Share

Kabanata 781

Author: Yan An
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56
Hindi mapigilan ni Angeline na magselos sa babaeng doktor noong mapatingin siya sa mahaba at payat na mga binti ni Jay. Gusto rin niyang hangaan ang bint ni Jay at hawakan ito paminsan-minsan.

Napatingin si Jay sa maliit na babaeng nasa pintuan, ang kaniyang mga mata ay napupuno ng tuwa.

“Bakit ka bumalik dito?” Nagpakita siya ng nakasimangot na mukha.

Pumasok si Angeline sa kwarto. Hindi siya naglakas-loob na diretsuhin si Jay ng tanong dahil mayroong mga taga-labas sa kwarto. Natigilan sa kaniyang kinatatayuan, hindi niya alam kung saan siya titingin.

Kinausap ni Jay ang doktor. “Pakiusap ay iwan mo muna kami.”

Pagkatapos umalis ng doktor, tumitig si Jay kay Angeline. “Ano’ng maitutulong ko sa ‘yo?” Tanong ni Jay kahit na alam na niya kung ano ang sagot.

Marahan na bumulong si Angeline, “Ako… Ako’y narito… para… ano… tanungin ka… kung ikaw ang taong tumulong sa ‘kin—”

Naiinip, agad na sumagot si Jay, “Ako ‘yon.”

Natatakot na baka umasa si Angeline, ang mukha ni Jay ay bumalik sa pagi
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

  • Sir Ares, Goodnight!    Kabanata 782

    Ang babae ay yumakap kay Jay at malambing na sinabi, “Namiss kita, Jay.”Hinawakan naman ni Jay ang pisngi ng babae at sumagot nang may pagkatuwa sa kaniyang mga mata, “Ba’t ang tagal mo?”Si Angeline ay natigilan sa paglalambing ni Jay sa babae, ang ganoong paglalambing ay dating para sa kaniya lamang.Ngunit sa sandaling iyon, binibigay ito ni Jay sa babaeng nasa harap niya.Lumabo ang mga mata ni Angeline at hindi siya makagalaw sa kaniyang kinatatayuan.Pagkatapos yumakap kay Jay ay saka lamang pinansin ng babae si Angeline.Ang matangkad na babae ay lumapit kay Angeline. Ang kaakit-akit niyang katawan kasama ang kaniyang mga matang puno ng enerhiya ay winasak ang presensya ni Angeline.“Ito ba ang dati mong kasintahan, Jay?”Tumango si Jay. “Oo.”“Maliban sa mukha niya, wala naman akong ibang nakikitang kagandahan sa kaniya.”Ang emosyon ni Angeline ay lumipat-lipat sa pagitan ng galit at pagkahiya.Nagkataon lang na maluwag ang damit na suot niya at itinago nito ang maganda niyan

  • Sir Ares, Goodnight!    Kabanata 783

    Napakuyom ang mga kamao ni Angeline at sinipa ang pinto ng cubicle, ginugulat ang mga babae sa loob at mapayakap sa isa’t isa sa takot. “Sino ka?”Sumagot si Angeline sa galit, “Ako ang ate ni Lil Josie.”Ang babaeng may pangalan na Elsa ay sumingasing at bumalik sa pagiging mayabang. “Kapatid ka ni Josie? Akala ko pa naman ay isa kang makapangyarihan na tao. Ano, galit ka na sinampal ko ang kapatid mo? Eh ‘di, magsumbong ka sa direktor. Hilingin mo sa kaniya na palitan ang script kung sa tingin mo ay may kakayahan ka.”Lumapit sa kaniya si Angeline. “Siguro nga ay wala akong kakayahan na ipabago sa direktor ang script, pero pwede kong isiguro sa ‘yo na hindi na ikaw ang magiging babaeng bida.” Pagkatapos ‘yong sabihin, sinuntok ni Angeline ang mukha ni Elsa.“Aray! Ang kapal ng mukha mong suntukin ako? Hindi mo ba alam kung sino ako?” Sinubukan ni Elsa ang kaniyang makakaya na harangan ang kaniyang mukha. Ang mabubuti niyang mga kaibigan ay tumakas na upang manood sa gilid, natatakot

  • Sir Ares, Goodnight!    Kabanata 784

    Tinuro ng direktor si Angeline. “Siya. Mag-iingat ka. Marunong siyang lumaban.”Sinundan ni Jean ang turo ng direktor, at pagkatapos ay napatingin siya kay Angeline.Nang makita sina Angeline at Josie, agad na silang nilapitan ni Jean sa pananabik. “Hey, ladies, ano’ng ginagawa niyong dalawang maganda rito?”Iniisip ang dignidad ni Josephine, agad na pinaalalahanan ni Angeline si Jean nang pabulong, “‘Wag mong ilantad sa kanila kung sino kami.”Nalilitong tumigil si Jean. “Naintindihan ko.”“Ang direktor na ‘yon at ang babaeng bida na ‘yon ay kinakawawa ang kapatid kong si Josie. Ikaw na ang bahala kung sino ang kakampihan mo,”Ang ekspresyon ni Jean ay agad na nagdilim. Tumalikod siya at sinipa ang tiyan ng direktor.“Kilala mo ba kung sino siya? Paano mo siya nagawang awayin kung wala ka namang alam?”Agad na lumuhod ang direktor at nagmakaawa, “Patawarin mo ako, Master Jean. Siguro ay bulag lang ako. Hindi na ito mangyayari ulit.”Nang makita ang eksena na bumaligtad, napagtanto ni

  • Sir Ares, Goodnight!    Kabanata 785

    Tumitingin kay Angeline, nananabik na nagsalita si Josephine, “Baka sinusundo ka na ng kuya ko.”Pakiramdam ni Angeline ay hindi ito kapani-paniwala, lalo na’t nalaman niya ang tungkol sa bagong kasintahan ni Jay nitong umaga. Ang mabilis na pagbabago ng isip ni Jay ay hindi kapani-paniwala para kay Angeline.Si Josephine, gayunpaman, ay tinulak si Angeline patungo sa sports car. “Sige na! Sabi ko na ay mahal ka pa rin ng kuya ko, eh.”Hindi pinakawalan ni Angeline ang kamay ni Josephine. “Parang may kakaiba rito, Josie.”Sumagot si Josephine, “Sa tingin ko ay nababahala ka lang. Sige, sasama ako sa ‘yo.”Nang gano’n kabilis, ang dalawang inosenteng mga missus ay pumasok sa sports car na nagsimulang magmaneho patungo sa direksyon ng Garden of A Diary.Nagsalita si Josephine, “Nakita mo, Ate Angeline? Sinusundo ka na siguro niya pabalik sa Garden of A Diary.”Naglaho ang pag-aalala ni Angeline noong magmaneho ang kotse patungo roon.Kalaunan, ang dalawa ay nakaramdam ng antok at nakatul

  • Sir Ares, Goodnight!    Kabanata 786

    Napagpasyahan ni Josephine na hamunin si Carson. “Paano kung hayaan mo akong tawagan ang kuya ko?”Kinuha ni Carson ang kaniyang phone mula sa kaniyang bulsa at binigay ito kay Josephine. “Sige lang.”Nanginig ang daliri ni Josephine noong tawagan niya ang numero ni Jay.Nagsimulang magsalita si Josephine sa sandaling sagutin ang kaniyang tawag. “Kailangan mong pumunta rito, Jay. Bago pa mapagsamantalahan si Ate Angeline! Nakidnap kami at gusto nilang pagsamantalahan si Ate. Pumunta ka rito at iligtas si Ate Angeline, Jay.”Sa kabilang linya, napagtanto ni Jay ang panganib na hinaharap ni Josephine mula sa kaniyang tono. “Nasaan ka?” Ang tono ni Jay ay malamig at tila mabangis.Pinakita rin nito ang bakas ng kaniyang pagkabalisa.“Hindi ko alam.”Binawi ni Carson ang kaniyang phone at pinatay ito.“Sigurado akong mahahanap ni Jay Ares ang kinaroroonan mo kung kasing galing nga sila ng sinasabi nila,” sabi ni Carson.Tumingin nang masama si Josephine kay Carson. “Mga halimaw.”Ngumiti s

  • Sir Ares, Goodnight!    Kabanata 787

    Halos naiisip na ni Jay ang maruming eksena na nangyayari sa loob ng kwarto. Nanggigigil siyang lumingon kay Finn. “Gusto kong mawalan siya ng kakayahan na magkaroon ng anak.”Sumagot si Finn, “Aye.”Sa isang kaway ng kamay ni Carson, isang grupo ng mga gwardya ang agad na pumalibot kina Finn at Jay.“Hindi ko kayo pwedeng papasukin.” Ngumiti si Carson.Kinausap ni Jay si Finn sa isang masamang tono, “Kaya ko nang pangalagaan ang mga walang kwenta na ito.”“Naintindihan ko.” Nang may bilis ng isang leopard, tumalon si Finn sa ibabaw ng mga guwardiya at lumapag sa labas ng bilog.Tumitig si Carson kay Finn na kasalukuyang gumagapang sa pader. “Hindi na masama.”Pagkatapos no’n, kumuha siya ng isang rock-climbing instrument at hinabol si Finn Gallagher.Ang mga natirang tauhan ay pinalibutan si Jay at napatingin sa binti niya. Sa kanilang isipan, iisa lang ang kanilang naiisip. Paano nagawa ng lumpong ito na tawagin silang walang kwenta? Mayroon siguro siyang tinatago kung kaya niyang sa

  • Sir Ares, Goodnight!    Kabanata 788

    “Ba’t ka narito?” Tanong ni Angeline sa gulat.Tumitig si Finn sa nakahubad na si Cole Yorks at ngumiti nang masama. “Dahil sa utos ng presidente, narito ako para tanggalan ng itlog ang g*gong ‘to.”Napakunot ang mga kilay ni Cole. “Nasaan na ang mga tauhan ko?”Sumagot si Finn, “Tinalo na sila ng presidente.”Si Cole ay nagulat. “Gaano kahusay ba ang lumpong lalaki na ‘to?”Nagbato si Angeline ng unan kay Cole at pagalit na sinabi. “‘Wag mo siyang tawagin na isang lumpong lalaki.”Binaba ni Cole ang unan at naiinis na sumagot, “Bakit ka ganiyan? Nakipaghiwalay na siya sa ‘yo pero dinedepensahan mo pa rin siya?”Sumagot si Angeline, “Wala kang pakialam do’n.”Nang malaman na si Jay Ares ay nasa baba, agad na sumugod si Angeline sa pinto at tumakbo pababa.Tumayo si Angeline sa harap ni Jay noong itulak ni Jay ang kaniyang sarili patungo sa main door ng villa.“Bakit ka narito?” Ang tono ni Angeline ay puno ng hindi nakatagong saya.Tinitigan ni Jay ang buong katawan ni Angeline, walang

  • Sir Ares, Goodnight!    Kabanata 789

    Naramdaman niya ang pagkawasak ng kaniyang mundo sa sandali na bumagsak si Angeline sa sahig. Para bang ang mundo ay magwawakas na at siya ay nabubuhay sa hiram na oras. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakatikim siya ng takot.Sa maikling sandali na iyon, ang kaniyang utak ay nagwala, pabago-bago ng iniisip. Nagdasal pa siya sa Diyos at handang magtungo sa nine circles of Hell kung ang kapalit nito ay mabubuhay si Angeline.Hindi niya kailanman inasahan na ang walang takot na masamang taong tulad niya ay matatakot sa isang bagay.Marahan na naglakad si Carson patungo sa bahay pagkatapos maglaho ng epekto ng pampamanhid. Siya ay natuliro noong nakita niya ang young master na nakaupo nang nalulugmok.“Sina Jay Ares at Finn Gallagher ay malalakas, Young Master. Hindi dapat natin sila maliitin.”“Alam ko.” Pagkatapos makipaglaban kay Finn, napagtanto ni Cole na mahirap malaman kung sino ang mananalo kung maglalaban sila gamit lang ang kanilang mga kamao.Nagsalita si Cole, “Ayos lang

Pinakabagong kabanata

  • Sir Ares, Goodnight!    Kabanata 848

    Sinadya ni Angeline na patunugin ang posas, ngunit hindi siya narinig ng matandang babae. Nakatuon lamang ito sa pagkuha ng kaniyang pulso.Napagtanto ni Angeline na ang doktor na ito ay kumakampi sa mas masamang panig. Siya ay isang doktor na walang moralidad.Pagkatapos ay bigla siyang naging walang galang sa matandang babae. Sinadya niyang pahirapan ang matanda. “Doc, hindi ba’t madalas nilang kinukuha ang pulso sa kanang kamay? Bakit mo ginagamit ang kaliwang kamay mo?”Wala talaga siyang alam tungkol sa medisina. Sinasadya lang niyang magreklamo.Tumingin sa kaniya ang doktor at ngumiti. “Ang mga mata ng babaeng ito ay maliwanag at puno ng enerhiya. Hindi naman mukhang may sakit siya sa utak.”Tumingin nang masama si Angeline kay Jay.Ang mukha ni Jay ay parang isang yelo. Tumingin naman nang masama si Angeline kay Finn na nakatayo sa isang gilid.Mukhang ang dalawang ito ay nagsinungaling sa matandang babae, sinasabi na siya ay may sakit sa utak. Kaya pala hindi nag-react ang mat

  • Sir Ares, Goodnight!    Kabanata 847

    “Tumigil ka na sa pagpapanggap. Alam kong hindi ka na pwedeng mabuntis.” Nilantad ni Jay ang pagpapanggap ni Angeline.Nagulat na tumingin sa kaniya si Angeline. Biglang naalala ni Angeline noong siya ay kinawawa ng mag-amang Bell, ang kaniyang uterus ay napinsala at nawalan siya ng kakayahan na magkaroon pa ng anak.“Eh… Bakit ako nagsusuka?” Si Angeline ay nalito.Tumingin si Jay sa seryosong mga mata ni Angeline, at naramdaman niya ang pagsikip ng kaniyang dibdib.Hindi naman mukhang nagsisinungaling ang babaeng ito.Nagpadala siya ng mensahe kay Finn. ‘Papuntahin mo rito ang obstetrician-gynecologist.’Patuloy na nasusuka si Angeline. Ngayon, siya ay nakahiga na lamang sa kama. Ang kaniyang mukha ay payat at maputla.“May cancer ba ako?“Intestine cancer?“Stomach cancer?”Nagsimula siyang mag-overthink.“Hindi, bakit parang parehas ‘to ng nararamdaman ko noong pinagbubuntis ko sina Jenson?”…Napakunot ang kilay ni Jay bago siya tumalikod at umalis.Pagkatapos ng ilang sandali, pu

  • Sir Ares, Goodnight!    Kabanata 846

    Si Jay ay nagalit. “Angeline, walang hiya ka talaga.”Nabaliw na si Jay. Kinuha niya ang braso ni Angeline at hinila siya patungo sa kabilang kwarto.Si Angeline ay nalilito. Si Jay ay nasa isang wheelchair. Paano niya nagawang magkaroon ng ganoon katinding aura?“Bitawan mo ako.” Nagpumiglas si Angeline sa hawak ni Jay. Sa sumunod na segundo, ang kaniyang mga kamay ay naipit sa dulo ng kama.Pagalit na tumingin sa kaniya si Jay. “Kaninong anak ‘yan?”Nakita ni Angeline ang pagkabaliw sa mga mata ni Jay. Bigla siyang natawa. “Ginoong Ares, ‘wag mong sabihin sa ‘kin na nag-aalala ka pa rin sa ‘kin. Ano’ng dapat kong gawin? Ang dami-daming pwedeng maging ama ng batang ‘to.”Ninais siyang sakalin ni Jay hanggang kamatayan. Gayunpaman, naalala niya na ang leeg ni Angeline ay sensitibo. Noong naisip niya kung paanong nagsusuka kanina si Angeline, lumambot ang kaniyang puso.Hindi niya kayang gawin iyon kay Angeline.Binawi niya ang kaniyang kamay. “Angeline, parang gusto mo atang maparusaha

  • Sir Ares, Goodnight!    Kabanata 845

    Sinabi ni Angeline, “Ginoong Ares, maikli lang ang buhay at kailangan mong maging mabuti sa anumang oras. Ayaw ko nang magpanggap pa para sa mga bata.”Kapag mas bumibitaw si Angeline, mas nababaliw si Jay.Bigla niyang nilapitan si Angeline nang may agresibong itsura sa kaniyang mukha. Ang malaki niyang kamay ay humawak sa lalamunan ni Angeline. “Kung gusto mo talagang maging malaya, magpakamatay ka na lang.”Ang kamay ni Jay ay nasa leeg ni Angeline, nagsasanhi sa babae na makaramdam ng pagkahilo. Pagkatapos no’n, hindi na niya ito matiis pa. Nasuka siya sa puting damit ni Jay.Tumingin si Angeline sa dumi sa kwelyo ni Jay at napagtanto na siya ay nasa isang malaking gulo.Siya lang ang nakakaalam kung gaano ka-obsessed si Jay sa kalinisan.“Angeline Severe, ang kapal ng mukha mo?” Sigaw ni Jay.Noong nakita ni Angeline ang gulo, muli siyang nahilo.“Umalis ka sa harap ko!”Bago pa man makaalis si Jay, napasuka muli sa kaniya si Angeline.Ang itsura ni Jay ay para bang sumuko na siya

  • Sir Ares, Goodnight!    Kabanata 844

    Tumingin si Angeline kay Jay na nasa sulok ng kwarto mula sa sulok ng kaniyang mga mata. Nakita niya ang walang emosyon na mga mata ni Jay at nagsimulang magrebelyo.Kung siya ay nakikisama sa ibang mga lalaki at wala pa ring pakialam si Jay, dapat na niyang tigilan ang lahat ng pantasya niya tungkol kay Jay.Mahinang tinanong ni Angeline si Gordon, “Alam mo ba kung paano humalik?”Tumingin si Gordon sa mapulang mga labi ni Angeline at nagkaroon ng pandidiri sa kaniyang mukha. “Binibini, hinihiling ko lang naman sa ‘yo na magpanggap na kasintahan ko. Hindi mo naman kailangang gawin ang lahat.”Sinabi ni Angeline. “Pekeng halik. Alam mo ba kung paano?”Napatingin si Gordon kung saan nakatingin si Angeline. “Para ba sa kaniya?”Tumango si Angeline.Napabuntong-hininga si Gordon sa ginhawa. “Sige.”Pagkatapos no’n, hinawakan nila ang isa’t isa. Ginamit ni Gordon ang kaniyang kamay upang takpan ang kaniyang mga labi, ngunit mula sa direksyon ni Jay, silang dalawa ay mukhang naghahalikan.B

  • Sir Ares, Goodnight!    Kabanata 843

    Malamig na sinabi ni Jay, “Hindi mo kailangang mag-alala sa Grand Asia.”Walang maisagot na pambai si Sean kay Jay. Nababalisa niyang sinabi, “Sige, Master Ares, magsaya ka muna d’yan.” Pagkatapos no’n, naglakad siya palayo nang nalulugmok.Tumingin si Angeline kay Jay. Ang lalaking ito ay isang bisita, ngunit pinahiya niya ang host ng party. Nagawa pa rin niyang manatili at samsamin nang walang inaalala ang kaniyang wine.Hindi na ito matiis pa ni Angeline. Pinaalalahanan niya si Jay at sinabi, “Ginoong Ares, ‘wag mong kalimutan. Kailangan mong magtira ng dignidad para sa ibang tao para hindi nakakailang kapag nagkita ulit kayo sa susunod.”Tumingala si Jay upang tumingin kay Angeline. Mayroong bakas ng lungkot sa mga mata ni Angeline na hindi niya nagawang matago. Alam ni Jay na nag-aalala sa kaniya si Angeline.Sinabi ni Jay, “Hindi naman na kami magkikita sa susunod. Kaya, syempre, hindi ko kailangang magtira ng dignidad para sa kaniya.”Alam ni Angeline na hindi makatwiran si Jay.

  • Sir Ares, Goodnight!    Kabanata 842

    Iyon ay isang party upang i-celebrate ang isang buwan ng pagkabuhay ng anak ni Sean.Naalala ni Angeline na si Sean ay isang dating kaibigan na nakipagtulungan sa kaniya dati. Walang dahilan para sa kaniya na hindi magbigay kay Sean ng regalo.Marahil ay pwede siyang makipagtulungan ulit kay Sean.Tulad ng kadalasan, pagkatapos magbihis ni Angeline, nagmaneho siya patungong Imperial Capital mula sa Swallow City.Ang party ng mga Bell ay nangyari sa isang five-star hotel.Noong pumasok si Angeline sa hall, agad niyang inakit ang atensyon ng lahat.Siya ay isang magandang babae, at nagpaganda pa siya para sa okasyon na ito.Siya ay may suot na backless lace dress na pinapakita ang perpekto niyang katawan. Mayroong dugo sa pula niyang “Ginoo.”Sa isang sulok, si Jay ay nakikipag-usap kay Sean noong biglan silang inistorbo ni Finn.Tumingin nang masama si Jay kay Finn. “Tumahimik ka nga.”Sinenyasan siya ni Finn gamit ang kaniyang mga mata upang sabihin sa kaniya na tumingin sa pintuan.T

  • Sir Ares, Goodnight!    Kabanata 841

    Gumapang siya papalapit kay Jay at tinulungan ang lalaki sa kaniyang mga damit.Nakita ni Jay na ang mga kamay ni Angeline ay lubos na nanginginig. Halata naman na siya ay kinakabahan at natatakot.Agad na naglaho ang masamang binabalak niya kay Angeline. “Angeline, sa tingin mo ba ay dapat lang na ibenta ang katawan mo para sa kumpanya mo?”Si Angeline ay natuliro. Sinabi niya, “Wala nang pera ang kumpanya at higit pa sa isang daang mga empleyado ng Severe Enterprises ang mawawalan ng trabaho. At saka, wala akong pera para bayaran ang mga utang namain. Kapag nangyari ‘yon, kamatayan ko na lang ang makakapagbayad sa mga pagkakamali ko.”Biglang kinuha ni Jay ang braso ni Angeline. “Ano’ng sinabi mo?”Bayaran ang kaniyang mga pagkakamali gamit ang kaniyang kamatayan? Hindi siya nagpakahirap para kay Angeline para lang patayin niya ang kaniyang sarili.Matapang na tumingin si Angeline sa galit na mga mata ni Jay. “Ginoong Ares, ambisyoso ka at ayaw bigyan ang ibang mga kumpanya ng pagkak

  • Sir Ares, Goodnight!    Kabanata 840

    Hindi siya nakakuha ng anumang resulta pagkatapos humingi ng tulong sa labas, kaya narito siya ngayon at bumalik kay Jay. Wala siyang ibang magagawa.Tulirong tumingin si Angeline kay Jay. Marahil ay mas nangingibabaw na ang itsura niya ngayon dahil siya ay lasing na.“Jay Ares, sabihin mo sa ‘kin. Ano ang dapat kong gawin para pagbigyan mo na ang Severe Enterprises?”“Ganito ka ba magmakaawa?” Haha, ang lakas naman ng loob ng babaeng ito na tawagin siya sa buo niyang pangalan? Sino ang nagbigay sa kaniya ng lakas ng loob na gawin ito?Umayos ng tindig si Angeline. Tumayo siya sa harap ni Jay na parang isang estudyante na may nagawang mali.Ganito siya tumayo sa tuwing may nagagawa siyang mali noong siya ay bata pa. Ngayon, siya ay nakatayo sa ganitong posisyon dahil lang sa nakasanayan.“Kung papayag ka na pakawalan ang Severe Enterprises, pwede mong kuhain ang buhay ko kung gusto mo.” Matigas na sabi ni Angeline.Nanigas ang mukha ni Jay. “Bakit ko kakailanganin ang buhay mo?”Gusto

DMCA.com Protection Status