Share

CHAPTER 2

Author: LovieNot
last update Last Updated: 2023-09-27 06:46:37

Medyo mabigat ang pakiramdam ko nang magising ako. Siguro ay dahil sa pagod na rin nitong mga nakaraang araw. Hindi na yata kinakaya pa ng katawan ko. Wala naman akong lagnat pero feeling ko ay meron. Agad akong napalingon sa pwesto ni Edrick. As usual, wala na naman siya.

Kailan ka pa ba masasanay Lex?

No… Ayokong masanay na wala siya lagi sa tabi ko. Natatakot ako na yun ang mag-uudyok sakin para sumuko. Bumangon na ako at dumiretso sa CR. After kung maligo at makapag ayos at linis sa kwarto ay bumaba na ako, baka sakaling maabutan ko pa siya.

“Good morning nak.”

“Good morning nang. Si Tsong?”

“Ay! Kanina pa nakaalis. Akala ko ay gising ka ng bumaba siya rito kaya hindi na kita inakyat.” Napasinghap na lang ako at napatango-tango.

“May sinabi ba siya 'nang bago umalis?”

“Wala naman. Hindi nga rin ‘yon kumain eh.”

“Hindi kumain? Bakit naman?”

“Hindi ko rin alam. Ikaw ba, kumain ka kagabi?”

Nasapo ko ang aking noo. Kaya naman pala nanghihina ako dahil nakalimutan ko ng kumain. Natulog na lang ako kaysa malungkot at magdamdam. Wala naman akong mapapala.

“Ahh… Oo, kumain naman ako. Tulungan mo akong magluto 'nang. Dadalawin ko si Tsong sa set nila mamaya, dadalhan ko na lang siya ng pagkain.”

“Ohh sige. Mabuti pa nga. Yayain mo na lang din siyang mamasyal pagkatapos ng work niya nang makapag-bonding naman kayo.” Pilit na ngiti ang pinakawalan ko. Gusto ko ang ideyang iyon pero ewan ko lang sa kanya. Pumasok ako sa kusina at nagsimula nang magluto.

“Kain ka na muna Lex. Hindi ka naman yata kumain kagabi eh. Walang bawas ang pagkain na itinabi ko para sa’yo.”

“Wala ho talaga akong gana. Manang pwede ba akong humingi ng pabor?”

“Ano ba ‘yon, 'nak?”

“Kapag pumunta rito sina Tita Nana, ‘wag na ‘wag niyo ho sanang mababanggit ang nangyayari sa amin ni Edrick. Alam niyo naman ho siguro na we’re not really in a good terms right now. Kailangan lang ni Tsong ng makakaintindi sa kanya, he needs me. Alam kong babalik din siya sa dati.” Napabuntong-hininga sabay tango lang ito bilang tugon sa aking pakiusap.

“Pero sana naman nak unahin mo muna ‘yong sarili mo. Hindi pwedeng ikaw at ikaw lang ang umiintindi. Sana nga bumalik na sa dati si EJ,” maya-maya ay saad nito.

Ngumiti naman ako nang pilit. “Aalagaan ko naman po ang sarili ko, ‘wag niyo akong aalalahanin.”

Pagkatapos naming magluto ay naghanda na ako. Tinawagan ko na muna si Pierce dahil siya lang naman lagi ang nakakasama niya.

“Hello Lex.”

“Hello, Pierce itatanong ko lang sana kung saan ang set niyo ngayon?”

“Ah, hindi kami magkasama ngayon ni EJ. Sina Garry ang kasama niya, tatanungin ko na lang then I’ll text you the address.”

“Yes, please? Salamat talaga.”

“You’re always welcome.” Pinutol ko na ang linya at hinintay na lang ang text. Lumabas na ako at inihanda na rin ang sasakyan. Napapitlag ako nang bigla nagvibrate ang phone ko.

“Good morning po Ma’am Alexa,” bati sa’kin ni Pia. Ang Personal Secretary ko sa A’s Publishing Company na pagmamay-ari ko rin naman.

Mula nang maikasal ako kay Edrick ay pansamantala muna akong tumigil sa pagsusulat at itinuon ang aking atensyon sa APC dahil mas gusto kong tumulong sa mga kabataang gustong maging manunulat kagaya ko.

“Good morning. Problem?”

“Pumayag na po si Mr. Maxwell na mag-invest sa APC at nagpa-set na ho siya ng appointment with you ngayong araw.”

At last! Napapayag ko rin ang batong iyon. Isa yata ako sa maswerteng hindi niya ni-reject. Kahit may kasungitan ang lalaking iyon ay pakiramdam ko naman ay magkakasundo kami.

“Mabuti kung gano’n. Pero may lakad ako ngayon eh. Ano bang oras?”

“Mamayang 1:00 pm po.”

“Okay. Got it. Susubukan kong humabol pero kung hindi ako makarating ay ikaw na ang bahalang makipag-usap sa kanya.”

“Copy Ma’am.”

Napabuntong-hininga na lang ako. Mabigat pa rin ang ulo ko pero kaya pa naman. Nang matanggap ko na ang text galing kay Pierce ay umalis na ako. Sana man lang matuwa siya sa pagbisita ko sa kanya. Hindi niya man lang ako ginising.

Hindi ko na alam kung saan ba patutungo ito pero handa pa rin akong sumugal. Handa akong masaktan ulit  maisalba ko lang ang paunti-unting lumalabo naming relasyon. Nangako kami sa isa’t-isa at yun na lang ang pinanghahawakan ko sa ngayon.

Dahil sobrang traffic ay mahigit isang oras din bago ko tuluyang narating ang venue ng shoot nila. Kinuha ko na ang paper bags na may mga lamang foods at hinanap na siya. Agad kong nakasalamuha ang mga teen artists na kasamahan niya.

Wala siya rito, asan kaya?

“Oh? Miss A.A! My God! Ang ganda niyo po.”

“Salamat. Ang ganda mo rin.”

“Kinilig naman po ako, ako nga pala si Yasmin.”

“Ako naman po si Ylona. Idol po kita.”

“Talaga ba? Salamat.” Isang pilit na ngiti ang ibinigay ko sa mga ito. Ang totoo ay kilala ko naman talaga sila dahil mga sikat sila eh.

“Pwede bang magtanong?”

“Yes po. Ano po ‘yon?”

“Si Edrick ba nandito?”

“Ay! Kanina po pero lumipat na sila. Tapos na ho kasi sila rito eh. Actually, parang kakaalis lang nila.”

“Yie! Dadalawin pala si Mahal.”

“Sana lahat dinadalaw, diba?” Tuksuhan pa nila. Ngumiti na naman ako.

“Gano’n ba? Alam niyo ba kung saan?”

“Earl diba alam mo?”

“Ah yes. Ako po papunta rin doon. Sabay na lang po kayo.”

“Sige. Aalis ka na ba?”

“Opo, tara na.” Sumunod na lang ako kay Earl.

Another one hour na naman ang biyahe. It’s 11:00 am already. May isang oras na lang ako. Pagkarating namin sa venue ay hindi na ako nag-aksaya ng panahon pa. Agad na nagtanong ako at hinanap siya.

“Nasa tent po na 'yon. Pasok ka na lang po kayo,” ani ng napagtanungan ko.

“Salamat,” saad ko at mabilis na tinungo ang tent. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang akong kinabahan. Napahawak pa ako sa aking dibdib at napapikit. Ang tibok ng puso ko ay parang hindi na normal. Ang sakit. Kinalma ko muna ang aking sarili bago pumasok.

“Bakit ba kasi ang gwapo mo? Nanggigigil tuloy ako sa’yo.” Napahigpit ang kapit ko sa paper bag at tila ba nayanig ang sistema ko.

He’s with his singing partner Crisha at nakaakbay pa talaga siya do'n sa isa habang magkadikit na magkadikit na nakaupo.

“Ewan ko ba. Ganda mo rin naman ah?” aniya sabay tawa. Nasaktan ako ng marinig ang tawa niya. Tawang hindi niya nagagawa kapag nasa bahay o kapag kausap ako. Tawang matagal ko ng hindi naririnig.

“Mas gwapo ka kapag nakatawa. Gawin mo ‘yan lagi ha?”

“Kung ‘yon ang gusto mo eh di sige. Pero kapag tayo lang ang magkasama.” Napapikit ako habang iniinda ang sakit. Tuluyan na akong pumasok. Meron naman silang kasama rito na parang wala namang pakialam sa kanila.

“Excuse me,” untag ko sa kanilang lahat. Nakita kong napahiwalay agad sila sa isa’t-isa.

“Oh… Miss A.A,” masiglang saad nung isa. Napadapo ang tingin ko sa kanya. Para bang nawalan agad ng kulay ang kanyang mukha. Nginitian ko siya.

“What are you doing here?” paasik niyang tanong.

“Ahh, guys labas muna tayo!” anunsiyo nung isa. “Sa labas lang kami,” paalam naman ni Crisha sa kanya.

“Sige. Saglit lang naman ito.” Napalunok ako. Hindi man lang siya masaya na nandito ako. Hinintay ko munang makalabas lahat bago ako nagsalita.

“Sinabi kasi ni Manang na hindi ka kumain ng agahan kaya naman hinatidan na lang kita.”

“Anong tingin mo sa akin, bobo? Pwede namang bumili ako ng pagkain at kumain kasama ang mga katrabaho ko diba? Hindi ka na sana nag-abala pa.” Nakagat ko naman ang labi ko. Wala naman akong sinabing bobo siya diba?

“Gusto ko lang din namang dalawin ka.”

“Dalawin? Bakit? Hindi ba ako umuuwi sa bahay?”

“Wala naman akong sinabing hindi ka umuuwi.” Nakita kong napakuyom pa siya. Bakit ba ang laki ng galit niya sakin?

“Iwanan ko lang ito rito. Alis na ako dahil may meeting ako with Maxwell.”

“With whom?”

“With Mr. Maxwell,” ulit ko at tinalikuran na siya bago pa ako makabitaw ng salita na sa bandang huli ay pagsisihan ko rin naman.

May oras pa ako para sa biyahe. Hindi naman masyadong traffic na kaya sakto lang ang dating ko. Agad na nakipagsosyo ako kay Maxwell at maayos naman ang aming naging usapan.

“You look so stress Miss Sebastian,” puna nito sa akin.

“Mrs. Ramirez,” agad na pagtatama ko.

“Whatever. Magpahinga ka naman minsan. Isa ka sa mayamang tao sa bansang ito kaya hindi mo na kailangang pagurin ang sarili mo.” Matutuwa sana ako kung si Edrick ang magsabi na ganyan para maramdaman ko man lang na may pakialam pa siya sakin.

“Anyway, so it’s all settled. Mauna na ako,” paalam nito. Tumango na lang ako. Napasandal ako at inalala ang senaryong nadatnan ko kanina.

Cheating is a sin tho. Masakit pero kakayanin ko Edrick para sa pangakong binitawan ko sa’yo noong araw na isinuko ko ang buhay ko sa’yo. Dadayain ko muna ang sarili kong emosyon para sa'yo, para sa pagmamahal na nararamdaman ko para sa'yo.

Lumabas na ako ng opisina at umuwi na lang ng bahay para makapagpahinga. Nararamdaman ko na kasi ang panghihina ng aking sistema. Nadatnan ko sina Lovely na nasa sala.

“Oh? Napadalaw kayo?”

“Wala kaming misyon eh. Kamusta?”

“Ayos lang naman. Galing ako kanina sa set nina Tsong.”

“Wow ha? Sweet naman. Sana ganyan din tayo Love ha?” singit ni Jaivee.

“Anong ganyan?” asik ni Lovely.

“Iyong sweet pa rin kahit matagal ng kasal.” Napalunok ako ng sunod-sunod.

“Oo nga. Gusto ko ‘yong araw-araw akong nakangiti sa kabila ng lahat just like Alexandra. Kaya naman, gayahin mo si Edrick! Loyal!”

Kung alam mo lang ang nasa likod ng mga ngiti kong ito Lovely. Gugustuhin mo pa kayang maging ako? Gugustuhin mo pa kayang mapunta sa posisyon ko?

“Anong oras pala uwi ni EJ?” Hindi agad ako nakasagot. Hindi ko naman kasi alam kung uuwi ba siya o hindi eh. “Hindi ko alam. Depende naman kasi sa magiging schedule niya eh.”

“Gano’n ba? By the way, may lakad pa pala kami. Dumaan lang talaga kami rito para kamustahin kayo. Mauna na kami ha?”

“Okay. Salamat sa pagbisita.” Umakyat na rin lang naman ako sa kwarto at nagbihis. Nagsulat na lang muna ako habang naghihintay sa kanya.

7:00 pm… Naidlip na muna ako dahil ang sama na din talaga ng pakiramdam ko.

8:00 pm… Ginising ako ni Manang para kumain. Kahit nakakalungkot ay pinilit kong lunukin lahat ng kinakain ko. Namiss kong makasabay siya sa hapag kainan.

10:00 pm… Nasa sala pa rin ako. Nanunuod habang hinihintay siya.

11:00 pm… Tinawagan ko na siya pero nagriring lang naman. 20 miscalls and 20+ messages pero no response at all. Baka busy pa rin siya. Tama, baka nasa shoot o rehearsal pa rin o baka pauwi na rin. Nilalamig na ako pero mainit naman ang katawan ko.

“Nak, matulog ka na. Diba masama pakiramdam mo? Ako na ang maghihintay kay EJ.”

“Ayos lang ako ‘nang. Ako na ang bahala rito.”

“Sure ka ba? Uminom ka na ba ng gamot?”

“Hmm.. tapos na po.”

“Sige, akyat na ako.” Tumango na lang ako. Sumisikip na naman ang dibdib ko.

Asan ka na ba? Uwi ka na please?

12:00 am… Wala pa ring Edrick na dumating. Nararamdaman ko na ang kirot ng ulo ko.

1:00 am… Hindi na yata siya uuwi. Baka pagod na siya sa work at nagcheck-in na lang sa hotel. Sana naman hindi niya na kasama si Crisha roon. Napahawak ulit ako sa aking dibdib.

Ayos lang ako. Okay lang ako. Kaya ko ‘to dahil ito ang dapat at kailangan. Umakyat na ako sa kwarto at bago natulog ay nagtext muna ako sa kanya.

“Good morning. Sana nasa safe place ka ngayon. Hinintay kita pero ‘di ka na naman umuwi. Hindi ka man lang tumawag o nagtext. Pero naiintidihan kita. Sleep well. I love you.”

Kahit sana hindi mo ako kibuin basta katabi lang kitang matulog ay ayos na sakin yun. Isang gabing wala ka na naman sa aking tabi.

Napasinghap na lang ako. In-off ko na ang cellphone at natulog na lang din.

Vote. Comment. Follow.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Hara Miya
grabeee na this
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Shattered Promises (FILIPINO)   CHAPTER 3

    Nagising ako dahil sa kalabog ng pinto pero nanatili akong nakahiga dahil sa sobrang sama ng pakiramdam ko. Napadako ang tingin ko sa taong pumasok at nakahinga ako ng maluwag ng mapagtantong siya pala.Salamat naman at naisipan niya pang umuwi."Where have you been last night?" usisa ko sa kanya. Ininda ko ang sakit ng ulo at bumangon."Sa hotel.""Bakit hindi ka man lang nag-text?""Wala akong load."Walang load? Impossible! "Eh di sana..." hindi ko na lamang itinuloy ang sasabihin ko pa sana. "Maligo ka na. Ako na ang maghahanda ng bihisan mo. After that, kumain ka muna bago umalis." Tinitigan niya pa muna ako saglit at saka pumasok na sa CR.Napasinghap na lang ako at kinuhanan na siya ng damit. Inilapag ko iyon sa kama at saka nauna nang bumaba."Oh? Aga mong nagising Lex," puna sa akin ni Manang Peng."Umuwi pala si Tsong?""Oo, pero kakarating niya lang din. Ang sabi ay maliligo lang. Aalis din daw agad siya. Sinabi ko sa kanyang may sakit ka...""Ayos lang naman ako. Kaya ko

    Last Updated : 2023-09-27
  • Shattered Promises (FILIPINO)   CHAPTER 4

    Nandito na ako ngayon sa isang private cemetery para dalawin si Baby Xandreik. Today is his birthday also. Ang buwan at petsa na ipanangak ko siya ay siya ring pagkawala niya.Kahit anong sabihin ko, kahit anong pandiwa pa ang gamitin ko, walang salitang makakapaglarawan sa sakit na aking nararamdaman hanggang ngayon.Sa dinarami-dami, bakit siya pa? Bakit ang anak ko pa? At 'yong pinakamalala? Hindi lang anak ang nawala sa'kin kundi mukhang pati asawa ko and it's scares me to death.Iyong gustong-gusto kong bumitaw pero hindi ko kaya. Hindi ko kakayanin ang sakit kapag pati siya ay nawala. I can't live without him anymore.Kahit kailan ay hindi ko nakita ang sarili ko sa ganitong sitwasyon. Na magtitiis ako dahil lang sa taong mahal ko. Dahil sa taong paulit-ulit na ni-re-reject ako. Rejection na pinakamasakit.Nasasaktan ako pero alam kung mas masasaktan pa ako kapag binitawan ko siya, kapag mapunta siya sa iba.What about us? What about those promises that we made? The memories we

    Last Updated : 2023-10-18
  • Shattered Promises (FILIPINO)   CHAPTER 5

    What to wear, huh? I should dress formally so I won't look like a beggar when I face her.I also applied light makeup to hide the sadness and pain that have taken over my system.I'll let her see the other side of me.I hurriedly left the house when I received her message. She agreed to meet me.Good news, then. Be prepared, Alexandra. If you don't do this now, when will you? When it's too late? When there's nothing left of you? Don't be a loser.Tumunog ang phone ko kaya agad kong sinagot."Ma'am?" bungad ng secretary ko. Hindi pa man ito nakakapagsabi ng pakay nito ay alam ko na iyon at may sagot na rin ako sa concern nito. "Yes?" kaswal kong tugon. "Meron ka pong tatlo meeting today...""Cancel mo lahat," kaagad kong pamumutol. "Po?" naninigurado nitong usisa. Kahit gaano ako kapagod at ka-busy ay hindi ko ugaling mag-cancel ng appointments kaya malamang ay nanibaoo ito. "I said, cancel mo lahat. May mahalaga akong appointment ngayon.""Noted po."Agad na pinaharurot ko na ang

    Last Updated : 2023-10-18
  • Shattered Promises (FILIPINO)   CHAPTER 6

    Nandito ako ngayon sa isang Caffee with Mr. Maxwell Lawrence "Thank you for investing and for trusting me on this, Mr. Maxwell. I am giving you the assurance on this.""Well, no need to thank me, Miss Sebastian. Business is business." Napatango naman ako. Wala na siguro akong magagawa tungkol sa Miss or Mrs. issue niya sa akin."Mauna na ako." Nagulat pa ako nang mabilis niyang hinawakan ang braso ko.Napataas-kilay naman ako. He's always acting weird since we met. Konti na lang iisipin kung may gusto ito sa'kin.Bakit? Dahil una, hindi man lang ako nahirapang mag-set ng appointment with him. Pangalawa, walang alinlangang pumayag siya na mag-invest sa PC ko. Pangatlo, parang concern siya sa'kin everytime na nagkikita kami.In short, ibang-iba ang Maxwell na ito sa Maxwell na sinasabi nilang rude, jerk, cold, snobber at kung ano-ano pa.["You look so stressed, Miss Sebastian.""Mrs. Ramirez.""Whatever. Magpahinga ka naman minsan. Isa ka sa mayamang tao sa bansang ito kaya hindi mo na

    Last Updated : 2023-10-25
  • Shattered Promises (FILIPINO)   CHAPTER 7

    "Hello?" sagot ko sa tawag ni Pierce."Lex! Busy ka ba mamaya?" "Hindi naman. Why?""Just wanna invite you sa party.""Party?""Yes. Birthday ko kasi." Natigil naman ako sa pagsusulat at napasandal sa kinauupuan ko."Oh... Happy birthday.""Thanks. Ano? Makakapunta ka ba?""I am not sure pero susubukan ko. Saan ba ang venue?" nag-aalangan kong tanong."K's Bar. Mas gusto ko kasing sa labas i-celebrate ang birthday ko rather than home. You should come. Pupunta rito sina Edrick and Crisha." Natigilan naman ako.Si Edrick na hindi ko man lang namamalayang umuwi at umalis ng bahay. Late na masyadong umuwi at masyadong maagang umalis. Minsan ay natituyempuhan ko siya pero parang hindi niya naman ako kilala."Sorry ha? Hindi ko agad nasabi sa'yo ang napapansin ko sa kanila.""It's not your fault. Sige, pupunta ako ""Yay, salamat, Lex. See you later. Bye.""Bye." Napasinghap naman ako.Muli na naman bang pagtatagpuin ang landas natin, Crisha? Sinabihan na kita pero hindi ka nakinig. Ang ka

    Last Updated : 2023-10-25
  • Shattered Promises (FILIPINO)   CHAPTER 8

    Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata. Kinusot-kusot ko pa. What happened?Nasa clinic ako ng RAO. Naalala kong natamaan nga pala ako ng bottle ng wine. Napabuntong-hininga na lang ako.Ginawa ko 'yon dahil sa iisang rason. Napailing na lang ako. Napakadesperada ko na nga talaga. Hindi ko na mahanap pa ang dating ako."Mabuti naman at gising ka na." Agad akong napalingon sa may pinto.It's Edrick. Mabuti naman at nandito siya. Buong akala ko ay hindi ko na naman siya mamamataan dito.Bumangon ako at naupo kahit nahihilo pa rin ako."Anong sumagi sa isipan mo at sinalo mo ang bottle gamit ang noo mo ha? Nag-iisip ka ba talaga, Xandra?""You asked me to take good care of Crisha, diba? Kung hindi ako ang natamaan ay malamang na siya." Nagtagis naman ang kanyang panga. "Pero hindi ko sinabing ipahamak mo ang sarili mo.""Hindi nga. Sa tingin mo ba kung siya ang natamaan no'n ay nandito ka ngayon at kinakausap ako ha? Malamang siya na naman ang kasama mo, siya ang binuhat at inalaga

    Last Updated : 2023-10-25
  • Shattered Promises (FILIPINO)   CHAPTER 9

    "You know what?" bungad agad ni Lovely. Kakapasok nga lang niya. Nasa pad ko lang ako, pinag-aaralan ang hawak kong kaso.Hindi ko alam kung anong nangyayari pero mula dito sa loob ay naririnig ko ang ingay nila.Ilang buwan na rin akong nakatambay dito sa camp. Wala akong ginawa kundi magkulong at mag-isip magdamag.But later on, na realized ko rin naman na may mas mahalaga pang mga bagay na dapat kung pagtuonan kaysa sa masalimuot kong nakaraan.Mas nakakawalang gana lang kapag sumasagi sa isip ko ang nakakatangang parte ng buhay ko.Kaya nga the moment na natauhan ako ay agad na inayos ko ang aking landas at sunod-sunod na kumuha ng misyon.Pang limang misyon ko na itong kidnapping na naganap. Sana katulad ng apat ay mapagtagumpayan ko rin ito. Ito ang pinakamahalaga at makahulugang misyon para sakin kung magkataon."Ano? Bakit ang iingay niyo? Hindi ako makapag-concentrate sa ginagawa ko.""Kasi naman..." May inilapag siya sa kama ko. Sobre iyon. Tumayo naman ako at sinuri iyon."

    Last Updated : 2023-10-25
  • Shattered Promises (FILIPINO)   CHAPTER 10

    "Sure ka? Ayos lang na makasama mo siya sa misyon?" paninigurado pa sakin ni Jaeve.Wala naman na akong choice. Kung hindi ko siya tatanggapin as a partner then I need to quit from that mission bagay na hinding-hindi ko gagawin. Bakit? Dahil una ay interesado ako. Pangalawa, ay kahit sa misyon man lang na ito ay may mailigtas akong buhay ng inosente. Pangatlo ay nararamdaman kong parang kailangan ko talagang hawakan ang kaso nina Mr. Chan. Pang-apat, bakit ako ang bibitaw? Nauna yata ako sa misyon na iyon! Besides, I am not good at giving up without trying my best at all. I will just consider this as one of the inevitable situations since we still belong to the same group."Yes," tipid kong sagot. Tumayo na muna si Jaeve at nagpaalam na lalabas. Naiwan kami ng daot niyang girlfriend."How about your... You know!" makahulugang usisa nito agad."My what? Past with him?" tumango naman ito"I don't even remember kung ano ba talaga ang nangyari samin. Paano ako magluluksa?" Napatitig lang

    Last Updated : 2023-10-25

Latest chapter

  • Shattered Promises (FILIPINO)   SPECIAL CHAPTER

    ALEXANDRA ANGELA SEBASTIAN-RAMIREZ POVNagising ako dahil sa halakhak ng isang kagwang at dalawang bulilit pero nanatili akong nakapikit."Gisingin niyo na ang mommy," utos pa ni Tsong sa dalawa namin anak na si Xandreik Jhon and Calla Lexa.Fortunately ay nabiyayaan kami ng dalawang bibong chikiting."Ikaw na dad," ungot ni Lala, ang bunso namin. Nasa anim na taon na siya samantalang si Xan-xan ay walo na.Yong nga lang, mukhang may mga attitude itong mga anak namin. Si XJ ay para pang may sariling mundo samantalang si Calla naman ay napaka moody. Siguro iyon talaga ang produkto ng pinaghalong genes ng dalawang kagwang, psss!"Mommy, gising na. Breakfast is ready," ani Tsong sabay tapik sa braso ko. Nanatili pa rin akong nakapikit. Naramdaman ko pa na dinampian niya ng halik ang labi ko."Eww!" sabay na sambit ng dalawa."Dad, are you going rape our mom?" supladitang tanong ni Calla.Hindi na ako nakatiis at nakisabayan na ako sa paghagalpak ng tawa kay Tsong. Bumangon ako at naupo.

  • Shattered Promises (FILIPINO)   END OF BACK STORY

    ALEXANDRA ANGELA SEBASTIAN'S POV(Heart beats fastColors and promises)Sobrang bilis ng tibok ng aking puso habang naglalakad ako papuntang altar. Malayo pa lang ay natatanaw ko na si Edrick na gwapong-gwapo sa kanyang suot.Sinalubong din ako nina Tita Nana at Uncle Troy. Sila na ang tumayong parent ko.Dad, Mom sana nakikita niyo po ako ngayon. Naglalakad na po ako papuntang altar oh, how I wish na kayo ang mag-aabot ng kamay ko sa taong mahal at makakasama ko na habang buhay. Sana po, masayang-masaya din kayo ngayon for me.Don't you worry po, Edrick is the best man for your heiress."Edrick, ingatan mo itong inaanak namin ha? Tandaan mo, buong RAO ang makakalaban mo kapag pinaiyak mo si A.A.""Y-es naman po. Promise, hinding-hindi ko po siya sasaktan."Kinuha niya ang kamay ko at hinalikan.(I have died everyday, waiting for you)"Sobrang ganda mo. Deserve ko ba talagang magkaroon ng asawang diyosa?" Natawa naman ako."Ano ka ba tsong? Ako lang ito, si Xandra lang ito oh."Siya n

  • Shattered Promises (FILIPINO)   UNEXPECTED OUTCOME

    CHAPTER 36ALEXANDRA ANGELA SEBASTIAN POV"At last nakarating din! Ang ganda dito Lex ha?" lintanya ni Leslie.We're here at Tagaytay, sa S' Hotel. Nagyaya kasi ng vacation ang mga ito.And since tatlong kwarto lang ang nasa loob ng luxury room at ayaw naman nilang maghiwa-hiwalay kami kaya isang kwarto lang kami ni Edrick, si Faye at Larry and magkasama sa iisang kwarto sina Faye, Shara at Leslie.Si Kier naman ang siyang pinaka mabait na pumayag na sa ibang kwarto na lang siya. Basta daw makikita niya pa rin si Les. Tsk. Mukhang tinamaan na ang isa."This is owned by her, actually," ani Sha. Nanlaki naman ang mata ng isa."Whoaa! Really Lex? Ang yaman mo naman pala ah! Sabagay, may sarili ka ng ngang publishing house. Pwede na!""Pwede na?""Yeah, pwede na kayong mag-settle down ni Tsong." Natigilan naman ako. Hindi pumasok sa isip ko ang sinabi niya eh.Nailibot ko ang aking paningin sa kabuuan ng silid."Where's Edrick pala?" usisa ko. Nagkibit balikat lang sila.Saan naman kaya

  • Shattered Promises (FILIPINO)   CONFESSION AND PROPOSAL

    CHAPTER 35LESLIE'S POVNasa Araneta na po kami dahil ngayong gabi na ang concert nina Edrick and Dina.Kasama na nga rin namin sina Sha and of course ang bida sa buhay ni DeeJee, si Alexandra.Nasa bukana mismo kami ng entablado kasi nga may pasabog daw si Tsong. And we don't know kung ano iyon. Pero feeling ko may alam na sina Zelle.Baka magtatapat na si Edrick kay Dina in front of Alexa?Goodbye Philippines na naman ang tema ng tsang kung magkataon."Aray! Dahan-dahan naman," reklamo niya dahil hinila na siya agad paupo ni Sha."Sorry, bagal mo eh."Well, Sha is my one of my close cousins who happened to be Alexandra's best friend din pala. Hindi ko alam 'yon pero ngayon alam ko na. Gulo ba? Hayaan mo na nga.Minuto na lang at magsisimula na kaya naman nagsisimula nang mag-ingay ang paligid."My god! I'm so excited! Sana may kissing scene naman ang dalawa 'no?""Oo nga! Para maiba naman, lagi na lang hugs yong eksena nila. Almost two years na rin silang magka-love team eh.""I ca

  • Shattered Promises (FILIPINO)   EX-LOVERS

    CHAPTER 34ALEXANDRA ANGELA'S POV"Kyaah! Miss A.A is here!""OMG, oo nga. Is it true? Pakisampal nga ako!""My goodness! Akala ko fake news lang nasagap ko, totoo nga pala!""Mabuti na lang din at naniwala ako sa mga nababasa kong ads eh. Baka na miss ko ang event na ito kung magkataon!"Napangiti ako dahil sa bulungan na iyon habang papaupo na ako sa pwesto ko. Magkalapit lang ang table namin ni Leslie. Nagugulat niya akong tiningnan. Mas nauna siya saking umuwi kaya naman hindi niya alam na umuwi din ako.Of course, bukod sa amin ay madami ding nobelista ang nandidito at lahat kami ay purong Pilipino.Ngayon na nga ang Grand Book Signing. Nakak-proud lang talaga na sa kabila ng modernisasyon ay patuloy pa ring namamayagpag ang mga may akda ng libro.Na marami pa ring nagbabasa ng kwento instead na magbabad na lang sa internet o sa social media.Meron ding Wattpad app na kung saan iba't-ibang stories din ang mababasa gamit ang gadgets pero heto sila ngayon, nakikipila at nakikipag

  • Shattered Promises (FILIPINO)   FORGIVE NOT FORGET

    CHAPTER 33ALEXANDRA ANGELA'S POVNapasinghap ako ng maramdaman ko ang hangin na dumampi sa aking balat.Masarap iyon sa pakiramdam. Pumasok na ako sa bagong bili kong condo dito sa Los Angeles. Actually, kahapon lang din naman kasi ako dumating.Inilapag ko na muna sa kwarto ang mga gamit at nagpahinga sa sala.Napaka-relaxing ng atmosphere dito. Tila ba nakaramdam ako ng kapayapaan matapos ang nakakapagod ng mga nagdaang araw.Napatingala ako sa kisame. Mukhang magandang simula na nga ito. Sana na lang ay umayon sa akin ang kapaligiran ng bansang ito.Matapos ko makapagpahinga ay ang pag ge'general cleaning naman ang ginawa ko.Walis dito, walis doon. Gusto kong abalahin ang aking sarili para naman hindi na ako mag-isip ng mag-isip ng kung ano-ano.Inilibot ko ang aking paningin sa kabuuan ng condo. Sakto lang ang laki nito. Pero hindi ko gusto ang motif ng mga cutains kaya naman lumabas ako. Naghanap ng pwedeng mabilihan ng mga kurtinang matitipuhan ko.Apple Green. Yon ang kulay n

  • Shattered Promises (FILIPINO)   ALEXANDRA'S RESENTMENT

    CHAPTER 32ALEXANDRA ANGELA'S POVTIME OF DEATH: 3:26 A.M"S-he's g-one... P-eacefully," anunsiyo ng isang agent. Nangatog ang buong sistema ko."No! Buhayin niyo siya! Please! I need my cousin! Hindi ko kayang mawala siya! Not now, please!" pakiusap ko sa mga doktor. Kinuwelyuhan mo pa yong isa."We're so sorry Miss Sebastian. Ginawa na namin ang abot sa aming makakaya, pero si Kyla na mismo ang kusang sumuko.""Please, ibalik niyo siya sakin. Nakikiusap ako sa inyo.""Pero, wala kaming kakayahang buhayin ang isang patay." Sinuntok ko ang doktor na nagsabi non. Agent siya kaya naman hindi niya na ako pinatulan. "Wala kayong karapatan na mag declare ng kamatayan ng isang tao! Diyos ba kayo ha? Diyos ba kayo?" Iling lang ang kanilang naging sagot. Lahat sila ay nakatikim ng suntok at sipa sa akin. Napakuyom ako."H-indi naman pala eh! U-malis kayo diyan! Buhay si Kyla, wag niyo akong pinagloloko! Wala kayong mga kwenta! Alis!" umiiyak kong sambit.Hindi ko pa kaya Kyla! Hindi ko pa ka

  • Shattered Promises (FILIPINO)   ALEXANDRA'S REVENGE

    CHAPTER 31ALEXANDRA ANGELA'S POVI am wearing my favorite color. Color green. From my mask, leather jacket, sleeveless and fitted pants. Well siyempre except my boots. It's black.Itinali ko din ang mahaba kung buhok para walang sagabal pa sa pagkilos ko.Kampante akong naglalakad sa teritoryo ng RAO. As in taas noo. Wala akong takot na nararamdaman para sa sarili ko. Bakit ako matatakot? Ako naman ang may-ari nito, diba? Kahit ilang batalyon pa ang ipadala dito ng LSG leader ay hinding-hindi niya ako masisindak.Tsaka ilang beses na rin akong nakalusot sa bangis ng kamatayan. I am a survivor of killing that happened 13 years ago. The bullet did not succeed to bring me on my final destination. The bombing did not blow-up my world.So, ano pa ang dapat kung ikatakot? After all, pagod na rin ako sa ganitong klase ng buhay. Kung hindi ko nga lang nakilala si Edrick ay baka ako mismo ang kumitil sa sarili kung hininga nong malaman kung pati sina Pamela ay nadamay sa gulong meron ako.

  • Shattered Promises (FILIPINO)   THE MASTERMIND

    CHAPTER 30"Xands, w-ala akong alam. Hindi ko alam kung bakit... Paanong... I don't know. Basta isa lang ang sigurado ako, nasa bahay niyo din ang ama ko noong mga panahong sinugod kayo ng mga kalaban or should I say nina Uncl... Nina Larsen."Napakuyom siya para pahupain ang galit sa kanyang sistema. Ayaw niyang magsalita sa ganitong galit na galit siya.Pero gusto niya ring ilabas ang kanyang saloobin. Gusto niyang sumigaw magmura, magwala. Lahat ng ginagwa ng taong galit ay gusto niya ring gawin pero wala na silang oras pa."Fix your things, aalis na tayo bago pa nila matunton tayo. Gagawan ko ng paraan na ma-copy ang mga liham ng Dad.""Galit ka ba sa akin?""Bakit ako magagalit sayo? Ikaw ba ang may kasalanan?" tiim bagang na kanyang sagot."Galit ka ba kay Dad?" Napakuyom naman siya. "Wag kang makulit, pwede ba? Galit ako. As in galit na galit ako Edrick! Yes, sabihin na nating nasa bahay namin siya ng araw na iyon, na sinubukan niyang iligtas kami... Pero para ano pa Edrick? P

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status