Kinabukasan, dumating si William at ang fiancée niyang si Venus sa opisina nina Apple para sa finalization ng kanilang wedding preparations. Ang kanilang kasal ay gaganapin sa prestihiyosong Imperial Wedding Venue, at nais nilang tiyakin na magiging perpekto ang lahat. Ngunit sa halip na si Apple ang humarap, si Mia ang nag-asikaso sa kanila.Ngumiti si Mia habang iniabot ang mga dokumento. "Good morning, Mr. William at Ms. Venus! Ako ang makikipag-coordinate sa inyo mula ngayon. Si Apple ay may iba pang commitments, pero rest assured na aalagaan namin ang kasal ninyo."Halatang nagulat si William nang hindi niya nakita si Apple. Tumingin siya kay Mia, tila nagtatangkang magtanong. Ngunit mabilis siyang pinigilan ni Venus sa pamamagitan ng paghawak sa kanyang kamay."That’s fine," sagot ni Venus, ngumiti nang matamis. "Thank you, Mia. We trust your team to make this wedding special.""Of course," sagot ni Mia, propesyonal at maaliwalas. "Pinaghandaan na namin ang lahat ng detalye. Gus
Sa reception, habang nagaganap ang programa, tila hindi maiwasan ni William na mapansin ang kawalan ni Apple. Habang nakaupo sa presidential table, panay ang sulyap niya kay Mia na abala sa pag-aasikaso sa mga bisita. Sa likod ng kanyang isip, nagtataka siya kung bakit hindi dumalo si Apple, lalo na’t alam niyang malaking parte ito ng wedding preparation.Napansin ni Venus ang pananahimik ni William at bahagyang itinaas ang kilay. "William, okay ka lang ba? Para kang wala sa sarili."Napatingin si William kay Venus at pilit na ngumiti. "Oo, okay lang ako. Siguro na-overwhelm lang ako sa lahat ng nangyayari," sagot niya, sinusubukang itago ang kalituhan sa kanyang isipan.Ngunit hindi nakaligtas kay Venus ang kakaibang kilos ni William. Tumagilid siya sa kanyang upuan, masusing tinitigan ang asawa. "Sure ka? Parang may iniisip ka. Kung may problema, sabihin mo na."Bahagyang napabuntong-hininga si William, iniwas ang tingin. "Wala naman, Venus. Siguro pagod lang talaga. Alam mo naman,
Sa USA, habang patuloy na nag-scroll si Lance sa kanyang Facebook feed, napansin niya ang viral post tungkol sa isang engrandeng kasal na pinag-uusapan ng lahat. Agad siyang napukaw ng atensyon dahil sa ganda ng tema at disenyo nito. Habang pinapanood ang video, napansin niya ang groom—si William. "Si William?!" bulong niya sa sarili, nagulat sa nakita. Agad niyang naalala ang araw na nakita niya si Apple at si William sa jewelry shop apat na buwan na ang nakakaraan. Kumabog ang kanyang dibdib, may kung anong kaba at hindi maipaliwanag na pakiramdam na bumalot sa kanya.Habang nagpapatuloy ang video, tila hindi niya maiwasang isipin, "Si Apple kaya ang bride?" May halong takot at pag-aalala sa kanyang isip. Ngunit nang lumabas ang bride sa video, tila bahagyang nakahinga si Lance nang makita na ibang babae ang ikinasal kay William.Ngunit bago pa man matapos ang video, isang detalye ang pumukaw sa kanya—ang pangalan ng wedding planner. Malinaw na malinaw ang nakasulat: "Wedding Pla
"But I won’t stay and watch you chase answers from someone who should’ve been left in your past. If you want to find her, fine. But when you come back, don’t expect me to still be here."Natigilan si Lance. Parang tumigil ang mundo niya sa mga salitang binitiwan ni Monica. "Monica, please don’t do this," halos pabulong niyang sagot, ngunit hindi na lumingon si Monica. Tumuloy ito sa kanilang kwarto, iniwan siyang nag-iisa sa sala.Tahimik na naupo si Lance, nakatingin sa kawalan. Ang mga salita ni Monica ay paulit-ulit na tumutugtog sa kanyang isip. Alam niyang nasa bingit na siya ng pagkawala ng isang tao na tunay na nagmamahal sa kanya, ngunit sa likod ng lahat ng ito, hindi pa rin niya maitatanggi ang pangangailangang hanapin si Apple.Sa kabila ng lahat, alam niya—anumang desisyon ang gawin niya, may mawawala. Ngunit handa ba siyang harapin ang mga resulta ng kanyang mga pagpipilian? O tuluyan na ba niyang sisirain ang kasalukuyan para sa mga tanong na baka hindi naman kailangang
Alam niyang tapos na ang kwento nila, at masaya na siya sa simpleng buhay na meron siya ngayon—lalo na't may paparating na anghel sa kanyang buhay."Ano nga pala, Apple," simula ni Mia habang sinasara ang hawak niyang folder. "During the wedding, hinahanap ka ni William."Natigilan si Apple, bahagyang natapon ang hinihigop niyang tsaa. "Ha? Ako? Bakit naman?" tanong niya, pilit na itinatago ang biglang kaba."Ewan ko. Basta, tinanong niya kung nasaan ka. Nagtataka siguro siya bakit hindi ka nagpakita mismo sa event, considering na ikaw yung planner," sagot ni Mia, nakataas ang kilay habang tinitingnan ang reaksiyon ng kaibigan. "I mean, obviously, alam niyang ikaw yung nag-manage ng lahat."Napabuntong-hininga si Apple at tumingin sa mangga sa kanyang plato. "Ayokong guluhin ang araw na iyon, Mia. Alam kong naging bahagi siya ng nakaraan ko, pero hindi na ako dapat maging parte ng kwento nila. Masaya na ako dito, sa business natin at sa buhay ko ngayon."Ngunit hindi maiwasang bumali
Pagkatapos ng ilang linggong bakasyon sa US, bumalik na si Lance sa Pilipinas. Habang pababa siya sa arrival area ng Ninoy Aquino International Airport, ramdam niya ang bigat sa dibdib na tila nagbabadyang bagyo ng damdamin. Hindi niya maipaliwanag kung bakit, ngunit mula nang makita niya ang viral na wedding video, hindi na siya mapalagay.Bitbit ang kanyang maleta, diretso siya sa parking area kung saan naghihintay ang kanyang driver. Habang papunta sa kanyang condo, hindi niya maiwasang mapaisip tungkol kay Apple. “Bakit hindi ko siya makalimutan?” tanong niya sa sarili habang tinitingnan ang mga dumadaang ilaw ng poste sa daan.Sa loob ng condo, binuksan niya ang laptop at muling tinignan ang wedding video na iyon—paulit-ulit. Hindi para kay William o sa disenyo ng kasal, kundi para kay Apple. "Bakit siya ang wedding planner nila?" bulong niya. Alam niya ang huling balita niya tungkol kay Apple—nakatuon ito sa pagbuo ng sarili nitong negosyo. Ngunit bakit tila ang bawat hakbang ni
"Whoa, whoa, whoa," sagot ni David, halatang gulat. "Wait a minute. Are you telling me Apple is pregnant? Do you even know who the father is?""Of course not," sagot ni Lance, nagpupumilit maging kalmado. "But it doesn’t matter, does it? She’s moved on, David. She’s living her life, and here I am, stuck in the past.""Look, bro," sabi ni David, mas seryoso na ngayon. "You need to figure out what this is really about. Is it just guilt? Regret? Or are you still in love with her?""I don’t know," pag-amin ni Lance, tila nawawala na sa sarili. "But what I do know is that I can’t keep living like this. Monica deserves better, and so do I. Maybe I need to talk to Apple. Maybe I need closure.""Closure, huh?" tanong ni David, bahagyang tumatawa. "You sure about that? Closure can open a whole new can of worms, you know. What if you find out something you’re not ready to hear?"Tumahimik si Lance, iniisip ang mga salita ng kaibigan. Tama si David—baka hindi niya gustong malaman ang sagot sa mg
Isang hakbang na maaaring magbigay-liwanag sa lahat ng kanyang tanong o tuluyang magpatibay sa distansya nilang dalawa. Tumayo siya mula sa kinauupuan, ang mga kamao’y mahigpit na nakatikom, tila ba nagpapatatag ng loob para sa nalalapit na pagharap.Habang nagmamaneho patungo sa opisina ni Apple, kung saan nalaman niyang madalas itong pumupunta para sa mga kliyente, hindi maiwasan ni Lance na balikan ang nakaraan. Ang mga ngiti ni Apple, ang mga pagkakataong magkasama sila, at ang araw na hinayaan niyang lamunin siya ng selos at maling akala. Sa bawat alaala, tila nadaragdagan ang bigat ng kanyang dibdib, ngunit pilit niyang pinapaalalahanan ang sarili: "Ito na ang pagkakataon ko. Hindi ko na dapat sayangin."Pagdating niya sa opisina, nakatayo siya sa harap ng glass door na may nakaukit na logo ng "Wedding Imperial." Sa loob, nakita niya si Apple, abala sa pakikipag-usap sa isang kliyente. Hindi maiwasang mapansin ni Lance ang glow nito—mas masaya, mas sigurado sa sarili. Ngunit sa
Lumapit si Rene, hawak pa rin ang teddy bear ni Lucien. “Anak… lumaban siya. Lumalaban siya, alam ko. Monica is a fighter.”“Pero paano kung hindi na siya magising, Tita? Paano kung... kung hindi ko na masabi sa kanya lahat ng hindi ko nasabi? Hindi ko pa siya napapangakuan ng kasal, hindi ko pa siya nadadala sa paborito niyang lugar sa Bohol, hindi ko pa siya nalalakad ng mahaba sa ulan—lahat ng gusto niyang gawin, hindi pa namin nagagawa.”pag-alalang saad ni Lance“May oras pa. Hindi mo ba naririnig sarili mong boses? Mahal mo siya, anak. At alam kong nararamdaman niya ‘yon. Hindi siya bibitaw. Hindi kayo bibitaw.”naiiyak na sabi ni Rene.Biglang bumukas ang pinto. Lumabas ang isang nurse, may bahid ng tensyon sa mukha."Family of Mrs. Monica Martin?"Tumayo agad si Lance. Nanlalaki ang mga mata niya at nanginginig ang kamay habang lumapit sa nurse."Ako! Ako po! Ano pong nangyayari? Buhay pa siya?"Tumango ang nurse, pero halata sa kanyang mukha ang lungkot at pag-aalala."Buhay pa
Tumango si Rene, sabay tayo. Lumapit siya sa crib at dahan-dahang kinuha si Lucien. Una niyang pagkakataon itong buhatin ang kanyang unang apo."Kamukha mo, Monica," bulong niya, habang hinahaplos ang pisngi ng sanggol. "Pero ‘yung mata… mana sa tatay. Matapang."Sa gilid ng silid, pumasok ang isang nurse na may dalang camera."Sir Lance, Sir Rene, gusto niyo po ba ng first family photo habang mahimbing pa si baby?"Nagkatinginan ang dalawa, sabay ngiti.At doon, sa simpleng kuha ng litrato, naiselyo ang panibagong simula—isang pamilya, puno ng pangakong hindi na muli magkakahiwalay.ROOM 407 – RECOVERY ROOMTahimik ang paligid. Marahang umuugong ang aircon, at ang tunog ng monitor ay tila kampanang dahan-dahang tumutugtog. Si Lance ay nakaupo sa tabi ni Monica, hawak ang kamay nito habang pinagmamasdan si Lucien na mahimbing pa rin sa crib. Katabi nila si Rene, na may ngiting abot-langit habang kinukunan ng larawan ang kanyang apo.Bigla—isang kakaibang tunog ang nagmula sa monitor.
Ligtas na nailipat si Monica sa recovery room. Si Lance naman ay hindi pa rin mapakali—abala sa pag-aasikaso ng birth certificate, sa pagkuha ng gamit, at paminsan-minsan ay sinisilip ang nursery kung nasaan ang kanilang baby boy.Pagbalik niya sa kwarto, nakita niyang gising na si Monica. Nakatingin ito sa kisame, tila malalim ang iniisip.“Moni?”“Lance, napag-isipan ko na ang pangalan niya,” agad na sambit ni Monica.“Talaga? Ano?”“Gusto kong pangalanan siya ng “Lucien.” Ibig sabihin ‘light’… kasi kahit ang dami kong kinatatakutan, pagdating niya, parang may liwanag na. Parang nawala ang dilim.”Napangiti si Lance. “Lucien… Lucien Martin. Maganda. Matapang. Puno ng liwanag.”Tumango si Monica. “Kasi kahit dumaan ako sa pinakamadilim na yugto ng buhay ko, binigyan mo ‘ko ng liwanag. Kaya ikaw ang gusto kong huling makasama sa lahat ng dilim ng buhay ko.”Napatingin si Lance kay Monica, tila ba bawat salitang lumalabas sa kanyang labi ay siniselyuhan sa puso niya.“Moni…” mahina ngu
At sa gabing iyon, hindi lang panaginip ang pag-ibig. Totoo ito.Sa mga bituin sa ibabaw ng Paris, sa mga ilaw ng lungsod, at sa katahimikan ng pagyakap—nabuo ang pangako.Isang pangakong kahit may kapirasong sakit, may puwang pa rin para sa paghilom.Samantala, sa kabilang panig ng mundo, sa Pilipinas, si Lance ay tahimik na nakaupo sa gilid ng kama ni Monica. Hawak-hawak niya ang kamay nito habang natutulog, pagod sa regular na check-up at paghahanda para sa nalalapit na panganganak. May kapayapaan sa mukha ni Monica, habang si Lance naman ay may halong kaba at tuwa sa dibdib.Tila isang eksena ito mula sa ibang buhay—malayo sa dating gulo, sakit, at panghihinayang. Ang lalaki na minsang takot sa pananagutan, ngayon ay buong pusong nakatutok sa bagong yugto ng kanyang buhay.“Hindi ko man nabigyan ng maayos na simula si Apple at Amara… pero sisiguraduhin kong sa pagkakataong ito, magiging buo ang lahat,” bulong niya sa sarili habang pinagmamasdan ang mukha ni Monica.Ilang buwan ang
Nathan, na ramdam na ramdam ang pag-aalala ni Apple, ay nag-abot ng kamay upang magpatuloy sa kanilang usapan. Pinisil niya iyon nang marahan—parang sinasabing, “hindi kita bibitawan.”“Apple, hindi mo kailangang kalimutan ang lahat,” aniya, marahan pero buo ang boses. “Basta’t tandaan mo, nandito ako. Kasama kita. Huwag mong bitawan ang pangarap mo. Huwag mong bitawan si Amara at ako.”Bumuntong-hininga si Apple. Pinilit niyang ngumiti, pero alam ni Nathan, may bigat pa rin sa puso ng babae.Hindi nagtagal, sumabad si Mia mula sa likuran habang karga si Amara. “Oo nga, Apple,” sabay ngiti, “ngayon tinutupad na natin ang mga pangarap natin. Nakapag-expand tayo dito sa Paris, sa tulong ng nobyo mong si Nathan. Dati, nangangarap lang tayo ng maliit na café. Ngayon may ‘Boulangerie de Amara’ na tayo. May brunch café pa tayong padating sa Montmartre. Look how far you’ve come.”Natawa si Apple, hindi dahil sa tuwa kundi sa tila hindi pa rin siya makapaniwala sa lahat ng nangyari.“Grabe, n
Habang si Monica at Lance ay nagsisimula ng bagong paglalakbay, ang kwento ni Apple ay patuloy na umuusad sa isang bagong kabanata. Sa kabila ng lahat ng naging pagsubok at sakit, siya at si Nathan ay nagpatuloy sa pagbuo ng kanilang buhay sa Paris, kasama ang kanilang anak na si Amara. Ang bawat araw sa bagong lungsod ay puno ng hamon, ngunit tila wala nang hadlang sa kanilang pagmamahalan.Sa isang tahimik na apartment sa Paris, ang araw ni Apple ay nagsimula tulad ng karaniwan—ang malambot na sikat ng araw na tumatama sa bintana, ang malamig na hangin na pumapasok sa mga siwang ng kurtina, at ang tunog ng mga kalderetang tumutunog mula sa kusina, kung saan si Nathan ay abala sa paghahanda ng almusal.“Apple, okay na ba ‘to?” tanong ni Nathan habang binabalanse ang isang mangkok ng itlog sa kanyang kamay at sinusubukang i-flip ang pancake.“Siguro nga,” sagot ni Apple, na kasalukuyang nakaupo sa sofa, naglalakad-lakad at tinatanggal ang mga laruan ni Amara mula sa sahig. Tinutulunga
“Pipilitin kong maniwala,” mahina niyang wika, sabay daplis ng palad sa sariling dibdib. “At sana… tulungan mo ‘kong buuing muli ‘yung babaeng minahal mo noon. Kasi ako, willing akong mahalin kang muli… pero sa paraang bago, sa paraang totoo. At sana tuluyan mo nang kalimutan si Apple. Andito na kami ng anak mo. Huwag mo sana akong bibiguin, Lance.”Tumigil si Lance sa gilid ng daan. Pinatay niya ang makina ng sasakyan, sabay harap kay Monica. Tinitigan niya ito ng mariin—hindi bilang babae lang ng kanyang anak, kundi bilang babaeng minsang minahal niya at ngayo'y muling nagpapaubaya, muli siyang tinatanggap sa kabila ng lahat.“Hindi kita bibiguin,” mahinang sagot ni Lance, halos pabulong. “Hindi na. Dahil kung babiguin pa kita ngayon, hindi ko na rin kayang mabuhay nang may ganung klase ng kasalanan. Ayoko na. Tapos na ako sa sakit. Gusto ko nang maging mabuting ama. At mabuting asawa… sa’yo.”Hindi na muling nagsalita si Monica. Bagkus, pumikit siya sandali, pinipigilan ang pag-ago
At habang binabaybay ng sasakyan ang tahimik na lansangan pauwi ng bahay, kapwa tahimik sina Lance at Monica. Wala mang salitang namutawi sa kanilang mga labi, sapat na ang presensya ng isa’t isa para magkaunawaan. Sa pagitan ng musika mula sa radyo at ingay ng kalsada, tumitibok ang tahimik na pag-asa—isa na namang simula, isa na namang pagkakataong ayusin ang mga nawasak na bahagi ng kanilang mga puso.Napalingon si Lance kay Monica na noo’y nakasandal sa bintana, banayad ang pagkakahawak sa kanyang tiyan habang nilalaro ang singsing sa kanyang daliri.“Monica,” mahinang tawag ni Lance.Lumingon si Monica, mabagal, may tamis at pangamba sa mga mata.“Hmm?” tugon niya, mahinang boses, tila pinipigilang masaktan muli.“Salamat,” bulong ni Lance. “Hindi mo alam kung gaano ako nagpapasalamat na kasama kita ngayon. Na kahit ang dami kong pagkukulang, nandito ka pa rin.”Napangiti si Monica, bagaman may bakas pa rin ng luhang naiwan sa gilid ng kanyang mata. “Hindi madaling magpatawad, La
Habang hawak ni Lance ang kamay ni Monica, naramdaman niya ang tensyon na bumangon sa pagitan nilang dalawa. Alam niyang maraming bagay ang kailangang linawin, at isa na rito ang patuloy na koneksyon niya kay Apple at ang anak nilang si Amara. Hindi niya alam kung paano niya dapat ipahayag ito, ngunit kailangan niyang gawin ito para maging tapat at upang maiwasan ang pagkakaroon ng hindi pagkakaintindihan."Bigyan mo ako ng chance na makapagmove on kay Apple," nagpatuloy si Lance, ang boses ay may kabuntot na kalungkutan ngunit puno ng determinasyon. "Sana huwag mo na itong pagselosan. Ina parin ng anak ko si Apple at anak namin si Amara. Sana matanggap mo si Amara at ituring mo ng anak. Lagi mong tandaan na ang koneksyon namin ay si Amara, at co-parenting kami."Si Monica ay nanatiling tahimik sa mga sinabi ni Lance. Ngunit ang mga mata ni Monica ay naglalaman ng mga magkahalong damdamin—pag-aalala, takot, at higit sa lahat, pagmamahal. Hindi madali para sa kanya na tanggapin ang mga