“Kung bigla ka na lang maglalaho, paano ako parurusahan ni Daddy?” Patuloy na tanong ni Robbie.Si Grayson ay nagulat sa katanungan ni Robbie. “Kung maglalaho ako,” seryoso niyang sabi, “Malamang ay hindi iyon mapapansin ni Ginoong Ares.”Kumurap ang maliwanag na mga mata ni Robbie. “Oh, eh ‘di, mas maganda kung maglalaho ka?”Nagtatakang minataan ni Grayson si Robbie. “Hmm. Sa kanluran ba sumikat ang araw ngayon imbis na sa silangan? Medyo kakaiba ka ngayon, Master Jenson.”Tumayo si Robbie mula sa sofa at naglakad patungo kay Grayson habang nakataas ang kaniyang mga kamay. Mayroong maliit na ngiti sa kaniyang mukha.“Ginoo, dahil ba palasalita ako ngayong araw?”“Hindi lang iyon, pero mas maraming emosyon ang pinapakita ng mukha mo ngayong araw,” nag-iisip na sinabi ni Grayson.Nagpatuloy si Robbie na maglakad patungo sa kaniya. “Ginoo, kung itataas mo ang mga kamay mo, mayroon pa akong isang sorpresa!”Walang alinlangan at dahan-dahang inangat ni Grayson ang kaniyang mga kamay. Nang
Pagkatapos umalis ni Robbie sa Grand Asia, agad niyang tinawagan si Jenson sa kaniyang smartwatch at mabilis na sinabi kay Jenson ang tungkol sa nangyari—ang paraan kung paano mag-away ang kanilang Daddy and Mommy mula sa simula hanggang sa huli.Noong tapos na siya, nababahala niyang tinanong si Jenson para sa kaniyang opinyon. “Jenson, ano sa tingin mo ang dapat kong gawin ngayon? Mukhang nakilala ako ni Mommy. Iniisip niya siguro na nakuha ako ni Daddy. Sigurado akong malungkot ngayon si Mommy.”Nag-isip nang sandali si Jenson bago niya sabihin, “Magpalit na tayo ulit.”Napagtanto ni Robbie ang ibig sabihin ni Jenson pagkatapos ng ilang sandali. “Ang ibig mong sabihin ay magpalit ulit ng pangalan?”“Oo. ‘Yon lang ang paraan para hindi na maghinala sina Mommy at Daddy.” Sabi ni Jenson.“Siguro nga ito na lang ang paraan,” sabi ni Robbie. “Babalik na ako sa Splendid Town ngayon at bumalik ka na sa Horizon Colors.”“Sige.”Nang pagplanuhan ng dalawang bata ang susunod nilang galaw, sin
‘Para siyang si Rose! Hindi ako makapaniwala na bibigyan siya ni Rose ng mga ganitong ideya!’‘Napakasamang babae talaga ni Rose.’“Sino’ng nagsabi sa‘yo niyan?” Sabi ni Jay, ang kaniyang inis ay bahagyang lumalaki.Nang makita ni Jenson ang naiinis na tingin sa mukha ng kaniyang Daddy, tumigil siya sa pagsasalita dahil alam niyang mas magagalit lamang siya.Sinisi ni Jay si Rose.Sa sumunod na araw, nagpunta nga si Nancy sa bahay ni Jenson tulad ng sinabi sa kaniya. Nagdala siya ng maraming regalo at mga kasuotan para kay Jenson.“Salamat, Binibining Nancy,” mabait na sabi ni Jay.“Masyado kang mabait, Jay,” sabi ni Nancy. “Ang cute-cute ni Jenson. Siyempre, gusto kong alagaan siya.”Mapanglaw na umupo si Jenson sa tabi ni Jay, ang kaniyang mga mata ay nakatingin sa tumpok ng yayamaning mga damit na binili ni Nancy para sa kaniya...Nang nakita niya ni Nancy na nakatitig, mabilis niyang tinanong si Jenason, “Jens, gusto mo ba ang mga damit na binili ko para sa ‘yo?”Naalala ni Jenson
Hindi lang talaga nakakasuot si Jenson ng mga damit na kasing lamig at komportable ng Smart Baby Tiger dati.Pagkatapos hanapin ni Nancy ang mga damit ng Smart Baby Tiger, binigay niya ang kaniyang selpon kay Jay. Nang makita ni Jay ang makukulay na mga damit pambata, napakunot ang kaniyang mga kilay. “Kailan mo pa nagustuhan ang mga ganitong klase ng damit? Ang liwanag tignan ng mga ‘to!”Nainis si Jenson. “Bata pa lang ako!” Sabi niya.Napansin ni Jay ang presyo na nagmumula sa sampu hanggang ilang daang yuan. Nagtataka siyang tumingin kay Jenson. “Sigurado ka bang gusto mong magsuot ng ganitong mumurahing damit?”Tumango si Jenson. Gusto niya lamang magsuot ng mga damit na kaparehas ng kay Robbie para mas masayahan siya.Bumuntong-hininga si Jay nang may naiinis na itsura sa kaniyang mukha. “Kahit kailan ay hindi bumili si Daddy ng damit mula sa internet.”Makulit na sumagot si Jenson, “Hindi naman para sa ‘yo ang mga damit na iyon, eh.”Tumingin si Jay kay Jenson. Sa paglaki ni Jen
Tumakbo pababa si Josephine habang nakahawak sa kaniyang nagasgas na noo. Naglakad siya patungo kay Jay at nag-inarte sa harap nito, “Jay, ang anak mo ay kinawawa ako at wala kang gagawin?”Tahimik na tumingin si Jay kay Josephine...“Alam mo naman na ayaw niyang hinahawakan mo siya,” matigas niyang sabi, “pero patuloy mo pa rin siyang nilalapitan. Ikaw ang nagdulot nito sa sarili mo.”Si Josephine ay lubos na naiinis. “Akala ko naman kasi ay maayos na siya. Iyon lang naman ang dahilan kung bakit pumunta ako rito upang bantayan siya. Hindi ko naman alam na magiging ganito siya ulit.”Ang gwapong mukha ni Jay ay bahagyang nagdilim. “Walang sakit si Jenson.”Sinabi ni Josephine sa isang mahinang tinig, “Alam mo naman kung may sakit ba talaga siya o wala. Jay, pinapaalala ko sa ‘yo na ang tunay na Jenson ay malamig at arogante? Nakita mo gamit ang dalawa mong mga mata noong araw na iyon noong dinala mo siya sa bahay natin, para siyang ibang tao! Puno ng buhay, masiyahin, mahinhin, at maga
Malamig na tumitig sa kaniya si Jenson at pinilit na tumango.Masayang niyakap ni Josephine si Jenson at sinabi, “Jenson, nagbago ka na. Mas nagiging cute ka na. Binabawi ko na lahat ng sinasabi ko, wala kang autism o schizophrenia. Ikaw ang pinaka-cute na bata sa buong mundo.”Isang nandidiring itsura ang lumitaw sa gwapong mukha ni Jenson.“Jay, aalis na kami ngayon.”“Umuwi kayo nang maaga, ha.” Sabi ni Jay, hindi pa rin sigurado.Dinala ni Josephine si Jenson palabas ng villa at patungo sa kaniyang pulang kotse. Pakiramdam ng batang tita ay nanaginip siya kung saan ang mga kahilingan niya ay nagkatotoo.Ang malamig na boses ni Jenson ay pinatigil ang kaniyang panaginip. “Gusto kong pumunta sa amusement park.”Ang maliwanag na ngiti ni Josephine ay agad na nawala. “Bakit?”Siyempre, siya ang nakakatanda rito. Bakit sasabihin ng isang bata tulad ni Jenson kung saan dapat pumunta?“Jenson, kailangan ko munang pumunta sa movie production house,” sagot ni Josephine. Patago niyang napagd
Pagkatapos takasan ni Jenson si Josephine, tumakbo siya patungo sa amusement park.Ang taong nag-imbita sa kaniya sa amusement park ay si Robbie. Ang dalawang magkapatid ay magkamukhang-magkamukha at mayroon pang suot na parehong damit. Ito ang iilang istilo ng damit na magkaparehas sila—isang itim na t-shirt na Adidas, puting pantalon at mga sapatos. Ang pinagkaiba lamang ay mayroong suot si Robbie na pang hip-hop na duckbill hat.“Jen—” Napansin ni Robbie sa Jenson sa kalayuan at tatawagin na sana siya, ngunit nakapansin siya ng isang kakaibang babae na nakasunod sa likod ni Jenson.Ang babae ay mayroong hawak na isang malaking sumbrero na gawa sa dayami at tinatago ang kaniyang mukha gamit ito. Mayroon siyang suot na pulang bestida at nananatiling limang metro ang layo mula kay Jenson, tila ginagamit ang lahat ng nasa paligid upang magtago.Inangat ni Robbie ang kaniyang smartwatch at nagpadala ng isang text kay Jenson. “Sinusundan ka ng isang naka-pulang babae.”Hindi man lang kina
“Ano na naman ang ginawa sa ‘yo ni Jenson?”“Wala siyang ginawa sa ‘kin!” Hindi alam ni Josephine kung paano sasabihin sa kaniyang kuya. Natatakot siya na ang masamang balita na ito ay paiikutin ang ulo ni Jay.Ang isipan ni Jay ay iniisip pa rin ang nakaraan. “Ano’ng ginawa mo sa kaniya?”Sabi ni Josephine, “Wala rin akong ginawa sa kaniya!”Napakunot ang gwapong mukha ni Jay. “Eh, ano’ng iniiyak-iyak mo d’yan?”Ang paghikbi ni Josephine ay naging paghagulgol. “Kapatid, may nangyari kay Jenson.”Kalmadong sinabi ni Jay, “Josephine, pwede bang sabihin mo na lang lahat at hindi nang isa-isa?”Pinunasan ni Josephine ang kaniyang mga luha. Ang kaniyang emosyon ng lungkot ay mayroong kasamang bakas ng pananabik nang sabihin niya, “Kuya, si Jenson ngayong araw ay tinrato ako nang malamig at parang walang paki tulad ng isang freezer sa taglamig, tapos sa ibang oras naman ay magiging kasing init niya ang araw sa Hunyo. Kapag siya ay malamig, tatawagin niya akong Josephine Ares at tatawagin ak