Hahakbang paabante. Hahakbang paatras.
Kanina pa nasa tapat ng pintuan ng opisina ni Lucas sa mansyon si Lera, hindi niya malaman kung itutuloy ba ang binabalak o hindi.
“Lera?” Halos atakehin siya sa puso dahil gulat nang biglang sumulpot ang lalaki sa kan’yang likod.
Kapwa sila nakasuot ng pantulog.
“May kailangan ka?” Dumapo ang mata ni Lucas sa librong hawak ng babae.
“Busy ka ba?” tanong nito.
Umiling si Lucas kahit ang totoo’y tambak ang papeles na dapat niyang review-hin sa opisina.
“Not really, what is it?”
Nag-aalangan man ay nagpatuloy si Lera sa sadya niya sa lalaki.
“Hindi ko kasi maintindihan ang topic kanina sa klase. Exam namin bukas. Baka alam mo? Pwede mo ba akong turuan?”
Totoong hindi niya nauunawaan ang lecture kanina. Ang gawing tutor si Lucas ay hindi kasama sa mga plano niya.
“Sure, pasok ka.”
Hindi pa kailanman na-excite si Lucas na magturo, kahit noon na nag-substitute instructor siya ay hindi niya ito kinahiligan, maliban ngayon.
Umupo silang dalawa sa sofa. Ikwenento ni Lera ang parte ng topic na hindi niya maintindihan. Sa una’y pormal na tanong-sagot ang naging pag-uusap nila pero habang nagtatagal ay kapwa na sila nagiging komportable sa bawat isa.
Hindi maitatanggi ni Lera na noon pa man ay magaling nang magturo si Lucas, kaya hindi nakakapagtaka na mabilis niyang natutunan dito ang topic kanina.
“No, that’s wrong.”
Nangunot ang noo ni Lera at pinaulit muli kay Lucas ang tanong nito.
Na-enjoy yata ng lalaki ang pagtuturo dahil nag-alok pa itong i-review siya para sa magiging exam bukas.
“Just kidding,” pagbawi ng lalaki na nagpairap kay Lera.
Tumawa si Lucas sa naging reaksyon niya.
Kanina pa nahahalata ni Lera ang pang-go-good time nito sa kan’ya, kaya hindi naging mailang ang pagturo niya.
“Ang badoy mo,” komento pabalik ni Lera na nagpatawang muli kay Lucas.
Mas lalo niyang nakilala ang lalaki. Walang kwestyon ang pagiging matalino nito subalit ang hindi niya inaasahan ay marunong din pala itong magbiro at tumawa. Palibhasa’y puro na lamang away ang namamagitan sa kanila noon.
Niligpit na ni Lera ang mga libro. Halos magdadalawang oras na pala siyang tinuturuan ng lalaki.
“Tatabihan mo ba si Arim?” Ilang gabi nang siya ang tumatabi sa anak, kaya naisip niyang itanong ito kay Lucas.
“No, ikaw na, para naman bukas inspired ka mag-take ng exam.”
Napangiti si Lera. Ang gaan ng kan’yang loob, hindi niya alam kung bakit gayong nasa kan’yang harapan ang taong puno’t dulo ng mga paghihirap niya noon.
Tumayo siya kasabay ni Lucas na sinamahan pa siya patungo sa pintuan.
“Thank you, Lucas,” sinsero niyang saad.
Marahan na tumango ang binata sa pag-aakalang iyon lang ang gagawin ng babae at lalabas na. Subalit ikinagulat niya nang tumingkayad ito at inabot ang kan’yang pisngi para sa isang halik.
Sayang ang pagkakataon na ito kung hanggang ‘thank you’ lamang ang sasabihin ni Lera, kailangan niyang umaksyon.
“Good night,” ani Lera upang itago ang pamumula ng sariling mga pisngi.
Siya itong h*****k pero bakit siya pa itong tila kinilig.
Kapal ng mukha at lakas ng loob. Hindi sinabi ni Maris na ito pala ang kailangan ni Lera.“Mama?” Nakakatatlong tawag na sa kan’yang pangalan si Arim pero hindi pa rin lumalabas sa kwarto si Lera. Paulit-ulit na lumilitaw sa kan’yang isipan ang ginawang paghalik kay Lucas kagabi.“Sa pisngi? Ang hina mo! Sa pisngi lang ‘yon kaya lumabas ka na d’yan.” Narinig niyang sabi ni Maris sa kabilang linya. Kagabi niya pa ito tinatawagan subalit hindi sumasagot kaya maagang-maaga pa ay tumawag na ito sa pag-aakalang may emerhensya siya.Bahagyang binuksan ni Lera ang pinto at nakita ang anak na nakahalukipkip sa tapat ng kan’yang kwarto. Gusto niyang ngumiti nang makita kung gaano kaseryoso ang mukha nito, animo’y nayayamot na sa tagal niyang magbukas, subalit umurong ang kan’yang ngiti nang makitang ganoon din ang itsura ni Lucas sa likod ng anak.Nanlaki ang kan’yang mata kasabay nang pag-iin
Itinuon ni Lera ang atensyon sa daan habang abalang magmaneho si Lucas patungo sa opisina. Hindi niya malaman kung bakit nagawa niyang sabihin na sira ang kan’yang kotse para lang makasabay sa lalaki. Ideya iyon ni Maris, hindi kan’ya. Kulang na nga lang ay iuwi niya na ang sasakyan sa kanilang bahay dahil hindi niya naman ito nagagamit.Tumikhim si Lucas kaya dahan-dahan siyang tumingin dito. Hindi niya nagugustuhan na tila kaytagal nilang makarating sa paroroonan.“Doon ba kayo matutulog ni Arim mamaya kina nanay Nora?” kaswal nitong tanong.Walang pasok ang bata kaya napagpasyahan nilang ihatid ito sa nanay ni Lera.“Oo,” tipid niyang sagot. Masyadong mabait ang kan’yang ina para ito na ang magsabi kay Lucas na tawagin siyang nanay. Minsan naiisip niyang tama na naglihim siya dito sa planong ipaghiganti ang ama, dahil kung hindi ay paniguradong ito ang unang sasaway sa kan’ya.Naalala niya nang isa
Isang malamig na baso ng alak ang nilagok ni Lera habang sinusundan ng tingin si Lucas palabas ng bar. Nakatanggap ito ng tawag kaya sandali munang iniwan silang apat sa pabilog na sofa.Padabog niyang inilapag ang baso sa lamesa pagkatapos ay kinuha ang bote ng alak upang sana’y inumin pero wala na itong laman. Hindi lang iyon kun’di lahat ng boteng nasa lamesa. Higit tatlong oras na silang nag-iinom kaya hindi na iyon nakakapagtaka.Sumimangot siya kay Jervy.“Ubos na, Jervy.” Ang kan’yang panalita ay hindi na malinaw, indikasyon na nasa wisyo na siya ng alak.Marahas na kinuha ni Maris ang bote sa kaibigan. Hindi niya alam kung bakit halos ito pa ang walang pakundangan na um-order ng alak sa kanila, gayong hindi naman ito mahilig uminom. Hindi niya rin gusto na hinayaan ito ni Lucas na magpakalasing.Masamang tingin ang ipinukol ni Lera kay Maris. Kung hindi sana nito inimbitahan si Lucas ay hindi siya iinom nang ma
Ang pamilyar na amoy ng lalaki ang nagpamulat kay Lera sa malalim na pagkakatulog. Mabilis siyang bumangon nang maalala ang nangyari kagabi. Dahan-dahan siyang lumingon sa tabi at nakahinga nang maluwag nang makitang wala na doon si Lucas.Napatingin siya sa ilalim ng kumot at napagtantong suot niya ang damit ni Lucas. Malaki ito kaya natatakpan ang boxer shorts na isunuot din ng lalaki sa kan'ya bago ito tumabi sa kan'ya sa pagtulog kagabi. Hindi niya iyon maalala dahil mabilis siyang nakatulog sa pagod at pagkalasing.Napatingin siya sa kan'yang teleponong nasa side table. Kinuha niya iyon at bubuksan sana nang makarinig ng kaluskos mula sa pintuan. Mabilis siyang bumangon at nagtungo sa banyo.Siguradong tandang-tanda pa ni Lucas ang nangyari kagabi. Kung paano niya hinila ang lalaki dahilan upang may mangyari sa kanila."Lera?" Napapitlag siya nang kumatok ito sa pintuan ng banyo. Dali-dali niyang binuksan ang shower upang magmukhang naliligo siya. Tu
Ano nga ba ang pakiramdam ng nililigawan? Paano ba ito ginagawa? Palagi ba’ng nagbibigay ng bulaklak at tsokolate ang lalaki sa babae o may iba pa’ng mas nakakakilig na paraan upang ipadama sa nililigawan mo na seryoso at totoo ang nararamdaman mo para sa kan’ya?Muling binura ni Lera ang ginagawang report sa kan’yang laptop. Hindi siya makapag-pokus dahil naglalaro sa kan’yang isipan ang binitiwang salita kahapon ni Lucas.Pinapatigil nitong manligaw si Jervy sa kan’ya gayong simula’t sapol ay wala pa’ng nanliligaw sa kan’ya. At ayaw nitong may karibal. Karibal saan? Sa panliligaw ba?Ano ba’ng alam ni Lera sa panliligaw? Simula nang magkaroon siya ng anak ay ibinuhos niya na ang lahat ng pagmamahal dito at ‘ni minsan ay hindi sumagi sa kan’yang isipan ang magkaroon ng nobyo.Subalit kung totoo man na manliligaw si Lucas, hindi ba dapat ay masaya siya? Dahil ibig sabihin lamang nito
Sabi nila, ang pagmamahal ay dumarating sa panahon at taong ‘di mo inaasahan.Nakakailang hikab na si Lucas subalit pilit niya pa din nilalabanan ang antok. Marami pa’ng papeles ang nakatambak sa kan’yang lamesa na kailangan niyang review-hin.“Yes?” Nanatiling tutok ang kan’yang mga mata sa ginagawa nang sagutin ang kumakatok sa pinto.Iniluwa nito si Lera na may dalang kape. Mabilis niya itong binalingan ng tingin.Kailan ba nagsimulang magbago ang paningin niya sa babae? Hindi niya matandaan. Basta ang alam niya lang kapag nasa paligid ito ay kusang napupunta dito ang buong atensyon niya.Inilapag ni Lera ang kape sa lamesa.“Thank you.” Wala siyang matandaan na humingi siya ng kape dito, pero kailangan niya ito ngayon upang ipanglaban sa labis na pagkaantok.Sumimsim siya. Sigurado siyang hindi pa iyon umeepekto pero nawala na ang antok niya. Dahil ba iyon sa presensya ng magan
Mahirap para kay Lera na akitin ang isang Lucas Valle. Makailang ulit niyang naisip na umatras sa plano dahil pakiramdam niya’y magmumukha lamang siyang tanga. Para sa kan’ya, mataas si Lucas, hindi ito kailanman mahuhulog sa patibong niya. Gayunpaman, itinuloy niya ang balak. Subalit sa proseso ay mas lalo niyang nakilala ang lalaki, may kabutihan itong taglay. Mabait at maunawain na tagapamahala sa sakahan, isang masipag at tapat na kasosyo sa negosyo, at higit sa lahat, mabuting ama para kay Arim.Tumigil ang mundo ni Lera nang marinig niya ang katanungan nito. Hindi pala ang pang-aakit sa isang Lucas Valle ang mahirap kun’di ang pagsagot sa tanong nito.Hindi lang siya basta gusto ng binata, mahal na siya nito. Nakalimutan niya na yata ang nasa kan’yang plano na kapag nangyari ang bagay na ito ay walang pag-aalinlangan siyang sasagot ng ‘oo’.“Ang bilis naman yata, Lucas.” Sa wakas ay nagawa niyang magsalita.
Ano ang mas matimbang ang noon o ang ngayon?Tulalang hinahalo ni Lera ang kan’yang kape sa pantry ng opisina. Sasapit pa lamang ang tanghali subalit hindi niya na kayang labanan ang antok.“Lera.” Pinalakas yata ng kape ang nerbyos niya nang marinig ang boses ni Lucas sa kan’yang likod.Kagaya niya ay nangangalumata ito. Hindi rin ba ito nakatulog kagabi?Ang kan’yang katanungan ay nasagot nang sabay silang humikab. Hindi napigilan ni Lucas ang mapangiti nang mapansin iyon. Si Lera nama’y yumuko at dali-daling binitbit ang kape upang sana’y lumabas na nang pigilan siya ng lalaki.“Iniiwasan mo ba ako?”Nakakatawang isipin na si Lera ang unang nagpakita ng motibo ngunit nang pinatulan na siya ay siya na itong umaatras.Para ba’ng pinahulog ka lang tapos n’ong hulog na hulog ka na basta ka na lang iiwan.“H-hindi. May gagawin pa kasi ako.”&ldqu