Share

Kabanata 3

“For how long?” Bullet asked with a frown.

She smiled and caressed her son’s face. “Just give me two months, son.”

For a five year old, Bullet is intelligent. Mabilis itong makaintindi ng mga nangyayari sa kanyang buhay at isa na roon ang pagiging aware nito na kailangan niyang umalis para magawa ang kanyang mga plano.

Bullet took a deep breath and nodded his head. “I’m going to miss you.”

Hinaplos niya ang buhok nito at hinalikan ang noo bata. “Me too. Take care while mommy’s gone. I’ll be back sooner with her.”

Hindi lingid sa kaalaman ni Bullet na mayroon siyang kapatid. Palagi niya itong sinasabi sa anak. Ngunit hindi niya binanggit dito kung paanong nawala sa kanya ang kambal nito. She just told her son that he has a sister.

At ito ang dahilan kung bakit siya aalis.

“I love you,” Bullet said.

“I love you too.” H******n niyang muli ang buhok nito.

Niyakap niya muna nang mahigpit ang anak sa huling pagkakataon. Paniguradong ma-mi-miss niya ito. Ngunit kailangan niyang bumalik. Hindi para balikan ang mapait niyang nakaraan ngunit para bawiin ang mga bagay na kinuha sa kanya.

Sisimutin niya lahat at wala siyang ititira.

Nang tawagin ang kanyang flight ay nag-angat siya ng tingin kay Aldrin. May tipid itong ngiti sa labi. Lumapit din siya rito at niyakap ito nang mahigpit. Ramdam niya ang paghaplos nito sa kanyang likuran at ang pagdampi ng magaan nitong halik sa gilid ng kanyang ulo.

“Take good care of yourself,” he said.

“I will.” She hummed.

Nang kumalas siya sa yakapan nila ay agad na siyang umalis. She immediately boarded the plane. Binigay niya ang kanyang plane ticket sa isang flight attendant nang makapasok siya sa aircraft.

The flight attendant immediately assisted her towards the business class. Wala siyang masyadong gamit na dala dahil naihanda na ng sekretarya niyang si Grace ang lahat. Isa ito sa kanyang katuwang sa negosyo. Mula sa kanyang pagsisimula hanggang sa paglabong nito, Grace was by her side all along.

And that’s why she’s very thankful.

“Please let us know if you need anything during the flight,” said the flight attendant.

Tipid lang siyang tumango rito at umupo sa kanyang upuan. Nang makaalis ang flight attendant ay humugot siya ng malalim na hininga. Napatingin siya sa magazine na nakarolyo sa kanyang tabi.

Kinuha niya ito at binuklat. It was an ad of her business. Ngumisi siya. Kahit saan siya magpunta ay hindi nawawala ang mga advertisements tungkol sa kanyang negosyo. Well, kahit ang mga influencers na walang paid collaboration sa negosyo niya ay pino-promote na rin ang kanyang mga produkto.

Her business is all about cosmetics, skin care, and a clothing line. Inaamin niyang nahirapan siya noong nagsisimula siya dahil sobrang hirap makipagkompetensya sa mga pakareho niya ng negosyo.

But heavens made their way to help her rise again from being shattered in the past. Sumikat na lang ang isa niyang produkto hanggang sa makarating siya sa kung nasaan siya ngayon. At dahil sa pag-usbong ng kanyang panibagong career, kinakailangan niyang itago ang kanyang pagkakakilanlan.

And with her new identity, nagawa niyang pasukin ulit ang mundong sumira sa kanya, ang mundo kung nasaan nandoon si Stone at ang pamilya niyang dumurog sa kanya. At wala silang kamalay-malay sa mga pangyayari.

“Oo nga, e.”

Wala sa sarili siyang napatingin sa nagsalita. She immediately put on her sunglasses and straightened her posture. Umupo sa kanyang tabi ang isang dilag na amoy pa lang ay sobrang pamilyar na.

“Kaya nga ako uuwi, ‘di ba?” anito na may halong inis at excitement. “Hindi ko alam pero gusto kong dumalo. My instinct never fail me. I want to see her in person. I want to see Rain Farren in person.”

Mariing nakagat ni Lorraine ang ibabang labi. Anak ng tinapa naman talaga. Hindi pa nga nakakalipad ang eroplano, isang delubyo na agad ng masusing pagtatago ang kakaharapin niya.

Bahagya siyang tumalikod dito at pinikit ang mga mata. Tinakip niya pa ang hawak niyang magazine sa kanyang mukha para matakpan ito. Kilala niya ang kanyang katabi. Hindi siya pwedeng magkamali.

Janna Madrigal. Ang kapatid ng babaeng kumuha sa kanyang anak anim na taon na ang nagkakaraan.

“Sana siya na si Lorraine,” rinig niyang usal nito.

Sumikip ang kanyang dibdib. Lorraine pretended to be asleep just so the person beside her wouldn’t bother her. At mukhang effective nga ito dahil hindi na umimik si Janna sa kanyang tabi.

At nang lumipad ang eroplano ay saka pa lang niya naramdaman ang paghilig nito sa backrest. Dahan-dahang binaba ni Lorraine ang magazine mula sa pagkakatakip ng kanyang mga mata at nilingon ang kanyang katabi. Mukhang tulog ito.

Tinawag niya ang atensyon ng isang flight attendant at agad siyang nagtanong.

“Is there any vacant seats in first class? I’d like to upgrade.”

It was quick. Nang bumalik ang flight attendant ay sinamahan na siya nito kaagad patungo sa first class. Ngunit bago siya tuluyang pumasok sa loob, nilingon niya muna ang upuang kanyang iniwanan.

Janna is still closing her eyes. Mukhang pagod ito. Mapait siyang napangiti. Hindi siya sigurado kung madadamay si Janna sa paghihiganting gagawin niya. Ngunit sisiguraduhin niyang wala itong alam sa mga plano ni Joanna noon.

Kasi kung meron. Even the years they spent together as close friends will be forgotten.

Her flight bound to the Philippines after upgrading into first class was fast and comfortable. Inabala niya lang ang sarili sa pagsimsim ng wine at pagtingin sa labas ng bintana, hinihintay ang pag-landing ng eroplano.

And when the captain announces that they were about to land, a small smile crept her lips. Hinanda niya kaagad ang sarili. As soon as the plane landed, she looked outside the window with a hint of playful smile on her lips.

I’m back, Philippines. I’m totally back.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status