“Apo, nandito ka na pala. Kumain ka na ba?” bati sa akin ni Lolo pagkatapos kong kumatok nang tatlong beses sa nakabukas pang pinto ng kaniyang kwarto.
Hindi ko siya naabutan sa dining at nakasabay sa dinner nang dumating ako sa bahay niya mula sa motocross camp. May mga gamot daw kasi siyang kailangang inumin on time. Si Nanay Rosing na lang at ang iba pang kasambahay ang nakasabay ko sa pagkain. Kaya naman pagkatapos kumain at mag-ayos ng sarili ay agad ko siyang pinuntahan sa kwarto niya.
Ngumiti ako nang pilit bago nilakihan ang awang ng pintuan at saka humakbang papasok. Maingat na bumangon si Lolo mula sa pagkakahiga niya sa kama. Mabilis kong isinara ang pinto para sana alalayan siya sa pagbangon pero huli na ako. Umupo na ako sa gilid ng kama niya sa bandang kanan.
“Kumain na ho ako,” sagot ko sa naging tanong niya.
“I’m sorry… I’m sorry for causing all these chaos,” ani niya sa mababang tinig
Para ba akong na-paralyze. Hindi ako makakilos sa kinatatayuan at nakabibingi ang malakas na tibok ng puso ko. Paulit-ulit na sumisigaw ang utak ko at sinasabi sa akin na hindi ko totoong kapatid si Thunder.“For real ba?” paniniguro ko pa nga.“Alam mo, Jey. Kung gaano ka kaganda, gan‘on ka rin ka-slow! If you want your feelings for him to be incest, e ‘di maniwala ka sa mga kalokohan ni mama.” Para akong nabunutan ng tinik sa paa. Pabagsak akong humiga sa malambot na kama ni Cham at kinapa ang dibdib kong nagwawala pa rin.Hindi kami magkapatid ni Thunder. It felt like a pirated audio that keeps on playing on the back of my mind. ‘Yon ba ang gusto sana niyang sabihin sa akin pero hindi ko man lang siya binigyan ng pagkakataong makapagsalita? May ngiti sa labi akong bumangon at hinablot ang sling bag ko. Naabutan kong magkasalo sa sink sina Aquinah at Cham na sabay na nagto-toothbrush.“Aalis muna ako pero
“Jehan, I’ll leave your ate Blythe to you. She’s stubborn and talkative so please bare with her annoying attitude. Please help her also to adapt with the environment.” Tatango at ngingiti-ngiti lang ako kay tito Marco habang nagsasalita siya. Nilingon ko si ate Blythe sa tabi niya at nakakapipit sa braso niya.It’s been a couple of weeks since lolo’s funeral. Ilang beses ng pabalik-balik dito sa bahay ni lolo si tito para kumbinsihin si ate na umuwi na. Malapit na kasing magbukas ang second semester at may tatlong sem pang dapat pasukan si ate Blythe. Pero kabaliktaran ng sadya ni tito ang nangyari. Siya kasi ang nakumbinsi ni ate na sa school ko na lang magpatuloy ng pag-aaral.“Dad, I’m older than her! Why are you telling her to take care of me?”“Your older yet you think more childish than her.”“Whatever, dad! Anyways, did you and tita Mariz talked?” Maging ako ay naintriga
Third Person’s POV“Anong ginagawa mo rito?” halos pabulong na tanong ni Aquinah sa taong nadatnan niya sa labas ng bahay nila. Nakasandal ang lalaki sa pundasyon ng gate na hanggang balikat lang nito. Sa higpit ng pagkakahalukipkip niya ay halatang giniginaw na ito sa tagal ng pagtayo roon.“Anong ginagawa mo rito?” pag-uulit niya sa tanong. Nilingon siya nito na para bang doon lang niya naramdaman ang presensya ni Aquinah.Nakasuklob ang hood ng suot niyang jacket sa kaniyang ulo at halos hindi makita ni Quin ang kaniyang mukha. Pero base sa tindig, katawan, height, at pamilyar na pabango nitong gamit ay walang dudang si Craig iyon lalo na’t kaka-message lang nito sa kaniya na nasa labas siya ng bahay nila.Matapos ang mainit na away nila ng mommy niya sa bahay nito kanina ay nagpasya sila ng papa niyang umuwi na muna sa bahay nila.Instead of answering her questions, Craig pulled her for a warm hug.
JEHAN’S POV“We’re married since kids. There’s no way that we can make our marriage void, Jehan. Unless, you want a divorce or annulment.”“How about finding the judge who signed the marriage certificate? Baka pwede niyang mapawalang-bisa ‘yong kasal—”“That judge was lolo’s friend and as far as I know he died two years ago.”Pabadog akong sumandal sa backboard ng kinauupuan kong seat sa loob ng umuusad na kotse ni Thunder. Nilingon ko si Thunder na nakapako sa daan ang mga mata. Paminsan-minsan siyang s********p sa boba milktea na hawak ng kabila niyang kamay. Isang linggo na rin halos ang lumipas nang malaman ko ang tungkol sa pagiging kasal naming dalawa.Nakakapanghina lang na si Lolo pala ang nag-arranged sa aming dalawa.“If you’re against this settlement, feel free to choose any of the two options that I had mentioned.”Darating daw ngayon ang abogado ni lolo kasama si tito Marco at pinapapunta kaming dalawa. Maaga pa akong tumatawag sa kaniya para sana ipaalam ang tungkol doon
“Can I kiss you?” It was just a simple question that could be answer with yes or no pero pakiramdam ko, buhay ko ang nakasalalay doon.Sumandal si Thunder sa concrete balustrade—na hanggang baywang niya—at nakatalikod sa papalubog na araw. Mula sa pagkakaharap ko sa direksyon ng sunset ay yumuko ako. Hindi ko alam ang isasagot sa naging tanong niya. Iyon bang pakiramdam na gusto mo ang isang bagay pero nahihiya kang sabihin na gusto mo ito.“Bakit ka ba kasi nagtatanong? Nakakahiyang sumagot ng oo,” halos pabulong kong saad. Nilingon niya ako habang nanatili pa ring nakasandal sa balustrade. Nilingon ko rin siya. The sun kissing his tan skin makes him more attractive in my eyes.“I just want to respect you. I remembered, I harrased you on our first encounters. Pakiramdam ko, kapag hindi ko hiningi ang permiso mo bago ko gawin ang bagay na gusto ko, mababastos kita. Paano nga kasi kung ayaw mo pala?”Sabagay,
“M-may s-sinamahan lang akong kaibigan sa ospital.”Nilingon ko si Corbi sa gilid para hingan ng saklolo pero umiwas lang siya ng tingin. I looked back at Claud but he’s nowhere to be found. Tumayo ako nang maayos at lumayo kay Thunder.Matchy sila ni Corbi ng outfit. Both are wearing denim jeans, sneakers and black leather jacket. Magkaiba lang ang kulay ng shirt, pero pareho rin iyong naka-tuck in sa jeans nila. Navy blue ang kulay ng shirt ni Corbi habang grey naman kay Thunder.“Sinong kaibigan?” may pagdududa sa boses ni Thunder.“S-si Claud! That guy I am with earlier…” pagsisinungaling ko. Nagtagpo ang mga kilay niya. Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa.“Saan mo siya nakilala?”“B-blockmate ko!”“I think, you need alone time together. Please excuse my existence.”Napaatras ako at maging si Thunder nang sa mismong pagita
Yumuko ako nang maramdaman ang pwersa mula sa ilong ko at ang mga luhang gusto nang kumawala sa mga mata ko. Nagp-play pa rin ang video sa TV pero hindi na ito katulad ng naunang video na napanood namin ni Thunder. Pulos na lamang iyon slide show kung saan ay ipinapakita ang mga pictures na kuha sa akin magmula noong baby ako hanggang noong 7 years old na ako; mga panahong dito pa sa bahay ni Lolo kami nakatira.Naramdaman kong gumalaw si Thunder sa harapan ko. Tumayo siya at naupo sa tabi ko sa couch. Hinawi niya ang buhok kong tumatakip sa aking mukha. Akala ko patatahanin niya ako. Napaigtag na lang ako nang halikan niya ako sa gilid ng aking leeg. Narinig ko siyang tumawa nang mahina bago ako niyakap nang mahigpit sa baywang. Doon na nga tuluyang nahulog ang mga luha sa aking pisngi.“Umiiyak ka ba?” tanong niya. Nakakainis! Bakit ba kasi ako walang maalala tungkol sa childhood ko?“H-hindi ah. Hindi ako umiiyak.”“So, laway mo itong nahulog sa braso ko?”Nata
Third Person’s POVDahan-dahang iminulat ng pitong taong gulang na si Jehan ang kaniyang mga mata upang makapag-adjust sa nakasisilaw na liwanag na nagmumula sa florescent lamp sa kisame. Walang ibang tao na naroon sa silid—maliban sa kaniya na ilang araw na walang malay at nakahiga sa kama. Nakaramdam siya ng kirot sa kanan niyang braso, ganoon din sa kanan niyang binti at ilang parte ng kaniyang mukha.Tahimik ang paligid. Salungat ito sa bahay na nakasanayan niyang magisnan. Dumaan sa isipan niya ang nangyari—halos magtatlong araw na rin ang nakalilipas. Itinaas niya ang kamay niya kung saan nakatusok ang dextrose na nakasabit sa metal stand. Malapit na iyong maubos. Naagaw rin ng mga bulaklak at stuff toys na halos mas malaki pa yata sa kaniya ang kaniyang atensyon. Naluluha siyang ngumiti habang pinagmamasdan ang mga iyon.Tunog ng pagbukas ng pinto sa bandang paanan ang umagaw ng kaniyang atensyon.“Mama?” was the first word that came out of her mouth.T