“Mabuti naman at nandito ka na.”
“Hi?” bati ko sa kaniya na tila ba masama ang gising. Humigpit ang hawak ko sa tangkay ng rose.
“H’wag na tayong magplastikan, Jehan. I kept my distance from you and Vhan after your birthday. Tapos, ano ‘tong naririnig ko at pinagkakalat mo na ako ang rason ng break up niyo ni Vhan?”
Natigilan ako at tila ba sinampal sa narinig. Her words pierced directly to my spine, sending chills to my whole system. Nanatili ako sa kinatatayuan sa harapan niya habang nilalabanan ang bawat matatalim niyang mga tingin.
Wala akong mahuling salita na maaari kong ibato sa kaniya upang depensahan ang aking sarili. Bakas sa mukha ni Nanay Dolor na naguguluhan siya. Ganoon din naman si Lali na nakatayo sa gilid ko.
Napalunok ako ng sariling laway.
“Akala mo ba hindi ko alam? Obvious na pinagseselosan mo ako. Honestly, wala naman sa akin kung may pagdududa ka kay Vhan pero uso naman fact checking bago mag-assume ‘di ba? We’ve been friends for years and it’s disappointing to know na wala ka palang tiwala sa akin. Isaksak mo sa baga mo si Vhan nang matauhan ka!”
Mas lalong humigpit ang pagkakakuyom ng mga kamay ko. Huminga ako nang malalim at binigyan siya ng masamang tingin. Nagngangalit ang aking panga sa kagustuhang pigilan ang sariling huwag magpadala sa galit.
Subalit may mga bagay talaga na kailangan nating ilabas upang gumaan ang pakiramdam natin. I didn’t know where those guts came from but I got my palm landed on her face. Nilapitan kami nina Lali at Nanay Dolor. Lali held my hand while Nanay Dolor hugged her.
Napatinga na lamang ako upang pigilan ang mga luhang kanina pa nagbabadyang kumawala sa aking mga mata.
“Quin, sige na… Sa susunod na lamang kayo mag-usap,” paki-usap ni Nanay sa kaniya bago siya nito binitiwan. Tinapunan ako sandali ni Quin ng masamang tingin saka siya padabog na naglakad paalis bitbit ang kaniyang bag. Nang makalabas na sa gate si Quin ay saka lang binitiwan ni Lali ang kamay ko.
“Ano bang nangyayari?” tanong ni Nanay kasabay ng paghakbang palapit sa akin. “Susmaryosep, Jehan! Nag-aaway kayo dahil lang sa lalaki? Nasaan na ang ilang taong pagkakaibigan na binuo niyo?”
In the end, ako pa rin ang lumabas na mali. Pinili ko na lamang na manahimik at tumuloy sa kwarto upang mapag-isa.
“Cham!” tawag ko sa kaniya na nasa unahan.
The corridor was a bit crowded dahil na rin sa kararating lang na mga estudyante na papunta sa kani-kanilang room, tulad ko. May iilang lumingon sa gawi ko habang si Cham naman ay patuloy pa rin sa paglalakad. Sinipat ko ang aking mukha sa naka-off na LED screen ng cellphone ko.
Naglagay ako ng concealer sa ibaba ng aking mga mata. Naglagay na rin ako ng eyeliner upang itago ang mugto kong mga mata resulta ng madramang pangyayari kahapon. Binilisan ko ang aking mga hakbang para habulin siya na malapit na sa room.
“Charmaine!” muli kong tawag sa kaniya. Lumingon siya sa gawi ko at noong magtagpo ang aming mga mata ay kusa siyang umiwas ng tingin. Tumuloy siya sa paglalakad papasok sa room namin.
Iniiwasan niya ba ako? Well, ano nga bang ipinagtataka ko? Malamang nasabi na sa kaniya ni Quin ang nangyari sa bahay kahapon. Huminto ako sa paglalakad nang mapagtanto ang bagay na iyon.
She’s on Aquinah’s side.
“Ako ba ang hinihintay mo? Napaka-sweet naman!” Napaigtad ako nang magulat sa boses na bigla na lamang sumulpot sa tabi ko. Kusang umaliwalas ang mood ko nang makilalang si Liane iyon—abot pa hanggang sa tainga ang ngiti.
Sobrang lapit ng mukha niya sa akin. Nalalanghap ko na rin ang mint scent ng candy na nginunguya niya. Naririnig ko ang pag-crack ng mga iyon sa pagitan ng kaniyang mga ngipin. Napansin ko rin si Thunder na nasa likuran at papunta sa direksyon namin. Nakasabit sa kanang balikat niya ang isang strap ng backpack at nakahawak sa lollipop na nasa kaniyang bibig ang kanan niyang kamay.
May malalim yata siyang iniisip. Nakayuko siya at ang mga makasasalubong na lamang niya ang nag-aadjust upang hindi sila magkabanggaan. Noong iilang hakbang na lamang ang layo niya sa amin ay saka siya umangat ng tingin. May kung anong excitement sa kaniyang mga mata. Tumakbo siya palapit sa akin saka ako pabirong sinakal gamit ang braso.
“Kuya! Ako ang nauna kay Jehan!”
“Who cares?” pambabara ni Thunder na ginantihan naman ni Liane ng masasamang tingin. Nagkatitigan silang dalawa na para bang nag-uusap.
“Psh. Mang-aagaw!” usal ni Liane saka padabog na naglakad paalis. Tinanggal ko naman ang braso ni Thunder sa aking balikat.
“Vhan Llorico!” May kung anong tumalon sa dibdib ko nang isigaw ni Liane ang pangalang iyon.
Sa hindi kalayuan, sa dulo ng corridor ay nakita ko si Vhan. Kumaway si Liane sa kaniya na sinuklian naman nito ng boxy-smile. There’s a part of me na humihiling na sana para sa akin ang ngiti na iyon—na sana may pag-asa pa kaming dalawa. Lumingon sa amin ni Thunder si Liane saka siya dumila para asarin ito.
“Mauna na ako sa inyo,” paalam ni Liane. Hindi na niya hinintay pa ang pagsang-ayon namin. Tumakbo na siya para lapitan si Vhan. May klase nga pala siya sa block namin ngayon.
Para akong nakatapak ng bubble gum at dumidikit sa sahig ang bawat kong hakbang. Seeing Liane walked beside Vhan to our room reminds me of that day wherein I happened to crossed ways with him and Aquinah on the staircase. Katulad ng araw na iyon, si Thunder din ang kasama ko.
The class hour being blockmates with Vhan felt like hell for me. Limitado ang kilos ko at tila ba isang malaking pagkakasala ang lumingon sa gawi niya.
“Siya nga pala, Mr. Llorico.” Lumaki yata ang tainga ko nang tawagin ni Miss Jang si Vhan. Humakbang siya palapit sa upuan ni Vhan, kung saan ay katabi nito si Liane. May iilan akong mga blockmates na lumingon sa gawi ni Vhan habang ang iba naman ay may kani-kanilang ginagawa.
“I got a word from the Dean. You’re not obliged to attend our regular class for this subject but make sure to pass the final exam.” Ayaw ko man sanang makiusyuso pa pero narinig ko nang buo ang sinabi ni Miss Jang. Matapos magpaalam ay lumabas na rin siya sa room.
Kung hindi na siya obligadong umattend ng klase sa subject na ito, maliit na ang posibilidad na magk-krus ang landas naming dalawa rito sa school. Naglakas ng loob na akong lumingon kay Vhan pero agad din akong umiwas noong magtagpo ang aming mga mata.
“Pst! May quiz daw sa next subject? Nakapag-review kayo?” Muli akong lumingon sa gawi ni Vhan nang marinig ang tanong ni Liane. Tumayo ito matapos magligpit ng gamit at tahimik na naglakad paalis. Sa nangyari kahapon, nawala na sa isip ko na may quiz pala ngayong araw.
Parehong mababa ang score naming tatlo sa nangyaring quiz. Mabuti na lang talaga at may one to five na identification part maliban sa 20 items na problem solving. Sa halip na magluksa sa nakuhang marka ay nagyaya si Thunder na mag-celebrate. Wala akong ideya sa kung ano ba ang dapat naming i-celebrate pero sumama na lang ako sa kanila ni Liane.
“Ginawa mo ba ‘yong sinabi ko sa iyo kahapon?”
Nilingon ko si Thunder na kanina pa yata nakatitig sa akin, magmula nang mapaalam ang huli naming instructor para sa araw na ito. Iilan na lamang kaming nasa room at nawala lang sa paningin ko si Cham nang hindi kami nagkakausap. Nang masigurong nasa bag ko na ang lahat ng gamit ko ay tumayo na ako para lumabas. Natigilan lang ako nang hilahin ni Thunder ang bag ko. Doon ko lang naalalang may sinasabi nga pala siya.
“Ah? ‘Yong tungkol sa salamin?” tanong ko at tumawa nang peke. “Ang dami ko kasing iniisip kahapon. Nakalimutan ko tuloy.”
Hawak pa rin niya ang bag ko kahit na nilingon ko na siya. Tumayo siya sa kinauupuan at itinulak ako upang muling maglakad. Nakasunod siya sa likuran ko habang hawak pa rin ang aking bag. Naiilang ako kaya naman hinubad ko na lamang ang pagkakasukbit ng bag sa balikat saka siya hinayaang bitbitin iyon.
“Kasama ba ako sa mga iniisip mo?”
“Hm?” Tinaasan ko siya ng kilay. Ngumiti siya at walang paabiso akong pinitik sa noo.
Napaatras ako palayo sa kaniya at sinalat ang aking noo. Masakit din ‘yon, ah! Inirapan ko na lamang siya at bumaling ng tingin sa ibang direksyon kung saan ko nakita sina Vhan at Aquinah. Paliko sila sa may hagdanan, paakyat sa second floor. May kung anong kirot akong naramdaman nang makita na naman ang boxy-smile niyang iyon.
Ako lang yata ang nasaktan sa break-up naming dalawa.
“Jehan!” pukaw sa akin ni Thunder na agad ko namang nilingon. Napansin kong nakalahad ang kamay niya sa harapan ko. I don’t know what was that for pero tinanggap ko pa rin. Huli na nang mapagtanto kong binabaybay namin ang kahabaan ng corridors nang magkahawak ang mga kamay.
“May tumatawag.” Itinaas ko ang hawak kong cellphone gamit ang malaya kong kamay. Binitiwan naman ni Thunder ang kamay ko. Humakbang ako ng ilang beses palayo sa kaniya.
“Hello?” My voice cracked. I waited for the person to the other line to speak but I heard nothing. Nilingon ko si Thunder sabay taas ng hawak kong phone. “Wala namang nagsasalita.”
“Baka prankster.” Nagkibit-balikat ako saka muling inilapat sa tainga ang cellphone.
“Um, Jey, it’s Corbi.” Sa wakas ay pagpapakilala niya. Ang ganda pala ng boses niya kapag hindi ko nakikita ang mukha niya. Mababa pero malinaw sa pandinig.
“You gave me your contact last time, right? It’s kinda urgent. Nasa school ka pa ba? Punta ka rito. SSC office.”
“Nakauwi na ako,” pagsisinungaling ko saka bumaling kay Thunder na mukhang na-curious sa kung sino ang kausap ko. Gusto rin yata niyang dagdagan pa ang mga problema ko sa buhay.
“I can see you. Magkasama kayo ni Kulog.” Bumuntong-hinga na lamang ako nang maalalang nasa lobby kami malapit sa Program Head office kung saan ay mayroong CCTV.
Mukhang wala akong takas sa presidente ng Student Council. Kumaway na lamang ako sa CCTV. I overheard him giggled on the other line.
“Bilis na!” Hindi na nga niya hinintay pang tumanggi ako. Pinatayan na niya ako kaagad. Tiningnan ko ang bag kong hawak ni Thunder. May usapan kaming celebration, e!
“Pinatatawag ako ni SC President,” ani ko at sinubukang abutin ang bag mula sa kaniya. Inilayo niya ito sa akin na siyang ipinagtaka ko.
“Collateral ‘to. Tawagan mo ako mamaya para masundo kita. Kapag hindi ka sumipot mamaya, hindi mo makukuha ‘tong bag.”
“Dumating ka!?” bungad sa akin ni Corbi. He opened the door for me with a grin.“Akala ko pinapapunta mo ako rito?” Tiningnan ko siya nang masama saka tumuloy papasok sa opisina ng Student Council. Binalot ng malamig na temperatura ang balat ko. Siya na rin ang nagsara ng pinto pagpasok ko kaya nagkaroon ako ng pagkakataong igala ang aking paningin sa kabuoan ng silid.Maraming nagbago sa interior ng office kumpara noong huli kong pasok dito last month.“Wala ka naman sigurong ginagawa, ano?” Hindi ako sumagot.Kumpara noong unang pasok ko rito, wala pang reception table sa unahan tulad ng meron ngayon. Maliban pa roon ay may tig-isang divider sa magkabilang gilid na siyang naghahati sa room. Ang space sa gitna ang nagsilbing bukas na pinto papasok sa opisina ng President at Vice President ng SC. Doon pumunta si Corbi habang ako naman ay nagpaiwan sa reception area at naupo sa kulay itim na sofa.Malapit sa kinau
Walang nangahas na magsalita sa aming dalawa. Kahit papaano ay nakumbinsi ko naman siyang hintayin si Corbi. Ilang minuto na ba ang lumipas mula nang maupo siya sa dulo ng sofa na kinauupuan ko? Nasaan na ba si Corbi? Naisama ba niya ang sarili sa pag-flush? Inabala ko na lamang ang aking sarili sa pagba-browse sa hawak na brochure habang si Vhan naman ay may kung anong binabasa sa cellphone niya. “Ilang oras pa ba ako maghihintay sa kaniya?” mababa ang tinig niyang tanong. Bumuntong-hinga siya saka ibinaba ang hawak niyang cellphone. Mabilis akong umiwas ng tingin nang magtagpo ang aming mga mata. “T-teka, s-sandali, t-tawagin ko na lang.” Tumayo ako at humakbang papunta sa office niya. Pero maliban sa table nila ni Craig, mga cabinet at printer ay wala akong CR na natagpuan. May pinto roon pero papunta iyon sa labas. Kinakabahan man, sinubukan ko pa ring pihitin ang nasabing pinto. Sa kasamaang palad, naka-locked iyon sa labas. Something’s fishy her
“H-hindi ko alam,” sagot ko na lamang. “Ah, I see… Hindi mo maipaliwanag kung anong nagustuhan mo sa kaniya. It’s normal. Maraming tao ang hindi alam kung bakit ba nila nagustuhan ang taong gusto nila,” nakangiti niyang sang-ayon. “Pero lumalala ang insecurities mo dahil sa kaniya. It’s toxic, Jey. That’s why I wanted to help you. I want to give you back your self-confidence.” Ano nga bang nagustuhan ko sa lalaking ‘yon? I’ve been asking my self this question since last night. It’s given that Vhan has those qualities of a man that everyone’s looking for. He’s handsome, tall, rich, and a total husband material. I can’t say any negative about that. Sa sobrang attractive niya, nagkaroon ako ng insecurities sa sarili ko and I started to asked myself. Am I pretty enough for him? Ano kayang iniisip ng mga tao kapag magkasama kaming dalawa? Deserve ko ba siya? “I’ll help you to forget him, Jey.” Napailing na lamang ako ng maalala ang mga huling sinabi ni Thu
Ang kaninang maingay na cafeteria ay biglang natahimik at napalitan ng malakas na kalabog ng dibdib ko. Umatras ako nang isang beses palayo sa kaniya na nakatayo sa bandang likuran ko. He’s wearing a gray shirt na pinatungan ng denim jacket. Pinaresahan niya ito ng black jeans at white sneakers. Aatras pa sana ako ng isa pang hakbang nang matigilan ako. Hinawakan niya ang aking palapulsuhan at itinapat ang hawak kong ice cream sa cashier machine. Ganoon rin ang ginawa niya sa isa pang ice cream na hawak naman ng kabila kong kamay. Nang makita niya ang presyo ng dalawang ice cream sa monitor ay may dinukot siya sa kaniyang bulsa. Nakatitig lang ako sa kaniya. “Tinakasan ka na naman ni Corbi?” “Hm?” Nakakunot ang noo kong saad. Nakangiti siyang umiling na para bang sinasabi ng utak niya na ako ang pinaka-slow na taong nakilala niya. Napahilig ako ng ulo sa kanan habang nakasunod ng tingin sa kaniya na siyang bumayad ng ice cream na kinuha namin ni Corbi.
I was just sitting on the concrete bleachers the whole time while Thunder and his friends are on for a motocross match. Napapatayo na lamang ako sa kaba sa tuwing umaangat sa lupa ang dirty motorcycle na kinasasakyan nila. “Want some?” Bumaling ako ng tingin sa lalaking may hawak sa plastic bottle ng tubig na inaalok niya sa akin. He’s Jared—as far as I can remember from what Thunder told me nang ipakilala niya ang mga ito sa akin kanina. They are from Seven Internation School. An all boys university sa kabilang syudad. I’ve heard their school once sa isa naming blockmate na galing sa school na ‘yon noong first day of school. “Thank you,” usal ko saka tinanggap ang bote. Jared is working as a part-time model sa clothing brand ng pamilya nila Vhan. Obvious naman kung ano ang iniingatan niya kaya hindi siya nakikihabulan sa mga kaibigan niya sa field. Maliban sa kaniya, pulos rider na ang anim pa which includes Bam and Yves. Halos manginig ako sa takot kanina n
“May nakalimutan ka ba?” tanong ni Vhan na siyang bumukas ng gate para sa akin. Bumaling ako sa kaniya na nakatayo sa harapan ko. Sinuklian ko ang kaniyang mga ngiti saka muling lumingon sa daan para habulin ng tingin ang papalayong motorbike ni Thunder. Bakit parang may mali? Ayoko pang umuwi. Kamakailan lang umaasa ako na magkakaayos kami ulit ni Vhan. Ako ‘tong habol nang habol sa kaniya at nagpapapansin. Ngayong nandito na siya sa harapan ko, para bang nawalan na ako ng kagustuhang ituloy ang kung ano mang meron sa amin. “Bakit?” tanong niya at nihawakan ang magkabila kong kamay. “Oh, oh, walang iyakan!” Hinila niya ako at kinulong sa kaniyang mga braso. Hindi naman ako naiiyak kanina pero ngayong yakap na niya ako ay hindi ko napigilang maging emotional. “Si Nanay D nga pala?” Kumalas ako mula sa pagkakayakap niya at nagpatiuna ng maglakad papunta sa main door ng bahay. “Nasa kusina para maghanda ng dinner. Dito ako
“Honey?” I can’t help but to wonder. All this time I thought Thunder hates Miss Eli to the point that he intentionally messing up on her class. But what was that? Bakit magkasama sila at ipinagmamaneho pa niya ito? Higit sa lahat, ano bang paki-alam ko? Bakit ang overreacting naman yata ng puso ko at kung tumibok ito ay para bang wala ng bukas. Naputol ang pagmumuni ko habang nakatitig sa kisame nang tumunog ang cellphone sa bedside table. Nakababa ang mga kurtina ng bintana pero base sa liwanag na nagpupumilit na lumusot roon, sa tingin ko ay mataas na ang sikat ng araw sa labas. Hindi nga ako nagkamali dahil nang kunin ko ang cellphone at mabasa ang pangalan ni Vhan na siyang caller ay nahagip ng mga mata ko ang oras. It’s already passed 8 in the morning. “Good morning!” I greeted him not minding the possible smell of my breath since I just got up from bed. “Good morning, babe! I’m sorry kung naistorbo ko ‘yong tulog mo. Bibili ako ng gift for Tito Arc. Gus
“Can I?” pag-uulit niya. Natigilan ako sa sinabi ni Thunder. The music wasn’t that loud but I’m contemplating if I heard him right. His eyes were pinned in my lips as we continued to followed the rhythm of the music. I can’t look directly into his eyes. Pakiramdam ko kapag sinalubong ko siya ng tingin ay mawawala ako sa wisyo. His hands were still wrapped around my waist while mine were on his broad shoulders. Sa kagustuhan kong huwag salubungin ang mga mata niya ay napako ang mga mata ko sa labi niya nabahagya niyang binasa gamit ang kaniyang dila. Gusto kong umiling pero taliwas sa kagustuhang iyon ang nais ng puso ko. Yumuko ako nang maramdaman ang pagbitaw ng isa niyang kamay sa baywang ko. Hinawakan niya ako sa batok at itinaas ang ulo ko gamit ang kaniyang hinlalaki. Doon na nga nagtagpo ang aming mga mata at may kung anong energy na humihila sa akin para pagbigyan siya. His face moves closer and closer but as soon as his lips met mine, the song suddenl
Thunder’s POV“You can’t. Bakit ba ang tigas ng ulo mo? Sinabi ko naman sa iyo na wala kang mapapala kahit pa makita mo siya!”“Why can’t I?!” sigaw ko.Nagtama ang mga mata namin ni Jheane na nagulat sa biglang pagtaas ng boses ko. Nakaupo siya sa itim na couch, salungat sa direksyon na kinauupuan ko. Nakipagtitigan siya sa akin. Ako na ang kusang umiwas ng tingin nang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Claud.They are my friends whom I met on the first day that I got here in the US to live with Tito Marco’s family. They happened to be dating each other.May bitbit na plastic bag ng canned soda sa kaliwang kamay si Claud at isang box ng pizza naman sa kabila. Maingat niyang isinara ang maingay na pinto at lumapit sa amin. Ibinaba ko ang mga paa ko na nakapatong sa mesa nang ilapag doon ni Claud ang mga dala niya. Nagkatinginan sila ni Jheane.Palagi na lang akong nagmumukhang third wheel
Charmaine’s POVAs much as possible, gusto kong sarilinin na lang ang kung ano mang nararamdaman ko para kay Xawarian.Desisyon kong pakawalan siya kaya wala akong karapatan na kunin siya sa taong nagmamahal sa kaniya. Besides, tita ko si Jayzel. Bunso siyang kapatid ni Papa na halos twenty years din ang agwat ng edad sa kaniya. I’ve known her since I was just a kid. I know, she’ll take good care of Xaw as much as she did to me during our childhood days.Nakilala ko si Xaw noong high school dahil kay tita Jayzel. Ipinakilala siya sa akin ni tita as a friend na taga-kabilang school na kinumpirma naman sa akin ni Xaw. Magkaedad sila at parehong ahead sa akin ng dalawang school year. Mula nang araw na ‘yun ay napadalas na ang pagkikita namin ni Xaw nang patago kay tita Jayzel.Bago ko pa man naging kaibigan sina Quin at Jey ay si tita ang una kong naging best friend. Ganun pa man, may kung ano sa akin na natatakot sabihin sa kaniya ang
Charmaine’s POVIf I deserve someone better, why can’t you be that someone who’s better?Ito ang mga katanungang lumilipad sa utak ko habang nakatitig kay Xaw. Nasa harap kami ng isang jewelry shop sa mall na siyang naging scape place naming dalawa nitong mga nakalipas na araw. Malagkit na nakatingin ang babaeng staff kay Xaw, na abala naman sa pagpili ng singsing. Nagtama ang mga mata namin ng staff na nahihiyang umiwas ng tingin.Bumuntong-hininga ako saka luminga upang muling maghanap ng pamilyar na mukha sa paligid. Baka kasi may kakilala kami na makakita sa amin na magkasama ngayon.Actually, it’s not a big deal. Alam ng lahat na ako ang paboritong asarin ni Xaw magmula pa noong unang araw ng pasukan. Ang ikinatatakot ko sa ngayon ay ang katotohanang hawak ni Xaw ang kamay ko.“This. Can I see this one?” Binalik ko ang aking atensyon kay Xaw nang magsalita siya. Ngumiti ang babae sa kaniya at kinuha ang singsing na i
Thunder’s POVKanina pa ako pabalik-balik sa paglalakad yakap ang unan na nadampot ko sa kama bago ako nagpasyang lumabas ng kwarto. Ilang oras na ang lumipas mula nang dumating kami rito sa bahay galing sa maghapong driving lesson.Jehan is a fast learner. Maliban pa roon ay may kaunti na siyang kaalaman sa pagda-drive kaya hindi ako nahirapan. Huminto ako sa paglalakad nang marinig ang tunog ng pagpihit ng knob. Bumukas ang pinto at bahagyang napatalon sa gulat si Jehan nang makita ako. Katulad ko ay naka-pajamas na rin siya.“Gising ka pa?” tanong niya nang makabawi. Humakbang siya palabas ng kwarto. Lumapit ako sa kaniya at itinapon ang bitbit kong unan sa direksyon ng kama niya. Mabuti na lang at hindi iyon gumulong at nahulog sa sahig.“Hindi pa ako inaantok.” Nginitian ko siya. Ngumiti rin siya pabalik at tuluyan na ngang sinara ang pinto.“Magtitimpla ako ng gatas. Gusto mo rin ba ng gatas?”“Hm?” Tinaas
Jehan’s POVI opened my eyes in a slow motion. Bumungad sa akin si Thunder na nakatayo pa rin sa harapan ko at hawak ako sa magkabilang pisngi. We are both catching our breathes while Toki stares at us innocently. Bakas sa mga mata ni Thunder ang pag-aalala pero hindi ko alam kung bakit ako natawa. Ang rupok ko talaga pagdating sa kaniya.“Hey! Don’t scare me like that. Okay ka lang?”Paano ko bibitiwan ang lalaking ito nang hindi ko pagsisisihan sa huli?Sa halip na sagutin ang tanong niya ay umatras ako palayo at inilapag si Toki sa sahig. Tumakbo naman ang aso paalis na akala mo ay hahabulin siya ng isa sa amin. I looked back at Thunder, teary-eyed. I smiled at him which made him confused for I don’t know how many times already. I cupped his face and tip toed to reach for his lips.I hate the smell of cigarettes but its taste from his lips makes me addicted. A simple peck suddenly went deeper and deeper until his tounge make its way to search for mine. Nanghihi
Jehan’s POVHalos marinig ko na ang paghinga ng bawat isa sa sobrang tahimik. May pare-parehong reaksyon sa mga mukha nila—nagtatanong kung bakit nasa labas si Thunder. Kahit ako, hindi ko rin naman alam. Nanay Dolor broke the silence by shutting off the main door. Aquinah then coughed and Mommy wet her lips. Hindi pa rin nila inaalis ang mga tingin nila sa akin.“H-hinatid lang ho ako ni Thunder.” Maging ako ay nag-cringe sa kasinungalingan ko. Mabuti na lang talaga at hindi ako sa mismong gate ng bahay bumaba kanina pagkahatid sa akin ni Vhan. Hindi siya nakita ni nanay nang pagbuksan niya ako ng pinto ng gate.“Oh, bakit hindi mo pinatuloy?” sumbat ni mama. Akala ko ako ang pinapagalitan niya pero nang lingunin ko siya, nakita kong kay tito siya nakatingin.“Inalok ko siyang pumasok kaso tumanggi. Uuwian daw muna niya si Toki sa bahay nila.” Sa sinabi ni tito, bumalik tuloy ang atensyon ng lahat sa akin.“Hindi mo muna pinakain ‘yung aso bago ka pumunta rito?”
Jehan’s POVBakit sila magkasama? Magkakilala ba sila?I feel like a masochist while looking at them who are happily staring at each other’s eyes. Mabigat sa pakiramdam na makita siyang nakangiti nang gano’n sa iba. Kahit nanlalabo na ang paningin ko ay hindi ko magawang alisin ang mga tingin ko sa kaniya. Natatakot na baka sa isang kisap-mata ay mawala siya sa paningin ko.Akala ko okay kami… akala ko lang siguro.Ito ba ang pinagkakaabalahan niya nitong mga nakaraang araw kaya napapadalas ang pag-alis niya? At isinasama niya pa si Yves? Na-curious tuloy ako sa kung anong ikinukwento ng babae. Sinabi kaya nito na pumunta ako sa bar ni Corbi kanina kasama si Liane at hinahanap siya?Ngayon ko lang ulit nakitang ngumiti nang ganoon kalawak si Thunder magmula nang magsama kami sa iisang bahay. Now that I mentioned it, marami ng nagbago mula nang sumama ako sa kaniya.Humakbang ako nang tatlong beses paatras at pagkatapos ay tuyuan na nga silang tinalikuran. Wala
Jehan’s POV “Anong gagawin natin dito?” Walang kibo na iginarahe ni Liane ang kinasasakyan naming kotse sa parking lot ng isang bar na pamilyar sa akin. This bar holds a huge significance to Thunder and my story. Ang Secret Paradise bar na pag-aari ni Corbi. Inabot ni Liane ang cellphone niya at dahil hindi niya sinagot ang nauna kong tanong ay napilitan akong silipin ang kung ano mang tinitipa niya roon. Kanina pa magmula nang umalis kami ng bahay ko siya inuulan ng tanong pero wala ni alin man doon ang sinagot niya. She tapped her phone’s default messenger icon. Pagkatapos ay pinindot niya ang palitan nila ng messages ni Yves, na hindi ko na tiningnan basta ang alam ko ay nag-compose siya ng message para rito. Bumuntong-hininga siya at isinandal ang kaniyang ulo sa headboard ng upuan. Mariin siyang pumikit. Saktong pagmulat niya ay nahuli niya akong nakatitig sa kaniya. “Tirik na tirik ang araw. Anong ginagawa natin dito?” Inunahan ko na siyang magsalita. M
Jehan’s POVMariin akong napapikit nang makita ang motorbike ni Thunder na nakaparada sa garahe. He’s here. Naunahan niya akong umuwi. Alam kong hindi magandang ideya na umuwi nang madaling araw ngayon lalo na at medyo ilag kami sa isa’t isa magmula noong nagpagupit ako ng buhok, two days ago. Ganoon pa man, nagawa ko pa ring buksan ang pinto para pumasok sa bahay; hindi alintana ang malakas na tambol ng puso ko.“Late ka na yata.” Bahagya akong napatalon sa gulat nang marinig ang boses niya. At dahil nahuli na niya ako, wala ng rason para magmadali ako sa paghubad ng suot kong black high-heeled boots.Nakangiti akong umangat ng tingin para harapin siya. Expected ko ng hindi siya matutuwa. Nakasandal siya sa wall sa bukas na pintuan papunta sa kusina at nakahalukipkip. Suot pa rin ang parehong damit na suot niya kanina nang magpaalam siyang aalis para pumunta sa motocross camp. Nang maitabi ko ang boots ay tumuloy ako papunta sa salas at naupo sa couch.Bumuntong-hin