Napako ang mga mata ko kay Quin na abala sa pag-e-scroll sa isang online shopping app habang nakadapa kaming tatlo sa kama ni Cham. Nasa pagitan namin siya kaya naman nakikita ko kung paano magpalipat-lipat sa amin ni Quin ang kaniyang mga mata. Napabuntong-hinga na lamang ako saka bumangon para maupo.
Sa apartment ni Cham ako hinatid ni Vhan pagkatapos ng date namin. Bilin daw kasi ni Quin na rito ako ihatid at may pag-uusapan kami. Iyon na ba ‘yon? Kaya ba nila ako in-approach ay para masabi niya nang harapan at diretsa sa akin ang mga bagay na iyon?
“Quin!” saway ni Cham sa kaniya na bumangon na rin at umupo sa kama. Napalunok ako ng sariling laway. Pati tainga ko ay pumipintig na sa mga sandaling ito.
“Wait. Uulitin ko lang para maabsorb nang tuluyan ng utak mo.” Bumangon na rin siya.
Umupo siya sa kama nang nakaharap sa akin at nasa pagitan namin si Cham sa gilid. Ngumisi siya. Nasa kaniya na ang buo kong atensiyon. In-off niya ang hawak niyang c
Namamalikmata ba ako? Ano namang ginagawa ni Thunder dito sa ganitong oras? Nakatira ba siya sa malapit?“Jehan, hija, bakit gabi na ang pagdalaw mo?” bungad na tanong sa akin ni Nanay Rosing sa gate intercom. Pinipigilan ko ang sariling huwag lumingon sa gawi ni Thunder. Sana lang ay hindi niya ako makilala. Pumunta ako rito para gumaan ang kalooban at hindi para dagdagan ang mga gumugulo sa isipan ko.“Sana nagpasabi ka na pupunta ka rito. Mabuti na lamang at gising pa ang Lolo mo,” ani ng ginang nang pagbuksan niya ako ng pinto ng gate.Tumuloy kami sa pagpasok sa bahay at naabutan ko si Lolo na bahagyang nakahiga sa kaniyang massage chair. Nakaramdam ako ng guilt nang magtama ang aming mga mata. Nag-iisa niya akong apo at hindi naman gaanong malayo ang bahay namin dito sa mansion niya, pero hindi ko man lamang siya mabisita nang madalas.“Jehan, apo!” nakangiti niyang tawag sa akin. Nagmadali naman akong humakbang p
His breathing was heavy and I can see frustration all over his handsome face. Wala akong mahuling salita na maaari kong ibato sa naging confession niya. Kasalanan ko ba na ginusto niya ako? Bakit parang ako itong sinisisi niya kung bakit siya nagkagusto sa akin? Noong unang beses na magkita kami rito sa bar na ito ay nabanggit ko sa kaniya na may boyfriend na ako. Kahit pa sabihing we’re not in good terms ni Vhan that time, still boyfriend ko pa rin siya nang mga panahong iyon. Hindi lang isang beses kong ipinaalala sa kaniya ang tungkol doon—kung ‘di makailang ulit. At kailan niya ako titigilan? Hanggang iwan ko si Vhan para sa kaniya? Lasing ba siya? Napasabunot si Thunder sa kaniyang buhok. Humakbang siya palayo sa akin at tumalikod. Pakiramdam ko sisigaw na siya para murahin ang mundo dahil sa makailang ulit kong pambabasted sa kaniya. Good thing, hindi niya ginawa. Muli siyang humarap sa akin suot pa rin ang frustrated na expressi
Nagkasalubong ang mga kilay ni Corbi nang makita niya ako sa labas ng Dean’s office. Kung dati ay inaasar niya ako, iba ngayong araw. Tinignan niya ako nang masama saka siya nagpatuloy sa paglalakad bitbit ang transparent folder. Naghahangos akong sumunod sa kaniya pababa sa hagdanan. “Corbi!” pagtawag ko nang tuluyan na siyang makababa sa ground floor at humalo sa paroo’t paritong mga estudyante. Bakit ba siya nagamadali? Iniiwasan ba niya ako? Huminto ako para habulin sandali ang aking hininga. Mas lalo tuloy siyang nakalayo sa akin. But it didn’t stop me to follow him. Kailangan kong ayusin at itama ang mga bagay-bagay bago magdesisyon. Ayokong magsisi sa huli. “Corbi, naman! Sandali lang!” Mabagal lang ang paglalakad niya pero dahil mas mahaba ang mga binti niya kumpara sa akin ay kinailangan kong mag-jogging para maabutan siya. Idagdag pa ang mga hakbang na nagawa niya nang huminto ako. Base sa direksyong tinatahak niya, tingin ko ay sa
The first semester is coming to an end. Time flies so fast and you’ll surely regret kapag wala ka man lang na-accomplish kahit na isang bagay. Isinara ko ang maletang pinaglagyan ko ng mga gamit. Katamtaman lang ang laki n’on—sakto lang sa limang araw naming stay sa coastal area. Doon ang napagkasunduang lugar dahil halos nakapag-community service na ang ibang department sa malalapit. As a final requirement, all freshmen students must present an individual reflection essay with documentations as one of our school organization's project. Sa dami ng ganap sa buhay ko, mabuti na lamang at hindi ko nakalilimutang member ako ng Community Service Org. “Aalis ka na?” tanong ni Mommy. Sinadya niyang huminto sa paglalakad papunta sa kusina, hawak ang tasa ng tsaa. Ngumiti ako. “Hindi pa po. Ibababa ko lang ho ‘tong mga dadalhin ko para hindi na hassle ‘pag dumating na si Vhan.” Kapansin-pansin ang pag-aliwalas ng mukha niya matapos kong banggitin ang pangalan ni Vhan.
Vhan’s POV “Hi! Si Aquinah?” Napaatras ang babae. Nagulat yata sa biglang pagsulpot ko sa harapan niya. Kanina pa ako nakatayo rito sa tapat ng room nila. It’s been a month since the classes started and I am on my freshman year in junior high. “S-si Quin?” Kumurap-kurap siya. Tinitigan niya ako. Nginitian ko naman siya habang naghihintay ng sagot. She’s Maine Alexis Valiente. Sa pagkakaalam ko, siya ang nag-iisang kaibigan ni Aquinah noong grade school. Maputi siya at may maliit pero matangos na ilong. May pilat siya sa noo na pilit na itinatago ng manipis niyang bangs. Hindi ko iyon kaagad napansin sa unang tingin. Umiwas ako nang mapagtantong napatagal na ang pagtitig ko sa kaniya. “H-hindi na kami nagkikita ni Quin. Sa pagkakaalam ko, sa ibang school siya nag-enrolled.” Napatango ako sa narinig. “Saang school daw?” Umiling siya. “Hindi ko alam, e.”
JEHAN’S POV “Sabi ko, paabot ng brush!” nanlaki ang mga mata ko nang makita ang gahiblang pagitan ng mga mukha namin ni Thunder. Naka-squat siya sa harapan ko at tanging lalagyan lang ng paint brush at ilang lata ng pintura ang nakapagitan sa amin. Sa lapit ng mukha niya ay naaamoy ko ang yosi na hinithit niya kanina.Today is the third day of our community service at tulad ng na-assign sa akin, nandito ako ngayon sa gilid ng daan—sa harap ng pader kung saan gagawin ang mural painting. Dalawang araw din namin itong nilinis at ngayon nga ay nagsisimula na si Thunder sa pagguhit. Naroon lang siya sa taas ng ladder kanina, paanong nandito na siya sa harapan ko?“S-sorry?” Sa lalim ng iniisip ko ay hindi ko na halos nabigyan ng pansin ang mga nasa paligid. Nasa walo kaming nandito at ang ilan sa kanila ay sinisimulan na ang pagpinta sa pader, ayon sa utos ni Thunder. Nakatitig siya sa akin kaya naman tinitigan ko
JEHAN’S POV“I heard, sinisiraan ako ni Alexis sa ‘yo?” panimula ni Liane matapos maisara ang pinto. Umayos ako ng upo paharap sa kaniya at pinakatitigan. “Oh? Bakit ganiyan ka makatingin?”Tinaasan ko siya ng kilay. “I’ve been looking for you. Saan ka ba nagsususuot?”“Sa bahay?” Natawa siya—pekeng tawa. “I’ll go straight to my point on meeting you. Baka makailang stick ng yosi si Kuya kahihintay sa atin.” Nilingon ko si Thunder sa hindi kalayuan—sa smooking area—na nagsisimula na ngang humithit sa yosi na hawak.“I stopped being friends with her. Nahahawa ako sa ka-toxic-an niya. The last time that we were together is noong birthday niya. Actually, Thunder and I fought because of her,” kwento niya. Iyon marahil ang sinasabi ng mga kasama niya sa camp na may pinag-awayan sila ni Thunder.“Imagine the shame that I go
“Nanay, nasabi ko ho ba sa iyo na may pupuntahan ako ngayon?” tanong ko habang sumasandok ng pagkain sa plato. Tinanghali ako ng gising. Umaga na kasi natapos ang kwentuhan namin ni Thunder. Partida, ako pa ang naunang nakatulog sa aming dalawa kaya naman ang almusal ko ay lunch na rin.“Wala kang nabanggit sa akin. May kasama ka ba?” maging si Lali na katabi niya at nasa gilid ko ay napatingin sa akin. Maya-maya pa ay ngumiti siya nang nakakaloko.“Susunduin po ako ni Thunder mamayang 2:00 PM.”“Thunder?” Iba ang dating sa akin ng naging tanong niya. Sa halip na ‘sino si Thunder ay para bang tinatanong niya ako kung bakit si Thunder ang kasama ko. Nilingon niya si Lali na bumaling din naman sa kaniya. Nabalot ng katahimikan ang kanina ay maingay na dining. May kung ano sa mga tingin nila na para bang may gusto silang sabihin sa akin.“Huwag kang magpapagabi.”Ang akala kong alas-dos