko boses ko na kinalaki ng mga mata nito kaya agad na natawa ko.
"You should have seen you reaction!" Kumunot ang noo nito at sumama ang tingin sa akin samantalang ako naman ay hindi pa rin matigil ang tawa. I really wanted to play tricks on her alam ko kasing mabilis itong maloko. Masyado kasing inosente kahit na ang laki ng bunganga at baliw.
"Tsk baliw ka! Don't tease me with that act! Kasi mabilis akong maniwala dahil totoo namang maganda ako e'." Napailing ako sa sinabi nito at nakita ko pang ng pogi sign ito sa harap ko akala mo naman kinaganda niya, bruha talaga.
"So ano na nga kailan balik mo sa trabaho or baka naman sa wakas naisip mo na sa wakas na huwag na pumasok doon sa trabahong 'yon kasi putek lang bruha magpapapiging ako sa saya," biglang nawala ang ngiti ko sa sinambit nito kasi muling sumampal sa akin ang katotohanan na ganito ang sitwasyon ko.
"Alam mo naman hindi ako pwede umalis Reign masyadong mahirap gawin iyon, mahirap akong makahanap ng trabaho alam mo naman ang records ko kahit anong gawin ko walang kompaniya o trabaho ang handa akong tanggapin—"
"Dahil ano? Dahil minsan kang nakulong? Putek na dahilan naman 'yan hindi naman lahat ng nakulong masasamang tao at kung meron man hindi ba pwedeng magbago?" tila kinuyumos ang puso ko at muli tila ba ang sakit ay andon sumisilip mula sa aking puso pero pinilit ko itikom at itago iyon kasi wala akong magawa 'yun lang naman kasi ang dapat.
"Kahit sabihin mong wala akong kasalanan pero wala akong katibayan at hindi nabura sa records ko na minsan akong nakulong sa salang pagnanakaw. Sa tingin mo may magtitiwala sa tulad ko kung 'yun agad ang makikita sa records ko?" Nakita ko ang pagbakas ng lungkot sa mga mata nito habang nalalasahan ko ang pait sa aking bibig, pait dahil alam ko naman na ang hina ko at walang-wala akong patama sa ibang taong nagagawa ngayon maipagmalaki ang kanilang sarili.
"Pumayag ka na lang kasi na pahiramin kita ng pera para panimula mo lamang." Lumapit ito agad sa akin at umupo sa tabi ko para hawakan ang dalawa kong kamay na nagbigay sa akin ng pakiramdam na hindi ako nag-iisa.
"Sige na D, alam mo naman matagal na kitang kaibigan kung hindi dahil sa'yo baka matagal na akong nakikipagplastikan sa mga plastik na kaibigan ko dati," Oo alam ko naman na mabuti itong kaibigan at hangad lang nitong makatulong pero alam ko namang hindi ko iyon deserve, at alam ko naman kung saan lang ang lugar ko.
Ayokong madamay pa ito sa problema ko, masyado nang madami itong naitulong sa akin isa na roon ang pagtiwala sa akin at pananatili sa tabi ko sa ganoong paraan mas ramdam kong kaya pa rin pala akong pakisamahan at hindi ako ganoon kawalang kwenta."Alam mo Reign hindi ko pa rin 'yan tatanggapin sapat na iyong trabaho na binigay ng magulang mo sa akin—"
"Shit! Huwag mo na nga ipaalala 'yan kung pwede ko lang palitan trabaho mo baka matagal ko nang ginawa. I remember how I didn't talk with my father for a month pero gano'n pa rin kung bakit kasi ikaw pa mismo ang kumausap sa kaniya about that." Kinurot ko ito sa tagiliran na kinanguso nito. I never expect I could have a friend pero masarap sa pakiramdam na may nasasandalan ka kapag andon ka sa mga araw na lugmok na lugmok kana.
"Walang problema sa binigay nilang trabaho at least tinanggap pa ako, isa pa 'yun lang naman ang pwedeng trabaho sa tulad ko na may masamang record. Humingi naman ng pasensya ang papa mo sa akin." Umiling na lamang ito saka sinapak ako bago ako titigan ng seryoso sa mga mata.
"Kung ganito ka pa rin kahina paano mo siya makukuha?" isang sampal iyon sa aking mukha at para akong nawalan ng lakas at ang kaninang maskarang suot ko ay agad nawala. Nanlabo ang aking mga mata at naramdaman ko na lamang ang mainit na likidong nanulas mula sa aking mga mata kaya napayuko ako at doon kita ko ang bawat pagpatak ng likido sa aking mga binti.
"I-I'm sorry," mahinang bulong nito saka inilagay ang kaniyang kamay sa aking balikat pero ngumiti ako ng mapait.
"Y-You don't have to, because you are right." Napasinghap ito at agad na hinila ang mukha ko na basang-basa na sa aking luha at saka pilit na hinarap ako rito.
"What the hell Dawn! Alam mo ba iyang sinasabi mo! Kailan mo ba masasab ang mga salitang, hindi kasi matapang na ako?" muling nanghina ako at napailing na lamang. Sanay na kasi ako na ganito na lamang ang paulit-ulit na nangyayari na nauuwi lang sa wala ang lahat kahit na ipaglaban ko.
"R-Reign I choose not to fight for him—" biglang naramdaman ko ang hapdi sa aking pisnge kasabay ng malutong na ingay at pagbaling ng aking mukha.
"What? How can you do that how can you let him go? Akala ko ba bubuo ka lang ng lakas at kukunin mo siya ulit pero ano na naman ito? Shit ka Dawn! You are making a stupid descision! He needs you! And here you are thinking to give him away and let him believe in those lies! Are you even thinking, right now?" I can hear hatred in her voice kahit man ako ay nagagalit na rin sa sarili ko, kung pwede lang na saktan ko ng paulit ulit ang sarili ko ay gagawin ko! Kasi 'yun ang kailangan pero ano pa ba ang use kung hindi naman talaga pwede?
"Slap me if you want pero buo na ang desisyon ko," malamig na sambit ko pero ramdam ko ang libo-libong kurot sa aking puso pati na rin ang patuloy na pagtulo ng aking mga luha.
"I can't believe you—"
"Then what do you want to believe? Na matapang ako? Na tatapang ako? After all this years Reign nandito na ako sa kulungan na ito. Oo lumaya ako sa physical na kulungan pero mentally and emotionally I am still lock behind those bars! How can I be with him? How can I fight for him if I have nothing or If I can't give him reasons to believe me and love me?" hindi na ito nakaimik kaya muli akong nagsalita.
"It's better to let him believe in lies as long as he's happy. Kasi kung sa tingin mo andito siya magiging masaya ba siya na magtago gaya ko? Sa tingin mo mabibigay ko ba ang mga dapat para sa kaniya? Sa tingin mo ba kaya ko bang panagutan at pangatawanan ang responsibilidad ko? Sa tingin mo ba kaya ko siyang ipaglaban kung noon ni hindi ko man lang nagawa iyon? Do you think can I be a good woman for him? C-Can I be a good mother for him?" Napangiti ako ng mapait ang sakit sobra kasi sampal sa akin ang katotohanan na wala akong magawa, na hindi ako karapatdapat.
Flashback
"Ma-ma," I uttered in front of him pero ngumiti lamang ito ng matamis sabay kumpas ng mga kamay. Oo ako ang mama nito, ako ang ina at sa akin siya galing.He become my sun, siya ang liwanag sa buhay ko, nag-iisa lamang at alam kong siya na lang ang magiging kakampi ko sa buhay.
"Ayaw mo ba ako tawaging mama? Sige na baby sambitin mo na, it's MA-MA." Ngumiti ito at pilit na inaabot ang aking mukha kaya inilapit ko nga iyon.
"Hindi ko alam kung bakit hinahayaan 'yan dito kasama ang anak niya. Hindi ba dapat nasa DSWD na 'yan ang ingay-ingay nakakairita." Napawi ang ngiti ko at saka tinititigan ang anak ko na ngayon ay ngumingiti lamang habang hinahaplos ang mukha ko.
"Sabi mo pa! Pero sabi nila pinoproseso pa kasi ang kaso niyan at isa pa, wala namang pamilya iyan sa labas kaya walang pwedeng mag-alaga sa bata. Pero pagproseso na ang kaso baka mas mabilis na," humigpit ang kuyom ng aking mga kamay, at napatitig ako sa aking anak, iniisip ko pa lamang na kukunin ito sa akin ay nasasaktan na ako. Hindi ba pwedeng kunin na nila lahat huwag lang ang anak ko? Pwede na nila ibintang lahat sa akin pero sana ang anak ko hayaan na nilang makapiling ko.
"That child is not my son's child so you better don't mess with us! You are just a dirty woman I hired for my son so know your place you don't know what I can do to you!" 'Yan ang sambit ng ina nito sa akin and that's hateful.
'Yung isang ilusyon ko noon ay nagbunga ng ganito, alam ko hindi ako dapat magsisi sapagkat may magandang bunga iyon at iyon ang munting supling na buhat-buhat ko ngayon.
Biglang nakarinig ako nang ingay sa labas ng selda kaya napatayo ako habang buhat ang anak ko at doon nakita ko ang tatlong pulis kasama ang tatlong babae na nakaputi.
Agarang bumilis ang pintig ng puso ko sa kaba sa hindi mawaring dahilan.
Ang bawat yapak nila papasok sa selda ay lubhang nagpabingi sa aking tenga at hindi ko mapigilan na mapaatras.
"Mathison ibigay mo ang bata sa amin," nanlalaki ang mga matang napatingin ako sa pulis na nagsalita at napahawak ako ng mahigpit sa anak ko na ngayon ay nilalaro ang aking damit.
"H-Hindi—Bakit niyo kukunin ang anak ko?" ang luha ko ay kusang bumagsak at pumatak iyon sa mukha ng aking anak kaya tila natigilan ito at tahimik na tinititigan ako. Inosente at walang ano mang salitang lumalabas mula sa bibig nito.
"Malapit na maproseso ang kaso mo kaya mas makakabuti na ibigay sa DSWD ang bata ano sa tingin mo? Na papalakihin mo siya rito sa kulungan?" Napasinghap ako at kasabay no'n bigla na lamang umiyak ang anak ko na sadyang nagpakirot sa aking puso, walang sasakit pa sa sitwasyon na kukunin sa bisig mo ang anak mo at ilalayo.
Kumapit ang kamay nito sa aking damit tila ba alam nitong ilalayo siya sa akin.
Ang anak ko, siya na lang ang meron ako ba't balak pa nilang kunin? Bakit ngayon pa?
Ngayon pa na tila hindi ko na kaya malayo rito. Ang daming mga kung ano-anong bumalatay sa aking utak at sa sobrang takot ay pinilit ko sanang tumakbo pero napigilan at nahawakan ako ng mga pulis. Pero pumipiglas ako habang ang anak ko ay lumalakas na ang iyak.
No...
Ang anak ko...
"Mathison! Tumigil ka! Anong gusto mo? Na rito titira ang anak mo? Hindi mo ba ibibigay sa kaniya ang pagkakataon na magkaroon ng magandang buhay? At mas gugustuhin mong habang buhay iisipin niya na kriminal kaniyang ina?" natulala ako sa sinabi ng babaeng taga DSWD at nanghihinang napatingin muli sa anak ko. Gano'n na ba ako sa selfish? Hahayaan ko bang hindi makita ng anak ko ang buwan, araw o ang maranasang tumakbo sa labas, magkaroon ng kaibigan, makapag-aral at lumaki ng normal?
Pero paano naman ako kung mawala siya? Siya na lang ang meron ako, siya na lamang ang pamilya ko.
Sa aking panghihina ay naramdaman ko na lamang ang pag-gaan ng aking bisig nang kinuha na ng babae ng tuluyan ang tanging yaman na meron ako.
I can see my son trying to lift his hands, pilit na inaabot ako pero wala na akong lakas at napaluhod na lamang ako.
Hindi ko kaya, akala ko kaya ko pero hindi. Hindi ko kaya kasi selfish ako.
"Parang awa n'yo na a-akin na lang siya. Kailangan ko siya. Anak ko ang bata at huwag kayo mag-alala papalakihin ko siya. Please lang maawa kayo sa akin, hindi ako magnanakaw napagbintangan lang ako please... akin na ang anak ko. P-Please parang awa n'yo na. Pasensya na, kung nagkasala ako sa inyo pasensya na! Huwag n'yo lang siya kunin. Huwag siya please." Sigaw ako ng sigaw at pinilit ko gumapang papalapit sa paa ng taong may hawak sa anak ko.
Kung kailangan na halikan ko ang mga paa nito ay gagawin ko."P-Parang awa mo na akin na ang anak ko," halos halikan ko na ang paa ng babae dahil kung ang pagiging mababa ay ang tanging nag-iisang paraan para hindi nila kunin ang anak ko ay gagawin ko. Ito na lang ang kaya kong gawin. Ang inang tulad ko ay hindi kaya na mawalay ang nag-iisang yaman na meron siya."Ma-ma!" Iyak at may kasamang sigaw ng anak ko na sadyang nagpaguho ng aking mundo.
Sa huli, tinawag niya rin ako, sa huli narinig ko rin iyon mula sa bibig niya ang unang salita niya, pero mukhang huli ko na rin ito maririnig mula sa kaniyang bibig.
No! hindi ako papayag, hindi pwede!
Akin siya! Akin ang anak ko.
"Anak ko!" Humagulgol na ako at niyakap ang paa ng babae samantalang pinipilit ako ihiwalay ng pulis, pinipilit nila akong ilayo sa anak ko, sa anak ko na mahal na mahal ko.
"Bitiwan mo siya Mathison!" no! Ayaw ko dahil ilalayo nila ang anak ko.
Pero hindi ko akalain ang biglaang sakit na naramdaman ko sa aking likod, sakit mula sa pagkapalo sa akin kaya napabitaw ako sa paa ng babae at napahiga.
Kita ko kung paano umatras ang babae at nang akmang babangon ako ulit ay naramdaman ko na naman ang pagpalo sa akin kaya nanlalabo ang mga matang tinitigan ko na lamang ang anak ko.
Nakatingin ito sa akin habang umiiyak at sinisigaw ng paulit-ulit ang mga salitang kumukurot sa puso ko.
"Ma-ma! Mama! Ma!" Nagwawala na ang anak ko sa kamay ng babae at pulang-pula na ang mukha ngunit kahit pilitin ko iangat ang mga kamay ko para abutin ito ay hindi ko pa rin ito magawang hawakan sapagkat ang hina ko.'Ang hina ng mama mo anak hindi ako makatayo, hindi kita malapitan, hindi kita maipaglaban. Kung sana pwede akong sumigaw at humingi ng isa pang pagkakataon.'
"W-Wala akong kasalanan! Huwag n'yo ilayo ang anak ko parang awa niyo na! Anak! Anak ko andito si mama anak!"
Ngunit ang bawat sigaw ko ay hindi nila narinig dahil nakita ko na lamang ang mga anino at ang may luhang mga mata ng aking anak.
"Anak mahal na mahal kita," bulong ko sa hangin na pinagdadasal ko na marinig niya.
Sana lang marinig mo anak, sana lang.
End of flashback
"D alam ko mahirap paniwalaan pero ako ang magpapatunay na magiging isa kang mabuting ina. You deserve him! He was taken away from you by force and you don't deserve it inosente ka! And you know that kaya bakit hindi mo ipaglaban? Bakit ka umuupo rito at hayaan na makulong ka sa sakit?" Ngumiti ako ng mapait saka pinunasan ang aking mga luha."I won't see him again Reign because he is gone, he will have a good life at hindi niya 'yun makukuha kasama ako. I am miserable and I don't deserve to be a mother. I won't force myself sa tingin mo pagmagkita kami? Ano sasabihin ko? Sa tingin mo tatangapin niya ako? Guguluhin ko lang buhay niya and as a mother I won't like to do that to him. I just can't," agad na naramdaman
Dawn POVFlashback"Nasaan na po ang anak ko? Brix Mathison po ang pangalan niya, kinuha po siya sa akin sa kulungan pero ngayon po ay laya na ako kaya balak ko po sana siya kunin." Tiningnan ako ng matagal ng babae at saka binaba ang mga mata sa hawak nitong papel at may tila tiningnan sa mga papel nito.Nagtagal ito kaonti sa pagbabasa hanggang sa napabuntonghininga ito at muling humarap sa akin na may nakabakas na hindi mawaring emosyon sa mga mata."Sorry Miss pero wala na rito ang anak niyo." Natulala ako sa sinambit nito at agad na umalsa ang galit sa aking puso. Paanong nawala? Bakit?Pinangako nila makukuha ko ang anak ko kapag lumaya ako pero bakit ngayon wala na? Ano ito? Nakikipagbiruan ba siya sa akin? Hindi pwede...No!"Ano ang iyong ibig sabihin? Nakikipagbiruan ka ba? Sinabi sa akin na narito ang anak ko dahil dito siya dinala kaya bakit wala?" Napahawak ako ng mahigpit sa
Dawn POV Napabuntong-hininga ako habang tinititigan ang aking mukha sa harap ng salamin. Shit ka talaga Dawn! Dapat sanay kana e' ngayon andito ka na naman nagtatago!Pagkadiretso ko kasi sa loob ng restroom ay nagkulong muna ako rito and I just message Leon to wait for me outside kasi medyo sumama lang ang tiyan ko pumayag naman ito at baka susunod din daw rito pagkatapos lang daw nito makipag-usap sa mga kakilala nito at saka uuwi na lang daw kami or hindi kaya lumabas at kumain sa labas para mas magkaroon kami ng privacy.Nakakahiya man ang rason ko pero it is better than telling him the truth. Muli bumuntong-hininga ako saka kinuha ang aking lipstick at muli akong naglagay no'n sa aking labi. Inaayos ko ang sarili ko para paghumarap ako ulit doon e' hindi ako magmukhang ewan.Napapitlag ako nang biglang malakas na bumukas ang pinto pero agad din iyon naisara at pumasok ang dalawang tao na
Dawn POV"Hoy bruha ka ano 'yung narinig ko?" Inis na sambit ni Reign na tila ba galing pa sa impyerno at ngayon ay humahangos. Nanahimik lamang ako habang pinagpapatuloy ko ang ginagawa ko. Hindi ko kasi ito maharap dahil sa hiya."So hindi mo ako sasagutin? Langya kang babae ka aalis ka sa trabaho? Bakit magfufull time ka sa pag-eescort? Ano ba 'yan bruha ka! Ano ba ang gusto mong gawin sa buhay mo." Nandito kami ngayon sa hallway ng pagmamay-ari nilang hotel. Habang ako naman ay hila-hila ang mga gamit na panglinis ko. Medyo nahihiya pa nga ako kasi alam ko iba ang tingin sa akin ng ibang empleyado. Akala kasi nila ako ang paborito ng mga taong nasa mataas na posisyon dahil na rin sa lagi akong pinupuntahan ni Reign na isa sa mga amo nila, na kung tutuusin nga ay isa lang naman akong tagalinis ng kalat sa lugar na ito.Kaya nga sobra-sobra na rin ang pasasalamat ko sa kaibigan ko dahil kahit nakulong ako ay nanatili ito sa tabi ko, siya ang tumulong sa
Dawn POV"Hindi ka mag-iisa sasama ako kahit saan. Let's meet tomorrow at sabay tayong aalis." Ngumiti ako ng tipid at gano'n rin ito pero natigilan kaming dalawa nang biglang tumunog sa cellphone nito na agad nitong kinuha mula sa bulsa nito at sinagot ang tawag."Hello? Ah yes! Papunta na ako, and yeah may sasabihin rin ako sa'yo. I know you need me Leon and yes bibilisan ko papunta riyan." Pagkasabi nito ng mga huling salita nito ay binaba na nito ang tawag at ako naman ay tinaasan ito ng kilay pero ngumisi lamang ito at tinaas ang mga kamay at napailing."Alam kong tanga, pero huli na ito. Haven't heard of farewell fuck? Alam mo na need ng pabaon." Binuntutan pa nito iyon ng tawa kaya napabuntong-hininga na lamang ako."Talagang malala kana.""Anong malala if I know naggoodbye sex rin kayo noong the one that got a way mo bago ka tumakas." Biglang umawang ang labi ko sa mga pinagsasabi
Flix POVMy jaw clench while staring at the naked woman sleeping peacefully above my bed.Too bad hindi magtatagal ang payapang tulog nito, hell! She deserve to be punish matagal ko nang hinintay ang araw na magawa ko na ito. Though I never expect it to be early because now is the time where I can have her vulnerable in front of me.Matagal kong pinag-isipan ang mga pwede kong gawin rito, at masarap pa sanang makipaglaro pero mukhang aatras ito at walang balak na makipaglaro rin sa akin. She planned escaping and I can't bare that knowing na hindi ko pa naisasakatuparan ang mga planong nasa aking isipan.Yes, I hated her. She was the woman who made me face hell. A pretentious woman who lied to me making me believe in her facade.Ginalaw ko ang hawak kong wine glass at saka tumayo mula sa aking kinauupuan at lumapit sa kinahihigaan ng babaeng kanina ko pang gustong saktan."This would be your nightmare, and my justice."Pagk
Dawn POVNagising ako na ramdam ang sakit sa buo kong katawan and I just felt hopeless para akong basahan na napagsawaan. A dirty rug ready to be dispose.Nakatulalang napatingin ako sa kawalan. I am now sitting on the same bed where the smell of sex is what made me feel like a bitch.Napangiti ako nang mapait bakit pa ba ako magtataka? Talaga namang ito ang nababagay sa akin. I am slut that he wanted to punish. Pero sana pinatay na lamang niya ako kaysa ang maramdaman ko ang ganitong katinding sakit.Sobrang sakit because I am betrayed. Hindi lamang niya kundi ng aking sarili dahil umasa akong ang lahat ay magbabago pa, na pwede pa akong maging masaya but how can I? Ngayon pa na sirang-sira na ako baka nga hindi na ako makatayo e'.On this the same room I've been vulnerable, wala akong magawa at wala akong maalala kundi ang katotohanang inubos nila ako.He let them and I
Dawn POV"Yes I am a garbage pero ikaw ang dahilan nito. You don't know what I've been through Flix! Hindi mo alam kung paano ako magmakaawa sa harap ng magulang mo just to let me see you. Hindi mo alam kung paano ako nagmakaawang sana'y tanggapin nila ako at ang anak ko! You are not there when they accuse me for a crime and made me sleep in jail while I am pregnant with your child! Hindi mo alam kung paano ko binuhay at pinilit lunukin ang sitwasyon sa loob ng kulungan sa kagustuhan kong makalabas at para hindi magisnan ng anak ko ang buhay roon. You are not there Flix when my child suffer inside the jail with nothing for himself. Hindi mo alam na sa bawat iyak ng anak ko wala akong magawa, sa bawat pang-aabuso tiniis ko para sa anak ko. Hindi mo alam na dahil sa aking pagkakakulong hindi ko ngayon nakasama ang anak ko, inagaw siya sa akin at ni hindi ko alam kung saan siya hahanapin. You are clueless Flix, hindi mo alam na kung ikaw ay nagsasaya kasama a
Flix POV"So ano ito pinapunta mo ako rito para sa wala?" I gritted my teeth watching this sophisticated woman sitting on the bed while staring at me with her cold expression."Hell! You do know that I don't want playing games with you Helen! Marami akong dapat gawin na dapat hindi ko inaaksaya--""Sa ano? Sa akin? Then FUCK YOU FLIX! You are nothing but a trash." Umigting ang aking panga sa galit kung pwede ko lang ito saktan kanina ko pa ginawa.She makes me frustrated kulang na nga lang ay sigawan ko ito per mukhang bingi ito at bulag sa mga hinaing ko."Oh ano hindi ka makapagsalita? At ano ba ang kinagagalit mo? Dahil naistorbo kita? Na naistorbo ko ang mga walang kwenta mong laro na lagi mong ipinapalandakan na kailanman ay hindi ako magiging kalaro mo? Hell you should grow up Flix. Hindi kana bata para maglaro ng apoy at mas lalong lalaki ka so dapat alam mo na you shouldn't p
Dawn POV"Malaya kana Yesha, sana maging masaya ka." Sambit ni Eros bago ito naglakad paalis na kinalaki ng mga mata ko.N-No!"Eros huwag mo kami iwan dito tulungan mo kami—" hindi ko natapos ang sasabihin ko nang biglang makarinig ako ng isang boses na lubhang nagpagulat sa akin."M-Mahal mo 'ko?" Napasinghap ako at nilayo ko ang katawan ni Flix mula sa'kin.Namuo ang luha ko nang tumama ang aming mga mata. Those eyes that I am longing to see and stare.Ngayon puno iyon ng saya. Erasing the bad nightmare of his eyes filled with sadness in my mind."B-Buhay ka!" I hug him."Buhay ka salamat akala ko iniwan mo na ako. Akala ko 'di na kita ulit makakasama." I sniff hindi ko na ulit gugustuhin na maramdaman ang sakit na naramdaman ko kanina noong inakala kong mawawala na siya.Napakasakit pala iniisip ko pa lang ay hin
Dawn POV"Uyy gising andito na tayo!" Dahan-dahan akong napamulat dahil sa sigaw t-teka asan ako bakit puro puno ang nakikita ko?Hindi huwag mo iyan gawin pease just let me go!No!Si Eros?'Yung kasal?Parang binuhusan ako ng malamig na tubig dahil sa pagbalik ng akin alaala Shit asan na ako? Where did they take me? Lumuluha na ako sa galit at kaba damn kung hindi ako makaalis rito paano na?"Nasaan ako? T-Teka ano ba bitiwan mo 'ko." Nagpumiglas ako at pinagsusuntok ang lalaking nasa harap ko pero nakakaiwas ito at naiinis ako. They have taken me away nang hindi ko alam ang rason.Wala naman akong ginawangmasa e' kaya bakit nila ako ginaganito?"S-Saan sabihin n'yo nasaan ako?" Napayuko ako ng hinawakan ng lalaki ang kamay ko para mapigilan ang pagsuntok."You need to come with us at kung
Dawn POV"Yesha," napapitlag ako sa narinig kong pagtawag sa akin at nang lingunin ko ang boses ay nakita ko si Eros na nasa bukana ng pintuan at pinagmamasdan ako."Hindi ka ba kakain?" Mahinang sambit nito na kinayuko ko.Sa totoo lang hindi ko rin alam kung makakakain pa ako.Masyadong binabagabag ako ng konsensya ko. I can't even stare at his eyes without feeling ashame.Masyado mahirap tanggapin na nagagawa pa rin nitong umaktong parang walang nangyari pero ang totoo niyan ay dapat hindi ganito ang turing nito sa akin."Yesha dalawang linggo kanang ganito kasal natin and yet you are still like this." Nag-isang linya ang aking labi sa binanggit nito.Bukas na bukas ay ikakasal na ako rito. And yet hindi ko man lang alam kung kaya kong humarap sa altar nang hindi mahihiya at makakaramdam ng guilt.Hindi ko na sana hahayaan na magkagnito pero paano ako tatanggi? Paano ko magagawang umaktong walang nangyaring katangahan.
Dawn POV"Dawn!" Napasinghap ako at napabalikawas ng bangon mula sa kinahihigaan ko nang may marinig akong malakas na sigaw kasabay rin no'n ay ang ingay ng pagbukas ng pinto.Ngunit halos mawalan ako ng lakas sa nakita kong taong bumunggad roon. Hinihingal ito ngunit ang panlalaki ng mga mata nito ay sapat na para makaramdam ako ng matinding hiya at kasama na rin doon ang guilt.Ewan ko ba pero ang pagbuka't sara ng bibig nito ay tila ba'y sapat na patunay upang lalo akong manliit. Alam kong hindi ito makapaniwala sa kung ano mang nabunggaran nito ngayon pero hindi ko na maibabalik ang oras.Naging tanga na ako.Isang tanga na nagpadala sa nararamdaman ng aking puso.Kaya kahit kita sa mga mata nito ang paglarawan ng sakit ay napalunok na lamang ako at hinihintay ang mga panunumbat nito because I deserve it.I really deserve it.Ngunit hindi ko inasahan ang pag-iba ng emosyon sa mga mata nito at ang sumunod nitong sinambit.
Dawn POVTinulak ko ito at tinitigan ng mariin sa mga mata nito."Seryoso ako Flix ayaw ko nang magkaroon ng koneksyon pa sa sa'yo o sa pamilya mo." Mahirap man bigkasin ang mga katagang iyon pero kailangan kong maging matatag.Seeing his eyes filled with pain at ang paglarawan ng pagkawalan ng pagkasa ay siyang kumurot sa puso ko.Unti-unting naramdaman ko ang pagdulas ng mga kamay nito hanggang sa tuluyan na nawala ang init na kanina lang ay nakayakap sa akin.Ewan ko ba pero kusang tumaas ang mga kamay ko upang pumalibot sa batok nito kasabay rin no'n ay ang pagbagsak ng kumot sa sahig.Nawalan na ako ng hiya. I don't care if I am bare and naked in front of me.Because I can't..I can't let go without having the chance to feel him for the last time.Kahit ngayon lang.Nakita ko kung paano gumuhit ang gulat sa mga mata nito, pero ngumiti lamang ako at nang titigan ko ang nakaawang at mapu
Dawn POVNapadaing ako dahil pakiramdam ko'y parang dinaganan ako ng mundo sa sobrang pananakit ng aking katawan gayundin ang aking ulo."Hmm..." I moaned in pain bago dahan-dahan na minulat ang aking mga mata.It's a bit blur, ngunit agad na nanlaki ang mga mata ko nang maanigan ko ang kakaibang disenyo ng kisame."Fuck!" Napamura ako dahil sa tindi ng gulat ko ay akmang babalikwas ako ng bangon ngunit natigilan ako nang maramdaman ang pagsiid ng matinding sakit.Ang balakang ko'y tila ba bugbog pero ang malala ay ang pakiramdam na hindi ako komportable lalo na sa pagitan ng aking mga hita.Shit!Anong nangyari?Isa pa nasaan ako?Natulala ako habang ang tanging nagawa ko na lamang ay ang maupo sa malawak na kama at pagmasdan ang aking paligid.This is not my house—teka pumunta ba ako sa isang hotel? Ano bang ginawa mo Dawn?Wait why am I naked?Napasinghap ako sa aking
Dawn POVUmiwas ako ng tingin mula sa kakatingin sa taong nasa harap ko and I just bit my lips to suppress the aching need within my body.Napatingala ako habang kapit na kapit ako sa lamesa."Shit!" I cursed because I felt I am now burning. Kaya sa inis ko ay nawalan na ako ng pakealam at desperadang pilit kong tinanggal ang aking buong saplot. Gusto kong lumaya mula sa pakiramdam na ako'y sinasakal ng saplot ko.Kahit na ang maliliit na telang tumatakip sa mga maseselang parte ng aking katawan ay tinanggal ko rin to relieve the warm feeling ngunit akala ko'y hihinto na ang pakiramdam na inaapoy.Pero mali ako, sobrang mali dahil mas naging malala ito at napapikit ako ng sumiid ang kakaibang sensasyon sa aking katawan.Hell my core is aching and my mind is slowly flooded by different pictures of things that I didn't imagine I would fucking think right now.And they are encouraging me to do something at alam kong kokontrol
Dawn POV"Hmm bukas isugarado mong nakaayos na ang lahat ng mga dadalhin mo," sambit ko sa tapat ng telepono, kausap ko kasi si Helen pagkatapos kasi nang napag-usapan namin noong isang araw ay napag-isip isip nitong sasama nga ito sa akin kaya ngayon ay sinasabihan ko itong maging handa sa mga dapat lalo na't bukas na ang flight namin."Naayos ko na ang lahat ate. Kaya siguraduhin mo lang din na huwag mo akong papaasahin bukas a'." Napailing ako, dahil bakit ko naman ito papaasahin lalo na pa't ngayon na buo na ang desisyon ko.Napatingin ako sa maliit na picture frame na nakapatong sa office table ko.Mula roon ay kitang-kita ko ang nakangiti kong anak.I really miss him, pero sa ngayon hindi ko pa alam kung papaano harapin ang ama nito. I don't have the courage. At kahit ngayon na tinatawagan na ako ni Eros ay ni hindi ko rin ito magawang sagutin.I don't want another M
Dawn POV"A-Ano? Paanong anak ka namin? E' Nag-iisang anak lang namin si Helen!" Sigaw ng ama ko na halatang hindi makapaniwala."Teka ija what is really happening paano kita naging pamangkin?" Sabat ng ina ni Eros na ngayon ay naguguluhan na rin sa daloy ng pangyayari."She is my sister dad." Lahat ay napatingin kay Helen na ngayon ay may ngiting mapait na nakapaskil sa labi."Helen..." "Naalala niyo 'yung kinuwento niyong kapatid ko na nawalay sa inyo dahil inilayo siya sa inyo ng babaeng pinakulong ninyo? And that child na lumaki sa poder ko ay ilang taon din akong naging donor ng dugo nito. Sa una inakala kong nagkataon lang na nagmatch kami pero sa huli nagduda rin ako nang ikwento niyo sa akin ang tungkol sa kapatid ko. Nagbakasakali ako and I didn't expect na may dugo ng pamilya natin ang nananalaytay sa bata. Sinubukan ko hanapin ulit ang ka