Bakit hindi mo na naman kasama ang asawa mo?" tanong ng Papa ni Patrick nang dumating siya sa bahay ng mga magulang. As usual, marami na namang dahilan si Jane para hindi sumama sa mga lakad niya. Kanina ay birthday party ng anak ng isa nilang tauhan pero wala ito. Noong nakaraang linggo ay may business conference siya sa Cebu at gusto niya sana itong kasama pero tumanggi ito dahil palagi daw masama ang pakiramdam. "Nahihilo daw ho. Nagkikita-kita naman daw ho tayo sa opisina.""But this is a family dinner, not a conference meeting. Ano naman kung nagkikita tayo sa opisina?" katwiran naman ni Dianne na kapatid niya. Sa lahat ng miyembro ng pamilya niya, ito lang ang hindi pabor sa pagpapakasal niya sa kasintahan. Hindi daw kasi nito nakikita na totoong mahal siya ni Jane. At syempre, mahilig kasi si Jane sa night life na labis naman nitong ikinaaayaw. Mabuti pa daw ang kakambal ni Jane na si Janine dahil mas mabait kausap at mas desenteng tingnan.But he loves Jane despite
Walang imik si Patrick hanggang makarating sila sa sasakyan. Hindi rin niya narinig na nagpaliwanag si Jane. At kahit anong paliwanag ay hindi niya matatanggap. Maliwanag pa sa sikat ng araw na noon pa siya nito pinagtataksilan.Deretso uwi sila sa condo pagkagaling nila sa klinika ng OB-Gyne. Pigil na pigil niya ang sarili na magalit dahil baka kung ano ang magawa niya sa asawa. Buntis pa naman ito ngayon. Tinungo niya ang balkonahe para huminga nang malalim dahil gustong sumabog ng dibdib niya sa matinding galit.Naramdaman niya ang yabag ni Jane palapit sa pinto. Ayaw sana niyang lumapit ito. Ayaw niyang makipag-usap. Pero marami din siyang katanungang kailangang bigyan ng kasagutan."Sino ang ama ng dinadala mo?" mahina pero madiin niyang tanong."M-my boyfriend...""Your boyfriend?!" Hindi niya napigilan ang sarili na lumingon. Mataas pa rin ang noo nitong parang gusto pang magmalaki sa kanya. "Ako ang mapapangasawa mo noon pero may tinatawag kang boyfriend?!""O-on a
"Bakit ba ayaw mong sagutin ang tawag ng kapatid mo? Baka importante na ang kailangan sa 'yo?" wika ni Rhea Lyn sa kanya na kasama niya sa trabaho. Isa itong pre-school teacher habang siya ay nagtuturo naman ng Filipino Language sa Canada. Iyon ang naging trabaho niya sa loob ng halos tatlong taon. Nabubuhay na siyang maayos at tahimik dito sa Toronto kasama dalawang taong gulang na anak na si Pierre Jace Edejer. Sa tulong ng mga kaibigan, nairaos naman niya ang panganganak doon at pamumuhay bilang isang single mother. At mabuti na lang talaga dahil malaki ang ipon niya. Habang ipinagbubuntis pa lang niya si Jace ay sobrang nahirapan na siya sa paglilihi.Tumanggap siya ng kung ano-anong home-based jobs nang maipanganak niya si Jace. Hindi naman na kasi siya tumanggap ng perang galing sa Pilipinas dahil umiiwas na siyang makipag-usap kay Jane at sa Mama niya. Noon pa siya pinauuwi pero hindi puwedeng bitbit niya ang anak niya at magulantang ang lahat. Hanggang ngayon ay wa
Parang gustong umatras ng mga paa ni Janine nang bumaba sila ng anak sa eroplano ng Ninoy Aquino International Airport. Labag talaga sa loob niya ang umuwi. Pero katulong na ang tumawag sa kanya nang kailangan ulit isugod ang Mama niya sa ospital dahil daw sa paninikip ng dibdib. Hindi makontak ng mga katulong si Jane at naiwan pa ang anak nito sa bahay na hindi puwedeng iwanan ng mga katulong. Kung ano ang nangyayari sa kapatid niya ay hindi niya alam. "Iwanan mo na lang muna sa condo si Jace kung kailangan mong pumunta kaagad sa ospital," wika ni Rhea Lyn sa kanya nang sumakay sila sa taxi. Sa condo na pag-aari ni Dennis sila makikitira pansamantala habang wala pa siyang nahahanap na apartment. Sa susunod na linggo pa makakauwi ang kaibigan nilang iyon dahil hindi kaagad puwedeng umalis sa trabaho. Sila ni Rhea Lyn ay wala ng commitment sa Day Care Center dahil bakasyon na ng mga estudyante."Okay lang ba sa 'yo?" "Of course! Kailan ba ako tumangging kasama ang batang ito
Hindi kaagad nakasagot si Janine kay Patrick. At kung natulala man ang dalaga sa presensya niya, siya man ay namangha sa nakitang ganda nito na hindi niya inaasahan. O sadya na itong maganda noon pa pero hindi lang niya inaasahan na may kung anong damdaming umusbong sa pagtatama ng kanilang mga mata. Bukod sa muputi pa itong lalo, natuto na itong maglagay ng makeup kahit manipis. Pero hindi lang iyon ang dahilan kung bakit iba na ang tingin niya kay Janine ngayon. He was looking at her with desire. Na hindi dapat dahil hipag niya itong maituturing.Bukod pa sa may kasalanan itong dapat niyang singilin ngayon."P-patrick..."Gusto niyang ipilig ang ulo sa init na bumuhos sa kanya pagkarinig sa malambing nitong boses. It reminded him of that night he was taking her. Tila ganito nito inusal ang pangalan niya. At sa kaisipang iyon ay hindi nya naiwasan ang pamumukol sa bagay na nasa pagitan ng hita niya.H'ly sh't."Why is my daughter crying?" Ikinunot niya ang noo bago palagit
"Nahihilo na 'ko sa 'yo. Puwede ka bang pumirmi muna sa sofa?" wika sa kanya ni Rhea Lyn. Pagkatapos niyang makausap ang ina ay hindi na siya tinantanan ng lakas ng tibok ng dibdib niya. Wala siyang nagawa kung hindi ang pumayag na palitan si Jane sa posisyong nilayan nito sa Romano Shipping Line. Wala naman kasing ginawa ang Mama niya kung hindi ang konsensyahin siya na tinakasan niya ang responsibilidad sa pamilya nila nang magpunta siya sa Canada."Bakit kasi ayaw akong sagutin ni Jane kahit saan ko siya kontakin?""Kasi nga mapipilitan ka lng sigurado tulad ng nangyari kanina. At bakit ba kasi inaaksaya mo pa ang oras mo d'yan sa kapatid mo? Kaya ka nga umuwi dito kasi pumapayag ka na, hindi ba?""Oo nga... pero---""Pero nakita mo si Patrick kanina kaya nawindang na naman 'yang puso mo kaya gusto mo ulit tumakas?""Anong sinasabi mo?" pag-iwas niyang sagot. "Oh, c'mon, Janine... Sinabi mo lang na nagkita kayo ni Patrick sa bahay ng Mama mo pero ayaw mo nang magkwento ng i
He knew it, Rhea Lyn. Kung matanda nga naman si Patricia kay Jace, ibig sabihin may nangyayari na kina Jane at Patrick hindi pa man sila ikinakasal. I was a virgin when he took me. Natural alam ng mga lalaki 'yun!""E bakit sabi mo parang wala namang nangyari kinabukasan at sa mga sumunod na araw na nagkita kayo?" "Yun nga ang ipinagtataka ko. Naguguluhan ako sa mga nangyayari sa totoo lang. Kahit ang galit ngayon ni Patrick kay Jane hindi ko inaasahan.""Bakit hindi mo pa inaasahan? Kahit naman sino magagalit sa inaasal ng kakambal mo, Janine.""I know... Pero ganoon na talaga si Jane kahit noon. Paborito kasi siya ni Mama kaya para siyang nagre-rebelde na lahat tuloy ng dapat niyang gawin, yung kabaligtaran ang ginagawa niya. Pero mabait naman 'yun.""So, ano ang plano mo ngayon na alam ni Patrick na may nangyari sa inyo?""Nakapirma na ako sa kontrata na ako muna ang papalit kay Jane sa posisyon niya. Hindi rin ako titigilan ni Mama na konsensyahin kapag iniwan ko ulit sil
At dahil wala pa namang files sa opisinang gamit niya ay nagtungo si Janine sa opisina ng kapatid niya. Nagulat siya sa dinatnan. Totoo ang sinabi ni Patrick na hindi nito alam kung paano nakakapagtrabaho nang maayos ang kakambal niya sa ganito kagulong opisina. Para tuloy iyong bodega kaysa executive office. Kailangan niya tuloy isa-isahin ang mga folders na nasa table nito. Mabuti na lang hindi naman maalikabok doon at malakas ang aircon. Nagawa niyang isa-isahin ang kailangan niya para madala sa opisina niya. Nasa kalagitnaan na siya ng pag-aanalisa ng mga sales reports nang kumatok si Lindsay. May dala itong kape at butter croisant."Sa akin? Kanino galing?" "Kay Sir Patrick ho. At saka lagi niya tinatanong kung ano na ginagawa niyo. Sabi ko ho kanina nililinis niyo 'yung kalat sa opisina ni Ma'am Jane."Kahit nakakatahakam ang kapeng tinutukso ang ilong niya, hindi niya iinumin 'yun. Wala siyang balak makipagkaibigan kay Patrick at magpadala sa mga suhol nito."Hmm
Pagkagaling ni Patrick sa silid ng kapatid na si Dianne ay kaagad siyang dinaluhan sa kama. Balak sana niya itong tulugan kung sakaling magtagal ito sa silid ng kapatid. "I told you, no one's gonna sleep tonight." "Dalawang gabi na akong walang maayos na tulog mula nang hindi ka magparamdam habang nasa Cebu ka kuno. How can you be so inconsiderate?" Umupo siya sa kama at ikinulong sa mga hita niya si Patrick na nakadapa naman sa kandungan niya."I want to fulfill your honeymoon dream, wife. It took me years to give it but I promise to make it up to you.""Nakalimutan ko na nga 'yun, naalala mo pa.""Palagi kong inaalala ang nakaraan. Gusto kong alalahanin kung nasulyapan man lang ba kita noon. You were so shy and always sitting in the corner of your house. Pero naalala ko noon na kapag nagtatama ang mata natin, palagi kang nagbababa ng tingin.""You had a crush on Jane back then.""Because she was jolly and she loves attention. Kaya napansin ko siya. You were your twin sister's exact
"Where's Papa?" tanong pa ni Jace nang maalala ang ama na wala sa kabilang side nito. Napahugot tuloy si Patrick sa kamay na nasa ilalim ng unan."I'm here, baby. But it is time for you to sleep because we will be out on the beach early morning. Okay?""I want you here." Inilapat nito ang kamay sa kabilang side ng higaan."Now that Mama and Papa is married, I need to sleep beside Mama once in a while.""Kay..." Muli namang pumikit ang anak nila na hindi na nagtanong pa. Bumalik sa pwesto ang kamay ni Patrick at hinintay na pumikit na si Jace.Hindi na pinakawalan ni Patrick ang mga labi niya habang nakapatong ang kamay nito sa ibabaw ng kamison niya. Habang lumalalalim ang halik nito'y dumidiin din ang pagmasahe nito sa dibdib niya. Nang mainip ay ipinasok nito ang kamay sa ilalim ng kamison niya. "G-gising pa ang anak mo," bulong niya kay Patrick. "Stay still..." Hindi naman niya magawang hindi umayon ang katawan. Nang pisilin nito ang n'pple niya ay napahawak siya sa hita ng asawa
Nasunod nga ang gusto ni Janine na intimate wedding. Pamilya lang nila ni Patrick ang naroon, ilang pares ng ninong at ninang, at mga malalapit lag na kaibigan. Wala pang isandaang miyembro ang nasa wedding venue. At nagaganap ang kasal nila habang nagbubukang-liwayway. Walang pagsidlan ang tuwa sa dibdib niya. Higit para sa sarili niya, nakita niya kung paanong masayang-masaya si Jace dahil kasama nila ang totoo nitong ama. Maayos nang muli ang relasyon sa pagitan ng pamilya Edejer at Romano. Si Jace ang naging tulay para lumambot muli ang puso ng Mama't Papa ni Patrick sa pamilya nila. She and Patrick also helped restore that bond that faded when Jane cheated on Patrick.Pagkatapos ng kasal ay mamamalagi pa sila ng ilang araw sa Hacienda Luna kung saan puwede silang maglibot sa malawak na manggahan at bakahan doon. Puwede rin silang mamasyal sa palibot ng isla gamit ang yate ng resort. "I hope I made you happy, love... This isn't the wedding I first planned. Pero alam kong ito an
Pag-akyat nila sa suite ay muli niyang tinawagan si Patrick sa telepono. Hindi pa rin ito sumasagot kaya't tinawagan niyang muli ang Mama't Papa nito."Hindi ugali ni Patrick ang hindi sumasagot sa telepono, Papa. Puwede bang tawagan ang hotel na tinutuluyan niya ngayon?""We're going there now. Do you like to come with us?""Now? In Singapore?""Yes. You can bring Jace with you. Siguradong gusto rin niyang makita ang Papa niya.""P-paano? May flight bang---""Ang chopper ng Albano Hotel ang gagamitin natin patungong airport. Tatawagan ko ang kaibigan kong si Zane nang ma-assist kayo kaagad."Hindi pa lumilipas ang limang minuto ay may tawag na siyang natanggap sa receptionist ma may susundo sa kanilang mag-ina. Ilang sandali ulit ang lumipas, ang staff ng hotel naman ang nasa labas ng pinto ng suite.Panay ang tanong ni Jace kung saan sila pupunta pero hindi niya masagot. Ang tanging sinasabi niya lang ay makikita nito ang ama pagkatapos. At kahit ipinasundo na silang mag-ina sa chop
"Mama, where's Papa?" tanong ni Jace nang dalawang araw na ay wala pa rin si Patrick sa bahay ng mga magulang nito. Dalawang araw daw ang conference nito sa Singapore kaya't ilang araw nang hindi nagkikita ang mag-ama. Hindi pa siya pumapasok sa opisina dahil sinabi ni Patrick na dalawang linggo muna siyang sulitin ang oras sa anak bago sumabak sa trabaho.Hindi naman siya tumanggi dahil gusto rin niyang bigyan ng atensyon si Jace. At mula nang magkaayos sila ni Patrick ay lalo niyang nakita ang sigla sa mga mata ng anak niya. Ganoon pala 'yun. Iba pa rin ang kontribusyon ng isang ama sa mga anak. Bagama't kontento naman si Jace noon kahit silang dalawa lang ang palaging magkasama, may dagdag saya sa puso ng anak ngayong nakakasama rin nito ang ama.At pagdating sa pag-aalaga kay Jace ay wala siyang maipipintas kay Patrick. Hindi lang kay Jace. Sinisikap rin nitong maging ama kay Patricia dahil siya na ang kinilalang ama ng anak ni Jane. And speaking of Jane, nasa Hong Kong naman ito
"Then, admit that you love me. We will get married and we'll spend a honeymoon in Europe as I had planned. Kapag hindi ko narinig 'yang 'I love you' mo, uunahin ko talaga 'yang honeymoon natin.""Bakit lagi mo akong dinadaan sa pananakot?" Hindi na siya kumawala nang ikulong siya sa mga bisig ni Patrick. "Because it worked the first time I did?" natatawa nitong sagot. "Ah ganun...""I was just kidding. And I'm sorry. Defense mechanism ko lang 'yun dahil hindi ko alam tanggapin ang rejection na galing sa 'yo. I've failed in my first attempt to find my true love I don't want it to happen again to us. I want you to be my forever, Miss Janine Edejer.""Sige, pero sa isang kundisyon.""Ang babaeng mahilig sa kundisyon," natawa nitong sabi. "Gumaganti lang naman ako sa 'yo ah...""Okay, whatever it is.""Are you sure?""Wala naman akong magagawa kung 'yun ang gusto mo.""I want a simple wedding. No lavish celebration. Just you and me and our immediate families.""Why? Hindi mo ba gustong
Nakatulog na si Jace pero si Janine ay hindi pa. Nang bumangon si Patrick ay bumangon din siya para lumabas sa silid. Gusto niyang panindigan na naiinis siya. Hindi pa rin niya matanggap na siya pa ang umuwi imbes na si Patrick ang sumundo sa kanya sa Canada."Halika nga. Saan ka na naman pupunta?" Hinila ni Patrick ang kamay niya patungo sa balkonahe. "Matutulog na 'ko." Pilit siyang kumakawala pero nakayakap ito nang mahigpit sa katawan niya kasama ang dalawa niyang braso. "Kanina pa 'ko nanggigigil sa 'yo sa garden. Where's my kiss?""Kiss my ass...""Kiss your ass, really?""What do you want, Patrick? Nandiyan na ang anak mo, hindi ko naman ipinagkait sa 'yo.""I want you.""I'm not the girl I used to be." Hindi niya alam kung bakit siya nalulungkot. Kahit kanina pa ipinagdidiinan ni Patrick ang damdamin nito sa kanya, parang may kulang pa rin."What do you mean? Nabawasan na ang pagmamahal mo sa 'kin?""Hindi sa ganun...""I love you. I want to make things right for us. Kung an
"Are you sure you want to sleep here?" muling tanong ni Patrick kay Janine. Hindi siya sumasagot. Gusto pa niyang magmatigas dahil naiinis pa rin siya sa hindi nito pagsunod sa Canada kung totoong mahal pala siya nito. Kung noon ay nakuha siya ni Patrick nang mabilisan, ngayon ay pahihirapan talaga niya ito."I had no choice. Para na kaming hinostage dito eh," tila angal niya kay Patrick."Ikaw naman ang pinaka-maswerteng hinostage," sagot nito. "Ako ang alipin mo. Kahit anong iutos mo susundin ko.""Susundin?! Sabi ko ngang iuwi mo kami sa bahay ni Mama ayaw mo naman. Anong gagawin namin ni Jace dito?""Anong gagawin? Bukas pupunta tayo sa opisina para palitan mo si Jane sa posisyon niya.""Paanong maging maswerteng hostage ako kung isasalang mo din ako kaagad sa trabaho?""Ikaw ang maysabing gusto mo ng gagawin.""I want to visit my mother. And my friends.""Sige, saan mo pa gustong pumunta? I will go with you.""No! Ako na lang at si Jace," agad naman niyang tanggi."May nakita ka
"Kailan ba dadating? Baka naman araw na ng kasal ko wala pa akong engagement ring? I need to propose right away, Ivy." Hindi niya inaasahan na uuwi kaagad si Janine. Ang plano niya ay pupuntahan niya ito sa Canada para doon mag-propose at pauwiin ito sa Pilipinas. Dalawang buwan pa ang dating ng singsing na in-order niya kay Ivy Burman. Manggagaling pa kasi ang dyamante nito mula aa United Kingdom.Kampante naman siya na babalik si Janine sa Pilipinas. Ang sabi ni Jane ay nakipaghiwalay na ito kay Davis bago pa umalis sa Pilipinas ang dalawa. At bagama't may mga naiwan pang investment doon si Janine, desidido na daw itong umuwi na lang sa Pilipinas dahil hinahanap siya ng anak niya.Bagay na hanggang ngayon ay hindi niya mapaniwalaan. Sa sandaling panahon na nagkakilala sila ni Jace ay nagkaroon kaagad siya ng puwang sa puso ng anak niya."Nandito na nga 'yun sa susunod na araw. I will call you as soon as it arrives.""I hope so. Thank you, Mrs. Burman. Give my regards to Wael." Matap