Share

Silent Voice Killer
Silent Voice Killer
Author: Lachikta

PROLOGUE

Author: Lachikta
last update Last Updated: 2021-09-18 12:06:18

"ATE! Kakain na raw!" Rinig ko ang bawat yabag ng paa ni Kiro na patakbong papunta sa kwarto ko. "Gising ka na ba?!"

Nanatiling akong nakadapa at pakakahiga habang pinapakinggan ang bawat niyang sasabihin. Sampung taon pa lamang si Kiro, at sa gulang niya ay daig pa ang matanda sa pag kwento. 

"Alam mo ba, Ate Kaira. May bumisita kay mama sa bahay kanina? Sayang lang at hindi mo naabutan..." Umupo siya sa paanan ko at ramdam ang pagyugyog ng kama sa kaniyang pagtaas baba ng upo. 

Nanatili akong tahimik at nagkukunwaring tulog pa. Sa paggising ko sa umaga, siya ang natatangi kong alarm. 

"Saka may kasama 'yung guy na lalaki, estudyante daw!" 

"Estudyante?!" Agad akong napabangon dahil sa narinig ko, kita pa sa mukha niya ang pagkabigla. Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat at sabay itong niyugyog. "Sino raw?! Nakilala mo ba? Anong grade niya na? Kasing edad ko ba?" Sunod-sunod kong tanong.

"Saglit nga, Ate!" Tinanggal niya ang mga kamay ko saka ito tumayo at umupo sa Game chair na nasa gilid ng kama ko. "Syempre ka-age mo, Ate! Gwapo saka parang galing sa private school."

Napangiti ako, "Saan siya nag-aaral?" Hindi matatago ang saya ko sa narinig ko kay Kiro. Huminto ako simula high school magmula nang mawala si Papa, kaya napagpasyahan ko na huminto sa pag-aaral at tulungan si Mama. Gamit ang pag-drawing ko, na tutulungan ko sila. 

Hawak ni Kiro ang tablet ko na ginagamit ko sa pag-drawing habang nakataas ang paa nito sa kama. "Pero, Ate, may isa pa kong nalaman,"

"Kiro! Nagising mo na ba ang ate mo?!" Sabay kaming napalingon ni Kiro sa labas ng pintuan dahil sa malakas na sigaw ni Mama na nanggagaling sa baba.

"Opo, Ma!" sigaw ni Kiro. Binitawan niya ang tablet saka patakbo itong umalis, pero bago iyon ay lumingon siya sa akin. "Mamaya ko na iku-kuwento sa iyo, Ate." Ngumiti siya sa akin bago ito umalis. 

Inayos ko na lang ang hinigaan ko saka nagtali ng buhok bago bumaba. Pagkababa ko ay hinahanda na ni Mama ang mga plato sa lamesa habang si Kiro ay nakaupo na. 

"Goodmorning, Mama!" masiglang bati ko. Sinugod ko si Mama ng halik bago dumeretso sa kusina para maghilamos. 

"Mabuti't gising ka na, Kaira. Samahan mo si Kiro mamayang hapon sa store nila Tebang, may kailangan daw bilhin ang kapatid mo ng gamit sa school niya." ani ni mama. Narinig ko pa ang pagrereklamo ni Kiro na h'wag na siyang samahan kaya agad akong sumagot. 

"May kailangan rin po kasi ako bilhin, kaya sasamahan ko na rin si Ki," Umupo ako sa kaliwa ni Mama habang nasa harap ko naman si Kiro na masungit ang tingin sa akin. Nginisihan ko na lamang siya bago kumuha ng makakain. 

Nang kukuhanin na ni Mama ang ulam na nasa tabi ko ay agad ko itong inagaw at ngumiti sa kaniya. Kita pa ang pagtataka sa mukha ni Mama bago ito ngumisi pabalik.

"Ayos ka lang ba, anak?" Takang tanong sa akin ni Mama, agad naman akong tumango habang nakangisi pa rin. "Siya nga pala, Kaira. Sa susunod na taon, magsisimula ka na ulit mag-aral." 

"Talaga, Ma?!" Gulat akong napasigaw at nabitawan ang kutsara. Nakatitig lamang ako kay Mama na nagulat sa sigaw ko. "Ma, pwede pakiulit, hindi ko po masyadong narinig!"

"Si Ate talaga, ang lapit mo na kay Mama, hindi mo pa narinig. Ang sabi ni Mama, Makakapag-aral ka na-" 

"Narinig ko na, Kiro!" Inirapan ko si Kiro nang bigla itong mapatawa, sabay balik sa pag kain. "Ma, sino nga pala 'yung mga dumating daw kanina?" Pag-iiba ko naman ng usapan. 

"Ay! Siya nga pala, anak, " kinuha ni mama ang baso na nasa tabi niya, "Pumunta rito ang boss ko kanina para tingnan sa kabilang kanto 'yung lilipatang bahay nila ng anak niya..." Tumayo si mama saka kinuha ang platong pinagkainan niya para ilagay sa kusina kaya lumakas ang boses niya magsalita. 

"Magpapasama raw... Pero kanina, nakita nila ang picture mo at nagtanong sa akin kung saan ka nag-aaral, sinagot ko naman, hindi na, kaya inalok niya ako na sumabay ka sa anak niyang lalaki pumasok next School year."

Hindi ko maitago ang saya sa mga labi ko. Noon ay ayaw pa ni Mama na tumigil ako sa pag-aaral, pero dahil sa kinikita ko ay unti-unti ko rin silang natutulungan ni Kiro. Masaya ako na makakabalik na ulit ako sa pag-aaral! 

Nang matapos kami sa pagkain ay ako na ang nagprisinta maghugas ng pinag-kainan bago ko samahan si Kiro bumili sa labas mamaya. Agad akong pumasok sa kwarto at nagsimulang tapusin ang commission project ni Moi, ang kapitbahay namin. 

Maalam naman siya mag drawing, at nakikita ko iyon sa tuwing dinadala ng bunso niyang kapatid ang tablet nito sa bahay namin. Sa tuwing naglalaro pa sila Kiro at kapatid niya ay ako ang napapatuloy sa pag-drawing sa tablet nito. 

"Sa wakas!" Ilang oras ang inabot ko bago matapos ang commission. Tumayo ako saka inunat ang mga braso paitaas bago niligpit ang mga gamit. Pinuntahan ko si Kiro sa kaniyang kwarto ng mapansing kong nagdidilim na. 

"Ma! Alis na po kami ni Kiro!" Sigaw ko kay Mama ng malista ko na ang mga bibilhin. Nasa gate na kami ngayon at si Kiro ay sinusuot pa ang sapatos. Hilig niya na magsapatos sa tuwing gabi siya nalabas, para raw ma-exercise ang katawan niya. 

"Mag-iingat kayo mga anak!" Lumapit sa amin si Mama, dala-dala nito ang sandok na kanyang pangluto. "H'wag pasaway sa kalsada! Baka mapaano pa kayo!" Paalala ni Mama. 

Napagpasyahan namin ni Kiro na shortcut na lang dumaan dahil masyadong madilim at wala nang halos makita sa daan papunta sa tindahan ng school supplies ni Aling Tebang. 

Halos may ibang tao pa naman kaming nakakasabayan kung kaya't kampante pa kami kung maglakad at hindi nagmamadali. May liwanag pa naman, pero hindi ganoon nakikita ang daan. 

Nang mapadaan kami ni Kiro sa isang abandonadong lupa ay kinulbit niya ako. Hindi naman iyon talagang abandonado, wala lang mga nakatayong bahay kaya sinasabi na abandonado ito, halos daang gubat na ito kung tingnan. 

"Ate, palit tayo ng pwesto!" Takot na napalipat si Kiro sa kaliwa ko, kaya inalis ko ang akbay sa balikat niya. "Hindi ko alam, pero may something akong nararamdaman, eh!" 

Binatukan ko siya sabay gulo sa buhok, "Tigil-tigilan mo kasi kapapanood mo ng mga horror movies!" Sita ko habang natatawa sa reaksyon niya. May kaba rin sa dibdib ko pero hindi iyon gaano. 

"Ate, alam mo ba? Usap-usapan sa atin na may nawawalang mga bata rito?"

Naging mabagal ang paglakad namin kasabay nang pagtingin ko sa kaniya, nagtataka. 

"Anong sinasabi mo?" Tanong ko sa kaniya, napapangisi pa dahil sa seryoso niyang mukha.  "At saan mo naman 'yan nalaman, ha? Kiro?" 

Inalis ko ang pagkaka-akbay ko sa balikat niya nang matanaw ko na ang tindahan ni Aling Tebang na dalawang bahay na lang ang pagitan. 

"Basta, Ate!" Napatigil si Kiro sa paglakad kaya tumigil na rin ako. "Ang usap-usapan tuwing 10 pm nawawala ang mga bata rito. Saka ate, alam mo ba na pag dumaan dito sa kalye na 'to ay nakikita ka na nila?" 

Saglit akong napatitig kay Kiro bago tumawa ng malakas. Habol ang hiningang pag tawa ko habang nakahawak sa tyan. Halata sa hitsura niya ang pagkainis kaya pilit kong ikinalma ang sarili ko. 

"O sige, sino ba iyang mga nangunguha ng bata?" Seryoso kong tanong sa kaniya. "Saka sino ba nagsasabi sa 'yo nan? Tinatakot lang-"

"Mga kalaro ko, saka iyung pumunta sa bahay natin kanina." Aniya. Napangisi pa siya dahil sa biglang pagbago ng hitsura ko. "Naniniwala ka na ba? Pare-parehas lang ang mga kuwento nila sa 'kin at ang pinaka gusto ko ang sinabi ni Kuya SK, na sa misteryosong eskwelahan dinadala ang mga bata."

Kilabot ang dumaloy sa buong katawan ko. Pero mas naging interesado ako dahil sa sinabi niya tungkol sa school. 

Napameywang ako, "Ano pang sabi niya sa 'yo? Saang school ang tinutukoy niya?" Hindi ko alam pero gusto ko lang malaman na kung totoo ang sinasabi nila sa kapatid ko at sa mga batang hindi na na-kakauwi.

"Paano kapag sinabi ko Ate na nanggaling na si Kuya SK sa loob school na iyon?" Napanganga ako sa mga narinig ko. Kung hindi na makakalabas sa school na iyon? Bakit siya nakalabas? "Tara na nga Ate! Tulala ka na!" 

Hindi ako makaalis sa kinatatayuan ko kung kaya't hinigit na lang ako ni Kiro. Mas mabuti pang alamin ko na muna ang lahat. 

"Magandang gabi! Aling Tebang!" Bati ni Kiro pagkapasok ng tindahan, sabay ang pag takbo nito patungo sa mga school supplies na nasa dulo. 

"Kayo lang pala... Gabi na ah?"

Tumango-tango na lang ako saka ngumisi kay Aling Tebang bilang pagsagot. Sinimulan ko na rin ang paghanap ng gagamitin ko sa pag drawing; Sketchbook at Mechanical pencil at iba pa ang mga binili ko. Hindi ko naman kailangan lahat dahil may Ipad na 'ko at Stylus pen. 

"Aling Tebang! 'Eto ho ang akin..." Inilapag ko sa cashier sa harap ni Aling Tebang ang pinamili ko. Lumingon na ako saglit kung nasaan si Kuro bago muling ibalik ang tingin kay Aling Tebang. 

"Aling Tebang, may tanong po ako," pinatong ko ang siko ko sa reeling sa gilid ng cashier niya. Patingin-tingin naman siya sa akin, habang abala sa pinamili ko. "Totoo po ba 'yung balita na may nawawalang mga bata pag may nadaan sa Citio Serpezo?" 

Napatigil si Aling Tebang sa paglagay ng pinamili ko sa supot. Sandali siyang napatingin sa akin bago ito napatawa. Taka akong napatingin kay Aling Tebang. 

"Aling Tebang naman e!" Sigaw ko. Patuloy pa rin siyang natawa. "Hindi po ba kayo naniniwala sa mga gano'ng balita?" Tanong ko pa. 

"Hay nako, Kaira, hindi naman totoo 'yan!" Umupo siya sa upuang nasa tabi niya, bago tuminging sa akin at nawala ang ngiti. "Pero noon... Naranasan ko ng mawala noong bata pa ako at mapadpad d'yan sa Citio na 'yan." 

Umayos ako ng tayo nang biglang dumating si Kiro na puno ang bitbit nito ng mga gamit sa school; Bondpaper, Books at 'yung iba ay mga laruan na. 

"Hoy!" Hinigit ko ang kwelyo ng tshirt niya sa likod. Rinig pa ang pagrereklamo niya na may halong pang-aasar. "Ano ka? Magbebenta? Ang dami mong mga binili, ah!" 

"Ate ganon talaga!" Nilapag niya ang mga pinamili sa harap ni Aling Tebang, kung bibilangin ay nasa sampo ito. "Kulang pa nga, Ate, dapat may Hekasi book pa ako! Kaso hindi pa namin kailangan!" 

Inarapan ko na lang siya at hinayaan sa mga pinamili niya. Binalik ko ang tingin kay Aling Tebang. "Aling Tebang, tapos po?" 

"Ah... Hanggang sa makita ko ang school na hindi ko matanaw ng maayos dahil masyadong malabo ito kung tingnan." Kwento ni Aling Tebang. 

Tumango-tango na lang ako at inabot sa kaniya ang perang pambayad. Hindi ko rin maitatanggi na gustong kong malaman ang lahat tungkol sa sinasabi nilang mga batang nawawala at ang eskuwelahan na nakita noon ni Aling Tebang.

 

"Nakakita rin kayo ng School noon Aling Tebang?" Sabat ni Kiro sa usapan, hawak-hawak ang laruan na pinamili niya. 

"Oo, Ki. Pero hindi ganoon kalinaw ang school. Ang natandaan ko lang ay malaki ang gate at halos red na ang nakikita ko." sagot ni Aling Tebang, bago ito takhang tumingin kay Kiro. "Bakit mo rin pala natanong?"

Mabilis na umiling si Kiro. Nilagay niya sa plastic ang laruan na hawak niya, at nang makita ang Sketchbook na binili ko ay kinuha niya iyon at inabot kay Aling Tebang. 

"Ate pahiram muna, ah?" Paalam niya sa akin. Tumango ako dahil gusto ko rin malaman. "Aling Tebang, pwede niyo po ba I-drawing?"

Pinag-isipan sandali ni Aling Tebang bago niya kinuha ang ballpen na nakasabit sa leeg niya, at sinimulan iguhit.

Lumapit ako sa tabi ni Kiro at kinuha ang mga pinamili. Hind ko alam ang nararamdaman ko... Halo-halong kaba at saya nararamdaman ko. 

"'Eto oh," inabot ni Aling Tebang kay Kiro ang Sketchbook. Napatulala ako dahil sa galing rin niya mag-drawing pero ang kaba sa dibdib ko ay mas nagibabaw dahil sa hitsura ng kaniyang nai-drawing; Malaki ang gate at pinapalibutan ng mga gumapang na halaman, at sa loob ay hindi natapos na hitsura ng eskuwelahan dahil sa balot na kulay itim na ito na sinasabi niyang red.

"Ohh! Ang galing niyo Aling Tebang mag-drawing!" Puri ni Kiro. "Pero po nakakatakot 'tong drawing niyo po." 

Mabilis kong tinakpan ang bibig ni Kiro dahil sa mga sinabi niya. Natawa lang siya sa aming dalawa. "Kayo talagang magkapatid! Siya umuwi na kayo at magdidilim na rin." 

Ngumiti ako, "Ay opo! Mauna na po kami Aling Tebang, maraming salamat po!" Sabay ang pagkaway namin ni Kiro bago kami makalabas ng tindahan niya. "Salamat po!" Sigaw ko. 

Matalik na kaibigan ni Mama si Aling Tebang. Siya pa nga ang nag-aalaga noon sa akin dahil sa trabaho ni Mama sa isang shop, kaso natanggal si Mama dahil sa nalugi ang shop na pinagta-trabauhan niya. 

"Kiro, dito na tayo mag abang nang masasakyang tricycle, gabi na rin kasi." Sambit ko. Agad naman siyang tumango. Sa tapat ng tindahan kami ni Aling Tebang nag-hintay ng masasakyan dahil sa kaliwa na noon ang kaninang pinuntahan namin. 

Mabilis kaming nakarating sa bahay ni Kiro. Binigay ko kay Mama ang pera ng natira sa pinamili namin, hindi ko naman masyadong kailangan ng pera. 

Pabagsak akong humiga sa kama pagkatapos naming kumain ng hapunan. Matutulog na sana ako ng maalala ko ang kaninang nai-drawing ni Aling Tebang sa Sketchbook. 

Agad akong bumangon at kinuha sa table ko ang mga pinamili saka kinuha ang Sketchbook. Tinitigan ko ng maigi ang drawing at mapansin na kung I dodrawing ito at magkakakulay, isa itong pribadong eskwelahan na makikita sa gubat. 

"Hindi ka naman totoo!" Hinagis ko sa kama ang Sketchbook kasabay ng mahimbing kong pagtulog. 

"Goodmorning, Kiro!" Tumalon ako sa kama ni Kiro pagkagising ko dahil sa hindi niya ako ginising. 

"Ate! Ang bigat mo!" Patuloy na pagre-reklamo niya. "Masyado pang maaga, Ate! Si Mama na lang muna po!"

"Anong maaga? Alas-siyete na kaya ng umaga!" Hinampas ko siya sa braso bago ako tumayo. "Kakain na tayo, naaamoy ko na ang niluto ni Mama... Mamaya rin pala ay aalis ako."

"Saan naman Ate?" Napabangon siya ng marinig ang sinabi ko. Nginitian ko na lamang siya at sinarado ang pinto ng kwarto niya saka bumaba. 

"Goodmorning, Ma!" Napatigil ako sa paglakad ng makita ko ang dalawang lalaki na nakatingin sa akin at nakaupo sa hapag kainan. Hinablot ko ang walang lamang vase ni Mama na nasa tabi ng hagdan. "Sino kayo?!" 

Sakto naman ang pagdating ni Mama na may dalang ulam. "Anak, gising ka na pala- Bitawan mo nga 'yan!" Gulat na patingin siya sa akin kasabay ng pagbalik ko ng vase niya sa kinalalagyan. "Sila ang mga bisita ko kahapon, hindi mo sila nakita."

"Ah, h-hello po," nahihiya akong tumabi kay Mama at binulungan kung bakit sila narito. Agad naman niya akong siniko sa tyan saka ngumiting tumingin sa mga bisita. 

"Ah, sorry po boss! Panganay ko nga pala si Kaira," Pagpapakilala sa akin ni Mama. 

"Hi! I'm SK..." 

Related chapters

  • Silent Voice Killer   Chapter 1

    "I'm sorry, Kaira. This is my son, SK," sambit ng tatay ng lalaki. Inakbayan niya ito. "SK, she's Kaira-""Yeah, I know,"Gulat akong napatingin kay SK na nakatitig pala sa akin ng matalim kaya agad akong umiwas at saglit na pumunta ng kusina bago bumalik sa hapag kainan para kumain.Tahimik kaming kumain sa hapag kainan hanggang sa matapos. Sandali akong nagkulong sa kwarto para ayusin ang commission art na pinapagawa sa akin ng kapitbahay namin."Ok na kaya 'to?" Tanong ko sa sarili. Dinala ko pababa ang tablet ko para ipasa na lang sa kaniya."What is that?"Gulat akong napaatras nang bigla kong marinig ang boses ni SK, pagkabukas ko ng pinto. Nakasandal siya sa pader at nakapamulsa. Bababa na sana ako nang matanaw ko si Kiro na nasa tabi niya."Hi Ate!" Sigaw nito habang nakahawak sa kamay braso n

    Last Updated : 2021-09-18

Latest chapter

  • Silent Voice Killer   Chapter 1

    "I'm sorry, Kaira. This is my son, SK," sambit ng tatay ng lalaki. Inakbayan niya ito. "SK, she's Kaira-""Yeah, I know,"Gulat akong napatingin kay SK na nakatitig pala sa akin ng matalim kaya agad akong umiwas at saglit na pumunta ng kusina bago bumalik sa hapag kainan para kumain.Tahimik kaming kumain sa hapag kainan hanggang sa matapos. Sandali akong nagkulong sa kwarto para ayusin ang commission art na pinapagawa sa akin ng kapitbahay namin."Ok na kaya 'to?" Tanong ko sa sarili. Dinala ko pababa ang tablet ko para ipasa na lang sa kaniya."What is that?"Gulat akong napaatras nang bigla kong marinig ang boses ni SK, pagkabukas ko ng pinto. Nakasandal siya sa pader at nakapamulsa. Bababa na sana ako nang matanaw ko si Kiro na nasa tabi niya."Hi Ate!" Sigaw nito habang nakahawak sa kamay braso n

  • Silent Voice Killer   PROLOGUE

    "ATE! Kakain na raw!" Rinig ko ang bawat yabag ng paa ni Kiro na patakbong papunta sa kwarto ko. "Gising ka na ba?!"Nanatiling akong nakadapa at pakakahiga habang pinapakinggan ang bawat niyang sasabihin. Sampung taon pa lamang si Kiro, at sa gulang niya ay daig pa ang matanda sa pag kwento."Alam mo ba, Ate Kaira. May bumisita kay mama sa bahay kanina? Sayang lang at hindi mo naabutan..." Umupo siya sa paanan ko at ramdam ang pagyugyog ng kama sa kaniyang pagtaas baba ng upo.Nanatili akong tahimik at nagkukunwaring tulog pa. Sa paggising ko sa umaga, siya ang natatangi kong alarm."Saka may kasama 'yung guy na lalaki, estudyante daw!""Estudyante?!" Agad akong napabangon dahil sa narinig ko, kita pa sa mukha niya ang pagkabigla. Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat at sabay

DMCA.com Protection Status