Binuksan ni Patrick ang pinto ng kotse nang sumakay si Janine. Sa likod naman umupo si Lindsay na napilitang sumabay dahil niyaya niya. "Where do you live, Lindsay?" kaagad niyang tanong dahil gusto niyang unahin itong ihatid. "Sa Lrt na lang ho kasi sa Valenzuela pa ako kung ihahatid niyo."Lihim siyang natuwa. Mabilis dininig ng Diyos ang panalangin niya. Iniliko niya ang sasakyan patungo sa lrt at mabilis na naihatid si Lindsay. "And where do you live, Janine?" "Devon Tower. Sa may Malate." " Bakit nga ba doon ka umuuwi? Hindi mo gustong kasama ang Mama at kapatid mo?" "Hindi sa ganoon," mahina nitong sagot. Ni hindi ito tumitingin sa kanya kapag nagsasalita. At halos isiksik nito ang katawam sa pinto ng kotse niya na para siyang may sakit na nakakahawa."Then, why?" "It's personal. Saan ka ba dadaan, bakit parang iba ang way natin?" Doon pa lang ito lumingon sa kanya. "I'm starving. Nabusog kasi ako sa hamburger kanina hindi ko tuloy nakain 'yung lunch ko.
Tulad kahapon, nagpadala ulit si Patrick ng lunch niya na hindi niya na tinanggihan. Pabor na rin naman iyon dahil marami siyang trabaho at tinatamad siyang lumabas. Pagkakataon na rin niyang tymawag at kumustahin ang anak na pangalawang araw niya nang hindi nakakasama nang matagal. Kaya siya pumasok ng tanghal ngayon dahil hinintay niya muna itong gumising. At mamaya naman ay balak niyang dumaan sa Mama niya para ipagtapat sana ang tungkol sa anak.Pero itong si Patrick, umepal pang sasama sa kanya na hindi niya alam kung nagkataon ba o sadya talaga."Hindi kaya pinagti-trip-an ka na ng Patrick na 'yan? Bakit kailangan niyang ungkatin ang nangyari sa inyo?""Hindi ko rin alam. Tinatakot niya pa akong sasabihin niya kay Mama na may nangyari sa amin bago sila ikasal ni Jane kapag hindi ako sumunod sa gusto niya.""Siraulo pala 'yang Patrick na 'yan eh. Alam ko na kung bakit niya ginagawa sa 'yo 'to ngayon.""Ano?" "Because his wife left him. Gagawin ka niyang panakipbutas tuta
Kanina pa palakad-lakad si Janine sa silid niya. Hinalungkat niya na ang payroll na sinasabi ni Jane at totoo na tumatanggap ito ng isangdaang libo mula sa kompanya bilang Finance Head. It's too much for a one month expense when Patrick pays everything including the maid's salaries. At pinagbibigyan ito ni Patrick sa matagal na panahon. Ganoon ba talaga ka-obsess si Patrick sa kakambal niya?Hanggang sa ipatawag siya ni Patrick sa meeting ay aligaga siya sa maraming isipin tungkol kay Jane. Kailangan niyang malaman kung nasaan ang kapatid at kung ano ang pinaggagawa nito sa buhay. May mga kaibigan silang puwede niyang pagtanungan. Pero kailangang hindi malaman ng kapatid na nag-iimbestiga siya."Ma, may kailangan ho ba kayong ipabili? Pupunta kami ni Patrick d'yan pagkagaling sa office," aniya sa Mama niya nang tawagan niya ito. Gusto niyang malaman kung alam nito ang pinaggagawa ni Jane. Baka magkakutsaba ang dalawa."Wala naman, anak. Kung pupunta si Patrick dito, magbibi
"Oh my God. Are you serious?!" Kahit si Rhea Lyn ay hindi makapaniwala sa kwento niya sa kapatid. "Yan ang bunga ng pagiging obsessed ng Patrick na 'yan sa kapatid mo at bunga ng pagmamanipula ng Mama mo kay Jane para sa pansarili niyang interes.""Inispoiled kasi ni Papa noon pa si Mama eh," katwiran naman niya. Mula nang magkaisip siya ay nasaksihan niya kung paanong ibinigay ng Papa niya ang magandang buhay para sa kanilang lahat. Puro trabaho ang inatupag nito na kahit linggo ay hindi nagpapahinga. Hindi tuloy natuto ang Mama niya na maghigpit ng sinturon kapag kinakapos. Ginawa na lang nitong sandalan ang mga Romano kapalit ang kalayaan ni Jane."Naaawa ako sa kanila.""Kanino?" "Kay Mama... kay Jane...""Hmmm... At kay Patrick, ano?" pagkompirma ni Rhea Lyn."Totoo nga siguro ang hinala ko na hindi rin anak ni Patrick si Patricia. Napakalakas ng dugo nila dahil kuhang-kuha ni Jace ang lahat ng features nila pero hindi ni Patricia kahit katiting!""So, ano ang gusto mong
Hindi mapakali si Janine habang pumapasok siya araw-araw. Ipinapanalangin niya na lang na sana'y hindi niya makasalubong si Mr. Romano dahil hiyang-hiya na siya sa mga nangyayari. Ilang araw na rin niyang hindi nakikita si Patrick dahil hindi raw ito pumapasok sa opisina. Sigurado siyang namomroblema ito kung ano ang isasagot sa mga magulang dahil kapalpakan ni Jane ang dahilan kung bakit walang makukuhang claims sa insurance ang nasunog na mga kargamento.Dumating ang Sabado, maaga siyang nagpunta sa address na ibinigay ni Jane. Isa iyong ospital sa Ternate Cavite na tatlong oras niyang byinahe dahil wala naman siyang sariling kotse. Nagulat siyang talaga nang makita ang itsura ni Jane. Hindi na ito ang dating sopistikadang babae na palaging naka-makeup at may kulay ang buhok. Ni hindi niya na-imagine na makikita niya itong nakapusod lang ang buhok at simpleng t-shirt lang ang suot."Jane!" Kaagad niyang niyakap ang kakambal. Ilang sandali silang magkayakap at hindi niya nap
Dumating si Dennis nang sumunod na Linggo at nagkayayaan silang mamasyal sa isang private resort para maipasyal na rin si Jace. Pauwi na rin si Rhea Lyn sa bahay ng mga magulang nito sa Ilocos bago ito bumalik sa Canada. Kahit paano ay nawala sandali ang mga problemang kinakaharap ni Janine sa mga Romano. Naibigay niya na ang fifty thousand na kailangan ni Jane. Sa susunod na buwan naman niya ulit poproblemahin ang one hundred thousand para patuloy na matustusan ang pagpapagamot kay Jadie. Ang sabi ni Jane ay nagpapadala naman daw si Eli ng panggastos nila sa araw-araw bagama't sa ina ng lalaki ipinapadala dahil hindi nag-uusap ang dalawang dating magkarelasyon. Napagod na raw si Eli na maghintay kung kailan makakalaya si Jane sa kasal na hindi nito dapat sinuong noong una pa lang."Sa susunod na linggo mo na lang iuwi ang anak mo sa Mama mo," suhestyon ni Dennis. "Nami-miss ko ang batang 'to. Malungkot ako sa Canada mula nang umuwi kayo dito sa Pilipinas."Nagkatinginan sila n
Nang matapos itong pagsawaan ang mga labi niya ay nanatiling nakadikit ang noo nito sa noo niya. Pakiramdam niya'y nalasing siya sa halik nito pati na ang alak sa hininga ni Patrick. Binitiwan nito ang mga kamay niyang inipit nito sa ulunan niya. Nang akala niya'y pakakawalan na siya nito ay dumapo pa ang isa nitong kamay sa dibdib niya."Be my wife--" Pinisil nito ang dibdib niya kasabay ng marahas na paghinga. "Let me go!" Sa pagkakataong iyon ay ibinuhos niya ang buong lakas para makawala sa pagkakaipit ni Patrick sa kanya sa dingding. "Uuwi na 'ko. Sa guard ka na lang magsabi kung may iba kang kailangan.""I need a wife and I need sex!""Si Jane ang kausapin mo tungkol d'yan!""Hindi ba't puwede mo namang gampanan ang papel niya?"Gusto niyang umiyak sa inis. Hindi niya alam kung paano mangangatwiran. Noon lang 'yun dahil tatanga-tanga siya sa pag-ibig."Umuwi ka na dahil lasing ka.""Alam mo ba kung bakit ako naglasing?!""Hindi ko alam!" "Dahil hindi ako masaya, Ja
Pagkatapos isara ni Patrick ang pinto ay nagpalakad-lakad siya sa silid ng opisina niya. Kinuha niya ang baso sa mesa at sinalinan ulit ng alak. Pero parang mas nalasing siya sa pag-uusap nila ni Janine kanina.She offered herself to be his substitute wife. Damn! Wala itong ideya kung ilang gabi siyang hindi pintulog noon nang ma-realize niyang si Janine ang nakatalik niya nang dalawang beses. He hook her innocence. And despite her ignorance when it comes to sex, it was the best sex in his whole life!Pero galit siya kay Janine dahil kakutsaba ito ni Jane para mapaikot siya. At ngayong pati ito ay hawak niya na sa leeg, dapat ay pumapalakpak ang tainga niya.Hindi niya sana gustong magkasala. At dahil hindi niya ipinapa-annul ang kasal nila ni Jane ay hindi siya tumikim ng ibang babae noon. Though he was sure he doesn't love his wife anymore, the purpose of that piece of paper is to trap her and prevent her from marrying someone else. Alam niyang naghihintay pa ang lalaki ni Jane na m
Pagkagaling ni Patrick sa silid ng kapatid na si Dianne ay kaagad siyang dinaluhan sa kama. Balak sana niya itong tulugan kung sakaling magtagal ito sa silid ng kapatid. "I told you, no one's gonna sleep tonight." "Dalawang gabi na akong walang maayos na tulog mula nang hindi ka magparamdam habang nasa Cebu ka kuno. How can you be so inconsiderate?" Umupo siya sa kama at ikinulong sa mga hita niya si Patrick na nakadapa naman sa kandungan niya."I want to fulfill your honeymoon dream, wife. It took me years to give it but I promise to make it up to you.""Nakalimutan ko na nga 'yun, naalala mo pa.""Palagi kong inaalala ang nakaraan. Gusto kong alalahanin kung nasulyapan man lang ba kita noon. You were so shy and always sitting in the corner of your house. Pero naalala ko noon na kapag nagtatama ang mata natin, palagi kang nagbababa ng tingin.""You had a crush on Jane back then.""Because she was jolly and she loves attention. Kaya napansin ko siya. You were your twin sister's exact
"Where's Papa?" tanong pa ni Jace nang maalala ang ama na wala sa kabilang side nito. Napahugot tuloy si Patrick sa kamay na nasa ilalim ng unan."I'm here, baby. But it is time for you to sleep because we will be out on the beach early morning. Okay?""I want you here." Inilapat nito ang kamay sa kabilang side ng higaan."Now that Mama and Papa is married, I need to sleep beside Mama once in a while.""Kay..." Muli namang pumikit ang anak nila na hindi na nagtanong pa. Bumalik sa pwesto ang kamay ni Patrick at hinintay na pumikit na si Jace.Hindi na pinakawalan ni Patrick ang mga labi niya habang nakapatong ang kamay nito sa ibabaw ng kamison niya. Habang lumalalalim ang halik nito'y dumidiin din ang pagmasahe nito sa dibdib niya. Nang mainip ay ipinasok nito ang kamay sa ilalim ng kamison niya. "G-gising pa ang anak mo," bulong niya kay Patrick. "Stay still..." Hindi naman niya magawang hindi umayon ang katawan. Nang pisilin nito ang n'pple niya ay napahawak siya sa hita ng asawa
Nasunod nga ang gusto ni Janine na intimate wedding. Pamilya lang nila ni Patrick ang naroon, ilang pares ng ninong at ninang, at mga malalapit lag na kaibigan. Wala pang isandaang miyembro ang nasa wedding venue. At nagaganap ang kasal nila habang nagbubukang-liwayway. Walang pagsidlan ang tuwa sa dibdib niya. Higit para sa sarili niya, nakita niya kung paanong masayang-masaya si Jace dahil kasama nila ang totoo nitong ama. Maayos nang muli ang relasyon sa pagitan ng pamilya Edejer at Romano. Si Jace ang naging tulay para lumambot muli ang puso ng Mama't Papa ni Patrick sa pamilya nila. She and Patrick also helped restore that bond that faded when Jane cheated on Patrick.Pagkatapos ng kasal ay mamamalagi pa sila ng ilang araw sa Hacienda Luna kung saan puwede silang maglibot sa malawak na manggahan at bakahan doon. Puwede rin silang mamasyal sa palibot ng isla gamit ang yate ng resort. "I hope I made you happy, love... This isn't the wedding I first planned. Pero alam kong ito an
Pag-akyat nila sa suite ay muli niyang tinawagan si Patrick sa telepono. Hindi pa rin ito sumasagot kaya't tinawagan niyang muli ang Mama't Papa nito."Hindi ugali ni Patrick ang hindi sumasagot sa telepono, Papa. Puwede bang tawagan ang hotel na tinutuluyan niya ngayon?""We're going there now. Do you like to come with us?""Now? In Singapore?""Yes. You can bring Jace with you. Siguradong gusto rin niyang makita ang Papa niya.""P-paano? May flight bang---""Ang chopper ng Albano Hotel ang gagamitin natin patungong airport. Tatawagan ko ang kaibigan kong si Zane nang ma-assist kayo kaagad."Hindi pa lumilipas ang limang minuto ay may tawag na siyang natanggap sa receptionist ma may susundo sa kanilang mag-ina. Ilang sandali ulit ang lumipas, ang staff ng hotel naman ang nasa labas ng pinto ng suite.Panay ang tanong ni Jace kung saan sila pupunta pero hindi niya masagot. Ang tanging sinasabi niya lang ay makikita nito ang ama pagkatapos. At kahit ipinasundo na silang mag-ina sa chop
"Mama, where's Papa?" tanong ni Jace nang dalawang araw na ay wala pa rin si Patrick sa bahay ng mga magulang nito. Dalawang araw daw ang conference nito sa Singapore kaya't ilang araw nang hindi nagkikita ang mag-ama. Hindi pa siya pumapasok sa opisina dahil sinabi ni Patrick na dalawang linggo muna siyang sulitin ang oras sa anak bago sumabak sa trabaho.Hindi naman siya tumanggi dahil gusto rin niyang bigyan ng atensyon si Jace. At mula nang magkaayos sila ni Patrick ay lalo niyang nakita ang sigla sa mga mata ng anak niya. Ganoon pala 'yun. Iba pa rin ang kontribusyon ng isang ama sa mga anak. Bagama't kontento naman si Jace noon kahit silang dalawa lang ang palaging magkasama, may dagdag saya sa puso ng anak ngayong nakakasama rin nito ang ama.At pagdating sa pag-aalaga kay Jace ay wala siyang maipipintas kay Patrick. Hindi lang kay Jace. Sinisikap rin nitong maging ama kay Patricia dahil siya na ang kinilalang ama ng anak ni Jane. And speaking of Jane, nasa Hong Kong naman ito
"Then, admit that you love me. We will get married and we'll spend a honeymoon in Europe as I had planned. Kapag hindi ko narinig 'yang 'I love you' mo, uunahin ko talaga 'yang honeymoon natin.""Bakit lagi mo akong dinadaan sa pananakot?" Hindi na siya kumawala nang ikulong siya sa mga bisig ni Patrick. "Because it worked the first time I did?" natatawa nitong sagot. "Ah ganun...""I was just kidding. And I'm sorry. Defense mechanism ko lang 'yun dahil hindi ko alam tanggapin ang rejection na galing sa 'yo. I've failed in my first attempt to find my true love I don't want it to happen again to us. I want you to be my forever, Miss Janine Edejer.""Sige, pero sa isang kundisyon.""Ang babaeng mahilig sa kundisyon," natawa nitong sabi. "Gumaganti lang naman ako sa 'yo ah...""Okay, whatever it is.""Are you sure?""Wala naman akong magagawa kung 'yun ang gusto mo.""I want a simple wedding. No lavish celebration. Just you and me and our immediate families.""Why? Hindi mo ba gustong
Nakatulog na si Jace pero si Janine ay hindi pa. Nang bumangon si Patrick ay bumangon din siya para lumabas sa silid. Gusto niyang panindigan na naiinis siya. Hindi pa rin niya matanggap na siya pa ang umuwi imbes na si Patrick ang sumundo sa kanya sa Canada."Halika nga. Saan ka na naman pupunta?" Hinila ni Patrick ang kamay niya patungo sa balkonahe. "Matutulog na 'ko." Pilit siyang kumakawala pero nakayakap ito nang mahigpit sa katawan niya kasama ang dalawa niyang braso. "Kanina pa 'ko nanggigigil sa 'yo sa garden. Where's my kiss?""Kiss my ass...""Kiss your ass, really?""What do you want, Patrick? Nandiyan na ang anak mo, hindi ko naman ipinagkait sa 'yo.""I want you.""I'm not the girl I used to be." Hindi niya alam kung bakit siya nalulungkot. Kahit kanina pa ipinagdidiinan ni Patrick ang damdamin nito sa kanya, parang may kulang pa rin."What do you mean? Nabawasan na ang pagmamahal mo sa 'kin?""Hindi sa ganun...""I love you. I want to make things right for us. Kung an
"Are you sure you want to sleep here?" muling tanong ni Patrick kay Janine. Hindi siya sumasagot. Gusto pa niyang magmatigas dahil naiinis pa rin siya sa hindi nito pagsunod sa Canada kung totoong mahal pala siya nito. Kung noon ay nakuha siya ni Patrick nang mabilisan, ngayon ay pahihirapan talaga niya ito."I had no choice. Para na kaming hinostage dito eh," tila angal niya kay Patrick."Ikaw naman ang pinaka-maswerteng hinostage," sagot nito. "Ako ang alipin mo. Kahit anong iutos mo susundin ko.""Susundin?! Sabi ko ngang iuwi mo kami sa bahay ni Mama ayaw mo naman. Anong gagawin namin ni Jace dito?""Anong gagawin? Bukas pupunta tayo sa opisina para palitan mo si Jane sa posisyon niya.""Paanong maging maswerteng hostage ako kung isasalang mo din ako kaagad sa trabaho?""Ikaw ang maysabing gusto mo ng gagawin.""I want to visit my mother. And my friends.""Sige, saan mo pa gustong pumunta? I will go with you.""No! Ako na lang at si Jace," agad naman niyang tanggi."May nakita ka
"Kailan ba dadating? Baka naman araw na ng kasal ko wala pa akong engagement ring? I need to propose right away, Ivy." Hindi niya inaasahan na uuwi kaagad si Janine. Ang plano niya ay pupuntahan niya ito sa Canada para doon mag-propose at pauwiin ito sa Pilipinas. Dalawang buwan pa ang dating ng singsing na in-order niya kay Ivy Burman. Manggagaling pa kasi ang dyamante nito mula aa United Kingdom.Kampante naman siya na babalik si Janine sa Pilipinas. Ang sabi ni Jane ay nakipaghiwalay na ito kay Davis bago pa umalis sa Pilipinas ang dalawa. At bagama't may mga naiwan pang investment doon si Janine, desidido na daw itong umuwi na lang sa Pilipinas dahil hinahanap siya ng anak niya.Bagay na hanggang ngayon ay hindi niya mapaniwalaan. Sa sandaling panahon na nagkakilala sila ni Jace ay nagkaroon kaagad siya ng puwang sa puso ng anak niya."Nandito na nga 'yun sa susunod na araw. I will call you as soon as it arrives.""I hope so. Thank you, Mrs. Burman. Give my regards to Wael." Matap