Humupa na ang mga luha sa pagdaloy sa pisngi ni Lera. Tahimik siyang nakaupo sa shotgun seat ng kotse ni Lucas. Tulala ang kan'yang mata sa daan habang marahan na nagmamaneho ang lalaki.
"Ganoon ba talaga katindi ang pagkadisgusto mo sa akin para hayaan mo'ng ibang babae ang ituring na ina ni Arim. Alam ko na nobya mo si Maica, pero sana naging patas ka naman."
Ngumisi si Lucas. Hindi niya nagustuhan ang sinabi ng babae kahit mayroong parte sa puso niya ang tila nalulungkot para dito.
"Ganoon din naman ang gagawin mo kung hindi ko kayo nahanap ni Arim noon 'di ba? Baka ngayon ay ibang lalaki na din ang itinuturing niyang ama."
Matalim na titig ang ipinukol ni Lera sa lalaki, kahit pa hindi siya magawang titigan nito. Mas lalong nakakaramdam ng awa si Lucas sa babae sa tuwing nakikita niya ang pamamaga ng mga mata nito.
May parte sa puso niya na ayaw pagkatiwalaan ang ipinapakita nito dahil nang minsang ginawa niya iyon ay muntikan nang malayo sa ka
Pinaikot ni Lera ang pulang likido sa hawak niyang babasaging kopita bago ito ininom. Gustong-gusto niya ang lasa ng wine na gawa sa grapes na pangunahing produkto ng kompanyang iniwan ng kan'yang dating amo."Hindi ko talaga makakalimutan ang pamumutla ng mukha ni Ginang Juana nang ipakilala kita sa kanila." Umalingawngaw ang malutong na tawa ni Maris nang banggitin niya ang nangyari kanina.Matapos siyang ipakilala bilang may-ari ng YGC ay tila nawalan nang gana ang ginang na makipag-usap sa kanila. Umalis din ito kaagad."Lucas was also shocked," komento ni Peter."Sa tingin mo hihingi pa kaya sila ng tulong?"Imbes na si Lera ang sumagot ay si Peter ang nagsalita."I think so. Madaming utang si Ginang Juana. She has a reputation in Sta. Ignacia too, hindi niya hahayaan na masira iyon."Tipid na napangiti si Lera. Kahit pumayag man ang mga Valle sa alok niyang tulong ay wala pa rin kasiguraduhan kung mananatili sa bansa si Lu
Bitbit sa kaliwang kamay ang branded na bag ay bumaba na si Lera sa hagdanan. Sa salas ay tanaw niya na si Peter at Maris na hinihintay siyang matapos.Hindi katulad nang nauna ay kinse minutos niya lamang balak na mahuli sa usapan nila ni Ginang Juana at Lucas."Anak, sandali. May ipapadala ako sa'yo." Tinawag siya ng ina sa kusina.Naabutan niya itong inilalagay sa paper bag ang tatlong tupperware ng iba't-ibang klaseng mga kakanin."Ibigay mo ito sa apo ko. Mga paborito niya ito."Malungkot siyang napangiti sa ina. Alam niyang miss na miss na nito ang una at nag-iisang apo."Ibibigay ko po ito inay. Kaunting tiis na lang po makakasama na natin si Arim."Seryoso siyang tinitigan ng ina."Lera, kailangan mo pa ba'ng pasukin ang kanilang negosyo? Ang mansyon sa Sta. Ignacia, kailangan ba talaga natin iyon?"Sanay si Lera na palaging sinasang-ayunan ng ina, kung kaya't naninibago siya sa pagtutol nito ngayon. Gayunp
Halos mamuti na ang kamao ni Lucas sa higpit nang pagkakakapit niya sa manibela ng sasakyan. Pinipigilan niyang kainin ng galit ang kan'yang sistema.Paano nagawang itaya ng kan'yang ina ang kanilang mga ari-arian sa sugal? Napakahalaga ng mga lupain nila dahil iyon ang unang naipundar ng kan'yang yumaong ama. Hindi niya akalaing kayang isakripisyo ito ng ina para sa bisyo.Sumunod siya sa ina sa kanilang mansyon. Umaasa pa din siyang sinisiraan lamang ito ni Lera."Is that true?"Natagpuan niya ang ina sa opisina nito. Abala itong tumawag sa mga kaibigan at dating kasosyo sa negosyo upang humingi ng tulong.Pilit na ngumiti si Ginang Juana sa anak."Hindi, anak. Bakit ka maniniwala sa babaeng iyon? Nagsisinungaling lamang siya."Nagbinata man siya sa America, kilalang-kilala niya ang ina. Sa paggalaw pa lamang ng mga mata at tono ng pananalita nito, alam niyang nagsisinungaling ito."Mom, stop lying please! Just te
"Sorry na nga. Malay ko ba'ng hindi unan ang kayakap ko. Saka hindi ko naman alam na nandito ka." Nakapameywang na humarap si Lera kay Lucas. Napagkamalan siya nitong unan. Hindi iyon makatarungan. "Papa, tara na po." Kapwa sila napaayos ng tayo nang sumulpot si Arim. Kanina pa nais komprontahin ni Lucas si Lera kung bakit naroon iyon sa kan'yang condo unit subalit hindi niya magawa dahil abala ang babae sa pag-asikaso sa kanilang anak. Kinuha ni Lera ang kan'yang bag. Mabuti na lamang ay may dala siyang ekstrang damit. Palagi niyang inaantisipa na bawat pagpunta niya sa condo ni Lucas ay makakatabi niyang muli ang anak sa pagtulog at kagabi nga ay nangyari iyon nang magpaalam sa kan'ya ang yaya ng anak. Sumabay siya kay Arim sa paglalakad habang si Lucas naman ay nasa kanilang likod na magkasalubong na magkasalubong ang mga kilay. Magdamag na magkasama ang kan'yang anak at si Lera, kaya kitang-kita niya ang closeness nito. Minsan nga'y napapa
Napatingin siya kay Lucas. Kung siya lamang ang naroon ay baka sinabi niya na sa bata kung ano ang totoo nilang ugnayan."Where do you want to eat Arim?" Iniwasan ni Lucas ang usapan. Napabuntong-hininga si Lera, kailangan nilang mag-usap dalawa.Dumiretso sila sa paboritong kainan ng bata. Walang sawang pinagsilbihan ni Lera ang anak. Hindi yata siya mapapagod na gawin iyon."Lucas, mamaya na ako uuwi. Gusto ko pa'ng makasama si Arim."Pinagbigyan siya ng lalaki. Sumama siya dito sa condo unit. Tatawagan niya na lamang si Maris para magpasundo.Kagaya ng nakagawian noong paslit pa si Arim ay pinagitnaan nila ito ni Lucas sa kama. Nang masigurong tulog na ang bata ay inaya siya ng lalaki sa salas."I just wanted to clear things out Lera."Napataas ng parehong kilay si Lera. Bakit pakiramdam niya'y magbibigay na naman ito ng boundaries sa pagitan nila ng anak?"Ayokong pumupunta ka dito nang hindi ko alam. Hindi ko g
Maaga pa ngunit nakabihis na si Lera. Hindi niya alam kung totoong maglilibot sila ni Lucas sa farm ngayon. Gayunpaman, may plano siyang bisitahin ang anak kaya magkikita pa din sila ng lalaki sa araw na ito."Kailan ba namin pwedeng makita at mabisita ang apo ko?"Kasabay ni Lera ang ina at kapatid, na si Mikoy, sa agahan. Si Maris ay tulog na tulog pa dahil sobra itong nalasing kagabi."Oo nga ate. Miss na miss na namin si Arim."Malungkot na napangiti si Lera. Kung siya nga na nakakasama ang anak ay namimiss pa din ito sa tuwing umuuwi siya, paano pa kaya ang kan'yang pamilya.Matapos kumain ay nagmaneho siya patungo sa condo unit ni Lucas.Kumatok siya sa pintuan.Bumukas ito subalit hindi niya inaasahan ang bubungad sa kan'ya.Napaatras siya ng isang hakbang nang lumantad ang walang pang-itaas na si Lucas."Ang aga mo." Wala sa sariling saad ni Lucas. Huli na para mapagtanto niyang natulala sa kan'yang katawan
Alas-onse y medya nang tanghali nang magkan'ya-kan'yang takbuhan ang mga bata patungo sa kantina upang kumain nang pananghalian. Break time nila mula sa klase kabilang na si Arim.Sa pagmamadali niya upang makasabay ang kan'yang mga kamag-aral ay hindi niya namalayan na lumuwag ang pagkakatali ng sintas ng kan'yang sapatos. Naapakan niya ito dahilan upang mapatid siya."Arim!" sigaw ni Chesca nang makita ang nangyari.Mag-isang bumangon si Arim. Pinagpagan niya ang tuhod na nagkaroon ng kaunting galos. Hindi niya iyon ininda at pilit na sinintas ang sapatos. Lumuwag pa din iyon nang magsimula na siyang maglakad patungo sa kantina kung nasaan ang mga pinsan kasunod si Chesca."Ano'ng nangyari sa'yo?" tanong ng kan'yang Tita, nanay ni Chesca."Nadapa po 'yan mommy. Hindi nag-iingat," sumbong ni Chesca.Wala ang kan'yang yaya upang umasikaso sa kan'ya. Ang kan'yang tita naman ay abala sa pag-asikaso sa kan'yang mga pinsan."Wow! Thank yo
Nagtatanong na mga tingin ang ipinupukol ni Arim kay Lera at Lucas sa hapag dahilan upang hindi makakain nang maayos ang dalawa."Kumain ka na anak, may pasok ka pa," maotoridad na sabi ni Lucas sa bata.Iniabot ni Lera ang gatas dito, kasabay ng kape ni Lucas. Dahan-dahan na lumingon ang lalaki. Animo'y nagtataka sa ginawa nito.Matapos ang higit tatlong taon ngayon lamang siya muling nalanghap ang kape na timpla ni Lera.Sumimsim siya. Mainit iyon, tamang-tama lamang upang maibsan ang lamig na nararamdaman niya ngayong kasabay muli nila ng anak si Lera sa hapag.Nakakapagtakang ang paglapit ni Lera sa kanilang anak ang bumabagabag sa kan'yang isipan subalit hindi niya matukoy kung paano napapanatag ang kan'yang puso sa presensya nito. Katulad na lamang kagabi na sa condo niya ito natulog. Kung iisipin ay dapat siya maging maingat dahil anumang oras ay kayang-kaya nito na makuha si Arim nang sapilitan o hindi niya alam.Subalit heto s
Pag-ibig. Isang makapangyarihang pakiramdam ang pag-ibig. Oras na magmahal ka, nabubulag ang puso mo sa iba pa'ng pakiramdam. Ang sakit at puot ay hindi mo madarama dahil ang tibok ng pusong nagmamahal ay ang natatanging emosyon na nais mong maramdaman. Hindi ka manhid, hindi ka bulag. Tinuruan ka lang ng pag-ibig kung paano makita ang positibo sa bawat bagay. Ito ang pag-ibig, emosyong mahirap pigilan at kalabanin."Relax Lucas." Ang pampapalubag loob na mga salita mula sa mga nakakatandang kapatid ni Lucas sa kan'yang likod ay hindi nakatulong upang maibsan ang malakas na tibok ng kan'yang puso.Marahan niyang minasahe ang kamay, pagkalaon ay inaayos ang kurbata at hinahagod ang buhok palikod. Paulit-ulit niyang ginagawa ngunit naroon pa din ang kaba."Papa, relax ka lang po." Napatingin siya sa tabi nang magsalita ang anak na kagaya niya ang suot na tuxedo."Ang tagal kasi ng mama mo. Nasa labas na siya 'di ba anak?" Ang mga naglalakad
Ang maingay at masayang mansyon ay nabalot ng katahimikan. Pakiramdam ni Lera ay bumalik siya sa panahon kung saan pinagpaplanuhan niya pa lamang na bawiin ang anak. Nakakapanibago. Nakakalungkot."Hindi talaga naubusan ng paraan si Ginang Juana para makuha sa'yo ang mag-ama mo."Hindi pinansin ni Lera ang sinabi ng kaibigan. Ang kan'yang mga mata ay tutok sa wedding gown na ipinadala kaninang umaga ng designer sa mansyon. Biglaan ang mga pangyayari kaya kahapon pa lang siya nakaabiso dito na kanselado ang kasal."Ikakasal na kayo bukas pero nagawa pa din ni Lucas na umalis kasama pa si Arim," dagdag pa ni Maris na umupo sa kama at pinagmasdan ang malungkot na kaibigan."Nasabihan mo na ba ang mga bisita na hindi na tuloy ang kasal bukas?" pagkalaon ay tanong ni Lera.Marahan na tumango si Maris. Sa totoo lang ay naaawa siya sa kaibigan, ngunit wala naman siyang magagawa kung sa bandang huli ay nais maging kontrabida ni Ginang Juana.
Ang pag-ibig ay mas matamis sa ikalawang pagkakataon. Tama nga siguro ang kasabihan dahil walang paglagyan ang kasiyahan na nadarama ng puso ni Lucas at ni Lera. Tila ba isang gamot na pampalimot ang pag-ibig, na nagawa nitong burahin sa kanilang alaala ang mga pinagdaanan noon."Papa, tama po ba ito?" tanong ni Arim habang pilit na itinatali ang munting na kurbata sa kan'yang leeg.Bahagyang umupo si Lucas upang magpantay sila ng anak at inayos ang pagkakatali ng kurbata. Napangiti siya nang makita na maliit na bersyon niya ang anak dahil pareho sila ng suot pati ang pagkakahagod ng buhok palikod."Papunta na daw siya dito." Mabilis siyang napaayos ng tayo nang marinig ang humahangos na boses ni Maris.Inilibot niya ang paningin sa kabuuan ng lugar bago pa man patayin ang ilaw doon.Nabalot ng dilim ang function hall ng hotel na ipina-reserve niya. Kinuntsaba niya ang malalapit na kaibigan ni Lera kabilang na si Jervy, na nirerespeto ang
Ang katahimikan ng gabi ay hindi napapansin ni Lera dahil ang kan'yang isipan ay ukopado nang naging pag-uusap nila kahapon ng kan'yang mag-ama. Partikular na ang katanungan ng mga ito sa kan'ya. Kung hindi lamang siguro pumasok sa loob ng silid ang kan'yang Nanay Nora ay baka napatango na siya. Subalit, ano pa ba ang bumabagabag sa kan'yang isipan? Si Ginang Juana ba? Malayo na si Ginang Juana at kung magtitiwala lamang siya kay Lucas ay madali para sa kanila na magkaroon ng isang buong pamilya. "Tulog na si Arim?" Ang pagpasok ni Lucas sa silid ay hindi niya napansin. Mabilis siyang napabangon sa higaan at kinapa ang noo ng bata. Mayroon itong sinat kaninang umaga. "Nakatulog na din. Mamaya kapag tumaas pa ang lagnat ay gigisingin ko para uminom ng gamot." Hindi niya naiwasan ang humikab matapos sabihin iyon. Umupo si Lucas sa paanan ng kama. "Ako na ang magbabantay sa kan'ya. Matulog ka na sa kwarto mo," anito. Umiling siya. H
Mula sa terasa ng kwarto ay nakangiting pinagmamasdan ni Lera ang kan'yang mag-ama at si Mikoy na maglaro ng basketball. Gumawa ng maliit na basketball court sa likod bahay si Lucas nang isang araw.Narinig niya ang halakhakan ng mga ito nang pumalya si Mikoy sa pag-shoot ng bola.Ang kan'yang malawak na ngiti ay naglaho nang tumuon sa kan'ya ang tingin ni Lucas. Itinuro siya nito na animo'y sinasabing para sa kan'ya ang pagtira nito ng bola sa ring.Narinig niya pa ang kantyawan ni Arim at Mikoy sa kanila. Hindi niya alam kung kailan naging close ang dalawa dahil simula nang bumalik siya ay parang ito na ang magkapatid.Kinagat niya ang pang-ibabang labi upang pigilan ang pagtawa nang mag-bounce lang pabalik ang bola. Humalukipkip siya at mataray na pinasadahan ng tingin si Lucas."Sira 'yong ring! Aayusin ko ito mamaya," sigaw nito nang tumalikod siya.Walang pasok kung kaya sabay-sabay silang kumain ng tanghalian sa bakuran. Sariwa ang ha
Ika nga sa sikat na kasabihan, action speaks louder than words. Ikinaiinis ito ni Lera. Bakit ba siya nakatulog sa tabi ni Lucas? Nakayakap pa siya dito. Hindi tuloy mawala ang ngiti sa labi ng lalaki kinabukasan. "Nakasuot ka pa ng pajama," pang-aasar nito sa kan'ya habang nagsasalo sila ng agahan sa hapag. Sinamaan niya ito ng tingin habang walang habas na hinihiwa ang bacon sa kan'yang plato. Tumigil lang ito sa pang-aasar nang tumunog ang telepono. "Yes anak, nandito ang mama po. I think she's worried to me last night kaya nakarating dito." Nagkakamali pala siya dahil nagpatuloy pa din ito sa pang-aasar. Mabilis na tumayo si Lera at sapilitan na inagaw ang telepono kay Lucas. Lihim na napatawa ang mga katulong na pinagmamasdan sila mula sa isang tabi. "Parang mga teenagers na nag-iibigan," komento ng mga ito. Kinausap ni Lera ang anak. Kasama ito ng kan'yang Tito Mikoy. Ipapasyal daw. Mabuti iyon para malibang ang bata.
Ang hirap magdesisyon kapag hindi umaayon sa'yo ang sitwasyon."Ipa-kidnap na lang natin si Arim. May kakilala ako'ng sindikato," seryosong saad ni Maris na ikinairap ni Lera.Bakit nga ba siya nagtatanong pa ng payo dito? Wala naman siyang makuhang matinong sagot.Kinuha niya ang bag at handa nang umalis sa opisina. Uuwi siya sa mansyon nila sa Sta. Ignacia, kagaya ng kondisyon na ibinigay niya sa anak. Mananatili sila sa Pilipinas kasama si Lucas ngunit doon sila maninirahan."Bye! Hoping for a comeback!"Naiiling na iniwan niya ang kaibigan. Hindi niya alam kung saan ba ito pumapanig. Isa pa'y wala naman balikan na mangyayari dahil walang nakikipagbalikan. Ang kanilang pagsasama ngayon ay para na lamang sa bata. Sa mga susunod na araw ay binabalak niya nang kumbinsihin ang anak at ipaunawa dito ang magiging set-up nila ni Lucas bilang magulang. Ipapaliwanag niya na hindi na sila pwedeng magsama sa iisang bubong."Mabuti naman kung hindi n
"Ikaw ang haligi ng tahanan. Keep your family in the loop. You are their protector. There is no reason to give up. Alam ko naman na hindi ka susuko, but I just wanted to remind you that dad didn't raise us to be ungentleman. Harapin mo ang problema mo. Bawiin mo ang pamilya mo. Ako na ang bahala kay mommy."Ang mga sinabi ng kan'yang kapatid na si Dominic ang nagpapalakas sa loob ni Lucas.Isang araw ang nilaan niya upang bigyan ng lakas ang sarili. Hindi biro ang sakit na ibinigay niya kay Lera. Hindi niya alam kung mayroon ba'ng kapatawaran iyon, subalit nais niyang subukan.Hindi niya susukuan ang taong kan'yang mahal."Lera, this is Lucas." Matapos ang higit isang buwan na hindi ito nakakausap ay hiningi niya kay Mikoy ang bagong numero nito."Please, not now Lucas. Nawawala ang anak natin." Gusto niyang ngumiti nang marinig ang salitang 'natin'. Mayroon pa din silang koneksyon. Subalit, pinili niyang hindi ituloy ang pagngiti nang
Matagal nang naka-plano sa isipan ni Lera na sarilinin si Arim. Ngayong kasama niya na ang anak akala niyang buo ang kasiyahan na kan'yang madarama. Hindi pala. Mayroong pa din kulang. Alam niya kung sino, pero alam niya din na hindi maaari."Ako na ang bahala sa kompanya. I'll report to you everything," ani Peter."Kami na din ang bahala kay Nanay Nora at Mikoy," dagdag ni Maris. Pinili niyang huwag na munang isama ang ina upang may makasama ang bunsong kapatid."Thank you." Nagpaalam siya sa dalawa nang umalis na ito.Iginala niya ang mata sa kabuuan ng lugar. Dalawang palapag na bahay ang kanilang nirentahan. Sa taas ay may dalawang kwarto at sa ibaba naman ang salas at kusina. Hindi ganoon kalaki subalit sapat na para sa kanilang dalawa ng anak. Pansamantala lang naman ito dahil sa susunod na buwan ay baka makaalis na din sila ng bansa kasama ang ina.Inihanda niya ang lahat ng kailangan sa ibang bansa para sa sana ay pag-alis nila,