Jehan’s Point of View
“Jehan…”
Siguro kung normal lang na araw ito, baka napuri ko na ang interior design ng bahay nina Aquinah. But sadly, I wasn’t able to roam my gaze around as my mind was blown in shocked. Palipat-lipat ako ng tingin sa kanilang tatlo na nakapaligid sa akin.
“Wala bang magpapaliwag sa akin kung anong meron dito?” Mabigat ang paghinga ko silang tinitigan. Mula kay Quin, lumipat ako ng tingin kay mom at pagkatapos ay kay tito Arc.
“Tito, ano hong ibig-sabihin nito?” cracked ang boses at natatawa kong tanong. “Mom!”
Sa halip na magsalita, napalunok ng sariling laway si Mommy at umiwas ng tingin. Humakbang siya palayo ay Quin at nanghihinang umupo sa couch na nasa gilid niya. Muli akong bumaling kay tito na hindi makatingin nang tuwid sa akin. Wala akong nakuhang response sa dalawang nakakatanda kaya bumaling ako kay Aquinah. Diretsa siyang nakatingin sa akin nang m
“Apo, nandito ka na pala. Kumain ka na ba?” bati sa akin ni Lolo pagkatapos kong kumatok nang tatlong beses sa nakabukas pang pinto ng kaniyang kwarto.Hindi ko siya naabutan sa dining at nakasabay sa dinner nang dumating ako sa bahay niya mula sa motocross camp. May mga gamot daw kasi siyang kailangang inumin on time. Si Nanay Rosing na lang at ang iba pang kasambahay ang nakasabay ko sa pagkain. Kaya naman pagkatapos kumain at mag-ayos ng sarili ay agad ko siyang pinuntahan sa kwarto niya.Ngumiti ako nang pilit bago nilakihan ang awang ng pintuan at saka humakbang papasok. Maingat na bumangon si Lolo mula sa pagkakahiga niya sa kama. Mabilis kong isinara ang pinto para sana alalayan siya sa pagbangon pero huli na ako. Umupo na ako sa gilid ng kama niya sa bandang kanan.“Kumain na ho ako,” sagot ko sa naging tanong niya.“I’m sorry… I’m sorry for causing all these chaos,” ani niya sa mababang tinig
Para ba akong na-paralyze. Hindi ako makakilos sa kinatatayuan at nakabibingi ang malakas na tibok ng puso ko. Paulit-ulit na sumisigaw ang utak ko at sinasabi sa akin na hindi ko totoong kapatid si Thunder.“For real ba?” paniniguro ko pa nga.“Alam mo, Jey. Kung gaano ka kaganda, gan‘on ka rin ka-slow! If you want your feelings for him to be incest, e ‘di maniwala ka sa mga kalokohan ni mama.” Para akong nabunutan ng tinik sa paa. Pabagsak akong humiga sa malambot na kama ni Cham at kinapa ang dibdib kong nagwawala pa rin.Hindi kami magkapatid ni Thunder. It felt like a pirated audio that keeps on playing on the back of my mind. ‘Yon ba ang gusto sana niyang sabihin sa akin pero hindi ko man lang siya binigyan ng pagkakataong makapagsalita? May ngiti sa labi akong bumangon at hinablot ang sling bag ko. Naabutan kong magkasalo sa sink sina Aquinah at Cham na sabay na nagto-toothbrush.“Aalis muna ako pero
“Jehan, I’ll leave your ate Blythe to you. She’s stubborn and talkative so please bare with her annoying attitude. Please help her also to adapt with the environment.” Tatango at ngingiti-ngiti lang ako kay tito Marco habang nagsasalita siya. Nilingon ko si ate Blythe sa tabi niya at nakakapipit sa braso niya.It’s been a couple of weeks since lolo’s funeral. Ilang beses ng pabalik-balik dito sa bahay ni lolo si tito para kumbinsihin si ate na umuwi na. Malapit na kasing magbukas ang second semester at may tatlong sem pang dapat pasukan si ate Blythe. Pero kabaliktaran ng sadya ni tito ang nangyari. Siya kasi ang nakumbinsi ni ate na sa school ko na lang magpatuloy ng pag-aaral.“Dad, I’m older than her! Why are you telling her to take care of me?”“Your older yet you think more childish than her.”“Whatever, dad! Anyways, did you and tita Mariz talked?” Maging ako ay naintriga
Third Person’s POV“Anong ginagawa mo rito?” halos pabulong na tanong ni Aquinah sa taong nadatnan niya sa labas ng bahay nila. Nakasandal ang lalaki sa pundasyon ng gate na hanggang balikat lang nito. Sa higpit ng pagkakahalukipkip niya ay halatang giniginaw na ito sa tagal ng pagtayo roon.“Anong ginagawa mo rito?” pag-uulit niya sa tanong. Nilingon siya nito na para bang doon lang niya naramdaman ang presensya ni Aquinah.Nakasuklob ang hood ng suot niyang jacket sa kaniyang ulo at halos hindi makita ni Quin ang kaniyang mukha. Pero base sa tindig, katawan, height, at pamilyar na pabango nitong gamit ay walang dudang si Craig iyon lalo na’t kaka-message lang nito sa kaniya na nasa labas siya ng bahay nila.Matapos ang mainit na away nila ng mommy niya sa bahay nito kanina ay nagpasya sila ng papa niyang umuwi na muna sa bahay nila.Instead of answering her questions, Craig pulled her for a warm hug.
JEHAN’S POV“We’re married since kids. There’s no way that we can make our marriage void, Jehan. Unless, you want a divorce or annulment.”“How about finding the judge who signed the marriage certificate? Baka pwede niyang mapawalang-bisa ‘yong kasal—”“That judge was lolo’s friend and as far as I know he died two years ago.”Pabadog akong sumandal sa backboard ng kinauupuan kong seat sa loob ng umuusad na kotse ni Thunder. Nilingon ko si Thunder na nakapako sa daan ang mga mata. Paminsan-minsan siyang s********p sa boba milktea na hawak ng kabila niyang kamay. Isang linggo na rin halos ang lumipas nang malaman ko ang tungkol sa pagiging kasal naming dalawa.Nakakapanghina lang na si Lolo pala ang nag-arranged sa aming dalawa.“If you’re against this settlement, feel free to choose any of the two options that I had mentioned.”Darating daw ngayon ang abogado ni lolo kasama si tito Marco at pinapapunta kaming dalawa. Maaga pa akong tumatawag sa kaniya para sana ipaalam ang tungkol doon
“Can I kiss you?” It was just a simple question that could be answer with yes or no pero pakiramdam ko, buhay ko ang nakasalalay doon.Sumandal si Thunder sa concrete balustrade—na hanggang baywang niya—at nakatalikod sa papalubog na araw. Mula sa pagkakaharap ko sa direksyon ng sunset ay yumuko ako. Hindi ko alam ang isasagot sa naging tanong niya. Iyon bang pakiramdam na gusto mo ang isang bagay pero nahihiya kang sabihin na gusto mo ito.“Bakit ka ba kasi nagtatanong? Nakakahiyang sumagot ng oo,” halos pabulong kong saad. Nilingon niya ako habang nanatili pa ring nakasandal sa balustrade. Nilingon ko rin siya. The sun kissing his tan skin makes him more attractive in my eyes.“I just want to respect you. I remembered, I harrased you on our first encounters. Pakiramdam ko, kapag hindi ko hiningi ang permiso mo bago ko gawin ang bagay na gusto ko, mababastos kita. Paano nga kasi kung ayaw mo pala?”Sabagay,
“M-may s-sinamahan lang akong kaibigan sa ospital.”Nilingon ko si Corbi sa gilid para hingan ng saklolo pero umiwas lang siya ng tingin. I looked back at Claud but he’s nowhere to be found. Tumayo ako nang maayos at lumayo kay Thunder.Matchy sila ni Corbi ng outfit. Both are wearing denim jeans, sneakers and black leather jacket. Magkaiba lang ang kulay ng shirt, pero pareho rin iyong naka-tuck in sa jeans nila. Navy blue ang kulay ng shirt ni Corbi habang grey naman kay Thunder.“Sinong kaibigan?” may pagdududa sa boses ni Thunder.“S-si Claud! That guy I am with earlier…” pagsisinungaling ko. Nagtagpo ang mga kilay niya. Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa.“Saan mo siya nakilala?”“B-blockmate ko!”“I think, you need alone time together. Please excuse my existence.”Napaatras ako at maging si Thunder nang sa mismong pagita
Yumuko ako nang maramdaman ang pwersa mula sa ilong ko at ang mga luhang gusto nang kumawala sa mga mata ko. Nagp-play pa rin ang video sa TV pero hindi na ito katulad ng naunang video na napanood namin ni Thunder. Pulos na lamang iyon slide show kung saan ay ipinapakita ang mga pictures na kuha sa akin magmula noong baby ako hanggang noong 7 years old na ako; mga panahong dito pa sa bahay ni Lolo kami nakatira.Naramdaman kong gumalaw si Thunder sa harapan ko. Tumayo siya at naupo sa tabi ko sa couch. Hinawi niya ang buhok kong tumatakip sa aking mukha. Akala ko patatahanin niya ako. Napaigtag na lang ako nang halikan niya ako sa gilid ng aking leeg. Narinig ko siyang tumawa nang mahina bago ako niyakap nang mahigpit sa baywang. Doon na nga tuluyang nahulog ang mga luha sa aking pisngi.“Umiiyak ka ba?” tanong niya. Nakakainis! Bakit ba kasi ako walang maalala tungkol sa childhood ko?“H-hindi ah. Hindi ako umiiyak.”“So, laway mo itong nahulog sa braso ko?”Nata
Thunder’s POV“You can’t. Bakit ba ang tigas ng ulo mo? Sinabi ko naman sa iyo na wala kang mapapala kahit pa makita mo siya!”“Why can’t I?!” sigaw ko.Nagtama ang mga mata namin ni Jheane na nagulat sa biglang pagtaas ng boses ko. Nakaupo siya sa itim na couch, salungat sa direksyon na kinauupuan ko. Nakipagtitigan siya sa akin. Ako na ang kusang umiwas ng tingin nang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Claud.They are my friends whom I met on the first day that I got here in the US to live with Tito Marco’s family. They happened to be dating each other.May bitbit na plastic bag ng canned soda sa kaliwang kamay si Claud at isang box ng pizza naman sa kabila. Maingat niyang isinara ang maingay na pinto at lumapit sa amin. Ibinaba ko ang mga paa ko na nakapatong sa mesa nang ilapag doon ni Claud ang mga dala niya. Nagkatinginan sila ni Jheane.Palagi na lang akong nagmumukhang third wheel
Charmaine’s POVAs much as possible, gusto kong sarilinin na lang ang kung ano mang nararamdaman ko para kay Xawarian.Desisyon kong pakawalan siya kaya wala akong karapatan na kunin siya sa taong nagmamahal sa kaniya. Besides, tita ko si Jayzel. Bunso siyang kapatid ni Papa na halos twenty years din ang agwat ng edad sa kaniya. I’ve known her since I was just a kid. I know, she’ll take good care of Xaw as much as she did to me during our childhood days.Nakilala ko si Xaw noong high school dahil kay tita Jayzel. Ipinakilala siya sa akin ni tita as a friend na taga-kabilang school na kinumpirma naman sa akin ni Xaw. Magkaedad sila at parehong ahead sa akin ng dalawang school year. Mula nang araw na ‘yun ay napadalas na ang pagkikita namin ni Xaw nang patago kay tita Jayzel.Bago ko pa man naging kaibigan sina Quin at Jey ay si tita ang una kong naging best friend. Ganun pa man, may kung ano sa akin na natatakot sabihin sa kaniya ang
Charmaine’s POVIf I deserve someone better, why can’t you be that someone who’s better?Ito ang mga katanungang lumilipad sa utak ko habang nakatitig kay Xaw. Nasa harap kami ng isang jewelry shop sa mall na siyang naging scape place naming dalawa nitong mga nakalipas na araw. Malagkit na nakatingin ang babaeng staff kay Xaw, na abala naman sa pagpili ng singsing. Nagtama ang mga mata namin ng staff na nahihiyang umiwas ng tingin.Bumuntong-hininga ako saka luminga upang muling maghanap ng pamilyar na mukha sa paligid. Baka kasi may kakilala kami na makakita sa amin na magkasama ngayon.Actually, it’s not a big deal. Alam ng lahat na ako ang paboritong asarin ni Xaw magmula pa noong unang araw ng pasukan. Ang ikinatatakot ko sa ngayon ay ang katotohanang hawak ni Xaw ang kamay ko.“This. Can I see this one?” Binalik ko ang aking atensyon kay Xaw nang magsalita siya. Ngumiti ang babae sa kaniya at kinuha ang singsing na i
Thunder’s POVKanina pa ako pabalik-balik sa paglalakad yakap ang unan na nadampot ko sa kama bago ako nagpasyang lumabas ng kwarto. Ilang oras na ang lumipas mula nang dumating kami rito sa bahay galing sa maghapong driving lesson.Jehan is a fast learner. Maliban pa roon ay may kaunti na siyang kaalaman sa pagda-drive kaya hindi ako nahirapan. Huminto ako sa paglalakad nang marinig ang tunog ng pagpihit ng knob. Bumukas ang pinto at bahagyang napatalon sa gulat si Jehan nang makita ako. Katulad ko ay naka-pajamas na rin siya.“Gising ka pa?” tanong niya nang makabawi. Humakbang siya palabas ng kwarto. Lumapit ako sa kaniya at itinapon ang bitbit kong unan sa direksyon ng kama niya. Mabuti na lang at hindi iyon gumulong at nahulog sa sahig.“Hindi pa ako inaantok.” Nginitian ko siya. Ngumiti rin siya pabalik at tuluyan na ngang sinara ang pinto.“Magtitimpla ako ng gatas. Gusto mo rin ba ng gatas?”“Hm?” Tinaas
Jehan’s POVI opened my eyes in a slow motion. Bumungad sa akin si Thunder na nakatayo pa rin sa harapan ko at hawak ako sa magkabilang pisngi. We are both catching our breathes while Toki stares at us innocently. Bakas sa mga mata ni Thunder ang pag-aalala pero hindi ko alam kung bakit ako natawa. Ang rupok ko talaga pagdating sa kaniya.“Hey! Don’t scare me like that. Okay ka lang?”Paano ko bibitiwan ang lalaking ito nang hindi ko pagsisisihan sa huli?Sa halip na sagutin ang tanong niya ay umatras ako palayo at inilapag si Toki sa sahig. Tumakbo naman ang aso paalis na akala mo ay hahabulin siya ng isa sa amin. I looked back at Thunder, teary-eyed. I smiled at him which made him confused for I don’t know how many times already. I cupped his face and tip toed to reach for his lips.I hate the smell of cigarettes but its taste from his lips makes me addicted. A simple peck suddenly went deeper and deeper until his tounge make its way to search for mine. Nanghihi
Jehan’s POVHalos marinig ko na ang paghinga ng bawat isa sa sobrang tahimik. May pare-parehong reaksyon sa mga mukha nila—nagtatanong kung bakit nasa labas si Thunder. Kahit ako, hindi ko rin naman alam. Nanay Dolor broke the silence by shutting off the main door. Aquinah then coughed and Mommy wet her lips. Hindi pa rin nila inaalis ang mga tingin nila sa akin.“H-hinatid lang ho ako ni Thunder.” Maging ako ay nag-cringe sa kasinungalingan ko. Mabuti na lang talaga at hindi ako sa mismong gate ng bahay bumaba kanina pagkahatid sa akin ni Vhan. Hindi siya nakita ni nanay nang pagbuksan niya ako ng pinto ng gate.“Oh, bakit hindi mo pinatuloy?” sumbat ni mama. Akala ko ako ang pinapagalitan niya pero nang lingunin ko siya, nakita kong kay tito siya nakatingin.“Inalok ko siyang pumasok kaso tumanggi. Uuwian daw muna niya si Toki sa bahay nila.” Sa sinabi ni tito, bumalik tuloy ang atensyon ng lahat sa akin.“Hindi mo muna pinakain ‘yung aso bago ka pumunta rito?”
Jehan’s POVBakit sila magkasama? Magkakilala ba sila?I feel like a masochist while looking at them who are happily staring at each other’s eyes. Mabigat sa pakiramdam na makita siyang nakangiti nang gano’n sa iba. Kahit nanlalabo na ang paningin ko ay hindi ko magawang alisin ang mga tingin ko sa kaniya. Natatakot na baka sa isang kisap-mata ay mawala siya sa paningin ko.Akala ko okay kami… akala ko lang siguro.Ito ba ang pinagkakaabalahan niya nitong mga nakaraang araw kaya napapadalas ang pag-alis niya? At isinasama niya pa si Yves? Na-curious tuloy ako sa kung anong ikinukwento ng babae. Sinabi kaya nito na pumunta ako sa bar ni Corbi kanina kasama si Liane at hinahanap siya?Ngayon ko lang ulit nakitang ngumiti nang ganoon kalawak si Thunder magmula nang magsama kami sa iisang bahay. Now that I mentioned it, marami ng nagbago mula nang sumama ako sa kaniya.Humakbang ako nang tatlong beses paatras at pagkatapos ay tuyuan na nga silang tinalikuran. Wala
Jehan’s POV “Anong gagawin natin dito?” Walang kibo na iginarahe ni Liane ang kinasasakyan naming kotse sa parking lot ng isang bar na pamilyar sa akin. This bar holds a huge significance to Thunder and my story. Ang Secret Paradise bar na pag-aari ni Corbi. Inabot ni Liane ang cellphone niya at dahil hindi niya sinagot ang nauna kong tanong ay napilitan akong silipin ang kung ano mang tinitipa niya roon. Kanina pa magmula nang umalis kami ng bahay ko siya inuulan ng tanong pero wala ni alin man doon ang sinagot niya. She tapped her phone’s default messenger icon. Pagkatapos ay pinindot niya ang palitan nila ng messages ni Yves, na hindi ko na tiningnan basta ang alam ko ay nag-compose siya ng message para rito. Bumuntong-hininga siya at isinandal ang kaniyang ulo sa headboard ng upuan. Mariin siyang pumikit. Saktong pagmulat niya ay nahuli niya akong nakatitig sa kaniya. “Tirik na tirik ang araw. Anong ginagawa natin dito?” Inunahan ko na siyang magsalita. M
Jehan’s POVMariin akong napapikit nang makita ang motorbike ni Thunder na nakaparada sa garahe. He’s here. Naunahan niya akong umuwi. Alam kong hindi magandang ideya na umuwi nang madaling araw ngayon lalo na at medyo ilag kami sa isa’t isa magmula noong nagpagupit ako ng buhok, two days ago. Ganoon pa man, nagawa ko pa ring buksan ang pinto para pumasok sa bahay; hindi alintana ang malakas na tambol ng puso ko.“Late ka na yata.” Bahagya akong napatalon sa gulat nang marinig ang boses niya. At dahil nahuli na niya ako, wala ng rason para magmadali ako sa paghubad ng suot kong black high-heeled boots.Nakangiti akong umangat ng tingin para harapin siya. Expected ko ng hindi siya matutuwa. Nakasandal siya sa wall sa bukas na pintuan papunta sa kusina at nakahalukipkip. Suot pa rin ang parehong damit na suot niya kanina nang magpaalam siyang aalis para pumunta sa motocross camp. Nang maitabi ko ang boots ay tumuloy ako papunta sa salas at naupo sa couch.Bumuntong-hin