“Saan niyo dadalhin ang lalaki ko?”Natutumba-tumba si Rose noong sinubukan niyang sundan sila. Gayunpaman, ang kaniyang daan ay hinarangan ng nakasisindak na galit na si Jay Ares.“Sino ako?”Tumitig sa kaniya si Rose. Kumukurap nang inosente, inangat ni Rose ang kaniyang kamay upang kusutin ang inaantok niyang mga mata nang nalilito. “Hindi ba’t nagkita na tayo dati, pogi?”Nagkikiskisan ang kaniyang mga ngipin, tumitig nang malamig sa kaniya si Jay. “Ikaw ang magsabi sa ‘kin.”Ngumisi si Rose. “Lubos akong nahihiya pagdating sa mga gwapong lalaki, alam mo. Kahit na mukha kang pamilyar, sa tingin ko ay hindi pa kita nakikita dati. Dahil ang bawat swerte ko mula sa nakaraan at kasalukuyan kong buhay ay nasayang kay Jay Ares, sa napakagwapong g*gp na ‘yon.”Kumibot ang mukha ni Jay.Parehong pinuri at pinagalitan siya ni Rose gamit lamang ang isang pangungusap. Ang tahimik niyang ekspresyon ay pinakita na hindi niya alam kung matatawa ba siya o iiyak bilang sagot.Pinanood niya si Rose
Kinanta ni Josie ang susunod na linya, “Ooh, you know I love it when you call me senorita. I wish it wasn’t so damn hard to leave ya.”Nagpatuloy si Rose, “But every touch is ooh-la-la-la. It’s true la-la-la. Ooh, I should be running, Ooh, you keep me coming for ya.”Sa kabila ng magandang tono nito, ang kanta ay naging magulo dahil sa dalawang lasing, nagiging mas malala kaysa sa mga umiiyak sa isang libing.Ang puso ni Grayson ay sumisid at nahulog sa pagkanta ng mga babae, tumatalsik patungo sa mga ulap para lamang bumalik sa impyerno. Bumuntong-hininga nang tahimik si Grayson, ‘Sa pagkanta nila, maiisip mong gusto nilang pumatay!’Nang may matinding paghihirap, sa wakas ay naipasok na nila ang dalawang mga babae sa staff residency. Pagkatapos no’n, inutusan ni Jay si Grayson at ang iba pa, “Hintayin niyo ako sa labas!”Agad na nagliwanag ang ekspresyon ni Grayson at ng mga bodyguard nang makakita ng kalayaan.Tumakbo sila nang mas mabilis pa sa pagtakbo ng mga kuneho.Pagod dahil s
Napagtanto ni Jay na si Rose ay allergic sa pollen. Tinapon nito ang kaniyang mga rosas dahil wala siyang ibang magawa kung ‘di ang gawin ‘yon.Dahil do’n, ang galit sa dibdib niya ay naging isang maliit na kislap.Muli niyang binihisan si Rose at sa wakas ay pinatulog siya pagkatapos pangalagaan ang pagwawala ni Rose.Sa panaginip niya, walang pigil na binulong ni Rose, “Magpakasal na tayo, Josie. Bahala na sina Zayne Severe at Jay Ares sa impyerno!”Naging malamig ang mga mata ni Jay habang ang mga sulok ng kaniyang labi ay ngumisi. “Nagpapanggap na walang nangyari pagkatapos akong galitin, Zayne Severe?”Si Josephine ay biglang nahulog sa sofa.Tumitig si Jay sa babae na patuloy na natulog kahit pagkatapos gumulong sa sahig. Dati pa man ay tinuturing niya si Josephine na isang inosenteng t*nga na kailangan niyang protektahan, ngunit hindi niya kailanman naisip na mangmang na ‘to ay magiging ang pinakamalaking kalaban niya sa buhay.Tama nga, hindi dapat hinuhusgahan ang panlabas na
Nilapitan siya ng bodyguard. “Tara na, Madam Josephine.”Sumigaw si Josephine sa bodyguard, “T*nga ka! Ang buo mong pamilya ay t*nga!”Nagulat ang bodyguard!Napilitan sa kotse, nag-aasam na tumitig si Josie sa staff residence ng medical department at kumaway. “Paalam, hipag.”Sa tabi niya, tiningnan siya ni Jay nang malamig.Ang nag-aasam na ekspresyon ni Josephine ay pinatindi lamang ang lamig sa mga mata ni Jay.“Gusto mo ba siyang pakasalan?”Tumango si Josie. “Oo.”Napagtanto kung ano ang sinabi niya, lumingon siya upang natatakot na tumingin kay Jay bago umiling nang malakas.“Maling-mali ang akala mo sa ‘min ni hipag, Jay. Pareho kaming babae, paano kami magpapakasal sa isa’t isa?”Napatingin sa kaniya si Jay. “Posible ‘yon gawin sa ibang bansa.”Kahit gaano kaamo ang itsura ng kaniyang kuya, halos nasasakal na siya sa mahinang boses ng kaniyang kuya na para bang may kamay ng demonyo na sumasakal sa kaniyang lalamunan.Pinanatiling gising ni Josephine ang kaniyang isipan. “Sabih
Ito ay isang mapanglaw na gabi para sa malungkot na mga lalaki.Nakatayo sa bintana sa kaniyang study, inangat ni Jay ang kaniyang ulo upang tumitig sa kalayuan. Napatingin siya sa pinaka-sikat na gusali ng Imperial Capital—sa Grand Asia.Iniisip niya kung kailan darating ang araw na mauuwi niya ang minamahal niyang asawa.Ang laptop sa mesa ay nagpakita ng makulay na mga eksena ng laro, ngunit ang pamilyar na tunog ng isang kaibigan na nag-oonline ay hindi tumunog sa kabila ng matindi niyang pagnanais.Hindi mapigilan ni Jay na mainis. Marahil ay hindi kailangan ni Rose na mag-online kung wala roon si Josie.Ding ding!Ang tunog ng pag-oonline ng isang kaibigan ay biglang maririnig mula sa laptop.Mabilis na dumating si Jay sa harap ng kaniyang mesa. Nang makita ang icon ni ‘Chasing Men While Lugging A Saber’ na nagliliwanag ng kulay, nalagyan ng galit ang kaakit-akit na itsura ni Jay.Pinadalahan siya ni ‘Chasing Men While Lugging A Saber’ ng maikling mensahe. ‘Libre ka ba?’Sumagot
Humiyaw si Josie, sinasabi, “Bahala ka d’yan, Kuya. Ikaw ‘tong humila sa ‘kin pauwi tapos ngayon ay sinasabihan mo akong bumalik doon? Kailan ka pa nawalan ng prinsipyo?“Ayaw kong bumalik.” Hindi natutuwa si Josephine.“Kailangan mong bumalik.” Ang tono ni Jay ay hindi tumatanggap ng pagtanggi.“Bukas na ako babalik, okay?” Nahihilo sa antok, wala nang iba pang gusto si Josephine kung ‘di ang bumalik sa kama. Naramdaman niyang lumitaw ang kaniyang inis dahil sa walang galang na kahilingan ni Jay.Nagpakita si Jay ng matigas na ekspresyon.Napuno ng sakit ang mga mata ni Josephine. “Masyado kang namimili, kuya. Simula noong bata pa lang tayo panay ka paborito.”Nanigas si Jay sa mga salita na lumabas sa bibig ni Josephine.Ang sinabi ni Josephine ay hindi kalokohan dahil talaga ngang ginugol niya ang buhay niya na nakatuon lamang kay Angeline.Bilang resulta, wala siyang alam sa mga nararamdaman ni Josephine.Gayunpaman, hindi niya iyon pinagsisisihan dahil nararapat lamang kay Angelin
Tinatawag ang mga miyembro ng kaniyang think tank sa opisina, walang hiyang tanong ni Jay, “Gaano karami ang alam niyo tungkol sa paaglalagay ng mga screen protector?”Natuliro ang mga miyembro, nagulat sa kakaibang tanong na binato sa kanila. Ngunit sa ilalim ng mabangis na tingin ng presidente, piniga lamang nila ang kanilang mga utak para sa sagot sa kaniyang katanungan.“Ang paglalagay ng mga screen protector ay ginagawa lamang sa mga bangketa sa kalsada, Ginoong President.”“Kapag may bangketa, marami ang mga tao sa paligid.”“Madalas sa ilalim ng mga sky bridge.”Ang tono ni Jay ay nagpapawakas noong sabihin niya, “Maghanda kayo ng kinakailangan na mga kagamitan. Ngayong gabi ay mag-aayos ako ng isang bangketa sa ilalim ng Rainbow Sky Bridge.”Ang panga ni Grayson at ng iba pa ay bumagsak dahil sa balita na ‘yon. “Ginoong Presidente… gusto mong… gusto mong magtayo ng isang bangketa?”Tumango nang bahagya si Jay.Ayaw nang patagalin ang usapan, si Grayson at ang iba pa ay mabilis
Ang tatlong cute na mga bata ay nag-uusap sa harap niya. Pagalit na sinabi ni Robbie, “Tama nga si Tita. Nambababae nga talaga si Daddy.”Sinabi ni Zetty, “Hindi pa nga malamig ang mga buto ni Mommy pero nakalimutan na agad siya ni Daddy. Nakakataas talaga ng balahibo.”Malamig na sinabi ni Jenson, “‘Wag muna kayong magkonklusyon kung hindi niyo pa alam ang totoo.”“Eh, ano nang mangyayari ngayon?” Tanong ni Zetty.Nagsuhestyon si Robbie, sinasabi, “Imbestigahan natin ang care worker na nagugustuhan ni Daddy.”Sumang-ayon si Jenson. “Sige.”Pagkatapos no’n, umalis sila nang hindi nag-aalala sa iba pa.Si Grayson ay ganap na hindi pinansin ng mga katuwa-tuwang mga bata… Siya ay natuliro.Noong iniisip niyang sabihin sa presidente ang plano ng mga bata, biglang bumalik si Jenson at binalaan siya, “Tito Grayson, kung gusto mo kaming makita araw-araw, magreklamo ka na kay Daddy.”Iyon ay isang harap-harapang babala!Ang kaniyang isipan ay malalim sa ganito kabatang edad. Alam niya kung paa