"Hindi kayo nagkita ni Patrick?" tanong niya kay Jane nang bumaba ito. Kalahating oras nang nakaalis ang sasakyan ng binata at doon pa lang lumabas ang kakambal niya. Umupo ito sa tabi niya habang nanonood siya ng pelikula.
"Ayoko muna siyang makita."
"Bakit na naman?!" Naaawa na talaga siya kay Patrick na ginagawang tau-tauhan ng kakambal niya.
"He is too possessive! Nakita lang niya akong may kasamang lalaki sa mall, inakusahan na ako nang kung ano-ano. Para siyang si Papa na lahat ng galaw ko de numero!"
"Watch your mouth, Jane, wala na ang Papa."
Lumabi naman si Jane habang nakairap pa rin.
"Eh bakit ba kasi ibang lalaki ang kasama mo gayung si Patrick ang kasintahan mo?"
"He's so controlling! Hindi puwedeng bumili ng ganito hindi puwedeng bumili ng ganyan. Ano ba! Hindi ba ako marunong magdesisyon para sa sarili ko?"
"Eh bakit hindi mo kausapin?"
"Hindi rin siya makikinig. Pupunta nga pala ako ng out of town sa susunod na linggo."
"Bakit? Saan?"
"Gusto ko lang mag-unwind. Batong-bato na 'ko sa opisina. Dapat kasi talaga Hotel and Restaurant Management ang kinuha kong kurso eh! E di sana flight stewardess na ako ngayon."
Iyon talaga ang pangarap ni Jane noon pa man. Tinutulan lang ito ng mga magulang nila dahil gusto ng mga ito na ang kakambal ang papalit sa posiyon ng Papa nila pagdating ng panahon. Kailangan daw gamitin ni Jane ang talino sa sarili nilang kumpanya.
"Saan ka naman mag-a-unwind? Sino ang kasama mo?"
"Sa Boracay lang naman. Sasamahan ako ni Eli."
"Eli? Lalaki ang kasama mo?"
"Ano naman kung lalaki ang kasama ko?"
"Eh bakit hindi na lang si Patrick ang isama mo?" mataktika niyang tanong. Nagi-guilty rin siya minsan dahil natutuwa siya kapag itinataboy ni Jane si Patrick. Para bang nakakatanaw siya ng pag-asa na siya na lang ang ipakakasal sa binata. Pero alam niyang masakit iyon sa parte ni Patrick na umaasang mamahalin din ito ni Jane nang tapat.
"Hindi mo 'yun mapapaalis sa opisina niya. Okay nang si Eli ang kasama ko. Mag-e-enjoy man lang ako bago ikasal."
"Ikasal?"
"Oo. Gusto nila Mama na sa susunod na buwan na ang kasal namin. O di ba, para akong de susi na susunod lang sa gusto nila?"
Kumabog ang dibdib niya kasabay ng pagguhit ng sakit. Kapag ikinasal na ang dalawa ay tapos na ang pantasya niya kay Patrick.
"P-pumayag ka na?"
"Paano naman akong hindi papayag? E di inatake sa puso si Mama?"
Totoong maysakit sa puso ang Mama nila mula nang mamatay ang Papa nila na kinain ito ng depresyon. Kung ano-ano na ang sakit na nararamdaman nito sa katawan. At siguro ay kasama na rin sa pagtanda.
"Ikakasal ka na pero pupunta ka pa sa Boracay kasama ang ibang lalaki?"
"Gusto nila akong itali eh, di magwawala muna ako. Masyadong atat 'yang Patrick na 'yan na makuha ang katawan ko akala mo naman hindi nakakatikim ng s*x."
"Ang bunganga mo, Jane!"
"Sus, huwag ka nang magpa-demure, Janine, ang tanda na natin. Don't tell me hindi pa nahawakan ng lalaki 'yang dede mo?"
Pinigilan niya ang sumagot dahil sa balintataw niya ay si Patrick ang gumagawa no'n. Minsan niya nang nasubukan sa ex-boyfriend niya pero hindi nito makuha ang kilig na hinahanap niya.
"Nagka-boyfriend naman na 'ko," depensa niya. "So, kaya ka pupunta sa Boracay para magpahawak ng dede?"
Walang inililihim si Jane sa kanya pagdating sa personal nitong buhay. Kaya nga halos alam din niya kung ilang lalaki pa ang nakarelasyon ng kapatid habang on-and-off ito at si Patrick.
"Syempre hindi lang 'yun!"
"Seryoso ka?"
"Magaling h*****k si Eli, alam mo ba? Mapapatirik talaga ang mata mo!"
"Bakit naman kailangang tumirik ang mata mo? Ibig sabihin may nangyari na sa inyo ni Eli?!"
"Oo naman! Hindi lang si Patrick ang puwedeng tumikim ng ibang putahe bago kami ikasal no!"
"Eh si Patrick..." Hindi niya maderetso ang tanong. Hindi nga nya alam kung gusto niyang malaman mula sa bibig ni Jane kung gaano ito kasarap katalik. Hanggang halik lang ang kaya niyang pagpantasyahan.
"So boring." Umikot pa ang mata ni Jane sa iritasyon. "Hindi ko nga alam kung paano siya mag-perform sa kama kung ganyang halik lang eh hindi pa niya mapantayan si Eli."
"W-wala pang nangyari sa inyo?"
"Syempre wala! Wala naman talaga akong gusto dun. Malaya siyang gumalaw ng ibang babae kahit kasal na kami basta huwag niya akong pagbabawalan sa mga gusto ko."
Gusto man niyang ikatuwa na hindi pa nagagalaw ni Patrick ang kapatid niya, hindi pa rin mawawala ang realidad na sooner or later ay magsasama ang dalawa sa iisang kama.
"Anong klaseng kasal ang papasukin mo, Jane? Bakit hindi ka na lang umatras?"
"At paano ang kasunduan? Kung gusto mo ikaw na lang ang um-attend."
Napigil niya ang paghinga sa suhestyon ni Jane. Pero mabilis din itong tumawa pagkatapos niyang manahimik.
"May gusto ka kay Patrick ano?"
"Anong pinagsasabi mo..." Umiwas siya ng tingin pero nasa mga mata pa rin ni Jane ang kapilyahan.
"Gusto mong tikman bago kami ikasal?"
"Hay naku, Jane! Tumigil ka nga!" Tumayo na siya para kumuha ng chips sa kusina.
"Ewan ko ba kasi sa lalaking 'yun kung bakit ako ang hininging kapalit para manatili si Mama bilang Vice-President. Akitin mo kaya para hindi ko ba kailangang magpakasal?"
Kung kaya lang niyang gawin 'yun ay matagal niya nang ginawa. Pero nagagawa lang siyang sulyapan ni Patrick kapag itatanong nito si Jane sa kanya.
"Ikaw ang mahal niya, Jane, kaya subukan mo rin siyang mahalin alang-alang sa pagsasama niyo."
"Susubukan ko naman. Kaya nga nag-e-enjoy na ako ngayon kasi malabo rin naman ang gusto ko na malaya pa rin ako kapag kasal na kami, hindi ba?"
"Ewan ko sa 'yo, bahala ka nga."
"Ah basta, aalis muna ako ng isang linggo. Next week na daw ang engagement party namin, sabi ko dito na lang sa bahay ganapin."
"Bakit naman dito? Siguradong maraming bisitang dadalo, dapat sa hotel man lang."
"Malawak naman ang garden natin. Huwag na silang mag-imbita nang marami kasi mabilisang engagement lang ang gusto ko. And since hindi naman tayo kilala ng ibang dadalo, puwede mo na 'ko i-proxy kapag malalim na ang gabi. Okay?"
"Hoy, Jane, tigil-tigilan mo na 'ko sa kakaganyan mo. Noong huling nagpanggap akong ikaw muntik pa 'kong madala sa presinto!"
"Ang OA mo, Janine, high school pa tayo nun! Sige na, last na 'to. Birthday din kasi ni Eli nun. Gusto niyang i-celebrate sa bar kasama ng mga kaibigan niya. Sige na pumayag ka na." Hinalikan siya ng kapatid sa pisngi kahit nagpupumiglas siya. Ganoon siya nito harutin kapag may gusto itong pabor na ipagawa sa kanya.
Napailing na lang siya bagama't tutol ang kalooban niya. Gusto niya na rin kasing ilayo ang sarili kay Patrick kung ikakasal na ito sa kakambal niya. Gusto niya nang kalimutan ang pag-ibig niya sa lalaking kaytagal niyang inalagaan sa puso niya.
Nasunod ng ang gusto ni Jane na sa bahay nila ganapin ang engagement na dinaluhan lang ng malalapit na kaibigan ng pamilya nila. Alas otso na nagsimula ang dinner pagkatapos ay nasundan ng inuman ng Papa ni Patrick at Uncle nila at iba pang kalalakihang naroon. Napakagaling namang magpanggap ni Jane na sweet na sweet kay Patrick na sinusubuan pa ang binata. Si Patrick naman ay hindi maalis ang kamay sa baywang ng kapatid niya.Siya rin naman ay magaling magpanggap dahil nagagawa niyang ngumiti kahit nasasaktan. Isang buwan mula ngayon, magiging hanap na bayaw niya na si Patrick. Kailangan niya nang mag-entertain ng ibang lalaki para mawala na ang binata sa puso niya.Alas onse ng gabi nang umakyat siya sa silid. Naka-lock 'yun na hindi niya alam kung bakit. Pababa na siya para k
"Ano ba ang gagawin mo sa Canada, Janine? Maayos naman ang trabaho mo dito?" tanong ng Mama niya habang nag-aalmusal silang tatlo ng kakambal niya. Nagpaalam kasi siya na susunod sa kaibigan niyang si Gelai na isang taon nang nasa Canada ngayon bilang caregiver. Magbabakasyon lang ang paalam niya pero baka magtagal siya doon at mag-apply siya ng working visa kapag nakahanap siya ng trabaho."Pupuntahan ko nga si Gelai, 'Ma. Kasama ko si Dennis.""Boyfriend mo ba ang Dennis na 'yun?""Hindi ho."Nanliligaw si Dennis sa kanya pero noon pa niya nilinaw na wala talaga itong pag-asa. At hindi naman nagbago ang pagkakaibigan nila sa kabila ng pagbasted niya dito.
Kanina pa naiinip si Patrick dahil sa tagal ng seremonyas ng kasal nila. Gustong gusto niya nang makasama ang babaeng mahal niya sa honeymoon nila. Kaytagal niyang pinangarap ang sandaling ito. Napasakamay niya rin sa wakas ang babaeng iwas na iwas sa kanya noon dahil ayaw magpaligaw sa kanya.High school pa lang ito nang una siyang magkagusto. She was jolly and so full of life. Nasa anniversary party sila ng Romano Shipping Line. Noong mga panahon na 'yun ay kaka-break lang niya sa girlfriend niya. Habang nagmumukmok siya sa isang sulok, boses ni Jane ang umaalingangaw sa silid dahil wala itong tigil sa pagbibitaw ng biro sa mga kaibigan niya. Doon nya ito unang napansin.Naging maging magkaibigan naman sila pagkatapos. Pero dahil magkaibigang matalik ang pamilya nila, mas lalong hindi niya mapormahan dahil baka magalit ang Papa nito. Pero inalagaan niya ang damdaming iyon sa puso niya sa matagal na panahon. At nang kulitin siya ng Papa niya na mag-asawa na bago mailipat s
Nagising si Patrick na wala ang asawa sa tabi kinabukasan. Masakit ang ulo niya sa dami ng nainom kagabi. Pero hindi niya malilimutan ang masarap na honeymoon nila ng asawa na itutuloy naman nila sa Palawan mamaya. Nakangiti siyang bumangon at nagtungo sa banyo. Nakita niyang naroon ang mga pinaghubaran ni Jane kasama ang wedding gown nito.Hindi ba't may strap ang bra nito kagabi? Ang nasa banyo ay strapless at wala doong pantyhose. Baka itinapon na ng asawa niya sa basurahan dahil halos mapunit niya iyon sa pagmamadali na angkinin ito.Nang maalala ang nangyari sa kanila sa nagdaang gabi ay nag-init kaagad ang pakiramdam niya. Kung puwede lang ay hindi muna sila bumangon ngayon kung hindi lang wala na si Jane paggising niya. Gusto pa sana niyang kayakap ito dahil hindi pa naman siya nagugutom.Pagbaba niya ay wala ang mga biyenan niya doon. Wala rin si Jane. Tinanong niya sa katulong ang asawa at ang sabi ay maaga itong umalis. Saan naman ito nagpunta?Papasok na siya uli
Bakit hindi mo na naman kasama ang asawa mo?" tanong ng Papa ni Patrick nang dumating siya sa bahay ng mga magulang. As usual, marami na namang dahilan si Jane para hindi sumama sa mga lakad niya. Kanina ay birthday party ng anak ng isa nilang tauhan pero wala ito. Noong nakaraang linggo ay may business conference siya sa Cebu at gusto niya sana itong kasama pero tumanggi ito dahil palagi daw masama ang pakiramdam. "Nahihilo daw ho. Nagkikita-kita naman daw ho tayo sa opisina.""But this is a family dinner, not a conference meeting. Ano naman kung nagkikita tayo sa opisina?" katwiran naman ni Dianne na kapatid niya. Sa lahat ng miyembro ng pamilya niya, ito lang ang hindi pabor sa pagpapakasal niya sa kasintahan. Hindi daw kasi nito nakikita na totoong mahal siya ni Jane. At syempre, mahilig kasi si Jane sa night life na labis naman nitong ikinaaayaw. Mabuti pa daw ang kakambal ni Jane na si Janine dahil mas mabait kausap at mas desenteng tingnan.But he loves Jane despite
Walang imik si Patrick hanggang makarating sila sa sasakyan. Hindi rin niya narinig na nagpaliwanag si Jane. At kahit anong paliwanag ay hindi niya matatanggap. Maliwanag pa sa sikat ng araw na noon pa siya nito pinagtataksilan.Deretso uwi sila sa condo pagkagaling nila sa klinika ng OB-Gyne. Pigil na pigil niya ang sarili na magalit dahil baka kung ano ang magawa niya sa asawa. Buntis pa naman ito ngayon. Tinungo niya ang balkonahe para huminga nang malalim dahil gustong sumabog ng dibdib niya sa matinding galit.Naramdaman niya ang yabag ni Jane palapit sa pinto. Ayaw sana niyang lumapit ito. Ayaw niyang makipag-usap. Pero marami din siyang katanungang kailangang bigyan ng kasagutan."Sino ang ama ng dinadala mo?" mahina pero madiin niyang tanong."M-my boyfriend...""Your boyfriend?!" Hindi niya napigilan ang sarili na lumingon. Mataas pa rin ang noo nitong parang gusto pang magmalaki sa kanya. "Ako ang mapapangasawa mo noon pero may tinatawag kang boyfriend?!""O-on a
"Bakit ba ayaw mong sagutin ang tawag ng kapatid mo? Baka importante na ang kailangan sa 'yo?" wika ni Rhea Lyn sa kanya na kasama niya sa trabaho. Isa itong pre-school teacher habang siya ay nagtuturo naman ng Filipino Language sa Canada. Iyon ang naging trabaho niya sa loob ng halos tatlong taon. Nabubuhay na siyang maayos at tahimik dito sa Toronto kasama dalawang taong gulang na anak na si Pierre Jace Edejer. Sa tulong ng mga kaibigan, nairaos naman niya ang panganganak doon at pamumuhay bilang isang single mother. At mabuti na lang talaga dahil malaki ang ipon niya. Habang ipinagbubuntis pa lang niya si Jace ay sobrang nahirapan na siya sa paglilihi.Tumanggap siya ng kung ano-anong home-based jobs nang maipanganak niya si Jace. Hindi naman na kasi siya tumanggap ng perang galing sa Pilipinas dahil umiiwas na siyang makipag-usap kay Jane at sa Mama niya. Noon pa siya pinauuwi pero hindi puwedeng bitbit niya ang anak niya at magulantang ang lahat. Hanggang ngayon ay wa
Parang gustong umatras ng mga paa ni Janine nang bumaba sila ng anak sa eroplano ng Ninoy Aquino International Airport. Labag talaga sa loob niya ang umuwi. Pero katulong na ang tumawag sa kanya nang kailangan ulit isugod ang Mama niya sa ospital dahil daw sa paninikip ng dibdib. Hindi makontak ng mga katulong si Jane at naiwan pa ang anak nito sa bahay na hindi puwedeng iwanan ng mga katulong. Kung ano ang nangyayari sa kapatid niya ay hindi niya alam. "Iwanan mo na lang muna sa condo si Jace kung kailangan mong pumunta kaagad sa ospital," wika ni Rhea Lyn sa kanya nang sumakay sila sa taxi. Sa condo na pag-aari ni Dennis sila makikitira pansamantala habang wala pa siyang nahahanap na apartment. Sa susunod na linggo pa makakauwi ang kaibigan nilang iyon dahil hindi kaagad puwedeng umalis sa trabaho. Sila ni Rhea Lyn ay wala ng commitment sa Day Care Center dahil bakasyon na ng mga estudyante."Okay lang ba sa 'yo?" "Of course! Kailan ba ako tumangging kasama ang batang ito
Pagkagaling ni Patrick sa silid ng kapatid na si Dianne ay kaagad siyang dinaluhan sa kama. Balak sana niya itong tulugan kung sakaling magtagal ito sa silid ng kapatid. "I told you, no one's gonna sleep tonight." "Dalawang gabi na akong walang maayos na tulog mula nang hindi ka magparamdam habang nasa Cebu ka kuno. How can you be so inconsiderate?" Umupo siya sa kama at ikinulong sa mga hita niya si Patrick na nakadapa naman sa kandungan niya."I want to fulfill your honeymoon dream, wife. It took me years to give it but I promise to make it up to you.""Nakalimutan ko na nga 'yun, naalala mo pa.""Palagi kong inaalala ang nakaraan. Gusto kong alalahanin kung nasulyapan man lang ba kita noon. You were so shy and always sitting in the corner of your house. Pero naalala ko noon na kapag nagtatama ang mata natin, palagi kang nagbababa ng tingin.""You had a crush on Jane back then.""Because she was jolly and she loves attention. Kaya napansin ko siya. You were your twin sister's exact
"Where's Papa?" tanong pa ni Jace nang maalala ang ama na wala sa kabilang side nito. Napahugot tuloy si Patrick sa kamay na nasa ilalim ng unan."I'm here, baby. But it is time for you to sleep because we will be out on the beach early morning. Okay?""I want you here." Inilapat nito ang kamay sa kabilang side ng higaan."Now that Mama and Papa is married, I need to sleep beside Mama once in a while.""Kay..." Muli namang pumikit ang anak nila na hindi na nagtanong pa. Bumalik sa pwesto ang kamay ni Patrick at hinintay na pumikit na si Jace.Hindi na pinakawalan ni Patrick ang mga labi niya habang nakapatong ang kamay nito sa ibabaw ng kamison niya. Habang lumalalalim ang halik nito'y dumidiin din ang pagmasahe nito sa dibdib niya. Nang mainip ay ipinasok nito ang kamay sa ilalim ng kamison niya. "G-gising pa ang anak mo," bulong niya kay Patrick. "Stay still..." Hindi naman niya magawang hindi umayon ang katawan. Nang pisilin nito ang n'pple niya ay napahawak siya sa hita ng asawa
Nasunod nga ang gusto ni Janine na intimate wedding. Pamilya lang nila ni Patrick ang naroon, ilang pares ng ninong at ninang, at mga malalapit lag na kaibigan. Wala pang isandaang miyembro ang nasa wedding venue. At nagaganap ang kasal nila habang nagbubukang-liwayway. Walang pagsidlan ang tuwa sa dibdib niya. Higit para sa sarili niya, nakita niya kung paanong masayang-masaya si Jace dahil kasama nila ang totoo nitong ama. Maayos nang muli ang relasyon sa pagitan ng pamilya Edejer at Romano. Si Jace ang naging tulay para lumambot muli ang puso ng Mama't Papa ni Patrick sa pamilya nila. She and Patrick also helped restore that bond that faded when Jane cheated on Patrick.Pagkatapos ng kasal ay mamamalagi pa sila ng ilang araw sa Hacienda Luna kung saan puwede silang maglibot sa malawak na manggahan at bakahan doon. Puwede rin silang mamasyal sa palibot ng isla gamit ang yate ng resort. "I hope I made you happy, love... This isn't the wedding I first planned. Pero alam kong ito an
Pag-akyat nila sa suite ay muli niyang tinawagan si Patrick sa telepono. Hindi pa rin ito sumasagot kaya't tinawagan niyang muli ang Mama't Papa nito."Hindi ugali ni Patrick ang hindi sumasagot sa telepono, Papa. Puwede bang tawagan ang hotel na tinutuluyan niya ngayon?""We're going there now. Do you like to come with us?""Now? In Singapore?""Yes. You can bring Jace with you. Siguradong gusto rin niyang makita ang Papa niya.""P-paano? May flight bang---""Ang chopper ng Albano Hotel ang gagamitin natin patungong airport. Tatawagan ko ang kaibigan kong si Zane nang ma-assist kayo kaagad."Hindi pa lumilipas ang limang minuto ay may tawag na siyang natanggap sa receptionist ma may susundo sa kanilang mag-ina. Ilang sandali ulit ang lumipas, ang staff ng hotel naman ang nasa labas ng pinto ng suite.Panay ang tanong ni Jace kung saan sila pupunta pero hindi niya masagot. Ang tanging sinasabi niya lang ay makikita nito ang ama pagkatapos. At kahit ipinasundo na silang mag-ina sa chop
"Mama, where's Papa?" tanong ni Jace nang dalawang araw na ay wala pa rin si Patrick sa bahay ng mga magulang nito. Dalawang araw daw ang conference nito sa Singapore kaya't ilang araw nang hindi nagkikita ang mag-ama. Hindi pa siya pumapasok sa opisina dahil sinabi ni Patrick na dalawang linggo muna siyang sulitin ang oras sa anak bago sumabak sa trabaho.Hindi naman siya tumanggi dahil gusto rin niyang bigyan ng atensyon si Jace. At mula nang magkaayos sila ni Patrick ay lalo niyang nakita ang sigla sa mga mata ng anak niya. Ganoon pala 'yun. Iba pa rin ang kontribusyon ng isang ama sa mga anak. Bagama't kontento naman si Jace noon kahit silang dalawa lang ang palaging magkasama, may dagdag saya sa puso ng anak ngayong nakakasama rin nito ang ama.At pagdating sa pag-aalaga kay Jace ay wala siyang maipipintas kay Patrick. Hindi lang kay Jace. Sinisikap rin nitong maging ama kay Patricia dahil siya na ang kinilalang ama ng anak ni Jane. And speaking of Jane, nasa Hong Kong naman ito
"Then, admit that you love me. We will get married and we'll spend a honeymoon in Europe as I had planned. Kapag hindi ko narinig 'yang 'I love you' mo, uunahin ko talaga 'yang honeymoon natin.""Bakit lagi mo akong dinadaan sa pananakot?" Hindi na siya kumawala nang ikulong siya sa mga bisig ni Patrick. "Because it worked the first time I did?" natatawa nitong sagot. "Ah ganun...""I was just kidding. And I'm sorry. Defense mechanism ko lang 'yun dahil hindi ko alam tanggapin ang rejection na galing sa 'yo. I've failed in my first attempt to find my true love I don't want it to happen again to us. I want you to be my forever, Miss Janine Edejer.""Sige, pero sa isang kundisyon.""Ang babaeng mahilig sa kundisyon," natawa nitong sabi. "Gumaganti lang naman ako sa 'yo ah...""Okay, whatever it is.""Are you sure?""Wala naman akong magagawa kung 'yun ang gusto mo.""I want a simple wedding. No lavish celebration. Just you and me and our immediate families.""Why? Hindi mo ba gustong
Nakatulog na si Jace pero si Janine ay hindi pa. Nang bumangon si Patrick ay bumangon din siya para lumabas sa silid. Gusto niyang panindigan na naiinis siya. Hindi pa rin niya matanggap na siya pa ang umuwi imbes na si Patrick ang sumundo sa kanya sa Canada."Halika nga. Saan ka na naman pupunta?" Hinila ni Patrick ang kamay niya patungo sa balkonahe. "Matutulog na 'ko." Pilit siyang kumakawala pero nakayakap ito nang mahigpit sa katawan niya kasama ang dalawa niyang braso. "Kanina pa 'ko nanggigigil sa 'yo sa garden. Where's my kiss?""Kiss my ass...""Kiss your ass, really?""What do you want, Patrick? Nandiyan na ang anak mo, hindi ko naman ipinagkait sa 'yo.""I want you.""I'm not the girl I used to be." Hindi niya alam kung bakit siya nalulungkot. Kahit kanina pa ipinagdidiinan ni Patrick ang damdamin nito sa kanya, parang may kulang pa rin."What do you mean? Nabawasan na ang pagmamahal mo sa 'kin?""Hindi sa ganun...""I love you. I want to make things right for us. Kung an
"Are you sure you want to sleep here?" muling tanong ni Patrick kay Janine. Hindi siya sumasagot. Gusto pa niyang magmatigas dahil naiinis pa rin siya sa hindi nito pagsunod sa Canada kung totoong mahal pala siya nito. Kung noon ay nakuha siya ni Patrick nang mabilisan, ngayon ay pahihirapan talaga niya ito."I had no choice. Para na kaming hinostage dito eh," tila angal niya kay Patrick."Ikaw naman ang pinaka-maswerteng hinostage," sagot nito. "Ako ang alipin mo. Kahit anong iutos mo susundin ko.""Susundin?! Sabi ko ngang iuwi mo kami sa bahay ni Mama ayaw mo naman. Anong gagawin namin ni Jace dito?""Anong gagawin? Bukas pupunta tayo sa opisina para palitan mo si Jane sa posisyon niya.""Paanong maging maswerteng hostage ako kung isasalang mo din ako kaagad sa trabaho?""Ikaw ang maysabing gusto mo ng gagawin.""I want to visit my mother. And my friends.""Sige, saan mo pa gustong pumunta? I will go with you.""No! Ako na lang at si Jace," agad naman niyang tanggi."May nakita ka
"Kailan ba dadating? Baka naman araw na ng kasal ko wala pa akong engagement ring? I need to propose right away, Ivy." Hindi niya inaasahan na uuwi kaagad si Janine. Ang plano niya ay pupuntahan niya ito sa Canada para doon mag-propose at pauwiin ito sa Pilipinas. Dalawang buwan pa ang dating ng singsing na in-order niya kay Ivy Burman. Manggagaling pa kasi ang dyamante nito mula aa United Kingdom.Kampante naman siya na babalik si Janine sa Pilipinas. Ang sabi ni Jane ay nakipaghiwalay na ito kay Davis bago pa umalis sa Pilipinas ang dalawa. At bagama't may mga naiwan pang investment doon si Janine, desidido na daw itong umuwi na lang sa Pilipinas dahil hinahanap siya ng anak niya.Bagay na hanggang ngayon ay hindi niya mapaniwalaan. Sa sandaling panahon na nagkakilala sila ni Jace ay nagkaroon kaagad siya ng puwang sa puso ng anak niya."Nandito na nga 'yun sa susunod na araw. I will call you as soon as it arrives.""I hope so. Thank you, Mrs. Burman. Give my regards to Wael." Matap