Give-away alert! Hey, readers & viewers! As a way of saying thank you for your support, I’m hosting a giveaway where 10 lucky winners will receive a Gcashprize! Want to join? Punta lang kayo sa Faceboookk page ko at doon ninyo malalaman kung paano sumali. Search niyo lang ang Liacollargasiosa Author or Lia Collarga Siosa TV. Diyan sa mga page na ‘yan makikita kung magkano ‘yung mga pa-premyo. Sumali na kayo at baka isa na sainyo sa sampung mapiling manalo ng prize. Salamat po.
Mishon POVPagdating namin ni Papa Ronan sa La Trinidad Strawberry Farm, agad kaming naglakad-lakad sa loob ng farm. Malamig ang simoy ng hangin at kahit umaga pa lang, ramdam na ang preskong klima ng Baguio. Natutuwa nga si Papa Ronan kasi may malamig ng lugar daw pala dito sa Baguio. Akala niya ay puro tag-init lang dito kasi puro beach daw kasi ang sikat dito sa Pilipinas.Ako ang nag-tour sa kanya, ipinapakita ko sa kaniya ang iba’t ibang bahagi ng farm habang nagkukuwento tungkol sa lugar.“Wow, this place is amazing!” natutuwang sabi ni Papa Ronan habang tinitingnan ang mga hanay ng strawberry plants. “I can already smell the freshness.”Ngumiti ako. “You’ll love it po even more once you start picking them yourself, Papa.”Pagdating sa bayaran ng entrance, ako na rin ang nagbayad ng 300 pesos para sa basket, kaya may sarili kaming lalagyan para sa mga pipitasin naming strawberries. Nakakatawa nga si Papa Ronan dahil hindi siya nakikipag-usap sa mga tao. Sabi niya, ayaw daw niyan
Ada POVMula nang ipakita sa akin ni Mama ang ayos ng magiging flower bouquet ko sa magiging kasal namin ni Mishon, hindi ko na napigilang tumawag agad sa flower farm sa Atok na pinuntahan namin kahapon. Gustung-gusto ko ang kombinasyon ng mga bulaklak, mga pulang rosas, puting lisianthus at baby’s breath na bumagay sa tema ng kasal namin ni Mishon.Habang kausap ko ang may-ari ng flower farm, tinanong ko kung kaya nilang mag-supply ng sapat na bulaklak para sa buong entourage. Mabuti na lang at kaya naman daw kaya wala na akong problema doon. Matapos naming magkasundo sa presyo at delivery date, agad akong nagpa-reserve.“Thank you so much! I’ll see you a few days before the wedding,” masaya kong sabi bago ibaba ang tawag.“Sigurado ka na sa mga pinili mong flowers?” tanong ni Mama Franceska habang inaayos ang buhok niya sa harap ng salamin.“Opo, Ma. Ang ganda ng arrangement mo, kaya iyon na ang pina-order ko,” sagot ko habang ngiting-ngiti ako na sinusulyapan ang phone ko kung saan
Everett’s POVKabado at halos hindi ako mapakali. Narito na ako sa hotel room kung saan hinihintay ang hindi ko kakilalang babae na makaka-sëx ko ngayong gabi. Ayoko talaga sa mga ganitong gawain. Ayokong nakikipag-sëx kung kani-kanino. Pero dahil kailangan ko ang mana ko, kailangan kong gawin ito. Kailangan ko ng anak at asawa sa lalong madaling panahon.Sa totoo lang, malungkot pa rin ako sa pagkawala ni papa. Sa mga ganitong panahon pa talaga siya nawala. Kung kailan nag-e-enjoy palang ako sa pagiging binata, saka pa siya namatay. Kaya lang, wala, mukhang tadhana ang gustong mangyari ‘to. Gusto niyang maaga akong magkaroon ng asawa at anak. Hindi naman ako ‘yung klaseng lalaki na madalas manloloko ng babae. Ang totoo niyan, magalang ako sa mga babae, lalo na kapag mahal ko na.Kung sino man itong nakita ni Garil na aanakan at papakasalan ko, bahala na. Sabi niya ay mabait at maganda naman ito, tapos single at virgin pa kaya hindi na masama. Ang gusto ko lang naman din ay mabait ang
Misha’s POVUmuwi ako sa bahay na lugmok na lugmok si papa habang nakaupo sa sala. Ang saya-saya ko pa naman kasi kakatapos ko lang makipag-bonding sa mga kaibigan ko.Napatingin tuloy ako kay mama para magtanong kung anong nangyari sa kaniya. Sinabi niya na niloko si papa ng mga supplier sa mga farm namin. Halos milyon-milyon ang nalugi sa amin kaya naman ngayong araw lang din, lima sa mga malalaking farm namin ay nakasanla na. Hindi na raw alam ni papa ang gagawin para mabawi ang lahat ng ‘yon. Daig pa nito ang natalo sa sugal. Masyado siyang nagtiwala sa mga taong ‘yon na mga scammer pala.Lumapit ako sa kaniya. Ngayon ko lang kasi nakitang ganitong si papa. Siya kasi, madalas masaya lang, palangiti at maingay kapag masaya siya. Ngayon, tulala at parang sinukluban ng langit at lupa.“Papa, huwag ka nang malungkot diyan. Makakaisip din tayo ng paraan para mabawi ang mga nawala sa atin,” sabi ko sa kaniya nang tabihan ko siya sa sofa.Tumingin siya sa akin at saka ngumiti. “Mayroon n
Misha’s POVSabi ni Jake, mag-bar muna raw kami bago kami tumuloy sa hotel na pina-book niya. Natuwa ako kasi gusto niya raw sa hotel kami mag-check in ngayong gabi. Pumayag ako. Gusto ko ring makalimot din kaya nagpakalasing kaming dalawa. Ang saya-saya rin palang mag-bar.Nung malasing na ako, pinauna niya ako sa hotel na sinabi niya. Kahit lasing na lasing na ako, nakaya kong pumunta roon. Ang galante ni Jake kasi ang laki nung hotel na kinuha niya para sa amin. Pagdating ko rito sa hotel, hindi na need ng susi kasi bukas at hindi naka-lock ang pinto. Bedroom agad ‘yung hinanap ko. Gusto ko na muna kasing umidlip habang wala pa siya.Nung makita ko na ang kama, pinatay ko muna ang mga ilaw. Tiyak naman kasi na bubuksan niya ang ilaw pagdating niya rito. Binagsak ko agad ang katawan ko sa kama nung madilim na ang buong paligid. Kukuha muna ako ng lakas sa pagtulog, para pagkagising ko mamaya, ready na akong magpaangkin sa kaniya.Hindi ko alam kung ilang oras o minuto ang lumipas. N
Everett’s POVNapamura ako nang sabihin ni Garil na hindi pala natuloy ‘yung babaeng ipapadala niya sa akin. Late ko na nalaman, kasi late na rin niya sinabi. Tapos na akong makipag-sëx dun sa babaeng tinawag ako na ninong. Sino ba siya at bakit tinawag niya akong ninong? Inaanak ko ba talaga siya?The next day, my uncles and aunts said they would handle the company for now while I still haven’t fulfilled my father’s wishes. They told me that I could only take control of the company once I got married and had a child.Naisip ko tuloy agad ‘yung babaeng naka-sëx ko kagabi. Sa dami ng sëmilya na naiputok ko sa kaniya, imposibleng hindi ko siya mabuntis. Kung bakit naman kasi tumakbo pa siya. Hindi manlang siya nagpakilala sa akin. Pero alam kong magkikita pa rin kami. Sa akin pa rin ang takbo niya kapag may nabuo na sa tiyan niya.“Sorry talaga, bro. Hindi ko naman inaasahang ibang babae ang makaka-sëx mo sa hotel na ‘yon. Late ko na nasabi sa ‘yo na hindi makakapunta ang babaeng nakau
Misha’s POVPaglabas ko sa kuwarto ko, narinig kong umiiyak si Mama. Kagigising ko lang, mukhang problema na naman ang sasalubong sa akin. Tumakbo tuloy ako pababa ng hadan para tignan kung ano nang nangyayari sa ibaba. Baka kasi nag-aaway na sila ni mama. Nahinto ako sa pagbaba sa hagdan nang makita kong pumipirma na naman ng mga papel si papa. Tila isa sa mga natitirang farm namin ay naisanla na naman niya kung kani-kanino. Palala na nang palala ang nangyayari sa mga ari-arian namin.Pag-alis ng mga taong ‘yon, malungkot na napatingin sa akin ang mga magulang ko.“Wala na ‘yung mga baboy, kambing, manok, isda, baka at kalabaw sa isang farm natin na pinaka mabenta sa lahat. Nakasanla na rin,” sabi ni mama na parang nagsusumbong sa akin. Sa nangyayari, parang pakiramdam ko ay kasalanan ko ang kamalasang inaabot ng business namin.“Isa na lang sa mga farm ang hawak natin. At maaaring sa mga susunod na araw o linggo, maisanla na rin natin ‘yon,” sabi sa akin ni papa na tila nahihilam na
Misha’s POVNarito ako sa closet room ko. Kanina pa ako pumipili ng susuotin ko. Ka-videocall ko ngayon ang bestfriend kong si Jaye. Mas magaling kasi siyang pumorma kaysa sa akin. Kapag nagkikita kami o may bonding, palagi akong natutuwa sa mga outfit niya. Kung minsan tuloy, inspired sa kaniya ang mga outfit ko kaya sa kaniya ako ngayong humingi ng tulong.“Ano bang event ‘yang pupuntahan mo? May birthday ba, binyag, kasal o makikipag-date?” tanong niya.“Fine, date nga. May kailangan akong i-seduce na lalaki, e,” pag-aamin ko sa kaniya para hindi na siya magtanong pa ng marami.“Oh, nice! Okay, kapag mangse-seduce ka ng lalaki, dapat luwa ang kaluluwa mo,” sabi niya. Gets ko naman agad siya kaya naghanap agad ako ng damit na makikita talaga ang cleavage ng dibdib ko.Isang puting dress ang nakita ko. Dress na hindi ko pa pala nasusuot. Ito ‘yung binili ko nung nakaraang buwan. Naisip ko kasi na baka matuloy ang thailand trip namin, kaya lang wala, puro talkshit ang mga kausap ko ka
Ada POVMula nang ipakita sa akin ni Mama ang ayos ng magiging flower bouquet ko sa magiging kasal namin ni Mishon, hindi ko na napigilang tumawag agad sa flower farm sa Atok na pinuntahan namin kahapon. Gustung-gusto ko ang kombinasyon ng mga bulaklak, mga pulang rosas, puting lisianthus at baby’s breath na bumagay sa tema ng kasal namin ni Mishon.Habang kausap ko ang may-ari ng flower farm, tinanong ko kung kaya nilang mag-supply ng sapat na bulaklak para sa buong entourage. Mabuti na lang at kaya naman daw kaya wala na akong problema doon. Matapos naming magkasundo sa presyo at delivery date, agad akong nagpa-reserve.“Thank you so much! I’ll see you a few days before the wedding,” masaya kong sabi bago ibaba ang tawag.“Sigurado ka na sa mga pinili mong flowers?” tanong ni Mama Franceska habang inaayos ang buhok niya sa harap ng salamin.“Opo, Ma. Ang ganda ng arrangement mo, kaya iyon na ang pina-order ko,” sagot ko habang ngiting-ngiti ako na sinusulyapan ang phone ko kung saan
Mishon POVPagdating namin ni Papa Ronan sa La Trinidad Strawberry Farm, agad kaming naglakad-lakad sa loob ng farm. Malamig ang simoy ng hangin at kahit umaga pa lang, ramdam na ang preskong klima ng Baguio. Natutuwa nga si Papa Ronan kasi may malamig ng lugar daw pala dito sa Baguio. Akala niya ay puro tag-init lang dito kasi puro beach daw kasi ang sikat dito sa Pilipinas.Ako ang nag-tour sa kanya, ipinapakita ko sa kaniya ang iba’t ibang bahagi ng farm habang nagkukuwento tungkol sa lugar.“Wow, this place is amazing!” natutuwang sabi ni Papa Ronan habang tinitingnan ang mga hanay ng strawberry plants. “I can already smell the freshness.”Ngumiti ako. “You’ll love it po even more once you start picking them yourself, Papa.”Pagdating sa bayaran ng entrance, ako na rin ang nagbayad ng 300 pesos para sa basket, kaya may sarili kaming lalagyan para sa mga pipitasin naming strawberries. Nakakatawa nga si Papa Ronan dahil hindi siya nakikipag-usap sa mga tao. Sabi niya, ayaw daw niyan
Ada POVMaaga akong nagising ngayon kasi excited ako sa mangyayaring bonding namin ng mama ko. Tumingin ako sa tabi ko, wala na si Mishon, mukhang maaga siyang umalis kasi narinig ko na parang magpapasama si Papa Ronan sa kaniya sa kung saan dito sa Baguio. Bumangon na ako at naglakad papunta sa bintana, sumilip ako sa labas, makapal ang fog, tapos ang malamig na hangin dito sa Baguio ay tila humahaplos sa aking balat na nagsasabi na masarap uminom ng mainit na kape ngayong umaga.Tahimik ang buong bahay at agad kong napansin na wala na sina Verena, Yanna, Marco at Edric. Maaga silang umalis para maglibot sa Baguio, samantalang sina Mishon at Papa Ronan naman ay pumunta pala sa strawberry farm sabi ng isa sa mga kasambahay na na-hire namin kagabi lang para may tagaluto manlang kami kapag ayaw naming lumabas ng villa.Ngayong solo namin ni Mama Franceska ang villa, ito na ang tamang oras para sa aming bonding sa pagpa-practice ng paggawa ng flower bouquet para sa kasal ko.Nang bumaba
Ada POVMalalim na ang gabi nang lapitan ako ni Mama Franceska sa veranda ng aming mansiyon. Tahimik siyang umupo sa tabi ko, hawak ang isang tasang mainit na tsaa. Ilang sandali siyang hindi nagsalita, tanging ang malamig na hangin lamang ang naririnig ko kasama ang paglagaslas ng fountain sa may garden sa ibaba.“Ada, anak,” malumanay niyang simula habang seryosong nakatingin sa akin. “Gusto kong ako ang gumawa ng bouquet mo sa kasal mo.”Nagulat ako sa sinabi niya pero agad akong napangiti kasi alam kong magaling siya sa pag-aayos ng mga bulaklak. “Talaga, Mama? Gusto mo?” tanong ko habang nakangiti ng husto sa kaniya.Tumango siya. “Oo, anak. Gusto kong ako mismo ang mag-arrange ng mga bulaklak na hahawakan mo sa araw ng kasal mo. Gusto kong makita sa araw ng mismong kasal mo na ako ang gumawa ng bulaklak na dala-dala mo sa altar.”Napakasaya talaga ng mayroong ganitong mama. Simula talaga nung malaman kong siya ang tunay kong mama, walang araw na hindi niya pinaparamdam sa akin n
Ada POVHalos alas dos na ng madaling-araw nang makita kong umaandar papasok ng mansyon ang lumang sasakyang inarkila nila Mishon para sa paghahanap kay Miro at Raya. Sa sandaling iyon, nakalimutan ko ang antok at pagod. Tumakbo agad ako palabas at hindi na inalintana ang lamig ng gabi, para salubungin sila.Pagbukas ng pinto ng sasakyan, unang lumabas si Mishon. Pagod na pagod ang itsura niya, may ilang galos at sugat sa braso, pero buhay. Buhay siya. Buhay silang lahat. Kaya maluha-luha ako sa tuwa.“Miro’s okay,” bulong niya sa akin gaya lalo nang gumaan ang mabigat na nararamdaman ko sa dibdib ko, pero ramdam ko ang bigat ng pinagdaanan niya. Napaluha ako sa tuwa.“Thank God…” Pumatak ang mga luha ko kahit hindi ko gusto. Hinawakan ko ang mukha niya, tinignan ko kung may malalang pinsala, pero ang mga mata niya ang unang nakahuli ng atensyon ko. Pagod, halos maiyak ako lalo kasi ang dungis niya at mukhang nasaktan pa rin siya sa naging labanan nila. Masakit makita sa ganitong istu
Mishon POVUmiiyak ang impostor, nagmamakaawa sa aming dalawa ni Raya na sana ay pakawalan na lang siya o ipakulong kaysa patayin. Marami pa raw siyang gusto gawin sa buhay niya kaya sana ay buhayin siya. Kitang-kita sa mata nito ang luha na halos bumabaha sa pisngi niya.“What do you want me to do with her, Mishon?” tanong niya na bahagyang ikiniling ang ulo habang nakatingin sa akin.Napatingin ako sa impostor—sa babaeng halos niloko ako nang buong-buo. Dapat siguro galit ako, dapat nasisiyahan akong makitang siya naman ang nasa alanganin, pero ang totoo, wala akong nararamdaman kundi awa na lang. Kasi ang pera sa akin ay balewala lang, pero ang buhay, hindi ito matutumbasan ng kahit anong halaga ng pera.Huminga ako nang malalim bago sumagot. “Let her go. Put her in jail. Do whatever you want, just let her live. She’s still human, after all.”Saglit na katahimikan ang nangyari sa buong villa. Tapos, biglang tumawa nang malakas si Raya. Pero hindi ito tawa ng tuwa—kundi tawa ng pang
Mishon POVPagkapasok namin sa loob ng villa, tinignan ko ang mga kasama kong sina Marco at Edric. Mga sugatan na, madungis, pawisan at duguan. Gusto ko sanang ayain na silang umatras na muna, kaya lang ayaw nung dalawa, nasa loob na raw kami kaya bakit pa aatras?Ang tatapang nila, tapang na nawala sa akin kasi sila lang naman ang iniisip ko. Sa dami ng kalaban namin, tapos tatlo lang kami, naisip kong mamamatay kami rito ng walang laban.Pagdating doon, agad kaming sinalubong ng hindi bababa sa sampung malalaking lalaki na armado na may hawak pang tig-dadalawang baril. Mabilis akong napalingon kina Marco at Edric, kapwa sugatan ngunit matibay pa rin ang tindig. Pero sa sitwasyong ito, ramdam ko ang tensyon sa ere. Kung susumahin, malabo kaming makalabas ng buhay.“Sabi na e, dapat umatras na muna tayo,” bulong ko sa dalawang kasama ko.“Shit!” tanging nasabi nalang ni Marco.“Mukhang hindi ka na ata maikakasal pa,” sabi naman ni Edric na nakuha pang magbiro.“Ang titigas kasi ng mga
Mishon POVSa sandaling makapasok kami sa loob ng villa, mas matinding panganib ang sumalubong sa amin doon. Hindi lang lima o sampu ang mga kalaban, higit pa sa bente ata. Lahat sila ay armado, may dalang matataas na kalibre ng baril. Wala kaming ibang magagawa kundi maghiwa-hiwalay para mapababa ang tiyansa ng agarang pagkalagas. Agad kaming tumakbo sa magkakaibang direksyon, gamit ang anino at paligid bilang pananggalang.Si Edric ang unang sumabak sa matinding bakbakan. Pumasok siya sa isang silid na tila opisina, pero doon nag-aabang ang tatlong kalaban. Wala siyang dalang armas kundi ang kutsilyong nakuha niya sa isa sa mga napatay naming bantay kanina.Nanuod lang muna ako, para sakaling kailangan niya ng back up ay saka ako tatakbo palapit sa kaniya.“Come at me,” malamig niyang sabi na hindi man lang nababahala.Hindi nagpatumpik-tumpik ang mga kalaban. Isa sa kanila ang bumunot ng baril at pinaputukan si Edric, pero nagpagulong siya sa sahig, mabilis na iniwasan ang bala. Sa
Ada POVNakatayo ako sa terrace ng mansiyon ng bahay namin dito sa Pilipinas, nakatingin sa madilim na langit na punung-puno ng mga bituin. Malamig ang simoy ng hangin, pero hindi iyon sapat para palamigin ang nag-aalab kong kaba sa dibdib ko.Ilang oras na ang lumipas, pero wala pa ring balita tungkol kina Mishon, Edric at Marco. Alam kong delikado ang misyon nila ngayong gabi, pero wala akong magawa kundi maghintay at magdasal.Pero sana kasi nagsama sila ng mga pulis para mapanatag ako, kaya lang ang alam ko, lumakad sila ng sarili nila.Simula kaninang hapon ay nandito na ako sa kuwarto namin ni Mishon, hindi na ako bumaba kasi nahihilo ako sa tuwing naiisip kong nasa panganib sina Mishon at Miro. Ina-anxiety ako, para akong masusuka palagi. Natatakot din ako na baka kung anong mangyari sa baby namin ni Mishon kaya nanatili na lang ako dito sa kuwarto ko. Uminom na rin ako ng gamot para mawala ang nararamdaman kong ito. Gamot ito na puwede sa akin na binigay ng Ob-gyn ko.Narinig