Share

Chapter 1

Author: Lachikta
last update Last Updated: 2021-09-18 12:08:42

"I'm sorry, Kaira. This is my son, SK," sambit ng tatay ng lalaki. Inakbayan niya ito. "SK, she's Kaira-"

"Yeah, I know,"

Gulat akong napatingin kay SK na nakatitig pala sa akin ng matalim kaya agad akong umiwas at saglit na pumunta ng kusina bago bumalik sa hapag kainan para kumain.

Tahimik kaming kumain sa hapag kainan hanggang sa matapos. Sandali akong nagkulong sa kwarto para ayusin ang commission art na pinapagawa sa akin ng kapitbahay namin. 

"Ok na kaya 'to?" Tanong ko sa sarili. Dinala ko pababa ang tablet ko para ipasa na lang sa kaniya. 

"What is that?" 

Gulat akong napaatras nang bigla kong marinig ang boses ni SK, pagkabukas ko ng pinto. Nakasandal siya sa pader at nakapamulsa. Bababa na sana ako nang matanaw ko si Kiro na nasa tabi niya. 

"Hi Ate!" Sigaw nito habang nakahawak sa kamay braso ni SK. Hindi naman maintatangi na baby kung ituring si Kiro, hindi naman kasi siya ganoon ka mature kung umasta, minsan lang. 

Hindi ko sila pinansin at tumuloy na lang sa paglakad hanggang sa makalabas ng bahay. 

"Tao po! Moi!" Sigaw ko habang kumakatok sa gate nila. Bigla namang may kumulbit sa likod ko kaya agad akong lumingon sa kung sino. "Anong ginagawa mo rito?" Takhang tanong ko kay SK. 

Napakamot pa siya sa ulo bago nilagay ang magkabilang kamay sa bulsa ng suot niyang uniform sa school. "Can I see it?" tanong niya. 

Nilabas ko ang dila ko bago umirap sa kaniya. Hindi ko naman siya close pero ganoon na lang kung makasunod siya sa akin. Nagpatuloy ako sa pagkatok nang marinig ko na ang pagbukas ng screen nila. 

"Ikaw pala, Kai!" Sigaw ng matanda na siyang nanay ni Moi nang matanaw niya ako. Agad niyang binuksan ang gate. "Pasensiya ka na, Kai. Wala pa si Moi, mamayang hapon pa ang dating niya, baka gabihin na rin siguro mga 9."

"Ok lang po, Aling Tess," Sambit ko, nahihiya. "Babalik na lang po ako mamaya. Salamat po!" Kumaway ako sa matanda bago bumalik sa bahay. 

"Ate! Umalis sina Mama saka iyung Tatay ni Kuya SK. Kailangan daw kasing tingnan iyung bahay na lilipatan nila bukas." Ani ni Kiro hawak-hawak ang book niya gamit sa school. 

"Balik na ulit ako sa kwarto, Ate!" 

Nang makaalis ay agad na sana akong de-deretso aa kawarto ng biglang magsalita si SK tungkol sa school na pinapasukan ko. 

"Hindi na ako nag-aaral," tiningnan ko ang drawing sa Ipad ko bago ko iyon inilagay sa likod ko. "Ikaw? Saan ka pala nag-aaral?" 

"Sa Cito Mero," sagot niya. "Ngayon na lilipat na kami ay pansamantala akong mag ho-home study para na rin sa safety ko."

Dahil sa sinabi niya, biglang sumagi sa isip ko ang balak kong alamin. Tumingin ako ng deretso sa mga mata niya. "Alam mo ba ang kwento-kwento rito na may nawawalang mga bata?" pagtatanong ko. 

Tumango siya, "At alam ko rin ang isa pang kwento na lahat ng mga bata ay pinapadala sa school na hindi naman nakikita ng kahit sino, o nabibisita." aniya. 

Nagsimula akong kilabutan dahil sa sinabi niya. Totoong may school na ganoon? Pero saan? Gusto kong malaman at kahit sa unang araw man lang ay makapasok ako. 

"A-ano pang nalalaman mo?" Nauutal kong tanong, pumasok kami sa loob at umupo sa upuan. Kumuha na rin ako ng maiinom para sa amin. 

"Dito ka nakatira pero hindi mo alam?" Kinuha niya ang dala kong juice ng mahiraoan ako sa dala kong bowl nang pagkain. 

Biglang nagsalubong ang kilay ko bago pinitik ang ilong niya saka pabagsak na umupo. "Hindi naman kasi ganoon kadaling malaman ang lahat, 'no! Saka alam mo ba na minsan na lang akong lumabas?" 

"Mamaya gabi aalis ako. Gusto mong sumama?" Tanong ko pa. "Balak kong puntahan ang sinasabi nilang misteryosong nagaganap sa Citio natin... Hindi dahil sa kagustuhan kong makakita muli ng ekuwelahan, kundi makita kung totoo nga ang bali-balita." 

Agad siyang tumango saka tumayo. "Sasama ako. Pero saan mo gustong unahin hanapin? Masyadong mapangangib pag dilim, bakit hindi mo umpiasahan ngayon?" 

"Hindi makikita ang mga ganoong klaseng misteryo pag umaga. Sa gabi, 10 pm, papaalam naman tayo kina Mama para ok sila at hindi nag-aalala." sambit ko sa kaniya. 

Bumalik ako sa kwarto ng umalis na sina SK dahil mamaya raw ay muli silang pupunta rito kung kaya't pagkakataon namin na magpaalam sa kanila. 

Lumipas ang ilang oras ng magising akong nagdidilim na. Tumingin ako sa orasan ng pamansin kong 7 pm na at tatlong oras bago ko balaking hanapin ang school. 

Bumaba ako at sakto naman na naghahanda na si Mama ng magiging hapunan. 

"Ma, pwede po akong umalis mamaya? Kasama ko po si SK." Pagpapaalam ko habang nagsisimula kaming tatlo kumain. Napatitig pa si Mama sa akin. "Saglit lang kami sa kalsada, Ma at malayo-layo sa mapanganib na lugar." 

"Papayag ako kung sabay kayo ng rason kung bakit kayo aalis mamaya." Seryoso ang mukha ni Mama na nakatingin sa akin. "Gabi na at masyadong mapanganib kaya pakikiusapan ko ang boss ko na ihatid kayo ng driver sa kung saan niyo gusto."

"Opo, Ma!" Abot tainga ang ngiti ko ng makita dahil sa tono ni Mama ay pumayag siya. "May kailangan lang po akong dapat malaman."

Pagkatapos namin kumain ay bumalik muli ako sa kwarto ko para ayusin ang mga gagamitin ko mamaya. Ilang mga damit kung sakali man na mawala ako at ang favorite kong tshirt na black. 

Agad na rin akong bumaba para tingnan kung naroon na rin si SK. Nanonood si Mama sa sala at si Kiro naman ay nakaupo sa harap ng hapag kainan, nagd-drawing. Napatigil siya sa pagd-drawing nang makita ako. 

"Saan ka pupunta, Ate?" Naguguluhang ni Kiro sa akin. Tumayo siya mula sa kinauupuan niya saka patakbong lumapit kay Mama. Parehas na sila ngayong nakatingin sa akin. 

"May pupuntahan lang ako mamaya, Ki," sambit ko habang nilalapag ang bag ko sa lamesa. Bakas na sa mukha ni Kiro na gusto niyang sumama. Wala naman akong magagawa dahil baka mapahamak rin siya sa pupuntahan namin. 

"Hindi mo na, Anak, kailangang sumama pa sa Ate mo," Pang-uuna ni Mama sa dapat na sasabihin ko. Mukhang napansin niya rin si Ki. "Big girl na kasi ang Ate mo kaya kailangan ko siyang payagan, pero may kundisyon." aniya sabay ang lingon sa pwesto ko. 

Lumapit ako sa kanila at sabay silang niyakap ng mahigpit, rinig pa ang pagrereklamo ni Kiro kaya mas lalo kong hinigpitan. 

"Babalik naman si Ate!" sabi ko habang nakayakap sa kanila. Kahit na malaki na ako at nasa wastong gulang, hindi ko pa rin maisip na kaya ko na mag-isa. Tumingin ako kay Mama. "Mamaya rin naman po ay babalik na ako, kasama ko po si SK."

Pilit na kumalas ng pagkakayap si Kiro sa akin bago humarap ito at nagsimulang tumawa. 

"Mag-gho-ghost hunting ba kayo Ate?" Panlolokong tanong niya habang patuloy pa rin sa pagtawa. "Si Kuya SK talaga!" Napasalampak siya sa sahig dahil sa kakatawa. 

"Ma! Si SK nasisiraan na!" Pagbibiro ko ngunit mas lalo pang nadagdagan ang malakas na ingay nang biglang tumawa na rin si Mama. 

"Mama naman eh!" 

Sakto naman ang pagdating ni SK na may dala-dalang bag kaya agad kong kinuha ang akin bago kami sabay na magpaalam kina Mama at sa Papa ni SK. 

"Malayo ba ang pupuntahan natin?" Tanong niya nang makalabas kami ng gate dahil sa pagpayag nila sa amin. Tumango naman ako bilang pagsagot sa tanong niya. 

"Saglit lang ha? Kailangan ko kasing ipasa iyung commission ko sa kapitbahay." Kahit na late na ay kumatok ako sa gate nila Moi... Lumabas naman si Moi saka ko binigay ang pinagawa niya at ibigay ang perang pang bayad.

"Maraming salamat, Kai! Pasom na rin ako baka may kailangan pa kayong punatahan." Pagpapaalam niya bago tumingin sa likuran ko kung nasaan si SK. 

"Maraming salamat rin!" Kumaway ako sa kaniya bago umalis. 

Hindi kami nagpaalam kina Mama at sa Papa ni SK na magpahatid sa sasakyan nila dahil sa kailangan rin naming magtanong. Sa daang Citio Molino kami dumaan na halos isang kanto lang namin at marami pang mga tao.

"Mag tanong-tanong muna tayo rito baka sakaling may masagap rin tayong iba pang impormasyon." sabi ko sa kaniya. Sakto naman na may mga matatandang nasa harap ng tindahan. 

"Magandang gabi po! May itatanong lang po ako kung may alam po kayo tungkol sa misteyosong school?" Mahinanong tanong ko sa kanila habang ramdam ko ang pagkulbit sa akin ni SK. 

Saglit sa amin silang tumingin bago umiling. Agad naman silang nagpaalam sa isa't-isa bago kami tuluyang maiwan sa harap ng tindahan.

"Tsst..." Rinig ko ang pagngisi ni SK nang maiwan kami. "We need to go back to your house." sabi pa niya pero hindi ako nakinig. 

Hinabol ko ang isang matandang kaninang pinagtanungan ko. 

"Manang!" Patakbo akong lumapit sa kaniya, bakas na sa kaniyang pagkilos ang takot kaya naging malumanay ako. "Alam ko pong may alam kayo..."

Napatigil siya sa paglakad. "Wala akong alam, Ija! Pero mas mabuti na hindi niyo na hanapin ang sinasabi niyo. Masyadong mapanganibn!" Pagbabanta niya kaya napalunok ako kasabah ng pagtingin kay SK. "Kung itutuloy niyo man, mag-iingat kayo. Hindi biro ang ginagawa niyo! Aalis na 'ko." Sabay lakad ng Ginang paalis at mukhang nagmamadali. 

Saglit akong napatingin kay SK bago ulit magsimulang maghanap, hanggang sa mapadpad kami sa Citio Serpenzo... Hindi pa man kami nakakalayo nang biglang sumagi sa isip ko ang kwento ni Aling Tebang at ni Kiro. At sa pagkaalam ko ay naging misteryoso ang abandonang lupa papunta sa tindahan ni Aling Tebang. 

"SK, mukhang alam ko na kung saan tayo maghahanap!" Hinawakan ko sa pulsohan ni SK at walang pasabing hinigit hanggang sa makarating kami sa dinaanan namin ni Kiro kahapon, ang abandonadong mga lupa. 

"Dito na ba tayo maghahanap?" tanong niya nang makita ang sinasabing misteryoso. Tumango ako. "Sige, dito ka," tinuro niya ang nasa gilid ko at makikita sa mga lupa nito na may daan. "Dito naman ako." Turo niya sa pinakamadilim na pasikot na may daan rin. 

"Mag-iingat ka!" sabi ko. Nagsimula kaming maghanap ni SK nang kung ano na lamang ang makita. Sinisigawan niya ako na nagsisilbing signal namin na nakatapak na kami. 

Sinuri ko ang paligid ko habang hawak ang flashlight na kaninang nasa bulsa ko. Halos maging gubat na ito dahil sa taad ng mga puno at mga nagapang na halaman sa gilid dilid. 

"Kaira! Ayos ka lang ba d'yan?!" Sigaw muli ni SK. Halos may pagitan rin kasi ng mga malalaking sanga ng puno kaya hindi masyadong makita ang nasa kabila. 

"Ok lang-" Hindi ko natuloy ang pagsigaw ko nang may biglang tumakip sa bibig ko. Pilit akong kumakalas mula sa pagkakatakip niya bibig ko ngunit hindi niya iyon inaalis. 

"Hindi ka dapat narito!" Mahinang bulong sa akin ng lalaki. Hindi ko man siya nakikita ay alam kong bakas sa hitsura niya ang pagkataranta. Pili ko siyang sinisiko ngunit hindi siya nasasaktan. 

"Umalis ka na dapat! Mapapahamak ka rito!" Sunod-sunod na sabi ng lalaki. 

"Bitawan mo 'ko!" Sigaw ko pero hindi niya ako maintindihan dahil sa pagkakahigpit ng takip niya sa bibig ko. Sinubukan kong itapat at patayin at muling buksan ang ilaw para makita ni SK. "SK tulong!" Sigaw ko pa na halos ako na lamang ang nakakaintindi. 

Dahil sa pag signal ko ay narinig ko pa ang sigaw ni SK hanggang sa matapatan niya ako ng ilaw kasama ang lalaki, na naka hood na red at takip ang bibig nito ng panyo na kulay red. 

"Sino ka?!" Sigaw ni SK sabay takbo palapit sa amin. Pilit kong inaalis ang pagkakatakip niya sa bibig ko ngunit habang papalapit si SK ay hinablot niya sa kaliwang kamay ko ang flashlight saka iyon pinatay. Hinila niya ako sa kung saan hanggang sa mapadpad ako sa isang hindi ko matanaw na lugaw dahil sa labo nito. 

Naramdaman ko na lang ang pag alis niya ng kamay sa bibig ko pero dahil sa takot ay nahigit ko ang maliliit na beads na nakalagay sa tali, bracelet. 

Sa labo ng aking paningin ko ay natanaw ko pa rin ang pagtigil niya pero hindi ko alam kung anino ba niya ang nakikita ko o siya. Habang siya ay papalayo, pilit kong ikinukusot ang mga mata ko dahil sa labo pa rin ng paningin ko... Hanggang sa matanaw ko na nang maayos ang paligid. 

"Anong lugar 'to?!" Tumayo ako at pinamasdan ang ekuwelahan na nasa harap ko. Isang palapag ng room pero malawak ang space nito. Pilit akong tumayo at sinubukang pumasok sa loob na kung pagmamasdan ang paligid ay halos walang mga tao. 

Kakatakot pa lang sana ako sa pinto ng biglang may pumigil sa aking kamay. Gulat akong napatingin sa kung sino. 

"Anong ginagawa mo rito?" Seryosong mukha ng lalaki na nakaitim na long sleeve ang tumambad sa harapan ko. "Anong Silent mo?" 

May ngisi sa labi niya pero mas nangingibabaw ang seryoso niyang mukha sa mga mata ko. 

"Silent, ano..." Napakagat labi na lamang ako dahil hindi ko naman alam ang sinasabi niya. "Teka! Sino ka ba? Hindi naman kita kilala." Pag-iiba ko sa usapan. 

Sarkistong naman siyang napatawa sabay bitaw sa kamay ko. "Bagong salta ka nga... Welcome, sana mag enjoy ka." Sabay ang ngisi nito bago buksan ang pinto at maglakad paalis. 

Naiwan akong nakatunganga nang makita ko ang magakabilang helere ng bawat kwarto na sa pagkakaalam ko ay mga room. At sa tapat ko ay may tatlong papalikod sa bawat gilid kaya kung mas susuriin ay maraming pasikot-sikot ang loob na ito. 

"Saan ako magsisimula? Hindi ko naman 'to alam." Tanong ko sa sarili. Nang biglang mapansin ko ang isang bagay na nasa kamay ko, isang kulay red na tali at may nakalagay na 'K'. Ang natatandaan ko lang ay galing ito sa lalaking nagpasok sa akin dito. 

Sinuot ko na lang ang bracelet saka tinakpan ng suot kong sweater na khaki. Pahakbang na sana ako ng matanaw ko ang lalaking humawak kanina sa pulsohan ko. Napanganga ako ng may inabot siya sa aking isang susi. 

"Para saan 'to? Hindi naman ako magtatagal dito." Nahihiya kong sambit sa kaniya. Napatawa naman siya kaya napakamot na lang ako sa ulo ko. 

Inilagay niya ang magkabila niyang kamay sa bulsa ng suot niya. "Susi iyan ng kwarto mo rito. Kung mapapansin mo na walang kahit sinong estudyante rito ay dahil sa napagod sila sa kanilang ginawa." Mahina siyang napatawa. "Kung may kailangan ka, makakausap mo sila kinabukasan." 

Napatango ako, "Maraming salamat po rito," pilit akong ngumiting tinitigan ang susi na hindi ko alam kung saang susi bago tumingin sa kaniya. "Ano pa ang pangalan mo?" 

Muli ulit siyang napatawa pero mabilis na naging seryoso ang mukha. "I'm Koreiko, but you can call me President moon." aniya, sabay nahpaalam dahil matutulog na rin siya dahil lampas 10 pm na rin. 

Sinimulan kong hanapin ang number na nakaukit sa susi, 'N-305-K'. Pero bago ko pa man iyon mahanap ah biglang may humigit sa akin hanggang sa makalabas kami. 

Sinubukan kong mag-ingay ngunit napatigil ako dahil sa pagsenyas niya na tumahimik. 

"S-sino ka?" tanong ko. 

"St*pid! Welcome sa Silent University."

Related chapters

  • Silent Voice Killer   PROLOGUE

    "ATE! Kakain na raw!" Rinig ko ang bawat yabag ng paa ni Kiro na patakbong papunta sa kwarto ko. "Gising ka na ba?!"Nanatiling akong nakadapa at pakakahiga habang pinapakinggan ang bawat niyang sasabihin. Sampung taon pa lamang si Kiro, at sa gulang niya ay daig pa ang matanda sa pag kwento."Alam mo ba, Ate Kaira. May bumisita kay mama sa bahay kanina? Sayang lang at hindi mo naabutan..." Umupo siya sa paanan ko at ramdam ang pagyugyog ng kama sa kaniyang pagtaas baba ng upo.Nanatili akong tahimik at nagkukunwaring tulog pa. Sa paggising ko sa umaga, siya ang natatangi kong alarm."Saka may kasama 'yung guy na lalaki, estudyante daw!""Estudyante?!" Agad akong napabangon dahil sa narinig ko, kita pa sa mukha niya ang pagkabigla. Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat at sabay

    Last Updated : 2021-09-18

Latest chapter

  • Silent Voice Killer   Chapter 1

    "I'm sorry, Kaira. This is my son, SK," sambit ng tatay ng lalaki. Inakbayan niya ito. "SK, she's Kaira-""Yeah, I know,"Gulat akong napatingin kay SK na nakatitig pala sa akin ng matalim kaya agad akong umiwas at saglit na pumunta ng kusina bago bumalik sa hapag kainan para kumain.Tahimik kaming kumain sa hapag kainan hanggang sa matapos. Sandali akong nagkulong sa kwarto para ayusin ang commission art na pinapagawa sa akin ng kapitbahay namin."Ok na kaya 'to?" Tanong ko sa sarili. Dinala ko pababa ang tablet ko para ipasa na lang sa kaniya."What is that?"Gulat akong napaatras nang bigla kong marinig ang boses ni SK, pagkabukas ko ng pinto. Nakasandal siya sa pader at nakapamulsa. Bababa na sana ako nang matanaw ko si Kiro na nasa tabi niya."Hi Ate!" Sigaw nito habang nakahawak sa kamay braso n

  • Silent Voice Killer   PROLOGUE

    "ATE! Kakain na raw!" Rinig ko ang bawat yabag ng paa ni Kiro na patakbong papunta sa kwarto ko. "Gising ka na ba?!"Nanatiling akong nakadapa at pakakahiga habang pinapakinggan ang bawat niyang sasabihin. Sampung taon pa lamang si Kiro, at sa gulang niya ay daig pa ang matanda sa pag kwento."Alam mo ba, Ate Kaira. May bumisita kay mama sa bahay kanina? Sayang lang at hindi mo naabutan..." Umupo siya sa paanan ko at ramdam ang pagyugyog ng kama sa kaniyang pagtaas baba ng upo.Nanatili akong tahimik at nagkukunwaring tulog pa. Sa paggising ko sa umaga, siya ang natatangi kong alarm."Saka may kasama 'yung guy na lalaki, estudyante daw!""Estudyante?!" Agad akong napabangon dahil sa narinig ko, kita pa sa mukha niya ang pagkabigla. Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat at sabay

DMCA.com Protection Status