Ada POVMula sa pagkakaupo sa gilid ng kama, hinilot ko ang sentido ko habang unti-unting bumabalik ang ulirat ko.Pakiramdam ko ay parang naubusan ako ng lakas, at sa bawat paghinga ko, ramdam ko ang bigat sa aking dibdib.Doon ko lang napansin na nasa paligid ko sila, nakita ko ang tatlong nag-aalalang mukha sa akin—sina Mishon, Verena at si Yanna.Pero, teka, ano nga bang nangyari?"Ada, what happened? Are you okay?" Tanong ni Mishon habang ang boses niya ay halatang nag-aalala sa akin. Gulo-gulo pa ang buhok niya na tila kanina pa siya pakamot-kamot sa ulo niya.Huminga ako ng malalim bago sumagot. Doon ko lang naalala ang nangyari. Buwisit talaga ng Taris iyon."I went grocery shopping... then Taris saw me. She called my name, and suddenly, there were too many people... I couldn’t breathe... and then, I passed out."Mabilis na lumamlam ang ekspresyon ni Mishon. Alam ko kung gaano niya kinaiinisan si Taris at ngayong ginawa na naman nito ang panggugulo sa akin, siguradong hindi ni
Mishon POVMaghapon akong abala sa trabaho, isang bagay na matagal ko nang nakasanayan, pero iba ang pagod ngayong araw.Sa umaga, ginugugol ko ang oras ko sa wine company ko, sinu-sure ko na maayos ang takbo ng negosyo. Ang bawat bote ng alak ay may kasaysayan, may prosesong kailangang pagdaanan at bawat detalye ay dapat perpekto. Habang nakatayo ako sa gitna ng vineyard, tinitingnan ang mga taniman ng ubas na inaasahang anihin sa susunod na linggo, habang ka-videocall ko naman ang isa sa mga care taker ng farm ko sa Bulacan. Ganito ako sa umaga, kapag walang masyadong ginagawa, kinakausap ko ang mga iba’t ibang tauhan ko na nag-aalaga sa mga grapes farm ko sa Pilipinas. Sa Bulacan, La union, Batangas at Bataan. At mabuti na lang at maayos ang lahat, wala namang problema kasi magagaling ang mga farmer ko.Pagkatapos kong magsiguro na wala na akong kailangang atupagin sa farm at company, bumalik ako sa manisyon kasi may usapan kami ngayon ni Ada. Today kasi mag-start ang pagtuturo ko
Ada POVLunes ngayon, pero day off daw ni Mishon. Nagtaka ako dahil hindi naman siya basta-basta nagpapahinga mula sa trabaho, lalo na’t hindi naman ito weekend. Napaisip ako, baka gusto niya lang akong makasama ngayong araw. Ayos lang sa akin. Masaya ako dahil gusto ko rin naman iyon.Pero may isang bagay na hindi ko maipaliwanag. May mga maleta siyang nakagayak sa tabi ng pinto. Hindi lang isa, kundi marami. At kung tama ang hinala ko, gamit namin ang nasa loob ng mga iyon.“Mishon, what’s with the luggage?” tanong ko habang nakapamewang sa harap niya.He chuckled and gave me that mysterious smirk of his. “I just thought we could take a five-day vacation. Just the two of us.”Napatitig ako sa kanya. Bakasyon? Biglaan? Hindi man lang niya ako tinanong kung may gusto akong dalhin o ayusin muna bago umalis? Napabuntong-hininga na lang tuloy ako nang sabihin niyang ayos na, naka-ready na ang lahat ng need niya, napa-ready na niya sa mga kasambahay namin dito sa manisyon.“Saan tayo pupu
Ada POVPagkapasok namin sa loob ng mansiyon, halos hindi pa ako makapaniwala sa nangyayari ay hinila na ako ng isa sa mga staff papunta sa isang malaking makeup room kung saan naghihintay na ang glam team na mag-aayos sa akin. Napanganga ako sa dami ng taong nandoon, bawat isa abala sa kani-kanilang gawain. May mga nag-aayos ng gown, may naghahanda ng makeup at hair tools, at may ilang naghihintay lang ng cue para simulang bihisan ako. Halatang lahat ay planado at organisado. Now, gets ko na kung bakit kahapon, panay ang hawak ni Mishon sa phone niya at sa tuwing may tatawagan siya sa phone ay lumalayo siya sa akin.“Miss Ada, let’s make you even more beautiful,” bungad ng lead makeup artist na si Camille habang sinisimulan niyang ayusin ang aking buhok.Bago pa man ako makapagsalita, biglang bumukas ang pinto at pumasok si Mishon, may dalang tray ng pagkain. Napakunot ang noo ko. Siya mismo ang nagdala ng pagkain ko? Hindi ba dapat busy siya sa labas? Pero nang makita ko ang ekspres
Ada POVSa loob ng mansiyon, habang patuloy ang kasiyahan sa labas, nakaupo ako sa sala kasama sina Raya, Miro, at Everisha.Naiingayan ay naliliyo na ako sa labas sa dami ng taong lumalapit at nagpapa-picture sa akin kaya inaya na ako ni Everisha na pumasok dito sa loob. Nagsabi na rin siya na huwag nang magpapasok ng fans kasi talagang pagod na ako.Mula rito sa loob, dinig namin na kumakanta sa stage ang asawa ni Everisha na si Czedric. Nagsisigawan ang lahat kasi ang dami talagang fans ni Czedric. Tiyak na kasama sa nagsisigawan sina Yanna at Verena na nakiki-party doon.Si Miro ay nakaupo sa tabi ko, nakasandal ng bahagya sa akin. Cute na cute talaga siya at ramdam kong gusto rin niya ako. Isang bagay na hindi ko inasahan, pero ikinatutuwa ko.Si Raya naman ay tahimik lang, nakangiti habang pinagmamasdan kami. Dito ko napagtanto na mabait siya at hindi siya magiging problema sa amin ni Mishon."So, Ada," biglang tanong ni Everisha habang seryosong nakatingin sa akin. "If you give
Mishon POVMasakit ang ulo ko nang magising ako kinaumagahan, marahil dahil sa alak na nainom ko kagabi sa engagement party namin ni Ada. Pero kahit may hangover, pinilit kong bumangon ng maaga dahil pinangako ko sa kanya na sabay-sabay kaming mag-aalmusal kasama ang buong pamilya namin.Habang bumababa ako sa hagdan, naamoy ko agad ang halimuyak ng lutong bahay na pagkain. Napangiti ako. Iba talaga ang pakiramdam ng nasa Pilipinas, lalo na kapag may ganitong pagsasama-sama.Pagdating ko sa dining area, halos mapuno ang napakalaking lamesa. Naroon ang mga magulang ko, pati na rin ang mga magulang ni Ada. Nasa magkabilang gilid sina Everisha, Czedrick, Czeverick at Edric. Naroon din sina Marco, Verena, at Yanna. Syempre, hindi mawawala si Miro, na nakaupo sa tabi ni Ada habang naglalaro ng kutsara.“Good morning, everyone!” bati ko sa kanila.“Good morning, Mishon!” sagot naman ni Mama habang iniaabot sa akin ang isang tasa ng mainit na kape.“I see we’re having a Filipino breakfast to
Mishon POVSa loob ng lumang kotse, tahimik lang kaming nagmamasid nila Marco at Edric. Hindi ko pa rin lubos maisip na umabot kami sa ganitong sitwasyon, na kailangang mag-spy sa mama ng panganay kong anak na si Miro.Pagkatapos kong nalaman ang tungkol kay Raya, wala kaming ibang magagawa kundi alamin ang totoo. Ayokong ipagsapalaran ang kaligtasan ni Miro.At sa oras na malaman ko na delikado ang trabahong mayroon siya, gagawa ako ng paraan para hindi na mapunta sa kaniya si Miro. Ayokong pati ang bata ay madamay."We can't let Ada know about this," sabi ko habang pinapanood ang bahay ni Raya mula sa windshield. "She doesn't need this kind of stress right now."Marco nodded. "I agree. Kaya mainam nang sinabi mo sa kaniya kanina na sa grape farm mo tayo pupunta."Hindi nagtagal, isang puting van ang huminto sa tapat ng bahay ni Raya. Ilang segundo lang, lumabas siya ng bahay na may dalang maliit na bag. Pero ang mas nakatawag ng pansin ko ay ang itsura niya, hindi na mahaba at kulot
Mishon POVKahit ramdam ko pa ang bigat ng katawan ko mula sa ilang oras ng pagbabantay, hindi na ako nagdalawang-isip na gumawa ng eksena para hindi matuloy ang binabalak ng lalaking iyon kay Raya.Kailangan na naming kumilos. Tumango sa akin si Marco, tanda ng pagsang-ayon niya sa akin. Hindi na namin hahayaan pang may mangyari kay Raya sa loob ng kuwartong iyon.Hindi magandang isipin na magpapakasasa ang dalawang pangit ng lalaking iyon sa katawan ni Raya. Kawawa lang si Raya sa kanila."Tara na," bulong ko sabay hawak sa door handle.Nang buksan ko ang pinto, agad kaming sumugod ni Marco. Mabilis na sinigurado ni Marco na ma-lock ang pinto sa loob, kaya wala nang makakatakas. Agad naming narinig ang nagulat na mga boses mula sa loob."Who the hell are you?!" sabay na sigaw ng dalawang lalaking kasama ni Raya.Nakatayo sila malapit sa kama, halatang hindi inaasahan ang biglang pagpasok namin. Si Raya naman, nanlaki ang mata sa pagkabigla. Bigla niyang binalik ang suot niyang bra n
Samira POVNasa loob ako ng kuwarto ni Ramil ngayon. Busy sina Miro ngayon, kami lang nila Mama Ada at Ahva ang naiwan dito sa manisyon. Naisip ko naman na puntahan si Ramil kaya dinalhan ko siya ng pagkain—isang tray na may sinigang na baboy, kanin, at manggang hilaw na may bagoong.“You need to eat more,” sabi ko habang iniaabot ko sa kaniya ang tray. “You need strength, Ramil. Hindi ka puwedeng injury na lang habang buhay. Ikaw na ang nagsabi, kailangan nating maghanda kaya magpalakas ka rin.”Ngumiti lang siya sa akin. “Salamat, Samira. Huwag kang mag-alala, ito na, nagpapagaling at nagpapalakas na ako. Baka sa susunod na linggo, makalakad na ulit ako.”Habang kumakain na siya, pinagmamasdan ko lang siya, napansin ko, tila may gusto siyang itanong pero hindi niya agad masabi. Hanggang sa maya-maya'y nagsalita rin siya.“Ang mga manang pala, kumusta na sila?” tanong niya habang nakasandal sa mga unan.Napatingin ako sa kaniya. Biglang lumabas ang ngiti sa mga labi ko. Hindi pa nga
Miro POVPagkapasok namin sa mansiyon, agad kong tinapik ang balikat ni Ramil bilang hudyat na sa wakas ay nandito na kami, tuluyan na namin siyang nauwi. May lumabas na bahagyang ngiti sa labi niya, pero habang naglalakad at inaalalaya siya ng mga tito ko, hindi niya maitago ang pagngiwi ng mukha, halatang nasasaktan siya.Lumapit agad si Ahva at Mama Ada para salubungin siya. Lahat kami, may saya sa pagdating niya, pero may bigat din sa dibdib naming makita siyang halos ‘di na makalakad ng maayos.“Prepare his room,” utos ko sa isa sa mga tauhan. “Make sure it’s comfortable. Ramil needs full rest.”Nagkatinginan kami ni Samira. Ramdam ko ang lungkot sa mga mata niya. Alam naming hindi madali ang pinagdaanan ni Ramil. Kaya naman agad kong tinawagan si Dr. Elson, ang private doctor namin.“Ramil, the doctor will be here in ten minutes,” sabi ko sa kaniya habang inaakay siya papunta sa inihandang kuwarto para sa kaniya.“Thanks, Miro. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin kung ‘d
Miro POVOras na para bumawi kay Ramil. Nanghingi siya ng tulong sa amin na kung maaari ay i-rescue na siya kasi nahihirapan na siya sa kinalalagyan niya ngayon.Ako mismo ang nagmaneho ng sasakyan habang tahimik kami sa loob. Kasama ko sina Tito Zuko, Tito Sorin at Tito Eryx. Dapat, nagbabakasyon sila ngayon sa Palawan kasi matagal na nila itong na-book. Pero dahil nakatanggap kami ng problema, hindi ko na muna sila pinatuloy kasi baka maging maaga ang paggalaw ni Vic. Ayaw ko naman na wala sila kapag lumaban na ulit kami, parang kulang na kasi ako kapag wala sila. Hindi ako nakakapag-isip ng maayos kapag wala ang mga tito ko. Oo, may Samira akong matapang at matalino, pero iba pa rin talaga kapag may nakakatanda na nangangasiwa sa amin.Tanggap ko nang parang hindi ako mafia boss, oo, mas babagay ito kay Samira, pero wala na akong pakelam ngayon sa posisyon na iyon. Ang gusto ko na lang sa ngayon ay matapos ang gulo, wala ng problema at dapat puro kasiyahan na lang.“We finally trac
Samira POVWala pa man ang gulong magiging dala ni Vic, pero ang balita tungkol sa pagbabalik niya ay sapat na para yanigin ang katahimikan ng lahat. Ngunit kahit na natatakot ang lahat, hindi kami puwedeng manatiling walang ginagawa. Walang nakakaalam kung ano ang mga kaya niyang gawin kaya halos parang nanganga pa kami.Sa totoo lang, hindi kami nahirapang pabagsakin si Don Vito, walang masyadong labanan na nangyari, kasi dito pala kami mapapasabak ng husto kay Vic. Pero sana, gaya nang pagbabagsak namin kay Don Vito, ganoon din kadali ang kay Vic.Kaya ngayon, dinala ko sina Mama Ada at Ahva sa garden ng mansiyon para simulan ang isang bagay na mahalaga naming gawin ngayon, at ito ay ang matuto na rin silang lumaban.“Okay, start with your stance,” sabi ko habang pinaposisyon ko si Ahva at Mama Ada. “Feet shoulder-width apart. Arms up. Chin down.”“Like this?” tanong ni Mama Ada, na medyo nag-aalangan habang tinaas ang dalawang kamay.“Yes, ganiyan nga. Pero relax lang po, Mama. Hi
Samira POVPawisan at halos humihingal kaming dalawa ni Miro matapas ang umaatikabong pagse-sëx. Galing si Miro sa isang event at tipsy ito nung umuwi. Pagpasok niya rito sa kuwarto namin, bigla na lang naglambing. Hanggang sa magtanggal na kami ng saplot at wala na akong nagawa kundi ang magpaubaya na lang.Matutulog na dapat ako, pero biglang nag-vibrate ang cellphone ko sa may nightstand. Mabilis ko iyong kinuha, akala ko ay notification lang mula sa social media, pero natigilan ako nang makita ang pangalan na naka-flash sa screen.Si Ramil, tumatawag. Nung una, inisip ko na baka ibang tao, baka may nakakuha lang ng phone niya. Pero nang sagutin ko ang tawag niya, doon na ako lalong nagulat.Buhay pa nga si Ramil.“Ramil?” mahinang tawag ko sa kaniya na halos pabulong lang.“Samira,” bulong rin niya mula sa kabilang linya at agad kong naramdaman ang takot sa boses niya. “Walang oras para magpaliwanag, pero nakatakas ako nung dakpin ako ng mga tauhan ni Don Vito nun. Nung hinahabol
Samira POVMaaga pa lang, tinawag na ako ni Mama Ada. Nagtaka naman ako kung anong kailangan niya. Nakakatawa kasi may gagawin sana kami ni Miro, pero dahil hindi naka-lock ang pinto at tinatawag ako ng isang kasambahay, nahinto tuloy. Pero mukhang mahalaga ang sasabihin niya kaya pinuntahan ko siya kahit kagigising ko palang.Pagkakita ko sa kaniya sa sala sa ibaba, sinalubong niya ako ng maganda niyang ngiti.“Samira, come with us today. Let’s do something fun,” sabi niya habang nakangiti at nakaayos na ang buhok. Kasama niya nun si Ahva, na sa wakas ay masaya na rin at palaging nakatawa.Napatango na lang ako, kahit may kinakabahan. Hindi ko kasi alam kung saan kami pupunta. Hindi na rin kasi ako nakapagtanong. Hindi ako sanay na isinasama nila sa mga ganitong lakarin. Pero habang tinitingnan ko ang ngiti ni Mama Ada, ramdam ko na tanggap na niya talaga ako. Hindi na ako outsider, kundi parte na ng pamilya nila.Nung magpaalam ako kay Miro, natuwa pa siya. Sinabi niya na magandang
Miro POVKapwa kami good mood ni Samira habang umiinom ng milktea, sakay kami ni Samira ng itim na van ko at papunta kami ngayon sa tinutuluyang mansiyon ng mga manang.Habang nasa biyahe, panay ang tingin ko kay Samira. Ang ganda niya sa ayos niya ngayon. Nakakatuwa kasi napag-trip-an siya ni Ahva na ayusan. Naka-light makeup siya, nakakulot ang buhok at naka-dress din. Napilit siya ni Ahva na maging ganito kahit ang totoo ay hindi siya sanay. Pero para sa akin, ibang Samira ang kasama ko. I mean, hindi naman sa sinasabi kong parang iba, maging ako kasi ay hindi makapaniwala na ganito siya kaganda at ka-sexy kapag nakabihis ng maganda at kapag nakaayos ang mukha at buhok. Nawala tuloy bigla ang pagiging assassin cool niya. Kumbaga, parang tanggal angas niya ngayon.Papunta kami ngayon sa mga manang kasi ngayong araw na namin ibibigay ang isang bilyong piso na pabuya sa kanila para sa pagkakahuli nila kay Don Vito. Napapailing pa rin ako hanggang ngayon. Hindi ko pa rin kasi lubos mai
Samira POVPagkagising ko kinabukasan, ramdam ko pa rin ang bigat ng pagod sa katawan ko dahil sa nangyari kagabi, pero mas nangingibabaw ang gaan sa dibdib ko. Sa wakas, ligtas na si Ahva, at si Don Vito naman ay nagpapahinog sa ospital at malapit-lapit na ring makulong na. Hindi ko na kailangan pang magpanggap na matapang—kahit sa loob-loob ko ay halos gusto ko nang bumigay sa pagod at gutom kagabi.Paglabas ko ng kuwarto, dumiretso ako sa hallway. Doon, nagulat ako nang pagbukas ko ng pinto ng kabilang kuwarto ay lumabas si Mama Ada. Diretso niya akong nilapitan.“Samira, ija,” mahinahon ang boses niya, pero may lungkot at saya na halong-halo sa mga mata niya. Akala ko magtataray na naman siya, pero bigla niya akong niyakap. Hindi lang basta yakap—mahigpit pa ang ginawa niya at dama ko ang init ng pasasalamat niya.“Thank you, Samira. Thank you so much,” bulong niya habang bahagyang nanginginig ang boses niya. “I’m really, really sorry sa lahat ng naging ugali ko sa ‘yo. I was so w
Samira POVHindi pa man lubos na nakakabawi ang katawan ko, kailangan na namang maglakad. Nagdesisyon na kaming maghiwa-hiwalay ng landas sa gubat para mapabilis ang paghahanap kay Ahva. Bawat isa sa amin ay may hawak na radyo at may kasama ring dalawang sundalo para sa seguridad. Gusto ko na rin sanang matulog at mamahinga, pero kailangan pa ring lumaban at kawawa naman si Ahva kung hahayaan naming mag-isa sa gubat. Kung nakaligtas man siya sa kamay ni Don Vito, baka sa mga mamabangis na hayop dito, hindi siya makaligtas.“You okay po, Ma’am Samira?” tanong ng isa sa mga sundalong kasama ko. Tumango lang ako kahit nanghihina pa ako. Mabuti na lang at may dalang tubig sina Miro, kahit papaano ay may laman ang tiyan ko mula sa tinapay na isinabay ko sa pag-inom ng malamig na tubig habang naglalakad.Tahimik ang gubat habang naglalakad kami. Pero parang may ilog kaming naririnig sa hindi kalayuan. Ang flashlight na hawak ng mga sundalo ay tumatama sa mga punong kahoy at mga sanga, para