Si Rose ay mayroong mahinang katawan, kaya hindi siya natagalan na makatulog.Hinimas ni Jay ang maliit niyang mukha, ang payat niyang mga daliri ay humahaplos sa magandang kilay ni Rose.“Angeline, ano’ng sikreto ang tinatago mo? Hindi mo ba ito pwedeng sabihin sa ‘kin?”Inisip niya ang tungkol sa kalalakihan sa Pamilya Ares. Ang ikalawa at ikatlo niyang tito ay maraming kabit noong bata pa sila. Ang ikaapat niyang tito, si John Ares, ay hindi pa kasal at mas babaero pa sa kanila.Ngunit, si Grand Old Master Ares at ang kaniyang ama ay mga lalaki na maraming respeto at disiplina sa sarili.Bakit sinabi ni Angeline na ang lahat ng mga lalaki sa Pamilya Ares ay may gawain na magkaroon ng kabit?Hindi naman sa hindi inimbestigahan ni Jay ang Pamilya Ares. Pitong taon na ang nakalipas, pagkatapos ng aksidente ni Angeline, naghinala siya sa na may tao sa Pamilya Ares na kinalikot ang kotse ni Angeline. Ang kasal niya kay Angeline ay pagsasama ng malalakas na mga pwersa. Kaya nitong pagbant
Nagliwanag ang mata ni Jay sa saya.Pagkatapos ng almusal, hinatid ni Jay si Rose sa Grand Asia Hospital tulad ng kadalasan. Bago maghiwalay, nagbabala si Jay at sinabi, “Ang mga nakatatanda ng Pamilya Ares ay bibisitahin si Tito sa susunod na ilang araw. Kapag ginulo ka nila, tandaan mong sabihin sa ‘kin. Ako ang bahala sa ‘yo.”“Kuha ko.” Ngumiti nang malambing si Rose.Dahil nauubos na ang oras, binuksan ni Rose ang pinto at lumabas ng kotse bago tumakbo patungo sa gusali.Nang bigla, mayroong tunog ng busina ng isang Rolls-Royce sa likod niya.Tumalikod si Rose sa pagkalito at nakita ang seryosong mukha ni Jay na nakatingin sa kaniya na para bang siya ay isang kinawawang babae na nakakulong sa bahay.Pagkatapos, pinalapit siya nito.Bumalik si Rose at nagtanong, “Hubby, may kailangan ka pa ba?”Biglang hinila ni Jay ang ulo ni Rose sa bintana at hinalikan siya nang matagal.Pagkatapos ng mahabang sandali ay pinakawalan na niya si Rose. “Sa susunod, ‘wag mong kalimutan ang goodbye k
Tumawa si Rose sa paninirang-puri ng ina ni Jay.Tumalikod siya at kumuha ng isang baso ng kumukulong tubig para sa ina ni Jay. Nakangiti niya itong binigay sa kaniya, “Ina, uminom ka muna ng tubig.”Hindi lamang hindi natuwa ang ina ni Jay sa kabaitan niya, ngunit inangat pa niya ang kaniyang kamay at binuhos ang tubig sa mukha ni Rose. “Rose, alam mo ba kung gaano nakakairita ang mayabang mong itsura?”Ang kumukulong tubig ay tumama sa malambot na kutis ni Rose, at agad niyang naramdaman ang hapdi sa kaniyang mukha.Habang ang dalawa niyang mga kamay ay nakatakip sa kaniyang mukha, tumingin siya sa ina ni Jay sa sakit at pagalit na sinabi, “Ina, kahit ayaw na ayaw mo pa sa ‘kin, kasal na ako sa anak mo. Ako ang manugang ng Pamilya Ares. Ito ay isang katotohanan na hindi mo kayang baguhin. ‘Wag mo nang subukan pa na wasakin kami ni Jay!”Tumingala ang ina ni Jay at tumawa na para bang nakarinig siya ng malaking biro. “Rose, oh Rose. Ikaw nga talaga ang pinaka-ignorante at pinaka-mangm
Kinuha niya ang marriage certificate. Nang makita ang impormasyon sa marriage certificate, siya ay nasindak.Ang naroon ay pangalan ni Angeline, ang larawan ni Angeline, pati na rin ang ID number ni Angeline.Oo nga, ayaw ngang pakasalan ni Jay si Rose Loyle.Umiyak nang mapait si Rose.Pinunit ni Rose ang wedding photo at nilagay ito sa kaniyang kamay. Pagkatapos ay binalik niya ang marriage certificate sa safe nang maingat. Pagkatapos no’n, tumakbo siya palabas nang umiiyak.May mga bagay na hindi sinabi sa kaniya ni Jay at tinago ang mga ito sa kaniyang puso.Para ba itong Pandora’s box na magsasanhi sa kaniya ng matinding pinsala kapag sinabi ito sa kaniya ni Jay?Dahil ba ang mukha niya ay hindi magiging tulad ng gusto ni Jay na itsura niya?-------Sa Grand Asia.Sa opisina ni Ginoong Ares.Si Jay ay nakaupo sa kaniyang upuan nang tulala buong araw.Noong pumasok si Grayson at nakita ang pag-angat ng mga sulok ng mga labi ni Ginoong Ares, alam niyang ito ay natutuwa.“Ginoong Ar
Pagkatapos ihatid ni Grayson palabas ang ina ni Jay, bumalik siya sa opisina ni Ginoong Ares. Nakita niya si Jay na nakasandal sa sofa nang may nakakunot na mga kilay. Ang galit na kasing init ng yelo ang nakaipit sa matalas niyang mga mata.“Ginoong Ares…” Lumapit si Grayson ngunit tumigil sa pagsasalita.“Magsalita ka.”Pagkatapos ay ‘di mapakaling nag-ulat si Grayson, “Mayroong balita mula sa medical department. Ang asawa mo ay medyo hindi maganda ang nararamdaman ngayong araw at umalis sa trabaho nang maaga.”Napaayos ng tindig si Jay, isang itsura ng pag-aalala ang lumitaw sa gwapo niyang mukha. “Kailan ‘to nangyari?”“Nitong umaga lang.” Ang noo ni Grayson ay nagsimulang pagpawisan.“Bakit ngayon mo lang ‘to sinabi?”Natatakot na nagpaliwanag si Grayson, “Ginoong Ares, mayroon kang emergency meeting nitong umaga. Wala akong lakas ng loob na istorbohin ka.”Biglang nagsalita si Jay, sinasabi, “Tandaan mo, mula ngayon, ang asawa ko ang palagi nating prayoridad.”“Opo,” sabi ni Gray
Sinasandal si Jay sa kaniyang mga balikat, tinulungan siya ni Grayson na maglakad patungo sa bahay nang dahan-dahan.Nilagay ni Grayson si Jay sa sofa, at bumagsak siya rito nang mahina na para bang wala na siyang lakas na suportahan ang kaniyang katawan. Tumingin siya nang masama sa kisame nang may bakas ng matinding galit sa kaniyang mga mata.Kumuha si Grayson ng baso ng maligamgam na tubig para kay Jay. Noong bumalik siya, nakakita siya ng malaking mga luha na lumalabas sa mga mata nito.Iyon ang kauna-unahang pagkakataon na nakita ni Grayson si Ginoong Ares na umiiyak.“Grayson, binigay ko na sa kaniya ang buong puso ko. Bakit gusto pa rin niyang umalis?”Ang kaniyang mukha at mga mata ay walang laman.Kahit kapag nagsasalita siya, mukha siyang mahina.“Ginoong Ares, mayroon akong gustong sabihin, pero hindi ko alam kung dapat ko ba ‘tong sabihin o hindi,” biglang sabi ni Grayson.“Magsalita ka.”“Ang pag-alis ng asawa mo ay maaaring nauugnay sa madam. Ang mga tao sa medical depar
Tinanggal ni Peter ang maskara sa mukha ni Rose. Sinukat niya ang mukha ni Rose gamit ang kaniyang mga kamay at umabot upang pumisil-pisil dito. “Nabiyayaan ka ng Diyos. Mukhang ang pinsala sa mukha mo ay nasa ibabaw lang ng kutis mo. Sige, pwede kitang ibalik sa dati mong itsura.”Gayunpaman, nagpakita si Rose ng isang larawan. “Mabuti naman, kung gano’n ay pakiusap gawin mo akong kamukha niya.”Tumingin si Peter sa babae sa larawan. Naakit sa kagandahan, nagising lamang siya pagkatapos ng mahabang sandali.“May ganyan kagandang babae sa mundong ‘to?” Napahiyaw si Peter.Ang babae sa larawan ay si Angeline Severe, at ang kaniyang kagandahan ay naiiba kay Rose Loyle. Sa sobrang ganda niya ay naiiba ito sa karaniwang babae. Sa larawan, ang kaniyang mga mata ay puno isang walang iniisip na ngiti.Sa isang sulyap, siya ya isang bata na minamahal ng marami.Si Rose ay maganda, ngunit ang kagandahan niya ay may halong kabaitan. Sa sobrang ganda niya ay nakakasakit ito ng tao.Tumingin si Pe
Ang mukha ni Sera ay pulang-pula.Pagalit na binato ni Jay ang baso sa sahig.Ang itsura niya noong mawalan siya ng pasensya ay parang isang leon na nagising mula sa 1,000 taon ng pagkakatulog—may matinding gutom habang ninanais kainin ang bawat nabubuhay na bagay.Nanginig si Sera sa takot, ngunit natandaan na ito ang pinaka-mahinang oras para kay Jay ngayon. Ito rin ang pinakamagandang pagkakataon para sa kaniya na pagsamantalahan ang sandaling ‘to.Naglakas-loob siya at sinabi, “Kuya Jay, alam ko rin namang masama ang intensyon ni Tita. Pero ‘wag kang mag-alala, ang dahilan ng pagpunta ko sa Tourmaline Estate ay hindi para mapalapit sa ‘yo. Narito lang ako… para kay Ate Angeline.”Napalapit si Sera sa pamamagitan ng pag-atras, at dahil sa katalinuhan niya, alam niya kung paano gamitin ang pampaamo ni Jay. Dahil dito, ang pag-aalala ni Jay sa kaniya ay naglaho.“Narito ka para kay Angeline?” Isang liwanag ng galit at malamig na liwanag ang lumabas sa mga mata ni Jay.Sa sandaling ‘yo
Sinadya ni Angeline na patunugin ang posas, ngunit hindi siya narinig ng matandang babae. Nakatuon lamang ito sa pagkuha ng kaniyang pulso.Napagtanto ni Angeline na ang doktor na ito ay kumakampi sa mas masamang panig. Siya ay isang doktor na walang moralidad.Pagkatapos ay bigla siyang naging walang galang sa matandang babae. Sinadya niyang pahirapan ang matanda. “Doc, hindi ba’t madalas nilang kinukuha ang pulso sa kanang kamay? Bakit mo ginagamit ang kaliwang kamay mo?”Wala talaga siyang alam tungkol sa medisina. Sinasadya lang niyang magreklamo.Tumingin sa kaniya ang doktor at ngumiti. “Ang mga mata ng babaeng ito ay maliwanag at puno ng enerhiya. Hindi naman mukhang may sakit siya sa utak.”Tumingin nang masama si Angeline kay Jay.Ang mukha ni Jay ay parang isang yelo. Tumingin naman nang masama si Angeline kay Finn na nakatayo sa isang gilid.Mukhang ang dalawang ito ay nagsinungaling sa matandang babae, sinasabi na siya ay may sakit sa utak. Kaya pala hindi nag-react ang mat
“Tumigil ka na sa pagpapanggap. Alam kong hindi ka na pwedeng mabuntis.” Nilantad ni Jay ang pagpapanggap ni Angeline.Nagulat na tumingin sa kaniya si Angeline. Biglang naalala ni Angeline noong siya ay kinawawa ng mag-amang Bell, ang kaniyang uterus ay napinsala at nawalan siya ng kakayahan na magkaroon pa ng anak.“Eh… Bakit ako nagsusuka?” Si Angeline ay nalito.Tumingin si Jay sa seryosong mga mata ni Angeline, at naramdaman niya ang pagsikip ng kaniyang dibdib.Hindi naman mukhang nagsisinungaling ang babaeng ito.Nagpadala siya ng mensahe kay Finn. ‘Papuntahin mo rito ang obstetrician-gynecologist.’Patuloy na nasusuka si Angeline. Ngayon, siya ay nakahiga na lamang sa kama. Ang kaniyang mukha ay payat at maputla.“May cancer ba ako?“Intestine cancer?“Stomach cancer?”Nagsimula siyang mag-overthink.“Hindi, bakit parang parehas ‘to ng nararamdaman ko noong pinagbubuntis ko sina Jenson?”…Napakunot ang kilay ni Jay bago siya tumalikod at umalis.Pagkatapos ng ilang sandali, pu
Si Jay ay nagalit. “Angeline, walang hiya ka talaga.”Nabaliw na si Jay. Kinuha niya ang braso ni Angeline at hinila siya patungo sa kabilang kwarto.Si Angeline ay nalilito. Si Jay ay nasa isang wheelchair. Paano niya nagawang magkaroon ng ganoon katinding aura?“Bitawan mo ako.” Nagpumiglas si Angeline sa hawak ni Jay. Sa sumunod na segundo, ang kaniyang mga kamay ay naipit sa dulo ng kama.Pagalit na tumingin sa kaniya si Jay. “Kaninong anak ‘yan?”Nakita ni Angeline ang pagkabaliw sa mga mata ni Jay. Bigla siyang natawa. “Ginoong Ares, ‘wag mong sabihin sa ‘kin na nag-aalala ka pa rin sa ‘kin. Ano’ng dapat kong gawin? Ang dami-daming pwedeng maging ama ng batang ‘to.”Ninais siyang sakalin ni Jay hanggang kamatayan. Gayunpaman, naalala niya na ang leeg ni Angeline ay sensitibo. Noong naisip niya kung paanong nagsusuka kanina si Angeline, lumambot ang kaniyang puso.Hindi niya kayang gawin iyon kay Angeline.Binawi niya ang kaniyang kamay. “Angeline, parang gusto mo atang maparusaha
Sinabi ni Angeline, “Ginoong Ares, maikli lang ang buhay at kailangan mong maging mabuti sa anumang oras. Ayaw ko nang magpanggap pa para sa mga bata.”Kapag mas bumibitaw si Angeline, mas nababaliw si Jay.Bigla niyang nilapitan si Angeline nang may agresibong itsura sa kaniyang mukha. Ang malaki niyang kamay ay humawak sa lalamunan ni Angeline. “Kung gusto mo talagang maging malaya, magpakamatay ka na lang.”Ang kamay ni Jay ay nasa leeg ni Angeline, nagsasanhi sa babae na makaramdam ng pagkahilo. Pagkatapos no’n, hindi na niya ito matiis pa. Nasuka siya sa puting damit ni Jay.Tumingin si Angeline sa dumi sa kwelyo ni Jay at napagtanto na siya ay nasa isang malaking gulo.Siya lang ang nakakaalam kung gaano ka-obsessed si Jay sa kalinisan.“Angeline Severe, ang kapal ng mukha mo?” Sigaw ni Jay.Noong nakita ni Angeline ang gulo, muli siyang nahilo.“Umalis ka sa harap ko!”Bago pa man makaalis si Jay, napasuka muli sa kaniya si Angeline.Ang itsura ni Jay ay para bang sumuko na siya
Tumingin si Angeline kay Jay na nasa sulok ng kwarto mula sa sulok ng kaniyang mga mata. Nakita niya ang walang emosyon na mga mata ni Jay at nagsimulang magrebelyo.Kung siya ay nakikisama sa ibang mga lalaki at wala pa ring pakialam si Jay, dapat na niyang tigilan ang lahat ng pantasya niya tungkol kay Jay.Mahinang tinanong ni Angeline si Gordon, “Alam mo ba kung paano humalik?”Tumingin si Gordon sa mapulang mga labi ni Angeline at nagkaroon ng pandidiri sa kaniyang mukha. “Binibini, hinihiling ko lang naman sa ‘yo na magpanggap na kasintahan ko. Hindi mo naman kailangang gawin ang lahat.”Sinabi ni Angeline. “Pekeng halik. Alam mo ba kung paano?”Napatingin si Gordon kung saan nakatingin si Angeline. “Para ba sa kaniya?”Tumango si Angeline.Napabuntong-hininga si Gordon sa ginhawa. “Sige.”Pagkatapos no’n, hinawakan nila ang isa’t isa. Ginamit ni Gordon ang kaniyang kamay upang takpan ang kaniyang mga labi, ngunit mula sa direksyon ni Jay, silang dalawa ay mukhang naghahalikan.B
Malamig na sinabi ni Jay, “Hindi mo kailangang mag-alala sa Grand Asia.”Walang maisagot na pambai si Sean kay Jay. Nababalisa niyang sinabi, “Sige, Master Ares, magsaya ka muna d’yan.” Pagkatapos no’n, naglakad siya palayo nang nalulugmok.Tumingin si Angeline kay Jay. Ang lalaking ito ay isang bisita, ngunit pinahiya niya ang host ng party. Nagawa pa rin niyang manatili at samsamin nang walang inaalala ang kaniyang wine.Hindi na ito matiis pa ni Angeline. Pinaalalahanan niya si Jay at sinabi, “Ginoong Ares, ‘wag mong kalimutan. Kailangan mong magtira ng dignidad para sa ibang tao para hindi nakakailang kapag nagkita ulit kayo sa susunod.”Tumingala si Jay upang tumingin kay Angeline. Mayroong bakas ng lungkot sa mga mata ni Angeline na hindi niya nagawang matago. Alam ni Jay na nag-aalala sa kaniya si Angeline.Sinabi ni Jay, “Hindi naman na kami magkikita sa susunod. Kaya, syempre, hindi ko kailangang magtira ng dignidad para sa kaniya.”Alam ni Angeline na hindi makatwiran si Jay.
Iyon ay isang party upang i-celebrate ang isang buwan ng pagkabuhay ng anak ni Sean.Naalala ni Angeline na si Sean ay isang dating kaibigan na nakipagtulungan sa kaniya dati. Walang dahilan para sa kaniya na hindi magbigay kay Sean ng regalo.Marahil ay pwede siyang makipagtulungan ulit kay Sean.Tulad ng kadalasan, pagkatapos magbihis ni Angeline, nagmaneho siya patungong Imperial Capital mula sa Swallow City.Ang party ng mga Bell ay nangyari sa isang five-star hotel.Noong pumasok si Angeline sa hall, agad niyang inakit ang atensyon ng lahat.Siya ay isang magandang babae, at nagpaganda pa siya para sa okasyon na ito.Siya ay may suot na backless lace dress na pinapakita ang perpekto niyang katawan. Mayroong dugo sa pula niyang “Ginoo.”Sa isang sulok, si Jay ay nakikipag-usap kay Sean noong biglan silang inistorbo ni Finn.Tumingin nang masama si Jay kay Finn. “Tumahimik ka nga.”Sinenyasan siya ni Finn gamit ang kaniyang mga mata upang sabihin sa kaniya na tumingin sa pintuan.T
Gumapang siya papalapit kay Jay at tinulungan ang lalaki sa kaniyang mga damit.Nakita ni Jay na ang mga kamay ni Angeline ay lubos na nanginginig. Halata naman na siya ay kinakabahan at natatakot.Agad na naglaho ang masamang binabalak niya kay Angeline. “Angeline, sa tingin mo ba ay dapat lang na ibenta ang katawan mo para sa kumpanya mo?”Si Angeline ay natuliro. Sinabi niya, “Wala nang pera ang kumpanya at higit pa sa isang daang mga empleyado ng Severe Enterprises ang mawawalan ng trabaho. At saka, wala akong pera para bayaran ang mga utang namain. Kapag nangyari ‘yon, kamatayan ko na lang ang makakapagbayad sa mga pagkakamali ko.”Biglang kinuha ni Jay ang braso ni Angeline. “Ano’ng sinabi mo?”Bayaran ang kaniyang mga pagkakamali gamit ang kaniyang kamatayan? Hindi siya nagpakahirap para kay Angeline para lang patayin niya ang kaniyang sarili.Matapang na tumingin si Angeline sa galit na mga mata ni Jay. “Ginoong Ares, ambisyoso ka at ayaw bigyan ang ibang mga kumpanya ng pagkak
Hindi siya nakakuha ng anumang resulta pagkatapos humingi ng tulong sa labas, kaya narito siya ngayon at bumalik kay Jay. Wala siyang ibang magagawa.Tulirong tumingin si Angeline kay Jay. Marahil ay mas nangingibabaw na ang itsura niya ngayon dahil siya ay lasing na.“Jay Ares, sabihin mo sa ‘kin. Ano ang dapat kong gawin para pagbigyan mo na ang Severe Enterprises?”“Ganito ka ba magmakaawa?” Haha, ang lakas naman ng loob ng babaeng ito na tawagin siya sa buo niyang pangalan? Sino ang nagbigay sa kaniya ng lakas ng loob na gawin ito?Umayos ng tindig si Angeline. Tumayo siya sa harap ni Jay na parang isang estudyante na may nagawang mali.Ganito siya tumayo sa tuwing may nagagawa siyang mali noong siya ay bata pa. Ngayon, siya ay nakatayo sa ganitong posisyon dahil lang sa nakasanayan.“Kung papayag ka na pakawalan ang Severe Enterprises, pwede mong kuhain ang buhay ko kung gusto mo.” Matigas na sabi ni Angeline.Nanigas ang mukha ni Jay. “Bakit ko kakailanganin ang buhay mo?”Gusto