Mishon POVTirik na tirik na ang sikat ng araw habang naglalakad ako sa mga makikitid na kalsada ng Paris. May kakaibang aliw talaga ang lungsod na ito—ang tahimik na mga umaga, ang halimuyak ng tinapay mula sa mga bakery at ang ingay ng mga taong abala sa kanilang araw. Pero ngayong araw na ito, wala akong ibang iniisip kundi ang espesyal na request ni Ada: pasta at pizza para sa merienda namin mamaya. Wala na naman siyang work, today, kaya maghapon na naman kaming magba-bonding. Ang saya nga kasi parang gusto niyang sa mansiyon ko na siya tuluyang tumira habang buhay kasi kita ko na masayang-masaya siya kapag nasa bahay ko.Sa akin ay ayos lang naman, hinihintay ko lang na magsabi siya.Kahit na simpleng pagkain lang ang hinihiling niya, hindi ko mapigilang gawing espesyal ang bawat pagkakataon para sa kanya. Kaya bago pa man ako pumunta sa grocery store, napagdesisyunan kong dumaan muna sa flower shop ni Ginang Franceska.Pagpasok ko sa shop, agad kong nakita si Ginang Franceska n
Ada POV Ang bango ng freshly baked pizza at creamy pasta na inihain ni Mishon sa dining table ay agad na nagdala ng init at saya sa buong paligid. Ang buong pamilya niya—si Everisha, si Czedric, at ang cute nilang anak na si Czeverick—ay abala sa pagtikim at pagtawa habang nagkukuwentuhan. Kasama ako sa hapag-kainan nila ngayon at habang pinagmamasdan ko sila, hindi ko maiwasang mag-isip…Kung ganito lang sana ka-saya ang pamilya ko, hindi siguro ako lumalayo sa kanila. Habang kumakain, hindi nawala ang maaliwalas na ngiti sa labi ko. Napakagaan ng pakiramdam na parang bahagi na ako ng pamilya nila. Si Mishon naman, mukhang masaya ring nakikita ang lahat na nag-e-enjoy. "Alright, everyone," sabi ni Mishon habang nakaupo sa head of the table, hawak ang isang slice ng pizza. "Honest opinions. How’s my cooking? Start with the pasta." Agad namang sumagot si Ate Everisha niya na may sauce pa sa gilid ng labi niya. "It’s amazing, as always, little brother. Creamy, flavorful and perfec
Mishon POVHindi mawala ang ngiti ko habang papunta kami nina Everisha at Czedric sa flower shop ni Aling Franceska. Iniwan muna namin si Czeverick sa kasambahay ko para makapaglibot nang maayos. Si Everisha ay halatang excited gumala, habang si Czedric naman ay abala sa pagtingin ng mga video reference sa cellphone niya habang nagkukuwentuhan kami tungkol sa music video niyang mangyayari na soon.Pagdating namin sa shop ni Aling Franceska ay agad na bumungad sa amin ang halimuyak ng sari-saring bulaklak. Ang tindahan ni Aling Franceska ay parang isang maliit na hardin sa gitna ng syudad—punong-puno ng kulay at sigla. Nang makita niya kami, agad siyang ngumiti nang malaki."Ah, Mishon! It’s so good to see you again!" bati ni Aling Franceska habang pinupunasan ang kanyang kamay gamit ang apron. Pagkatapos, napatingin siya kay Czedric at parang bigla itong napanganga. "Oh my! Is this… Czedric? The famous singer?"Tumawa si Czedric at iniabot ang kamay niya kay Aling Franceska. "Yes, ma’
Ada POVExcited ako dahil ngayon ang unang araw ng shooting namin ni Mishon para sa music video ni Czedric. Hindi ko maalis ang ngiti sa labi ko habang iniisip na muli na naman akong masasama sa isang proyekto ng isang sikat na international singer. Noon, isa lang itong pangarap, pero ngayon, narito na ako sa realidad. Isa ito sa mga bagong experience mo bilang fashion model. Para na rin akong artista tuloy.Habang nagbibihis ako ng casual ngunit classy na outfit para sa shoot, biglang pumasok sa isip ko ang mga nakaraang pagkakataon kung saan palagi akong pinapangaralan ng mama ko sa tuwing may ginagawa akong hindi niya gusto. Pero nitong huli, tila nag-iba ang ihip ng hangin. Nagpaalam ako nang dalawang araw para sa mga meeting at rehearsals para sa music video, pero hindi man lang ako hinanapan ng paliwanag o sinermunan ng mama ko.Pagbaba ko ng hagdan, nakita ko siya. Nakatayo siya sa gilid, naka-cross arm, na parang may hinihintay."Good morning, Ma," bati ko nang may pilit na ng
Mishon POVSa pagdating namin sa flower farm ni Aling Franceska, bumungad agad sa amin ang napakagandang tanawin ng mga bulaklak na nagkalat sa malawak na lupa. Napakalamig ng simoy ng hangin at ang bango ng mga bulaklak ay tila humahaplos sa bawat butas ng ilong ko. Pero ngayon palang ay parang kinakabahan na ako.Halos magkasunod lang kami dumating ni Ada. Habang bumababa ako sa kotse, natanaw kong kakalabas lang niya mula sa sasakyan niya. Napangiti ako. Si Ada ang isa sa mga dahilan kung bakit masaya akong sumali sa proyektong ito. Siya ang nag-push sa akin kaya pumayag ako kahit hindi ko porte ang pag-arte."Mishon!" tawag niya nang makita niya ako."Ada!" sagot ko habang nagmamadaling lumapit. Nang maglapit kami, mahigpit kaming nagyakapan, parang matagal na kaming hindi nagkikita, kahit ilang araw lang naman ang nakaraan mula noong huli kaming nagkita."Good morning!" bati ni Ada sa mga staff na naroon. Napapangiti talaga ako sa pagiging mabait niya. Parang lahat ng tao sa pali
Ada POVNang tawagin kami ulit ng director para sa susunod na eksena, nagkatinginan kami ni Mishon. Pareho kasi kaming shock pa dahil biglang nagkaroon ng kissing scene kanina. Nakalimang take pa kaya medyo nagkakahiyaan pa kami kahit alam kong may nangyari naman na sa amin sa kama. Kahit siya ang naka-virgïn sa akin, hindi ko maiwasang mahiya pa kasi normal ako, tapos lasing naman ako nung may mangyari sa amin. Iba talaga kapag ako.“I’m ready,” sabi niya habang nakangiti sa akin. Tila nawala na ang hiya niya, kaya dapat na rin akong umayos.Ang scene namin ay magkasama kaming mamimitas ng mga bulaklak habang naglalakad sa pagitan ng mga hilera ng sunflower at lavender na parang walang ibang tao sa paligid. Perfect para sa music video ni Czedric. Iba talaga mag-iisip ang mga staff ni Czedric. Talaga sinu-sure nilang maganda ang lahat ng magiging scene.“Just follow my lead, Mishon,” sabi ko habang binibigyan siya ng tip para magmukhang natural ang kilos niya.“Okay, but… don’t laugh
Mishon POVIba ang pakiramdam ko ngayon, parang ang gaan ng bawat galaw ko. Bakit hindi? Kahapon kasi ay naging official na kami ni Ada. Girlfriend ko na ang isang sikat na international fashion model! Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala.Pagbaba ko ng hagdan, diretso agad ako sa kusina. Wala akong pakialam kahit maaga pa, gusto kong magsimula nang maaga para maghanda ng sorpresa sa mga staff ko sa grapes farm ko.“Pizza for everyone!” sigaw ko sa sarili ko habang sinisimulan ang pagmamasa ng dough.Hindi ko alam kung bakit, pero napasipol ako habang naghahalo ng sauce. Ngayon lang ulit ako nakaramdam ng ganitong kasigla. Habang nilalagay ko ang toppings sa mga pizza, iniisip ko si Ada—ang mga ngiti niya, ang mga mata niyang kumikislap tuwing nagkikita kami. Hindi ko maiwasang mapangiti habang inaalala ang paraan ng paghawak niya sa kamay ko kahapon.Matapos ang halos dalawang oras ng pagluluto, inilabas ko ang mga mainit at mabangong pizza sa kitchen. Napuno ang lamesa ng
Ada POVPlano kong magpahinga sana buong araw sa mansiyon namin, magbasa ng libro at magbabad sa bath tub. Pero tila hindi ako tatantanan ng mama ko ngayon. Gaganti na ata siya dahil sa ginawa ni papa sa kaniya nung nakaraang araw dahil nahuli nito na sinasaktan at hinihingan ako ng malaking pera.“Ada!” malakas na sigaw niya mula sa sala.Napabuntong-hininga ako. Nakahilata pa ako sa couch noon, nakabalot ng kumot, pero nang marinig ko ang lakas ng boses niya, alam ko na—hindi ito magiging payapang araw.Bumaba ako ng hagdan. Sa sala, nakaupo ang mama ko, si Verena at si Taris—ang sulsulerang bruha sa kapatid ko. Hindi ko alam kung paano siya naging malapit sa mama ko, pero tuwing nandito siya, nagiging malas ang mga ganap sa bahay namin.“Mama,” sabi ko habang pilit na pinipigilan ang irritation sa boses ko.Ngumiti ang mama ko nang may kasamang pilyang ngiti. Nakakainis, bakit ganito ang trato niya sa anak niyang sikat na international model? Hindi ko talaga gets. “Adal, since you’
Mishon POVNgayong araw na ang alis ko dito sa Paris para umuwi muna pa-Pilipinas.Ito ang unang beses na uuwi ako sa Pilipinas habang naka-stay sa Parisna, kaya excited ako pero may halong lungkot—lalo na dahil hindi ako ihahatid ni Ada sa airport."I’ll just cry if I see you leave, so I’ll stay here." ‘Yon ang sabi niya kanina habang niyayakap ako nang mahigpit.Natawa na lang ako at hinaplos ang buhok niya. "I’ll be back soon, babe. Don’t miss me too much.""No promises."Kahit hindi siya sumama sa airport, alam kong suportado niya ang pag-uwi ko. At higit sa lahat, pinagkakatiwalaan ko siya.Nakadalawa naman siya ng sunod sa akin sa kama nitong mga nagdaang araw kasi sure akong kahit pa paano ay naging masaya siya bago ako umuwi. Heto nga at parang pagod na pagod at inaantok ako, masyado si Ada. Nung masanay na siya sa pakikipaglaro sa akin sa kama, nawili na, siya pa minsan ang nag-aaya kaya natatawa na ang ako sa tuwing bigla-bigla ay mag-aaya siya.Habang wala ako, nakaatang ki
Ada POVDati, hindi ko akalain na magiging ganito kasarap ang pakiramdam ng tumulong sa iba. Ngayon, habang tinitingnan ko ang excited na mukha ni Yanna, alam kong isa ito sa mga bagay na gusto kong ipagpatuloy—ang makita ang mga pinsan kong unti-unting naaabot ang mga pangarap niya.May Nakapansin na kay Yanna, kaya masaya ako.Kahapon lang, nag-photoshoot kaming tatlo nila Yanna at Verena sa isang simpleng shoot lang na ginawa namin para magpapansin sa social media at sa mga possible endorsers.At hindi lang basta napansin si Yanna—may nag-email na mismo sa kanya!Pagdating ko sa flower farm ni Mama Franceska, nakita kong tumakbo palapit sa akin si Yanna, hawak-hawak ang cellphone niya. Kitang-kita ko ang saya sa mukha niya na parang bata na nanalo sa isang contest."Ada! Ada! Look! I got an email!" sigaw niya habang humahangos sa pagtakbo.Napangiti ako at inabot ang phone niya. Pagbukas ko ng email, nakita ko ang offer para kay Yanna.Isang shampoo brand ang gustong gawing model s
Mishon POV Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Habang nakatayo ako sa gitna ng Tani Wine Shop, napapalibutan ng mga bakanteng shelves at walang natirang kahit isang bote ng wine, nanginginig ang kamay ko—hindi dahil sa kaba, kundi sa sobrang saya. Ubos. Sold out! Halos hindi ako makapaniwala. Kanina lang, puno ang shop ng mga bisita, celebrities, wine lovers at curious customers. Siksikan. Maingay. Masaya. Lahat din ay nagkakagulo sa pagtikim. Ngayon, ay halos parang dinilaan ng sawa ang buong lugar. Wala nang laman ang mga display racks, wala nang natirang stock sa storage at kahit ang staff ko ay hindi makapaniwala. Bigla akong napahawak sa ulo at napatawa. "Oh my god… We did it," bulong ko sa sarili ko. Napatigil ang lahat ng staff ko sa ginagawa nila at napatingin sa akin. Hindi ko na napigilan—napasigaw ako sa sobrang saya. "WE DID IT!" Nagpalakpakan ang lahat, may ilan pang napatalon sa tuwa. May mga yumakap sa isa’t isa, at ang
Ada POVOras naman para suportahan at pasayahin ko naman ang boyfriend ko. Ngayong araw, hindi lang ito tungkol sa isang grand opening ng shop ni Mishon—ito ay tungkol din sa pagtulong na pasikatin ang business niya. At gamit ang power ng pagiging sikat ko, gagamitin ko ang social media mamaya para tulungan siya.Matagal na niyang pinaghirapan ito, at ngayon, sa wakas, binubuksan na niya ang unang wine shop ng Tani Wine Company sa sentro ng Paris. Hindi ko palalampasin ang pagkakataong ito para ipakita ang buong suporta ko.At hindi lang ako ang pupunta. Kasama ko sina Yanna at Verena, at kahit hindi namin ito planong gawing isang modeling event, gusto kong siguraduhin na magmumukha kaming tatlong diyosa sa gabing ito.Maaga pa lang, pinatawag ko na ang glam team namin.Habang nakaupo sa harap ng salamin, sinisipat ko ang bawat kilos ng makeup artist ko. Gusto kong perfect ang look ko mamaya. Sa gilid ko, si Yanna at Verena ay parehong nakapikit habang inaayusan din."I love this look
Mishon POVMatagal ko nang pinapangarap na magkaroon ng sariling wine shop nung nasa Korea pa ako sa manisyon namin doon at ngayong araw, natupad na iyon. Para sa mga kagaya kong rich kid, oo, madali lang isipin na magkaroon ng ganito, pero hindi ganoon kadali pala kasi marami kang kailangang dapat ayusin. At proud ako sa sarili ko kasi nagawa ko ito ng maayos kahit minsan ay may mga pagkakamali rin.Nakahanap ako ng isang malaking shop sa sentro ng Paris, sakto sa vision ko para sa Tani Wine Company. Dati itong isang pizzeria, pero ngayon, gagawin ko itong isang eleganteng wine shop na may modernong disenyo—isang lugar kung saan mararamdaman ng mga tao ang kalidad at halaga ng alak na ginawa ko sa sarili kong farm.Oo, mahal ang renta, pero hindi ako nagdalawang-isip. Sa halip na magrenta lang, binili ko na ang buong property. Mas malaking puhunan, pero mas maganda dahil akin na ito nang tuluyan.Nakatayo ako ngayon sa harap ng shop habang pinagmamasdan ang lumang signage ng pizzeria
Ada POVAng flower farm ng mama ko ang napili kong lugar para sa pagtuturo ko kung paano lumakad sa runway stage kina Yanna at Verena. Malawak ang espasyo dito, tahimik at presko ang hangin—perfect setting para sa runway training. Isa pa, gusto kong maging mas komportable ang dalawa sa pagmo-model at mas madaling matuto kung relaxed ang paligid.Sa ilalim ng mainit ngunit hindi matinding sikat ng araw, nakatayo sina Yanna at Verena sa gitna ng daan na papunta sa flower garden. Ako naman ay nasa harapan nila, nakapamewang at nakangiti."Alright, ladies. Today, I’m going to teach you different types of runway walks," panimula ko. "It’s not just about walking—it’s about presence, confidence and knowing how to carry yourself."Tumango si Yanna, habang si Verena naman ay may bahagyang ngiti sa labi. Kahit hindi pa siya sanay, kita ko ang excitement sa mga mata niya."First, the classic runway walk," sabi ko at saka ako humakbang paharap. "Keep your shoulders back, your head high, and let y
Mishon POVAng pagtayo ng Tani Wine Company sa Paris ay isang pangarap na unti-unting nagiging realidad na ngayon. Matapos makuha ang opisyal na pag-apruba para sa pagbebenta ng aming alak, nagsimula na akong mag-focus sa branding, packaging at sa opisyal na operasyon ng kumpanya ko.Ngayong natapos na ang pagpapatayo ng unang opisyal na opisina malapit sa aming ubasan, oras na upang mag-hire ng mga propesyonal na tutulong sa akin sa pagbuo ng Tani Wine Company bilang isang premium brand.Maagang dumating ang mga bagong empleyado sa opisina at ngayon ay opisyal ko silang sasalubungin bilang CEO nitong Tani Wine Company. Sa isang conference room na may malalaking bintanang tanaw ang vineyard, pinulong ko ang mga key members ng branding at packaging team.“Welcome to Tani Wine Company,” panimula ko habang nakatayo sa harapan nila. “We have worked hard to get to this point, and now we’re taking our wines to the next level. That means exceptional branding, packaging, and presentation. I n
Mishon POV Sa wakas, dumating na ang araw na maaari ko nang ilabas sa merkado ang mga unang batch ng alak mula sa aking ubasan. Ngunit bago iyon, kailangan ko munang tiyakin na ang lahat ay naaayon sa mga regulasyon ng Pransya. Sa aking pagkaalam, ang mga alak na ibinebenta sa Pransya ay kailangang sumunod sa mga pamantayan ng Institut National de l'Origine et de la Qualité, ang ahensyang responsable sa pagkontrol ng mga produktong may Appellation d'Origine Contrôlée. Maaga akong nagising at agad na tinawagan ang aking assistant na si Marlo upang ipaalam ang mga hakbang na kailangan naming gawin. Magiging busy na ako kasi ito na ang simula ng pag-abot ko sa pangarap ko. "Marlo, kailangan nating tiyakin na ang ating mga alak ay sumusunod sa mga pamantayan ng INAO bago natin ito ilabas sa merkado. Maaari mo bang alamin ang proseso para sa pagsusuri at pag-apruba ng ating mga produkto?" "Opo, Sir Mishon. Agad kong sisimulan ang pag-research tungkol dito at kukunin ang lahat ng kinak
Ada POVDahil sa pagbabalik ni mama sa buhay namin, at sa pagtanggal sa trono ni Sora na mama ni Verena, naisip ko na kailanman ay hindi na magkakasundo ang Mama Franceska ko at si Verena.Si Verena—ang anak ng taong sumira sa buhay ng Mama ko noon. Kahit pa hindi kasalanan ni Verena ang mga ginawa ni Sora, hindi ko rin masisisi ang Mama kung bakit hindi niya agad pinansin si Verena kasi sinabi ko rin sa kaniya kung anong naging trato nito sa akin nitong mga nagdaang buwan. At dahil doon, kaya siguro nagalit o nagtampo din sa kaniya si mama.Pero nitong mga nakaraang araw, may napansin akong pagbabago. Napansin kong kahit paano, nagiging mabuti na ang Mama kay Verena. Kapag lunch o dinner, lagi niyang tinatawag si Verena para isabay sa pagkain namin.Hindi ito ‘yung tipong pilit lang o dahil anak pa rin siya ni papa. Ramdam kong genuine ito."Verena, come eat with us," madalas kong marinig na tawag ni Mama kapag nakikita niyang nasa malayo lang ito.At kahit pa minsan ay tila nag-aala