Ang kaninang maingay na cafeteria ay biglang natahimik at napalitan ng malakas na kalabog ng dibdib ko. Umatras ako nang isang beses palayo sa kaniya na nakatayo sa bandang likuran ko. He’s wearing a gray shirt na pinatungan ng denim jacket. Pinaresahan niya ito ng black jeans at white sneakers.
Aatras pa sana ako ng isa pang hakbang nang matigilan ako. Hinawakan niya ang aking palapulsuhan at itinapat ang hawak kong ice cream sa cashier machine. Ganoon rin ang ginawa niya sa isa pang ice cream na hawak naman ng kabila kong kamay. Nang makita niya ang presyo ng dalawang ice cream sa monitor ay may dinukot siya sa kaniyang bulsa. Nakatitig lang ako sa kaniya.
“Tinakasan ka na naman ni Corbi?”
“Hm?” Nakakunot ang noo kong saad. Nakangiti siyang umiling na para bang sinasabi ng utak niya na ako ang pinaka-slow na taong nakilala niya. Napahilig ako ng ulo sa kanan habang nakasunod ng tingin sa kaniya na siyang bumayad ng ice cream na kinuha namin ni Corbi.
Sa halip na ipaliwanag sa akin kung ano ba ang nangyayari ay tinalikuran lang niya ako saka siya nagpatiunang naglakad paalis. Patakbo ko siyang sinundan. Hawak ko pa rin sa magkabilang kamay ang ice cream na hindi ko alam kung paano ko mabubuksan. Alam kong aware siya na nakabuntot ako sa kaniya pero hindi niya ako nililingon.
“Amin na. Bubuksan ko.” Napaatras ako nang magulat sa walang paabiso niyang paghinto sa paglalakad upang lingunin ako. Sumunod ang mga mata ko sa ice cream na walang paalam niyang inagaw sa kamay ko. Muli akong nagkaroon ng pagkakataong matitigan siya.
“Oh!” Inabot niya sa akin ang isang cone ng ice cream na nabuksan niya.
“I-ikaw? Baka gusto mo rin?” alok ko saka inabot sa kaniya ang isa pang ice cream na para sana kay Corbi. Walang pag-aalinlangan naman niya iyong tinanggap.
“Ikaw lang naman sana ang gusto ko ‘e.”
“Kumusta ka n—may sinasabi ka?” Umiling siya saka kumagat sa ice cream na hawak. May dumaan kasing mga OJT students sa gilid namin na ang lalakas ng boses. Kung anu-ano na tuloy ang naririnig ko. Nagpatuloy kami sa paglalakad habang kumakain.
Nanliit ako sa sarili nang mapansin ang height difference naming dalawa. Ngayon ko lang ulit siya nakasabay maglakad nang ganito kalapit. Kikiligin na sana ako nang maalala kong wala na nga palang kami.
“Bilisan mo ngang maglakad! Wala ka na bang klase, ha?” sermon niya nang hindi ako nililingon. Paano ba naman ako hindi mapag-iiwanan? Isang hakbang mula sa kaniya ay dalawang hakbang para sa akin.
Dala na rin siguro ng nakagawian ko na, wala sa sarili akong humawak sa kamay niya na pareho naming ikinagulat. Bibitiwan ko na sana ang kamay niya nang sa pagkakataong ito ay siya na mismo ang humawak sa kamay ko nang mahigpit. I never see this scene coming. Mali ba talaga ako na paratangan siyang cheater?
“Dapat nakapag-usap tayo nang mas maaga.” Muli kaming nagpatuloy sa paglalakad. Hindi man siya nakatingin sa akin, halata namang ako ang kausap niya. Magkahawak ang mga kamay namin na paminsan-minsan kong iduyan sa hangin hanggang tuluyan kaming makalabas sa admin building.
“May chance pa naman tayo, ‘di ba? Malay mo, we can make things right this time.” Umangat ako ng tingin kay Vhan na yumuko naman at sinalubong ang mga mata ko. Narinig kong may sinasabi siya pero tila ba nasa ulap na ang utak ko. Natuod ako sa kinatatayuan nang gawaran niya ako ng magaang halik sa noo na siyang ikinaingay ng paligid.
“PDA!” rinig kong sigaw na nasundan pa nga ng usap-usapan sa paligid. Saka ko lamang napagtanto na nasa harap na kami ng classroom ko. May iilang tinutukso kami ni Vhan, may mga naghahampasan, at meron din namang walang paki-alam tulad na lamang ni Thunder na nahagip ng mga mata ko sa loob ng room. Nakaupo siya sa upuan niya at nakatingin sa direksyon namin ni Vhan. Nagkibit-balikat siya at ngumiti nang magtama ang aming mga mata.
“So… Pwede na ba ako ulit pumunta sa inyo?” bumaling ako kay Vhan na siyang nagtanong. Ngumiti ako at tumango bilang tugon. Humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko bago niya ito binitiwan. Sumenyas siya sa akin ng tawag gamit ang kamay niya habang humahakbang siya nang paatras.
“Ano? Ano? Kayo na ba ulit?” Nanlabi ako sa pambungad na tanong ni Thunder nang maupo ako sa upuan sa tabi niya. May diin sa boses niya na parang—basta! Hindi ko maipaliwanag. Nakasunod pa rin sa akin ang atensyon ng iilan.
“Pinlano mo ba ito?” tanong ko naman pabalik nang maalala ang mga pinagsasasabi ko sa kaniya sa bar. Hindi kaya naawa siya sa akin kaya nagtulungan sila ni Corbi na muli kaming magkausap nang maayos ni Vhan?
“Planned about what?” Nakakunot ang noo niyang tanong.
“”Yong pagtulong sa akin ni Corbi sa department cafeteria!”
“Bakit? Ano bang nangyari sa cafeteria?” Tinaasan ko siya ng kilay pero tinawanan lang niya ako. Ang cute nga niyang tumawa. Lumalabas ‘yong bunny teeth niya at nagiging visible ‘yong mole sa ilalim ng lower lip niya.
“I hate you!”
“Bakit? Kailan mo ba ako minahal?” Tumawa si Thunder kaya umismid ako at humalukipkip. Bumaling ako sa unahan nang marinig ang pagbati ng mga kaklase namin sa kapapasok lang na instructor. Si Miss Elissa na pala ang instructor namin sa subject na ito.
“Birthday ng Dad ni Aquinah sa Sabado? ‘Yong totoong Aquinah ha! Pupunta ka ba?” Nilingon ko si Thunder habang abala ako sa pagkuha ng photocopies at highlighter sa bag ko.
“Hindi naman ako invited. Bakit ikaw? Inimbitahan ka ba?”
Napaisip siya sandali saka ngumiti. “Hindi rin. Malay mo ayain tayo ni Quin. Friends kayo ‘di ba?”
“Shh!” saway ko sa kaniya dahil nagsisimula nang magsalita sa unahan si Ma’am upang kunin ang atensyon namin. “May instructor na sa unahan. Hindi mo ba nakikita?”
Bumaling ng tingin sa unahan si Thunder. Nang lumingon sa direksyon namin ang mga tingin ni Miss Eli ay umupo si Thunder nang tuwid, tipong nakalapat ng maayos sa back board ng upuan ang kaniyang likod at ang dalawa niyang kamay ay nakapatong sa desk. Naagaw tuloy niya ang atensyon ng lahat.
He looked like a six year-old kid every time his homeroom teacher enters the room with a stick on her hand. Umiling na lamang si Miss Elissa. Nang umiwas siya ng tingin at itinuon sa nakahandang powerpoint presentation sa TV ang kaniyang atensyon ay muling nag-ingay ang aking katabi.
“Ano—kapag niyaya ka ni Quin, ayain mo rin ako ha?” Napaigtad ako sa kinauupuan nang magsalita siya sa bandang tainga ko. Eksaktong ipapaliwanag na sana ni Miss Eli ang topic na nasa powerpoint.
“Mr. and Miss Monhador, you may go now.”
“Ho? Ma’am, itong si—”
“Alam niyo bang nakababastos kayo? Salita ako nang salita rito habang kayo ay may iba ring topic diyan. Please present a permission slip from the dean so I would allow you both to be in my class next meeting. Tag-isa kayo. Kapag walang permission slip, huwag munang umattend ng klase ko. For now, you can go.”
Totoo ba ito? Pinapalabas ako sa klase?
Nakasunod sa amin ang tingin ng buong klase. Nilingon ko si Thunder na nagliligpit na ng mga gamit. Nang maisilid niya ang lahat ng iyon sa itim niyang backpack ay tumayo siya saka tumingin sa akin. Nakakunot ang noo akong umiwas ng tingin upang bumaling kay Miss Elissa.
“Ano? Lalabas ba kayo o kayong dalawa ang pagsasalitain ko rito sa unahan?”
Mukhang badtrip din talaga siya. Laglag ang balikat kong isinilid muli sa bag ang mga inilabas kong gamit saka tumayo at sumunod kay Thunder palabas ng room. Based on the way how he swings his bag while walking, tila ba pabor na pabor sa kaniyang lumabas sa klase ni Miss Eli.
“Maalala ko lang, pareho nga pala tayo ng apelyido! Insan!” pang-aasar pa nga nito saka umakbay sa akin. Umikot naman ako para tanggalin iyon. Ngayon ko lang rin naalalang magkaapelyido nga pala kami. Matanong nga mamaya si Nanay Dolor kung may mga kamag-anak pa ba si Lolo.
As far as I know, Lolo only has a sibling. She’s Lola Marina who’s currently living in the United States, using the last name of her late husband which is Zamora. Kung kamag-anak ko man si Thunder, malamang ay malayong kamag-anak na. Siguro nagsasabi talaga siya ng totoo nang sabihin niyang nagpapalit siya ng pangalan.
“Wala akong gamit na kotse ngayon. Okay lang ba sa ‘yo maging back ride? Nakasakay na naman na siguro sa motorbike even once?” Sa parking area ng school kami dinala ng mga paa namin ni Thunder. Si Miss Eli ang huling instructor namin ngayong araw. Wala naman sigurong masama kung uuwi na lang ako tutal pinalabas naman na ako sa klase.
I looked at the red and black sports motorcycle behind him. Ineexamine ko ang bawat sulok nito sa pamamagitan ng tingin. I’ve always admire those who can drive motorbikes. This may sound weird, pero hindi ko pa nae-experience sumakay ng motorbike sa buong buhay ko. Ngayon yata ang first time.
Umupo roon si Thunder. Itinaas niya ang stand gamit ang kaniyang paa saka binuhay ang makina. Pansin kong pinipihit niya ang manibela katulad ng palagi kong nakikita sa tuwing binubuhay ang makina. Bawat pihit niya roon ay lumilikha ng ingay. Mabuti na lang at malayo sa mga school buildings ang parking area.
“B-bakit?” Umiwas ako ng tingin nang ngumiti siya sa akin. Nailang ako bigla. Inikot niya ang motorbike upang iharap sa exit ng parking area.
“Kaninong shirt ‘yang suot mo? Ang cute mo sa suot mo.” Itinuro niya ako. “Para kang bata na suot ang damit ng Papa niya.” Umamba akong hahampasin siya. Wala naman akong balak na tamaan siya pero ihinarang pa rin niya ang kaniyang braso. May napansin akong sulat ng permanenteng tinta na sumilip sa tumaas na sleeve ng kaniyang brown leather jacket. May iba pa yata siyang tattoo maliban sa tattoo na nasa kamay niya.
“Let’s go?” Inabutan niya ako ng extrang helmet na tinanggap ng mga kamay ko, subconciously. Kumabog ang dibdib ko habang sinusuri ang bawak sulok ng helmet. Paano ba ito suutin?
“Lemme do it.” Ayoko mang magpa-special pero ayoko rin namang magmagaling. Humakbang ako palapit kay Thunder at inabot sa kaniya ang helmet. Inayos muna niya ang nakalugay kong buhok bago isinuot sa ulo ko ang helmet. Nang maisuot niya iyon sa akin ay itinaas niya ang windshield nito para siguro tingnan ang kalagayan ng mukha ko. Hindi siya direktang nakatingin sa mukha ko pero mas lalo lang akong nailang.
Kahit may kay kataasan ang upuan sa backride ay nagawa ko pa rin namang maupo roon. Nasubsob pa nga ang suot kong helmet sa balikat ni Thunder nang walang paabisong umusad ang motorbike. Narinig ko siyang natawa. “Kumapit ka kasi sa akin. Hindi naman kita bibitawan.”
Tila ba sasabog na ang dibdib ko sa lakas ng tibok ng puso ko nang kunin ni Thunder ang kanan kong kamay upang ilagay sa bandang tiyan niya. Ganoon din ang ginawa niya sa isa ko pang kamay. Pikit-mata kong in-intertwine ang aking mga daliri sa tapat ng tiyan niya and to tell you, wala akong makapang baby fats.
“Yow! Ang aga natin ngayon, ah?!” Awkward man, narating pa rin namin ni Thunder ang motocross camp nang hindi ako bumibitaw mula sa pagkakayakap sa kaniya.
Si Bam ang bumungad sa amin nang ihinto ni Thunder ang kinasasakyan naming motorbike sa tapat ng kulay green na kotse sa parking lot ng motocross camp. Iyong pagkaka-sleeveless ng shirt niya ay iyong tipong t-shirt na tinanggalan ng manggas na umabot hanggang sa bandang dibdib. Namangha ako nang kaunti nang makita na may tattoo siyang krus sa tagiliran.
Nalipat ang atensyon ko sa bintana sa bandang backseat ng kotse nang bumaba ang windshield nito. May sumilip doon na lalaki na baliktad ang pagkakasuot ng itim niyang sumbrero. Katabi nito si Yves na tahimik na natutulog habang may nakasalpak na earpods sa kaniyang tainga. May apat pang lalaki na papalapit naman sa direksyon namin. Maliban kina Bam at Yves ay bago sa paningin ko ang limang lalaki.
“Siya ba si Jehan?”
I was just sitting on the concrete bleachers the whole time while Thunder and his friends are on for a motocross match. Napapatayo na lamang ako sa kaba sa tuwing umaangat sa lupa ang dirty motorcycle na kinasasakyan nila. “Want some?” Bumaling ako ng tingin sa lalaking may hawak sa plastic bottle ng tubig na inaalok niya sa akin. He’s Jared—as far as I can remember from what Thunder told me nang ipakilala niya ang mga ito sa akin kanina. They are from Seven Internation School. An all boys university sa kabilang syudad. I’ve heard their school once sa isa naming blockmate na galing sa school na ‘yon noong first day of school. “Thank you,” usal ko saka tinanggap ang bote. Jared is working as a part-time model sa clothing brand ng pamilya nila Vhan. Obvious naman kung ano ang iniingatan niya kaya hindi siya nakikihabulan sa mga kaibigan niya sa field. Maliban sa kaniya, pulos rider na ang anim pa which includes Bam and Yves. Halos manginig ako sa takot kanina n
“May nakalimutan ka ba?” tanong ni Vhan na siyang bumukas ng gate para sa akin. Bumaling ako sa kaniya na nakatayo sa harapan ko. Sinuklian ko ang kaniyang mga ngiti saka muling lumingon sa daan para habulin ng tingin ang papalayong motorbike ni Thunder. Bakit parang may mali? Ayoko pang umuwi. Kamakailan lang umaasa ako na magkakaayos kami ulit ni Vhan. Ako ‘tong habol nang habol sa kaniya at nagpapapansin. Ngayong nandito na siya sa harapan ko, para bang nawalan na ako ng kagustuhang ituloy ang kung ano mang meron sa amin. “Bakit?” tanong niya at nihawakan ang magkabila kong kamay. “Oh, oh, walang iyakan!” Hinila niya ako at kinulong sa kaniyang mga braso. Hindi naman ako naiiyak kanina pero ngayong yakap na niya ako ay hindi ko napigilang maging emotional. “Si Nanay D nga pala?” Kumalas ako mula sa pagkakayakap niya at nagpatiuna ng maglakad papunta sa main door ng bahay. “Nasa kusina para maghanda ng dinner. Dito ako
“Honey?” I can’t help but to wonder. All this time I thought Thunder hates Miss Eli to the point that he intentionally messing up on her class. But what was that? Bakit magkasama sila at ipinagmamaneho pa niya ito? Higit sa lahat, ano bang paki-alam ko? Bakit ang overreacting naman yata ng puso ko at kung tumibok ito ay para bang wala ng bukas. Naputol ang pagmumuni ko habang nakatitig sa kisame nang tumunog ang cellphone sa bedside table. Nakababa ang mga kurtina ng bintana pero base sa liwanag na nagpupumilit na lumusot roon, sa tingin ko ay mataas na ang sikat ng araw sa labas. Hindi nga ako nagkamali dahil nang kunin ko ang cellphone at mabasa ang pangalan ni Vhan na siyang caller ay nahagip ng mga mata ko ang oras. It’s already passed 8 in the morning. “Good morning!” I greeted him not minding the possible smell of my breath since I just got up from bed. “Good morning, babe! I’m sorry kung naistorbo ko ‘yong tulog mo. Bibili ako ng gift for Tito Arc. Gus
“Can I?” pag-uulit niya. Natigilan ako sa sinabi ni Thunder. The music wasn’t that loud but I’m contemplating if I heard him right. His eyes were pinned in my lips as we continued to followed the rhythm of the music. I can’t look directly into his eyes. Pakiramdam ko kapag sinalubong ko siya ng tingin ay mawawala ako sa wisyo. His hands were still wrapped around my waist while mine were on his broad shoulders. Sa kagustuhan kong huwag salubungin ang mga mata niya ay napako ang mga mata ko sa labi niya nabahagya niyang binasa gamit ang kaniyang dila. Gusto kong umiling pero taliwas sa kagustuhang iyon ang nais ng puso ko. Yumuko ako nang maramdaman ang pagbitaw ng isa niyang kamay sa baywang ko. Hinawakan niya ako sa batok at itinaas ang ulo ko gamit ang kaniyang hinlalaki. Doon na nga nagtagpo ang aming mga mata at may kung anong energy na humihila sa akin para pagbigyan siya. His face moves closer and closer but as soon as his lips met mine, the song suddenl
Nakakabingi ang ingay rito sa cafeteria. May mga nagsisigawan at naghihiyawan. Ang iba pa nga sa kaniya ay halos magbatuhan na ng siopao. Hindi ko malaman kung ngayon lang ba sila nakakita at nakatikim ng siopao o sadyang may hindi kanais-nais na nilalang ang siyang dumating. Nakatalikod ako entrance kaya wala akong clue sa kung ano bang pinagkakaguluhan nila. Umangat ako ng tingin kay Vhan na nasa harapan ko at siyang kasalo sa pang-apatang mesa. Ngumiti siya sa akin nang magtama ang mga mata namin matapos siyang umiwas ng tanaw sa entrance ng cafeteria. Ayaw kong lumingon. Mukhang nahihinuha ko na kung sino ang tatambad sa akin. Tatlong magkakasunod na katok sa mesa ang ginawa ng taong nakatayo sa gilid, sa pagitan namin ni Vhan. Lilingunin ko sana siya nang maagaw ni Miss Eli ang atensyon ko. Sinaway niya ang mga nagkakagulong estudyante. Nang bumaling ako ng tingin sa lalaki ay nakaupo na siya sa bakanteng upuan sa tabi ko. Hindi ako kaagad nakakilos nang
Napako ang mga mata ko kay Quin na abala sa pag-e-scroll sa isang online shopping app habang nakadapa kaming tatlo sa kama ni Cham. Nasa pagitan namin siya kaya naman nakikita ko kung paano magpalipat-lipat sa amin ni Quin ang kaniyang mga mata. Napabuntong-hinga na lamang ako saka bumangon para maupo. Sa apartment ni Cham ako hinatid ni Vhan pagkatapos ng date namin. Bilin daw kasi ni Quin na rito ako ihatid at may pag-uusapan kami. Iyon na ba ‘yon? Kaya ba nila ako in-approach ay para masabi niya nang harapan at diretsa sa akin ang mga bagay na iyon? “Quin!” saway ni Cham sa kaniya na bumangon na rin at umupo sa kama. Napalunok ako ng sariling laway. Pati tainga ko ay pumipintig na sa mga sandaling ito. “Wait. Uulitin ko lang para maabsorb nang tuluyan ng utak mo.” Bumangon na rin siya. Umupo siya sa kama nang nakaharap sa akin at nasa pagitan namin si Cham sa gilid. Ngumisi siya. Nasa kaniya na ang buo kong atensiyon. In-off niya ang hawak niyang c
Namamalikmata ba ako? Ano namang ginagawa ni Thunder dito sa ganitong oras? Nakatira ba siya sa malapit?“Jehan, hija, bakit gabi na ang pagdalaw mo?” bungad na tanong sa akin ni Nanay Rosing sa gate intercom. Pinipigilan ko ang sariling huwag lumingon sa gawi ni Thunder. Sana lang ay hindi niya ako makilala. Pumunta ako rito para gumaan ang kalooban at hindi para dagdagan ang mga gumugulo sa isipan ko.“Sana nagpasabi ka na pupunta ka rito. Mabuti na lamang at gising pa ang Lolo mo,” ani ng ginang nang pagbuksan niya ako ng pinto ng gate.Tumuloy kami sa pagpasok sa bahay at naabutan ko si Lolo na bahagyang nakahiga sa kaniyang massage chair. Nakaramdam ako ng guilt nang magtama ang aming mga mata. Nag-iisa niya akong apo at hindi naman gaanong malayo ang bahay namin dito sa mansion niya, pero hindi ko man lamang siya mabisita nang madalas.“Jehan, apo!” nakangiti niyang tawag sa akin. Nagmadali naman akong humakbang p
His breathing was heavy and I can see frustration all over his handsome face. Wala akong mahuling salita na maaari kong ibato sa naging confession niya. Kasalanan ko ba na ginusto niya ako? Bakit parang ako itong sinisisi niya kung bakit siya nagkagusto sa akin? Noong unang beses na magkita kami rito sa bar na ito ay nabanggit ko sa kaniya na may boyfriend na ako. Kahit pa sabihing we’re not in good terms ni Vhan that time, still boyfriend ko pa rin siya nang mga panahong iyon. Hindi lang isang beses kong ipinaalala sa kaniya ang tungkol doon—kung ‘di makailang ulit. At kailan niya ako titigilan? Hanggang iwan ko si Vhan para sa kaniya? Lasing ba siya? Napasabunot si Thunder sa kaniyang buhok. Humakbang siya palayo sa akin at tumalikod. Pakiramdam ko sisigaw na siya para murahin ang mundo dahil sa makailang ulit kong pambabasted sa kaniya. Good thing, hindi niya ginawa. Muli siyang humarap sa akin suot pa rin ang frustrated na expressi
Thunder’s POV“You can’t. Bakit ba ang tigas ng ulo mo? Sinabi ko naman sa iyo na wala kang mapapala kahit pa makita mo siya!”“Why can’t I?!” sigaw ko.Nagtama ang mga mata namin ni Jheane na nagulat sa biglang pagtaas ng boses ko. Nakaupo siya sa itim na couch, salungat sa direksyon na kinauupuan ko. Nakipagtitigan siya sa akin. Ako na ang kusang umiwas ng tingin nang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Claud.They are my friends whom I met on the first day that I got here in the US to live with Tito Marco’s family. They happened to be dating each other.May bitbit na plastic bag ng canned soda sa kaliwang kamay si Claud at isang box ng pizza naman sa kabila. Maingat niyang isinara ang maingay na pinto at lumapit sa amin. Ibinaba ko ang mga paa ko na nakapatong sa mesa nang ilapag doon ni Claud ang mga dala niya. Nagkatinginan sila ni Jheane.Palagi na lang akong nagmumukhang third wheel
Charmaine’s POVAs much as possible, gusto kong sarilinin na lang ang kung ano mang nararamdaman ko para kay Xawarian.Desisyon kong pakawalan siya kaya wala akong karapatan na kunin siya sa taong nagmamahal sa kaniya. Besides, tita ko si Jayzel. Bunso siyang kapatid ni Papa na halos twenty years din ang agwat ng edad sa kaniya. I’ve known her since I was just a kid. I know, she’ll take good care of Xaw as much as she did to me during our childhood days.Nakilala ko si Xaw noong high school dahil kay tita Jayzel. Ipinakilala siya sa akin ni tita as a friend na taga-kabilang school na kinumpirma naman sa akin ni Xaw. Magkaedad sila at parehong ahead sa akin ng dalawang school year. Mula nang araw na ‘yun ay napadalas na ang pagkikita namin ni Xaw nang patago kay tita Jayzel.Bago ko pa man naging kaibigan sina Quin at Jey ay si tita ang una kong naging best friend. Ganun pa man, may kung ano sa akin na natatakot sabihin sa kaniya ang
Charmaine’s POVIf I deserve someone better, why can’t you be that someone who’s better?Ito ang mga katanungang lumilipad sa utak ko habang nakatitig kay Xaw. Nasa harap kami ng isang jewelry shop sa mall na siyang naging scape place naming dalawa nitong mga nakalipas na araw. Malagkit na nakatingin ang babaeng staff kay Xaw, na abala naman sa pagpili ng singsing. Nagtama ang mga mata namin ng staff na nahihiyang umiwas ng tingin.Bumuntong-hininga ako saka luminga upang muling maghanap ng pamilyar na mukha sa paligid. Baka kasi may kakilala kami na makakita sa amin na magkasama ngayon.Actually, it’s not a big deal. Alam ng lahat na ako ang paboritong asarin ni Xaw magmula pa noong unang araw ng pasukan. Ang ikinatatakot ko sa ngayon ay ang katotohanang hawak ni Xaw ang kamay ko.“This. Can I see this one?” Binalik ko ang aking atensyon kay Xaw nang magsalita siya. Ngumiti ang babae sa kaniya at kinuha ang singsing na i
Thunder’s POVKanina pa ako pabalik-balik sa paglalakad yakap ang unan na nadampot ko sa kama bago ako nagpasyang lumabas ng kwarto. Ilang oras na ang lumipas mula nang dumating kami rito sa bahay galing sa maghapong driving lesson.Jehan is a fast learner. Maliban pa roon ay may kaunti na siyang kaalaman sa pagda-drive kaya hindi ako nahirapan. Huminto ako sa paglalakad nang marinig ang tunog ng pagpihit ng knob. Bumukas ang pinto at bahagyang napatalon sa gulat si Jehan nang makita ako. Katulad ko ay naka-pajamas na rin siya.“Gising ka pa?” tanong niya nang makabawi. Humakbang siya palabas ng kwarto. Lumapit ako sa kaniya at itinapon ang bitbit kong unan sa direksyon ng kama niya. Mabuti na lang at hindi iyon gumulong at nahulog sa sahig.“Hindi pa ako inaantok.” Nginitian ko siya. Ngumiti rin siya pabalik at tuluyan na ngang sinara ang pinto.“Magtitimpla ako ng gatas. Gusto mo rin ba ng gatas?”“Hm?” Tinaas
Jehan’s POVI opened my eyes in a slow motion. Bumungad sa akin si Thunder na nakatayo pa rin sa harapan ko at hawak ako sa magkabilang pisngi. We are both catching our breathes while Toki stares at us innocently. Bakas sa mga mata ni Thunder ang pag-aalala pero hindi ko alam kung bakit ako natawa. Ang rupok ko talaga pagdating sa kaniya.“Hey! Don’t scare me like that. Okay ka lang?”Paano ko bibitiwan ang lalaking ito nang hindi ko pagsisisihan sa huli?Sa halip na sagutin ang tanong niya ay umatras ako palayo at inilapag si Toki sa sahig. Tumakbo naman ang aso paalis na akala mo ay hahabulin siya ng isa sa amin. I looked back at Thunder, teary-eyed. I smiled at him which made him confused for I don’t know how many times already. I cupped his face and tip toed to reach for his lips.I hate the smell of cigarettes but its taste from his lips makes me addicted. A simple peck suddenly went deeper and deeper until his tounge make its way to search for mine. Nanghihi
Jehan’s POVHalos marinig ko na ang paghinga ng bawat isa sa sobrang tahimik. May pare-parehong reaksyon sa mga mukha nila—nagtatanong kung bakit nasa labas si Thunder. Kahit ako, hindi ko rin naman alam. Nanay Dolor broke the silence by shutting off the main door. Aquinah then coughed and Mommy wet her lips. Hindi pa rin nila inaalis ang mga tingin nila sa akin.“H-hinatid lang ho ako ni Thunder.” Maging ako ay nag-cringe sa kasinungalingan ko. Mabuti na lang talaga at hindi ako sa mismong gate ng bahay bumaba kanina pagkahatid sa akin ni Vhan. Hindi siya nakita ni nanay nang pagbuksan niya ako ng pinto ng gate.“Oh, bakit hindi mo pinatuloy?” sumbat ni mama. Akala ko ako ang pinapagalitan niya pero nang lingunin ko siya, nakita kong kay tito siya nakatingin.“Inalok ko siyang pumasok kaso tumanggi. Uuwian daw muna niya si Toki sa bahay nila.” Sa sinabi ni tito, bumalik tuloy ang atensyon ng lahat sa akin.“Hindi mo muna pinakain ‘yung aso bago ka pumunta rito?”
Jehan’s POVBakit sila magkasama? Magkakilala ba sila?I feel like a masochist while looking at them who are happily staring at each other’s eyes. Mabigat sa pakiramdam na makita siyang nakangiti nang gano’n sa iba. Kahit nanlalabo na ang paningin ko ay hindi ko magawang alisin ang mga tingin ko sa kaniya. Natatakot na baka sa isang kisap-mata ay mawala siya sa paningin ko.Akala ko okay kami… akala ko lang siguro.Ito ba ang pinagkakaabalahan niya nitong mga nakaraang araw kaya napapadalas ang pag-alis niya? At isinasama niya pa si Yves? Na-curious tuloy ako sa kung anong ikinukwento ng babae. Sinabi kaya nito na pumunta ako sa bar ni Corbi kanina kasama si Liane at hinahanap siya?Ngayon ko lang ulit nakitang ngumiti nang ganoon kalawak si Thunder magmula nang magsama kami sa iisang bahay. Now that I mentioned it, marami ng nagbago mula nang sumama ako sa kaniya.Humakbang ako nang tatlong beses paatras at pagkatapos ay tuyuan na nga silang tinalikuran. Wala
Jehan’s POV “Anong gagawin natin dito?” Walang kibo na iginarahe ni Liane ang kinasasakyan naming kotse sa parking lot ng isang bar na pamilyar sa akin. This bar holds a huge significance to Thunder and my story. Ang Secret Paradise bar na pag-aari ni Corbi. Inabot ni Liane ang cellphone niya at dahil hindi niya sinagot ang nauna kong tanong ay napilitan akong silipin ang kung ano mang tinitipa niya roon. Kanina pa magmula nang umalis kami ng bahay ko siya inuulan ng tanong pero wala ni alin man doon ang sinagot niya. She tapped her phone’s default messenger icon. Pagkatapos ay pinindot niya ang palitan nila ng messages ni Yves, na hindi ko na tiningnan basta ang alam ko ay nag-compose siya ng message para rito. Bumuntong-hininga siya at isinandal ang kaniyang ulo sa headboard ng upuan. Mariin siyang pumikit. Saktong pagmulat niya ay nahuli niya akong nakatitig sa kaniya. “Tirik na tirik ang araw. Anong ginagawa natin dito?” Inunahan ko na siyang magsalita. M
Jehan’s POVMariin akong napapikit nang makita ang motorbike ni Thunder na nakaparada sa garahe. He’s here. Naunahan niya akong umuwi. Alam kong hindi magandang ideya na umuwi nang madaling araw ngayon lalo na at medyo ilag kami sa isa’t isa magmula noong nagpagupit ako ng buhok, two days ago. Ganoon pa man, nagawa ko pa ring buksan ang pinto para pumasok sa bahay; hindi alintana ang malakas na tambol ng puso ko.“Late ka na yata.” Bahagya akong napatalon sa gulat nang marinig ang boses niya. At dahil nahuli na niya ako, wala ng rason para magmadali ako sa paghubad ng suot kong black high-heeled boots.Nakangiti akong umangat ng tingin para harapin siya. Expected ko ng hindi siya matutuwa. Nakasandal siya sa wall sa bukas na pintuan papunta sa kusina at nakahalukipkip. Suot pa rin ang parehong damit na suot niya kanina nang magpaalam siyang aalis para pumunta sa motocross camp. Nang maitabi ko ang boots ay tumuloy ako papunta sa salas at naupo sa couch.Bumuntong-hin