Biglang may isang malaking grupo ng mga taong nagtipon mula sa likod ng Hummer at inatake si Angeline.Agad kinabahan si Jay.Mabilis na sinara ni Angeline ang pinto upang protektahan si Jay. Pagkatapos no’n, naglakad siya at hinarap ang grupo ng mga tao gamit lamang ang kaniyang mga kamay.Lumabas si Finn at tinulungan si Angeline na labanan ang mga taong ito.Sila ay mga sanay na manlalaban, at ang kanilang mga kakayahan ay hindi pwedeng maliitin.Si Angeline ay nalilito. Siya ba o si Jay ang hinahabol ng mga taong ‘to?“Finn, kilala mo ba ang mga taong ‘to?”“Hindi ko alam.”Napatitig si Jay kay Angeline. Hindi niya inasahan na ang mga kakayahan ni Angeline na bumalik sa dati. Gayunpaman, dati pa man ay isa nang mahinhin na babae si Angeline sa kaniyang puso.Siya ay natatakot na baka manganib si Angeline, kaya binaba niya ang bintana at kumuha ng ilang dart mula sa tagong lagayan sa kaniyang wheelchair. Hinawakan niya ang mga ito sa pagitan ng kaniyang mga daliri.Ang mga taong lum
Binuksan ni Angeline ang kaniyang mga mata at nakita si Jay na nakatingin nang masama sa kaniya, may malamig na liwanag na lumalabas mula sa mga mata ni Jay.“Ano’ng ginagawa mo?” Sabi ni Jay nang may malamig na tono.Si Angeline ay nagulat at tumingin kay Jay nang may kaawa-awang mga mata. Siya ay mayroong kaawa-awang itsura sa kaniyang mukha.Ayaw nang tumingin sa kaniya ni Jay dahil sa takot na siya ay mabibihag sa malambot at mahinhin na mga mata ni Angeline.Agad niyang binuksan ang pinto. “Finn.”Dinala ni Finn ang lalaki roon, sinipa ang tiyan nito, at sinabi, “Luhod.”Tinanong ni Jay ang lalaki nang may maputlang ekspresyon sa kaniyang mukha. “Sino’ng nagpadala sa ‘yo rito?”Ang lalaki ay natuliro. Tumingin siya sa lalaking nasa wheelchair. Akala niya ay isang lumpo lamang ang lalaking ito. Hindi niya kailanman inakala na mayroong siyang aura ng isang mayaman at hindi katulad ng isang ordinaryong tao.Ang kaniyang kasama ay mukha pang isang bookworm. Siya ay nagulat na si Finn
Napabuntong-hininga nang mahina si Angeline.“Kahit na sobra akong naiinis sa Pamilya Titus, hindi ka dapat mandamay ng inosenteng mga tao, Ginoong Ares—”Bago pa man siya matapos sa pagsasalita, napansin niya na si Jay ay nakatingin sa kaniya nang masama.Siya ay natahimik.Napabuntong-hininga rin nang mahina si Jay. Si Angeline ay masyadong mabait. Paanong hindi mag-aalala si Jay sa kaniya?Napansin ni Finn na ang hangin sa paligid nilang dalawa ay lumalamig at nagiging awkward, kaya bigla siyang nagsalita, “Binibining Severe, kailangan bang magamot ng sugat mo?”Sumagot si Jay, “Ipabalot mo nga ang mga sugat niya.”Tumanggi si Angeline. Hindi na kailangan. Hindi naman ‘to malubha. Mababaw lang naman ang pagkakahiwa.”Napatingin si Jay sa braso ni Angeline na namumula na at sumigaw. “Gawin mo na lang ang sinasabi ko at tumigil sa pagsasalita.”Nag-aalala ba siya kay Angeline?Bumulong si Angeline, “Oo na. Hindi mo naman kailangang magalit.”Pagkatapos ng isang oras, bumalik si Finn s
Ito ay hindi inaasahan ni George. Sina Jay at Angeline ay mayroong malalim na relasyon sa isa’t isa. Paano sila naghiwalay?Marahil ay nag-aaway ang dalawang bata.Sinabi ni George sa isang nasasaktang tono, “Paulit-ulit mong sinasabi na gusto mong buhayin ang pangalan ng Pamilya Severe, pero tingnan mo ang ginawa mo? Kahit na mali ang ginawa ni Serea, ang maruming ginawa ng pamilya ay hindi dapat malaman ng publiko. Hindi mo pinigilan si Ginoong Ares na maghiganti sa kaniya, at ngayon ay nasira na ang dangal ng Pamilya Severe. Paano natin mababawi ang tiwala na nawala satin?”Ngumiti nang mapait si Angeline. “Kasalanan niya ‘yon. Bakit ko siya tutulungan na magpanggap na ayos lang ang lahat?”Si George ay malapit nang sumabog. “Ikaw… Siya ang nakababata mong kapatid.”Tumingin si Angeline sa tahimik niyang ina sa gilid at tumingin kay Anne at sa kaniyang ama, na nakaupo sa sofa.Bigla siyang nangutya, “Siya ba ang kapatid ko? Ama, iniwan mo si Ina at gumawa ng bagong pamilya kasama an
Nakapagpasya na si Old Master Severe. Kaya, sina George at Anne ay wala nang ibang magagawa.Naisip ni Angeline, ‘Si Jack Ares na ngayon ang taong nangangasiwa sa Ares Enterprises, kaya ang yabang-yabang ng kinikilos niya. Kung wala siyang pakialam kay Jay, paano pa kaya sa Pamilya Severe?‘Ano’ng magagawa ni Lolo para mapilit si Jack Ares na pakawalan si Sera?’Sa sandaling umalis sina George at Anne, pinatawag ni Old Master Severe si Angeline sa study.Diretso niyang sinabi, “Alam kong kinamumuhian mo siya, Angeline. Pero ang mga iskandalo ng pamilya ay hindi talaga dapat nalalaman ng publiko. Kung gustong mabawi ng Pamilya Severe ang lakas at kadakilaan nito, hindi dapat mawasak ang karangalan ng pamilya. Kung ‘di, paano natin makukuha ang puso ng mga tao sa susunod?”Pakiramdam ni Angeline ay nagkaroon siya ng isang déjà vu. “Lolo, gusto mo bang magpunta ako roon at makipag-negosyo sa Pamilya Ares?”Tumango si Old Master Severe. “Ikaw lang ang may kakayahang gawin ito.”Tumanggi si
Nagtungo si Cole sa study. Ang kwarto niyang ito ay walang maraming libro, sa halip ay mayroon itong maraming klase ng kakaibang mga baril.Umupo si Cole sa kaniyang upuan, at ang kaniyang mga mata ay napatingin sa istatwang nasa mesa. Ito ay isang istatwa na ginawa niya kagabi dahil hindi siya makatulog.Pumasok si Carson at nakita na ang kaniyang young master ay nakatitig nang tulala sa istatwa. Noong mapatingin siyang muli sa istatwa, napansin niya na ito ay isang magandang babae na may mahabang buhok, malaking mga mata, at matangos na ilong.Si Carson ay natuliro. Inaamin niya na ang babaeng istatwa ay talagang maganda, ngunit libo-libo na ang nakitang magandang babae ng young master. Pinapatunayan nito na ang yong master ay isang walang emosyon na lalaki.Hindi pa siya nagkaroon ng nararamdaman sa kahit na sinumang babae.Gayunpaman...Kinusot ni Carson ang kaniyang mga mata. ‘Totoo ba ang nakikita ko? Ang mga mata ng young master kapag nakatingin siya sa istatwa na ‘yon ay iba ka
Napasigaw si Carson sa pagkabalisa. “Manlolokong babae ba ang nakita mo, Young Master? Isang daang bilyon! Gano’n karami na ang pera ng mga nangungunang negosyante sa Imperial Capital. Kahit ang isang mayamang pamilya tulad ng Pamilya Ares at nagmamay-ari ng Grand Asia ay mayroon lamang halagang ilang daang bilyon.”Walang pakialam na sinabi ni Cole, “Trilyones naman ang pera ng mga Yorks. Bakit tayo magkakaroon ng pakialam sa ganito kaliit na pera?”Hinawakan ni Carson ang kaniyang dibdib, nauubusan ng hininga. “Kahit na, hindi dapat tayo nag-aaksaya ng pera sa ganitong paraan, Young Master. Kung kailangan mong lumabas at maghanap ng mga babae, sabihin mo sa kanila na ang isang halik ay nagkakahalagang isang daang bilyon. Isipin mo na lang kung gaano karami ang mga babaeng pipila para lang sa ‘yo.”Naisip ni Cole ang eksena na iyon at muling nasusuka.“Maikukumpara ba si Angeline sa maruruming mga babae na ‘yon?” Sumingasing si Cole.Hindi maintindihan ni Carson ang pakiramdam ng pag-
Ang gabi ay tahimik.Si Angeline ay nakahiga sa kama, hindi makatulog.Ang mga sinabi sa kaniya ng kaniyang lolo kanina ay nagsanhi sa kaniyang isipan na maguluhan.Umaasa ang kaniyang lolo na itatabi niya ang kaniyang pagkamuhi at tatanggapin si Anne bilang kapamilya upang palakihin ang estado ng Pamilya Severe sa lipunan. Ang puso ng matandang lalaki ay nasa tamang lugar.Gayunpaman, hindi niya ito matanggap dahil kinamumuhian niya si Anne sa pagkuha sa kaniyang ama. Ngayon, ang kaniyang ina ay nag-iisa na lamang.Kinamumuhian niya rin si Sera dahil sa pagkagusto nito kay Jay. Dati pa man ay iniisip na niyang para lang sa kaniya si Jay. Si Sera ay kahiya-hiya para magustuhan ang kaniyang bayaw.Imposible para kay Angeline na hindi magalit at tanggapin sila sa pamilya nang buong-puso.Pagkatapos no’n, nakarinig siya ng buntong-hininga sa kalagitnaan ng gabi.Narinig ni Angeline ang tunog na iyon at napabangon siya sa gulat.Nakinig siya nang mabuti upang masiguro na hindi iyon guni-gu
Sinadya ni Angeline na patunugin ang posas, ngunit hindi siya narinig ng matandang babae. Nakatuon lamang ito sa pagkuha ng kaniyang pulso.Napagtanto ni Angeline na ang doktor na ito ay kumakampi sa mas masamang panig. Siya ay isang doktor na walang moralidad.Pagkatapos ay bigla siyang naging walang galang sa matandang babae. Sinadya niyang pahirapan ang matanda. “Doc, hindi ba’t madalas nilang kinukuha ang pulso sa kanang kamay? Bakit mo ginagamit ang kaliwang kamay mo?”Wala talaga siyang alam tungkol sa medisina. Sinasadya lang niyang magreklamo.Tumingin sa kaniya ang doktor at ngumiti. “Ang mga mata ng babaeng ito ay maliwanag at puno ng enerhiya. Hindi naman mukhang may sakit siya sa utak.”Tumingin nang masama si Angeline kay Jay.Ang mukha ni Jay ay parang isang yelo. Tumingin naman nang masama si Angeline kay Finn na nakatayo sa isang gilid.Mukhang ang dalawang ito ay nagsinungaling sa matandang babae, sinasabi na siya ay may sakit sa utak. Kaya pala hindi nag-react ang mat
“Tumigil ka na sa pagpapanggap. Alam kong hindi ka na pwedeng mabuntis.” Nilantad ni Jay ang pagpapanggap ni Angeline.Nagulat na tumingin sa kaniya si Angeline. Biglang naalala ni Angeline noong siya ay kinawawa ng mag-amang Bell, ang kaniyang uterus ay napinsala at nawalan siya ng kakayahan na magkaroon pa ng anak.“Eh… Bakit ako nagsusuka?” Si Angeline ay nalito.Tumingin si Jay sa seryosong mga mata ni Angeline, at naramdaman niya ang pagsikip ng kaniyang dibdib.Hindi naman mukhang nagsisinungaling ang babaeng ito.Nagpadala siya ng mensahe kay Finn. ‘Papuntahin mo rito ang obstetrician-gynecologist.’Patuloy na nasusuka si Angeline. Ngayon, siya ay nakahiga na lamang sa kama. Ang kaniyang mukha ay payat at maputla.“May cancer ba ako?“Intestine cancer?“Stomach cancer?”Nagsimula siyang mag-overthink.“Hindi, bakit parang parehas ‘to ng nararamdaman ko noong pinagbubuntis ko sina Jenson?”…Napakunot ang kilay ni Jay bago siya tumalikod at umalis.Pagkatapos ng ilang sandali, pu
Si Jay ay nagalit. “Angeline, walang hiya ka talaga.”Nabaliw na si Jay. Kinuha niya ang braso ni Angeline at hinila siya patungo sa kabilang kwarto.Si Angeline ay nalilito. Si Jay ay nasa isang wheelchair. Paano niya nagawang magkaroon ng ganoon katinding aura?“Bitawan mo ako.” Nagpumiglas si Angeline sa hawak ni Jay. Sa sumunod na segundo, ang kaniyang mga kamay ay naipit sa dulo ng kama.Pagalit na tumingin sa kaniya si Jay. “Kaninong anak ‘yan?”Nakita ni Angeline ang pagkabaliw sa mga mata ni Jay. Bigla siyang natawa. “Ginoong Ares, ‘wag mong sabihin sa ‘kin na nag-aalala ka pa rin sa ‘kin. Ano’ng dapat kong gawin? Ang dami-daming pwedeng maging ama ng batang ‘to.”Ninais siyang sakalin ni Jay hanggang kamatayan. Gayunpaman, naalala niya na ang leeg ni Angeline ay sensitibo. Noong naisip niya kung paanong nagsusuka kanina si Angeline, lumambot ang kaniyang puso.Hindi niya kayang gawin iyon kay Angeline.Binawi niya ang kaniyang kamay. “Angeline, parang gusto mo atang maparusaha
Sinabi ni Angeline, “Ginoong Ares, maikli lang ang buhay at kailangan mong maging mabuti sa anumang oras. Ayaw ko nang magpanggap pa para sa mga bata.”Kapag mas bumibitaw si Angeline, mas nababaliw si Jay.Bigla niyang nilapitan si Angeline nang may agresibong itsura sa kaniyang mukha. Ang malaki niyang kamay ay humawak sa lalamunan ni Angeline. “Kung gusto mo talagang maging malaya, magpakamatay ka na lang.”Ang kamay ni Jay ay nasa leeg ni Angeline, nagsasanhi sa babae na makaramdam ng pagkahilo. Pagkatapos no’n, hindi na niya ito matiis pa. Nasuka siya sa puting damit ni Jay.Tumingin si Angeline sa dumi sa kwelyo ni Jay at napagtanto na siya ay nasa isang malaking gulo.Siya lang ang nakakaalam kung gaano ka-obsessed si Jay sa kalinisan.“Angeline Severe, ang kapal ng mukha mo?” Sigaw ni Jay.Noong nakita ni Angeline ang gulo, muli siyang nahilo.“Umalis ka sa harap ko!”Bago pa man makaalis si Jay, napasuka muli sa kaniya si Angeline.Ang itsura ni Jay ay para bang sumuko na siya
Tumingin si Angeline kay Jay na nasa sulok ng kwarto mula sa sulok ng kaniyang mga mata. Nakita niya ang walang emosyon na mga mata ni Jay at nagsimulang magrebelyo.Kung siya ay nakikisama sa ibang mga lalaki at wala pa ring pakialam si Jay, dapat na niyang tigilan ang lahat ng pantasya niya tungkol kay Jay.Mahinang tinanong ni Angeline si Gordon, “Alam mo ba kung paano humalik?”Tumingin si Gordon sa mapulang mga labi ni Angeline at nagkaroon ng pandidiri sa kaniyang mukha. “Binibini, hinihiling ko lang naman sa ‘yo na magpanggap na kasintahan ko. Hindi mo naman kailangang gawin ang lahat.”Sinabi ni Angeline. “Pekeng halik. Alam mo ba kung paano?”Napatingin si Gordon kung saan nakatingin si Angeline. “Para ba sa kaniya?”Tumango si Angeline.Napabuntong-hininga si Gordon sa ginhawa. “Sige.”Pagkatapos no’n, hinawakan nila ang isa’t isa. Ginamit ni Gordon ang kaniyang kamay upang takpan ang kaniyang mga labi, ngunit mula sa direksyon ni Jay, silang dalawa ay mukhang naghahalikan.B
Malamig na sinabi ni Jay, “Hindi mo kailangang mag-alala sa Grand Asia.”Walang maisagot na pambai si Sean kay Jay. Nababalisa niyang sinabi, “Sige, Master Ares, magsaya ka muna d’yan.” Pagkatapos no’n, naglakad siya palayo nang nalulugmok.Tumingin si Angeline kay Jay. Ang lalaking ito ay isang bisita, ngunit pinahiya niya ang host ng party. Nagawa pa rin niyang manatili at samsamin nang walang inaalala ang kaniyang wine.Hindi na ito matiis pa ni Angeline. Pinaalalahanan niya si Jay at sinabi, “Ginoong Ares, ‘wag mong kalimutan. Kailangan mong magtira ng dignidad para sa ibang tao para hindi nakakailang kapag nagkita ulit kayo sa susunod.”Tumingala si Jay upang tumingin kay Angeline. Mayroong bakas ng lungkot sa mga mata ni Angeline na hindi niya nagawang matago. Alam ni Jay na nag-aalala sa kaniya si Angeline.Sinabi ni Jay, “Hindi naman na kami magkikita sa susunod. Kaya, syempre, hindi ko kailangang magtira ng dignidad para sa kaniya.”Alam ni Angeline na hindi makatwiran si Jay.
Iyon ay isang party upang i-celebrate ang isang buwan ng pagkabuhay ng anak ni Sean.Naalala ni Angeline na si Sean ay isang dating kaibigan na nakipagtulungan sa kaniya dati. Walang dahilan para sa kaniya na hindi magbigay kay Sean ng regalo.Marahil ay pwede siyang makipagtulungan ulit kay Sean.Tulad ng kadalasan, pagkatapos magbihis ni Angeline, nagmaneho siya patungong Imperial Capital mula sa Swallow City.Ang party ng mga Bell ay nangyari sa isang five-star hotel.Noong pumasok si Angeline sa hall, agad niyang inakit ang atensyon ng lahat.Siya ay isang magandang babae, at nagpaganda pa siya para sa okasyon na ito.Siya ay may suot na backless lace dress na pinapakita ang perpekto niyang katawan. Mayroong dugo sa pula niyang “Ginoo.”Sa isang sulok, si Jay ay nakikipag-usap kay Sean noong biglan silang inistorbo ni Finn.Tumingin nang masama si Jay kay Finn. “Tumahimik ka nga.”Sinenyasan siya ni Finn gamit ang kaniyang mga mata upang sabihin sa kaniya na tumingin sa pintuan.T
Gumapang siya papalapit kay Jay at tinulungan ang lalaki sa kaniyang mga damit.Nakita ni Jay na ang mga kamay ni Angeline ay lubos na nanginginig. Halata naman na siya ay kinakabahan at natatakot.Agad na naglaho ang masamang binabalak niya kay Angeline. “Angeline, sa tingin mo ba ay dapat lang na ibenta ang katawan mo para sa kumpanya mo?”Si Angeline ay natuliro. Sinabi niya, “Wala nang pera ang kumpanya at higit pa sa isang daang mga empleyado ng Severe Enterprises ang mawawalan ng trabaho. At saka, wala akong pera para bayaran ang mga utang namain. Kapag nangyari ‘yon, kamatayan ko na lang ang makakapagbayad sa mga pagkakamali ko.”Biglang kinuha ni Jay ang braso ni Angeline. “Ano’ng sinabi mo?”Bayaran ang kaniyang mga pagkakamali gamit ang kaniyang kamatayan? Hindi siya nagpakahirap para kay Angeline para lang patayin niya ang kaniyang sarili.Matapang na tumingin si Angeline sa galit na mga mata ni Jay. “Ginoong Ares, ambisyoso ka at ayaw bigyan ang ibang mga kumpanya ng pagkak
Hindi siya nakakuha ng anumang resulta pagkatapos humingi ng tulong sa labas, kaya narito siya ngayon at bumalik kay Jay. Wala siyang ibang magagawa.Tulirong tumingin si Angeline kay Jay. Marahil ay mas nangingibabaw na ang itsura niya ngayon dahil siya ay lasing na.“Jay Ares, sabihin mo sa ‘kin. Ano ang dapat kong gawin para pagbigyan mo na ang Severe Enterprises?”“Ganito ka ba magmakaawa?” Haha, ang lakas naman ng loob ng babaeng ito na tawagin siya sa buo niyang pangalan? Sino ang nagbigay sa kaniya ng lakas ng loob na gawin ito?Umayos ng tindig si Angeline. Tumayo siya sa harap ni Jay na parang isang estudyante na may nagawang mali.Ganito siya tumayo sa tuwing may nagagawa siyang mali noong siya ay bata pa. Ngayon, siya ay nakatayo sa ganitong posisyon dahil lang sa nakasanayan.“Kung papayag ka na pakawalan ang Severe Enterprises, pwede mong kuhain ang buhay ko kung gusto mo.” Matigas na sabi ni Angeline.Nanigas ang mukha ni Jay. “Bakit ko kakailanganin ang buhay mo?”Gusto