Share

Kabanata 52

Author: Yan An
Hindi lang talaga nakakasuot si Jenson ng mga damit na kasing lamig at komportable ng Smart Baby Tiger dati.

Pagkatapos hanapin ni Nancy ang mga damit ng Smart Baby Tiger, binigay niya ang kaniyang selpon kay Jay. Nang makita ni Jay ang makukulay na mga damit pambata, napakunot ang kaniyang mga kilay. “Kailan mo pa nagustuhan ang mga ganitong klase ng damit? Ang liwanag tignan ng mga ‘to!”

Nainis si Jenson. “Bata pa lang ako!” Sabi niya.

Napansin ni Jay ang presyo na nagmumula sa sampu hanggang ilang daang yuan. Nagtataka siyang tumingin kay Jenson. “Sigurado ka bang gusto mong magsuot ng ganitong mumurahing damit?”

Tumango si Jenson. Gusto niya lamang magsuot ng mga damit na kaparehas ng kay Robbie para mas masayahan siya.

Bumuntong-hininga si Jay nang may naiinis na itsura sa kaniyang mukha. “Kahit kailan ay hindi bumili si Daddy ng damit mula sa internet.”

Makulit na sumagot si Jenson, “Hindi naman para sa ‘yo ang mga damit na iyon, eh.”

Tumingin si Jay kay Jenson. Sa paglaki ni Jen
Locked Chapter
Continue Reading on GoodNovel
Scan code to download App

Related chapters

  • Sir Ares, Goodnight!   Kabanata 53

    Tumakbo pababa si Josephine habang nakahawak sa kaniyang nagasgas na noo. Naglakad siya patungo kay Jay at nag-inarte sa harap nito, “Jay, ang anak mo ay kinawawa ako at wala kang gagawin?”Tahimik na tumingin si Jay kay Josephine...“Alam mo naman na ayaw niyang hinahawakan mo siya,” matigas niyang sabi, “pero patuloy mo pa rin siyang nilalapitan. Ikaw ang nagdulot nito sa sarili mo.”Si Josephine ay lubos na naiinis. “Akala ko naman kasi ay maayos na siya. Iyon lang naman ang dahilan kung bakit pumunta ako rito upang bantayan siya. Hindi ko naman alam na magiging ganito siya ulit.”Ang gwapong mukha ni Jay ay bahagyang nagdilim. “Walang sakit si Jenson.”Sinabi ni Josephine sa isang mahinang tinig, “Alam mo naman kung may sakit ba talaga siya o wala. Jay, pinapaalala ko sa ‘yo na ang tunay na Jenson ay malamig at arogante? Nakita mo gamit ang dalawa mong mga mata noong araw na iyon noong dinala mo siya sa bahay natin, para siyang ibang tao! Puno ng buhay, masiyahin, mahinhin, at maga

  • Sir Ares, Goodnight!   Kabanata 54

    Malamig na tumitig sa kaniya si Jenson at pinilit na tumango.Masayang niyakap ni Josephine si Jenson at sinabi, “Jenson, nagbago ka na. Mas nagiging cute ka na. Binabawi ko na lahat ng sinasabi ko, wala kang autism o schizophrenia. Ikaw ang pinaka-cute na bata sa buong mundo.”Isang nandidiring itsura ang lumitaw sa gwapong mukha ni Jenson.“Jay, aalis na kami ngayon.”“Umuwi kayo nang maaga, ha.” Sabi ni Jay, hindi pa rin sigurado.Dinala ni Josephine si Jenson palabas ng villa at patungo sa kaniyang pulang kotse. Pakiramdam ng batang tita ay nanaginip siya kung saan ang mga kahilingan niya ay nagkatotoo.Ang malamig na boses ni Jenson ay pinatigil ang kaniyang panaginip. “Gusto kong pumunta sa amusement park.”Ang maliwanag na ngiti ni Josephine ay agad na nawala. “Bakit?”Siyempre, siya ang nakakatanda rito. Bakit sasabihin ng isang bata tulad ni Jenson kung saan dapat pumunta?“Jenson, kailangan ko munang pumunta sa movie production house,” sagot ni Josephine. Patago niyang napagd

  • Sir Ares, Goodnight!   Kabanata 55

    Pagkatapos takasan ni Jenson si Josephine, tumakbo siya patungo sa amusement park.Ang taong nag-imbita sa kaniya sa amusement park ay si Robbie. Ang dalawang magkapatid ay magkamukhang-magkamukha at mayroon pang suot na parehong damit. Ito ang iilang istilo ng damit na magkaparehas sila—isang itim na t-shirt na Adidas, puting pantalon at mga sapatos. Ang pinagkaiba lamang ay mayroong suot si Robbie na pang hip-hop na duckbill hat.“Jen—” Napansin ni Robbie sa Jenson sa kalayuan at tatawagin na sana siya, ngunit nakapansin siya ng isang kakaibang babae na nakasunod sa likod ni Jenson.Ang babae ay mayroong hawak na isang malaking sumbrero na gawa sa dayami at tinatago ang kaniyang mukha gamit ito. Mayroon siyang suot na pulang bestida at nananatiling limang metro ang layo mula kay Jenson, tila ginagamit ang lahat ng nasa paligid upang magtago.Inangat ni Robbie ang kaniyang smartwatch at nagpadala ng isang text kay Jenson. “Sinusundan ka ng isang naka-pulang babae.”Hindi man lang kina

  • Sir Ares, Goodnight!   Kabanata 56

    “Ano na naman ang ginawa sa ‘yo ni Jenson?”“Wala siyang ginawa sa ‘kin!” Hindi alam ni Josephine kung paano sasabihin sa kaniyang kuya. Natatakot siya na ang masamang balita na ito ay paiikutin ang ulo ni Jay.Ang isipan ni Jay ay iniisip pa rin ang nakaraan. “Ano’ng ginawa mo sa kaniya?”Sabi ni Josephine, “Wala rin akong ginawa sa kaniya!”Napakunot ang gwapong mukha ni Jay. “Eh, ano’ng iniiyak-iyak mo d’yan?”Ang paghikbi ni Josephine ay naging paghagulgol. “Kapatid, may nangyari kay Jenson.”Kalmadong sinabi ni Jay, “Josephine, pwede bang sabihin mo na lang lahat at hindi nang isa-isa?”Pinunasan ni Josephine ang kaniyang mga luha. Ang kaniyang emosyon ng lungkot ay mayroong kasamang bakas ng pananabik nang sabihin niya, “Kuya, si Jenson ngayong araw ay tinrato ako nang malamig at parang walang paki tulad ng isang freezer sa taglamig, tapos sa ibang oras naman ay magiging kasing init niya ang araw sa Hunyo. Kapag siya ay malamig, tatawagin niya akong Josephine Ares at tatawagin ak

  • Sir Ares, Goodnight!   Kabanata 57

    Si Robbie ay napangisi. “Kung gusto mo akong paluin, tignan mo muna kung kaya mo akong habulin.”Pagkatapos itong sabihin, bumilis ang takbo ni Robbie. Binuka ni Josephine ang kaniyang mga braso, isang hindi kapani-paniwalang nakatatakot na ekspresyon sa kaniyang mukha. “Hindi ako naniniwalang hindi kita kayang habulin.”Kadalasan ay ayaw ni Jenson ang mag-ehersisyo. Tuwing darating ang taglamig, madalas siyang nakakahuli ng sakit. Ito ang dahilan kung bakit inaasar niya ang kaniyang kakayahan bilang atleta at binigyan pa siya ng pangit na palayaw: Sicky Chicky.Hindi niya alam na ang taong nakasama niya ngayong araw ay hindi si Jenson ngunit si Robbie, na palaging sumasama sa pagsasanay ng Taekwondo simula noong maliit pa lamang siya. Ang kaniyang mga pisikal na kakayahan at bilis ay hinihigitan ang lahat ng kaniyang ka-edad, at siya ay hindi normal na mabilis.Inangat ni Josephine ang kaniyang kamay upang harangan si Robbie, sinipa ni Robbie ang kaniyang kamay gamit ang isang spin ki

  • Sir Ares, Goodnight!   Kabanata 58

    Oo, siya rin, ay naramdaman na kakaiba ito. Nitong mga nakaraang ilang taon na siya ay nasa ibang bansa, maraming beses siyang nakipag-video call sa kaniyang pamilya, ngunit kahit kailan ay hindi niya narinig na nagsasanay si Jenson ng martial arts. At saka, noong umuuwi siya para sa taglamig at tag-araw, hindi niya rin nakikita si Jenson na umaalis patungong pagsasanay.Kung gayon, ano ang mabilis na kakayahang pinakita niya kanina?Inisip ito nang mabuti ni Josephine habang siya ay naglalakad, ngunit hindi siya maka-isip ng dahilan kahit gaano niya ito katindi isipin.Nang dalhin ni Jay si Jenson palabas ng amusement park, nakakita siya ng maraming tao na nakapaligid sa isang pulang kotse sa harap. Ang mukha ni Jay ay agad na nagdilim. “Josephine Ares!”Nang marinig ang malakas na sigaw ni Jay, tumakbo si Josephine papalapit. Nang makita niya na ang kaniyang sports car ay walang ingat na naiwan at nabalot ng maraming multa, umiyak siya nang walang luha.“Paano kita pagagalitan? Hinta

  • Sir Ares, Goodnight!   Kabanata 59

    Hindi magawa ni Jenson na pansinin ang kaniyang tita at pumasok sa kusina upang tulungan ang kaniyang daddy.Sa tingin ni Josephine ay nakakabagot ito, kaya dali-dali siyang umalis.“Aalis na ako, kuya. Tandaan mong ipatingin si Jenson sa isang doktor. Si Dr. Xander Zachary ng Grand Asia ay hindi na masama.” Umalis si Josephine pagkatapos itong sabihin.Ang mukha ni Jay ay bahagyang lumamig. Ang doktor na nirekomenda ng kaniyang kapatid ay isang nangungunang eksperto sa psychiatry. Ang kaniyang puso ay lubos na umaayaw na ipasok si Jenson sa mga psychiatry study.Sa loob-loob niya ay nararamdaman niyang kaparehas niya si Jenson, tahimik at walang kaibigan noong siya ay bata pa lamang. Noong paglaki niya at nakakilala ng ilang mga kaibigan na tunay na kilala siya, ang ganitong klase ng pagkatao ay magbabago rin.Gayunpaman, nitong nakaraan na ilang araw, si Jenson ay madalas nagbabago sa pagitan ng pagiging madaldal at tahimik. Dahil dito ay naalarma si Jay. Natatakot siya na ang hindi

  • Sir Ares, Goodnight!   Kabanata 60

    Pagkatapos umalis ni Dr. Zachary, tumakbo si Jenson papasok sa study room. Binuksan niya ang pinto upang makita si Jay na nakahawak sa kaniyang ulo, ang itsura ng isang tao na nasasaktan. May sagot na si Jenson sa kaniyang puso.“Sinabi niya rin na mayroon akong sakit?” Pagalit na sabi ni Jenson.Tumingala si Jay upang makita ang mukha ng kaniyang anak na napakagwapo. Isang mahinang bakas ng tinatagong pag-aalala ang lumitaw sa kaniyang mukha.Akala niya na marahil ay masyadong perpekto si Jenson kaya binigyan siya ng kalangitan ng isang hamon sa buhay.“Jenson, sabi ni Dr. Zachary ay nasa maagang yugto pa lamang ang iyong sakit. Basta’t palagi tayong magtutulungan, gagaling din ito.” Ayaw sabihin ni Jay kay Jenson ang tungkol sa malupit na bagay na ito, ngunit gusto niyang makisama si Jenson sa papalapit na paggamot, kaya kailangan niyang tanggapin ang katotohanan na ito.“Tinatrato ang buhay ko na parang damo na inaapak-apakan lamang,” pagalit na sinabi ni Jay gamit ang nakatikom na

Latest chapter

  • Sir Ares, Goodnight!   Kabanata 848

    Sinadya ni Angeline na patunugin ang posas, ngunit hindi siya narinig ng matandang babae. Nakatuon lamang ito sa pagkuha ng kaniyang pulso.Napagtanto ni Angeline na ang doktor na ito ay kumakampi sa mas masamang panig. Siya ay isang doktor na walang moralidad.Pagkatapos ay bigla siyang naging walang galang sa matandang babae. Sinadya niyang pahirapan ang matanda. “Doc, hindi ba’t madalas nilang kinukuha ang pulso sa kanang kamay? Bakit mo ginagamit ang kaliwang kamay mo?”Wala talaga siyang alam tungkol sa medisina. Sinasadya lang niyang magreklamo.Tumingin sa kaniya ang doktor at ngumiti. “Ang mga mata ng babaeng ito ay maliwanag at puno ng enerhiya. Hindi naman mukhang may sakit siya sa utak.”Tumingin nang masama si Angeline kay Jay.Ang mukha ni Jay ay parang isang yelo. Tumingin naman nang masama si Angeline kay Finn na nakatayo sa isang gilid.Mukhang ang dalawang ito ay nagsinungaling sa matandang babae, sinasabi na siya ay may sakit sa utak. Kaya pala hindi nag-react ang mat

  • Sir Ares, Goodnight!   Kabanata 847

    “Tumigil ka na sa pagpapanggap. Alam kong hindi ka na pwedeng mabuntis.” Nilantad ni Jay ang pagpapanggap ni Angeline.Nagulat na tumingin sa kaniya si Angeline. Biglang naalala ni Angeline noong siya ay kinawawa ng mag-amang Bell, ang kaniyang uterus ay napinsala at nawalan siya ng kakayahan na magkaroon pa ng anak.“Eh… Bakit ako nagsusuka?” Si Angeline ay nalito.Tumingin si Jay sa seryosong mga mata ni Angeline, at naramdaman niya ang pagsikip ng kaniyang dibdib.Hindi naman mukhang nagsisinungaling ang babaeng ito.Nagpadala siya ng mensahe kay Finn. ‘Papuntahin mo rito ang obstetrician-gynecologist.’Patuloy na nasusuka si Angeline. Ngayon, siya ay nakahiga na lamang sa kama. Ang kaniyang mukha ay payat at maputla.“May cancer ba ako?“Intestine cancer?“Stomach cancer?”Nagsimula siyang mag-overthink.“Hindi, bakit parang parehas ‘to ng nararamdaman ko noong pinagbubuntis ko sina Jenson?”…Napakunot ang kilay ni Jay bago siya tumalikod at umalis.Pagkatapos ng ilang sandali, pu

  • Sir Ares, Goodnight!   Kabanata 846

    Si Jay ay nagalit. “Angeline, walang hiya ka talaga.”Nabaliw na si Jay. Kinuha niya ang braso ni Angeline at hinila siya patungo sa kabilang kwarto.Si Angeline ay nalilito. Si Jay ay nasa isang wheelchair. Paano niya nagawang magkaroon ng ganoon katinding aura?“Bitawan mo ako.” Nagpumiglas si Angeline sa hawak ni Jay. Sa sumunod na segundo, ang kaniyang mga kamay ay naipit sa dulo ng kama.Pagalit na tumingin sa kaniya si Jay. “Kaninong anak ‘yan?”Nakita ni Angeline ang pagkabaliw sa mga mata ni Jay. Bigla siyang natawa. “Ginoong Ares, ‘wag mong sabihin sa ‘kin na nag-aalala ka pa rin sa ‘kin. Ano’ng dapat kong gawin? Ang dami-daming pwedeng maging ama ng batang ‘to.”Ninais siyang sakalin ni Jay hanggang kamatayan. Gayunpaman, naalala niya na ang leeg ni Angeline ay sensitibo. Noong naisip niya kung paanong nagsusuka kanina si Angeline, lumambot ang kaniyang puso.Hindi niya kayang gawin iyon kay Angeline.Binawi niya ang kaniyang kamay. “Angeline, parang gusto mo atang maparusaha

  • Sir Ares, Goodnight!   Kabanata 845

    Sinabi ni Angeline, “Ginoong Ares, maikli lang ang buhay at kailangan mong maging mabuti sa anumang oras. Ayaw ko nang magpanggap pa para sa mga bata.”Kapag mas bumibitaw si Angeline, mas nababaliw si Jay.Bigla niyang nilapitan si Angeline nang may agresibong itsura sa kaniyang mukha. Ang malaki niyang kamay ay humawak sa lalamunan ni Angeline. “Kung gusto mo talagang maging malaya, magpakamatay ka na lang.”Ang kamay ni Jay ay nasa leeg ni Angeline, nagsasanhi sa babae na makaramdam ng pagkahilo. Pagkatapos no’n, hindi na niya ito matiis pa. Nasuka siya sa puting damit ni Jay.Tumingin si Angeline sa dumi sa kwelyo ni Jay at napagtanto na siya ay nasa isang malaking gulo.Siya lang ang nakakaalam kung gaano ka-obsessed si Jay sa kalinisan.“Angeline Severe, ang kapal ng mukha mo?” Sigaw ni Jay.Noong nakita ni Angeline ang gulo, muli siyang nahilo.“Umalis ka sa harap ko!”Bago pa man makaalis si Jay, napasuka muli sa kaniya si Angeline.Ang itsura ni Jay ay para bang sumuko na siya

  • Sir Ares, Goodnight!   Kabanata 844

    Tumingin si Angeline kay Jay na nasa sulok ng kwarto mula sa sulok ng kaniyang mga mata. Nakita niya ang walang emosyon na mga mata ni Jay at nagsimulang magrebelyo.Kung siya ay nakikisama sa ibang mga lalaki at wala pa ring pakialam si Jay, dapat na niyang tigilan ang lahat ng pantasya niya tungkol kay Jay.Mahinang tinanong ni Angeline si Gordon, “Alam mo ba kung paano humalik?”Tumingin si Gordon sa mapulang mga labi ni Angeline at nagkaroon ng pandidiri sa kaniyang mukha. “Binibini, hinihiling ko lang naman sa ‘yo na magpanggap na kasintahan ko. Hindi mo naman kailangang gawin ang lahat.”Sinabi ni Angeline. “Pekeng halik. Alam mo ba kung paano?”Napatingin si Gordon kung saan nakatingin si Angeline. “Para ba sa kaniya?”Tumango si Angeline.Napabuntong-hininga si Gordon sa ginhawa. “Sige.”Pagkatapos no’n, hinawakan nila ang isa’t isa. Ginamit ni Gordon ang kaniyang kamay upang takpan ang kaniyang mga labi, ngunit mula sa direksyon ni Jay, silang dalawa ay mukhang naghahalikan.B

  • Sir Ares, Goodnight!   Kabanata 843

    Malamig na sinabi ni Jay, “Hindi mo kailangang mag-alala sa Grand Asia.”Walang maisagot na pambai si Sean kay Jay. Nababalisa niyang sinabi, “Sige, Master Ares, magsaya ka muna d’yan.” Pagkatapos no’n, naglakad siya palayo nang nalulugmok.Tumingin si Angeline kay Jay. Ang lalaking ito ay isang bisita, ngunit pinahiya niya ang host ng party. Nagawa pa rin niyang manatili at samsamin nang walang inaalala ang kaniyang wine.Hindi na ito matiis pa ni Angeline. Pinaalalahanan niya si Jay at sinabi, “Ginoong Ares, ‘wag mong kalimutan. Kailangan mong magtira ng dignidad para sa ibang tao para hindi nakakailang kapag nagkita ulit kayo sa susunod.”Tumingala si Jay upang tumingin kay Angeline. Mayroong bakas ng lungkot sa mga mata ni Angeline na hindi niya nagawang matago. Alam ni Jay na nag-aalala sa kaniya si Angeline.Sinabi ni Jay, “Hindi naman na kami magkikita sa susunod. Kaya, syempre, hindi ko kailangang magtira ng dignidad para sa kaniya.”Alam ni Angeline na hindi makatwiran si Jay.

  • Sir Ares, Goodnight!   Kabanata 842

    Iyon ay isang party upang i-celebrate ang isang buwan ng pagkabuhay ng anak ni Sean.Naalala ni Angeline na si Sean ay isang dating kaibigan na nakipagtulungan sa kaniya dati. Walang dahilan para sa kaniya na hindi magbigay kay Sean ng regalo.Marahil ay pwede siyang makipagtulungan ulit kay Sean.Tulad ng kadalasan, pagkatapos magbihis ni Angeline, nagmaneho siya patungong Imperial Capital mula sa Swallow City.Ang party ng mga Bell ay nangyari sa isang five-star hotel.Noong pumasok si Angeline sa hall, agad niyang inakit ang atensyon ng lahat.Siya ay isang magandang babae, at nagpaganda pa siya para sa okasyon na ito.Siya ay may suot na backless lace dress na pinapakita ang perpekto niyang katawan. Mayroong dugo sa pula niyang “Ginoo.”Sa isang sulok, si Jay ay nakikipag-usap kay Sean noong biglan silang inistorbo ni Finn.Tumingin nang masama si Jay kay Finn. “Tumahimik ka nga.”Sinenyasan siya ni Finn gamit ang kaniyang mga mata upang sabihin sa kaniya na tumingin sa pintuan.T

  • Sir Ares, Goodnight!   Kabanata 841

    Gumapang siya papalapit kay Jay at tinulungan ang lalaki sa kaniyang mga damit.Nakita ni Jay na ang mga kamay ni Angeline ay lubos na nanginginig. Halata naman na siya ay kinakabahan at natatakot.Agad na naglaho ang masamang binabalak niya kay Angeline. “Angeline, sa tingin mo ba ay dapat lang na ibenta ang katawan mo para sa kumpanya mo?”Si Angeline ay natuliro. Sinabi niya, “Wala nang pera ang kumpanya at higit pa sa isang daang mga empleyado ng Severe Enterprises ang mawawalan ng trabaho. At saka, wala akong pera para bayaran ang mga utang namain. Kapag nangyari ‘yon, kamatayan ko na lang ang makakapagbayad sa mga pagkakamali ko.”Biglang kinuha ni Jay ang braso ni Angeline. “Ano’ng sinabi mo?”Bayaran ang kaniyang mga pagkakamali gamit ang kaniyang kamatayan? Hindi siya nagpakahirap para kay Angeline para lang patayin niya ang kaniyang sarili.Matapang na tumingin si Angeline sa galit na mga mata ni Jay. “Ginoong Ares, ambisyoso ka at ayaw bigyan ang ibang mga kumpanya ng pagkak

  • Sir Ares, Goodnight!   Kabanata 840

    Hindi siya nakakuha ng anumang resulta pagkatapos humingi ng tulong sa labas, kaya narito siya ngayon at bumalik kay Jay. Wala siyang ibang magagawa.Tulirong tumingin si Angeline kay Jay. Marahil ay mas nangingibabaw na ang itsura niya ngayon dahil siya ay lasing na.“Jay Ares, sabihin mo sa ‘kin. Ano ang dapat kong gawin para pagbigyan mo na ang Severe Enterprises?”“Ganito ka ba magmakaawa?” Haha, ang lakas naman ng loob ng babaeng ito na tawagin siya sa buo niyang pangalan? Sino ang nagbigay sa kaniya ng lakas ng loob na gawin ito?Umayos ng tindig si Angeline. Tumayo siya sa harap ni Jay na parang isang estudyante na may nagawang mali.Ganito siya tumayo sa tuwing may nagagawa siyang mali noong siya ay bata pa. Ngayon, siya ay nakatayo sa ganitong posisyon dahil lang sa nakasanayan.“Kung papayag ka na pakawalan ang Severe Enterprises, pwede mong kuhain ang buhay ko kung gusto mo.” Matigas na sabi ni Angeline.Nanigas ang mukha ni Jay. “Bakit ko kakailanganin ang buhay mo?”Gusto

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status