Hindi niya alam kung guilty lang ba siya o sadyang nakatingin ang mga tao sa parking lot nang bumaba siya sa kotse. Kahit ang Mama niya kanina ay nagtatanong kung bakit ganoon kamahal pa ang kotseng binili niya. Gusto man niyang ibalik iyon kay Patrick ay tiyak na pagtatalunan pa nila iyong dalawa.Pagdating sa opisina ay may pumpon panng bulaklak sa mesa niya. Hindi niya iyon pinagkaabalahang usisain dahil ipinatatawag na daw siya sa conference room ni Darius Romano. Naroon din daw ang CEO ng TNS na si Harvey. Palabas na siya nang biglang pumasok si Patrick at mabilis nai-lock ang pinto."Bagay na bagay sa 'yo ang kotse mo," nakangiti nitong wika. "I don't like it," pabiro naman niyang sagot na tinawanan lang ni Patrick. Napakunot lang ang noo nito nang makita ang mamahaling bulaklak sa mesa niya. "Kanino galing ang bulaklak?""Hindi ba sa 'yo?""No..." halos pabulong nitong sagot. "Pero parang alam ko na kung kanino galing.""Kanino?""TNS. Nariyan si Harvey at hinihintay na tayo
Nasa isang fine dining restaurant sila ni Harvey at tapos na sa dinnee nang mapansin niya ang isang pamilyar na bulto sa may di kalayuan. Hindi na sana niya papansinin iyon pero si Harvey ang kumaway na hindi niya napigilan."Your boss is here," wika ni Harvey at nakita niyang papalapit na si Patrick. May kasama itong sopistikadang babae na sa tingin niya'y alam niya na kung sino."Hello, Harvey, I am glad you're having a good time with Miss Edejer." Hindi niya naiwasang mapadako ang mata sa nakakawit na kamay ni Francine sa braso nito. "Yes. Miss Edejer is a good conversationalist I lost track of time already. You also have a date?""Hmmm... Francine, a daughter of a family friend." Ipinakilala rin ni Patrick si Harvey kay Francine. Ipinakilala din siya nito kay Francine pero hindi siya nginitian ng babae. "She's very beautiful. You have a good taste when it comes to women, Patrick," papuri ni Harvey kay Francine na halata namang kinikilig. "We're going to Zenclub right across thi
"Kinausap ko na ang abogado ko na i-file ang annulment namin ni Jane, Dianne. Ipanatag niyo na ang loob niyo na wala na akong damdamin kay Jane kahit katiting," paniniguro ni Patrick sa kapatid. Nagulat siya nang bigla na lang itong dumating sa opisina niya dahil hindi siya natulog sa bahay kagabi. Pagkahatid niya kay Francine ay tumuloy siya sa condo nila ni Janine. Hindi alam ng mga magulang niya na may bago na siyang condo. Hindi nila dapat malaman. Pero ang pagbili niya ng townhouse na sorpresa niya dapat kay Janine ay biglang natuklasan ng Papa niya dahil ang ahente ng bahay na 'yun ay kaibigan din ng pamilya nila."Then why are you buying that house in an exclusive subdivision? Bakit mo ibinenta ang yate mo gayung pundar mo pa 'yun noong binata ka pa? Nagtataka na sina Papa sa mga ikinikilos mo. May iba ka bang babae at hindi ka na naman daw natulog sa bahay kagabi?"Ngayon niya pinagsisihan kung bakit bumalik pa siya sa bahay ng mga magulang mula nang magdesisyon siyang makipag
Nasa gitna ng meeting si Janine kasama ng mga ahente nang mag-text sa kanya si Patrick. Hindi tuloy siya makapag-concentrate dahil panay ang tunog ng telepono niya."I miss you..."Nasa kabilang silid lang naman ito kung tutuusin. Hindi lang nito gustong sumama sa meeting dahil nagseselos daw ito kapag may kabiruan siyang empleyado sa kompanya. Katulad ngayon, hindi matapos-tapos ang pangungulit ni Alfred na lumabas sila para uminom sa bar. Nagkantyawan naman ang iba pang ahente na gustong makasama siya sa labas ng opisina."Kapag naabot natin ang quota magsi-celebrate tayo, Ma'am Janine," wika ni Cecille na isa pang ahente ng kompanya. "Kasama naman ang buong department para siguradong hindi lang si Alfred ang kasama mo.""Ano naman ang masama kung kami lang ni Ma'am Janine ang lumabas? Kaya nga date eh, tapos sasama kayo?" tila angal naman ni Alfred."Ayaw ngang makipag-date ni ma'am," sagot ni Cecille. Nakangiti lang siya sa pangungulit ng mga ito."Okay, ganito na lang. Kapag naab
"This is impressive, Miss Edejer. Gusto ko nang maniwala na hindi ka kakambal ng kapatid pagdating sa kalokohan." Nasa conference room sila ni Mr. Romano para sa monthly report nila ni Patrick. Dalawang buwan nang maganda ang sales ng Romano Shipping at kahit paano ay napalagay na ang loob niya kahit pa makasalubong niya araw-araw ang Papa ni Patrick. Palagi itong nasa kompanya ngayon dahil sa nalalapit na board meeting. Makakaharap niya ang lahat ng miyembro ng board kung saan magbibigay si Patrick ng analysis sa performance ng kompanya at kung saan ito patungo sa mga susunod pang taon. Buo ang kompyansa nila ni Patrick. Kahit ang pag-alis niya pabalik sa Canada ay naantala dahil sa sunod sunod na magagandang kaganapan sa opisina. Patuloy din ang lihim nilang relasyon ni Patrick. Hindi na ito nagpupunta sa bahay ng Mama niya dahil siya na ang madalas sa condo nito. Iniiwas pa niyang malaman nito ang tungkol kay Jace. Habang tumatagal na naglilihim siya at lalong mas nagiging mahira
Mini skirt ang isinuot niya at tank top na labas ang likod. Naglagay din siya nang mas makapal na makeup. Kulang na nga lang ay kulayan niya ang buhok para maging magkamukha na sila ulit ni Jane. Sa totoo lang ay ayaw niyang gayahin ang itsura ng kapatid. Gusto niyang ipakita kay Patrick na iba siya. Gusto niyang mahalin siya nito bilang siya. Pero dahil hindi pa rin nito makalimutan ang kakambal niya, ibibigay niya ang pantasya nito. Simula ngayon ay siya muna si Jane. Magpapanggap siyang si Jane hanggang makaalis sila ni Jace sa Pilipinas.Sa Canada na siya babalik sa pagiging si Janine.Nagdalawang isip pa siya kung gagamitin niya ang sasakyang ibinigay ni Patrick. Kung ihahatid siya ni Alfred pauwi ay mas mabuti. Ganoon naman si Jane noon, kung kani-kaninong lalaki nagpapahatid. Nag-book na lang siya ng taxi para hindi niya kailangang dalhin ang kotse. Ayaw rin naman niyang gamitin ngayon ang mga ibinigay ni Patrick dahil kay Jane naman dapat ang mga iyon. Kahit ang kwintas na big
Kaagad niyang hinanap si Patrick pagpasok niya sa gate. Nahismasmasan naman siya kahit paano nang bigla nitong hinablot ang braso niya sa madilim na bahagi ng driveway. "A-anong ginagawa mo dito?""We need to talk!" bulong nito bagama't may diin. At mahigpit ang hawak nito sa braso niya."P-pumasok ka ba sa loob?""No. Sinabi ko sa katulong na hihintayin lang kita dito sa ibaba. Now, saan mo tayo gustong mag-usap? Dito at bahala na ang Mama mong marinig lahat ng sasabihin ko o sasama ka sa 'kin sa condo?!""S-sa c-condo na lang..."Mabilis itong lumakad patungo sa kotse at isinakay siya roon. Mabuti na lang dahil alas onse na ng gabi. Mahimbing na ang tulog ng Mama niya. Nakapagbilin siya sandali sa katulong na nasa sala at naghihintay na makaalis si Patrick. Hindi naman daw ito umakyat sa silid niya kaya't hindi nito nakita si Jace.Tahimik si Patrick sa kotse na halos paliparin iyon para marating nila kaagad ang Greenhills. Ni hindi siya nito nililingon. Pagdating nila sa parking l
Nagulat siya nang kinabukasan ay narinig niya ang boses ni Jane habang nasa silid siya at naghahanda sa pagpasok sa opisina. Nagmadali siyang bumaba dahil baka bigla itong umakyat. Hindi pa rin nito alam ang tungkol kay Jace. At hindi pa rin niya gustong ipaalam sa kapatid."Jane!""Oh, hi! It's nice to see you, Janine!" Paakyat ito sa hagdan pero sinalubong niya na at hinatak ito pababa."You're so early. Anong ginagawa mo dito?""Inaayos ko na ang paglilipat kay Jadie sa ospital na malapit dito. Babalik na ako dito sa bahay at babalik na rin ako sa kompanya.""B-babalik ka na?" Dumagundong ang dibdib niya sa kaba. "Yes. Where's Patricia? Gising na ba ang anak ko?""N-natutulog pa." Biglang sumikip ang dibdib niya sa kaisipang babalik na ang kakambal niya at babawiin na nito ang mga trabahong inako niya pansamantala. Ito naman talaga ang hinihintay niya noon pa. Pero ngayon ay tumututol ang dibdib niya at gusto niyang umiyak. Sa susunod na buwan pa ang nakatakda niyang alis nila ni
Pagkagaling ni Patrick sa silid ng kapatid na si Dianne ay kaagad siyang dinaluhan sa kama. Balak sana niya itong tulugan kung sakaling magtagal ito sa silid ng kapatid. "I told you, no one's gonna sleep tonight." "Dalawang gabi na akong walang maayos na tulog mula nang hindi ka magparamdam habang nasa Cebu ka kuno. How can you be so inconsiderate?" Umupo siya sa kama at ikinulong sa mga hita niya si Patrick na nakadapa naman sa kandungan niya."I want to fulfill your honeymoon dream, wife. It took me years to give it but I promise to make it up to you.""Nakalimutan ko na nga 'yun, naalala mo pa.""Palagi kong inaalala ang nakaraan. Gusto kong alalahanin kung nasulyapan man lang ba kita noon. You were so shy and always sitting in the corner of your house. Pero naalala ko noon na kapag nagtatama ang mata natin, palagi kang nagbababa ng tingin.""You had a crush on Jane back then.""Because she was jolly and she loves attention. Kaya napansin ko siya. You were your twin sister's exact
"Where's Papa?" tanong pa ni Jace nang maalala ang ama na wala sa kabilang side nito. Napahugot tuloy si Patrick sa kamay na nasa ilalim ng unan."I'm here, baby. But it is time for you to sleep because we will be out on the beach early morning. Okay?""I want you here." Inilapat nito ang kamay sa kabilang side ng higaan."Now that Mama and Papa is married, I need to sleep beside Mama once in a while.""Kay..." Muli namang pumikit ang anak nila na hindi na nagtanong pa. Bumalik sa pwesto ang kamay ni Patrick at hinintay na pumikit na si Jace.Hindi na pinakawalan ni Patrick ang mga labi niya habang nakapatong ang kamay nito sa ibabaw ng kamison niya. Habang lumalalalim ang halik nito'y dumidiin din ang pagmasahe nito sa dibdib niya. Nang mainip ay ipinasok nito ang kamay sa ilalim ng kamison niya. "G-gising pa ang anak mo," bulong niya kay Patrick. "Stay still..." Hindi naman niya magawang hindi umayon ang katawan. Nang pisilin nito ang n'pple niya ay napahawak siya sa hita ng asawa
Nasunod nga ang gusto ni Janine na intimate wedding. Pamilya lang nila ni Patrick ang naroon, ilang pares ng ninong at ninang, at mga malalapit lag na kaibigan. Wala pang isandaang miyembro ang nasa wedding venue. At nagaganap ang kasal nila habang nagbubukang-liwayway. Walang pagsidlan ang tuwa sa dibdib niya. Higit para sa sarili niya, nakita niya kung paanong masayang-masaya si Jace dahil kasama nila ang totoo nitong ama. Maayos nang muli ang relasyon sa pagitan ng pamilya Edejer at Romano. Si Jace ang naging tulay para lumambot muli ang puso ng Mama't Papa ni Patrick sa pamilya nila. She and Patrick also helped restore that bond that faded when Jane cheated on Patrick.Pagkatapos ng kasal ay mamamalagi pa sila ng ilang araw sa Hacienda Luna kung saan puwede silang maglibot sa malawak na manggahan at bakahan doon. Puwede rin silang mamasyal sa palibot ng isla gamit ang yate ng resort. "I hope I made you happy, love... This isn't the wedding I first planned. Pero alam kong ito an
Pag-akyat nila sa suite ay muli niyang tinawagan si Patrick sa telepono. Hindi pa rin ito sumasagot kaya't tinawagan niyang muli ang Mama't Papa nito."Hindi ugali ni Patrick ang hindi sumasagot sa telepono, Papa. Puwede bang tawagan ang hotel na tinutuluyan niya ngayon?""We're going there now. Do you like to come with us?""Now? In Singapore?""Yes. You can bring Jace with you. Siguradong gusto rin niyang makita ang Papa niya.""P-paano? May flight bang---""Ang chopper ng Albano Hotel ang gagamitin natin patungong airport. Tatawagan ko ang kaibigan kong si Zane nang ma-assist kayo kaagad."Hindi pa lumilipas ang limang minuto ay may tawag na siyang natanggap sa receptionist ma may susundo sa kanilang mag-ina. Ilang sandali ulit ang lumipas, ang staff ng hotel naman ang nasa labas ng pinto ng suite.Panay ang tanong ni Jace kung saan sila pupunta pero hindi niya masagot. Ang tanging sinasabi niya lang ay makikita nito ang ama pagkatapos. At kahit ipinasundo na silang mag-ina sa chop
"Mama, where's Papa?" tanong ni Jace nang dalawang araw na ay wala pa rin si Patrick sa bahay ng mga magulang nito. Dalawang araw daw ang conference nito sa Singapore kaya't ilang araw nang hindi nagkikita ang mag-ama. Hindi pa siya pumapasok sa opisina dahil sinabi ni Patrick na dalawang linggo muna siyang sulitin ang oras sa anak bago sumabak sa trabaho.Hindi naman siya tumanggi dahil gusto rin niyang bigyan ng atensyon si Jace. At mula nang magkaayos sila ni Patrick ay lalo niyang nakita ang sigla sa mga mata ng anak niya. Ganoon pala 'yun. Iba pa rin ang kontribusyon ng isang ama sa mga anak. Bagama't kontento naman si Jace noon kahit silang dalawa lang ang palaging magkasama, may dagdag saya sa puso ng anak ngayong nakakasama rin nito ang ama.At pagdating sa pag-aalaga kay Jace ay wala siyang maipipintas kay Patrick. Hindi lang kay Jace. Sinisikap rin nitong maging ama kay Patricia dahil siya na ang kinilalang ama ng anak ni Jane. And speaking of Jane, nasa Hong Kong naman ito
"Then, admit that you love me. We will get married and we'll spend a honeymoon in Europe as I had planned. Kapag hindi ko narinig 'yang 'I love you' mo, uunahin ko talaga 'yang honeymoon natin.""Bakit lagi mo akong dinadaan sa pananakot?" Hindi na siya kumawala nang ikulong siya sa mga bisig ni Patrick. "Because it worked the first time I did?" natatawa nitong sagot. "Ah ganun...""I was just kidding. And I'm sorry. Defense mechanism ko lang 'yun dahil hindi ko alam tanggapin ang rejection na galing sa 'yo. I've failed in my first attempt to find my true love I don't want it to happen again to us. I want you to be my forever, Miss Janine Edejer.""Sige, pero sa isang kundisyon.""Ang babaeng mahilig sa kundisyon," natawa nitong sabi. "Gumaganti lang naman ako sa 'yo ah...""Okay, whatever it is.""Are you sure?""Wala naman akong magagawa kung 'yun ang gusto mo.""I want a simple wedding. No lavish celebration. Just you and me and our immediate families.""Why? Hindi mo ba gustong
Nakatulog na si Jace pero si Janine ay hindi pa. Nang bumangon si Patrick ay bumangon din siya para lumabas sa silid. Gusto niyang panindigan na naiinis siya. Hindi pa rin niya matanggap na siya pa ang umuwi imbes na si Patrick ang sumundo sa kanya sa Canada."Halika nga. Saan ka na naman pupunta?" Hinila ni Patrick ang kamay niya patungo sa balkonahe. "Matutulog na 'ko." Pilit siyang kumakawala pero nakayakap ito nang mahigpit sa katawan niya kasama ang dalawa niyang braso. "Kanina pa 'ko nanggigigil sa 'yo sa garden. Where's my kiss?""Kiss my ass...""Kiss your ass, really?""What do you want, Patrick? Nandiyan na ang anak mo, hindi ko naman ipinagkait sa 'yo.""I want you.""I'm not the girl I used to be." Hindi niya alam kung bakit siya nalulungkot. Kahit kanina pa ipinagdidiinan ni Patrick ang damdamin nito sa kanya, parang may kulang pa rin."What do you mean? Nabawasan na ang pagmamahal mo sa 'kin?""Hindi sa ganun...""I love you. I want to make things right for us. Kung an
"Are you sure you want to sleep here?" muling tanong ni Patrick kay Janine. Hindi siya sumasagot. Gusto pa niyang magmatigas dahil naiinis pa rin siya sa hindi nito pagsunod sa Canada kung totoong mahal pala siya nito. Kung noon ay nakuha siya ni Patrick nang mabilisan, ngayon ay pahihirapan talaga niya ito."I had no choice. Para na kaming hinostage dito eh," tila angal niya kay Patrick."Ikaw naman ang pinaka-maswerteng hinostage," sagot nito. "Ako ang alipin mo. Kahit anong iutos mo susundin ko.""Susundin?! Sabi ko ngang iuwi mo kami sa bahay ni Mama ayaw mo naman. Anong gagawin namin ni Jace dito?""Anong gagawin? Bukas pupunta tayo sa opisina para palitan mo si Jane sa posisyon niya.""Paanong maging maswerteng hostage ako kung isasalang mo din ako kaagad sa trabaho?""Ikaw ang maysabing gusto mo ng gagawin.""I want to visit my mother. And my friends.""Sige, saan mo pa gustong pumunta? I will go with you.""No! Ako na lang at si Jace," agad naman niyang tanggi."May nakita ka
"Kailan ba dadating? Baka naman araw na ng kasal ko wala pa akong engagement ring? I need to propose right away, Ivy." Hindi niya inaasahan na uuwi kaagad si Janine. Ang plano niya ay pupuntahan niya ito sa Canada para doon mag-propose at pauwiin ito sa Pilipinas. Dalawang buwan pa ang dating ng singsing na in-order niya kay Ivy Burman. Manggagaling pa kasi ang dyamante nito mula aa United Kingdom.Kampante naman siya na babalik si Janine sa Pilipinas. Ang sabi ni Jane ay nakipaghiwalay na ito kay Davis bago pa umalis sa Pilipinas ang dalawa. At bagama't may mga naiwan pang investment doon si Janine, desidido na daw itong umuwi na lang sa Pilipinas dahil hinahanap siya ng anak niya.Bagay na hanggang ngayon ay hindi niya mapaniwalaan. Sa sandaling panahon na nagkakilala sila ni Jace ay nagkaroon kaagad siya ng puwang sa puso ng anak niya."Nandito na nga 'yun sa susunod na araw. I will call you as soon as it arrives.""I hope so. Thank you, Mrs. Burman. Give my regards to Wael." Matap