“Can I kiss you?” It was just a simple question that could be answer with yes or no pero pakiramdam ko, buhay ko ang nakasalalay doon.Sumandal si Thunder sa concrete balustrade—na hanggang baywang niya—at nakatalikod sa papalubog na araw. Mula sa pagkakaharap ko sa direksyon ng sunset ay yumuko ako. Hindi ko alam ang isasagot sa naging tanong niya. Iyon bang pakiramdam na gusto mo ang isang bagay pero nahihiya kang sabihin na gusto mo ito.“Bakit ka ba kasi nagtatanong? Nakakahiyang sumagot ng oo,” halos pabulong kong saad. Nilingon niya ako habang nanatili pa ring nakasandal sa balustrade. Nilingon ko rin siya. The sun kissing his tan skin makes him more attractive in my eyes.“I just want to respect you. I remembered, I harrased you on our first encounters. Pakiramdam ko, kapag hindi ko hiningi ang permiso mo bago ko gawin ang bagay na gusto ko, mababastos kita. Paano nga kasi kung ayaw mo pala?”Sabagay,
“M-may s-sinamahan lang akong kaibigan sa ospital.”Nilingon ko si Corbi sa gilid para hingan ng saklolo pero umiwas lang siya ng tingin. I looked back at Claud but he’s nowhere to be found. Tumayo ako nang maayos at lumayo kay Thunder.Matchy sila ni Corbi ng outfit. Both are wearing denim jeans, sneakers and black leather jacket. Magkaiba lang ang kulay ng shirt, pero pareho rin iyong naka-tuck in sa jeans nila. Navy blue ang kulay ng shirt ni Corbi habang grey naman kay Thunder.“Sinong kaibigan?” may pagdududa sa boses ni Thunder.“S-si Claud! That guy I am with earlier…” pagsisinungaling ko. Nagtagpo ang mga kilay niya. Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa.“Saan mo siya nakilala?”“B-blockmate ko!”“I think, you need alone time together. Please excuse my existence.”Napaatras ako at maging si Thunder nang sa mismong pagita
Yumuko ako nang maramdaman ang pwersa mula sa ilong ko at ang mga luhang gusto nang kumawala sa mga mata ko. Nagp-play pa rin ang video sa TV pero hindi na ito katulad ng naunang video na napanood namin ni Thunder. Pulos na lamang iyon slide show kung saan ay ipinapakita ang mga pictures na kuha sa akin magmula noong baby ako hanggang noong 7 years old na ako; mga panahong dito pa sa bahay ni Lolo kami nakatira.Naramdaman kong gumalaw si Thunder sa harapan ko. Tumayo siya at naupo sa tabi ko sa couch. Hinawi niya ang buhok kong tumatakip sa aking mukha. Akala ko patatahanin niya ako. Napaigtag na lang ako nang halikan niya ako sa gilid ng aking leeg. Narinig ko siyang tumawa nang mahina bago ako niyakap nang mahigpit sa baywang. Doon na nga tuluyang nahulog ang mga luha sa aking pisngi.“Umiiyak ka ba?” tanong niya. Nakakainis! Bakit ba kasi ako walang maalala tungkol sa childhood ko?“H-hindi ah. Hindi ako umiiyak.”“So, laway mo itong nahulog sa braso ko?”Nata
Third Person’s POVDahan-dahang iminulat ng pitong taong gulang na si Jehan ang kaniyang mga mata upang makapag-adjust sa nakasisilaw na liwanag na nagmumula sa florescent lamp sa kisame. Walang ibang tao na naroon sa silid—maliban sa kaniya na ilang araw na walang malay at nakahiga sa kama. Nakaramdam siya ng kirot sa kanan niyang braso, ganoon din sa kanan niyang binti at ilang parte ng kaniyang mukha.Tahimik ang paligid. Salungat ito sa bahay na nakasanayan niyang magisnan. Dumaan sa isipan niya ang nangyari—halos magtatlong araw na rin ang nakalilipas. Itinaas niya ang kamay niya kung saan nakatusok ang dextrose na nakasabit sa metal stand. Malapit na iyong maubos. Naagaw rin ng mga bulaklak at stuff toys na halos mas malaki pa yata sa kaniya ang kaniyang atensyon. Naluluha siyang ngumiti habang pinagmamasdan ang mga iyon.Tunog ng pagbukas ng pinto sa bandang paanan ang umagaw ng kaniyang atensyon.“Mama?” was the first word that came out of her mouth.T
Jehan’s POVMariin akong napapikit nang makita ang motorbike ni Thunder na nakaparada sa garahe. He’s here. Naunahan niya akong umuwi. Alam kong hindi magandang ideya na umuwi nang madaling araw ngayon lalo na at medyo ilag kami sa isa’t isa magmula noong nagpagupit ako ng buhok, two days ago. Ganoon pa man, nagawa ko pa ring buksan ang pinto para pumasok sa bahay; hindi alintana ang malakas na tambol ng puso ko.“Late ka na yata.” Bahagya akong napatalon sa gulat nang marinig ang boses niya. At dahil nahuli na niya ako, wala ng rason para magmadali ako sa paghubad ng suot kong black high-heeled boots.Nakangiti akong umangat ng tingin para harapin siya. Expected ko ng hindi siya matutuwa. Nakasandal siya sa wall sa bukas na pintuan papunta sa kusina at nakahalukipkip. Suot pa rin ang parehong damit na suot niya kanina nang magpaalam siyang aalis para pumunta sa motocross camp. Nang maitabi ko ang boots ay tumuloy ako papunta sa salas at naupo sa couch.Bumuntong-hin
Jehan’s POV “Anong gagawin natin dito?” Walang kibo na iginarahe ni Liane ang kinasasakyan naming kotse sa parking lot ng isang bar na pamilyar sa akin. This bar holds a huge significance to Thunder and my story. Ang Secret Paradise bar na pag-aari ni Corbi. Inabot ni Liane ang cellphone niya at dahil hindi niya sinagot ang nauna kong tanong ay napilitan akong silipin ang kung ano mang tinitipa niya roon. Kanina pa magmula nang umalis kami ng bahay ko siya inuulan ng tanong pero wala ni alin man doon ang sinagot niya. She tapped her phone’s default messenger icon. Pagkatapos ay pinindot niya ang palitan nila ng messages ni Yves, na hindi ko na tiningnan basta ang alam ko ay nag-compose siya ng message para rito. Bumuntong-hininga siya at isinandal ang kaniyang ulo sa headboard ng upuan. Mariin siyang pumikit. Saktong pagmulat niya ay nahuli niya akong nakatitig sa kaniya. “Tirik na tirik ang araw. Anong ginagawa natin dito?” Inunahan ko na siyang magsalita. M
Jehan’s POVBakit sila magkasama? Magkakilala ba sila?I feel like a masochist while looking at them who are happily staring at each other’s eyes. Mabigat sa pakiramdam na makita siyang nakangiti nang gano’n sa iba. Kahit nanlalabo na ang paningin ko ay hindi ko magawang alisin ang mga tingin ko sa kaniya. Natatakot na baka sa isang kisap-mata ay mawala siya sa paningin ko.Akala ko okay kami… akala ko lang siguro.Ito ba ang pinagkakaabalahan niya nitong mga nakaraang araw kaya napapadalas ang pag-alis niya? At isinasama niya pa si Yves? Na-curious tuloy ako sa kung anong ikinukwento ng babae. Sinabi kaya nito na pumunta ako sa bar ni Corbi kanina kasama si Liane at hinahanap siya?Ngayon ko lang ulit nakitang ngumiti nang ganoon kalawak si Thunder magmula nang magsama kami sa iisang bahay. Now that I mentioned it, marami ng nagbago mula nang sumama ako sa kaniya.Humakbang ako nang tatlong beses paatras at pagkatapos ay tuyuan na nga silang tinalikuran. Wala
Jehan’s POVHalos marinig ko na ang paghinga ng bawat isa sa sobrang tahimik. May pare-parehong reaksyon sa mga mukha nila—nagtatanong kung bakit nasa labas si Thunder. Kahit ako, hindi ko rin naman alam. Nanay Dolor broke the silence by shutting off the main door. Aquinah then coughed and Mommy wet her lips. Hindi pa rin nila inaalis ang mga tingin nila sa akin.“H-hinatid lang ho ako ni Thunder.” Maging ako ay nag-cringe sa kasinungalingan ko. Mabuti na lang talaga at hindi ako sa mismong gate ng bahay bumaba kanina pagkahatid sa akin ni Vhan. Hindi siya nakita ni nanay nang pagbuksan niya ako ng pinto ng gate.“Oh, bakit hindi mo pinatuloy?” sumbat ni mama. Akala ko ako ang pinapagalitan niya pero nang lingunin ko siya, nakita kong kay tito siya nakatingin.“Inalok ko siyang pumasok kaso tumanggi. Uuwian daw muna niya si Toki sa bahay nila.” Sa sinabi ni tito, bumalik tuloy ang atensyon ng lahat sa akin.“Hindi mo muna pinakain ‘yung aso bago ka pumunta rito?”