Nagpapaka-kuya si Noah kay Noelle. Anyway, may update isa mamaya. Baka gabi or hapon ma e post. Ginagawa ko rin kasi ang story ni Kei. Hoping ma availbale siya next week.
Sabado ngayon at busy sa sportsfest ang lahat. Naka jogging pants at white shirt ako ngayon habang may suot na cap. Ang init kasi. Sophomore na ako at ngayon nga ay hinahanap ko si ate Nikolay. Nagtext siya sa akin kanina na nasa registration area siya. Sasaabay ako maglunch sa kanila ni Noah. Hindi ko alam saan ang registration area ng mga sophomore ngayon kaya naglibot libot nalang ako sa campus. Alam kong para sa buong high school students itong sportsfest pero nagulat ako nang makita ang ilan sa kaklase ni kuya Rio na napadpad dito. Bakit may college students dito? Agad siyang hinanap ng mata ko. No’ng freshmen ako, umiyak ako nang malaman na may girlfriend na siya. No’ng malaman ni papa na may crush ako kay kuya, sinabihan ako ni papa na umiwas sa kaniya. Hindi siya nagalit sa akin at hindi rin siya galit kay kuya Rio. Mas gusto nila mama na trinatrato lang ako ni kuya na kapatid dahil maliban sa age gap namin, gusto nilang lumaki kami ni kuya na kapatid ang turingan sa isa
Malakas na tumikhim si kuya Rio at kinuha ang pagkain na bigay ni Daniel. Agad niyang kinuha ang pagkain na nasa disposable bos. Binibenta ito sa mga booth sa loob ng campus dahil nadaan ko ito kanina. Pinanood namin siya ni Daniel na kinain ang isang stick ng hotdog roll na may egg. “Masarap,” sabi ni kuya. “Salamat, toy ah!” Aniya kay Daniel. “Kuya, Daniel po ang pangalan niya,” sabi ko kay kuya Rio. “Oh. Daniel pala ang pangalan ng totoy na ito?” Tumingin ako kay Daniel at nanghihingi ng pasensya ang mata ko sa kaniya. Kahit naman na naiinis ako sa kaniya, mabait pa rin siya sa akin. “Daniel, ito pala ang kuya ko,” sabi ko nalang kay Daniel. Umaliwalas ang mukha ni Daniel at agad na yumuko sa harapan ni kuya. Tipong nagbibigay galang sa matanda. Napanganga tuloy si kuya Rio sa nakita. “Hi po kuya ni Noelle. Ako si Dharreniel Glova. I’ll do my best para pwede kong ligawan si Noelle kapag malaki na kami,” Sabay kaming nagulat ni kuya Rio sa sinabi ni Daniel. Napatingin ako
Kinabukasan ay namulatan ko si kuya Rio sa dining table. Medyo nagulat ako nang makita siya. Sabog pa itong mukha kong kakagising lang. Pero imbes na mataranta ay pasimple kong kinapa ang bibig ko kung may laway ba sa bibig ko at sa mata kung may muta ba. “No worry, you look pretty,” nakangiting bulong ni ate Nikolay na dumaan sa tabi ko. “Good morning, Noelle,” sabi ni kuya na nakangiti sa akin. Nakita ko si papa at mama na nagkatinginan. Alanganin akong ngumiti kay kuya Rio. Dumiretso ako kay papa at mama para humaIik sa pisngi nila. Bakit nandito si kuya ng ganito ka aga? Sa harapan, nakita ko si Noah na nakasimangot sa akin. Problema nito? “Good morning kuya R-Rio,” nauutal kong sabi. Tumingin ako kay Noah at nakitang tinaasan niya ‘ko ng kilay. Tumikhim si mama sa harapan. “Your kuya Rio asked us na kung pwede ka ba raw niya isama mamaya,” Napatigil ako sa pagkuha sa hotdog dahil sa sinabi ni mama. “P-Po?” “I asked your parents kung pwede ba kitang hiramin mamaya after
Maraming pagbati ang naririnig ko mula sa mga tao na dumalo sa grad. Celebration ni kuya Rio. Graduate na siya ng college. I’m happy for him. Kanina pa kami dito pero hindi ako bumati kay kuya. Nakaupo lang ako sa table namin habang sina mama at papa ay kausap ang ibang kakilala. “Hindi mo ba babatiin si kuya, Noelle?” tanong ni Noah sa tabi ko. Wala si ate Nikolay dahil kinuha siya ni lola Roxanne. Mula no’ng sophomore ako, madalang nalang kami magkita ni kuya dahil sa busy na siya sa college life niya, busy rin ako sa amin. Mas maganda sana iyon pang move on kaya lang, wala naman akong ginawa kun’di e stalk siya lagi sa social media account niya. So ang ending, updated pa rin ako sa life niya. Nag dorm na rin siya kaya sa 2 years, kahit magkaibigan mga magulang namin, madalang lang kami magkita. Bale sa isang taon, tatlong beses lang. “Let’s go, samahan kita,” sabi ni Noah. Tumingin ako kay kuya na nakikipagtawanan sa mga kaibigan niya. Bumuntong hininga ako at tumango. Tum
Nagmamadali kong tinapos ang huling tanong sa answer sheet saka ipinasa kay Mrs. Jamero. Buti at nakaabot ako. “Ayos na, Noelle?” Tumango ako kay ma’am Jamero. Nasa 11th grade na ako at kumuha ako ng strand na GAS habang si Noah ay STEM at ganoon rin si ate Nikolay. Matatapos namin ang high school na hindi ko pa rin sila ka-klase. Sa labas, nakita ko si Daniel na nakanguso habang nakatingin sa akin. Nakangiti akong lumapit sa kaniya nang makalabas si Mrs. Jamero. “Nakakapagod,” reklamo ko. Ginulo niya ang buhok ko at hinayaan akong isandal ang ulo ko sa dibdib niya. Mula sophomore, mas naging close kami sa isa’t-isa. Naging instant best friend ko nga siya at hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nanliligaw. Ayaw ko rin naman dahil baka masira ang meron sa amin dalawa. “Tara, l***i kita,” bulong niya na ikinangiti ko. Ilang taon na rin pala kaming magkaibigan. Hindi ko na napansin dahil araw-araw naman kaming magkasama. Halos siya nga ang natatanging kaisa-isang kaibigan na mer
“Noah!” Nagmamadali akong bumaba nang makita ko sa ibaba ang sasakyan na sumundo sa kanila ni ate Nikolay. Agad akong lumapit sa kaniya. Naka open arms pa ang dalawang kamay niya animo’y yayakapin ko siya. “Bakit ka nagsinungaling kay kuya Rio? Bakit mo sinabi sa kaniya na BOYFRIEND ko si Dan?” Nawala ang ngiti sa labi niya. Tumingin si ate Nikolay sa amin na puno ng pagtataka. “Nag-usap kayo?” seryosong tanong niya. “Oo,” “Naka move-on ka na sa kaniya Noelle. Huwag mo na siyang isipin pa.” What? Ano bang pinagsasabi niya? “Noah—“ “I did that para tigilan ka na niya. Alam nating kapatid lang ang turing ni kuya Rio sa ‘yo habang ikaw hindi ganoon sa kaniya. Sinabi ko na sa kaniyang may boyfriend ka na para malaman niya na hindi ka na bata.” Napahinto ako at napatitig sa kaniya. Pero bakit ginawa niya ‘yon? Para ano? “Noah! Bakit ba nakiki-alam ka? Bakit mo iyon ginawa?” halos salubong ang kilay ko sa harapan niya. “Gusto kong ma realize niya na hindi ka na dapat niya tratuhi
“What happened?” tanong ni Noah nang makauwi kami. Nagkatinginan kami ni ate Nikolay ngunit wala kaming sinabi sa kaniya. Umalis lang ako sa harapan niya. “Kamusta ang lakad?” tanong ni papa nang makita niya ako. “Ayos naman pa,” sagot ko at humaIik sa pisngi niya. “Mama mo?” “Nagpaiwan sila doon ni tita Cha. Nauna na kami ni ate umuwi kasi kailangan pa niyang kunin ang grades niya.” “Grades?” nagtatakang tanong ni Noah. “Oo,” sagot ko. Tumingin ako kay ate Nikolay na hindi makatingin kay Noah ngayon. Pinagkunutan ko silang dalawa ng noo. “Hi,” naagaw ang attention ko sa taong nasa sala. Daniel is here. “Ang aga mo, wala pa namang practice,” natatawang sabi ko at lumapit sa kaniya para yumakap. “Ayos lang. Tumulong ako kay tito sa pag-ayos ng sasakyan.” Tumingin ako kay papa na tuwang tuwa kay Daniel. “Ang galing ni Dharenniel, anak. Akalain mong naayos niya ang sasakyan ko?” Lumabi ako. Akala siguro nila hindi ko napapansin na ibinibida nila sa akin lagi si Daniel. “Sa kw
Ilang dance practice na ang nagawa namin. Pagod na pagod na ang paa ko dahil ilang oras na akong nakatayo. “Sampa ka na,” sabi ni Dan nang makita akong sumandal na sa dingding. Humaba ang nguso kong lumalapit sa kaniya. Nakabukas na ang dalawang kamay ko, ready na para sumampa sa likuran niya. Natatawa niyang hinintay ako na makasampa sa likuran niya. Para akong butiki na nakakapit ng husto sa leeg niya. “Sakit na ng paa ko Dharenniel.” “Tiis ganda, sabi mo. So magdusa ka,” agad ko siyang itinulak sa biro niya. Hinawakan niya ang dalawang kamay ko na nakapulupot sa leeg niya. “Hold tight,” sabi niya. Itinukod ko ang baba ko sa balikat niya at humawak ng mabuti sa kaniya. Hawak niya ang binti ko habang binabaybay namin ang exit. Ngunit nadatnan namin ang pamilya ko. Nakatingin si mama at papa sa amin ng may ngiti sa labi. “Naku Daniel, itong anak namin nagpapa baby na naman sa ‘yo,” sabi ni mama pero alam nila na wala akong gusto kay Daniel. Ilang ulit kong sinabi sa kaniya na