Sa sobrang pagsusuka niya ay naubos na ang laman ng kaniyang tiyan.Si Angeline ay bahagyang nakokonsensya pagkatapos makita ang nangyari kay Cole.“Pasensya na, akala ko ay gagana ‘yon sa ‘yo.”Napatingin sa kaniya si Coel. “Sa tingin mo ba na ang gano’ng klase ng lugar na ginawa para sa maruruming gawain ay may magagawa sa mga pasyenteng mayroong cleanliness disorder?”Sinabi ni Angeline, “Ang naisip ko kasi ay labanan ang apoy gamit ang apoy.”Si Cole ay walang masabi.Sa huli ay kinailangan ni Angeline na iuwi muli si Cole. Nagpakulo rin siya ng ginger tea para kay Cole at minasahe ito upang pigilan ang kaniyang pagsusuka.Sa sobrang paghihirap ni Cole ay nanghina siya. Sumandal siya sa sofa at tumingin kay Angeline. “Mukhang mahusay ka sa paggamot ng pagsusuka.”Si Angeline ay natuliro nang sandali. Ang lahat ng iyon ay dahil madalas magsuka si Jay at binigyan nito si Angeline ng karanasan kung paano pangalagaan ang pagsusuka.Pagkatapos no’n, muling nagsimula sa pagsabi ng kaloko
Malamang ay inakala ni Cole na ang tatlong mga bata na ito ay kasing cute at kasing dali lokohin ng ibang mga bata, kaya matapang niyang ninais na maging daddy ng mga bata.Biglang bumulong si Jenson, “Ang mabababang tao ay hindi dapat pinapansin!”Umirap lamang sa kaniya si Zetty, ang klase ng puting mga mata kung saan wala nang itim ang makikita.Agad na natigilan si Cole. Pakiramdam niya ay wala na siyang rason para mabuhay sa sandaling iyon.Malamig na sinabi ni Jenson, “Gusto mong maging ama ko? Imposible!”Hinimas ni Cole ang buhok ni Jenson. “Maghintay ka lang, pakakasalan ko rin ang mommy mo.” Siya ay mukhang puno ng kumpiyansa.Ang unang bagay na ginawa ni Jenson noong siya ay makauwi ay ang magkandado sa kaniyang kwarto at ilabas ang kaniyang phone upang patagong mag-text sa kaniyang Daddy, ‘Si Mommy at ang bago niyang kasintahan ay buong araw na magkasama. Daddy, ang minamahal mo ay nakukuha na ng iba.’Noong matanggap ni Jay ang mensahe, ang mga tao na nasa kalagitnaan ng m
Si Jack ay walang karanasan dito at kinabahan pagkatapos marinig ang sinabi ng madam. Ang bata sa tiyan ni Sera ay ang sarili niyang anak.“Ihanda mo ang kotse at pumunta agad tayo sa ospital.”Sa isang iglap, inimpake ng madam ang labor bag at pinadala si Sera sa Imperial Capital kasama si Jack.Noong una, nagtungo sila sa isang pribadong obstetrics at gynecology na ospital. Ang teknolohiya at mga kagamitan ng ospital na ito ay isang ranggo lamang na mas mababa sa Grand Asia.Gayunpaman, pagkatapos masuri ng mga doktor si Sera, nagkaroon sila ng masamang balita. “Mayroon siyang rare na Rh-negative na dugo, na nagsasanhi sa kaniya na manganib sa hemolysis kapag nanganganak. Hindi sapat ang dugo sa aming blood bank. Kung gusto niyong maging ligtas, mas magandang magtungo kayo sa Grand Asia Hospital.”Si Jack at ang Madam ay nagulat sa balita. “Paano ito nangyari?”Hinusgahan sila ng physician, “Mayroon siyang Rh-negative blood, hindi niyo ba alam? Paano niyo nagawang maging padalus-dalo
Pagkatapos magtungo roon ni Angeline at dumating sa Grand Asia Hospital, naririnig niya ang paghiyaw ni Sera Severe mula sa pasilyo.Si Jack ay nakaupo sa waiting room, seryosong nagsisigarilyo.Ang madam ay hawak-hawak si Sera sa kaniyang tabi. Hinawakan niya ang kamay ni Sera, ang kaniyang mga mata ay namumula dahil sa pag-iyak.“Sera, magiging ayos din ang lahat. Kailangan mong maging matatag.” Paulit-ulit siyang pinapatahan ng Madam.Tumakbo si Angeline palabas ng elevator, at lumapit sa kaniya ang Madam sa sandaling makita siya nito. Hinawakan ng Madam ang kaniyang kamay at nagmamadaling sinabi, “Binibining Severe, sakto lang ang pagdating mo. Dalian mo at tulungan si Sera sa kaniyang pirma.”Napasulyap si Angeline kay Sera na nakahiga sa isang mobile sickbed. Paano nagawa ng isang tao na mapagmalaki na umiyak na para bang walang nakakarinig sa kaniya?Ang kaniyang pagkamuhi kay Sera ay napalitan ng awa. Lumapit siya rito at sinabi, “Ang panganganak sa isang bata ay masakit. Kaila
Hindi na siya hinimok pa ni Jay. Sa halip, ang matalas nitong mga mata ay nakatitig lamang sa mukha niya.Si Angeline ay pumayat, ang kaniyang mukha ay tila mas pumayat, lalo na ang kaniyang mga mata. Ang mga ito ay mas malaki at mas maliwanag pa kaysa dati.Noong naisip niya kung paano napunat ang isang kaakit-akit na taong tulad niya sa ibang lalaki, isang malamig na aura ang lumabas sa kaniyang katawan at bumalot sa kaniya.“Angeline Severe, kailangan mong maintindihan na ito ay hindi tungkol kung pipirmahan mo ba ito o hindi. Sa halip, tungkol ito kung mapagpasyahan kong pirmahan ito o hindi.”Biglang may napagtanto si Angeline. Si Sera ay nanganganak ngayon at nasa isang emergency. Tinanggal niya sa kaniyang isipan ang kaniyang mga pagdududa, agad na pinipirmahan ang mga papeles.Pagkatapos ay binigay niya ang kasunduan kay Jay. Sa kaniyang pagkagulat, tumitig lamang sa kaniya si Jay gamit ang nagliliwanag nitong mga mata. Walang balak si Jay na pirmahan ang mga papel na iyon.“An
Sa gwapong mukha ni Jay ay isang walang buhay na ekspresyon. “Makipaghiwalay ka na sa kaniya.” Pagbabanta niya kay Angeline.Gusto rin ni Angeline na lumayo kay Cole. Gayunpaman, ang lalaking ‘yon ay mas makapit pa kaysa sa isang unggoy.“Hindi ko kaya,” kalmadong sabi ni Angeline.Sa tuwing sila ay nagkikita, si Cole ang palaging nagkukusang lumitaw.Noong pumasok ang mga salitang iyon sa tenga ni Jay, nagmukhang mahirap para kay Angeline na lumayo kay Cole.“Gano’n ba talaga kahirap ang makipaghiwalay sa kaniya?” Nanggigil si Jay, isang nakakatakot na aura ang lumalabas mula sa kaniya.Si Angeline ay walang masabi.Si Jay ay nagalit sa katahimikan ni Angeline, at ang kaniyang mga ngipin ay nagkiskisan. “Angeline Severe, ‘wag mong kalilimutan na hindi pa tayo divorced. Panloloko ang tawag dito. Dahil may lakas ka ng loob na pagtaksilan ako, maniwala ka na—”Nanigas si Angeline, at ang itim niyang mga mata ay napuno ng luha noong mapatingin siya kay Jay dahil sa ‘di pagkatuwa.Ang mga
Si Jay ay mayroong matatag na itsura sa kaniyang mukha. “Binibigay ko lang sa ‘yo ang nararapat sa ‘yo. Binibigyan lang kita ng paalala na maging maingat sa mga salita at mga bagay na ginagawa mo.”Tumigil siya nang sandali, at ang kaniyang mga mata ay naging mas malamig. “Kung gagawin mo ‘to ulit, hindi na magiging simple ang paalala ko sa susunod.”Tumawa nang malamig si Angeline. “Ano’ng gusto mong gawin sa ‘kin?”Tumitig sa Jay sa mga mata ni Angeline. Ano’ng magagawa niya kay Angeline? Maliban sa itali si Angeline sa kaniyang tabi, ano pa ang iba niyang pwedeng gawin?“Maglalaho siya sa mundong ‘to.” Hindi niya mahawakan si Angeline, kaya ang magagawa lamang niya ay ang pangalagaan si Cole Yorks.Biglang natawa si Angeline. Natawa siya kung paanong parehas ang dalawa sa pag-uugali. Kaunting panghahamon lamang at papatayin nila ang taong iyon na para bang sila ang namumuno sa mundong ito.Kung talagang papatayin nila ang isa’t isa, si Angeline ay matutuwa na masaksihan ang brutal n
Lubos na kinamumuhian ni Jay si Jack.Kinuha niya ang lahat ng paghihirap ni Angeline at binuhos ito kay Jack.Sa sandaling ito, napuno ng pagkislap ng mga camera ang eksena. Maraming mga journalist ang umakyat mula sa hagdan at pumalibot kay Jack. Tinanong si Jack ng mga ito, “Old Master Ares, dinadala ba ni Sera ang anak mo?”“Old Master Ares, ang Imperial Capital ay may batas na pinagbabawalan ang pagkakaroon ng higit pa sa isang asawa. Makikipaghiwalay ka ba sa una mong asawa at pakakasalan ang bata at magandang si Binibining Sera Severe?”“Old Master Ares, kakakuha mo lamang ng kontrol sa Ares Enterprises. Kung magkakaroon ng iskandalo tungkol sa ‘yo, hindi ka ba natatakot na maglaho ang magandang imahe mo sa publiko at ito ay magdudulot ng pagkasira sa iyong kumpanya?”Ang mga tanong na binigay ng mga journalist ay nakakalunod, at nilagay nila si Jack sa isang mahirap na sitwasyon. Si Jack ay nahihirapang sumagot.Sa wakas ay napagtanto ni Jack na siya ay nahuli sa bitag ni Jay.
Sinadya ni Angeline na patunugin ang posas, ngunit hindi siya narinig ng matandang babae. Nakatuon lamang ito sa pagkuha ng kaniyang pulso.Napagtanto ni Angeline na ang doktor na ito ay kumakampi sa mas masamang panig. Siya ay isang doktor na walang moralidad.Pagkatapos ay bigla siyang naging walang galang sa matandang babae. Sinadya niyang pahirapan ang matanda. “Doc, hindi ba’t madalas nilang kinukuha ang pulso sa kanang kamay? Bakit mo ginagamit ang kaliwang kamay mo?”Wala talaga siyang alam tungkol sa medisina. Sinasadya lang niyang magreklamo.Tumingin sa kaniya ang doktor at ngumiti. “Ang mga mata ng babaeng ito ay maliwanag at puno ng enerhiya. Hindi naman mukhang may sakit siya sa utak.”Tumingin nang masama si Angeline kay Jay.Ang mukha ni Jay ay parang isang yelo. Tumingin naman nang masama si Angeline kay Finn na nakatayo sa isang gilid.Mukhang ang dalawang ito ay nagsinungaling sa matandang babae, sinasabi na siya ay may sakit sa utak. Kaya pala hindi nag-react ang mat
“Tumigil ka na sa pagpapanggap. Alam kong hindi ka na pwedeng mabuntis.” Nilantad ni Jay ang pagpapanggap ni Angeline.Nagulat na tumingin sa kaniya si Angeline. Biglang naalala ni Angeline noong siya ay kinawawa ng mag-amang Bell, ang kaniyang uterus ay napinsala at nawalan siya ng kakayahan na magkaroon pa ng anak.“Eh… Bakit ako nagsusuka?” Si Angeline ay nalito.Tumingin si Jay sa seryosong mga mata ni Angeline, at naramdaman niya ang pagsikip ng kaniyang dibdib.Hindi naman mukhang nagsisinungaling ang babaeng ito.Nagpadala siya ng mensahe kay Finn. ‘Papuntahin mo rito ang obstetrician-gynecologist.’Patuloy na nasusuka si Angeline. Ngayon, siya ay nakahiga na lamang sa kama. Ang kaniyang mukha ay payat at maputla.“May cancer ba ako?“Intestine cancer?“Stomach cancer?”Nagsimula siyang mag-overthink.“Hindi, bakit parang parehas ‘to ng nararamdaman ko noong pinagbubuntis ko sina Jenson?”…Napakunot ang kilay ni Jay bago siya tumalikod at umalis.Pagkatapos ng ilang sandali, pu
Si Jay ay nagalit. “Angeline, walang hiya ka talaga.”Nabaliw na si Jay. Kinuha niya ang braso ni Angeline at hinila siya patungo sa kabilang kwarto.Si Angeline ay nalilito. Si Jay ay nasa isang wheelchair. Paano niya nagawang magkaroon ng ganoon katinding aura?“Bitawan mo ako.” Nagpumiglas si Angeline sa hawak ni Jay. Sa sumunod na segundo, ang kaniyang mga kamay ay naipit sa dulo ng kama.Pagalit na tumingin sa kaniya si Jay. “Kaninong anak ‘yan?”Nakita ni Angeline ang pagkabaliw sa mga mata ni Jay. Bigla siyang natawa. “Ginoong Ares, ‘wag mong sabihin sa ‘kin na nag-aalala ka pa rin sa ‘kin. Ano’ng dapat kong gawin? Ang dami-daming pwedeng maging ama ng batang ‘to.”Ninais siyang sakalin ni Jay hanggang kamatayan. Gayunpaman, naalala niya na ang leeg ni Angeline ay sensitibo. Noong naisip niya kung paanong nagsusuka kanina si Angeline, lumambot ang kaniyang puso.Hindi niya kayang gawin iyon kay Angeline.Binawi niya ang kaniyang kamay. “Angeline, parang gusto mo atang maparusaha
Sinabi ni Angeline, “Ginoong Ares, maikli lang ang buhay at kailangan mong maging mabuti sa anumang oras. Ayaw ko nang magpanggap pa para sa mga bata.”Kapag mas bumibitaw si Angeline, mas nababaliw si Jay.Bigla niyang nilapitan si Angeline nang may agresibong itsura sa kaniyang mukha. Ang malaki niyang kamay ay humawak sa lalamunan ni Angeline. “Kung gusto mo talagang maging malaya, magpakamatay ka na lang.”Ang kamay ni Jay ay nasa leeg ni Angeline, nagsasanhi sa babae na makaramdam ng pagkahilo. Pagkatapos no’n, hindi na niya ito matiis pa. Nasuka siya sa puting damit ni Jay.Tumingin si Angeline sa dumi sa kwelyo ni Jay at napagtanto na siya ay nasa isang malaking gulo.Siya lang ang nakakaalam kung gaano ka-obsessed si Jay sa kalinisan.“Angeline Severe, ang kapal ng mukha mo?” Sigaw ni Jay.Noong nakita ni Angeline ang gulo, muli siyang nahilo.“Umalis ka sa harap ko!”Bago pa man makaalis si Jay, napasuka muli sa kaniya si Angeline.Ang itsura ni Jay ay para bang sumuko na siya
Tumingin si Angeline kay Jay na nasa sulok ng kwarto mula sa sulok ng kaniyang mga mata. Nakita niya ang walang emosyon na mga mata ni Jay at nagsimulang magrebelyo.Kung siya ay nakikisama sa ibang mga lalaki at wala pa ring pakialam si Jay, dapat na niyang tigilan ang lahat ng pantasya niya tungkol kay Jay.Mahinang tinanong ni Angeline si Gordon, “Alam mo ba kung paano humalik?”Tumingin si Gordon sa mapulang mga labi ni Angeline at nagkaroon ng pandidiri sa kaniyang mukha. “Binibini, hinihiling ko lang naman sa ‘yo na magpanggap na kasintahan ko. Hindi mo naman kailangang gawin ang lahat.”Sinabi ni Angeline. “Pekeng halik. Alam mo ba kung paano?”Napatingin si Gordon kung saan nakatingin si Angeline. “Para ba sa kaniya?”Tumango si Angeline.Napabuntong-hininga si Gordon sa ginhawa. “Sige.”Pagkatapos no’n, hinawakan nila ang isa’t isa. Ginamit ni Gordon ang kaniyang kamay upang takpan ang kaniyang mga labi, ngunit mula sa direksyon ni Jay, silang dalawa ay mukhang naghahalikan.B
Malamig na sinabi ni Jay, “Hindi mo kailangang mag-alala sa Grand Asia.”Walang maisagot na pambai si Sean kay Jay. Nababalisa niyang sinabi, “Sige, Master Ares, magsaya ka muna d’yan.” Pagkatapos no’n, naglakad siya palayo nang nalulugmok.Tumingin si Angeline kay Jay. Ang lalaking ito ay isang bisita, ngunit pinahiya niya ang host ng party. Nagawa pa rin niyang manatili at samsamin nang walang inaalala ang kaniyang wine.Hindi na ito matiis pa ni Angeline. Pinaalalahanan niya si Jay at sinabi, “Ginoong Ares, ‘wag mong kalimutan. Kailangan mong magtira ng dignidad para sa ibang tao para hindi nakakailang kapag nagkita ulit kayo sa susunod.”Tumingala si Jay upang tumingin kay Angeline. Mayroong bakas ng lungkot sa mga mata ni Angeline na hindi niya nagawang matago. Alam ni Jay na nag-aalala sa kaniya si Angeline.Sinabi ni Jay, “Hindi naman na kami magkikita sa susunod. Kaya, syempre, hindi ko kailangang magtira ng dignidad para sa kaniya.”Alam ni Angeline na hindi makatwiran si Jay.
Iyon ay isang party upang i-celebrate ang isang buwan ng pagkabuhay ng anak ni Sean.Naalala ni Angeline na si Sean ay isang dating kaibigan na nakipagtulungan sa kaniya dati. Walang dahilan para sa kaniya na hindi magbigay kay Sean ng regalo.Marahil ay pwede siyang makipagtulungan ulit kay Sean.Tulad ng kadalasan, pagkatapos magbihis ni Angeline, nagmaneho siya patungong Imperial Capital mula sa Swallow City.Ang party ng mga Bell ay nangyari sa isang five-star hotel.Noong pumasok si Angeline sa hall, agad niyang inakit ang atensyon ng lahat.Siya ay isang magandang babae, at nagpaganda pa siya para sa okasyon na ito.Siya ay may suot na backless lace dress na pinapakita ang perpekto niyang katawan. Mayroong dugo sa pula niyang “Ginoo.”Sa isang sulok, si Jay ay nakikipag-usap kay Sean noong biglan silang inistorbo ni Finn.Tumingin nang masama si Jay kay Finn. “Tumahimik ka nga.”Sinenyasan siya ni Finn gamit ang kaniyang mga mata upang sabihin sa kaniya na tumingin sa pintuan.T
Gumapang siya papalapit kay Jay at tinulungan ang lalaki sa kaniyang mga damit.Nakita ni Jay na ang mga kamay ni Angeline ay lubos na nanginginig. Halata naman na siya ay kinakabahan at natatakot.Agad na naglaho ang masamang binabalak niya kay Angeline. “Angeline, sa tingin mo ba ay dapat lang na ibenta ang katawan mo para sa kumpanya mo?”Si Angeline ay natuliro. Sinabi niya, “Wala nang pera ang kumpanya at higit pa sa isang daang mga empleyado ng Severe Enterprises ang mawawalan ng trabaho. At saka, wala akong pera para bayaran ang mga utang namain. Kapag nangyari ‘yon, kamatayan ko na lang ang makakapagbayad sa mga pagkakamali ko.”Biglang kinuha ni Jay ang braso ni Angeline. “Ano’ng sinabi mo?”Bayaran ang kaniyang mga pagkakamali gamit ang kaniyang kamatayan? Hindi siya nagpakahirap para kay Angeline para lang patayin niya ang kaniyang sarili.Matapang na tumingin si Angeline sa galit na mga mata ni Jay. “Ginoong Ares, ambisyoso ka at ayaw bigyan ang ibang mga kumpanya ng pagkak
Hindi siya nakakuha ng anumang resulta pagkatapos humingi ng tulong sa labas, kaya narito siya ngayon at bumalik kay Jay. Wala siyang ibang magagawa.Tulirong tumingin si Angeline kay Jay. Marahil ay mas nangingibabaw na ang itsura niya ngayon dahil siya ay lasing na.“Jay Ares, sabihin mo sa ‘kin. Ano ang dapat kong gawin para pagbigyan mo na ang Severe Enterprises?”“Ganito ka ba magmakaawa?” Haha, ang lakas naman ng loob ng babaeng ito na tawagin siya sa buo niyang pangalan? Sino ang nagbigay sa kaniya ng lakas ng loob na gawin ito?Umayos ng tindig si Angeline. Tumayo siya sa harap ni Jay na parang isang estudyante na may nagawang mali.Ganito siya tumayo sa tuwing may nagagawa siyang mali noong siya ay bata pa. Ngayon, siya ay nakatayo sa ganitong posisyon dahil lang sa nakasanayan.“Kung papayag ka na pakawalan ang Severe Enterprises, pwede mong kuhain ang buhay ko kung gusto mo.” Matigas na sabi ni Angeline.Nanigas ang mukha ni Jay. “Bakit ko kakailanganin ang buhay mo?”Gusto