Mahigpit na hinawakan ni Jay ang kamay ni Rose at hinila ito habang pinupuri ang kaniyang sarili, “Binibigay ko lamang ang pag-aalaga ko sa mahihina.”Tumingin nang masama sa kaniya si Rose. “Hindi ako mahina, okay?”Makulit na ngumiti si Jay. “Kung ayaw mong tawagin kitang mahina, magpalakas ka at patunayan mong mali ako.”Tumingin sa kaniya nang mapait si Rose. ‘Kung ayaw niya sa ‘kin, lumayo dapat siya sa ‘kin. Hindi ba niya alam na wala akong laban sa kaniya?’Ginawa niya ang mahirap na desisyon na iwan si Jay. Gayunpaman, walang hiya itong pumasok muli sa kaniyang buhay, tila nagsasanhi sa kaniya na walang magawa.“Bakit ka narito?” Naghihinala niyang tanong kay Jay.Hinawakan ni Jay ang kaniyang kamay at nagpatuloy maglakad nang walang bahala. Habang hawak-hawak ang kamay ni Rose, pakiramdam ni Jay ay hawak niya ang buong mundo. Siya ay mayroong magandang nararamdaman, at ang kaniyang labi ay napangiti.“Hindi mo naman sinabi sa ‘kin kung bakit ka narito?” Pabalik niyang tanong.
Nang maisip na ayaw ni Jay matulog sa ‘di pamilyar na mga hotel, bumalik si Rose sa hotel upang kuhain si Zetty. Pagkatapos no’n, silang lahat ay bumalik sa Imperial Capital noong gabing iyon.Ang Rolls-Royce ay tumakbo sa madilim na kalsada. Sa likod, ang tatlong mga bata ay mahimbing na natutulog; ang sandalan ay binaba upang palawakin ang mga upuan.Samantala, nakaupo si Rose sa harap at nakatingin sa labas ng bintana. Ang gabing kalangitan ay walang liwanag at walang kahit isang bituin ang makikita. Pakiramdam niya ay nahulog ang kaniyang puso sa walang hanggang kadiliman.“Ginoong Ares, hindi mo ba naiisip na sayang lang ang oras mo sa pagpapakasal sa ‘kin?” Ang kaniyang boses ay mahina na para bang ito ay nanggaling sa hangin.Nagdala ito ng mga bakas ng pag-aalinlangan at takot.Siya ay walang magawa pagdating sa ‘di niya malaman na hinaharap.Ang matigas na boses ni Jay ay sumagot, “Hindi ko gagawin ang isang bagay na aksaya lamang ng aking oras.”Lumingon si Rose upang tumingi
Katahimikan.Si Rose ay mayroong love diary, ngunit ang diary na iyon ay tinigilan na niya pagkatapos ng 3650 na mga araw.Sampung buong taon!“Kung ayaw mo do’n, pwede mong palitan.” Gano’n ang pagkakasabi ni Jay, ngunit ang kaniyang pangalan ay malamig. Halata naman na gusto niya ang pangalang “Garden of A Diary”.Nagkibit-balikat si Rose. “Basta’t gusto mo.”Ang tatlong mga bata ay mahimbing ang tulog. Kaya, binuksan ni Jay ang pinto nang may balak na kargahin sila habang nakasunod si Rose.Pinasa ni Jay sa kaniya ang mga hawak niyang susi at sinabi, “Buksan mo ang pinto.”Lumingon si Rose sa mga gate na mayroong mga ukit at binuksan ang pinto.Ginising ni Jay sina Jenson at Robbie at pagkatapos ay kinarga si Zetty palabas ng kotse.Sa sandaling buksan ni Rose ang pinto, tumalikod siya at natuliro na makita si Jay na karga si Zetty, nakatayo sa harap niya.“Ginoong Ares, ako na!” Agad na alok ni Rose.Sinabi ni Jay, “May pinapagalit ka pa ring pinsala! Ako na ang bahala.”Pagkatapos
Sa Grand Asia Medical Center.Pumasok si Jay sa exclusive VVIP room kasama ang iba’t ibang mga sikat na espesyalista at mga consultants mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo.Ang pasyente sa loob ng silid ay walang iba kung ‘di ang lolo ni Rose… si Old Master Severe.Isinaayos ni Jay ang paglipat ni Old Master Severe mula sa Swallow City patungo sa Imperial Capital buong gabi. Dagdag pa rito, tinawag niya ang lahat ng espesyalistang maaaring makatulong upang magsagawa ng pagsusuri sa matanda. Ang kanilang pinagsamang pagsusuri ay… ang matanda ay mayroong bihirang sakit: Hysteria Paralysis.Ang espesyalista ng kaugnay na larangan na iyon ay sinabi kay Jay, “Ang matanda ay may malay, ngunit ang mga braso at binti ay paralisado. Ang pisikal na pagsusuri at iba pang pagsusuri ay pinapakita na mayroon din siyang ibang sakit tulad ng hypertension at ischemic heart disease na mukhang kontrolado naman. Ang pagkaparalisa ng buo niyang katawan ay maaaring nauugnay sa mental trauma na naranasan niy
“Sabihin mo!” Sigaw ni Jay.Sinabi ni Grayson, “‘Wag kang magalit, Presidente. Si Old Master Bell ay walang pagsisisi sa kaniyang mga kinilos pagkatapos ng insidente at sinubukan pa ako sulsulan para makatakas.”Sinuntok ni Jay ang mesa at winasak ang isa sa mga binti nito. Kasunod nito, ang mesa ay bumagsak pagilid.Nanginig si Grayson. ‘Matagal na rin noong huling pinakita ng presidente ang kaniyang lakas.’“Stanley Bell, dahil gusto mong pagbigyan ang anak mong babae, ‘wag mo akong sisihin kapag pinagbigyan ko ang asawa ko nang buong pwersa!”Nanlaki ang mga mata ni Grayson. Hindi niya naintindihan ang ibig sabihin ng ‘pagbigyan ang asawa ko nang buong pwersa’ na tinutukoy ni Jay.‘Hindi ba’t si Rose ang pinaka-kinamumuhiang dating asawa ng presidente?‘Bakit biglang nagbago ang pag-uugali niya?‘Kung gaano niya kinamumuhian si Rose dati ay ganoon din kung paano niya ito minamahal ngayon?’Pakiramdam ni Grayson ay kailangan niyang makipagbati muli kay Rose, kung ‘di, ang taong makak
Ang ekspresyon ni Stanley Bell ay naging masama. Ang natatanging tao na mayroong ganoong kontrol sa mga shares ng Bell Enterprise ay walang iba kung ‘di si Jay Ares.Saka lamang niya napagtanto na noong umalis ang lahat ng mga investor mula sa kanilang mga proyekto, ito ay hindi dahil gumagawa ng sarili nilang desisyon ang mga karugtong na kumpanya. Sa halip, sila ay nakatanggap ng mga utos mula kay Jay.Noong maalala niya ang mga nakaraang pangyayari na may kinalaman sa kanila ni Jay, kahit ang isang tanga ay maiisip kung bakit sila inaatake ni Jay.“Master Ares, oh, Master Ares. Paano mo nagawang maging marahas sa Bell Enterprise dahil lamang sa isang babae? Hindi mo ba alam na ang mga babae ang pinagmumulan ng lahat ng gulo?”Namutla si Nancy noong marinig niya ang sinabi ng kaniyang ama. Pakiramdam niya ay hindi ito patas. ‘Ang Rose Loyle na iyon ay hindi ako kayang tapatan sa lahat ng aspeto. At saka, siya ay galing sa mababang pinanggalingan. Bakit siya itatrato nang ganoon ni Ma
Si Old Master Ares ay siguradong kakampi sa kaniyang apo kapag mayroong lumaban kay Jay.Sa kabilang banda, noong matanggap ni Chairman Bell ang sagot ni Old Master Ares, siya ay nabalot ng desperasyon.Siya ay walang ibang magawa kung ‘di ang bumuntong-hininga at tumingin nang masama kay Nancy. “Nancy, ang taong nagbuhol sa lubid ay siya ring dapat magtanggal nito. Ang gulo na ito ay nagsimula dahil sa ‘yo. Marahil ay kailangan mong bisitahin si Master Ares at humingi ng tawad.”Bumulong si Nancy, “Sige po, naintindihan ko.”Basta’t hindi niya kailangang humingi ng tawad sa magaspang na Rose Loyle na ‘yon, gagawin niya ang lahat upang maligtas ang Bell Enterprise.Maingat na pinaganda ni Nancy ang kaniyang sarili gamit ang makeup hanggang sa siya ay masaya na sa kaniyang itsura bago siya magtungo sa Grand Asia.Tulad ng kadalasan, naglakad si Nancy patungo sa opisina ng presidente nang walang paalam. Gayunpaman, ngayon mismo, paglabas ng elevator sa ikasiyam na palapag, nakita niya si
Pakiramdam ni Nancy ay mayroon siyang narinig na hindi makatotohanan. “Imposible, hindi ko kayang humingi ng tawad sa ignorante at bastos na babaeng ‘yon.”Binigay na ni Grayson ang kaniyang mensahe at nawalan na ng pasensya. Malamig niyang sinabi, “Kung gayon, Binibining Bell, maghintay ka na lamang at panoorin kung paano malulunod ang Bell Enterprise. Marahil——ang naubusan na ng pera, ang Loyle Enterprise na tinatawag ng iba na nabugbog, ay magiging hinaharap niyo.”Dati pa man ay natutuwa si Nancy na ang Loyle Enterprise ay malapit nang maubusan ng pera. Kasabay nito, nang maisip na nalalapit na rin ang Bell Enterprise sa estado ng Loyle Enterprise na kasalukuyang pinagtatawanan ng lahat ng mamamayan sa siyudad, ang kaniyang arogante at pang-prinsesang puso ay nagsimulang malunod nang dahan-dahan sa takot.“Pakiusap, hayaan mo akong makita si Master Ares.”Tumingin si Grayson sa aroganteng si Binibining Bell na para bang siya ay isang ligaw na aso at hindi mapigilan na patunugin ang
Sinadya ni Angeline na patunugin ang posas, ngunit hindi siya narinig ng matandang babae. Nakatuon lamang ito sa pagkuha ng kaniyang pulso.Napagtanto ni Angeline na ang doktor na ito ay kumakampi sa mas masamang panig. Siya ay isang doktor na walang moralidad.Pagkatapos ay bigla siyang naging walang galang sa matandang babae. Sinadya niyang pahirapan ang matanda. “Doc, hindi ba’t madalas nilang kinukuha ang pulso sa kanang kamay? Bakit mo ginagamit ang kaliwang kamay mo?”Wala talaga siyang alam tungkol sa medisina. Sinasadya lang niyang magreklamo.Tumingin sa kaniya ang doktor at ngumiti. “Ang mga mata ng babaeng ito ay maliwanag at puno ng enerhiya. Hindi naman mukhang may sakit siya sa utak.”Tumingin nang masama si Angeline kay Jay.Ang mukha ni Jay ay parang isang yelo. Tumingin naman nang masama si Angeline kay Finn na nakatayo sa isang gilid.Mukhang ang dalawang ito ay nagsinungaling sa matandang babae, sinasabi na siya ay may sakit sa utak. Kaya pala hindi nag-react ang mat
“Tumigil ka na sa pagpapanggap. Alam kong hindi ka na pwedeng mabuntis.” Nilantad ni Jay ang pagpapanggap ni Angeline.Nagulat na tumingin sa kaniya si Angeline. Biglang naalala ni Angeline noong siya ay kinawawa ng mag-amang Bell, ang kaniyang uterus ay napinsala at nawalan siya ng kakayahan na magkaroon pa ng anak.“Eh… Bakit ako nagsusuka?” Si Angeline ay nalito.Tumingin si Jay sa seryosong mga mata ni Angeline, at naramdaman niya ang pagsikip ng kaniyang dibdib.Hindi naman mukhang nagsisinungaling ang babaeng ito.Nagpadala siya ng mensahe kay Finn. ‘Papuntahin mo rito ang obstetrician-gynecologist.’Patuloy na nasusuka si Angeline. Ngayon, siya ay nakahiga na lamang sa kama. Ang kaniyang mukha ay payat at maputla.“May cancer ba ako?“Intestine cancer?“Stomach cancer?”Nagsimula siyang mag-overthink.“Hindi, bakit parang parehas ‘to ng nararamdaman ko noong pinagbubuntis ko sina Jenson?”…Napakunot ang kilay ni Jay bago siya tumalikod at umalis.Pagkatapos ng ilang sandali, pu
Si Jay ay nagalit. “Angeline, walang hiya ka talaga.”Nabaliw na si Jay. Kinuha niya ang braso ni Angeline at hinila siya patungo sa kabilang kwarto.Si Angeline ay nalilito. Si Jay ay nasa isang wheelchair. Paano niya nagawang magkaroon ng ganoon katinding aura?“Bitawan mo ako.” Nagpumiglas si Angeline sa hawak ni Jay. Sa sumunod na segundo, ang kaniyang mga kamay ay naipit sa dulo ng kama.Pagalit na tumingin sa kaniya si Jay. “Kaninong anak ‘yan?”Nakita ni Angeline ang pagkabaliw sa mga mata ni Jay. Bigla siyang natawa. “Ginoong Ares, ‘wag mong sabihin sa ‘kin na nag-aalala ka pa rin sa ‘kin. Ano’ng dapat kong gawin? Ang dami-daming pwedeng maging ama ng batang ‘to.”Ninais siyang sakalin ni Jay hanggang kamatayan. Gayunpaman, naalala niya na ang leeg ni Angeline ay sensitibo. Noong naisip niya kung paanong nagsusuka kanina si Angeline, lumambot ang kaniyang puso.Hindi niya kayang gawin iyon kay Angeline.Binawi niya ang kaniyang kamay. “Angeline, parang gusto mo atang maparusaha
Sinabi ni Angeline, “Ginoong Ares, maikli lang ang buhay at kailangan mong maging mabuti sa anumang oras. Ayaw ko nang magpanggap pa para sa mga bata.”Kapag mas bumibitaw si Angeline, mas nababaliw si Jay.Bigla niyang nilapitan si Angeline nang may agresibong itsura sa kaniyang mukha. Ang malaki niyang kamay ay humawak sa lalamunan ni Angeline. “Kung gusto mo talagang maging malaya, magpakamatay ka na lang.”Ang kamay ni Jay ay nasa leeg ni Angeline, nagsasanhi sa babae na makaramdam ng pagkahilo. Pagkatapos no’n, hindi na niya ito matiis pa. Nasuka siya sa puting damit ni Jay.Tumingin si Angeline sa dumi sa kwelyo ni Jay at napagtanto na siya ay nasa isang malaking gulo.Siya lang ang nakakaalam kung gaano ka-obsessed si Jay sa kalinisan.“Angeline Severe, ang kapal ng mukha mo?” Sigaw ni Jay.Noong nakita ni Angeline ang gulo, muli siyang nahilo.“Umalis ka sa harap ko!”Bago pa man makaalis si Jay, napasuka muli sa kaniya si Angeline.Ang itsura ni Jay ay para bang sumuko na siya
Tumingin si Angeline kay Jay na nasa sulok ng kwarto mula sa sulok ng kaniyang mga mata. Nakita niya ang walang emosyon na mga mata ni Jay at nagsimulang magrebelyo.Kung siya ay nakikisama sa ibang mga lalaki at wala pa ring pakialam si Jay, dapat na niyang tigilan ang lahat ng pantasya niya tungkol kay Jay.Mahinang tinanong ni Angeline si Gordon, “Alam mo ba kung paano humalik?”Tumingin si Gordon sa mapulang mga labi ni Angeline at nagkaroon ng pandidiri sa kaniyang mukha. “Binibini, hinihiling ko lang naman sa ‘yo na magpanggap na kasintahan ko. Hindi mo naman kailangang gawin ang lahat.”Sinabi ni Angeline. “Pekeng halik. Alam mo ba kung paano?”Napatingin si Gordon kung saan nakatingin si Angeline. “Para ba sa kaniya?”Tumango si Angeline.Napabuntong-hininga si Gordon sa ginhawa. “Sige.”Pagkatapos no’n, hinawakan nila ang isa’t isa. Ginamit ni Gordon ang kaniyang kamay upang takpan ang kaniyang mga labi, ngunit mula sa direksyon ni Jay, silang dalawa ay mukhang naghahalikan.B
Malamig na sinabi ni Jay, “Hindi mo kailangang mag-alala sa Grand Asia.”Walang maisagot na pambai si Sean kay Jay. Nababalisa niyang sinabi, “Sige, Master Ares, magsaya ka muna d’yan.” Pagkatapos no’n, naglakad siya palayo nang nalulugmok.Tumingin si Angeline kay Jay. Ang lalaking ito ay isang bisita, ngunit pinahiya niya ang host ng party. Nagawa pa rin niyang manatili at samsamin nang walang inaalala ang kaniyang wine.Hindi na ito matiis pa ni Angeline. Pinaalalahanan niya si Jay at sinabi, “Ginoong Ares, ‘wag mong kalimutan. Kailangan mong magtira ng dignidad para sa ibang tao para hindi nakakailang kapag nagkita ulit kayo sa susunod.”Tumingala si Jay upang tumingin kay Angeline. Mayroong bakas ng lungkot sa mga mata ni Angeline na hindi niya nagawang matago. Alam ni Jay na nag-aalala sa kaniya si Angeline.Sinabi ni Jay, “Hindi naman na kami magkikita sa susunod. Kaya, syempre, hindi ko kailangang magtira ng dignidad para sa kaniya.”Alam ni Angeline na hindi makatwiran si Jay.
Iyon ay isang party upang i-celebrate ang isang buwan ng pagkabuhay ng anak ni Sean.Naalala ni Angeline na si Sean ay isang dating kaibigan na nakipagtulungan sa kaniya dati. Walang dahilan para sa kaniya na hindi magbigay kay Sean ng regalo.Marahil ay pwede siyang makipagtulungan ulit kay Sean.Tulad ng kadalasan, pagkatapos magbihis ni Angeline, nagmaneho siya patungong Imperial Capital mula sa Swallow City.Ang party ng mga Bell ay nangyari sa isang five-star hotel.Noong pumasok si Angeline sa hall, agad niyang inakit ang atensyon ng lahat.Siya ay isang magandang babae, at nagpaganda pa siya para sa okasyon na ito.Siya ay may suot na backless lace dress na pinapakita ang perpekto niyang katawan. Mayroong dugo sa pula niyang “Ginoo.”Sa isang sulok, si Jay ay nakikipag-usap kay Sean noong biglan silang inistorbo ni Finn.Tumingin nang masama si Jay kay Finn. “Tumahimik ka nga.”Sinenyasan siya ni Finn gamit ang kaniyang mga mata upang sabihin sa kaniya na tumingin sa pintuan.T
Gumapang siya papalapit kay Jay at tinulungan ang lalaki sa kaniyang mga damit.Nakita ni Jay na ang mga kamay ni Angeline ay lubos na nanginginig. Halata naman na siya ay kinakabahan at natatakot.Agad na naglaho ang masamang binabalak niya kay Angeline. “Angeline, sa tingin mo ba ay dapat lang na ibenta ang katawan mo para sa kumpanya mo?”Si Angeline ay natuliro. Sinabi niya, “Wala nang pera ang kumpanya at higit pa sa isang daang mga empleyado ng Severe Enterprises ang mawawalan ng trabaho. At saka, wala akong pera para bayaran ang mga utang namain. Kapag nangyari ‘yon, kamatayan ko na lang ang makakapagbayad sa mga pagkakamali ko.”Biglang kinuha ni Jay ang braso ni Angeline. “Ano’ng sinabi mo?”Bayaran ang kaniyang mga pagkakamali gamit ang kaniyang kamatayan? Hindi siya nagpakahirap para kay Angeline para lang patayin niya ang kaniyang sarili.Matapang na tumingin si Angeline sa galit na mga mata ni Jay. “Ginoong Ares, ambisyoso ka at ayaw bigyan ang ibang mga kumpanya ng pagkak
Hindi siya nakakuha ng anumang resulta pagkatapos humingi ng tulong sa labas, kaya narito siya ngayon at bumalik kay Jay. Wala siyang ibang magagawa.Tulirong tumingin si Angeline kay Jay. Marahil ay mas nangingibabaw na ang itsura niya ngayon dahil siya ay lasing na.“Jay Ares, sabihin mo sa ‘kin. Ano ang dapat kong gawin para pagbigyan mo na ang Severe Enterprises?”“Ganito ka ba magmakaawa?” Haha, ang lakas naman ng loob ng babaeng ito na tawagin siya sa buo niyang pangalan? Sino ang nagbigay sa kaniya ng lakas ng loob na gawin ito?Umayos ng tindig si Angeline. Tumayo siya sa harap ni Jay na parang isang estudyante na may nagawang mali.Ganito siya tumayo sa tuwing may nagagawa siyang mali noong siya ay bata pa. Ngayon, siya ay nakatayo sa ganitong posisyon dahil lang sa nakasanayan.“Kung papayag ka na pakawalan ang Severe Enterprises, pwede mong kuhain ang buhay ko kung gusto mo.” Matigas na sabi ni Angeline.Nanigas ang mukha ni Jay. “Bakit ko kakailanganin ang buhay mo?”Gusto