Nagkasalubong ang mga kilay ni Corbi nang makita niya ako sa labas ng Dean’s office. Kung dati ay inaasar niya ako, iba ngayong araw. Tinignan niya ako nang masama saka siya nagpatuloy sa paglalakad bitbit ang transparent folder. Naghahangos akong sumunod sa kaniya pababa sa hagdanan.
“Corbi!” pagtawag ko nang tuluyan na siyang makababa sa ground floor at humalo sa paroo’t paritong mga estudyante. Bakit ba siya nagamadali? Iniiwasan ba niya ako? Huminto ako para habulin sandali ang aking hininga. Mas lalo tuloy siyang nakalayo sa akin.
But it didn’t stop me to follow him. Kailangan kong ayusin at itama ang mga bagay-bagay bago magdesisyon. Ayokong magsisi sa huli. “Corbi, naman! Sandali lang!”
Mabagal lang ang paglalakad niya pero dahil mas mahaba ang mga binti niya kumpara sa akin ay kinailangan kong mag-jogging para maabutan siya. Idagdag pa ang mga hakbang na nagawa niya nang huminto ako. Base sa direksyong tinatahak niya, tingin ko ay sa
Hey! Don't forget to leave some feedbacks! Thank you💜
The first semester is coming to an end. Time flies so fast and you’ll surely regret kapag wala ka man lang na-accomplish kahit na isang bagay. Isinara ko ang maletang pinaglagyan ko ng mga gamit. Katamtaman lang ang laki n’on—sakto lang sa limang araw naming stay sa coastal area. Doon ang napagkasunduang lugar dahil halos nakapag-community service na ang ibang department sa malalapit. As a final requirement, all freshmen students must present an individual reflection essay with documentations as one of our school organization's project. Sa dami ng ganap sa buhay ko, mabuti na lamang at hindi ko nakalilimutang member ako ng Community Service Org. “Aalis ka na?” tanong ni Mommy. Sinadya niyang huminto sa paglalakad papunta sa kusina, hawak ang tasa ng tsaa. Ngumiti ako. “Hindi pa po. Ibababa ko lang ho ‘tong mga dadalhin ko para hindi na hassle ‘pag dumating na si Vhan.” Kapansin-pansin ang pag-aliwalas ng mukha niya matapos kong banggitin ang pangalan ni Vhan.
Vhan’s POV “Hi! Si Aquinah?” Napaatras ang babae. Nagulat yata sa biglang pagsulpot ko sa harapan niya. Kanina pa ako nakatayo rito sa tapat ng room nila. It’s been a month since the classes started and I am on my freshman year in junior high. “S-si Quin?” Kumurap-kurap siya. Tinitigan niya ako. Nginitian ko naman siya habang naghihintay ng sagot. She’s Maine Alexis Valiente. Sa pagkakaalam ko, siya ang nag-iisang kaibigan ni Aquinah noong grade school. Maputi siya at may maliit pero matangos na ilong. May pilat siya sa noo na pilit na itinatago ng manipis niyang bangs. Hindi ko iyon kaagad napansin sa unang tingin. Umiwas ako nang mapagtantong napatagal na ang pagtitig ko sa kaniya. “H-hindi na kami nagkikita ni Quin. Sa pagkakaalam ko, sa ibang school siya nag-enrolled.” Napatango ako sa narinig. “Saang school daw?” Umiling siya. “Hindi ko alam, e.”
JEHAN’S POV “Sabi ko, paabot ng brush!” nanlaki ang mga mata ko nang makita ang gahiblang pagitan ng mga mukha namin ni Thunder. Naka-squat siya sa harapan ko at tanging lalagyan lang ng paint brush at ilang lata ng pintura ang nakapagitan sa amin. Sa lapit ng mukha niya ay naaamoy ko ang yosi na hinithit niya kanina.Today is the third day of our community service at tulad ng na-assign sa akin, nandito ako ngayon sa gilid ng daan—sa harap ng pader kung saan gagawin ang mural painting. Dalawang araw din namin itong nilinis at ngayon nga ay nagsisimula na si Thunder sa pagguhit. Naroon lang siya sa taas ng ladder kanina, paanong nandito na siya sa harapan ko?“S-sorry?” Sa lalim ng iniisip ko ay hindi ko na halos nabigyan ng pansin ang mga nasa paligid. Nasa walo kaming nandito at ang ilan sa kanila ay sinisimulan na ang pagpinta sa pader, ayon sa utos ni Thunder. Nakatitig siya sa akin kaya naman tinitigan ko
JEHAN’S POV“I heard, sinisiraan ako ni Alexis sa ‘yo?” panimula ni Liane matapos maisara ang pinto. Umayos ako ng upo paharap sa kaniya at pinakatitigan. “Oh? Bakit ganiyan ka makatingin?”Tinaasan ko siya ng kilay. “I’ve been looking for you. Saan ka ba nagsususuot?”“Sa bahay?” Natawa siya—pekeng tawa. “I’ll go straight to my point on meeting you. Baka makailang stick ng yosi si Kuya kahihintay sa atin.” Nilingon ko si Thunder sa hindi kalayuan—sa smooking area—na nagsisimula na ngang humithit sa yosi na hawak.“I stopped being friends with her. Nahahawa ako sa ka-toxic-an niya. The last time that we were together is noong birthday niya. Actually, Thunder and I fought because of her,” kwento niya. Iyon marahil ang sinasabi ng mga kasama niya sa camp na may pinag-awayan sila ni Thunder.“Imagine the shame that I go
“Nanay, nasabi ko ho ba sa iyo na may pupuntahan ako ngayon?” tanong ko habang sumasandok ng pagkain sa plato. Tinanghali ako ng gising. Umaga na kasi natapos ang kwentuhan namin ni Thunder. Partida, ako pa ang naunang nakatulog sa aming dalawa kaya naman ang almusal ko ay lunch na rin.“Wala kang nabanggit sa akin. May kasama ka ba?” maging si Lali na katabi niya at nasa gilid ko ay napatingin sa akin. Maya-maya pa ay ngumiti siya nang nakakaloko.“Susunduin po ako ni Thunder mamayang 2:00 PM.”“Thunder?” Iba ang dating sa akin ng naging tanong niya. Sa halip na ‘sino si Thunder ay para bang tinatanong niya ako kung bakit si Thunder ang kasama ko. Nilingon niya si Lali na bumaling din naman sa kaniya. Nabalot ng katahimikan ang kanina ay maingay na dining. May kung ano sa mga tingin nila na para bang may gusto silang sabihin sa akin.“Huwag kang magpapagabi.”Ang akala kong alas-dos
“Nag-away ba kayo ng mama mo?” Abala si Thunder sa paglalagay ng mga pinamili namin sa ref. Nakatayo ako sa gilid niya at siyang taga-abot ng mga inilalagay niya roon. Sobra-sobra ang mga pinamili namin para sa isang gabing stay namin dito sa bahay nila. Wala akong narinig na response mula sa kaniya kaya nang wala na akong maiabot sa kaniya ay humakbang ako papunta sa dining counter. Sa pagkakaalala ko, nabanggit niya sa akin na pumupunta siya rito kapag may hindi sila napagkakaunawaan ng mama niya. Hindi naman siguro niya na-predict na mamamatay si Gum ngayon, dito, kaya imposible na ito talaga ang rason ng pagpunta niya rito. Isinawalang-bahala ko na lamang ang isiping iyon at inihanda na ang mga ingredients para sa Samyeopsal. “Saan ka pupunta?” tanong ko nang malingunan ko siyang papalabas sa kusina bitbit ang grill. “Sa kwarto. Akala ko ba gusto mong manood habang kumakain?” Napanganga ako sa naging tanong niya. Nagpatuloy
“Bakit ngayon ka lang umuwi?” bungad na tanong sa akin ni Nanay D nang makapasok ako sa gate. Humigpit ang pagkakahawak ko sa susi na siyang inabot sa akin ni Thunder bago ako bumaba sa kotse. Susi yata iyon ng bahay niya. Hinintay ko na maisara ni Nanay Dolor ang gate at sabay kaming naglakad papasok sa bahay. Alam kong may kasalanan ako. Hindi ako nagpasabi sa kaniya na hindi ako makakauwi kagabi. “Magkasama ba kayo buong magdamag?” Muli niyang tanong. Umiling ako bilang sagot. Akala ko sapat na iyon para tantanan niya ako at hayaang pumasok sa bahay nang matiwasay, pero hindi. “Huling beses na ito, Jehan. H’wag ka ng sasama pa ulit sa Thunder na ‘yon!” “Po?” Huminto ako sa paglalakad nang marating ang salas saka siya nilingon sa likuran ko. Nahagip ng mga mata ko si Lali na papalabas sa bukas na pinto ng kusina. “Bakit naman po? Kaibigan ni Mommy si Tita Elissa. What’s wrong with being friends with his son?” Hindi siya kumibo. Sa halip ay b
“Hindi pa ba sapat ‘tong mga pinamili natin?”Sa kauna-unahang pagkakataon mula nang pumasok kami sa mall ay narinig kong nagreklamo si Thunder. Hawak niya sa kaniyang mga kamay ang dalawang malalaking plastic bags ng groceries. Ewan ko ba rito kung bakit niya inalis kaagad sa trolley pagkatapos naming magbayad. Based on my estimation, those goods could last at least a week. Sakto sa balak kong pag-stay sa bahay niya ng hindi sosobra sa isang linggo.Nagpatuloy kami sa paglalakad. Hindi mapakali ang mga mata ko sa paglinga sa paligid. Baka sakaling may nakalimutan kaming bilhin. Wala rin naman akong narinig kay Thunder na nakasunod sa likuran ko. Nilingon ko siya para alamin kung nakasunod pa ba siya sa akin. Wala akong napansing pagrereklamo sa gwapo niyang mukha pero halatang mabigat at masakit na sa kamay ang mga bitbit niya.“Mauna ka na sa sasakyan.” Bumaling siya sa akin.“May bibilhin ka pa ba?”&ldq
Thunder’s POV“You can’t. Bakit ba ang tigas ng ulo mo? Sinabi ko naman sa iyo na wala kang mapapala kahit pa makita mo siya!”“Why can’t I?!” sigaw ko.Nagtama ang mga mata namin ni Jheane na nagulat sa biglang pagtaas ng boses ko. Nakaupo siya sa itim na couch, salungat sa direksyon na kinauupuan ko. Nakipagtitigan siya sa akin. Ako na ang kusang umiwas ng tingin nang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Claud.They are my friends whom I met on the first day that I got here in the US to live with Tito Marco’s family. They happened to be dating each other.May bitbit na plastic bag ng canned soda sa kaliwang kamay si Claud at isang box ng pizza naman sa kabila. Maingat niyang isinara ang maingay na pinto at lumapit sa amin. Ibinaba ko ang mga paa ko na nakapatong sa mesa nang ilapag doon ni Claud ang mga dala niya. Nagkatinginan sila ni Jheane.Palagi na lang akong nagmumukhang third wheel
Charmaine’s POVAs much as possible, gusto kong sarilinin na lang ang kung ano mang nararamdaman ko para kay Xawarian.Desisyon kong pakawalan siya kaya wala akong karapatan na kunin siya sa taong nagmamahal sa kaniya. Besides, tita ko si Jayzel. Bunso siyang kapatid ni Papa na halos twenty years din ang agwat ng edad sa kaniya. I’ve known her since I was just a kid. I know, she’ll take good care of Xaw as much as she did to me during our childhood days.Nakilala ko si Xaw noong high school dahil kay tita Jayzel. Ipinakilala siya sa akin ni tita as a friend na taga-kabilang school na kinumpirma naman sa akin ni Xaw. Magkaedad sila at parehong ahead sa akin ng dalawang school year. Mula nang araw na ‘yun ay napadalas na ang pagkikita namin ni Xaw nang patago kay tita Jayzel.Bago ko pa man naging kaibigan sina Quin at Jey ay si tita ang una kong naging best friend. Ganun pa man, may kung ano sa akin na natatakot sabihin sa kaniya ang
Charmaine’s POVIf I deserve someone better, why can’t you be that someone who’s better?Ito ang mga katanungang lumilipad sa utak ko habang nakatitig kay Xaw. Nasa harap kami ng isang jewelry shop sa mall na siyang naging scape place naming dalawa nitong mga nakalipas na araw. Malagkit na nakatingin ang babaeng staff kay Xaw, na abala naman sa pagpili ng singsing. Nagtama ang mga mata namin ng staff na nahihiyang umiwas ng tingin.Bumuntong-hininga ako saka luminga upang muling maghanap ng pamilyar na mukha sa paligid. Baka kasi may kakilala kami na makakita sa amin na magkasama ngayon.Actually, it’s not a big deal. Alam ng lahat na ako ang paboritong asarin ni Xaw magmula pa noong unang araw ng pasukan. Ang ikinatatakot ko sa ngayon ay ang katotohanang hawak ni Xaw ang kamay ko.“This. Can I see this one?” Binalik ko ang aking atensyon kay Xaw nang magsalita siya. Ngumiti ang babae sa kaniya at kinuha ang singsing na i
Thunder’s POVKanina pa ako pabalik-balik sa paglalakad yakap ang unan na nadampot ko sa kama bago ako nagpasyang lumabas ng kwarto. Ilang oras na ang lumipas mula nang dumating kami rito sa bahay galing sa maghapong driving lesson.Jehan is a fast learner. Maliban pa roon ay may kaunti na siyang kaalaman sa pagda-drive kaya hindi ako nahirapan. Huminto ako sa paglalakad nang marinig ang tunog ng pagpihit ng knob. Bumukas ang pinto at bahagyang napatalon sa gulat si Jehan nang makita ako. Katulad ko ay naka-pajamas na rin siya.“Gising ka pa?” tanong niya nang makabawi. Humakbang siya palabas ng kwarto. Lumapit ako sa kaniya at itinapon ang bitbit kong unan sa direksyon ng kama niya. Mabuti na lang at hindi iyon gumulong at nahulog sa sahig.“Hindi pa ako inaantok.” Nginitian ko siya. Ngumiti rin siya pabalik at tuluyan na ngang sinara ang pinto.“Magtitimpla ako ng gatas. Gusto mo rin ba ng gatas?”“Hm?” Tinaas
Jehan’s POVI opened my eyes in a slow motion. Bumungad sa akin si Thunder na nakatayo pa rin sa harapan ko at hawak ako sa magkabilang pisngi. We are both catching our breathes while Toki stares at us innocently. Bakas sa mga mata ni Thunder ang pag-aalala pero hindi ko alam kung bakit ako natawa. Ang rupok ko talaga pagdating sa kaniya.“Hey! Don’t scare me like that. Okay ka lang?”Paano ko bibitiwan ang lalaking ito nang hindi ko pagsisisihan sa huli?Sa halip na sagutin ang tanong niya ay umatras ako palayo at inilapag si Toki sa sahig. Tumakbo naman ang aso paalis na akala mo ay hahabulin siya ng isa sa amin. I looked back at Thunder, teary-eyed. I smiled at him which made him confused for I don’t know how many times already. I cupped his face and tip toed to reach for his lips.I hate the smell of cigarettes but its taste from his lips makes me addicted. A simple peck suddenly went deeper and deeper until his tounge make its way to search for mine. Nanghihi
Jehan’s POVHalos marinig ko na ang paghinga ng bawat isa sa sobrang tahimik. May pare-parehong reaksyon sa mga mukha nila—nagtatanong kung bakit nasa labas si Thunder. Kahit ako, hindi ko rin naman alam. Nanay Dolor broke the silence by shutting off the main door. Aquinah then coughed and Mommy wet her lips. Hindi pa rin nila inaalis ang mga tingin nila sa akin.“H-hinatid lang ho ako ni Thunder.” Maging ako ay nag-cringe sa kasinungalingan ko. Mabuti na lang talaga at hindi ako sa mismong gate ng bahay bumaba kanina pagkahatid sa akin ni Vhan. Hindi siya nakita ni nanay nang pagbuksan niya ako ng pinto ng gate.“Oh, bakit hindi mo pinatuloy?” sumbat ni mama. Akala ko ako ang pinapagalitan niya pero nang lingunin ko siya, nakita kong kay tito siya nakatingin.“Inalok ko siyang pumasok kaso tumanggi. Uuwian daw muna niya si Toki sa bahay nila.” Sa sinabi ni tito, bumalik tuloy ang atensyon ng lahat sa akin.“Hindi mo muna pinakain ‘yung aso bago ka pumunta rito?”
Jehan’s POVBakit sila magkasama? Magkakilala ba sila?I feel like a masochist while looking at them who are happily staring at each other’s eyes. Mabigat sa pakiramdam na makita siyang nakangiti nang gano’n sa iba. Kahit nanlalabo na ang paningin ko ay hindi ko magawang alisin ang mga tingin ko sa kaniya. Natatakot na baka sa isang kisap-mata ay mawala siya sa paningin ko.Akala ko okay kami… akala ko lang siguro.Ito ba ang pinagkakaabalahan niya nitong mga nakaraang araw kaya napapadalas ang pag-alis niya? At isinasama niya pa si Yves? Na-curious tuloy ako sa kung anong ikinukwento ng babae. Sinabi kaya nito na pumunta ako sa bar ni Corbi kanina kasama si Liane at hinahanap siya?Ngayon ko lang ulit nakitang ngumiti nang ganoon kalawak si Thunder magmula nang magsama kami sa iisang bahay. Now that I mentioned it, marami ng nagbago mula nang sumama ako sa kaniya.Humakbang ako nang tatlong beses paatras at pagkatapos ay tuyuan na nga silang tinalikuran. Wala
Jehan’s POV “Anong gagawin natin dito?” Walang kibo na iginarahe ni Liane ang kinasasakyan naming kotse sa parking lot ng isang bar na pamilyar sa akin. This bar holds a huge significance to Thunder and my story. Ang Secret Paradise bar na pag-aari ni Corbi. Inabot ni Liane ang cellphone niya at dahil hindi niya sinagot ang nauna kong tanong ay napilitan akong silipin ang kung ano mang tinitipa niya roon. Kanina pa magmula nang umalis kami ng bahay ko siya inuulan ng tanong pero wala ni alin man doon ang sinagot niya. She tapped her phone’s default messenger icon. Pagkatapos ay pinindot niya ang palitan nila ng messages ni Yves, na hindi ko na tiningnan basta ang alam ko ay nag-compose siya ng message para rito. Bumuntong-hininga siya at isinandal ang kaniyang ulo sa headboard ng upuan. Mariin siyang pumikit. Saktong pagmulat niya ay nahuli niya akong nakatitig sa kaniya. “Tirik na tirik ang araw. Anong ginagawa natin dito?” Inunahan ko na siyang magsalita. M
Jehan’s POVMariin akong napapikit nang makita ang motorbike ni Thunder na nakaparada sa garahe. He’s here. Naunahan niya akong umuwi. Alam kong hindi magandang ideya na umuwi nang madaling araw ngayon lalo na at medyo ilag kami sa isa’t isa magmula noong nagpagupit ako ng buhok, two days ago. Ganoon pa man, nagawa ko pa ring buksan ang pinto para pumasok sa bahay; hindi alintana ang malakas na tambol ng puso ko.“Late ka na yata.” Bahagya akong napatalon sa gulat nang marinig ang boses niya. At dahil nahuli na niya ako, wala ng rason para magmadali ako sa paghubad ng suot kong black high-heeled boots.Nakangiti akong umangat ng tingin para harapin siya. Expected ko ng hindi siya matutuwa. Nakasandal siya sa wall sa bukas na pintuan papunta sa kusina at nakahalukipkip. Suot pa rin ang parehong damit na suot niya kanina nang magpaalam siyang aalis para pumunta sa motocross camp. Nang maitabi ko ang boots ay tumuloy ako papunta sa salas at naupo sa couch.Bumuntong-hin