“H-hindi ko alam,” sagot ko na lamang.
“Ah, I see… Hindi mo maipaliwanag kung anong nagustuhan mo sa kaniya. It’s normal. Maraming tao ang hindi alam kung bakit ba nila nagustuhan ang taong gusto nila,” nakangiti niyang sang-ayon. “Pero lumalala ang insecurities mo dahil sa kaniya. It’s toxic, Jey. That’s why I wanted to help you. I want to give you back your self-confidence.”
Ano nga bang nagustuhan ko sa lalaking ‘yon?
I’ve been asking my self this question since last night. It’s given that Vhan has those qualities of a man that everyone’s looking for. He’s handsome, tall, rich, and a total husband material. I can’t say any negative about that. Sa sobrang attractive niya, nagkaroon ako ng insecurities sa sarili ko and I started to asked myself. Am I pretty enough for him? Ano kayang iniisip ng mga tao kapag magkasama kaming dalawa? Deserve ko ba siya?
“I’ll help you to forget him, Jey.” Napailing na lamang ako ng maalala ang mga huling sinabi ni Thunder kagabi bago kami in-interrupt ng mga kaibigan niya. Should I really want to get rid of my feelings for Vhan? Bakit pakiramdam ko may pag-asa pa na maaayos namin ang lahat?
“Ayaw mo ng carbonara?” Bumalik sa wisyo ang pag-iisip ko nang kalabitin ako ni Liane na nasa unahan ko. Nasa cafeteria nga pala kami at kasalukuyang nakapila sa linya ng mga gustong kumuha ng carbonara. The cafeteria is a bit crowded today maybe because it’s Friday. Pagkatapos kong kumuha ng carbonara ay sumunod ako kay Liane sa paghahanap ng mauupuan.
“Pansin ko lang, Jey. Hindi na sumasabay sa atin si Cham. May nangyari ba?” Inukupa namin ni Liane ang pan-apatang mesa sa gilid, malapit sa nakabukas na sliding glass window. Nang mailapag ang tray ng pagkain sa mesa ay nilingon namin si Cham na nakaupo sa katabing table.
“Hindi ko rin nga alam,” matipid kong sagot. Mabagal ang pag-ikot ni Cham ng hawak na tinidor sa carbonara na nasa plato. I lost track of the time when our last conversation happened. Sa naalaalala ko, may nasabi akong hindi maganda sa kaniya. Naramdaman yata niyang may nakatingin sa kaniya mula sa direksyon namin. Lumingon siya at nang magtama ang mga mata namin ay sabay din kaming nagbawi ng tingin.
“Nga pala, sino na nga ang pinag-uusapan natin sa pila kanina? Sorry, nawala sa isipan ko na nagku-kwento ka.” I tried to volumed up my voice to get Cham’s attention but she seems like in a really deep thought. “Ah! Si Yves.”
“Binasted ko siya,” diretsa niyang sagot. Tama talaga ang hinala ko na may something sa kaniya ni Yves. Halata naman kasi sa paraan ng pagtitig at mga ngiti sa kaniya ng lalaki.
Hindi ko pa naman ganoon kakilala si Yves. Last night was the first time I’ve seen him. But I think he’s a nice guy. Nicer than that Thunder. Ngayon ko lang din naalalang wala ng iba sa mga lalaking kasama namin kagabi ang nag-aaral dito sa school namin.
“B-bakit? I mean, gwapo naman si Yves. Pareho ang hobby niyo. Paniguradong magkakasundo kayo.”
Nakangiti siyang umiling. “Ikaw? Bakit mo gusto si Vhan?”
Natigilan ako sa balak sanang isubo ang carbonarang inikot ko sa hawak na tinidor. Umangat ako ng tingin sa kaniya na abala sa pag-scroll sa hawak niyang cellphone. Ano namang connect ni Vhan kay Yves na siyang pinag-uusapan namin? Sasabihin ko sana ang mga eksaktong salita na isinagot ko kay Thunder kagabi pero hindi ko nagawa nang marinig kong ang pamilyar na boses na tumikhim sa bandang likuran ko.
“Charmaine!” Si Vhan iyon na kumaway kay Cham. Naupo siya sa kabilang side ng mesa kung nasaan si Cham at umupo sa upuang kasalungat ng kinauupuan nito. Sandali silang nagkatinginan saka bumaling sa gawi namin. Nilingon ko si Liane subalit nanatiling nakapako sa hawak niyang cellphone ang kaniyang atensyon.
“Oh, ‘di ba? You don’t know the reason why you love him. Sa case ko, literal na wala talaga akong gusto sa kaniya. As in, wala!” Nangangati man ang dila kong magtanong pa ng tungkol kay Yves ay nagpasya na lamang akong manahimik. I tried my best to stay calm despite the pressure that I’m feeling right now. Para akong nasa hot seat in an indirect way.
“Kailan pa sila naging close?” Mula sa pagkakatingin kina Vhan at Cham ay bumaling sa akin si Liane. Those were the exact words that I want to asked Charm. Kailan pa nga ba sila naging close? Akala ko ba awkward sila sa isa’t isa?
Umiling ako bilang tugon kasi, malay ko ba!?
Alam kong creamy ang carbonara but this one is bit soggier. Naumay ako kahit sa unang subo pa lamang. Umangat ako ng tingin para mag-sight ng ibang pagkain sa counter. There, I saw a vanilla cake in triangular shape. Nasa pinakaitaas ito sa glass cabinet. Pag-iwas ko ng tingin sa glass cabinet ay nahagip ng mga mata ko ang nakaharang na paa ni Vhan sa makitid na daanan.
May idea na nabuo sa isipan ko. Tumayo ako dala ang tray na tanging plato lang ng carbonara ang laman. Maingat akong humakbang paalis sa pwesto ko at sinadyang patirin ang sarili sa pamamagitan ng nakaharang na paa ni Vhan. Katangahan na mas mabilis pa sa alas-tres kong pinagsisihan.
Sasagiin ko lang naman ang paa niya para sana magpapansin. Wala sa plano kong madapa sa harapan niya at lumangoy sa kumalat na carbonara sa sahig. Mabuti na lamang at hindi babasagin ang plato na pinaglagyan n’on. Maging hangin ay nahiyang basagin ang katahimikang bumalot sa cafeteria.
Nanatili ako sa pagkakadapa sa sahig na parang isdang isinuka ng dagat. Mariin akong pumikit. Paano ko haharapin ang katangahang ginawa ko sa harap ni Vhan—maging sa lahat ng taong narito? Kung nandito lang si Thunder paniguradong inulan na ako n’on ng tukso.
“Tumayo ka nga.” Mistula akong nagising mula sa nakakikilabot na bangungot. Napakagat ako sa ibabang labi nang makilala kung sino ang taong sumalba ng 70% ng reputasyon ko. Ngumiti ako kay Corbi na nakakunot ang noo sa akin. Mas mabilis pa sa pagkadapa ko ako tumayo. Agad akong kumapit sa braso ni Corbi, hindi alintana ang sauce na nadampot ng kamay ko.
“Nakita mo ba?” Halos mawalan na ng espasyo sa pagitan ng mga kilay ni Corbi. Bakas ang pandidiri sa nakangiwi niyang labi. Inilapit niya ang mukha niya sa tainga ko saka bumulong, “Oo. Nakita ko ‘yong katangahan mo.”
Pwersahang inalis ni Corbi ang pagkakakapit ko sa kaniyang braso. Sa higpit ng pagkakahawak ko sa kaniya ay namula iyon. Nagpatuloy sa kani-kanilang ginagawa ang lahat na para bang walang nangyari. Nahihiya akong umi-squat para tumulong sa paglilinis ng kalat ko.
Umangat ako ng tingin at nahuli si Corbi na nakatingin kay Vhan pero tila ba walang paki-alam ang huli. Ilang segundo rin ang itinagal ng pagtitig niya rito bago siya umiwas ng tingin. Hinablot niya ang braso ko saka ako hinila paalis sa kahihiyan na ginawa ko. Hindi man lang gumana kay Vhan ang pagpapapansin ko. Siguro kung hindi dumating si Corbi ay baka nakatulog na ako sa sahig katabi ng mga pasta.
“Babalikan kita rito. Password mo?” Malalim ang paghinga ko nang umangat ako ng tingin upang harapin siya. Luminga ako sa paligid upang maging pamilyar sa paligid. We’re standing in front of the ladies room. Binitiwan niya ang braso ko na siyang ikinailang namin pareho.
“Password mo,” pag-uulit niya ng tanong. Napahilig ako ng ulo saka kinapa ang magkabilang bulsa ng jeans ko.
“Nasa bag ‘yong cellphone ko.” Bakas ang pagkairita sa mukha ni Corbi sabay sapo sa batok niya.
“Ibig kong sabihin, password ng locker mo. Ikukuha kita ng bihisan.”
“Ha? Wala akong damit sa locker.” Mariing pumikit si Corbi. Napapadalas na yata ang pagiging iritado niya. Mariin siyang pumikit saka bumuntong-hinga. Pagmulat niya ay sinalubong ko siya ng ngiti. Hindi kasi ako madalas na nag-iiwan ng extra na damit sa locker maliban na lang sa P.E. uniform. But unfortunately, kahapon pa ang P.E. namin at naiuwi ko na iyon sa bahay upang malabhan.
Iwinasiwas niya ang kaniyang kamay sa ere na parang sinasabi na ‘okay lang’. “Babalikan kita rito. Ikukuha lang kita ng bihisan.”
Clueless man, tumango na lamang ako. Nang hindi na maabot ng tingin ko si Corbi ay tumuloy na ako sa loob ng ladies room. Malagkit sa balat ang sauce ng carbonara. Balikan man ako o hindi ni Corbi, nagsimula na akong maglinis ng sarili.
Hinayaan ko lang ang gripo nang nakabukas habang bahagyang nakahilig ang ulo at tinitigan ang sariling reflection sa salamin. Kung bakit ko ba kasi naisipang magpapansin kay Vhan sa ganoong paraan? Napakabilis nga naman ng karma. Magkasunod na katok sa pinto ang umagaw sa atensyon ko. Nakailang hakbang pa lamang ako palapit sa pinto nang bumukas iyon at ibinato ni Corbi sa direksyon ko ang hawak niyang mga damit.
“Hihintayin kita rito sa labas.” Sinara niya kaagad ang pinto. Paulit-ulit kong fl-in-ip ang shirt ng P.E uniform na binigay sa akin ni Corbi. Sa size nito, masasabi kong pag-aari ito ng lalaki. Pagkatapos kong magpalit ng damit ay pinuyod ko ang wavy kong buhok in a messy bun. Wala naman akong narinig na reklamo mula kay Corbi paglabas ko sa banyo.
“Gusto mo ng ice cream? Cookies and cream?” Walang pag-aalinlangan akong tumango sa alok ni Corbi. Ako na rin ang nagsuggest na sa cafeteria sa Admin building kami bumili at baka naroon pa sa department cafeteria sina Vhan at Charmaine. Bakit parang ang bait yata sa akin ni Corbi ngayon? Dahil ba ito sa atraso niya sa akin noong nakaraan?
“Hoy, si Pres! Magkaibigan sila, right?”
“Bakit kasama niya ‘yong ng ex ni Llorico?”
“Third party?”
Nanginigig ang mga kamay kong sumara sa freezer nang marinig ang bulungan sa likuran namin ni Corbi. Bumaling ako sa katabi ko na tila ba walang paki-alam at nakangiti pa ngang ipinakita sa akin ang dalawang cone ng cookies and cream ice cream. Ngayon lang din sumagi sa isipan ko na hindi lang nga pala basta estudyante si Corbi. He’s the SC President.
“Shit! Nalimutan ko ‘yong wallet ko sa office. Paki-hawak mo muna ito. Hintayin mo ako rito!” Inabot sa akin ni Corbi ang dalawang ice cream bago siya kumaripas ng takbo paalis. Naiwan ako sa kinatatayuan—hawak ang dalawang ice cream habang pilit na nilalabanan ang matatalim na tingin ng akin.
Teka, parang nangyari na ito with a different scenario!
“Tsk. Sinasabi ko na nga ba…” Nilingon ko ang may-ari ng boses na siyang nagsalita sa likuran ko. Napayuko ako nang ngumiti siya sa akin. “Tinakasan ka na naman ni Corbi.”
Ang kaninang maingay na cafeteria ay biglang natahimik at napalitan ng malakas na kalabog ng dibdib ko. Umatras ako nang isang beses palayo sa kaniya na nakatayo sa bandang likuran ko. He’s wearing a gray shirt na pinatungan ng denim jacket. Pinaresahan niya ito ng black jeans at white sneakers. Aatras pa sana ako ng isa pang hakbang nang matigilan ako. Hinawakan niya ang aking palapulsuhan at itinapat ang hawak kong ice cream sa cashier machine. Ganoon rin ang ginawa niya sa isa pang ice cream na hawak naman ng kabila kong kamay. Nang makita niya ang presyo ng dalawang ice cream sa monitor ay may dinukot siya sa kaniyang bulsa. Nakatitig lang ako sa kaniya. “Tinakasan ka na naman ni Corbi?” “Hm?” Nakakunot ang noo kong saad. Nakangiti siyang umiling na para bang sinasabi ng utak niya na ako ang pinaka-slow na taong nakilala niya. Napahilig ako ng ulo sa kanan habang nakasunod ng tingin sa kaniya na siyang bumayad ng ice cream na kinuha namin ni Corbi.
I was just sitting on the concrete bleachers the whole time while Thunder and his friends are on for a motocross match. Napapatayo na lamang ako sa kaba sa tuwing umaangat sa lupa ang dirty motorcycle na kinasasakyan nila. “Want some?” Bumaling ako ng tingin sa lalaking may hawak sa plastic bottle ng tubig na inaalok niya sa akin. He’s Jared—as far as I can remember from what Thunder told me nang ipakilala niya ang mga ito sa akin kanina. They are from Seven Internation School. An all boys university sa kabilang syudad. I’ve heard their school once sa isa naming blockmate na galing sa school na ‘yon noong first day of school. “Thank you,” usal ko saka tinanggap ang bote. Jared is working as a part-time model sa clothing brand ng pamilya nila Vhan. Obvious naman kung ano ang iniingatan niya kaya hindi siya nakikihabulan sa mga kaibigan niya sa field. Maliban sa kaniya, pulos rider na ang anim pa which includes Bam and Yves. Halos manginig ako sa takot kanina n
“May nakalimutan ka ba?” tanong ni Vhan na siyang bumukas ng gate para sa akin. Bumaling ako sa kaniya na nakatayo sa harapan ko. Sinuklian ko ang kaniyang mga ngiti saka muling lumingon sa daan para habulin ng tingin ang papalayong motorbike ni Thunder. Bakit parang may mali? Ayoko pang umuwi. Kamakailan lang umaasa ako na magkakaayos kami ulit ni Vhan. Ako ‘tong habol nang habol sa kaniya at nagpapapansin. Ngayong nandito na siya sa harapan ko, para bang nawalan na ako ng kagustuhang ituloy ang kung ano mang meron sa amin. “Bakit?” tanong niya at nihawakan ang magkabila kong kamay. “Oh, oh, walang iyakan!” Hinila niya ako at kinulong sa kaniyang mga braso. Hindi naman ako naiiyak kanina pero ngayong yakap na niya ako ay hindi ko napigilang maging emotional. “Si Nanay D nga pala?” Kumalas ako mula sa pagkakayakap niya at nagpatiuna ng maglakad papunta sa main door ng bahay. “Nasa kusina para maghanda ng dinner. Dito ako
“Honey?” I can’t help but to wonder. All this time I thought Thunder hates Miss Eli to the point that he intentionally messing up on her class. But what was that? Bakit magkasama sila at ipinagmamaneho pa niya ito? Higit sa lahat, ano bang paki-alam ko? Bakit ang overreacting naman yata ng puso ko at kung tumibok ito ay para bang wala ng bukas. Naputol ang pagmumuni ko habang nakatitig sa kisame nang tumunog ang cellphone sa bedside table. Nakababa ang mga kurtina ng bintana pero base sa liwanag na nagpupumilit na lumusot roon, sa tingin ko ay mataas na ang sikat ng araw sa labas. Hindi nga ako nagkamali dahil nang kunin ko ang cellphone at mabasa ang pangalan ni Vhan na siyang caller ay nahagip ng mga mata ko ang oras. It’s already passed 8 in the morning. “Good morning!” I greeted him not minding the possible smell of my breath since I just got up from bed. “Good morning, babe! I’m sorry kung naistorbo ko ‘yong tulog mo. Bibili ako ng gift for Tito Arc. Gus
“Can I?” pag-uulit niya. Natigilan ako sa sinabi ni Thunder. The music wasn’t that loud but I’m contemplating if I heard him right. His eyes were pinned in my lips as we continued to followed the rhythm of the music. I can’t look directly into his eyes. Pakiramdam ko kapag sinalubong ko siya ng tingin ay mawawala ako sa wisyo. His hands were still wrapped around my waist while mine were on his broad shoulders. Sa kagustuhan kong huwag salubungin ang mga mata niya ay napako ang mga mata ko sa labi niya nabahagya niyang binasa gamit ang kaniyang dila. Gusto kong umiling pero taliwas sa kagustuhang iyon ang nais ng puso ko. Yumuko ako nang maramdaman ang pagbitaw ng isa niyang kamay sa baywang ko. Hinawakan niya ako sa batok at itinaas ang ulo ko gamit ang kaniyang hinlalaki. Doon na nga nagtagpo ang aming mga mata at may kung anong energy na humihila sa akin para pagbigyan siya. His face moves closer and closer but as soon as his lips met mine, the song suddenl
Nakakabingi ang ingay rito sa cafeteria. May mga nagsisigawan at naghihiyawan. Ang iba pa nga sa kaniya ay halos magbatuhan na ng siopao. Hindi ko malaman kung ngayon lang ba sila nakakita at nakatikim ng siopao o sadyang may hindi kanais-nais na nilalang ang siyang dumating. Nakatalikod ako entrance kaya wala akong clue sa kung ano bang pinagkakaguluhan nila. Umangat ako ng tingin kay Vhan na nasa harapan ko at siyang kasalo sa pang-apatang mesa. Ngumiti siya sa akin nang magtama ang mga mata namin matapos siyang umiwas ng tanaw sa entrance ng cafeteria. Ayaw kong lumingon. Mukhang nahihinuha ko na kung sino ang tatambad sa akin. Tatlong magkakasunod na katok sa mesa ang ginawa ng taong nakatayo sa gilid, sa pagitan namin ni Vhan. Lilingunin ko sana siya nang maagaw ni Miss Eli ang atensyon ko. Sinaway niya ang mga nagkakagulong estudyante. Nang bumaling ako ng tingin sa lalaki ay nakaupo na siya sa bakanteng upuan sa tabi ko. Hindi ako kaagad nakakilos nang
Napako ang mga mata ko kay Quin na abala sa pag-e-scroll sa isang online shopping app habang nakadapa kaming tatlo sa kama ni Cham. Nasa pagitan namin siya kaya naman nakikita ko kung paano magpalipat-lipat sa amin ni Quin ang kaniyang mga mata. Napabuntong-hinga na lamang ako saka bumangon para maupo. Sa apartment ni Cham ako hinatid ni Vhan pagkatapos ng date namin. Bilin daw kasi ni Quin na rito ako ihatid at may pag-uusapan kami. Iyon na ba ‘yon? Kaya ba nila ako in-approach ay para masabi niya nang harapan at diretsa sa akin ang mga bagay na iyon? “Quin!” saway ni Cham sa kaniya na bumangon na rin at umupo sa kama. Napalunok ako ng sariling laway. Pati tainga ko ay pumipintig na sa mga sandaling ito. “Wait. Uulitin ko lang para maabsorb nang tuluyan ng utak mo.” Bumangon na rin siya. Umupo siya sa kama nang nakaharap sa akin at nasa pagitan namin si Cham sa gilid. Ngumisi siya. Nasa kaniya na ang buo kong atensiyon. In-off niya ang hawak niyang c
Namamalikmata ba ako? Ano namang ginagawa ni Thunder dito sa ganitong oras? Nakatira ba siya sa malapit?“Jehan, hija, bakit gabi na ang pagdalaw mo?” bungad na tanong sa akin ni Nanay Rosing sa gate intercom. Pinipigilan ko ang sariling huwag lumingon sa gawi ni Thunder. Sana lang ay hindi niya ako makilala. Pumunta ako rito para gumaan ang kalooban at hindi para dagdagan ang mga gumugulo sa isipan ko.“Sana nagpasabi ka na pupunta ka rito. Mabuti na lamang at gising pa ang Lolo mo,” ani ng ginang nang pagbuksan niya ako ng pinto ng gate.Tumuloy kami sa pagpasok sa bahay at naabutan ko si Lolo na bahagyang nakahiga sa kaniyang massage chair. Nakaramdam ako ng guilt nang magtama ang aming mga mata. Nag-iisa niya akong apo at hindi naman gaanong malayo ang bahay namin dito sa mansion niya, pero hindi ko man lamang siya mabisita nang madalas.“Jehan, apo!” nakangiti niyang tawag sa akin. Nagmadali naman akong humakbang p