Author's Point of ViewPagkatapos na kausapin ni Anhiro si Mesaiyah na makahulugan. Agad nitong tinawag si Razec para puntahan si Dianne na nanakit kay Mesaiyah para turuan ng leksyon na nararapat sa kanya. Nakita nila itong kasama ng iba pang student council officer na masayang nagkukwentuhan sa waiting shed ng school.Every end corner nito ay meron ding ibang estudyante na nagkukwentuhan at iba't-iba ang topic pero ang pinaguusapan ng mga student council ay si Mesaiyah lalo na si Dianne na tuwang-tuwa sa nangyari na hindi nito alam, nagkamali siya ng inaway na babae. Napayuko ang lahat na parang may prinsipe na darating ng makita nila si Anhiro."Kayong lahat ay inaalis ko sa pagiging officer niyo dito sa school." mahina ngunit madiin at naiintindihan naman nila ang kanyang sinabi. Gulat ang lahat sa sinabi ni Anhiro lalong-lalo na si Dianne at nagsimula ng magkwentuhan ang mga tao na nakakakita."Dianne. You..have no rights to hurt seyah dahil wala kang alam sa buhay niya." his eye
Mesaiyah's Point of ViewTuwing friday at sabado lang kami kumakanta ayon sa binigay na schedule sakin ni Seth. Kahit na sinabihan kong "walang kwenta" ang may-ari ng runaway house at kahit mausok at mainit ang loob nun, kailangan ko pa din ang trabaho na ito dahil dito ako kumukuha ng perang pambaon ko at iniipon ko din ang sinusweldo ko for a little reason.Si Denstah ang manager ng runaway house at sa kanya din ako kumukuha ng sweldo at sa pagkakaalam ko, may mas mataas pa sa kanya. Kumbaga, Vice President lang si denstah at meron pang President. Hindi ako nakasweldo ngayong sabado dahil wala ang manager namin. Nasa japan daw siDenstah kaya delay ang sweldo ko ngayon samantalang uuwi na sana ako nang mapansin ko si stranger na nasa counter na umiinom kasama si Kosuri. Tatalikod na sana ako sa kanila nang bigla akong tawagin ni Kosuri."Mesaiyah!" I faced them wearing my sweet innocent smile habang nakatingin si stranger sakin na nakakunot ang noo."Come here!" lumapit ako sa kanila
Mesaiyah's Point of ViewKinaumagahan maaga akong nagising. Ewan, siguro trip ko lang na gumising ng maaga. Sa kama pa rin ako humihiga at sa couch naman si stranger. Wala eh, dun daw ang gusto niya.Tumayo na ako at bago ako lumakad papunta sa bathroom, tumigil muna ako sa harap ni stranger at tinitigan muna siya. Bakit ko nga ba siya tinititigan. Ewan. Hindi ko alam.Naalala ko nung nanaginip siya, sabi niya mahal pa rin kita Kosuri pero kung mahal niya si Kosuri, bakit gusto niya itong kalimutan? Ang gulo naman niya.Lalakad na sana ako papunta sa bathroom nang bigla niya akong yakapin."Ano ba! Hindi ka man lang ba magpapaalam na yayakap ka?! Hah?! Waaaaah! Umalis ka nga! Parang kang tuko kung makakapit!!!" sigaw ko."Eh. Ah. Eh, kasi m-may..a-ano..ah..ano..ah.'"Ano? Bakit ka ba ganyan magsalita hah?!" naiiritang tanong ko."Eh kasi, MAY DAGAAAA!!!!""ANOOO???? AHHHHHHHH!!!!!!" dali-dali akong pumatong sa couch pati na din siya."Asan 'yung daga? Ituro mo sakin? Asan?""Ayun oh!"
Mesaiyah's Point of ViewTatayo na din sana ako para sundan siya nang makita kong papalapit sa kanya si Kosuri na ang mukha ay nagtataka. Nakita na naman niya kaming magkasama."M-magkasama na naman kayo?" Nakakunot ang noo niya na tanong pero hindi ako makatingin ng diretso sa kanya."Ahmm. Eh. Nakita ko kasi siyang nakaupo mag-isa sa bench kaya nilapitan ko. Papaalis na din naman ako eh.""Ikaw? Anhiro?""Hindi siya aalis. Ahm. Sige, maiwan ko muna kayong dalawa." singit ko at nagsimula ng lumakad papalayo sa kanila..Sana naman makapag-usap sila ng masinsinan pero kung sa bagay, may point si stranger sa sinabi niya kanina. Bakit nga ba gusto kong bigyan niya ng chance si Kosuri samantalang ang chance na 'yun hindi niya maibigay sakin. Pero humihingi sakin si Kosuri ng tulong, hindi ko pwedeng tanggihan ang humihingi ng tulong. Siguro naman sapat na ang naitulong ko sa kanya ngayon.Nagpunta nalang ako sa runaway house, nagbabakasakaling andun na ang manager namin at makasweldo na a
Mesaiyah's Point of ViewNakapost na sa bulletin board ang long list name of student na nakakuha ng kanya-kanya nilang grades at naka arrange ang mga ito from highest to lowest. Pang lima ako sa mga ito at ang na exalted pa rin na top one ay no other than dianne. Of course, losing me is a dream of her at ang pinapangarap niyang matalo ako ay natupad na and guess what? Ang pinagtataka ko lang, top four si stranger sa listahan na ito. Waaah! I can't believe talaga na top four siya.Transfer lang siya pero top four agad? Samantalang natutulog lang naman yun sa klase ah! Umalis na ako sa nagkukumpulan na mga estudyante na tumitingin din ng pangalan nila. Tanggap ko ang pagiging top five ko. Ideserve that position but I can't accept the fact na top four si stranger. And speaking of stranger, masasalubong ko siya ngayon. Tumigil ako sandali at tiningnan siya from head to toe."Ano?" he asked in sarcastic way while his arms are crossed over his broad chest."Wala." cold ko na sagot at nilagp
Mesaiyah's Point of ViewNow Singing: Change by Taylor SwiftAnd it's a sad pictureThe final blow hits youSomebody else gets what you wantedIt can't endYou know it's all the sameAnother time and placeRepeating history and you're getting sick of itBut i believe in whatever you doAnd i'll do anything to see it throughBecause these things will changeWe can feel it nowHabang kumakanta ako sa mini stage ng runaway house nakita ko si Anthea na nasa counter habang pumapalakpak sakin wearing her ripped faded blue jeans with grey shirt and red high heels. I just gave her my sweet innocent smile.These walls that they put upTo hold us back will fall downIt's a revolutionThe time will comeFor us to finally winAnd we'll sing hallelujahwe'll sing hallelujah ohSo we've been out numberedRaided and out corneredIt's hard to fightWhen the fight ain't fair..Nang matapos na akong kumanta. Nagdiretso ako kay Anthea na agad akong sinalubong ng kanyang yakap."How are you?" she asked r
Prince Anhiro Point of ViewNagising ako dahil sa sakit ng katawan na aking nararamdaman. Matagal na akong natutulog sa retarded jerk sht na couch na 'yan. Kung wala lang sanang couch dito sa loob ng kwarto ko e di sana magkatabi kaming natutulog sa kama.Aish! Diretso akong pumasok sa bathroom habang hinihimas ang likod ko na masakit at nagulat nalang ako ng nasa loob pala si seyah."Pasaan ka?" tanong ko habang lumalapit papunta sa sink kung saan andun din siya at nagtataka lang ako kung bakit nakaayos siya. Mukhang may lakad ata ang babae na'to ah!"Wala ka nang pakialam." sagot niya at umalis na ng wala man lang paalam sakin. Agad akong sumunod sa kanya papuntang labas."Hindi ka magpapaalam sakin?""Hindi na kailangan. Ang mga tulad mong manggagamit ay hindi na kailangang pagpaalaman pa." Ano bang nakain nito at masungit ngayon? Baka meron lang siyang dalaw ngayon kaya masungit."Makikipagdate ka kaya ka nakabihis ng maayos?""OO!! MAKIKIPAGDATE AKO KAYA WAG MO AKONG PAKIALAMAN!!
Mesaiyah's Point of ViewNasa tapat na ako ng dati naming bahay. Andito ako ngayon sa mga magulang kong nagpalaki sakin. Andito ako ngayon para bayaran ang mga ginastos nila sakin na sana naman, sapat na itong ibibigay ko sa kanilang pera. Hindi ko na nilagyan ng pangalan ang sobre kundi isiningit ko nalang ito sa bakod. I knocked the door of our old house at agad na umalis bago pa man nila ako abutan.Tumago ako sa poste ng street light at sinilip kung sino ang kukuha ng pera. Si mama. Nahulog ang sobre na isiningit ko sa bakod at nakita ito ni mama kaya agad niyang pinulot.Naalala ko ang mga araw na sinasabihan nila akong walang pakinabang at ngayon, meron na akong pakinabang. My mother smiled when she saw the money I gave to them and it take my breath away.Isinarado na niya ang pinto habang suot ang malaki niyang walang hanggang ngiti. Tiningnan ko lang saglit ang bahay namin at nagsimula ng maglakad. Huminga ulit ako ng malalim at nararamdaman ko ang pagkulo ng aking tiyan kaya n
Thank you sa lahat ng nagbasa at magbabasa palang. Here is your guide to my book para di kayo malito.She Married the Stranger Book 1The Last Day of Summer Book 2Saving my Last Goodbye Book 3Destiny's Choice Book 4Thank you, thank you, thank you. Wag niyo po kakalimutang mag comment at makipag interact sa akin. Sana nagustuhan niyo ang makulit at nakakainis na story ni Mesaiyah at Anhiro.This is just the beginning. I have more to offer to you and I need you to be with me 'til the end of my journey. and also I have an account in wattpad "yoursjulieann" din ang pen name. You could follow me there if you have wattpad because that's where I started building my writing journey and now, I'm sharing it with other platform because I hope someday, I won't regret pursuing this passion.Youtube Channel: yoursjulieannInstagram: yoursjulieannFacebook: Julie Ann LingaI love you. ❤
Mesaiyah's Point Of ViewIminulat ko ang aking mga mata. Gumuhit sa aking labi ang ngiti. Kanina parang naging manhid ako dahil hindi ako makapaniwala sa nangyari pero nararamdaman ko na ngayon ang kamay niyang nakayakap sa tiyan ko. Humarap ako sa kanya at pinagmasdan ang natutulog niyang mukha. Hindi ako makapaniwala sa nangyari. Parang kahapon lang.Nakikita ko ang eiffel tower. Ang bintana ay natatabunan ng hamog na dulot ng malamig na paligid. Hinigpitan niya ang pagkakayakap sakin. Naku! Gising ang lalaki na ito."Nagugutom na ako. Gumising kana." Sabi ko. Minulat niya ang kanyang mata. Ngumiti siya sakin."I love you. Forever and always." He said."I love you. Forever and always." I repeat and he kissed my forehead.Pagkatapos naming kumain. Napagdesisyunan naming libutin ang buong Paris. Isinuot niya sa akin ang makapal na leather jacket na kinuha niya sa cabinet. Sa tuwing pinagmamasdan ko siya, bumabalik lahat ng ala-ala ko. Nung araw na una kaming nagkakilala at nagkita. Nu
Maysel Point of ViewNakaupo ako ngayon sa damuhan sa ilalim ng mangga. May nakasapak sa tenga ko na earphone. Nakikinig ng kanta at napamulat ang pikit ko na mata nang may tumabi sakin. Si Razec yun, sino pa ba? Humarap ako sa kanya at kumanta."So, it's gonna be forever? Or it's gonna go down in flames. You can tell me when it's over...nah..nah..nah..nah..cause we're young and we're reckless. We'll take this way too far. It'll leave you breathless or with a nasty scar. Got a long list of ex-lovers. They'll tell you I'm insane. But I've got a blank space baby. And I'll write your name." Kanta ko at inuntog ko ang noo ko sa noo niya pero pinisi niya lang ang ilong ko."Ano naman 'yang kinakanta mo?" Tanong niya."Blank space ni Taylor Swift. Nakaka LSS kasi." Sagot ko at ibinigay sa kanya ang isang pares ng earphone. Parehas na kaming nakikinig ng blank space. Umusog ako ng konti sa tabi niya at isinandal ko ang ulo ko sa balikat niya. Parehas naman kaming nakatingin sa ulap.Nasa loo
Kerk Point of ViewAndami ng nangyari. Sobrang dami na ng nangyari. Kamusta naman tayo? Eto, napag-iiwanan.Si Prince at Mesaiyah kasal na. Si Anthea at Denstah kasal na din at ang Promises are meant to be broken ni Maysel at Razec ay napatunayan nga nila. Tayo? Meron pa bang tayo? O nag-iisa nalang talaga ako.Hawak ko ang kamay ni Terra na araw-araw kong ginagawa. Hinalikan ko ang palad niya at pinainit ito sa aking pisngi. Sa tuwing tinititigan ko ang kanyang mukha, naiimagine ko ang anak namin. Sayang lang talaga dahil nawala, lecheng buhay eh eh. Bakit kasi nawala pa?Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa upuan na katabi ng kama ni terra. Kinuha ko ang aking jacket at isinuot ang bonette at bago ako lumabas ng room ay hinalikan ko muna siya sa noo."Aalis lang ako sandali Terra. Iiwan na muna kita dito. Lalabas lang ako saglit at gusto ko pagbalik ko, mulat na ang mapupungay at chinita mong mata. Mahal na mahal kita Terra." Sabi ko at tuluyan ng lumabas ng kwarto. Habang naglalakad pa
"Prince si mesaiyah." wika ni Kerk mula sa kabilang linya."Ano?""Kagagaling niya lang dito sa hospital.""A-ano? Totoo ba yang sinasabi mo?""Oo Prince." Sagot ni Kerk. Napabuntong hininga ng malalim si Anhiro. Sinabi na nga ba babalik siya. Wika niya sa kanyang sarili sabay ngumiti."Babalik ako sa Pilipinas." Sagot ni Anhiro at ibinaba na ang cellphone pero lalabas na sana siya sa kanilang bahay nang hampasin siya ng kanyang lolo sa magkabilang tuhod. Bumagsak siya sa sahig dahil sa sakit."Wag na wag ka ng aalis hangga't wala akong sinasabi." Galit na sabi ng kanyang lolo. Tinawag ng matanda ang iba pa niyang tauhan."Gawin niyo ang sinabi ko.""Hai!" Sagot ng mga tauhan. Binuhat nila si Anhiro at dinala sa isang kwarto na tambakan ng mga gamit. Nakalumpasay ito sa sahig at iniinda ang sakit ng kanyang tuhod habang masamang nakatingin sa mga tauhan na nasa harap niya.Walang magawa ang mga tauhan, kung hindi nila susundin ang utos ng boss nila ay sila ang mamamatay. Yumuko muna a
2 years later ***There is no permanent thing in this world, the only permanent thing we can have from being alive to death is LOVE. When we die, we leave our memories and promises on earth but the love will always remain in our heart.Everything has changed after the lost of Mesaiyah's memories. But she can put them back together, she can put her memories into the right place because her love for Anhiro is still alive in her heart and mind.Magtatapos kaya ang storya niya sa and they lived happily ever after katulad ng sa fairytale? O katulad lang ng sa movie ang magiging end nito? Walang happily ever after, walang forever pero merong true love.True love ang sagot sa mga taong hindi naniniwala sa forever and happily ever after dahil ang true love, magkalayo man kayo, marami mang tutol sa pagmamahalan niyo, marami mang ayaw sa inyo, pagtatagpuin at magtatapos ang storya na kasama mo ang iyong true love. Makakatuluyan kaya ng prinsesa ang true love niya para masabing and they lived ha
"I'm here to save you." He said. Lumapit siya kay Mesaiyah at umupo sa tabi ng kaibigan na umiiyak. Isinandal niya ang kanyang ulo sa kama habang ang kamay ay nakapatong sa kanyang tuhod."Let me be the one to ease your pain. Kahit ngayon lang bilang kaibigan mo, bilang bestfriend mo." Sabi niya at niyakap niya ng mahigpit si Mesaiyah, nakasandal ang ulo ng babae sa dibdib ng lalaking kaibigan habang nababasa ng kanyang luha ang damit nito. Patuloy ang pagluha niya, mahigpit siyang nakahawak sa braso ni Angelo habang mahinang tinatapik-tapik nito ang likod ni Mesaiyah. Nang mahimasmasan na siya sa pag-iyak , nagpasalamat ito sa kaibigan."Thank you." Sabi niya."Responsibilidad ko bilang kaibigan mo na icomfort ka. Wag ka ng magpasalamat. Ngayon nalang ulit ako babawi sayo. Ang dami kong pagkukulang sa'yo bilang kaibigan." Ngumiti lang ng pilit sa kanya si Mesaiyah. Pinunasan ni Angelo ng magkabila niyang kamay ang luha ng kanyang kaibigan.**Huminga muna siya ng malalim habang nakap
Nakajacket siya, nakabonnet na kulay itim, may bag sa likod at makikita mo pa rin sa kanyang dibdib ang kwintas na hindi buo ang heart. Hinihintay na ni Anthea, Denstah at Razec si Anhiro sa labas ng bahay pero hindi pa rin ito lumalabas ng kwarto. Nasa harap siya ng bintana, tinititigan ang mga puno at ang mga ibon na lumilipad. Napasinghap siya ng malalim, tinikom ang kamao at sinuntok ang pader, may tumulong dugo sa kanyang kamay. Hindi niya maalis sa isip ang mga ala-ala ni Mesaiyah. Kung paano nagconfess sa kanya si Mesaiyah ng tunay niyang nararamdaman, kung paano niya yakapin ng mahigpit si Mesaiyah, kung paano sila naglalakad sa ilalim ng buwan, kung paano niya halikan ito para pakalmahin, kung paano sila naghaharutan sa isa't-isa.Ayaw niyang umalis pero kung ang pag-alis niya ang tanging paraan para maprotektahan si Mesaiyah ay gagawin niya kahit masakit. Lumabas na siya sa kwarto, nakatungo at nasa magkabilang bulsa ang kamay kahit na may dugo ito."Okay ka lang?" Tanong ni
Nililibot niya ang mansyon ng kanyang ina, nakawheel chair siya at ang nagtutulak ay ang katulong. Namumukhaan niya ang babaeng nagtutulak sa kanya, siya ang school nurse ng eskwelahan na pinapasukan niya nung highschool siya. Nagtataka nga siya kung bakit naging katulong ang nurse dito pero mas pinili niyang wag nalang magtanong dito."Pakitigil po." Tumigil sa pagtutulak ang katulong. Suminghap siya ng hangin habang nakapikit ang mga mata. Mataas ang tirik ng araw at parang gusto niyang magpuntang park ngayon."Pwede ba tayong pumunta sa park?" Tanong niya sa katulong."Hindi po pwede. Bilin ni madam wag kang dalhin sa malayo." Napasimangot si Mesaiyah sa sagot ng katulong."Malayo ba ang park dito? Ilang oras ba bago makapunta dun?""Bawal po talaga kayong lumabas ng bahay. Maraming naghahanap sa'yo sa labas, nanganganib ang buhay mo." Paliwanag ng katulong."Sige na po. Please. Sandali lang naman tayo dun eh. Gusto ko lang panoorin ang mga batang naglalaro. Ako na po ang bahala ka