I am excited to see your comments. Thank you everyone. Baka talaga may theory kayo sa susunod na mangyayari, don't hesitate to leave a comment. Bukas po ulit ang next update.
“Rio, napadalaw ka?” agad kong kinuha ang pinamili ni mama Demi para dalhin sa loob ng bahay nila. “Itong si kuya, nagpapa good shot kay mama,” singit ni Noah sa likuran. Tumingin si mama Demi sa kaniya at binatukan siya. “Mama, seryoso po ako. Iyang si kuya, nililigawan kayo dahil gusto na niyang pakasalan si Noelle pagbalik.” Tumawa ako kay Noah pero hindi ako nagsalita sa sinabi niya dahil iyon naman talaga ang plano ko. Ginagawa ko ang lahat para magpa good shot kina papa Teiver kahit na walang alam si Noelle dito. “Kamusta si Nichole, Rio?” tanong ni mama. “She’s fine ma, kabuwanan na niya ngayon,” sagot ko. “May balita ba kay Rick August?” “Wala pa mama,” si Noah ang sumagot. “Pero nakatutok doon si mama Kapilan at papa Grant kasama ni papa,” dagdag niya. Anak ni Hitler si mama sa panahong ito at may battalion siya under her command kaya matapos no’ng barilan sa condo, wala ng nagtangang masama kay Nichole. “Kawawa naman si Nichole,” sabi ni mama. Hindi ako nagkomento
“ANAK, NAWAWALA SI NICHOLE!” Halos liparin ko na ang sasakyan ko makabalik lang ng hospital dahil sa text message ni mama. Umuwi ako ng bahay para kunin ang ilang gamit ng bata at hindi ko aakalain na wala na siya sa hospital. Nang makarating ako, agad akong lumabas ng sasakyan kahit hindi ko pa iyon na e park ng tama. Pagkarating ko, naabutan ko si mama na sinalubong ako habang nag-aalalang tumingin sa akin. “Anak… Hindi namin siya mahanap. Ang sabi niya ay magbabanyo lang siya pero hindi na siya bumalik!” “KUYA!” Sigaw ni Noah. Agad akong pumasok sa kwarto ni Nichole at naabutan ko si Noah na bitbit ang bata habang hawak ang nakatuping papel. “May sulat galing kay Nichole,” Kinuha ko kay Noah ang papel at binasa ang iniwang sulat ni Nichole. Dear Rio, Hindi ko alam saan magsisimula. Ang totoo, malaki ang pasasalamat ko sa iyo, sa pamilya mo, kay Noah at sa pamilya niya. Hindi niyo ako pinabayaan habang pinagbubuntis ko ang anak ko. Hindi ko alam kung paano ko kaya mababayar
“DADADADAAA!!” Malakas na sigaw ng anak ko habang sinasalubong ako. Time flies so fast and she can walk now at kaya na magsalita ng basic words. “Kuya parang OA. Hindi naman unang beses sinabi ni Kathleen ang dada ah?” Sinimangutan ko si Noah dahil kahit kailan ay panira siya. Ngunit hindi lang siya ang naabutan ko sa bahay dahil naroon din ang pinsan kong si Sean. “Are we good bro?” aniya. Inilingan ko siya at tinapik. “You should visit here often para makapag bonding rin tayo. Nakakasawa minsan ang mukha ni Scarlet,” sabi ko at natawa siya. Binuhat ko ang anak ko. “Is she a Pabelico?” tanong ni Sean. “What do you think?” Ngumisi si Sean. “Anak mo e so I assume na sinunod mo sa pangalan mo.” Proud akong tumango at humarap sa kaniya. “She’s my daughter so bakit hindi ko siya isusunod sa pangalan ko?” Hindi nagsalita si Sean pero ngumiti siya. Kathleen is 1 year old. Gaya ng sinabi ko kay Sean, sinunod ko si Kathleen sa pangalan ko. Hindi ko alam kung nasaan na si Nichole o
“AYAW MO BANG SUMAMA SA ‘KIN?” tanong ni Sean nang pumasok siya sa pad ko. “I can’t leave my daughter Sean. Pabalik balik sila ni Nichole sa hospital,” “Sinabi na naman ng magulang niya hindi ba na nasa New York siya?” Tumango ako. Inamin na nina mama Demi nasaan si Noelle. Nasa New York lang pala. I wanted to go pero hindi ko maiwan si Kathleen dahil hinahanap ako ng bata. “Galit pa rin sa ‘yo iyon e. Akala niya kasi niloko mo siya,” aniya at binuksan ang beer sa lata. Alam ko kasi kung hindi iyon galit, nag reply sana siya kahit isa mga chat messages ko pero wala akong nakuha kahit isang reply mula sa kaniya. “Gusto mo pa ba siya?” Sinamaan ko nang tingin si Sean. “Anong klaseng tanong iyan? Of course. Gago!” “Ang tibay mo naman! After 6 years, siya pa rin? Kahit naging busy ka sa negosyo at sa anak mo, siya pa rin?” Why not? Siya nga, she loved me bata pa siya so bakit hindi ko siya magawang hintayin? Basides, hindi nawala si Noelle. Hindi kami naghiwalay. Wala siyang sin
--PRESENT TIME-- “Rio, umuwi ka na muna anak. Kailangan mong puntahan si Noelle,” ani ni mama sa ‘kin. “Si Kathleen ma?” “Nandito naman kami. Kaya na namin ito,” sabi niya sa akin. Tumango ako kay mama. I need to see Noelle. I need to talk to her pero sobrang pagod ako kaya bago pa ako matumba, hinawakan na ni papa ang braso ko. “Matulog ka muna bago mo puntahan si Noelle,” sabi niya. Yeah. Halos hindi ko na maihakbang ang paa ko. I’m too tired. -------------------------- Gabi na nang magising ako dahil sa tawag ni Noah. “Kuya, you need to get Noelle here. Ayaw niya makinig. Kasama niya si—SHIT! NIKOLAY!” Hindi na ako naligo pa at lumabas ng condo matapos patayin ni Noah ang tawag. Noah texted me the location kaya alam ko kung saan ko hahanapin si Noelle. Pagpasok ko pa lang sa bar, nakita ko na siyang sumasayaw kasama ni Nikolay. Nakagat ko ang pang ibabang labi ko. Shit! I fvcking miss her so much. 2 weeks din kaming hindi nagkita matapos ng bakasyon namin sa Rosario. L
Noelle Donio Tejada “Anong ginagawa mo dito?” tanong ko kay Daniel nang sumunod siya sa akin sa loob ng bahay. Bakit parang walang tao? “Minahal mo ba ako Noelle?” tanong niya sa likuran. Nasaan sina mama? “Sinabi ko na sa ‘yo ang sagot ko diyan Dan. Mahal kita bilang kaibigan.” Walang katulong, walang bodyguards. Teka nga. “Mahal kita Noelle,” Heto na naman ba kami? Pipilitin na naman ba niya ako? “Dan.. Salamat pero hindi ko kayang suklian ang pagmamahal mo. Nagpropose na si Rio. Magpapakasal na kami,” sabi ko na agad niyang ikinalaki sa mata niya. Tumalikod ako para hanapin ang mga tao sa bahay. Kinakabahan ako. Ihahakbang ko na sana ang paa ko palayo sa kaniya nang bigla akong yakapin ni Dan mula sa likuran. Ang kamay niya ay nasa bewang ko nakapulupot habang ang isa ay nasa ilong ko na may kasamang panyo. “Sleep tight, my love,” the words I heard bago ako nawalan ng malay. ----------------------- Pagmulat ko, isang madilim na kwarto ang namulatan ko. Bumukas ang pi
“NOELLE!” Excited na sabi ni Dan nang pumasok siya sa kwarto ko. Lumapad ang ngiti ko dito. 7th day. 7th day na pagpapanggap na masaya sa harapan niya. “Babe, I have a surprise for you.. Makakalipat na tayo ng bahay. Tapos na ang renovation,” aniya na nagpawala ng ngiti sa labi ko. Anong renovation ang sinasabi niya? Nagpakagawa siya ng bahay para sa amin? Ganito na ba talaga ka baliw itong si Dan? “A-Anong renovation?” “Nagpakagawa ako ng bahay natin.” Masayang sabi niya. Hindi ba siya kinikilabutan sa sinasabi niya? Nagpagawa siya ng bahay namin? So noon pa lang, plinano na niya ito? “Wow! Talaga?” natutuwang sabi ko. Lumapit pa ako sa kaniya para yakapin siya. Pero ang totoo, ang pangamba sa mata at dibdib ko ay abot hanggang langit na. “Pwede ba akong lumabas Dan?” tanong ko. “Bakit?” “Curious kasi ako kung ano ang nasa labas ng kwarto na ito.” Inilayo ako ni Dan sa kaniya at tinitigan sa mata. “Nasa labas si k-kuya,” aniya na para bang hindi pwede dahil naroon ang kuy
“DAAAN!” Sigaw ko. Nagmamadali si Dan sa pagpunta pabalik sa akin habang ang luha ko ay sunod sunod na sa pagtulo. “Noelle!” Niyakap ako ni Dan nang makabalik siya at ako ay umiiyak sa dibdib niya. “Dan, dinilaan niya ang leeg ko,” sumbong ko habang umiiyak. “Chill, Dan, wala akong ginagawang masama sa kaniya,” naunuwayang sabi ni Rick. “Alam mo ano ang masama na tinutukoy ko. Simpleng pagdila sa leeg niya ay hindi niya ikamamatay,” at tumawa siya ng malakas. Nanginginig ako sa takot. Hindi ko kayang tagalan ang kuya ni Dan. “Kuya naman. Huwag mo namang galawin si Noelle.” “Of course baby brother. Pag-aari mo siya hindi ba?” Hindi na sumagot si Dan. Pero ramdam ko ang mariin na titig ni Rick sa mukha at katawan ko. “Sa kwarto nalang tayo kakain,” bulong ni Dan sa akin. Tumango ako at inakay niya ako pabalik sa kwarto na pinagdalhan niya sa akin dito. Hindi pa rin matigil sa pagtulo ang luha ko. Natatakot ako lalo’t sobrang manyak makatingin ng mga tauhan ni Rick sa akin. Al